Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • THIRTY-THREE


Ellaine

IK VA van nyaw? Ik—ano raw?

Bakit niya pinagana ang kuryosidad ko?

"Oy, maglalaro na tayo mamaya, magready ka na riyan," sabi ni Angela pero hindi ko pinansin. "Ano bang iniisip mo riyan?"

Tumingin naman ako sa kanya. "Ahhh." Mag-isip ka ng dahilan Ellaine. "Ahh, anong teams ang naglaro kanina at anong school ang nanalo?"

Tumayo naman ako para kuhanin ang jersey t-shirt ko sa locker. Kailangan ko na kasing suotin at maglalaro na kami mamaya.

"West versus Empire," sagot nito. "And Empire won."

Napalingon ako sa kaniya. "As I expected, magagaling talaga sila."

"Makakaharap din nila ang basketball ng Zage, sila rin ang nanalo eh."

"I see."

Naging chill lang ako ngayon kasi mamaya alam kong kakabahan na ako at makakaharap na namin ang Empire. Sobrang hirap nilang kalaban kasi bihasa sila sa lahat ng bagay at pagdating sa sports, hindi sila magpapahuli.

Syempre hindi naman kami magpapatalo, Zageian kaya kami.

Bigla ko tuloy naalala 'yung iniinda kong sakit sa paa no'ng bigla itong kumirot. Alam kong lintog lang 'to kaya magpapatuloy ako sa paglalaro.

"I feel nervous," Angela said. "How 'bout you?"

"Hindi naman ako gaano kinakabahan, kapag lalo kasing kinabahan baka mataranta ako sa laro, saka mawawalan ng saysay ang pagpa-practice natin," sabi ko at nag-unat-unat pa. "Hindi naman natin hahayaan iyon 'di ba?"

"Syempre hindi," sabi niya. "Gagawin mo ba ulit 'yon?"

Seryoso akong tumingin kay Angela. Ngayon, ang dapat kong isipin ay ang laro mamaya. Pinaghandaan nila ito at siguradong sigurado ako na papatumbahin nila kami ngayon, saka ko na iisipin ang sinabi ni Zander tungkol doon sa ik blah blah blah.

"Sure ka talaga?" tanong ulit niya.

Hindi ko na lang siya sinagot kasi matagal-tagal na rin na hindi ko ginawa ang technique na iyon. Sobrang hirap niya kasi at itinuro pa sa akin 'yon ni Ma'am Janine. Halos umiyak na ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko nang dahil lang doon. Ang trabaho ko kasi ay ang mag-save ng bola, receive, dig at tungkulin kong huwag hayaan na mapalapat ang bola sa sahig. Alam kong para sa iba ay madali lang 'to, pero sa akin, ang hirap.

"Oo nga pala naglalaro na 'yung jowa mo pumunta ka na sa court at baka magalit 'yon."

"Magkagalit kami," sabi ko.

"Ah e 'di si Katherine pala ang dapat kong sabihan . . ."

"Papunta na nga ako," sabi ko at naglakad na papuntang gym. Sobrang dami na ng tao na ang napasok kaya naghehesitate akong pumasok. Baka kasi matapakan nila ang paa ko at lumala pa itong lintog ko.

Zage versus Empire ba naman ang laban ngayon, sino bang may ayaw na manood?

"Got you."

Nagulat ako noong may bumuhat sa akin na para bang isang bride, kaya naman imbes na magpumiglas ay inaninagan ko pa ang mukha ng taong may buhat sa akin, lalaking naka-red na jersey number 11.

"Zander . . ."

Nagbigay daan ang mga tao sa daraanan namin kaya at nagsimula ng magbulungan dahilan para mapatakip ako ng mukha.

"Ibaba mo ako Zander!" irita kong sabi. "Nakakahiya!!"

Hindi niya ako pinakinggan, at nagpatuloy lamang sa paglakad. Pagkarating namin sa bench nila, ibinaba niya ako at kaagad akong lumayo sa kaniya para pumunta sa kinaroroonan nina Jamie.

"In just one cue, Kaizer will get mad on you," sabi nito kaya mabilis akong bumalik sa bench nila. "Good, dummy girl." Naalala ko nga pala na may kasunduan kami kaya wala akong takas.

"Pulang pula si Ellaine!" pang-aasar sa akin ni Jamie kaya napatingin ako rito.

"OMG! May crush si Ate Ell kay Kuya Z, oh my gosh!" pang-aasar naman ni Alexia.

Napahawak na lang ako sa sintido ko dahil sa pang-aasar ng mga kaibigan ko. Hindi ko na sila pinatulan pa, mamaya sabihing napaka-defensive ko.

"Anla! Anong mayroon? Akala ko ba sila ni Katherine, pero bakit si Ellaine ang kasama niya? For sure, kita ni Katherine iyon"

Hinanap ng mata ko ang babaeng tinutukoy nila at nasa may bandang kanan ko siya, limang tao ang pagitan.
Last game na nga pala at malamang na sinusuportahan niya si Zander.

"Don't expect that I will support you," sabi ko. "I'm just here because we have a deal, and I'll do my responsibility as your assistant, that's all."

"Tch," he tch'ed kaya napairap ako. Pero imbes na may sabihin siya, tiningnan niya ang aking paa. "Stay here."

"Paano kung ayaw ko?"

Lumapit ito sa akin at halos magkalapit sa naging eye to eye contact naming dalawa. "Then you deserve to punish."

"Don't mess around with me," sabi ko sabay ngumisi. "Zander."

"You're being tough huh," sabi nito at ngumisi rin kaya naman itinulak ko siya dahil naalala kong maraming nakatingin sa amin ngayon.

Pero kahit na itulak ko siya, tiningnan niya pa rin ako at sa pagkakataong ito, parang mamamatay na ako sa kaniyang tingin. "Sumunod ka sa akin, huwag kang matigas ang ulo," sabi niya. Kaya imbes na mainis ako ay tumawa pa ako.

"Feeling close, hindi naman kabati!" sabi ko. "Tapos bulol pa!"

"Dummy," he said while looking at me deadly, but I still laugh, para lalo siyang maasar.

Matapos niyang sabihin iyon, bumalik na siya sa court dahil magsisimula na ang laro. sabay pa ang tingin nya pagkatapos no'n pumunta na sya sa mga kateam niya at nag-ready na sila.

Kaya naman nag-focus na lang ako, at kasalukuyang nagtitipon sa gitna ang dalawang team para magsimula na ang laro. Si Kuya ang center kaya siya ang magja-jump ball samantalang sa Empire nama'y si Wayne.

Pinagmasdan ko ang referee na hinagis na ang bola sa ere. Napasigaw ako noong napapunta kay Zander ang bola.

"Hindi pala susuportahan huh." Napatingin ako sa tatlo kong kaibigan na ngumingisi na akala mo ay may ginawa akong kagunggungan.

Kaagad namang pinasa ni Zander ang bola sa point guard na si Vhan. Napakabilis nito at biglang pasa kay Zander ulit

Ang smooth parang Kaede Rukawa lang.

"KYAHHHH!!!!"

"GO ZAGE! GO ZAGE! GO, GO ZAGE!"

"WAHHHH!!! ZAGE!!!!!"

"ZAGE! ZAGE! ZAGE!"

Pagkatapos nyang ishoot iyon kaagad siyang tumingin sa akin at kinindatan niya ako. Napairap naman ako nang dahil doon.

This guy!

Hindi ko rin naman na maikakaila na kapag gumalaw siya sa court parang si Rukawa ng Shohoku.

Bumalik ang tingin ko sa court halos magulat ako dahil sa score ng dalawang school. Hindi mapagkakaila, ang galing talaga nila.

Halos si Ethan ang nakagawa ng puntos at si Vhan.

Zage: 15

Empire: 15

Dikit ang laban at ngayon ay nasa Empire ang bola at si Andy ang may hawak.

"GO EMPIRE!"

"EMPIRE! EMPIRE! EMPIRE!"

"WOHOO! GO ANDY DE CASTRO!!!"

"EMPIRE!"

Malapit na siya sa rim ng kanilang school. Tumalon si Andy para mai-shoot ang bola, pero biglang tumalon si Kuya at pinigilan ito. Kaagad namang nahawakan ng isang kamay ni Andy ang bola at hinagis palikod. Nakaabang 'yung number 14; Domingo, pero mabilis na naagaw ni Ethan ang bola.

Shit ang intense.

Hinagis ni Ethan ang bola papunta kay Zander, pero nakaabang si Andy kay Zander. Maisho-shoot na sana ni Zander ang bola nang biglang tinulak ni Andy si Zander.

Napanganga ako sa nasaksihan ko.

"PRRRRTTT!"

"Foul!"

Nagkaroon ng foul si Andy dahil sa ginawa niya kay Zander, kaya nagkaroon ng free throw si Master. Ang two free throws ay dirediretso niyang naipasok. Pagkatapos naman noon nasa kalaban ang bola.

Sobrang dikit ng score ng dalawa at kung matapos ang 4th quarter na dikit pa rin ang laban, may tendency na magkaroon pa extension.

Sana huwag umabot sa ganoon kasi sobrang hirap kalabanin ng Empire, kasi kapag nakakabawi kaming Zage, nabawi rin sila.

Natapos ang 1st quarter at nagkaroon ng break. Kinuha ko kaagad ang towel niya at tubig, kahit labag sa aking kalooban.

Lumapit naman si Coach Dela Torre sa kanila at seryosong seryoso ang ekspresyon nito nang dahil siguro sa Empire.

"Magaling ang Empire at nagagaya nila ang galaw ng ating team kaya mag-iiba tayo ng taktika," sabi ni Coach. "Alam natin na ang palagi nilang inaabangan ay itong si Perez," sabi ni Coach Dela torre. "Anong nangyayari sa 'yo Cortez? Bakit ang unti lang nang nagawa mong puntos kanina?"

Halos ang nakakagawa ng puntos ay si Ethan, pero pakiramdam ko, may binabalak si Zander.

"Alam kong pagtutulungan nila ito at iyon ang magiging dahilan kung bakit hihina ng depensa ng lahat," seryosong sabi ni Coach. "Napansin n'yo ba na ang center nila ang nagiging dahilan kung bakit nakakapuntos sila?"

Oo nga, si Wayne laging nakaka-points.

"Plan B." Bigla akong kinabahan sa plan B nila, para bang may kakaiba silang binabalak.

"Mamaya pa po 'yan Coach kapag dehado na kami," sabi ni Vhan. "Mapapahina natin ang depensa nila kapag nawala si Wayne."

Napalagok ako nang dahil sa sinabi ni Vhan. I have a bad feeling for this. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin kay Zander. Bigla akong nainis noong nakita ko itong pa-chill-chill lang at parang walang pakialam sa laro. Bakit hindi niya ginagalingan?

"Cortez," bulong ni Coach kay Master, oo rinig ko kasi malapit lang ako sa kanila. "Alam kong may binabalak ka." Saka bumalik si Coach ng tingin sa mga players. "Panatilihin n'yo ang depensa. Stay pa rin sa plan A. Ikaw Cortez, diyan ka muna. Diaz, pumalit ka kay Cortez."

Nagstart na ang 2nd quarter at nasa kalaban ang bola. Si Zander naman ay pinaupo muna ni Sir Dela Torre. Hindi ko naman magawang mag-tanong sa kaniya kasi nga, magkaaway kami at panigurado naman akong hindi niya sasagutin ang magiging tanong ko, kahit na magkaayos kami.

Nacu-curious talaga ako sa plan B na tinutukoy nila at ano kayang binabalak ni Zander?

"You really curious about team's plan huh?" Hindi ko napansin na nakatitig ako sa kaniya kaya naman namula ang mukha ko at umiwas ng tingin sa kaniya. "You need to believe." Palihim akong napangiti nang dahil doon.

He will never disappoint us.

Tiningnan ko ang score and Zage got a score of 57 while Empire got 62.

Nahampas ko tuloy siya ng wala sa oras at dahil sa kaputian niya namula ito. Hindi nya man lang ako pinansin kahit malakas na 'yung hampas ko.

Tapos na ang first half at ngayon ay second half na, kaya naman right after ng break, babalik na sila at gayon din si Zander.

Bago ito pumuntang court, higit ko ang jersey niya kaya naman napatingin ito sa akin. "Galingan mo," sabi ko kaya ngumiti ito at ako naman ay nag-pout. "We are still enemies but good luck, for Zage."

Pagkabitaw ko sa jersey niya, nilingon niya lang ako at nagpunta na sa court.

"GO ZAGE! KAYA N'YO 'YAN!!"

"KYAHHHHH!! ZAGE ZAGE ZAGE!"

"GO SALVADOR!"

"GO PEREZ! GO PEREZ!"

"GO! GO! GO! ALONZOOOO!!"

"WAHHHH VERGARA!!!"

"KAYA N'YO IYAN ZAGE!"

Tumingin ulit ako sa score ng dalawang team and currently, Zage has a points of 82, while Empire has 85.

Bumalik naman ang tingin ko sa court at tiningnan ang bawat miyembro ng aming team. Makikita sa kanilang mga mata kung gaano sila ka-kalmado at determinadong manalo.

Napansin ko naman na lumapit si Andy kay Zander at mukhang nakaka-sense ito na may binabalak si Zander.

Pumunta ulit ang referee sa gitna ng dalawang team at nagsi-posisyon.
Shit! Kinakabahan ako. Nasa ere na ang bola nang sabay napalo pabalik ni Kuya ang bola. Sa pagkakataong ito, kaagad na nakuha ni Zander ang bola. Nag-dribble lang siya ng nag-dribble, habang nagbabantay naman sa kanya si Andy.

"Gagamitan ni Kuya Z ng changing face 'yung nagbabantay sa kanya," sabi ni Alexia na rinig na rinig ko sa likod ko.

"Ano naman ang changing face?" tanong ni Jamie.

"Technique 'yun na ginagamit para makalusot ka sa kalaban mo. Paiba-iba 'yung dribbling niya," sabi ni Alexia. "So, naiintindihan ko na kung bakit hindi masyadong ginalingan ni Kuya Z. sa first half."

"Bakit naman?"

"Tingnan mo, pagod na 'yung kalaban nila."

Lalo akong tumitig sa court. Damn, gets ko na 'yung sinasabi ni Alexia.

"Kaya babawi siya sa second half."

Kaya pala kalmado siya kasi hayun pala ay nag-iipon siya maraming energy mas may tendency na makabawi ng puntos sa kalaban at pagurin na rin ang kalaban.

Maduga . . .

Pero ang hindi ko lang maintindihan, ano naman kaya 'yung plan B nila?!

Nakatingin pa rin ako sa kanya at kitang kita ko kung gaano sya ka-smooth kung maglaro. Malinis at sobrang galing, parang siya ang hari ng court.

Nang dahil sa plano ni Zander, unti-unting nadadagdagan ang puntos nila.

Pagkakuha ng Empire sa bola, pansin kong sina James, Vhan, Kuya at Ethan na nasa apat na sulok ng court.

Teka, ito ba 'yung plan B nila?

Pinagmasdan ko pa sila lalo at na-corner nila si Wayne.

Bigla kong natandaan na si Wayne ang nagawa ng puntos ng Empire. Ang galing naman ng plano na 'yan, so heto pala ang sinabi sinabi ni Vhan na plano.

Kailangang mawala si Wayne so hinarangan nila. Ang galing.

Nasa kalaban ang bola at sa pagkakataong ito si Zander ang lumalampaso sa kalaban, siya lang mag-isa.

Pagka-shoot, isa na namang puntos para sa amin.

Napansin ko naman si coach na nag-thumbs up pa, sign na natutuwa siya or satisfied sa laro ng kaniyang team.

"WAHHHHH!!! GO ZAGE!!"

"DEFENSE! DEFENSE! DEFENSE!" sigaw naming apat.

Hindi ko mapagkakaila na si Zander ang nagiging dahilan kung bakit sila nabuhayan ngayon. Sa puntong ito, sunud-sunod ang pagkakaroon ng points ng Zage.

Ngayong na kay Zander ang bola, laging nakaaligid sa kanya ni Andy. Kita ko sa mga bibig nilang dalawa na sa wari ko'y nag-uusap ang dalawa at kita ko rin na inis na inis na si Andy.

"PRRRRTTT!"

Na-foul ulit si Andy dahil naitulak niya si Zander.

Kitang kita ko na sinadya ni Andy 'yung tulak niya kay Zander. Tumingin ako kay Zander na hindi man lang nag-react at parang wala lang sa kanya.

Ano bang nangyayari kay Andy? Naiinis na ako inaasal niya.

Nang dahil sa foul, nabigyan ng pagkakataong magshoot ulit siya at nai-shoot niya ulit ang bola kaya naman ang score nang Zage ngayon ay 92, samantalang sa Empire ay 92; dikit ang laban.

Noong sandaling magdapo ang aming mata sa isa't-isa, I mouthed unintentionally, "Kaya mo iyan." But he just smirk.

"PRRRRTTT!"

Napakunot ang noo ko noong nakita ng dalawang mata kong sinuntok ni Andy si Zander kaya nagkagulo sa court.

"Blue number 10! Technical Foul."

I am still shocked right now, I don't even know why Andy is mad to Zander. Ano ba talagang nangyayari sa kaniya?

"Luhh!! Anong nangyari?"

"Nakakainis talaga 'yang Empire na iyan, tss."

"Matanggal sana 'yung sumuntok kay Zander."

"Sana nga! Ang daya-daya porque matatalo na sila eh manununtok na sila."

Lumarawan sa akin ang pag-alala, pero the game must go on. At si Andy ay nasa bench nila. Na-out na kasi siya dahil sa panununtok niya.

Bakit ba galit na galit si Andy kay Zander? May nagawa ba si Zander na ikinagagalit niya?

Noong nawala si Andy at humina ang depensa ng Empire kaya naman nakalusot kami. At kasalukuyang may 30 seconds na lang para matapos ang laro, but still the score of two teams are the same.

Mabilis nahagip ng mata ko ang bolang pinasa ni Ethan kay Master.

Ang intense ng laban at sobrang dikit kaya napapatayo ka na lang ng wala sa oras.

10 . . . 9 . . . 8 . . . 7 . . . 6. . .

Naharangan si Zander ng kalaban pero hindi siya nagpatinag. Tumalon siya at umikot sa ere.

5 . . . 4 . . . 3 . . .

Sabay nag-dunk siya!

Napairit ako ng wala sa oras noong nakita ko ang iskor nila na lamang ng dalawang puntos at sabay pa nang pag-dunk niya ang pagtatapos ng laro.

Zage got 102 points while Empire had 100.

"KYAHHHHHHH!!"

"ZAGEEEEEEE!!!!!!"

"WAHHHHHHH!! ZAGE!"

"ZAGE! ZAGE! ZAGE! ZAGE! ZAGE!"

"WAHHH! ANG GAGALING N'YO!!!!"

Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng court habang kaharap siya. Sa pagkakataong ito, kumakabog ang aking dibbib ko, at namumula ang pisngi. Hindi ko naman alam kung bakit nagpunta ako rito kaya nag-isip ako. Saktong pagdapo ng aming mga mata, nagkaroon ako ng lakas na loob para magsalita. "As your assitant, I want to say, congratulations!"

He smirked and hugged me tightly. "Tch, dummy."

"Ay inang! Sulit ang panalo ah!" pang-aasar nina Vhan.

"Grabe! Ang galing n'yo! Congrats!" sabi ni Jamie na narito na sa court halatang pinipicturan nito ang nag-champion. "Picture-picture naman Vhan diyan."

Kaagad namang lumapit si Vhan kay Jamie at nakipaglitrato sa isa't-isa,  pagkatapos noon, sinunod naman ni Jamie sina Sharm at Ethan. Kumontra pa si Sharm, pero napilit naman kaagad ito ni Jamie, sabay sina Kuya at Alexia at kaming dalawa ni Zander.

"'Di ba may laro pa ikaw mamaya Ellaine?" tanong ni Kuya.

"Oo Kuya," sagot ko. "Empire ang kalaban."

"Good luck sa inyo Ellaine!" sabi nina James at 'yung iba pang teammates nina Kuya.

"Thanks guys! Nood kayo mamaya ah!"

"Oo naman!" sabi nila.

"Gumana ang plano ah!" sabi ni Sir Dela Torre. "Congrats sa atin team!"

"Sabi ko naman sa 'yo Coach eh!" sabi naman ni Vhan.

"Masasabi kong ang gagaling n'yo talaga, congratulations!" puri ni Sir sabay tingin sa akin. "Oh! Ikaw pala 'yan Salvador E. Tinatawag ka na ni Coach Janine, kaya pumunta ka na may laban pa kayo."

Ngumiti ako sa kanila. "Sige po! Aalis na ako kailangan na ako sa laro namin, see you!"

Aalis na sana ako nang bigla akong hinigit pabalik ni Zander.

"Ellaine."

"Zander?" tanong ko sabay hinarap siya. Nakatingin lang siya ng diretso sa akin nang bigla siyang tumingin sa paanan ko. "Ayos lang ako," sabi ko kaya naman ako na ang kusang nag-alis ng kamay niya sa akin.

Pagkatanggal, naglakad ako ng palayo. Hindi ko alam, pero habang naglalakad ako, bumibigat ang pakiramdam ko. Parang may mali sa aking sarili, parang gusto kong suportahan niya ako, even though I am mad at him.

Nakakagulo ng isipan lalo na't inaalala ko 'yung paa ko.

"Let's go," pag-aaya sa akin ni Angela.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro