Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • TWENTY-FOUR


Ellaine

"ATE siguro kakilala mo 'yung admirer mo, alam lahat ng gusto mong chocolates eh."

"Hindi ko nga rin alam kung sino ba talaga siya eh," sabi ko na lang sa kaniya kahit na inamin ni MJ na siya si Knight in Shining Armor.

Hearing you about that makes me feel challenged on how to caught your heart. I will deal for this and I will defeat Zander. Hindi ko talaga malimut-limutan ang ini-message sa akin ni Knight in Shining Armor kagabi. This made me realize that he is MJ, not Zander. Siguro ay na-offend siya sa sinabi ko, pero hindi niya sinabi sa akin, bagkus ay sinarili niya na lamang iyon.

"Sana all may admirer!" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Kuya.

Hindi ko nga inaasahan na may admirer ako kasi hindi naman ako attractive like them. Besides, wala naman akong pakialam kung ano ang itsura ko as long as nabubuhay ako sa mundong ito.

Napatingin naman ako sa dalawang naglalaro ng mobile games. Halos mabasag na ni Kuya ang screen ng phone niya habang si Kian nama'y pa-chill na chill lang.

"Huwag kayong maglaro sa harap ng hapag kainan!" puna ko sa kanila.

"Wait lang patapos na 'to!" sabi ni Kuya habang dinudukdok na ang phone niya. "Arrgh! Iyan tuloy natalo ako! Na-rank down tuloy ako! Nakakainis ka kasi Bansot eh, ang ingay-ingay mo riyan!"

Basta-basta na lang niyang pinatong ang kaniyang phone sa lamesa. Wala talaga siyang pakundangan sa gamit.

"Excuse me lang po Kaizer, wala po akong kinalaman diyan sa mobile games mo at saka po may pasok po tayo kaya dapat magmadali po tayo."

"Wohooy Ellaine, Kuya mo ako, kaya galangin mo ako!" sabi ni Kuya sabay nag-cross arms pa ito.

"Eh ikaw kasi eh! Lagi mo akong pinagbibintangan!"

"Hindi talaga kita isasabay!" pagbabanta nito at sa pagkakataong ito, naging seryoso na ang tinig niya.

"Eh 'di, huwag!" Kaya naman nagpunta muli ako sa kwarto para kuhanin ang bag kong nakalimutan kong bitbitin pababa. Pagkatapos no'n bumalik na muli ako sa kusina para tingnan sila ngunit hindi ko na sila nadatnan.

Seryoso ba talaga si Kuya?

Nakatipas na ang dalawa tapos iniwan ako. Sa susunod hindi na ako mang iinis ng ganoon sa kaniya kasi talagang tinototoo niya ang mga sinasabi niya.

"Ellaine, bakit narito ka pa? Umalis na sina Kaizer at Kian ah!" puna sa akin ni Yayey noong makarating siya rito sa kusina.

"Yayey, tinotoo nga po talaga ni Kuya na iiwan ako!" reklamo ko. "Nakakainis po talaga si Kuya!"

Nagpaalam muna ako kay Yayey at pinakisuyo si Nightmare. Pagkatapos ay padabog kong kinuha ang bag ko at saka lumabas ng village para mag-commute.

Kapag minamalas nga naman oh, wala pa naman si Kuya Jonas dito para magpahatid sa school. Arrgh! Napakamalas ko talaga.

Naalala ko pang walang practice ngayong umaga kasi may darating na visitor. Kapag na-late kasi, may penalty kaya ayaw kong maranasan iyon.

Nag-abang ako ng masasakyan, ngunit walang nadaan kahit isa. Kagagawan kasi 'to ni Kuya eh! Yari siya sa akin kapag nakita ko siya.

Bigla akong nakarinig ng busina kaya naman kunot noo akong lumigon at nakita ko si Zander na nakadungaw sa bintana ng kaniyang habang nakatingin sa direksyon ko.

"Uh, let me guess, you annoyed Kaizer right?"

"Bakit mo nalaman?" tanong ko kaagad sa kaniya at kaagad ko rin na binawi. "Pake mo ba!"

Naglakad na lamang ako per sinundan niya ako. "I'll give you a ride," aniya.

"Ayaw ko nga!" kontra ko at naglakad muli.

Akala ko ay susundan niya pa rin ako ngunit mabilis niyang pinaandar ang kotse niya dahilan para mapatingin ako sa phone ko. Halos lumuwa ang mata ko noong nakita kong 6:45 a.m na.

"Pasabay, Zander!" Tumakbo ako ng mabilis para maabutan si Zander at makisabay. "Hoy! Pasabay!"

Pagkalagpas ko sa kaniyang kotse'y kaagad niya itong pinara dahilan para ma-out balance ako at madumihan ang aking suot. Saan ako ngayon magpapalit? Eh baka ma-late ako.

"Malas!" I murmured.

Parang gusto kong maiyak pero hindi puwede kasi magmumukha na naman akong mahina kapag ganoon. Kaya naman pinabayaan ko na lamang ito, sa halip ay nagtungo ako sa kotse ni Zander.

"You look awful," bungad na sabi nito at pinagbuksan pa ako ng pinto sa back seat. Kaya nagtaka na ako. "Go and change."

Biglang umaliwas ang mukha ko kaya naman hindi na ako tumanggi sa kaniya at bago ako pumasok, tiningnan ko ito ng masama. "Huwag kang sisilip!" pagbabanta ko. "Hentai-sama." Pagkatapos noon, pumasok ako sa loob ng kotse.

Kaagad akong nagpalit ng uniporme. Buti na lamang lagi akong may dalang extra kung sakali man na magkaroon ng emergency na katulad nito.

Noong natapos na ako, lumabas ako sa kotse at saka lumipat sa shot gun seat dahil pinilit ni Zander na umupo ako roon, besides he doesn't want to look like my driver daw.

Noong pagkaupo ko, tumingin ako sa kaniya. "Salamat, Zander."

Hindi na ito kumibo pa sa halip ay pinatakbo niya na ang kaniyang kotse.


PAGKABABA ko, hindi ko kinalimutang magpasalamat sa kaniya at nag-madali na akong maglakad. Napatigil lamang ako noong bigla akong hiningal.

Mala-late na ako!

"Tired of trying?" Tumingin ako kay Zander na pa-chill-chill lang and suddenly grab my hand and he said, "We're not yet late, we have still five minutes to go."

Napalaki ang mata ko noong hinila niya ako at sabay kaming tumakbo.

Habang tumatakbo kami, nakaramdam ako ng kakaibang feeling. 'Yung tipong sasabog na ang puso ko dahil sa kalabog ng aking dibdib na hindi ko mawari kung saan nanggagaling.

Maari kayang may gusto pa rin ako sa kaniya? O dahil lamang ito sa pagtakbo naming dalawa? Hindi ko alam kung ano na ba talaga ito, basta habang humihigpit ang paghawak niya, bumibilis naman ang tibok ng aking puso.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Ang perpekto niya.

Hindi ko namalayan na narito na pala kami sa tapat ng room namin. Kaagad niya itong binuksan dahilan para mapatingin sa amin ang lahat.

Magkakaroon na naman ng malisya!

Sharmaine

PANGATLONG beses ko nang tinitingnan ang aking phone para tingnan kung nag-message sa akin si Ellaine.

Hindi naman siya ganito pumasok, mas nauuna pa nga siya sa akin.

Maari kayang may nangyaring masama sa kaniya?

I couldn't help but to think about that. What if nangyari na naman 'yung nangyari sa kaniya before?

"She's with Zander," he said kaya nilingon ko siya. I used to serious my expression whenever I saw him. "That's why, don't worry, Hye Jin."

"How dare you calling me by that name!" bulyaw ko sa kaniya dahilan para bahagya siyang malungkot. But he smile again, kaya nainis ako. "You just call me Sharmaine, instead of my real name, as if we're really close."

"Yes we are, before." Ngumiti siya ng nakakaasar kaya lalo akong nainis.

"Yes, before," I exclaimed. Pagkatapos noon, tumingin muli ako sa phone ko at sa pagkakataong ito, nag-message na si Ellaine sa akin and she said that, "I'm on my with Zander. By the way, Ethan asked me where I am 'cause he saw you that you're really worried about me. Don't you worry, I'm okay and I'll tell you a story later."

Tiningnan ko si Ethan at ngumiti muli ito sa akin. Hindi ko siya nginitian sa halip ay ibinalik ko ang tingin ko sa phone.

And suddenly, I remembered something way back on the first day of school.

Flashback.

First day ko sa Zage University at wala akong kilala, ni isa. No one dare to approach me. Kahit magtanong lang ako ay hindi nila ako pinapansin, kaya nag-tanong na lang ako sa guard.

Habang binabaybay ko ang daan, nagkabanggaan kami ng isang babae. I saw her before and yeah, she's the one who I saw with that guy, before.

Kapag minamalas nga naman, oh.

"Huwag ka ngang tatanga-tanga! Tumingin ka naman sa dinaraanan mo nerd!" iritang sabi ng babae na puno ng kolorete ang mukha.

"You too Miss," sabi ko rito. "Huwag ka rin tatanga-tanga at tumingin ka rin sa daan para hindi ka makabangga."

"A-ba! Palaban ka pala ah! Baka gusto mong mapabilang ka kay Ellaine? Akala siguro nito, basta-basta na lang tayong kalabanin ano?" Sasampalin na sana ako nitong babaeng ito ngunit may pumigil dito.

"Stop this Christine," sabi ng isang pamilyar na tao.

Nilingon ko ito at bahagyang nanlaki ang mata ko noong nakita ko siya. Biglang kumalabog ang aking dibdib sa hindi ko mawaring dahilan.

"Kinakampihan mo ang nerd na 'yan? Dapat ako ang kinakampihan mo!" sabi ni Christine.

Bumitaw siya sa pagkakahawak kay Christine. "May karapatan ba akong kampihan ka?"

"Babe."

"Stop that stupid endearment, Christine."

Inakbayan ako nito at saka ako inilayo sa kanila. Noong nakalayo na kami, kaagad akong nagpumilit na alisin ang kamay niya mula sa pagkakaakbay sa akin.

Aalis na sana ako ngunit niyakap ako nito mula sa aking likod. Kaagad ko namang inalis ang kamay niyang nakapulupot sa akin at iniharap siya.

"You're still beautiful Hye Jin, how are you now? Are you okay? I really miss you," sabi nito at tatangkain pa nitong hawakan ang aking pisngi. Kaagad ko itong tinabig at tiningnan siya ng seryoso.

"Oh come on, acting like a single man ba ang peg mo? Kaya pinakita mo sa akin na wala kang interes kay Christine?" I asked.

"N-No! I'm not! Hindi kami, kaya huwag kang mag-isip ng ganiyan," he said. "Everyday, I am missing you. One day, no more messages from you, hindi mo na rin ako pinapansin, at sabi ng mga teachers mo mula sa pinanggalingan mong school, lumipat ka na ng school. Buti na lang dito ka na pumasok, para makita ulit kita."

"Sorry, but you're the reason why I'm here," I said.

"That's great!" Saka niya hinawakan ang aking kamay.

"Gosh, hindi mo ba ma-gets Ethan?" I groaned dahilan para mawala ang ngiti niya. "You're the reason why I'm here, because I loved you. I lost myself because you cheat me and break up with me! And I am blaming myself for loving you! Kaya pakiusap, don't mess my life again." Pinilit kong alisin ang pagkakahawak nito sa akin at tiningnan ito ng diretso. "Huwag mo ng sirain ang mundo kong binuo ko muli."

And I leave him, speechless.

End of Flashback.

Nanggagalaiti talaga ako kapag naalala ko iyon. Single man lang ang peg. Grabe.

"Oy, 'di ba mamaya lalabas sina Ethan at Christine?"

"Yeah, may date sila."

"Oo nga eh."

"'Yung isa riyan sobrang assuming, akala mo naman magugustuhan siya kahit nagpaganda pa siya, duh! Hindi siya magugustuhan ni Ethan 'no!"

Hindi naman dahil nagpaganda ako ay para kay Ethan na iyon. My friends insisted to do this at siyempre pinagbigyan ko sila sa request nila. Besides, I love Science. Hindi ko ipagpapalit si Science sa lalaking iyon.

Napatingin ako sa pinto noong nag-bukas ito. Nakita ko ang dalawa nina Zander at Ellaine. Kaya naman nagsimulang magbulungan ang mga kaklase namin.

Lumapit sa akin si Ellaine. "Ikuwento mo na."

Ellaine

BAGO ako magsimulang mag-kuwento, huminga muna ako ng malalim, pagkatapos ay naglahad na ako ng istorya. "Iniwan ako ni Kuya kaya kasabay ko si Zander," pagsisimula ko. "Nakasalubong ko siya sa daan kaya isinabay niya na ako papunta sa school," sabi ko. "Nag-away kasi kami ni Kuya . . ." Saka ko ikinuwento sa kaniya ang nangyari kanina. Habang nagkukuwento, bigla akong nakaramdam ng tinik sa aking lalamunan. "Hanggang sa iniwan niya na ako," gumagaragal kong sabi. Sharm tap my shoulder and this makes me cry. "Paano kami magkakaayos? Seryoso siya Sharm! Pakiramdam ko, hindi niya na ako papansinin mamaya. I miss my Kuya!"

Napatingin ako kay Ethan na natatawa. Pakiramdam ko kasi ako 'yung pinagtatawanan niya, kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Don't worry Ellaine, alam kong magkakaayos din kayo ni Kaizer, pabebe lang iyon," sabi nito. Sana nga.


DINAANAN ko muna sina Alexia bago ako magpunta sa court para mag-practice. Kumain muna kami ng lunch at noong paalis na ako, kaagad na in-open ni Sharmaine ang naging alitan namin ni Kuya. Napakuwento naman ako dahil pinilit ng dalawa na ikuwento ko iyon.

"Ang babaw talaga ng walanghiyang iyon! Ikaw pa ang sisisihin tapos siya pa rin ang may ganang magalit! Ang kapal talaga ng mukha!" gigil na gigil na sabi ni Alexia.

"May kasalanan pa rin naman ako, tinawag ko siyang Kaizer, instead na Kuya," pagtatanggol ko pa rin kay Kuya.

"Ang kapal pa rin talaga ng mukha niya! That guy is an idiot!"

Nawala naman ang atensyon ko kina Alexia noong nakita ko si Kuya. "K-Kuya! Sorry na please?" pagmamakaawa ko kay Kuya.

Pero hindi niya man lang ako pinansin sa halip ay bahagya niya akong tinulak, dahilan para makaramdam ako ng tinik sa lalamunan. Heto na naman ako.

"K-Kuy—"

"Sino ka ba? Bakit ka ba lapit ng lapit sa akin," sabi niya sabay naglakad na ulit paalis.

"G*ago ka ba Eice o sadyang tarantado ka?! Ang babaw mong t*nga ka!" bulyaw ni Alexia dahilan para mapatingin sa kaniya ang karamihan. Pero kahit na sumigaw si Alexia ay hindi tumingin si Kuya.

Napatingin naman ako kina Alexia at sa kanila na umiyak. "Anong gagawin ko?"

"Napaka-pusong bato naman niyang si Kaizer," sabi ni Jamie. "Hays, hayaan mo, tutulungan ka namin sa problema mo."

Pagkatapos noon, pinatahan muna nila ako bago nila ako ihatid sa court. Pagkapunta ko roon, sinalubong kaagad ako ni Angela at nagtanong kung bakit pugto ang aking mata. "Wala lang ito," sabi ko.

Kaya naman imbes na magsabi kay Angela, nag-practice na lang muli kami. Sana magkaayos na kami ni Kuya.

"Ellaine! Ang bola!"Tumingin naman ako kay Kirsty at bigla akong matamaan ng bola sa mukha. Noong napatumba ako, kaagad akong pinuntahan ni Kirsty. "So-Sorry Ellaine!" Tumingin ito sa aking mukha at bahagyang nanlaki ang mata. "E-Ellaine, may dugo."

Gusto kong mag-panic dahil sa sinabi niya, pero kaagad na lumapit sa akin si Angela at nilapatan niya ito ng first aid. "Salvador Ellaine, anong nangyayari sa 'yo?" tanong sa akin ulit ni Angela. "Putlang-putla ka pa kanina, may problema ba?"

Napabuntong hininga muna ako sabay . . . "Si Kuya kasi, hindi ako pinapansin kasi galit sa akin," sagot ko rito at naikuwento ko rin sa kaniya ang naging alitan namin ni Kuya.

"You should have say sorry about that Ellaine," sabi nito. "I feel Kaizer, because I'm the eldest sister." Umupo ito sa aking tabi kaya naman tiningnan ko siya. "Nagiging ganoon talaga kami kaemosyonal kapag hindi kami ginagalang ng mga kapatid namin, or tinatawag kami sa tunay na pangalan ng kapatid namin." Napangiti ito at iniharap ako. "I know that we sounds crazy but when we are teasing our youngest siblings, it is our way to express how much we really care about them or we love them. Kumbaga, gusto namin ng atensiyon mula sa kanila kaya namin ginagawa iyon," sabi ni Angela. "Alam kong nagtatampo lang si Kaizer dahil ramdam ko siya bilang panganay."

"Salamat sa payo, Angela."

"Welcome."

Bago ako magpatuloy sa pag-practice, pumunta muna akong labas para humingi ng gamot sa clinic. Sobrang sakit kasi ng ulo ko, dahil sa pagtama ng bola sa aking mukha.

Pabalik na ako sa court nang bigla akong nakarinig ng mga usap-usapan na nagkaroon kami ng alitan ni Kuya.

"Siguro napagtanto ni Kaizer na kahihiyan ang kasama si Ellaine kaya hindi niya ito pinapansin, at way lamang 'yung pag-aaway nila para hindi sila magpansinan."

"Well, that is Kaizer's best decision he made kung ganoon."

"I can't wait to see her suffering."

Nakakasama ng loob ang mga naririnig ko sa bawat estudyanteng nadaraanan ko. Maari kayang ganiyon ang iniisip ni Kuya, kaya siya nagalit sa akin?

Am I troublesome for him?

Saktong pagpatak ng aking luha ay ang pag-bangga ko sa isang tao. I sniffed. A smell of mysterious neat and attractive scent.

Tumunghay ako at iniharap siya. Pero kaagad niya akong niyakap at doon, sa kaniyang dibdib ko na ibinuhos ang luha ko. "You look very awful, Ellaine."

"I-I know," I said at bigla akong may napagtanto, kaya naman kaagad akong lumayo sa kaniya at iniharap siya. "M-May practice pa kami."

Paalis na sana ako nang bigla itong nagsalita. "I already excused you in your team," he said dahilan para mapatingin sa kaniya. "I'll help you about you and your brother's conflict."

I gasped. "Really?"

"In one worthy cause condition." Bigla akong nag-alingangan sa naging offer niya. May masama akong pakiramdam, pero inisip ko, ito na ang way para magkaayos kami ni Kuya.

"Anong condition?" tanong ko rito at saka siya lumapit sa akin.

"Be my girlfriend."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro