
HATE • NINETEEN
Ellaine
NOONG sunday, nanatili lang si Lola sa amin dahil hindi niya raw kayang umuwi nang hindi man lang kami makakasama nang matagal. Kaya nag-kuwentuhan kami tapos naggala na rin, syempre libre ni Lola ang lahat. Kasa-kasama rin namin ang mga barkada ni Kuya.
Panira talaga sila, lalo na si Zander.
Flashback.
Abala akong kumakain ng saging na sabang pinirito rito sa kusina, habang si Lola naman ay nainom ng kape.
Pasulyap-sulyap ako kay Zander at hindi talaga mawala-wala ang paningin ko rito. Bakit ba kasi lagi siyang nandito? Naaasiwa na ako sa mukha niyang kasing lamig ng yelo.
"Ellaine, apo! Huwag makatingin, baka makain." Napatingin ako kay Lola at kumunot ang noo ko. "Bagay kayo n'yong magandang binatang 'yon." Sabay turo ni Lola kay Zander.
Napakunot ang noo ko at pinukulan si Lola ng nagtatakang tingin. "Lola naman eh! Para po kayo si Mama, inaasar ako sa hindi ko naman gusto."
"Hindi gusto? Nabanggit mo sa akin noon na crush mo siya, pinakita mo nga sa akin ang picture niya," sabi nito at ngumisi. "Eeehh!"
"Hush, a-ah ano Lola, wala na po talaga akong crush sa kaniya!" sabi ko. "Wala na po talaga!"
"Alam mo apo, parang namumukhaan ko ang batang 'yan." sabi ni Lola at tinitigan pa nito si Zander. "'Di ko lang tanda kung saan ko siya nakita." Napalagok pa ng kape si Lola at pagkatapos no'n tumingin sa akin. "Saka isa pa tandaan mo, nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ko. Kaya kapag sinabi kong bagay kayo, magkakatuluyan kayo niyan."
"Malay n'yo po, magbago ang tadhana tapos hindi po pala kami karapat-dapat sa isa't-isa. Saka hindi na po ako interesado sa kaniya, nakakairita nga po 'yan eh."
"Huwag kang magsalita ng tapos, Apo." Pagkatapos no'n, binigyan nya ako ng makahulugang tingin.
Imposibleng mangyari ang sinasabi ni Lola.
End of Flashback.
Napabalik ako sa wisyo noong napansin ko ang mga 'to na nakatitig sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Kaya napakunot ako at pinunasan ko mukha ko pero wala naman.
Nagtaka ako sa mga tinginan nilang ito. Ang akala mo makatingin ay may ginawa akong kalokohan, ngunit wala naman.
Kaya naman imbes makipagtalunan ng tingin sa kanila, kumain na lang ako ng fudge na nasa harap ko. Simula no'ng nagkasama-sama kami sa lamesang inuupukuhan namin dito sa cafeteria, kanina pa silang ganitong nakatingin sa akin.
"May nangyari sa inyong dalawa noong sabado 'no?"
Halos maibuga ko na ang pagkain na nasa bibig ko dahil sa tinanong ni Jamie, si Sharmaine naman to the rescue dahil sa pag-abot nito sa akin ng juice. Matapos kong inumin 'yon sinamaan ko ng tingin si Jamie.
"Anong pinagsasasabi mo riyan?" tanong ko.
"Deny ka pa riyan ah! Kitang kita ko at malinaw na malinaw na may ginagawa kayong dalawa kagabi! Tapos sasabihin mo sa akin ano ang pinagsasasabi ko kung iumpog kita sa lamesa diyan eh at tingnan lang natin kung hindi mo maalala 'yung nangyari sa inyong dalawa ni Zan . . ."
"M-Magpapaliwanag ako," sabi ko.
Nag-explain ako tungkol sa talagang nangyari kagabi. Sinabi ko na aksidente kaming napahiga sa kama dahil nag-aagawan kami kay Nightmare. Inamin niya kasi na siya ang real owner ni Nightmare at hinahanap niya ito kasi nawala niya ito. Kaya naman kaagad na naniwala sa akin si Alexia dahil nandoon siya sa mismong pinangyarihan.
"Ganoon pala," sabi ni Sharmaine. "Nako Jamie, likha lamang siguro ng malikot mong imahinasyon ang sinasabi mo."
"Oo nga, ganoon na nga ang nangyari, okay? Kaya huwag muna kayong magpapaniwala sa sinasabi ni Jamie-okay?"
"Excuse me, ladies." Napalingon kami sa lalaking mala-tore ang postura, siya pala. "I kindly excuse you, honey." Tumingin siya sa akin. "Just for a while."
"Ayieeee! May date kayo?" tanong ni Jamie.
Pumungay ang mata ko dahil sa naging tanong ni Jamie kay Zander. Seryoso? Issue maker talaga 'tong si Jamie.
"Namumula siya," pang-aasar ni Sharm.
"We have," sabi niya. "Love, let's go."
"Nice love at honey ang tawag kay Ellaine! Sana all!" pang aasar pa ni Jamie kaya naman napasama ako ng tingin dito at pati na sa lalaking kadarating lamang sa lamesa namin.
"Bahala nga kayo riyan!"
Napaalis ako sa upuan ko at napalakad palayo sa kanila dahil sa sobrang pagkainis ko. Noong lumingon ako sinusundan niya na pala ako at habang naglalakad ito patungo sa akin, walang kaemo-emosyon ang mukha nito. Para bang kapag makikita pa lang siya ng ibang tao, mapapatabi ka na lang sa daan kasi nakakatakot daw siya.
Napatigil ito sa paglalakad noong nasa harapan ko na siya.
"Have you remember what's our deal?" tanong nito sa akin kaya naman napairap ako. Tandang tanda ko ang deal naming dalawa.
"Alam ko! Tanda ko!" iritable kong sagot. "Saka isa pa, sa pagkakatanda ko, wala naman tayong usapan na may date 'di ba? Kung mayroon man, hindi ko tanda."
"Third worthy cause condition; follow whatever I want," he said. "And you'll follow my will." Napabagsak ang balikat ko dahil nasa kasunduan nga pala namin ang susundin ko ang kagustuhan niya. Hindi ko na alam kung anong way para malayuan siya. Pinipilit ko naman, alang-alang sa relasyon nila ni Katherine. "Pinapatawag ka ni Ma'am Janine," sabi nito. "Gusto mo lang siguro na i-date kita kaya ka sumama."
Tiningnan ko siya ng masama at saka hinampas ng malakas. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. "Kung hindi lang alang-alang kay Nightmare, hindi ko talaga susundin ang mga pinag-uutos mo," sabi ko rito. "So ano pang ginagawa mo rito, aber?"
"I want to accompany you," sabi nito dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Kikiligin na sana ako nang bigla itong nagsalita. "Aalalayan lang kita, baka madapa ka. Lampa ka pa naman."
He sounds sarcastic that's why I rolled my eyes. "Ano pa bang magagawa ko? Baka mamaya kuhanin mo pa ang pusa ko."
"Our cat," pagtatama niya saka siya naglakad kaya sinundan ko siya.
Napapatakip na lang ako ng mukha dahil halos lahat ng babae'y nakatingin sa aming dalawa. Sinisigurado kong ako ang nangunguna sa listahan ng padadalahan nila ng death threats dito sa Zage. Ayaw ko nga ng ganitong set up, pero kung alam niyo lang na nakasalalay ang pusa ko sa mga conditions na binigay niya.
Habang naglalakad kaming dalawa, naalala ko bigla ang mga banta ni Katherine sa akin na layuan ko si Zander.
Paano? Sa bawat paglayo ko rito sa lalaking 'to ay siyang paglapit nito sa akin. Nasa three worthy cause conditions niya nakasalalay ang pusa ko at ayaw kong masira ang naging deal namin, baka mamaya makuha nya pa ang pusa ko. Mahirap na at magaling ito sa kasunduan.
Paano kung itago ko na lang si Nightmare o kaya pagtaguan ko na lang si Zander saka tumakas?
Yayyss! Good idea, Ellaine.
"If I were you, I would never try to do what you are thinking about," bigla nitong tugon na siyang ikinakunot ng noo.
Paano-arrgh! Huwag mong sabihin na isa si Zander sa mga taong kayang magbasa ng iniisip ng isang tao?
Napatakip na naman ako ng mukha ko. There's no way to escape from him. Kahit isipan ko, nababasa niya.
Noong nanumbalik na ako sa reyalidad. Nakita ko itong malayo na kaya hinabol ko ito at ini-cling ang aking braso sa braso rin niya. "Nahabol din kita!"
Napatigil ito sa paglalakad, sabay hinawakan ang aking kamay ng mahigpit. "I got you."
Pinukulan ko ito ng nagtatakang tingin saka ko lamang napagtanto na wala siyang balak bitawan ako noong hinigpitan niya ang hawak sa akin.
Nakakahiya!
Kahit anong pilit kong bumitaw rito'y hinihigpitan niya pa lalo. Hanggang makaabot na kami sa room ng volleyball players, hindi niya pa rin ako mabitaw bitawan.
"Coach Janine," tawag ko.
Tumingin ito sa direksyon namin sabay bumaba ang tingin patungo sa kamay namin. Pagkatapos no'n pinukulan niya kami ng isang ngiti, ngiting alam ko kung ano ang kahulugan.
"Kayo na ba ni Mister Cortez?"
'Di ba, I told you!
Pinilit ko talagang maalis ang pagkakahawak nya sa akin at nagawa ko na sa puntong ito. "Coach naman, kaibigan ko lang po 'tong kasama ko 'no!"
"You can call me Ma'am Janine-sabi ko na sa inyo 'yun 'di ba?"
Napakamot ako sa batok ko at ngumiti nang may kagalakan. "Ma'am, naasan na po ba sila?"
"Wala pa nga sila eh," pagkatapos niyang sagutin 'yon tumingin naman si Ma'am kay Zander. "Salamat pala Zander sa pagtawag sa girlfriend mo."
"My pleasure," he replied.
Tiningnan ko ang dalawa at sabay sabing, "Ma'am hindi niya po ako boyfriend!" kontra ko. Pinilit kong bumitaw rito at nagawa ko naman.
"O siya sige na! Pwede ka ng pumunta sa kabilang room. Alam kong iniintay ka na ni Sir Dela Torre," sabi ni Ma'am.
Tumango lang si Zander at bago siya umalis. Tiningnan niya muna ako at halata namang pinaparating niya sa akin na huwag mong tatangkain na tumakas something like that.
Mukha ata kahit pagtakas ko, alam niya.
"HINDI mo talaga ako lulubayan?" iritable kong tanong habang naglalakad kaming dalawa papunta sa room.
"Why would I?" he asked me.
"Kasi . . ."
Pati ako hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko.
Inaamin ko, hindi ako makapaniwala sa naging deal namin. Napipilitan ako sa sitwasyon na iyon dahil kagustuhan kong sa aking puder ang pusa ko. Mahal na mahal ko si Nightmare kaya ayaw kong mapapunta sa kaniya ang pusa ko. But something bothers me, and that is to avoid him for Katherine.
Hindi niya naman alam ang dahilan ng paglayo ko, dahil wala siyang pakialam. Hindi niya alam ang lahat ng nararamdaman ko kahit siya pa ang pinakang matalinong tao sa mundo.
Gusto ko siyang layuan, pero kahit anong gawain ko, pilit kaming pinaglalapit ng tadhana.
"Ellaine," he called my name. Kaya naman nilingon ko siya at nagtapat ang aming mata. "Hindi kita pipiliting sumama sa akin."
I let myself to do this. Hahayaan ko muna ang sarili kong hindi mahirapan. Lalo akong nahihirapan dahil sa paglayo sa kaniya kung patuloy na ang tadhana ang naglalapit sa amin. Pero kapag nakahanap na ako ng tiyempong takasan at labanan ang tadhana, kukuhanin ko ang oportunidad na iyon para makalaya sa tinik ng kapalaran.
Umiling ako bilang sagot at ngumiti sa kaniya. "Sasamahan na kita, may deal tayo 'di ba? In one week?" I hold his hand and walk through our classroom.
BIGLA kong naalala ang pinahabilin ni Jamie sa akin na flashdrive. Ibibigay ko lang sa kaniya at baka nakalimutan niya na nasa akin. Maloloka iyon kapag inisip niyang naiwala niya ang flashdrive niya gayong ang lahat ng documents niya ay nandito sa flashdrive niya.
Isa pa, I will grab this chance na makatakas sa kaniya. Besides, he's currently in a meeting with his basketball team. Kaya hinanap ko naman si Jamie kasi nga ibibigay ko ito sa kaniya, baka mamaya ngumalngal iyon.
Mayamaya'y nakita ko si Jamie na pumasok sa clinic. Napakunot ang noo ko dahil doon. Ano kayang nangyari roon?
Sinundan ko siya ng palihim at baka may gagawin na naman siyang kabaliwan. Patago akong sumilip mula rito sa labas, sa may bandang bintana para makita kung ano ang sadya ni Jamie. Wala naman siyang sakit, 'di siya tinatablan niyon. Kaya anong ginagawa niya rito?
"Doc, ang sakit po ng ulo ko. Sobra pong sakit talaga." Napakunot ang noo ko. Something suspicious here.
"Kahapon tiyan ngayon naman ulo? Ano na ang nangyayari sa iyo Jamie?"
Nice acting Jamie, tsk tsk.
"Pahingi na lang po ng gamot, please Doc?"
"Sige, ano pa bang magagawa ko?"
Teka ngayon ko lang nalaman na may doctor na pala rito sa Zage. Talagang ayaw ng Zage na napapahamak ang estudyante nila eh. 'Di ba sila tiwala sa nurse lang?
"Thank you, Doctor Harvey."
Doctor Harvey? Parang pamilyar sa akin iyong pangalan na iyon ah!
Inalala ko kung saan ko narinig ang pangalang 'yon at saka ko lamang napagtanto na . . .
Ahh! Oo, siya nga!
'Yung crush ni Jamie!
Jamie
BUTI narito na siya at palagi ko na siyang masisilayan. Sa wakas graduate na siya bilang isang doctor. Buti na lang dito siya in-appoint bilang isang school doctor ng Zage.
Flashback.
The year 2016 . . .
"Ellaine, kilala mo ba 'yung Harvey?"
"Ahh hayun ba 'yung pinakamagaling na estudyante sa ano nga 'yon?"
"Doctor of Medicine, duh!"
"Nagtatanong lang eh," sabi niya at saka siya umirap. "Bakit mo naman 'yan natanong?"
Napaiwas ako ng tingin kay Ellaine at baka mahalata niyang namumula ang magkabilang pisngi ko.
"Jamie, sabihin mo nga sa akin ang totoo." Hinarap niya ako kaya mas lalo niyang nakikita ang pisngi ko. "Crush mo ba 'yung doctor na 'yon?"
Lalo pang pumula ang pisngi ko dahil sa naging tanong niyang 'yon.
"Crush mo nga." Tapos bigla pa siyang tumawa nang pagkalakas "Jamie, ayos 'yan. Ang akala ko kasi habang buhay kang magiging abnormal."
"Ang sama mo," bulyaw ko.
"Ikaw rin kaya," sabi niya pa. Heto talagang si Ellaine, isip-bata. "So, kwits na tayo."
End of Flashback.
"Ano okay ka na ba?" tanong ni Doctor Harvey sa akin.
Bakit ang gwapo mo Doctor Harvey? Bakit?
"Hey." Nag-snap siya dahilan para manumbalik ako sa reyalidad.
"Ahhh o-opo! Okay na ako!" sabi ko saka ngumiti.
"Good! Mabait ka talagang pasyente kaso sakitin ka nga lang," sabi niya at ginulo ang aking buhok.
Sana ganito na lang palagi!
"S-Sige po Doc, babalik na po ulit ako!" sabi ko saka ako tumayo.
Naglakad na ako palabas ng clinic, ngunit napatigil lang ako ng saglit para sulyapan ulit siya sa loob. Halos malaglag ang puso ko noong nakatingin din siya sa akin at kumaway.
Kumaway rin ako at tuluyan ng naglakad palabas ng clinic.
Ang pogi-pogi niya talaga! Napaka-responsible, mabait, gwapo at DOCTOR! Grabe! In love na talaga ako kay Harv-este Doctor Harvey Cruz.
Maya-maya'y nakita ko dalawang daig mo pa mag-jowa. Heto kasing babaeng tawagin na lang natin sa pangalang Ellaine ay ang arte-arte samantalang 'yung lalaking tawagin na lang natin sa pangalang Zander ay parang pinagsasabihan ito. Paano kaya hindi natitinag si Ellaine kay Zander eh nakakatakot ang lalaking 'yon?
Kung anuman 'yon, si Ellaine lang tanging nakakatagal sa presensya ni Zander.
"Yieeee, 'yung dalawa! Nag-date kayo?" pang aasar ko.
Napatingin sila sa akin at si Ellaine nama'y lalong nag-pula ang mukha katulad ng makopa. Hindi mo talaga maikukubli ang 'yong kilig-my dear friend.
"'Kala ko makakatakas na ako, hmmpk," Ellaine murmured.
"Talagang balak mong tumakas," narinig kong sabi ni Zander. Teka nga, tama ba ako ng pagkakarinig? Narinig ko si Zander na mag-tagalog? Ang weird no'n ah! He used to speak english, instead of tagalog.
Ano ba talaga ang napakain ni Ellaine kay Zander?
Napansin ko naman na nagpipigil ng tawa si Ellaine dahil siguro sa pagtatagalog ni Zander. Saka isa pa, wala namang nakakatawa roon, fluent kaya.
"Oo na, hindi ko naman balak na tumakas eh, hinahanap ko lamang si Jamie para ibigay ang flashdrive niya."
Napakapa ako sa coat ko sabay pinanlakihan ng mata. Naalala kong ipinahabilin ko sa kaniya ang flashdrive ko. Para tuloy akong may sudden heart shock kasi lahat ng documents ko ay naroon.
Lumapit naman sa akin si Ellaine, saka niya isinilid sa aking coat ang flashdrive ko. Tiningnan niya ako, mata sa mata habang nakangisi.
"Problema mo?" takang tanong ko. Pero sa halip na sagutin ako, naglakad ito palayo at sumama kay Zander.
Saglit itong tumigil at saka nilingon ako. "Nakita ko 'yon Jamie!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro