Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • SEVENTEEN


Ellaine

"HOW about my princess?"

Napatigil ako sa kinatatayuan ko para bang napako ang mga paa ko rito.

Tama ba ang naririnig ko? Anong sinabi niya? My princess? Bakit iyon pa?

"And I will be your knight," sabi nito.

Bigla na lamang kumalabog ang dibdib ko na para bang siya 'yung hinahanap ko. Hindi naman siya 'yun, siguro nagkataon lamang na sinabi niya iyon.

Malay niya ba 'yon.

Pero ano 'yun, coincidence lang? Oo, coincidence lang siguro 'yon. Siguro masiyado ko binibigyan ng kahulugan ang lahat-kaya ako nasasaktan. Ang t*nga ko talaga!

Saka isa pa, si MJ na 'yung umamin na siya ang knight in shining armor ko.

Lumingon naman ako sa kaniya at lumapit. Pinanliitan ko siya ng mata. Kung wala lang talagang mga tao rito sa lugar na ito, bubugbugin ko talaga siya.

"Aha, you are being spontaneous huh, you want to kiss me across this crowded room—" Piningot ko ang tainga niya dahil sumosobra na siya.

Damn it! Nanggigigil ako sa kanya!

"Ayan ang dapat sa 'yo! Napaka assuming mo talaga!" Saka ko binitawan ang tainga niya. Namula talaga tainga nito, pulang pula.

"You hurt me," he murmured then he left me.

Siya pa ang may ganang magalit! Ang kapal talaga ng mukha niya! Eh, kung makaasar siya riyan, malamang na mapipingot ko ang tainga niya. Nakakapikon siya eh.

At teka, tama ba ang pagkakarinig ko kanina? Sinaktan ko siya? Marapat lamang 'yong pingot ko sa kaniya, dahil mas masakit ang dinulot niyang sakit sa akin. Hindi man pisikal, kundi ito'y emosyonal.

Kapal talaga ng mukha!

Bahala na nga siya sa buhay niya maghahanda na lang ako para sa party mamaya.

Naalala kong kailangan pa lang naka swimwear pero hindi ako magsusuot ng ganoon 'no! Tamang high waist shorts at tops na pang swimming na lang ang susuotin ko mamaya.

Napadaan muna ako sa kusina para tingnan kung ano na ang nangyari sa ginawang cake ni Alexia. Halos lumuwa ang mata ko dahil sa nakita kong cake. Wala pa siyang design, pero promise saglitan lamang kay Alexia ang paggawa ng cake.

Masasabi ko na lamang sa isip ko, ang galing!

May ginawa pa itong cupcakes kaya lalo akong namangha.

"Ate Ell!" Sabay kaway pa nito sa akin. "Malapit ng matapos ang cake! Thanks to Baby Enzo, napadali ang pastry works namin." Sabay turo niya kay Kian na ngayo'y nagba-bake ng cupcake.

Napatingin naman sa akin si Kian.
"Oo nga Ate! Thanks to Ate Alexia, sobrang galing niya," sabi ni Kian.

"Masaya ako na natulungan mo kami Alexia. Sige, alis muna ako."

Umalis na ako sa kusina at nag-tungo sa aking kwarto.


MARAMI nang nagsidatingang bisita rito sa bahay namin. May ibang hindi naman invited, pero ayos lang kay Kian. Pumayag naman si Kian na makapasok sila dahil naglulupasay na sa harapan ng bahay namin para makapasok lamang. They're badly want to see Kian even Kuya Kaizer and his friends.

"My dear Ellaine." That is MJ. He's currently wearing floral polo and orange shorts.

Bakit nga ba siya narito? Gawa siguro ni Kian. Akala niya kasi may gusto pa rin ako kay MJ, kaya binigyan niya ng invitation card. Yeah, feel ko ganoon ang nangyari. Pati nga rin ang mga ka-team ko, binigyan. Kasama na si Remi.

Gano'n kabait ang kapatid ko.

"Hi MJ, enjoy!" sabi ko at pagkatapos kong sabihin 'yon, umalis na ako.

I know he is Knight in Shining Armor but that does not mean that I trust him and let him enter my life, again. I know that I am being rude to him, but I want to distance myself, kasi one mistake is enough.

Nag-intay na lang ako sa tapat ng bahay namin at inabangan si Andy. Napahawak ako sa dibdib ko noong bigla-bigla siyang sumulpot sa harap ko. Halos malaglag ang panga ko dahil sa suot niya ngayon. Bagay na bagay sa kaniya, lalo siyang gumawapo. He's wearing light pink polo with cream color shorts.

"Andy, gwapo mo riyan ah!" Saka siya lumapit sa akin.

"Dito lang?"

"Siyempre lagi ka namang gwapo 'no. Tara na roon sa pool area, magsisimula na ang party!"

"Sige!"


"HOY Ellaine, dalian mo na riyan maglakad at magi-ispeech na si Kian!" sabi ni Kuya na halatang atat na atat. Ang akala mo ay siya ang may birthday eh. "Ah, siya ba 'yung Andy 'no?" tanong pa ni Kuya at napatango na lang ako bilang sagot. "O siya enjoy!" sabi nito saka siya naglakad patungo sa mga kaibigan niya.

"Tara roon sa may bench, Andy!" pag aaya ko sa kaniya saka kami pumunta roon.

"Good evening everyone! It's a pleasure that you guys attend my birthday party. I hope you guys enjoy it, as well as I am enjoying my party. I would also like to thank those people who help me despite being hopeless. That's all. Have a pleasant evening."

Pagkatapos ng maikling speech ni Kian, may lumapit sa kaniyang mga babae na nakipagpicture. Pagkatapos no'n kapansin-pansin na may lumapit din sa kaniyang isa pang babae na halos kasing age niya lang. Bale hindi lagpas balikat ang buhok niya at napaka-simple niya lang. Isa pa, parang nakita ko na sya sa student council office. Hindi ako sure na isa siya sa committee, pero basta-nakita ko na siya.

Aha! Classmate ni Kian!

Medyo may kahawigan nga ni Ma'am Ziamara, ewan ko kung bakit sumagi sa isipan ko si Ma'am Ziamara-okay, nevermind.

Tumingin ako sa katabi ko na tahimik lang. "Tara na't kumain tayo roon. Tapos kuwentuhan mo ako about sa mga pinagkakaabalahan mo ngayon."

"Sure."

Pumunta naman kaming dalawa ni Andy sa may buffet. Para bang gusto ko ng lamunin ang pagkain na nandoon kaso, nakakahiya sa kasama ko at baka isipin na patay gutom ako.

"Big eater ka pala!" gulantang na sabi ni Andy noong nakita ang laman ng aking pinggan.

"Huh?" tanong ko at napatingin pa ako kay Andy. "Anong big eater ka riyan! Eh maunti lang 'to."

Napahalakhak pa siya at tumingin sa akin. "Look! You took a lot of tuna pinwheel and clubhouse sandwich plus may cupcake pa! Wow! Ngayon lang ako nakaencounter ng babaeng ganito kadaming kumain and look-parang 'di ka nataba!"

"Grabe naman doon sa madaming kumain," sabi ko saka napabusangot ako. "Tama lang sa akin na ganito ako kumain. Saka sabi nila na 'yung nutrients na nakukuha ko sa pagkain ay napupunta sa buto ko. Kaya raw siksik ako at hindi halatang nananaba, okay?"

"I see, I see. O siya, if you insist."

Pagkatapos niyon umupo na kaming dalawa sa bench at nag-kuwentuhan tungkol sa mga bagay bagay na kung anuman ang lumabas sa isipan namin na topic.

Mabait talaga si Andy in the first place. I always save him from those bullies including MJ's company. Wala namang pake si MJ kung sino ang bully-hin ng mga sugpo niyang sugo.

At saka alam kong sila 'yung laging pinagtutulungan si Andy before. Kaya raw nila ginagawa 'yon kasi lagi raw nakadikit sa akin si Andy, noong mga panahon na gusto ko pa si MJ. After no'n wala na akong balita kay Andy ta's ngayon, grabe ang glow up niya.

"So, may nililigawan ka na ?" tanong ko rito. "Sa gwapo mong 'yan imposibleng wala."

"Wala akong niligawan 'no!" kontra nito. "Sa sobra ko ba namang busy sa studies wala na akong oras para riyan. Kung gusto mo sa iyo na lang ako manligaw. I assured you that you are perfectly fit for me, you are fit in my standard."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang 'yon. "Nasisiraan ka na ba ng bait?" tanong ko sabay humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya.

I can't believe this.

Oo, aaminin kong gwapo siya, pero hindi ko siya puwedeng patulan kasi tinuturing ko na siyang kapatid. Besides ayaw ko ulit sumugal, baka sa huli na naman, umuwi akong luhaan.

Napansin kong naging seryoso ang tingin niya sa aking direksyon kaya naman napatigil ako sa pagtawa, ssaka ulit siya ngumiti. "Siyempre binibiro lang kita, don't take it serious 'no."

"I know " sabi ko saka kinuha ang aking juice. Iinom na sana ako ng juice nang may biglang dumagil sa aking siko. Kaya naman muntikan ng magsungaba ang baso sa bibig ko. Kunot-noo akong napatunghay at nakita ko siya na nakatingin sa akin.

Tiningnan niya lamang ako, mata sa mata at tila matamlay ang mga mata nito. Ah oo nga pala, ganito naman talaga siya, walang emosyon at walang pakialam sa paligid niya.

Pagkatapos niya akong tingnan, tumingin muli ito sa daan at naglakad palayo sa amin.

Napatayo naman ako sa hindi ko malamang dahilan. "A-Ahh, Zander!" tawag ko sa kaniya kaya naman napalingon siya sa akin. Talagang ang tamlay talaga ng mga mata niya na para bang may sakit.

Pinagmasdan ko muna siya and oh my freaking hot! He's wearing a white button-down polo shirt and white shorts. Also, he was holding his shades.

Shocks a freaking hot guy.

"Why?"

Bigla akong nanumbalik sa reyalidad noong nagtanong siya. Sabay noon, bigla akong nakaisip ng magandang palusot dahil sa katangahang bigla-bigla ko na lang siyang tinawag.

Lumapit ako sa kaniya at hinigit papunta sa bench kung saan kami nakaupo ni Andy.

"Zander, I would like you to meet my friend, Andy." sabi ko saka tinuro si Andy. "Andy, this is Zan . . . "

"The owner of Zage University," pagtatapos ni Andy sa sinasabi ko at tila naging matalim ang tingin nito kay Zander. Napatingin naman ako kay Zander at gano'n pa rin ang kaniyang emosyon. Takang-taka ko silang tiningnan at sa kabila no'n inihayag ni Andy ang kanyang kamay para kay Zander. "Nice meeting you, Zander."

"Likewise."

Nakipagkamay naman si Zander, ngunit napapakiramdaman ko na may kakaibang presensya sa pagitan ng dalawa kaya naman pinaghiwalay ko na lang ang kamay ng bawat isa. Mahigpit ang pakikipagkamay ni Andy kay Zander, pero na-manage ko na paghiwalayin ito at hinarap si Zander. "O siya Zander, baka naman pwedeng makisuyo. Patawag naman si Kian, ipapakilala ko lang siya kay Andy."

He nodded and left.

Mga ilang minuto lang, narito na si Kian at kasama niya si Lola. Bigla na lamang akong napayakap kay Lola. Akala ko nga hindi siya darating kasi nagpasabi siya kay Kuya na 'di siya makakadating, pero ngayon nandito na siya . . . izza prank lang siguro.

Besides, Lola didn't break her promise.

Napakalas ako sa pagkakayakap aa kaniya at tiningnan ang outfit niya ngayon. Napakasimpleng dress lamang siya at talagang kitang kita ang kagandahan niya dahil sa kaniyang suot. Ang akala mong 30s, pero 'di mo aakalain na siya ay 68 na.

"I miss you lola!" sabi ko.

"Ako rin, Ellaine, apo."

Bigla akong napaharap kay Andy dahil nalimutan kong ipakilala siya kina Lola. "Oo nga pala, Lola-Kian, siya pala si Andy he's my friend."

"Nice to meet you po." Tumayo si Andy at nakipag-shake hands kina Lola at Kian.

"Thank you Kuya Andy sa pagdating," pagpapasalamat ni Kian kay Andy at ngumiti pa ito.

"Walang anuman," sabi ni Andy at ngumiti rin ito.

Pagkatapos no'n bigla itong napatingin sa kanyang relos at sabay tumingin sa akin. "Ellaine, aalis na ako kung ayos lang?" pagpapaalam nito. "Naalala kong may research pa pala akong tinatapos, kung ayos lang?"

"Oo naman 'no!" sabi ko. "Ihatid na kita sa labas."

"O-O sige," sabi pa ni Andy at humarap ito kina Lola. "Aalis na po ako ah, salamat po sa pag-imbita saka . . ." Inabot nito ang regalo kay Kian. "Heto nga pala, ang regalo ko sa iyo. Happy Birthday!"

"Thank you, Kuya Andy!" sabi ni Kian.

"Salamat po ulit sa pag-imbita. Aalis na po ako."

Pagkatapos no'n, naglakad kami papuntang gate. Habang naglalakad kami papunta sa gate, mag-kausap pa rin kami ni Andy. Tinanong ko sa kaniya kung nag-enjoy ba siya at oo, nag-enjoy siya. Pinag usapan din namin ang tungkol sa nilipatan niyang school at inamin nito na nalulungkot ito dahil hindi niya ako kasama sa bago nitong nilipatan.

"Heto talaga ang gusto kong itanong sa iyo kanina pa. Hindi naman sa nanghihimasok ako, pero bakit nga ba lumipat ka ng ibang school? I don't get what's your point of view. Baka naman, care to share?"

"L-Long story," tanging naging sagot nito.

"'Yung mismong dahilan lang?"

"Basta, hindi ko masabi."

"Sige na?"

"Ang kulit mo! Sabing hindi ko puwedeng sabihin ang dahilan. Bakit hindi mo magawang intindihin?"

Napataas ang kaniyang boses kaya naman napatigil ako. Bigla akong kinabahan dahil sa mga sinabi nito. Parang gusto kong umiyak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, parang sumama. Bakit naging ganito si Andy? Si Andy 'yung tipo ng lalaki na sobrang nirerespeto ang babae at hindisinisigawan.

"Sorry kung napasobra ako," tanging nasabi ko.

Na-offend ako . . . bigla.

"Ako ang dapat na humingi ng pasensiya. I'm so sorry talaga, Ellaine. Hindi ko kasi puwedeng sabihin dahil talagang napakapersonal noon. Hindi ko pa kayang mag-open up, pero siguro ikukuwento ko na lang 'yon kapag handa na ako," mahinahonh sabi nito.

"'Di mo naman kasi sinabi sa akin na personal 'yon, e 'di sana hindi na ako nangulit. O siya sige na bye na, ingat ka!" My voice cracked, naiiyak ako.

"Sige mag-iingat ako. Salamat ulit," sabi ko saka siya sumakay sa loob ng kotse at nagmaneho na ito paalis.

Bigla akong nanibago sa kaniya at naiiyak ako, nalulungkot ako kasi parang iba na ang kaniyang pagkatao.

Alexia

"KUYA Z, may sasabihin ako sa 'yo," I said when I suddenly appeared on his back.

Ang akala niya siguro hindi ko malalaman ang nangyari. Akala niya maitatago niya ang sikretong iyon.

Puwes sa akin, hindi.

"Spill it out," he said, as he turn around to me.

"Kuya Z! Narito si Demeter," sabi ko pero hindi na siya nagulat dahil pakiramdam ko na alam niya na ang sasabihin ko. "Kuya Z, alam kong wala na talaga si Demeter sa atin 'no! Huwag ka ng tumanggi! Kasi alam kong 'yung nakita kong pusa ay si Demeter. Sinabi rin pati sa akin ng mga yaya natin na wala na silang nakikitang pusa roon! Kaya napagkatanto ko na nawala mo si Demeter. Hindi ka natupad sa pangako!"

Tiningnan ko ulit ito nang may masamang tingin at wala pa rin itong karea-reaksiyon. Siguro iniisip nito kung paano niya makukuha si Demeter. "Alam kong iniisip mong kukuhanin mo ang pusa sa bagong nagmamay-ari sa kaniya. Puwes, hindi ako papayag! Naiwala mo nga siya, pinabayaan mo pa! Kaya magdusa ka!" I said and I pouted.

"Nah. Demeter is mine," he defended himself.

"You're not, Kuya Z! 'Di na pwede."

"Anong pinagtatalunan n'yo?" biglang tanong ni Eice. Kaya naman pala sumama ang hangin. "'Yung pusa na narito kasi eh, kanino ba 'yon?"

"Ah, iyon bang si Nightmare? Kay Ellaine 'yon," sagot ni Eice.

"Ah gano'n ba," I said. "May isa kasi rito na iniwala ang pusa niya tapos noong nakita, inaangkin naman."

"Gano'n ba? Inampon lang kasi ni Ellaine si Nightmare eh, baka hayun ang sinasabi n'yo. Sige, ibibigay ko," sabi ni Eice dahilan para sumama ang tingin ko rito. Kahit kailan talaga. Hindi naman sa kaniya binibigay niya.

"Really?" Kuya Z suddenly asked.

"Heh-no! Kailangan natin ng permission mula kay Ate Ell. She's the new owner of Dem-I mean Nightmare," I said. Of course, mas may tiwala pa ako kay Ate Ell kaysa kay Kuya Z.

"Mamaya n'yo kausapin kapag narito na siya," sabi ni Eice.

Pagkatapos sabihin ni Eice iyon, naglakad na ito. Kaya naman palihim kong sinundan si Kuya Z, para maipaglaban ang karapatan ni Ate Ell kay Nightmare. Alam kong mahal na mahal ni Ate Ell si Dem-I mean, Nightmare at ayaw kong mawala si Nightmare sa kaniya.

Besides, iniwala na nga ni Kuya Z, pilit niya pang kukuhanin.

"Pre, dahan-dahan naman," sabi noong lalaking bumangga kay Kuya Z and that is MJ. "Zander Cortez." Napatigil si Kuya Z dahil binanggit niyong lalaki ang pangalan niya. "Alam mo bang 'di pa rin ako nakakaganti sa iyo hanggang ngayon?" sabi ng lalaki ngunit nagpatuloy lamang si Kuya Z sa paglalakad. "We're not yet done Cortez! Aabangan kita riyan sa labas and let's see who will win."

Noong pagkasabi noong lalaki ang banta nito kay Kuya Z, kaagad akong pumunta sa may gate at nakita ko si Ate Ell na nakatulala. Suddenly, that bastard guy appeared.

"Ellaine," tawag noong lalaki kay Ate Ell but she ignored him.

Pagkatapos ng pambabalewala na 'yon, tumingin sa direksiyon ni Kuya Z si MJ at tila hindi pa siya tapos sa kaasbagan niya.

"You." He suddenly pointed Kuya Z.

Kuya Z looked at him as if he is not interested to that bastard guy. Tinapunan nito ng kaniyang usual expression na lalong nagpainis doon sa lalaki.

"Ang akala mo ba tapos na tayo?"

Kuya Z slightly smirked and said, "You freak."

"Yabang mo ah!"

His fist immediately landed on Kuya Z's face, pero hindi lumaban si Kuya Z dahil na siguro ayaw nito ng gulo. Then suddenly Ethan, Vhan and Eice came. They are trying to stop that bastard guy, but it's useless.

Kaya naman lumabas ako at kinasa ang baril na nasa magic bulsa ko. Itinutok ko rito sa sintido niya ang baril ko, dahilan para mapatigil ito.

"Punch him again and I will shoot you right here, right now."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro