Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • SIXTY-TWO

Kaizer

PAGKALIPAS ng ilang araw, balik eskwela na. Umalis na si Lola pagkatapos ng birthday ko at ngayon ay back to normal na. Ngayon, balak kong aminin sa kanilang lahat na isa akong gangster. Syempre hindi ko naman idadamay ang mga kaibigan ko, pero nakasalalay ang aking posisyon sa Student Council at napagtanto kong isusuko ko na ang pagiging Student Council President ko dahil isa akong gangster, dahil para sa kanila, hindi ako karapat-dapat sa posisyon na ito.

Balak ko rin ibulgar ang mga traydor sa student council. Sakto naman na may flag ceremony ngayon, sana maamin ko ng buong tapang dahil talagang buo na ang desisyon ko.

Sa totoo lang hindi naman kami masamang tao. Gangster na may cause kami, pinagtatanggol lang namin ang naapi pero kung talagang walanghiyaan na, gagawa na kami ng isang malaking aksyon.

Pinagtatanggol lang namin ang isa't-isa kapag alam naming tama ang nasasakdal at hindi lahat ng gangster ay masamang tao, may ilan lang na mabait pero hindi mabuti.

Habang naglalakad ako sa may pathway, nakasalubong ko ang gunggong na si Vhan na sa pakiramdam ko'y aasarin na naman ako. Puwes kung ganoon, hindi muna ngayon—wala ako sa mood.

"Ano na ang balak mo? Ang akala mo ba hindi ko alam na binabalak mong sabihin sa kanila ang tungkol sa pagiging . . ." Sabay lapit sa aking tainga. ". . pagiging gangster mo."

Inilayo ko siya sa akin dahil naaamoy ko ang hininga niya. Potek, ayaw ko pa naman ng gano'n. Kaya napatakip ako sa ilong ko.

"Aba! Ang kapal ng mukha mo Kaizer! Baka ikaw ang mabaho riyan! Huwag mong kinakalimutan na minsan Kaizer mode ka!"

"Minsan lang naman, hindi madalas!" kontra ko.

Biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. "Going back to our topic . . ." Pang-iiba niya ng topic. "Ano na? Balak mo ba talagang sabihin 'yon?"

"What?" Napatingin naman ako sa taong nag-react. Si Riella ito na nakakunot ang noo. "Are you out of your mind Eice? Alam mo ba kung gaano kadelikado sa atin na sabihin mo ang katotohanan! Talagang isusuko mo pa ang pagiging presidente mo para lang sa 'yong kagustuhan? Mag-isip ka nga, tanga ka ba!"

"Nag-iisip ako ng maigi at ito ang naging desisyon ko," sabi ko. "Laglagan na lang mamaya sa mga traydor."

"Chill lang mga dre, chill lang pagusapan niny—"

"SHUT UP!" sigaw namin kay Vhan sabay nag-peace sign pa. Pagkatapos niyon, napabalik ang tingin ko kay Riella.

"Isusuko ko ang pagiging presidente ko para sa kapakanan ng ating grupo."

"What? Hindi ka marunong maghintay sa tamang timing? Arrgh! Makasarili ka! Hindi ka talaga nag iisip ng maayos!" irita nitong sabi sabay nag-walkout ako. "Arrghh! I don't f*cking care if you'll regret with your actions! I am out of your business now, bastard!"

Hindi ko na lang siya pinansin kahit magbungawngaw pa siya sa akin. Desisyon ko 'to at wala silang magagawa roon.

"You're just like your stubborn-headed sister." Napatigil ako sa paglalakad noong sandaling nagsalita si Zander.  "Are you giving up your position?" tanong niya ulit. "You're mature enough and you know what to do, so I won't stop you." Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Zander. Talaga"There's no secret can't be hide."

Hindi ako makaimik kasi pakiramdam ko ay parang may ibang dahilan siya sa kaniyang way of speaking. Ramdam kong ayaw niya rin na malaman ng iba ang sikreto namin. Alam kong sa pamamagitan ng pagpayag niya ay ang kasalungat ng kaniyang hinahayag. At hindi siya pumapayag sa desisyon ko.

He chooses to be low-profile.

Sino ba namang t*nga ang manlalaglag ng gang?

At this moment, nagdadalawang isip ako dahil sa sinabi ni Zander, para siyang nangh-hypnotize ng iba. Oo nga pala he's the great illusionist and manipulator.

Hayun ang ugali niya.


NAG-START na ang flag ceremony. Nagsimula sa national anthem, dasal at marami pang iba and last ako na ang mag-iispeech. Nasa harap na ako ngayon ng stadium at nakatapat na ang microphone sa akin. Kaagad napukaw ng aking pansin ang isang papel na nakalagay rito sa may stadium. Kaya naman, dala ng kuryosidad kinuha ko ito at binasa.

Good morning.

Anong ibig sabihin nito?

"Nasusunog ang lab! Nasusunog ang lab!" sigaw ng isang estudyante na humahangos kaya naman na-caught ng attention naming mga officers at teachers 'yon.

Hindi na ako nakapagsalita sa harap, sa halip ay tumakbo ako papunta sa may sunog. Sa hindi kalayuan, totoong may sunog nga sa laboratory dahil nakikita ko ang usok na nanggagaling doon.

"Hoy Kaizer!" tawag sa akin ni Vhan habang nakatakip ang kaniyang ilong at bibig. "Nasaan 'yung mga kapatid mo?"

Bigla akong kinabahan sa naging tanong sa akin ni Vhan dahilan para ako ay tumakbo papunta sa may sunog. Ang ibig sabihin ba ng letter na nakita ko kanina'y isang code or message or something?

Si Adamiyn na naman 'yon!

Nagmadali akong tumakbo hanggang sa nasa harap na ako ng laboratoryong nasusunog. Nagkakagulo ang lahat at  inilalabas na ang mga taong nasa loob, kabilang na roon sina Ethan na akay-akay si Sharmaine.

"K-Kaizer! Naroon si Kian!" sigaw ni Ethan sa akin noong nakita ako.

Sh*t! Ang kapatid ko!

Napatakbo naman ako sa may tubig at ang dala kong panyo'y binasa ko sabay ipinantakip sa bibig. Nagmadali akong lumapit sa may pintuan ng laboratory kahit na may pumipigil sa akin. Nagpumilit akong pumasok para iligtas si Kian.

Ako ang panganay kaya ako ang may responsibilidad sa mga kapatid ko. Hayun ang pinaninidigan ko dahil nangako ako kay Mama na hindi ko pababayaan ang mga kapatid ko. 

Habang nagpupumilit na pumasok, biglang sumagi sa isipan ko ang pangyayaring naging dahilan para maging responsable akong Kuya. Ang sinabi sa akin noon ni Mama, noong bata ako, ay pinakatawanan ko hanggang sa ngayon. 

Flashback.

"Mama, bakit po ba ako lagi akon nagbabantay kina Bansot eh kaya naman po nila ang sarili nila."

Napasama ang tingin sa akin ni Mama, pero bigla rin naman itong ngumiti. "Because you are their brother. Big brother always protect their younger siblings, no matter what."

"Is it my responsibility po to make sure they are safe?"

"Yes," sagot ni Mama sa akin. "Ikaw lamang ang maasahan namin sa oras na wala kami. Alam namin na kaya mong bantayan sila, habang wala kami." 

"Bakit po?"

"Because we trust you." 

End of Flashback.

"Kaizer!" sigaw ni Ethan sa akin.

"Kuya!" sigaw ni Ellaine na ramdam kong umiiyak na. "Kuya!!"

Walang makakapigil sa akin. Wala talaga! Desperado na akong iligtas ang kapatid ko.

Noong nasa may pinto na ako naaaninag ko ang isang lalaki na nakatayo at nasigaw ng tulong. "Tulong!"

S-Si Kian!

Napadako ang tingin ko sa kisame ng laboratory. Babagsak iyon sa direksyon ni Kian at kahoy ito na pinalilibutan ng apoy.

"Kian!" sigaw ko sa pangalan niya.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa noong hindi ko na makita si Kian dahil sa bumagsak na kahoy sa kanya. Papasok na sana ako nang may humigit sa akin palayo sa pinto. Si Zander ito pero kahit na ganoon, nagpupumiglas ako. Kaya naman sinuntok niya ako sa mukha. Dapat lang sa akin ang suntok na 'yon dahil wala akong kwentang kapatid. Hindi ko man lang nailigtas si Kian. 

Wala na akong nagawa kundi ang lumuhod at bumagsak na ang aking luha sa aking mata. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung wala na ang kapatid ko. Ayaw ko ng mawalan ng pamilya . . . ayaw ko na.

Nagsisisi ako kung bakit hindi ko sila pinakinggan.

Ang t*nga ko!

"Kuya!"

Bigla akong napahinto ako sa pag-iyak. Para bang nabuhayan ako ng loob dahil narinig ko ang boses niya. Lumingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Tinitigan ko siya at nababalutan ng uling ang kanyang uniporme.

Napatayo ako at bigla ko siyang niyakap. Wala akong pakialam kung imahinasyon lang 'to o totoong nangyayari. Wala akong pakialamKumalas muna ako sa pagkakayakap at tinanong ko siya. "Paano ka nakaligtas? Akala ko nabagsakan ka na ng kahoy," sabi ko.

"Niligtas po ako ni Ate Alexia," sagot ni Kian. Napatingin ako sa likod niya at totoo ngang si Riella."A-Ate Alexia! May sugat po kayo."

Napatingin ako sa braso niya at dugung-dugo ito, pero hindi niya iyon iniinda sa halip nakatingin lang siya ng diretso sa akin. Lumapit naman ako sa kanya at kinuha ang panyo ko. Itatapal ko na sana sa kanyang sugat pero tinabig niya lang ang kamay ko.

"Hindi ko kailangan ang tulong mo."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ano na naman ba ang problema mo?"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Muntikan pang mapahamak ang kapatid mo nang dahil diyan sa katigasan ng ulo mo! Hindi sana mangayayari ang lahat ng 'to, kundi dahil sa 'yo." Sabay umalis siya.

Tama siya kasalanan ko ito.

"Sino kaya ang may gawa nito?" tanong ko.

"Mukhang alam ko na kung sino ang may kagagawan nito," sabat ni Vhan.

"Adamiyn," sabi ni Zander sabay bigay sa akin ng papel na hawak niya.

Good morning.

Adamiyn.

"Meron din ba sa inyo?" tanong ni Vhan saka niya inilabas 'yung sa kanya at ganoon din si Ethan. Pare-parehas ang nakuha naming letter.

Siya na naman, bwiset! Nakakailan na siya ah at lahat talaga ng malapit sa amin, dinadamay niya. Hayop siya! Babasagin ko talaga ang pagmumukha niya kapag nakita ko siya.

"Parang may hint ako kung bakit ni Adamiyn ipinasunog ang lab." sabi ko. "Para siguro mapigilan niya akong sabihin ang mga traydor sa student council no'ng mga oras na 'yon."

"Ibig sabihin niyon, talagang ipinasunog ni Adamiyn ang laboratory? Pero paano naman 'yon? E 'di ang ibig sabihin lang niyon isa sa mga estudyante rito si Adamiyn?"

"Posibleng ganoon na nga," pagsang-ayon ko.

"What if, Adamiyn has a spy here?" sabat ni Ethan. "What if one of the student council traitors is the spy?" May point si Ethan. Paano kung ganoon na nga? Paano kung tama siya?

"Kagagawan mo ito Mister President."

Napalingon ako sa taong traydor sa student council. Walang iba kundi ang vice president na si Kieth.

Baka akala nya hindi ko 'yon malalaman at baka nga siya ang nagpasunog dito eh—wait . . . Baka nga siya ang nagpasunog ng laboratory.

Nilapitan ko siya at tiningnan ng seryoso.

"Muntikan ng mamatay ang kapatid ko nang dahil sa 'yo!"

"Wala kang patunay na ako ang nagpasunog ng lab. Saka huwag kang mambintang. Baka mamaya ikaw naman talaga ang nagpasunog? Tutal gangster ka naman kaya, kayang kaya mong gawin 'yon 'di ba?" sabi ni Kieth.

"Huwag ka rin mambintang na tarantado ka! Baka nga isa kang traydor sa student council. Kayang kaya mong gawin 'yon 'di ba? Tutal, traydor ka naman," sabi ko sabay ngisi.

Nakita ko ang pagexpand ng kanyang pupil. You freak, huli ka ngayong hayop kaIka'y traydor na tunay.

Lumapit ako na para bang may ibubulong sa kanya.

"Alam ko na isa ka sa mga nagtraydor sa 'kin." Sabay may inabot ako sa kanya. "Heto ang tatandaan mo, 'pag may isa pa sa mga mahal ko ang nasaktan, jindi ako mag-aatubiling patayin ka. Tandaan mo yan," sabi ko sabay nag-walkout.

Tingnan lang natin kung hindi pa kayo mahuli sa pinaggagawa ninyo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro