
HATE • SIXTY-FIVE: ENDING OF PART 1
Ellaine
MAKALIPAS ng isang araw, after ng issue kay Kuya, nag-release ang team nina Jamie ng balita at sinasabi rito na fake news ang pagiging gangster ni Kuya. Sign na 'yon na tapos na ang problema at nakatago pa rin ang sikreto nila. Hanggang doon na lang ang sikreto nila, pero nababahala ako na paano kung hindi pala? Walang sikretong hindi nabubunyag.
Sa pagkakataong ito, kahit tapos na ang issue kay Kuya, nariyan pa rin si Adamiyn sa paligid.
Hindi mo man nakikita, pero delikado, pero salamat kay MJ a.k.a Knight in Shining Armor, lagi akong naliligtas sa kapahamakan. Kaya nga pupunta ako sa kanya para personal na magpasalamat. Ngayon talaga ay naniniwala na ako na siya si Knight in Shining Armor, pero bakit iba ang sinasabi ng kutob ko kaysa sa pag-iisip ko?
Habang tinatahak ko ang daan bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba at parang naramdaman ko na ito noon.
Oo, 'yung time na magco-confess ako kay Zander.
Buti na lang at hindi ko iyon naituloy dahil kapag umamin ako wala pa rin siyang pakialam sa nararamdaman ko. Hayun ang pinakamasakit na part, 'yung ma-reject ka. Ilang tao na lamang ang matatapang ngayon at naoovercome ang rejection.
Pero iba talaga kasi siya eh, wala kasi talaga siyang puso.
"Niloloko ko nga lang siya, 'di ba't nagpustahan ulit tayo na lokohin si Ellaine? Bakit ba pinagsisiksikan n'yo ako sa taong cheap na tulad niya?"
"Tongek, mukha kasing totoo na 'yon eh. Sabi-sabi nga, niligtas mo nga raw siya bilang Knight in Shining Armor niya kuno."
Napatigil ako nang saglit noong narinig ko ang usapan nila. Hindi ko maikilos ang paa ko dahil sa narinig ko. Para rin bang tinutusok ang puso ko ng unti-unti at nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko. Napatakip ako sa bibig ko at unti-unting humikbi. Once a manloloko is always manloloko at hindi na magbabago 'yon.
"Lol, hindi ako—"
Nagpakita ako kay MJ at naroon ang mga kaibigan niya saka si Remi na nakangisi. Hindi na naman mababago ang pakikitungo ni Remi sa akin. At the first place, alam niya na pala ang lahat pero mas pinili niya pang magalit sa akin kaysa maging maayos kami. Grabe, pinagmumukha talaga nila akong tanga.
Kaya ayaw ko maniwala eh, poor Ellaine. Nauto ka na naman, Ellaine.
"Bakit ka naiyak? Narinig mo ba? Masakit 'no?" tanong ni Remi sa akin.
Hindi ko lang matanggap na dalawang beses ako niloko ng lalaking ito. Ang sakit niyon, ang sakit. Lokohin kaya ako ng paulit-ulit, 'tapos 'yung taong pinaniniwalaan mong si Knight in Shining Armor pa 'yung nanloko, e 'di acting lang din ba 'yung pagligtas niya sa akin!?
Bakit ba ako niloloko!?
"It's all a prank at nagpadala ka naman," sabi ni Remi. "Kahit kailan hindi ka magugustuhan ni MJ. He likes me more than you, cheap girl."
Napasinghap ako ng hangin at ibinuga 'yon para maglabas ng hinanakit. Wala akong pake sa kung sinuman ang magustuhan niyan. Ang gusto kong malaman ay kung talagang siya si Knight in Shining Armor, if he is, then I will stop communicating to that freaking mysterious guy.
"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, ikaw ba si Knight in Shining Armor?" Sinikap kong huwag magwala ang aking luha na kahit anong oras papatak ito.
"Hindi," sagot niya at tuluyan na ngang pumatak ang aking luha.
Almost a months ay nagsinungaling siya sa akin, na siya si Knight in Shining Armor para sa isang prank at pustahan? And now I really need to believe in my intuition. Bakit kasi nililihis ng isipan ko ang mga kutob kong tama!? Sana kung naniwala ako sa kutob ko e 'di . . . hindi ako iiyak ng ganito.
Kapal talaga ng mukha.
Napakuyom ang kamao ko sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko. Anumang oras kaya ko talagang manuntok, gusto kong ilabas ang sama ng loob ko gamit ang suntok. Bigla tuloy sumagi sa isipan ko 'yung sinabi ni Alexia na masama ang kutob niya kay MJ. Noong sinabi ni MJ na siya si Knight in Shining Armor. 'Tapos 'yung mga sinasabi sa akin ni Kuya. Arrgh, bakit ba ang bilis kong maniwala? Bakit ba ang tanga ko para hindi 'yon malaman? Ang bobo ko para hindi 'yon maisip.
"Masaya ka na bang marinig ang katotohanan mula sa kanya?" tanong ni Remi.
"Hindi ako masaya," sabi ko.
"Bakit? Mahal mo ba siya?" nakanigising tanong ni Remi.
"Hindi," sabi ko at hayun ang katotohanan. "Hindi ko siya mahal, for your information! Hindi ako masayang niloloko ako ng ibang tao. Sinabi niya na siya si Knight in Shining Armor not knowing na 'yung taong 'yon ang nagliligtas sa akin and all I want is to thank for him, pero malalaman ko na maling tao ang dapat kong pasalamatan. MJ claimed that he is Knight in Shining Armor at ako naman itong utu-uto ay naniwala sa mga kasinungalingan niya!" I roared. "Masaya na ba kayong makita na masaktan ako? Bakit n'yo ba ginagawang biro ang isang tao?! Ano ba nagawa ko sa inyong masama para lokohin ako ng ganito, huh? May mapapala ba kayo sa panloloko ng iba? Sa panloloko sa akin!?"
Natahimik sila sa sinabi ko dahil sa mga oras na ito hindi ko mapigilan na magalit.
"Pwes, kung ganoon congratulations dahil nasaktan n'yo ako sa pustahan n'yong mga gunggong kayo!" sabi ko at saka tumalikod. "I was given you a chance to change MJ, pero mas pinili mo pa rin ang dati mong ginawa at napagtanto ko sa sarili ko na hindi na ako muli mahuhulog sa mabubulaklak mong salita."
Pagkatapos kong sabihin ang linyang 'yon, nagsimula na akong maglakad papalayo. Hindi ako dumiretso sa silid-aralan ngayon sa halip, sa secret garden ako pumunta. Dito ko kasi naibubuhos ang iyak ko na walang nakakakita. a lugar na 'to, dito lang ako nakakaramdam ng kalayaan.
Ibinaba ko muna ang bag ko at umupo sa may bench saka ibinuhos ang luha ko.
"Bakit ba ang bilis kong mahulog sa mga salita?" I asked myself. "Bakit kaya ako pa ang pinili nilang lokohin?" I asked myself again. "Ginusto kong manahimik, pero bakit palagi na lang ako ang nakikita nila?" tanong ko ulit sa sarili ko. "All I want is to find and say thanks to that mysterious guy, but he claimed someone's identity just for fun. Napakatanga ko talaga!" sabi ko. "Hindi ba sila nakakaramdam na nakakasawa ng ma-bully?"
Bigla akong nakarinig ng kaluskos kaya bigla akong napapitlag ako. Bigla kong nakita ang isang tao na natutulog. Geez, sobrang pinakaba ako nito.
"I don't forgive those who ruin my sleep no matter who they are," malamig niyang tugon saka siya umupo mula sa kanyang kinahihigaan kaya naman kaagad akong nagpunas ng luha sabay hinarap siya. Napapitlag ako nang nasa tabi ko na siya at nakatitig sa akin ng diretso. "Did you cry?" seryosong tanong niya. "Again, did you cry?"
"Bakit ka ba narito Zander? 'Di ba suspended ka ng isang linggo," sabi ko. "Hindi naman tayo magkabati ah para kausapin mo ako ng ganito saka umuwi ka na sa inyo at magpahinga."
"Did you cry?" pag-uulit nya muli sa tanong niya kanina.
"Paano kung ganoon na nga? Anong gagawin mo?" tanong ko.
"Who made you cry?" tanong niya ulit at ang tanong na 'yon ang nagparamdam sa akin ng kaba.
"Don't mind me, Zander," sabi ko. "Umuwi ka na sa inyo! Dali!!"
"Who made you cry?" medyo tumaas ang kanyang boses, bigla rin namaos ang boses nito. Usually hindi siya nagtataas ng boses, ngayon lang.
Napatungo ako dahil pinipigilan kong umiyak. Ayaw kong umiyak sa harap niya at ayaw kong makaramdam siya ng awa sa akin.
"For the second time around."
Napatunghay ako dahil sa sinabi niya sabay bigla niya na lang akong hinila at niyakap ng mahigpit. Doon ko muling naibuhos ang luha kong kanina pang nagbabadyang lumaglag. Wala akong naramdamang kaba o takot noong niyakap niya ako, parang ang pakiramdam ko ay safe ako.
"Zander, kaloko-loko ba ako?" tanong ko habang ako ay humihikbi na samantalang siya'y hinagod hagod ang likod ko para tumahan. "Zander, ganoon ba ako kabilis maloko?" tanong ko ulit dito. "The person I talking about claimed that he is mysterious guy that I am looking for. I just want to thank him for saving me, pero malalaman ko na hindi pala siya ang dapat kong pasalamatan. Ang tanga ko, dapat naniwala ako sa kutob ko."
"Sometimes we have to hurt and endure all the pain, then move on," sabi niya sabay narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Let me treat you a food." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti. Muli ko na namang ang ngiti niyang kay ganda. "You look awful, dummy," sabi nito na siyang ikinasimangot ko.
"I hate you Zander!" sabi ko rito.
He tch'ed at sinabing, "Ihahatid na kita sa room, intayin mo ako roon mamaya."
"Aba, natural lang na ihatid mo ako sa room! Girlfriend mo ako 'di ba?"
Napangisi na lamang ito at sinabing, "A contract girlfriend."
"Yeah, bale eight days na lang, break na tayo kaya sulitin ko na ang pang-aalipin mo sa akin!" sabi ko at bahagya naman kumirot ang dibdib ko. Parang ayaw ko pang matapos.
Kinuha niya ang bag na dala ko at siya na mismo ang nagbitbit niyon sabay hinawakan niya ang kamay ko at naglakad papuntang classroom namin. Lahat ng taong nakakasalubong namin ay nagsisitinginan. Nagsisimula na naman nilang bigyan ng malisya ang nakikita nila ngayon sa amin. Kaya naman, bumitaw ako dahil ramdam kong pinapapawisan ang kamay ko at dahil sa madami ang nakakakita.
Hanggang sa makarating na kami sa room namin at pumasok pa siya sa loob ng room para ibaba ang aking bag. Ginulo nya ang buhok ko at tiningnan ako. Nag-nod na lang ako, saka na siya umalis. Noong pagkaupong pagkaupo ko, lahat ng kaklase ko'y pinukulan ako ng tingin.
"Anong mayroon sa inyo?" biglang tanong ni Sharmaine. "Kakaiba kasi ang ngiti mo eh. Parang totoong kayo." Ngayon ko lang napagtanto na nakangiti ako kaya napasimangot na lang ulit ako at napatawa si Sharmaine. "Kahit na may kontrata kayo, para bang totoo ang tinginan ninyo, kaya napapaisip ako, kayo na ba?"
"Oy hindi 'no!" kontra ko rito.
"Naikuwento sa akin ni Jamie ang buong detalye kung paano mo nagustuhan si Zander noon."
Napalaki ang mata ko then I mouthed, "Bullsh*t." Kainis talaga ang kadaldalan ni Jamie, natural na natural talaga eh. "You started to hate him because you saw him kissing someone, right?"
Napaiwas ako ng tingin kay Sharmaine. Parang nasaktan ako nang maalala ko ang gabing 'yon-para bang affected pa din ako hanggang ngayon. I hate him because of that night. Akala ko hindi siya katulad ng ibang lalaki na nagpapaasa, nanloloko at playboy, pero nagkalamali ako akala ay akala lang. Though he said that he is not into Katherine, but who knows, baka mamaya pinapaikot niya lamang ang ulo ko.
"I know you feel hatred with Zander. And base on my calculation, 99% of hatred ang nararamdaman mo para sa kanya."
"Bakit naman 99%? 100% percent kaya!" sabi ko.
"1% is something unique which is you already feel it now, but you didn't realize it. You still deny it."
"Anong ibig mong sabihin sa 1%?" tanong ko sabay bigla kong na-realize sa sarili ko na mahal ko talaga siya.
Inayos niya ang salamin niya at para bang kuminang ang bridges ng salamin nito. "You'll find it out soon."
Parang alam ko na ang kasagutan, hindi ko lang tuluyang maamin kasi parang imposibleng magustuhan niya ako pabalik. Though, I even realized na hindi lahat ng nagugustuhan mo ay magugustuhan ka pabalik. And I am afraid that he will reject me.
That is why, I let myself to hate him, but whenever I do that, nabigat ang pakiramdam ko na para bang nahuulog ako ng tuluyan sa kanya. I hate to admit this but I guess bumalik nga talaga ulit.
AWASAN na at kagaya ng sinabi niya, inintay ko siya rito sa classroom. "Oh, diyan ka na ah!" sabi sa akin ni Sharm. "Okay lang ba na hindi na kita samahan?"
"Oo naman 'no! Okay lang ako! Kaya pumunta ka na roon sa room nina Jamie at siguradong naghihintay na siya roon." sabi ko.
"Bye na, ingat ka ah."
"Ikaw rin mag-ingat ah!" sabi ko sabay niyon ang pagkaway niya at tuluyan ng umalis.
Nag-earphones na lamang ako at kinuha ang papel na nasa bag ko saka naggawa ng origami para malibang habang naghihintay sa kanya. Habang naggagawa, hindi ko maiwasang mapaisip tungkol sa kontrata namin. Walong araw na lamang ang nalalabi at matatapos na rin ang kontrata. Pero parang ang bigat ng kalooban ko, nacoconfused na naman ako. Ilang origami ang nagawa ko kagaya ng cranes at flowers, pero hindi pa rin siya nadating, kaya bigla na lang ako nakaramdam ng antok.
Umubob ako sa desk saka ipinikit ang mata.
After a few minutes . . .
"Tch."
Napatunghay ako sa aking kinauupuan at kinusot-kusot ang mata para makita ang nasa harapan ko. Napalaki ang mata ko dahil may lalaking nakatayo sa harapan ko. Kaya naman kaagad ko itong inapakan sa kanyang paa.
"Damn," reklamo niya.
Ngayon ko lang na-realize na si Zander 'yung naapakan ko at ang taong nasa harap ko ngayon."I'm sorry! I'm sorry!" paghingi ko ng paumanhin. "Hindi ko sinasadya! Ang akala ko kasi may ibang tao na gagawa sa akin ng masama!"
"Nothing will happen," he assured.
Napatitig ako sa kanya at nagtagpo ang ang mata. Ang ganda talaga ng kanyang mga mata, nakakahulog kaya bigla naman akong napaiwas ng tingin, baka mahalata niya ang pamumula ng mukha ko.
Inihirap ako nito sa kanya sabay pinitik ang noo, dahilan para mapasimangot ako. "Nagkalat ka pa talaga, hindi ka na ba naawa sa janitor natin na nagpapakahirap maglinis dito?"
"Oo na! Oo na! Lilinisin ko na!" sabi ko rito habang nagmamaktol. "Ikaw kasi, ang tagal mo eh!"
"Kanina pa akong narito," sabi nito kaya naman napatingin ako sa kanya. "Hindi na lang muna kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo."
So he cares for me?
I just shrugged my shoulders and continue to clean my mess.
Nag-iintay siya sa labas kaya naman binilisan ko ang paglilinis ng akin kalat. Noong makatapos na ako, kaagad akong lumabas.
"Zander!"
"What? Dummy girl?"
Napa-pout ako at sinabing, "I hate you, Zander!"
I smirked and said, "I love you too, Ellaine."
SA NIGHT market kami magtutungo dahil pinilit kong dito kami pumunta. Bigla kong naalala na dapat pala akong magpaalam kay Kuya, kaya kinuha ko ang aking phone para i-dial ko na ang number ni Kuya.
"Nakapagpaalam na ako kay Kaizer," sabi niya kaya ibinalik ko ang aking phone at ininayos ko ito sabay ipinatong sa aking lap. Naalala ko na may ginawa akong crane origami para sa kanya kaya muli kong kinalkal ang bag ko at kinuha ang isang crane, sabay iniayos ang aking bag.
"This is for you Zander," sabi ko. "May letter diyan na nakalagay, gusto mo basahin ko?"
Nagnod siya sabay humarap muli ang tingin sa daan. Ako naman ay binuklat ang ang parte kung nasaan ang letter ko at binasa ito ng malakas sa kanya, "Dear Zander, thank you for your kindness, thank you dahil lagi mo akong pinagbibigyan kahit na matigas ang ulo ko. Thank you for being my crying shoulder, staying by my side, for assuring that I will be okay, that I deserve everything, thank you. Nakakainis lang kapag sinasabihan mo ako ng dummy girl, at any stupid related words. Hmmpk, gusto mo yatang makatikim ng Kung Fu 'no? Oo nga pala, I'm sorry kung minsan pakiramdam mo'y naiistorbo kita, na naiinis ako sa 'yo bigla, na bigla-bigla kitang iniiwan, sorry for that." Napatigil ang kotse na lulan namin na sa wari ko'y tumigil ito para pakinggan ang letter ko. "Thank you ulit Zander, sana lagi kang nariyan para sa akin. Alam mo ba na isa ka sa naging dahilan kung bakit nagkakaroon ako ng confidence sa aking sarili, kaya I'm so lucky to have you, I love you, you're the best!" Sabay ngiti ko. "From Ellaine the Cute Elyen." Pagkatapos kong sabihin 'yon, inayos ko ulit ang tiklop ng cranes at inilagay ko sa dashboard niya. "Hayan na! Tada! Anong masasabi mo Mr. Cortez huh?" Sabay itinapat ko sa kanya ang imaginary microphone na hawak ko.
"Thank you for making an effortless letter, dummy girl."
Napapout ako sabay sinabing, "Pasalamat ka't ginawa pa kita ng letter!"
Napatingin ako sa labas. Nasa parking lot na kami. Ah okay kaya pala siya tumigil dahil narito na kami. Kaya naman bumaba na ako sa kotse at ganoon din siya, sabay nagtungo sa mismong night market.
"Why here?" irita niyang tanong at kahit na malamig ang boses niya, hindi maipagkakaila na naiirita siya.
Umupo ako sa bakanteng lamesa kung saan kinaroroonanan ng mga street foods, gayon din siya. Umorder kami ng isaw, kwek-kwek, adidas, proven at iba pang street foods. "Dahil mas masarap kumain dito kumpara sa restaurant na pinipilit mo!" sagot ko pa sabay dumating na ang tinderong bitbit ang inorder namin.
"Filthy market."
"E 'di kung ayaw mo, shupe! Hindi kita kailangan dito!" sabi ko pa tapos nagsimula na akong kumain.
"Yeah, I'll buy something. Stay here, I'll be right back," sabi niya saka siya umalis.
Kumain na lang ako imbes na mainis sa kanya. Gosh, napakaarte niya talaga! Habang nakain ako may biglang napadagil sa aking tao dahilan para malaglag ang hawak kong tinidor. Kaya naman kinuha ko ito para ipapalit ng bagong malinis. Habang kinukuha ito, hindi ko sinasadyang mapansin ang isang card na nasa ilalim ng lamesang inoopukahan ko.
Kinuha ko ito at binuklat ang letter sabay binasa ang nilalaman nito.
01:14:14:12
Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang nilalaman ng letter. Hindi ko naman sinasadyang mahagip ng aking malikot na mata ang taong nakatayo mula sa malayo na siyang nakakuha ng aking atensyon.
Sa dinami-raming tao na narito, sa taong ito lamang ako nakatitig, hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Pinagmasdan ko pa siya lalo. Naka-cap ito at nakaharap sa direksyon ko.
Pinangilabutan ako at tumaas ang balahibo ko sa batok na para bang sa akin siya nakatingin. Bumilis ang tibok ng puso ko . . . Pamilyar sa 'kin ang hubog ng kanyang katawan at kung gaano siya kataas. Pamilyar din sa akin ang tikas ng kanyang tindig at kahit naka-cap siya, kita ko pa rin ang hubog ng kanyang mukha.
Naaalala ko siya . . .
Napatakip ako sa aking bibig at kasabay niyon ang biglang pag-ring ng phone ko. Kaagad ko itong sinagot at tinapat sa aking tainga. Habang nakatingin ako sa lalaking nakatayo sa malayo at kasalukuyan din na nakatapat sa kanyang tainga ang phone niya.
Takot.
Kilabot.
Kaba.
Ito ang kasalukuyang nararamdaman ko ngayon.
"Boom."
Kasabay niyon ang malakas na pagsabog na nanggaling kung saanman.
This is a nightmare, 'di ba?
"S-Si Adamiyn . . ."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro