Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • TWENTY-SIX


Ellaine

"KA-KAYA pala kayo late," sabi ni Jamie habang humihikbi. Bilang sagot, tumango na lamang ako.

"Kumusta ang bata?" tanong ni Sharm.

"Ka-Kausap ni Zander," sagot ko.

Flashback.

"Hush, I'll talk to Elvi, but you need to go, you might get late."

"Please do something for him, Zander."

He hugged me tight and caress my hair. "I will," he said and this time, he hugged me very tightly. "Just don't cry, it breaks me down seeing you cry and to be hurt."

His words make me feel calm and comfortable with this situation.

I know, he also worried about Elvi as I worried about Elvi.

End of Flashback.

"Kaya right after our practice, pupuntahan ko si Elvi," sabi ko at talagang desidido ako.

"Nasaan si Zander?" tanong ni Kuya na kadarating lang.

"Bakit hindi siya um-attend?" tanong din ni Vhan.

"I will explain to these idiots," Alexia offered and tell a story to Vhan and Kuya. "Hindi mo ba pansin na wala si Ethan? Bumalik siya sa kinaroroonan ni Kuya Z pagkatapos niyang maihatid si Ate Ell dito."

Tumingin ako kay Kuya at malungkot na pinukulan ako ng tingin. "So-Sorry, hindi ko alam."

"Okay lang Kuya," malumbay kong sabi at saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko. "Uuna na ako Kuya, may practice pa kami."

Pagkasabi ko noon, umalis na ako para magtungo sa court at inisip si Elvi. Noong nakita ko ang bata kanina, hindi ako makapaniwala na nagagawa niyang maging matatag. Naalala ko ang sarili ko sa kaniya. Gaya niya, nasaksihan ng sarili kong mata kung paano namatay ang aking nanay gaya niya. Mas mahirap lamang ang sitwasyon niya kaya naiintindihan ko, sobrang sakit 'yung dinaranas ngayon ni Elvi at umabot sa punto na hindi niya matanggap ang katotohanan.

Naiiyak muli ako.

Naaawa ako sa bata, sa punto na he just pretends that his mother is still alive and just sleeping.

Napahawak ako sa aking bulsa noong naramdaman kong nagba-vibrate ang phone ko. Kaagad ko itong kinuha at sinagot ang tawag ni Zander.

"How's Elvi?" I asked.

"He's currently in social welfare and don't worry, I'll take an action for him."

"Sunduin mo ako mamaya, pupuntahan ko siya ah?" sabi ko at pinipigil ko na huwag umiyak.

"I will," he sincerely said.

"Thank you Zander," sabi ko.

Pagkatapos naming mag-usap, naglakad na ako patungo sa court at nadatnan ko silang nagpa-practice na.
Sinalubong ako ni Angela at pinukulan kaagad ako ng kakaibang tingin.

"Bakit ka late?" she asked.

"Practice na muna tayo," sabi ko at saka nag-warm up na.

Hindi na niya inabala pang magtanong, sa halip ay tinulungan niya na lang akong mag-warm up. Pagkatapos kong mag-warm up, nagpunta ako sa gitna at pumuwesto sa aking posisyon.

I am thinking about Elvi. Naaawa talaga ako sa bata kasi kunwari at hindi namin siya nakita ni Zander, maaring walang tumulong sa kaniya.

"Ellaine! Ang bola!" sigaw ni Kassedy dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Saktong pagtama sa mukha ko ng bola, lumabas ang dugo mula sa aking ilong dahilan para mataranta si Angela.

Kaagad niya akong binigyan ng tissue, at noong pupunasan ko na ang ilong ko, sakto namang pumunta si Remi sa harap ko.

"Kung ano ang problema mo, huwag mo namang idamay ang buong team! Nakakainis ka na!" bulyaw sa akin ni Remi. "Kasi kung hindi mo pa alam, nakakaapekto ka na sa team! Ayusin mo nga ang trabaho mo Ellaine!"

"I-I'm sorry," paghingi ko ng pasensiya sa kaniya at saka ako tumayo. "I'm sorry for troubling you guys, masiyadong pre-occupied ang utak ko kaya kahit dito, hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Pasensya na talaga!"

"Oh c'mon Ellaine, playing victim card?" Remi sarcastically asked. "Kung ako sa 'yo, nag-leave na ako sa team para hindi maging sagabal."

"Shut up Remi! Hindi ka nakakatulong!" suway ni Kassedy.

"Let Ellaine rest muna, mukha kasing masama ang pakilasa niya," sabi ni Chloe. "Tapos kapag okay ka na, balik ka na ulit sa practice."

"Sasabihin ko kay Ma'am," Kylie offered.

"Diyan kayo magaling! Lagi n'yo na lang pinagbibigyan ang gusto niyan!" iritang sabi ni Remi at muli siyang nagbalik sa pagpapractice.

"Don't mind her," sabi naman ni Charice sa akin. "Angela! Hatid mo muna siya sa clinic, kami na ang bahala mag-explain kay Ma'am."

"Oo nga! Mag-rest ka muna ngayon Ellaine," sabi naman ni Khloe.

Kaya naman lumabas na kaming dalawa ni Angela sa court, at pinilit ko siyang huwag na pumunta sa clinic. Sinabi ko na rin sa na kaniya ang totoo at kagaya ng mga kaibigan ko kanina, naging emosyonal din siya.

"Kaya pasensya na kasi naging pabigat ako sa team ngayon," sabi ko sabay ngumiti. "Hindi ko lang talaga mapigil na malungkot nang dahil nga sa nangyari."

"I really admire your kindness! Ganoon din kay Zander!" humihikbing sabi nito. "Kaya ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ka ganiyan."

In-offer ko sa kaniya ang aking panyo. "Kaya ngayon, ini-message ko na si Zander para makausap ko ang bata." Bigla namang ngumisi si Angela nang dahil sa sinabi ko kaya pinukulan ko siya ng kakaibang tingin. "Mukha kang baliw Angela! Huwag mo akong tingnan ng ganiyan!"

"Ano ba talagang namamagitan sa inyong dalawa ni Zander?" kaagad na tanong ni Angela.

"We're just fri—"

"Ellaine," someone called my name that's why I stood up from the bench and look for him. "Are you okay?"

Kaagad akong lumingon kay Angela na kinikilig. Hindi ko malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman niya ngayon, kanina malungkot tapos ngayon kinikilig, baliw.

Napabalik lamang ang tingin ko sa kaniya nang hinawakan niya ang noo ko. "Tch, you're not sick."

"Kayo na ba?" Angela suddenly asked.

Tumingin si Zander kay Angela. "Yes," sagot nito kaya kinurot ko ito sa tagiliran.

"Hindi iyan totoo! Ugok ka!" bulyaw ko sa kaniya saka tumingin kay Angela. "Part of our deal lang iyon! Huwag kang maniwala."

"Why you keep denying it, love?" he asked dahilan para mapatingin ako sa kaniya at inapakan.

"Eh ano 'yung naririnig kong rumor na kayo raw ni Katherine?" Angela asked.

Mabilis akong napatingin kay Angela, ang lakas ng loob ng babaeng ito. Ganoon din sana ang gusto kong itanong pero natatakot ako sa magiging sagot ni Zander.

"This dummy is my one and only," he said and he grabbed my hand. "Let's go."

Narinig ko na lamang na kinilig si Angela kaya namula ang mukha ko. "I'm not yours, Zander. I hate you!"

"Whether you like it or not, you are still mine." Lalong namula ang mukha ko nang dahil sa sinabi niya. Sa pagkakataong ito, hindi ko na magawang humarap sa kaniya. Nakakahiya.

"Why not Katherine?" I utterly asked.

"Because she's not you."

Hindi na ako nakaimik pa, sa halip ay lalong namula ang mukha ko na parang makopa. Bigla rin sumagi sa isipan ko na maaring pakana niya lamang ito para pag-selosin si Katherine. He must be using me for the sake of his plan.

Pero may mga random questions din ako na nasa isipan ko. Bakit siya naging ganito? Bakit naging sweet siya bigla?

I still don't know why he is being like this!

WE are currently here in Holy Mary Orphanage. Ayon sa kuwento sa akin kanina ni Mother Superior, pag-aari raw ito ng mga Cortez at madalas daw na dumadalaw si Zander dito kaya bigla akong napangiti.

May ganitong side pala siya.

"Where's Elvi right now?" tanong ko kay Zander.

"He's here." Tinuro niya ang isang kuwarto pagkatapos noon, binuksan niya ito ng dahan-dahan. Bumungad sa akin si Elvi na nakupo at nakatingin sa labas. Sinenyasan ako nito na pumasok kaya pumasok ako.

Lumapit ako kay Elvi at umupo sa tabi niya. Hindi ako makaimik dahil bigla akong kinabahan, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.

"Alam ko pong patay na si Inay," sabi niya kaya parang may biglang tumusok sa aking dibdib. "Pero hindi ko po alam kung paano siya ililibing gayong wala po akong pera," dagdag pa nito at humarap sa akin sabay ngumiti. "Kaya salamat po kasi nakilala ko po kayo. Kung wala pong tulong n'yo, hindi ko po maihahatid sa huling hantungan si Inay."

Pagkasabi niyang iyon, bumagsak na ang luhang kanina pang nagbabadyang pumatak. Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit. "Huwag kang mag-alala Elvi, aalagaan ka namin at panigurado akong matutuwa ang magulang mo kung tutuparin mo ang mga pangarap nila sa 'yo at ang patuloy na mabuhay."

Pagkatapos naming mag-usap ni Elvi, hinayaan muna namin siyang mapag-isa kaya kaming dalawa ni Zander sa buong orphanage. Tinuturo niya sa akin kung saan siya madalas nakikipaglaro sa mga bata at iyon ay parte ng playground.

Bigla akong napaisip na he is perfect dad for his future kids.

Noong nakaabot na kami sa two seater swing, ang favorite spot niya raw sa playground ay naupo muna kami.

Gaya ng sinabi ni Zander sa akin, bawat bata rito sa orphanage ay nakakapag-aral, nakakakain ng maayos at naaalagaan ng mabuti kaya hindi na ako nag-alala sa magiging kalagayan dito ni Elvi since pinahabilin namin ito kay Mother Superior.

Habang nakatingin sa kawalan, biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Mother Superior. Sabi nito na ako ang pinakang-unang babae na dinala ni Zander dito at napagkamalan pa nga niya akong girlfriend nito. Sinabi ko naman ang naging kasunduan namin ni Zander, pero kahit na sabihin ko iyon, naniniwala pa rin daw siyang kami ang itinadhana.

"Zander," I called him unintentionally. "Bakit pala ako ang sinama mo?" What a lame question!? Gaga ko, malamang na gusto kong kausapin si Elvi kaya dinala niya ako rito.

"Dummy, because Elvi was here," he sarcastically answered. Yeah, I know. "Pero ikaw ang unang babae na sinama ko rito."

Tumingin ako sa kaniya at hindi ko namalayan na namumula na pala ang mukha ko. "Ta-Talaga? Pero bakit?"

"And you will be the last," sabi nito kaya napakunot ang noo ko. "Kasi hindi na ulit kita isasama, but . . ." Ikinulong niya ako sa dalawa nitong bisig dahilan para magkalapit na ang mukha namin sa isa't-isa. "Call me Zander-sama first."

"E 'di Zander-sama! Oh okay na?"

"Tch," he tch'ed. "With feelings."

"Aba!" reklamo ko at lumayo ng tingin sa kaniya. Pero hanggang ngayon, pakiramdam ko ay nakatingin pa rin ito sa akin kaya lalong namula ang mukha ko. "Oo na! Sige na!"

Pinakawalan niya ako at kinuha niya ang phone niya. "Ellaine, start now."

"Eh bakit may video?!" reklamo ko.

"Because I want to," sabi nito. "It's recording."

"Zander-sama! Yamete kudasai!"

"Oh, perfect, saved." Isinilid niya ang phone niya sa bulsa and he grab me tagging me away. "Let's go."

"I-delete mo muna iyon!"

"Nah."

"Let go!"

BAGO pa man kami nakaalis, pinagtipon muna ni Mother Superior ang mga bata at pinakilala sa akin. Si Zander naman ay nakaupo sa isang tabi habang nainom ng black tea. Habang nakaupo, nakikipag-usap siya sa mga bata na nagtatanong sa kaniya.

"Girlfriend n'yo po ba si Ate Ellaine?" tanong ni Simon.

"Yes, she's my girlfriend." Without any hesitation, sinagot niya ang bata nang ganoon kaya I glared at him.

"He must be joking," sabi ko. "Hindi kami mga bata, friend ko lang siya."

"Kuya Zander! Gawin n'yo po siyang girlfriend!" suhestiyon ni Elvi kay Zander.

Zander patted him and said, "Soon."

My heart pounds fast.

Shit.

Nafa-fall na naman ba ako sa kaniya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro