Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • THREE

Ellaine

"ONE move, you'll die."

Isinampal ng babae ang kamay ni Katherine, sa pagmumukha ni Katherine mismo.

"Sino ka ba?" tanong ni Christine, pero hindi nagsasalita ang babae. "Walang modo 'to ah!" sigaw ni Katherine na nakaagaw ng atensiyon ng iba.

Sasampalin na sana ni Katherine ang babae, pero nailagan niya iyon saka kinuha ang kamay ni Katherine at inilagay mismo sa likod ni Katherine. "Try to slap me and you will see what they call hell," sabi ng babae at binitawan si Katherine.

Seryoso ang mukha nito at ang cool kumilos. Takot na takot naman ang grupo nina Katherine, dahil sa ginawa ng babae.

May something siya na aura na katulad ni Zander.

Tatakbo na sana palayo ang grupo ni Katherine ngunit nahigit kaagad ng babae ang buhok nito at iniharap sa akin.

"Slap that bitch," malamig na tugon nito at hinigpitan pa nito ang pagkakapit kay Katherine.

"A-Ayaw ko," sabi ko.

"I see," sabi nito sabay sadistang pinakawalan si Katherine at tumingin muli ito kina Katherine. "Boo," malamig nitong tugon kaya naman biglang kumaripas ng takbo sina Katherine.

"Are you okay, miss?" tanong no'ng babae at tumingin sa pisngi kong pulang pula pa rin.

Napayakap ako sa kaniya at tuluyan ng umagos ang aking luha, dahil siguro sa ginawa nito upang tantanan ako nina Katherine.

"T-Thank you."

Niyakap ako nito pabalik at tinapik-tapik ang aking likod. "Hush, don't cry Miss."

Nagpunas muna ako ng aking luha at sabay napabitaw ako no'ng narealize kong hindi ko pa kakilala ang babaeng niyakap ko kaya naman kaagad kong sinabi sa kaniya na, "Sorry, hindi ko sinasadyang . . ."

"It's okay Miss," sabi nito sabay ngumiti sa akin. "By the way, you can call me Alexia, ikaw? Anong pangalan mo?"

Inilahad ko ang kamay ko. "Ellaine Salvador."

"Hmmn, that Eice's sister." Napahimas siya sa kanyang baba kaya naman napakunot ang noo ko. Eice? Si Kuya ba 'yon?

Napabalik ako sa reyalidad at tumitig sa kaniya. Ang ganda niya, para siyang taga ibang bansa, para siyang greek goddess. Sobrang haba pa ng buhok at sobrang pure black ang mata, 'tapos ang tangkad niya parang hanggang balikat lang ako.

"Ellaine!" tawag ni Sharmaine.

Napalingon ako rito at bigla kong naalala na nag-iintay ito sa akin, kanina pa.

"Ba't ang tagal mo?" tanong niya.

"Nako, nagdagasa kasi ako, tingnan mo itong pisngi ko oh!" pagdadahilan ko kay Sharmaine, sabay tinuro ang nasa pisngi ko. "'Di ba Alexia?" tanong ko rito, pero pinukulan niya ako ng kakaibang tingin.

"Ah yeah," sinagot ako nito at ngumiti.

"Oo nga pala, siya si Sharmaine." Tinuro ko si Sharmaine at ngumiti naman si Alexia.

"Oh! Nice meeting you, Sharm!" Inilahad nito ang kanyang kamay at tinanggap naman ni Sharmaine para makipagkamay din. "Me too."

Pagkatapos magkamayan ng dalawa, humingi ng tulong sa amin si Alexia. Ito ay ang pag-guide namin sa kanya papuntang cafeteria. Sakto naman na sa cafeteria kami pupunta kaya sinama na namin siya. Nakita ko naman kaagad si Jamie sa table namin kaya doon kami nagtungo.

"Hoy, Ellaine!" Kaway ni Jamie sa table namin.

Pumunta kaming dalawa ni Sharmaine at si Alexia naman ay bumili ng pagkain. Sabi niya, treat niya na kaya naman hindi na kami nakatanggi pa kasi bumibili na siya. "Ba't ang tagal mo . . . " Tumingin siya sa kasama ko. "Sino sila? Sila ba 'yung ipapakilala mo? Hello, Jazmine Jamie Jacksen, right away in front of yah!"

Actually, Jackson talaga 'yon, pinaganda lang ni Jamie.

Kaya naman napangiwi ako dahil sa sinabi nito at napapabuntong-hininga na lang.

"Sharmaine Park," pagpapakilala niya at inaya ko siyang umupo sa table namin.

Ang laki kasi ng table para sa sampung tao. Bigla ko na namang naalala ang katotohanan sa likod ng aming table, oo at letse, kasabay kasi namin palagi sina Kuya.

"Oy bagay kayo ni Ethan!" sabi ni Jamie kay Sharmaine kaya naman biglang namula ang pisngi ni Sharmaine. Pakiramdam ko, may something kay Sharmaine kaya siya namula, maari kayang . . . may gusto siya kay Ethan?

"Oh, hi!" bati ni Alexia kay Jamie kaya naman napatingin ako sa dalawa.

"Really? Kaharap ko na ba ngayon si Alexia?"

"Yes, I am. Jamie!" sagot ni Alexia.

Bahagyang napanganga ang bibig ko noong nalaman kong kilala ni Jamie ang babaeng mala-diyosa sa harap namin.

Nawala ang aking atensyon kay Alexia nang may biglang naghiyawang mga babae. Sa ganitong pagkakataon, alam ko na kung sino ang mga dumating.

"Oh! Nandiyan na pala kayo!" sabi ni Kuya at umupo na sa tabi ko.

Bahagya akong napatulala noong nakita kong niyakap ni Alexia si Zander. Bigla akong nakaramdam ng kung anumang kirot sa aking puso.

Napatingin kay Jamie at ngayon ay nakatingin din siya sa 'kin, tapos biglang tumawa. Dahil doon, irita akong napapapihit sa direksyon ni Zander at kasalukuyan itong nakatingin sa akin, kaya naman tinaasan ko ito ng kilay.

"I miss you, Kuya Z."

Halos napaniwala ako roon at kung anu-ano na naman ang mga inisip ko eh kuya niya lang pala.

Napatingin ako kay Jamie na pasimpleng humahagikhik. Sinamaan ko siya ng tingin at binalik ang atensyon kina Alexia.

Wait kuya? Anong koneksyon nila?

"Anong kuya?" tanong ni Vhan.

"Oo nga, anong kuya?" tanong din ng aking isipan.

"She's Alexia." Pagsingit ni Ethan. "Mga loko, limot n'yo na?"

"Oh-eh, anong mayroon?" tanong ni Vhan

"She's Zander's cousin, mga baliw!" sabi ni Ethan nang may biglang
umepal-the one and only my Kuya.

"Wait! Pinsan ni Zander, baka mo? 'Di ba si Riella 'yon? 'Yung mataba? Alexia din 'yung pangalan niyon eh, hindi naman 'yan si Riella eh, ang sexy-sexy niyan ah!" Take note: Nakaupo na kami ah, plus habang nakain at may laman ang bibig nagtanong si Kuya, kainamang wala talagang kamanners-manners ito eh. "Miss, anong totoo mong pangalan?" tanong niya.

"Gabriella Alexia Cortez Terrazzo, Mr. Eice." Naibuga ni Kuya ang kinakain niya, sabay laglag pangang tumingin kay Alexia.

"Yuck! Yuck!" pagrereklamo ni Vhan.

"Taba!" napasigaw si Kuya kaya naman sinamaan ni Alexia ng tingin ito.

"Eice, I'm not fat, so don't call me Taba, asshole." Napahawak sya sa kanyang sintindo. "Oh, by the way Kuya Z, how's Demeter?" tanong ni Alexia na ikinatingin ni Zander sa pinsan niya.

Sino naman 'yung Demeter?

Lumayo ang kanyang tingin. "He's f-fine." Saka ito tumingin ng diretso kay Alexia. "What brought you here, Gab?"

Unti-unting nagbago ang kaniyang reaksyon na mula sa masaya hanggang sa malungkot. "Can we talk about this in private?"

Nag-nod naman si Zander at ako nama'y umiwas noong titingin ito sa direksyon ko.

Halata dito na pinipigilan niyang ngumiti at hindi ko malaman ang dahilang iyon. Nakakaramdam ako ng pagkainis dahil sa inaasal niya, marahil sa katangahan ko kaya siya natatawa.

Sinamaan ko ito ng tingin at sabay humarap kay Sharm. "Sharm, tara na nga." Tumayo ako at tumingin sa kanila. "Aalis na kami ah." Tumayo na din si Sharmaine at biglang nagsalita si Alexia.

"Bye, Ate Ell! Bye, Sharm!"

Bahagya akong napakagat sa aking labi para pigilang sumilay ang aking ngiti sa labi. Imagine mo, he is Zander's cousin, tapos tinawag niya akong "Ate Ell", na-flutter ako dahil doon. Kaya naman isinukli ko na lang sa kanya ang matamis na ngiti at kami'y naglakad na paalis.

"Anong problema Ellaine?" tanong ni Sharmaine.

"Wala, tara na, malapit na ang break time."

Alexia

It's been a long years since I visited Zage University. Nakakapanibago nga at parang nakakaramdam pa rin ako pagkakilabot sa tuwing tutungtong ako dito. Hindi dahil sa multo, dahil sa kagandahan ng unibersidad na ito.

Tinagurian ang Zage na pinakang-tanyag na school sa buong San Pablo, sa buong Pilipinas rather. Kaya nakakahanga dahil sa husay ng pagpapatakbo ng Zage.

Isa pa, lalong lalakas ang Zage dahil kay Kuya Z. He is very passionate when it comes to work, even though he looks like lazy guy.

Bigla na lamang nawala ang pagkakilabot ko at napalitan iyon ng pagkainis.

Napakunot ang noo ko nang bigla na lang akong hinarangan ng guard papasok sa Zage. "Miss, patingin ng I.D mo or permit bago pumasok."

"I don't have an I.D. or even a permit, so may I excuse myself and please get out of my way, Sir."

Papasok na sana ako nang bigla na naman akong hinarangan, sa puntong ito lalo akong nainis.

"Sorry po ah, pero ang number one policy po rito ay 'No I.D, no entry' o 'di kaya may permit po na pwedeng mag allow sa iyo na pumasok. Mahigpit lang po talaga ang security dito at kailangan po talagang sumunod, baka ako pa po ang masisi kapag may nawala o may mangyaring masama sa loob ng school."

Napaawang ang aking bibig at lalo pang nainis dahil doon. This security guard is getting into my nerves-I don't have a such time to plead, pero mukhang kinakailangan ko pa.

"And now? Anong tingin mo sa akin? Magnanakaw? Nanggugulo? Sa ganda kong ito, wala sa depenisiyon ko iyon!" bulyaw ko na may halo pang pagtataray, kaya naman imbes na kung anu-ano pa ang masabi ko, kinuha ko ang phone ko para tawagan si Lolo. Ini-loud speak ko na rin para marinig ng nakakainis na guard na ito.

"Oh! Alexia, why did you call? Is there any problem?"

"Lolo, remember? I will talk to Kuya Z, but I can't go inside your university because of this guard. Are you willing to use your power just to grant my request?"

"Sure, as long as it is an important matter. Well, can you give your phone to him?"

Ibinigay ko 'yung phone ko sa manong guard. "Ahh, mister?"

"Cabangon po."

"Okay, Mr. Cabangon, can you allow my granddaughter to get inside our school? She needs to talk to someone, if you don't believe in me, just call our school dean to prove it."

"O-Oh, sige po, S-Sir!"

At ibinigay na nya sa akin ang phone ko. "Bye Lolo! Thank you!"

"Welcome." I ended a call.

"Ma'am, pasensiya na po sa inasal ko."

"It's okay, Mr. Cabangon, I know you are doing your job. Pasensiya na rin sa naging asal ko."

Pinapasok niya na ako sa school at noong sandaling makapasok na ako, napakurap ako ng tatlong beses no'ng nakita ko na ang kabuuan ng loob. Sobra na talaga ang improvement ng school na ito, marami ang nagbago.

Naglakad-lakad ako at binaybay ang daan. Napakunot ang noo ko noong may nakita akong isang babaeng inaaway.

I hate seeing this freaking scene at ang kapal ng mukha nila, sa school pa talaga, huh?

Kung sa loob na lang kaya sila ng rim makipagsampalan at makipagbakbakan e 'di sana matatanggap ko pa, pero sa school? Gosh, nakakainis ah! Kaya nga nasa school para mag-aral hindi makipag-away.

Nahabag tuloy ako roon sa babae kasi talagang pinagtutulungan siya ng mga bruhang ito.

Napatiim ang bagang ko noong nakita kong sinampal ng malditang babae 'yung babaeng walang kalaban-laban, sobra na 'to.

Kailangan kong umaksiyon.

At doon ko nakilala si Ate Ell, kahit sa tingin ko mas bata siya sa akin, ate pa rin ang tawag ko sa kaniya, sanay na kasi ako sa tawag ng ate and kuya. Besides, alam kong may something sila ni Kuya Z.

Ngayon, nagkita ulit kami ni Jamie at kaibigan siya ni Ate Ell, she's the one who help me before, when I was in elementary here in the Philippines.

Sharmaine? She's indeed beautiful, kailangan niya lang ng bonggang ayos.

Going back to Ate Ell, I think she's familiar with me. Kahit na kapatid niya lang naman si Eice, never ko pa siya nakilala before, pero parang may nag-banggit na ng pangalan niya at narinig ko lang.

I think Kuya Z?

"So, why you brought here in the Philippines?" tanong ni Kuya Zander sa akin.

Bago ako magsalita, umupo muna kami sa couch. We are currently here in Lolo's office and it seems like we are in a very intense atmosphere here, because of Kuya Z. Even though he doesn't show how he cares about me, well he is a human too with slight feelings.

"Spill it out," he said kaya naman napatungo na ako kaagad. Nakaramdam kasi ako ng kaba dahil sa tono ng boses niya, alam kong natural lamang ito sa kaniya pero nakakatakot, parang alam niya na ang dahilan. "I'm still waiting Gab."

"I found out that my father had an illegitimate child, how dare he!" I groaned and yeah, he still manage his cold expression while staring at me. "And need some space to realize something, that's why I'm here."

"And who knows that you're here?"

"Our grand father and Tito Alezander."

"How 'bout your parents?" Napatungo tuloy ako dahil sa tinanong nito, I can't answer him. "If you insist not to tell this to them, then a decision was ultimately yours." Napatunghay ako nang dahil sa sinabi niya. "How about your study?"

"Inaasikaso na ni Lolo 'yon! Kaya bukas, dito na ako papasok," I said.

Kaya naman tumango na lang ito at iniwan ako sa room na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro