Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • TWENTY-NINE

Vhan

HINDI ko na nagawang tumuloy sa loob ng players' room nang dahil sa nakita ko. Hindi ko sukat akalain na may kakaiba silang ginagawa sa mismong room pa na ito.

"I will come."

Namula ang pisngi ko nang narinig kong sinabi iyon ni Zander. Shit, ano bang klaseng utak ang mayroon ako?

"Ellaine!" tawag ni Kassedy, ang ka-teammate ni Ellaine. "A-Ah." Napatigil ito sa kaniyang kinatatayuan nang makita nito ang dalawa. "Ka-Kapag tapos na kayong dalawa, punta ka na sa line natin, magsisimula na ang laro!"

Pagkasabi niyang iyon, nagmamadaling umalis si Kassedy samantalang ako naman ay sumulpot at pinukulan sila ng nakakalokong tingin. "Kita ko iyon!"

Pulang pula ang mukha ni Ellaine na ngayon ay nakapagitan na kay Zander. Si Zander naman ay nakatingin sa akin na akala mo'y walang ginawang masama.

"Wa-Wala kaming ginawang masama!" kontra kaagad ni Ellaine kahit na hindi pa ako nagtatanong sa kaniya. "Ang dumi ng utak mo Vhan!" sigaw nito at nagmadaling tumakbo palabas.

Ako naman ay pumasok at nagpapalatak pa. "Wala sa kasunduan iyon ah," sabi ko. "Hidden agenda pala huh."

But then, as usual, he just ignored me and continue to walk outside. Kaya naman sumunod na ako kasi sigurado akong manonood siya ng laro nina Ellaine.

Habang naglalakad kami, nakasalubong naman namin sina Ethan at Vhan. Gayon din ang Empirions. Habang naglalakad kami, naririnig namin ang bulungan ng mga ito tungkol sa volleyball team ng Zage.

"Akala mo kung sinong magaling eh maliit naman."

"I don't know why they were very proud of their volleyball team even though mukha namang lampa katulad ni Salvador."

"Mukha ngang mga hampaslupa ang mga iyon, well, ang basketball naman nila, ang daming gwapo."

We didn't mind their chitchats kasi kahit magsasalita man sila, alam ko namang hindi matatalo sina Ellaine. Magaling kaya sila. Kaya pagkarating na pagkarating kaagad namin, ang dami ng humihiyaw. Kahit na hindi kami ang maglalaro, kami 'yung pinagkakaguluhan.

Pogi kasi kami eh.

Umupo kami roon sa bleacher na malapit sa bench ng aming pambato. Syempre, naroon din
sina Jamie, si Kian at Yayey Celia.

"Kuya Z!" bati ni Alexia kay Zander.

Tumingin lang si Zander kay Alexia at bumalik ang tingin sa court. Grabe, pati ba naman pinsan niya, sinusungitan. Napakasungit niya talaga! Kahit sa amin din eh, pero pagdating naman kay . . .

"Ayan na sila!" sabi ni Jamie. Ang crush ko! Para bang matutunaw ako nang dahil narinig ko ang boses niya.

"Hi, babe!"

"Gusto mong babengutan?"

Napa-pout ako nang dahil sa pagsusungit niya. Kahit kailan ang sungit din ng isang 'to sa akin.

Humarap na kami sa court at nakita ko na sina Ellaine sa pinakahuling pila.

"Ang akala ko, hindi sasama ang libero? Bakit kasama riyan si Bansot?" tanong ni Kaizer.

"At the beginning of lines each starter line up on the end line, liberos also on the end line," Zander answered.

"Eh bakit iba ang color ng jersey niya, kumpara sa ibang teammates nila?" tanong ko naman.

Walang kaemo-emosyon na lumingon siya sa akin. "The libero must wear a uniform shirt or jersey that is in distinct color contrast to shirts worn by other members of the team and must be recognized from all angles as being in clear contrast to and distinct from the other members of the team. The style and trim of the libero's shirt or jersey may differ from her teammates' but her shorts must be like color to her teammates. That is because the libero has its own rules compared to other members."

"How many times have you guys asked that question to Zander?" tanong ni Ethan. "Everytime na may laro ng volleyball lagi n'yo 'yang tinatanong, mga gunggong talaga itong mga ito! Hindi naman porque walking knowledge si Zander eh tanong kayo ng tanong diyan."

"Aba eh limot ko eh!" kontra ko.

"Gunggong ka kasi," singit ni Kaizer.

"Gunggong ka rin!" sabi ko sa kaniya.

Napatigil lamang kami magtalo noong nagpito na ang referee. Kaya tumingin na ako sa court nakikipag-shakehands na sila. Pagkatapos no'n nagtipon-tipon silang mag-teammates para mag-pray. Napansin ko naman si Jamie nagdadasal din na siguro para kina Ellaine din.

"Jamie," tawag ko sa kanya no'ng matapos siyang magdasal, siyempre kita ko kasi nasa tabi ko lang siya.

"Ano?" kalmado niyang tanong.

"Uhh . . ." Napatingin ako sa nakasabit sa kanyang leeg. "Pahiram ako niyan!" Sabay turo ko roon sa camera niya.

"Ahh, ito? Sure! Huwag mo lang sisirain at talagang mamatay ka! Saka mas maganda rin na, mag-picture ka sa laro!"

Binigay niya sa akin ang DLSR camera niya at nagpi-picture ako sa laro. Malapit lang naman kasi kami sa court kaya nakakakuha ako ng magagandang shots.

"'Yan na! Nag-toss na ng bola! Potek!" sabi ni Jamie.

Napatingin ako sa court at nakikita ko kung gaano kadeterminado lahat, lalo na si Ellaine since she's the undefeatable MVP like Zander.

Nagpatuloy ako sa pagkuha ng litrato sa paligid at palihim din akong nakuha ng shot ni Jamie.

Perfection.

Ethan

LAHAT kami ay seryosong nakatingin sa court habang nanonood. Kasalukuyang nasa ere ang bola. Wala, ni-isang magpapatinag at hindi man lang lumalapag sa sahig ang bola nang bigla namang sumugod si Ellaine at nag-dive para i-save ang bola.

"Mukhang tanga, nagsswimming sa walang tubig si Bansot!" tatawa-tawang sabi ni Kaizer.

"Malamang naman Eice, dahil ayaw niyang lumapag ang bola sa sahig. Kapag lumapag 'yon puntos 'yon sa kalaban, duh!" sabat ni Alexia.

Ang sakit siguro noon, pero alang-alang sa laro, the game must go on.

"Yehey! Lamang na ang Zage!" tuwang tuwa na sabi ni Jamie.

Napabalik muli ang tingin ko sa court at makikita mong napagulong si Ellaine sa sahig para lang ma-save ang bola. Siya kasi ang libero at obligasyon niyang huwag hayaan na mapalapat ang bola sa sahig.

"Walanjo, mga tsong! Ang sakit niyon! 'Di ko 'yun kaya eh!" sabi ni Kaizer.

Kahit ako masasaktan din, pero paano pa kaya kung babae ka, mas masakit siguro iyon.

Nawala naman ang tingin po noong hinampas ni Number 13, Mariano, ang bola kaya naman nakapuntos muli sila. Kaya naman muli silang nagtipon at balik sa posisyon.

"GO! GO! ZAGE!"

"WAHHH!! ANG GALING N'YO!!"

"GO! NUMBER FOUR! GO SALVADOR!!!"

"SAL-VA-DOR!"

"GO! PASCUAL!!!"

"GO! GO! LOPEZ!!!!!"

"MAR-TI-NEZ!"

"MARIANO!!"

Sa sobrang daming nagchecheer, lalo silang nagaganahan sa paglalaro at isa na doon si Jamie. "GO ELLAINE!!" sigaw nito.

Pagkatingin ko kay Jamie, I look at Hye Jin. She's very serious right now at base sa movements niya, she's really nervous.

If I could hold her hand, nagawa ko na.

Pagkatapos ng fourth set, hindi na nagkaroon ng pang-fifth set dahil siguro kita na ang lamang sa dalawang team at sa huli nanalo ang Zage.

Lumapit si Ellaine sa amin at niyakap ang mga kaibigan niya.

"Ang lagkit mo uy!" pagrereklamo ni Jamie.

"Sino kaya 'yung sigaw ng sigaw kanina?" pabiro ni Ellaine.

"Congrats!" sabi namin.

"Congrats Ate!" sabi ni Kian.

"'Di pa naman championship!" sabi niti sabay tawa ni Ellaine. "Una pa lang 'yan."

"Kamusta ang pagsi-swimming mo? Wala namang tubig nagsi-swimming ka!" pang-aasar ni Kaizer sa kapatid niya. Kaya sila nag aaway eh, kagagawan din naman ni Kaizer. Paano kaya natitiis 'to nina Kian?

"Hoy kuya! Tigilan mo ako! Alam mo namang volleyball 'yon, hindi pagsi-swimming," sabi nito sabay napairap pa. "'Di ba 10:00 am ang laban n'yo? Anong oras na?"

"Heto na nga uuna na kami!" sabi ko naman.

Umalis na sina Kian kasama si Yayey Celia. Tapos 'yung dalawa naman nina Vhan at Kaizer, nagsi-alisan na rin kaya naman naglakad na ako puwera lang kay Zander. Imbes na lumakad ako palayo, bumalik ako kay Zander para intayin.

"I am glad that we are okay now," sabi ni Ellaine. Is she the reason why Zander was really upset these past few days? "Manonood ako sa inyo, good luck!"

"Good luck sa inyo!" sabi ni Sharmaine kaya naman napatingin ako sa kaniya. She's looking at me kaya napangiti ako. "Bring a triumph for Zage!"

"Ganbatte!" Ellaine cheered up.

Pagkatapos no'n umalis na kami sa court. Napansin kong ngumiti siya na para bang pinipigil niya lang. Ayan talaga ang nararamdaman kapag in love ka sa isang tao.

Alam ko siya kapag kinikilig, namumula ang tainga niya. Well, I've been known him since then from now. Nauna pa ako kay Thunder at ako ang una niyang kaibigan kaysa sa dalawang gunggong na iyon, kaya kilalang kilala ko siya at kilala ko rin kung sino ang hinahanap niya.

"Hoy Zander! Magpalit ka na ng jersey mo! We have only twenty minutes to prepare."

"Aligaga ka na naman Kaizer!" sabi ni Vhan.

"Malamang! Heto talagang unano na 'to."

"Hoy, kapre na malaki ang tainga! Masiyado ka kasing aligaga eh, chill ka lang, kagaya ni Ellaine."

"Eh, hindi naman ako si Bansot eh! Alam ko ang ugali n'on kunwaring chill lang pero kinakabahan inside."

"Okay okay! Chill ka lang mag-judge ka muna! Oh! Heto oh judge!" Saka inabot ni Vhan ang judge. Asar talaga nitong si Vhan.

"Tarantado ka talaga Vhan!" Sasapukin na sana ni Kaizer si Vhan kaso biglang dumating si Coach.

Parang nasilihan ang puwet ng dalawa at mabilis na nagsitigil. Para silang sundalo na sumasaludo sa kanilang commander.

"Coach, yes! Coach!" At nag-salute pa ang dalawa.

"Kayo talagang dalawa!" Piningot ni Coach Dela Torre ang tainga ng dalawa, tapos binitawang namumula. "Nag-aasaran na naman ba kayong dalawa 'no? Mamaya ha, baka ganiyan ang gawin n'yo, hindi lang pingot ang abot nyo sa akin!" Saka humarap si Coach kay Kaizer. "Ikaw Salvador! Ikaw lang yata nakilala kong presidente ng student council na kolokoy. Kung gumaya ka sa kapatid mong napakabait!"

"Si Coach talaga! Pinagkumpara na naman ako sa bansot kong kapatid."

"Small but terrible, tandaan mo 'yan." Sabay tingin sa iba naming ka-member at pumalakpak sign na tinatawag ni Coach ang lahat kaya naman bumilog kaming lahat.

"Team! Kaya natin 'to at naniniwala ako sa inyo kaya, tayo muna'y magdasal. Salvador-lead the prayer."

Nagulat si Kaizer. May pagulat-gulat pa siya riyang nalalaman eh siya naman talaga ang laging nagle-lead.

"Okay guys, close your eyes and lead the presence of our God. The name of the father of the son and the holy spirit . . ." Nagdasal kaming lahat para sa gabay ni God sana walang ma-injury na kagaya noong nakaraang taon.

"AMEN!"

"Okay team, tara na sa court. Magsisimula na ang laro."

Kinuha namin ang gamit namin. Pagkatapos naming kuhanin ang ilang gamit namin. Lumabas na kami sa nakaassigned na room para sa amin.

Sana manood siya.

Nagsilabasan na ang mga makakatunggali namin. Mukha ngang magagaling kaya dapat lang kaming maging mapagkumbaba at hindi mayabang.

Nariyan na sila pero kulang at si Zander hayun nakaupo sa bench namin at parang may iniintay at kami naman nagsho-shoot ng bola at para na din mawarm up.

"GO ZAGE! GO! GO!"

"WAHHH! GO ZANDER! GO ETHAN! GO KAIZER! GO VHAN!! GO H4!"

Automatic na kukunot ang noo ko kapag naririnig ko ang H4. Si Kaizer kasi ang kasalanan kung bakit kumalat iyon, mukha tuloy masagwa ang group name namin. It's The Four not H4.

Sa current position namin, si Kaizer ang center kaya responsible siya sa jumpball at sa ilalim ng rim. Samantalang ako ang shooting guard, si Zander naman ang power forward at siya rin ang captain at ako ang vice captain. Si Vhan naman ang point guard, siya ang magdedesisyon ng taktika sa laro at ang small forward naman namin si James.

Masyado atang kampante si Zander at nakaupo pa sa bench at mukha yatang may iniintay pa siya. Ako naman, napasulyap ako sa kinaroroonan niya. She's here to watch us.

Sa pagdako ng mata ko mula sa itaas na bahagi ng bench, nakita ko si Christine na nagche-cheer para sa akin. I know, she's the reason why we broke up.

Kaya naman imbes na mainis, tumingin ulit ako kay Sharmaine at nakatingin ito sa direksyon ko, that's why I smile to her, but she didn't smile back.

But I should do anything to bring her sweetest smile again.

Napapunta naman ang tingin ko sa may referee nang marinig ko itong pumito.

Magii-start na ang laro.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro