Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • THIRTY-ONE


Ellaine

"HOY gising na! Tatanghaliin tayo!" Niyugyog-yugyog pa ako ni Kuya.

"Inaantok pa ako!" pagrereklamo ko.

"Aba't—teka nga!" Habang nakapikit ako pinakikiramdaman ko ang ginagawa niya at pakiramdam ko'y may gagawin siyang kawalanghiyaan.

"Meow!!"

Napabalikwas ako ng bangon at nakita ko na hawak ni Kuya ang pusa kong si Nightmare. Lalo pa akong nainis noong nakita kong hawak niya ito sa leeg.

"Kuya!" inis na bulyaw ko sa kaniya. "Talagang dinamay mo pa ang pusa ko para lang mapabangon dito! Grabe 'to! Mingming-swswswsws." Tumalon sa akin ang pusa ko noong tinatawag ko ito at hinaplos haplos.

"Ano ba naman 'yan! Hinawakan ko lang ang leeg nag inarte na 'yang pusa mo, tsk tsk. Manang mana sa 'yo!"

"Eh dapat 'di mo na kasi dinamay ang pusa ko tsk. Kahit sa tingin mo magaan ang pagkakahawak mo sa kanya, nasasaktan 'yan! Napakasama mo!"

"Nyenyenye! Nue pinaglalaban mue?"

Napairap ako at sinamaan siya ng tingin. "Sinasabi ko sa 'yo Kuya kapag napahamak si Nightmare, 'di lang ako ang magagalit, pati na rin 'yung isang amo nito."

"At sino naman, aber?"

"Si Zander," sagot ko.

Napakunot ang noo ni Kuya, at biglang nakaisip ng ideya sabay ngumisi. "Aha! Alam ko na kung bakit siya!!"

Napakunot ang noo ko. "Malamang kasi siya 'yung first owner."

"Hindi! Kasi kayo na! Sinasabi ko na nga ba!"

"Gunggong ka talaga Kuya," sabi ng isipan ko sabay napabuntong hininga.

Kaya naman hindi ko na nagawang umimik sa halip tumayo na lang ako sa aking kama at naglakad papuntang banyo. Bubuksan ko na sana ang pinto ng banyo nang biglang nagsalita si Kuya.

"Ingat ka palagi," he whispered.

Lumingon ako rito at pinukulan ng kakaibang tingin. "At bakit ako mag iingat, aber?"

"Wala! Kalimutan mo na 'yung sinabi ko at dalian mo na lang! Malalate na tayo."

"Anong oras na ba?" aantok-antok kong tanong habang pinipihit ang door knob ng banyo.

"3:30 am."

Napalaki ang mata ko at nilingon muli si Kuya sabay sinamaan ng tingin. "Ginising mo ako ng ganitong kaaga! Grabe Kuya, 5:30 am ang call time namin! Hindi mo man lang ako pinatulog ng mahayap-hayap!"

"Ayaw kong ma-late aba! Sa bagal mong kumilos dapat lang na maaga kang gumising! Kapag hindi ka sumunod, itotorture ko talaga ang pinakamamahal n'yong Nightmare!" pagbabanta nito sabay tumawa na akala mo'y nagkaroon na ng sapak sa ulo.

Padabog akong naglakad papasok sa banyo. Lagi kasing aligaga hmmpk.

"Good, susunod ka naman pala eh!"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon umalis na ito sa aking kwarto

MGA ilang minuto, narito na kami sa Zage. Maunti pa rin ang taong napasok at halos mga manlalaro ang narito kasi kailangang maaga kami.

I'm currently wearing jogging pants and a varsity jacket kasi sobrang lamig pa at sobra pa kasing aga.

Napasinghap ako ng hangin at niyakap ang sarili, ahhh sobrang mahal ko ang sarili ko!

Ang unti pa ng tao.

Noong pagkaupo ko sa bench, nakaramdam ako ng presensya ng tao kaya naman napalingon ako.

"Here."

Binigay niya sa akin ang ceramic mug na may kape. "Thank you!" sabi ko saka naman siya umupo sa tabi ko. Naramdaman ko namang nakatingin ito sa akin kaya tumingin ako sa kaniya. "Nakapag-coffee ka na?"

"I didn't drink coffee," he answered.

"Eh bakit um-order ka noon ng Café Americano kung ayaw mo?" tanong ko ulit kasi naalala kong um-order siya noon dati.

"For Kaizer," he answered. "I accidentally . . ."

"Ah! Natabig mo ang kape ni Kuya kaya binili mo siya! Okay gets ko na!" pagtatapos ko sa sasabihin niya saka ako pumormang iinom ng kape. Napatingin ako sa ceramic mug at ngayon ko lang napansin na may nakatatak na mukha ni . . . "Levi Ackerman!" kinikilig kong sabi. "Is this yours? Akin na lang 'to!"

"No," sabi nito.

"Bumili ka na lang! Ibigay mo na lang ito sa akin!" sabi ko saka uminom ng kape mula ceramic mug na binigay niya. "Lasang Levi! Yum! Yum!"

"Give it back to me," he said saka niya kinuha ang mug na hawak ko.

"Napakadamot mo! Sabi mo ayaw mo sa kape!" reklamo ko. "You love Levi Ackerman? Bakit ka nga pala mayroong ganito? Saan mo pala ito nabili? Nagbabasa ka rin ba ng manga? Nanonood ka ng anime?"

"I didn't like him nor love him," sabi nito. "He is my favorite anime character, but he is not my favorite anymore."

"Bakit naman hindi? He is handsome, strong, and looks like Sehun! Oh my gosh!"

"That's the reason why he is not my favorite anymore, because of that Sehun," he said. Aba, marunong pala siyang kumontra.

"Ang babaw mo naman!" kontra ko. "Kung ayaw mong ibigay sa akin ang mug, akin na lang 'yung kape!" Kinuha ko ng kape na hawak-hawak niya saka nilagok ng dire-diretso. "Lasang Ackerman!"

At may naisip akong kakaiba.

Tinapakan ko siya ng malakas sa paa para hindi niya ako mahabol. Kumaripas ako ng takbo para maitago ko ang mug na hawak ko. Pero kahit natapakan ko na siya, nakakatakbo pa rin siya ng maayos.

Habang tinatakas ko ang mug, nakita ko si Vhan at tinuro si Zander.

"Vhan, tulungan mo ako! Harangan mo si Zander para hindi niya ako mahabol! Dali!"

"Ay inang, bakit?"

"Gawa nito." Sabay pinakita ko ang mug na hawak ko. "Dali!"

"Tch, dummy." Bigla akong kinilabutan noong narinig ko ang boses niya. Susubukan ko na sanang tumakas nang bigla nitong hinila ang varsity ko pabalik sa kaniya.

"Madamot ka eh! Ayaw mo ibigay sa akin!" kontra ko. "Kung hindi madaan sa santong dasalan, daanin sa santong paspasan."

"Ah, give it to me." Kumura ito pero itinago ko pa. "Kung hindi rin madaan sa santong dasalan, dadaanin ko rin sa santong paspasan." Kinuha niya sa akin ang mug na hawak ko, pero hinigit ko ito at doon tumigil ang aking mundo . . .

"Ah! Ang limited edition ceramic mug ko!" sabi ko saka nagwala noong nabasag ang mug. Pinulot ko ang mga nabasag na parte at isinilid sa plastic bag na nasa bulsa ko. "Paano ako makakabili niyan, ah?! Ikaw kasi ang damot mo eh! Ayaw mong ibigay sa akin eh! I hate you Zander! Hindi kita kabati!"

Naglakad ako ng padabog at busangot ang mukha.

"Lagot ka! Sinira mo ang mug ni Ellaine."

"My mug," sabi nito at kahit malayo na ako, rinig ko pa rin ang usapan ng dalawa. "Acting like a brat huh."


"BAKIT ganiyan ang mukha mo? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa," puna sa akin ni Angela na kadarating lang. "Oh wait, huwag mong sabihing nag-away kayo ng jowa mo?"

"Sabing hindi ko nga 'yon jowa eh!" kontra ko rito.

"Miss Ellaine!"

Napapunta ang tingin ko sa may pinto nang makita ko ang dalawang humahangos na binata. Patayo na sana ako sa kinakaupuan ko l

"Miss Ellaine, Miss Ellaine! Pa-autograph po!"

"Teka? Baka ibang Miss Ellaine ang tinutukoy n'yo!" sabi ko rito.

"Kayo po 'yung tinutukoy namin!" sabi ng mas matangkad sa kanilang dalawa. "Miss Ellaine! Ang galing n'yo pong maglaro ng volleyball sobrang idol ko po kayo!!"

"Ate! Pwedeng manligaw?" tanong sa akin nitong isa.

Biglang namula ang mukha nang dahil sa naging tanong sa akin ng binata na sa wari ko'y junior high student pa lang.

"Nah."

Napairap ako nang ma-recognize ko ang boses niya. Hindi ko na lang siya pinansin sa halip ginulo ko na lang ang mga buhok ng mga batang nagpapa-autograph sa akin. Minsan lang na may humanga sa akin kaya masaya ako na nagagalingan sila sa akin na maglaro.

"Hoy mga bata! May boyfriend na iyan kaya huwag na kayong manligaw!" natatawang sabi ni Angela kaya naman sinamaan ko ito ng tingin sabay bumalik ulit ang tingin ko sa kanila.

"Huwag kayong maniwala sa bruhang iyan!" nahihiya kong sabi. "O siya, pipirma na ako."

Pinirmahan ko ang kanilang hawak na volleyball game ball. Pagkatapos no'n inaya rin nila akong makipagpicture sa kanila. "Okay okay, game ako riyan."

Tumayo ako para makipagpicture sa kanilang dalawa ngunit kaagad na sumingit si Zander sa amin, sa tabi ko.

"Paki-epal ka!"

"Go and take a photo," sabi nito kaya naman sinunod ng batang may hawak ng camera ang utos nito. Sino ba naman ang hindi matatakot sa kaniya kung ganito siya ka-seryoso?

"Thank you po, Miss Ellaine!"

"Welcome!"

"Luh, boyfriend niya na yata 'yung famous na heartthrob sa school."

"Oo nga, nakakainis hindi ako nakakuha ng magandang picture hays next time na nga lang."

"Tch, what a f*cking stupid aficionados."

Napatingin ako sa direksyon niya at sinamaan ko siya ng tingin. Hindi kami bibigyan ng malisya kundi siya sumali sa selfie namin. Saka isa pa, magkaaway kami, kaya talagang galing ako sa kaniya.

"Bakit ka nakisali eh bawal ka naman sumali? Kabati ba kita?"

"According to superstition, if three people are photographed together, the middle person will die. That's why I joined here, because I don't want you to die."

Sinamaan ko ito ng tingin at inirapan. "I am already dead because you killed my precious mug."

"For the correction, it's my mug."

"Heh! Basta! I will forgive you if you buy me this!"


"ELLAINE! 9:00 am na! May laro na tayo."

Napaupo ako ng diretso at saka napakusot ng mata. Saka ko lang na-realize ang sinabi ni Chloe no'ng sumagi sa isipan ko ang sinabi nito.

"Ha? Ano?"

"Ang sabi ko may laro tayo!"

May laro kami? Shit, may laro nga kami?!

No'ng nagsink na sa akin ang lahat nagmadali na akong magbihis ng panlaro ko. Ayon kay Chloe, dalawang beses daw kami maglalaro ngayon, kaya sure akong nakakapagod.

Pero . . .

Kapag naalala ko 'yung nabasag na mug, naiinis ako. Kaya iimagine ko na lang na mukha ni Zander 'yung bola, para kahit hindi ko masapak si Zander ng personal, sa bola ko naman ipagduduldulan ang inis ko sa kaniya.

"Okay tapos na ako, tara na Chloe!" sabi ko saka kami lumabas ng banyo.

"Chloe, ano ngang oras ang laban ng basketball?" tanong ko. Siyempre kailangan kong maging assistant niya since mahaba pang panahon ang naging deal namin.

"Pagkatapos nito," sagot nito saka ako hinigit papunta sa pila namin.

Habang naglalakad kami, nahagip ng aking mata 'yung lalaking kasama ni Alexia kahapon. Inaninag ko ang uniform na suot nito, basketball player pala siya ng Empire.

Kian

SANA maging ayos ang kalagayan ng apo ni Yayey. I hope he will be okay soon, para hindi na mag-alala pa si Yayey.

Kaya naman ngayon, mag-isa lang ako at nagpahatid na lang kay Kuya Jonas papunta dito sa school.

I need to watch my brother and sister's match, baka magalit 'yung mga 'yon sa akin, kaya I have no choice but to go and take away my gadgets for the meantime.

Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Zoey. Pagkakita pa lamang sa akin lumapait na ito at ngumiti.

"Kian!" bati sa akin ni Zoey.

"Zoey, bakit ka narito? I thought you had no interest in basketball."

"Manonood ng basketball," sabi nito sabay sumulyap-sulyap ito sa grupo ng basketball players ng aming school.

She's looking at the direction of a cold man. Okay, mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit manonood sya.

"Bakit 'di ka lumapit?" tanong ko. "Crush mo 'yan 'di ba?"

Tumingin sa akin ng masama si Zoey at sabay bumalik ulit ang tingin sa lalaking tinitingnan niya kanina. "Why would I have a crush on him huh? He is my brother."

"I see," sabi ko na lamang at hindi pinahalatang nagulat sa sinabi niya.

Ngayon talagang nalinawan na ako na magkapatid talaga silang dalawa. Kaya pala magkaapelyido sila. Isa pa, a cold man that I am talking about is used to be a very low profile, that's why he is the third person that I idolize; first Kuya, second is Ate and he is the third one.

"Don't tell about what you'd know Kian ah! Papatayin kita tingnan mo!"

"I know," sabi ko. "Why don't you come with me? Gusto mong mapanood ang Kuya mo 'di ba?"

"Ahhh, huwag na 'no! Besides, I have a lot of things to do."

Bago ako nakapagpaalam, umalis na siya kaagad kaya naman nagpatuloy na ulit ako sa paglakad. Pagkadating ko sa gym, dumiretso na ako kaagad sa bleachers para sa aming koponan. Pagkarating ko umupo kaagad ako sa tabi ni Kuya at kapansin-pansin naman na hindi nakaupo si Kuya Zander sa bleacher nina Ate.

Ano kayang nangyari?

"Ba't ikaw lang?" tanong ni Kuya sa akin.

"Nagkaroon kasi ng emergency si Yayey, 'yung apo kasi niya ay nagkasakit kaya hayun umuwi kaagad sa probinsya nila."

"Sana maging ayos ang apo ni Yayey," sabi nito saka humarap ulit sa court. "I will send some allowance to her later, kailangan niya iyon for sure."

"Yes Kuya, tama ang desisyon mo."

"W-Wait," Kuya mumbled. "Zander, bakit hindi ka nakaupo sa bench nina Ellaine?" That's what I want to ask.

"Bakit parang galit na galit si Ellaine sa bola? Kanina pa siya gigil na gigil eh, o baka ako lang ang nakakapansin?" puna ni Ate Jamie kaya naman tumingin ako sa court at totoo ngang galit na galit si Ate sa bola.

"Nako, alam ko na kung bakit," sabi ni Kuya Vhan. "Nag-aagawan kasi sina Zander at Ellaine sa mug na hinihingi ni Ellaine kay Zander tapos hayun nabasag. Sabi ni Ellaine limited edition daw iyon kaya nagalit si Ellaine kay Zander."

"Anong klaseng mug daw ba?" tanong ni Kuya.

"Levi Ackerman daw," sagot ni Kuya Vhan.

"Kaya pala," sabay na sabi namin ni Kuya. That's why she's literally mad.

"At bakit?" tanong ni Vhan.

"Kasi galit talaga siya," sabi ni Kuya. "Mababaw ang kaligayahan ni Ellaine at kapag nasira ang kaligayahan niya, nagagalit talaga siya gaya niyang mug ni Levi, pagkatapos nabasag pa," sabi ni Kuya. "May pagka-budol iyan kapag mga merchandise na ang usapan," dagdag pa niya. "Bigla ko tuloy naalala 'yung naririnig ko iyang si Ellaine na kinakausap ang tatlo niya raw na asawa, I mean posters nina Sehun, Levi at Rukawa."

"Yeah, she's very crazy," I added.

"Sometimes I heard her crying and I didn't know what's the reason. Kaya kapag naririnig ko siyang umiiyak, she keep asking her so called husbandos for something that I didn't know," Kuya said. "Mukha man siyang baliw but fangirling is her only escape when she feel breakdowns. At alam naman niya sa kaniyang sarili na may limitation." Kuya turned his head into Zander. "Kaya para maging maayos kayo, buy that stuff and give it to her."


IT'S already 1:00 pm at nanalo ang Zage sa dalawang sports; ang basketball at ang volleyball. Hindi ko lang alam kung nanalo ang iba pa pero sana nga oo para sa karangalan ng Zage.

Ngayon, dahil dalawang beses maglalaro ang volleyball kaya narito ulit kami sa court ng volleyball. Habang natagal nagaling ang mga kalaban nila.

"Ouch," napadaing si Ate Alexia dahil naglagabog si Ate Ellaine sa sahig para lang masalba ang bola.

Napatingin naman ako kay Kuya Zander na seryosong nanonood kay Ate. Napansin ko naman na nagpa-sub
siya at hindi ko alam kung bakit, mukha yatang nasaktan siya sa pagbagsak niya sa sahig.

"Coach, babalik po ako mamaya sa laro after ng set 3."

"Okay ka na ba? Ang sama ng pagkakabagsak mo ah," sabi ni Coach Janine kay Ate.

"I'm fine, Ma'am, don't worry."

Natapos ang laro at nanalo muli ang Zage. Habang natagal ang laban, narami na ang mga magagaling at ngayon naman nanonood kami ng second game nina Kuya at sila na ang lamang.

Biglang nag-dunk si Kuya Zander at . . .

"WOOOOHHHHH!!!"

"KYAHHHHH!"

"WAHHHHHHH!"

Panalo na naman ulit sila at ang swabe.

"Ang galing mo talaga par!" sabi ni Vargas number 16.

"Tsong panalo na naman tayo!" sabi ni Kuya.

Pagkatapos no'n lumabas na kaming lahat at kasama ko si Ate ngayon. Bitbit-bitbit na nito ang gym bag niya dahil uuwi na kami.

Habang naglalakad kami nakasalubong namin si Ate Alexia na may kasamang lalaki. Bigla kong naalala ang lalaking kasama niya kahapon.

"Put your hands off to me!" sigaw ni Ate Alexia habang 'yung lalaki nama'y nakahawak sa kamay ni Ate Alexia.

Kaya naman napasugod si Kuya at sinapak kaagad 'yung lalaki. Nagulat ako sa naging aksyon ni Kuya kaya nagkagulo ang lahat. Buti ay maunti ang mga tao rito sa parking lot kasi kung nagkataon, mas malaking gulo ito at baka masuspend sila.

Inawat naman si Kuya nina Kuya Vhan at Kuya Ethan. Ako naman ay nakaharang sa harap nina Ate Ellaine, Ate Jamie at Ate Sharmaine kasi baka madamay pa sila sa away. Si Kuya Zander nama'y nakatingin lang sa isang tao.

Parang pamilyar sa akin 'yon ah?

Si Kuya Andy ba 'yon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro