Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • FORTY-FOUR

Jamie

"ANO? Ang ibig sabihin niyon patay na ang tatay mo at ang nanay mo?" I asked him while he is drinking coffee.

Nakakagulat kasi na ganoon ang family nila. Hindi ko inakalang may ganoon siyang klaseng buhay. Akala ko, almost perfect na.

"Wala na rin akong tatay eh," sabi ko rin.

Nakakalungkot man ang kuwentuhan namin ngayon, pero dapat maging tapat ako sa kanya. Nag-share siya sa akin ng tungkol sa kanya, kaya dapat lang na mag-share rin ako, para patas.

"Alam mo bukod sa mga kaibigan ko, ikaw lang ang napagsabihan ko ng ganito," sabi niya pa. "I trust you."

"Ako rin nga eh, sumobra 'yung laki ng tiwala ko sa 'yo dahil sa nangyari kanina," sabi ko rito. "To be honest, akala ko nga babaero ka noong una."

Napatawa ito bigla. "Hindi kaya! Napakatino ko kayang tao!"

"Syempre naniniwala ako na matino kang tao kahit medyo kolokoy ka!" natatawa kong sabi. "Saka nakita ko naman na consistent ka lalo na kung sa studies mo, well, sino ba naman ang hindi mag-iigi kung gayong si Paps ang nag-guide sa 'yo!"

"Oo Jamie! Sobrang nakakatakot nga iyon kapag tinatamad akong mag-aral noon," sabi nito kaya naman napatawa ako. I can't imagine kung paano napapalo si Vhan dahil sa katigasan ng ulo niya.

"Pero Vhan, maitanong ko lang, anong feeling na wala ka ng tatay at ng nanay?" tanong ko.

I want to know how he feels kasi ako, may nanay pa ako pero siya, dalawang magulang ang nawala sa kanya.

"Syempre masakit sa una pero kapag natanggap mo na 'yon, unti-unti ng mawawala ang sakit," sabi nito sabay ngumiti. "I cherish all the memories with my daddy and mommy, sayang nga eh hindi ko sila nakasama pa ng matagal. Eh, ikaw anong feeling na wala ng tatay?"

"Aba, syempre masakit din," sabi ko rito. "Matagal nga akong nakapag-move on eh, pero kagaya ng sinabi mo kailangang tanggapin ang nangyari," dagdag ko pa. "What are their cause of death, Vhan?" tanong ko.

Ngayon lang ako naging interesado sa kanya dahil sa in-open niyang topic.

"Car accident," sagot nito at tuluyan na nga siyang napaluha sa harap ko. This is the first time na nakita kong umiyak si Vhan.

"I'm sorry, mukhang sobrang hirap ng napagdaanan mo. Okay lang na hindi mo ikuwe-"

"Okay lang itutuloy ko . . ." Pinunasan niya ng pa-simple ang kanyang luha.
"Naaksidente sila matagal na taon na ang nakakalipas, kasama nila 'yung family friend nila at ang may hawak ng manibela ay si mommy. Nabangga sila dahil sa truck na mabilis ang takbo. Kitang kita sa CCTV footage ang aksidente kaya habang paulit-ulit kong pinapanood 'yon noong bata pa ako, umiiyak ako."

"Eh ano bang pangarap ng magulang mo sa 'yo?" I asked him again. "Kasi ako, my Dad wants me to follow my dream path, which is I want to be a journalist like my Mom and Dad," sabi ko. "I want to spread the truth among the people! That is the journalist's job. How about you?"

"Gusto kong maging cardiologist."

"Bakit?"

"Just like you, my Mom told me to follow my dream path, kaya gusto kong maging doctor. Gusto kong makatulong sa mga taong may kumplikasyon sa puso, lalo na roon sa mga taong talagang nangangailan ng suportang pam-medikal."

"Very inspiring naman!" sabi ko.

"Oo nga pala, gusto kong itanong, bakit namatay ang tatay mo?"

"My Dad?" tanong ko. "Namatay rin siya sa car accident, kasama niya ang mga kaibigan niya," sabi ko kaya naman bahagyang kumunot ang noo niya na hindi ko na lang pinansin.

Ngumiti na lang ako. "Promise, ang gaan ng loob ko kapag sinasabi ko ang personal life ko sa 'yo. It feels like, I really trust you."

"Ako rin naman eh, basta 'pag may problema ka, I'm just one call away."

"Sure, me too!" sabi ko.


"H-HUH? Kanina pang wala si Ellaine?" tanong ko kina Alexia nang magsama-sama kaming lahat. Halos lahat yata sila ay hinahanap ang dalawa.

"Pati si Zander?" Vhan asked.

"Oo! Awasan na eh, wala pa ang dalawang iyon!" nag-aalalang sabi ni Kaizer. "Baka kung ano na ang nangyari roon!"

Mayamaya, bigla naming nakita sina Zander. Buhat-buhat ni Zander si Ellaine. Bigla naman akong kinabahan kasi nakapikit si Ellaine.

"A-Anong nangyari?" Kaizer asked and rushed into Zander. "Bakit ganiyan si Ellaine?"

"We got stuck to the storage room."


Ellaine

BIGLA akong naalimpungatan nang maramdaman kong malambot ang aking hinihigaan. Noong tuluyan ko nang naimulat ang aking mata, nakita kong ang posters ng mga husbandos ko.

Nasa kwarto na pala ako.

Eh? How did we go out?

Napatingin ako sa aking phone noong narinig kong tumunog ito. Kaagad kong tiningnan ang pangalan ng natawag at ito ay si . . . "Hello Zander?"

"Are you still sleepy?" he asked.

"Hmmn, yeah," sagot ko rito. "By the way, how did we go out?"

"None of your business," he answered.

Napakunot naman ang noo ko. "Siguro may ginawa kang katarantaduhan habang tulog ako 'no? Baka pinagsamantalahan mo ako, 'no! You pervert-sama!"

"Yeah I do touch you," he said.

Biglang namula ang mukha ko nang dahil sa sinabi niya sabay napahawak sa aking katawan. "Napaka-manyak mo!"

"Stop overreacting as if you know everything," he said. "Of course, I will touch you. How did you go out if I don't carry you out of that room, you dummy. Linis-linisin mo muna ang utak mo Ellaine, sobrang dumi na."

Bigla akong namula sa hiya. "Ba-Bakit ka kasi tumawag?"

"I will ask you out, tomorrow, four o'clock in the afternoon."

"Ayaw ko! Manyak ka!"

"You will," sabi nito with an authority. "Or else, I will extend a month of your contract."

"Fine!" sabi ko sabay biglang kumulo ang tiyan ko. "But I need something to eat. Since I am your girlfriend, of course, I have a right to demand."

"Why would I obey your order?"

"Huwag mo akong sundin kung ayaw mong balian kita ng buto gamit ang Kung Fu."

"Fine, fine," he uninterestedly said. "What food?"

"Tteokboki, chicken at gummy bears!"

"Done," bagot nitong sagot. "All I knew Kaizer brought you gummy bears. I'll transfer him the worth of ten thousand pesos."

Napakunot ang noo at napaisip sa sinabi nito.

Flashback.

"Kuya, bakit kaunti itong binili mo?" tanong ko habang nakabusangot.

"Aba! Ang swerte mo't binili pa kita niyan! Kung hindi lang talaga ako binigyan ni tsong ng pambili eh, hindi kita ibibili," bulong bulong niya pa kaya naman nag-init ang ulo ko. Ganitong gutom na ako eh huwag niya ako singga-singgahan.

"Ano Kuya? Sinong tsong ang tinutukoy mo riyan? Nanduga ka na naman 'no?!" tanong ko.

"Wala! Ang sabi ko, kainin mo na 'yan baka kuhanin ko pa 'yan sa 'yo."

"Heh! Ang unti-unti nito tapis kukuhanin mo pa, neknek mo!"

End of Flashback.

"Swapang talaga ni Kuya."

Napasapo ako sa noo ko at ngayon nalaman ko na rin kung saan sya nandugas ng pambili at kay Zander, sobrang swapang talaga ni Kuya.

"Someone will deliver your food and after you eat you should sleep, but first you rest for a few seconds, wash your hands, face and don't forget to brush your teeth."

Napataas ang kilay ko dahil sa mga binibilin nito. Anong akala niya sa akin tutulog na lang na walang kalinisan ng katawan, pero pinakalma ko na lang ang sarili ko at ngumiti. "Thank you!"


"HOY Ellaine, gising na! Gusto mo bang i-torture ko ulit ang pusa mo?!" Sabay yugyog niya sa akin. "Hoy! Kapag hindi ka talaga gumising ito-torture ko talaga ang pusa mo! Saka, nalipasan ka na ng agahan at tanghalian. Siguro, nagpuyat ka 'no? Siguro kausap mo si Zander 'no?! Hayung lalaking 'yon para 'yong robot na hindi napapagod! Eh, ikaw? Tao ka lang! Kaya tumayo ka na riyan! Naghihintay na 'yon sa baba!" pagbubunganga ni Kuya.

"Hindi ako nagpuyat Kuya!" inaantok kong sagot. Tumingin ako bigla sa orasan ko.

3:30 pm na!

Nagmadali akong tumayo at pumunta kaagad sa banyo. Oh my goodness! Oh my goodness! Nakakaloka ako! Pero sobra namang umaliwalas ang pakiramdam ko no'ng nakatulog ako ng maayos. Mabilis akong nakaligo pero hindi ligong uwak, ligong tao ang ginawa ko, kahit mabilis. Buti may hinanda na akong damit kagabi. Bakit kasi ganitong oras ako nagising? Nagsuot ako ng black skirt with white puff long sleeve blouse sabay black stiletto na mababa lang saka 'yung buhok ko naman nilugay ko lang.

Naglapat din ako ng Victoria Secret perfume at naglapat din ako ng light make up. Ayaw kong maging baluga. Kinuha ko ang black shoulder bag ko dahil naroon ang mahahalagang bagay na dala-dala ko palagi. Pagkatapos niyon, bumaba na ako sa may salas kung nasaan na si Zander at naroon na nga siya.

Napakurap pa ako ng ilang beses nang makita ko ang matino niyang suot. He's currently wearing maroon crew-neck sweater and cream collared-polo inside na tinernuhan ng cream colored pants sabay black cap toe shoes. Sa bagay, talagang paboritong kulay niya'y dark colors gaya ng black, maroon or dark blue.

"Oh, huwag mong pababayaan ang bata tsong!" Sabay tingin niya sa akin kaya naman sumama ang tingin ko sa kanya. "Baka mawala ang bata ah pero kapag nawala i-report mo lang sa bantay bata." sabi nito sabay tawa nya.

"Nakakainis ka talaga Kuya!" sigaw ko rito.

"Pero seryoso na nga, hoy tsong ah! Huwag mong pababayaan si Bansot ah, baka multuhin pa ako ni Mama dahil pinabayaan ko si Bansot."


PAGKARATING namin sa tapat ng restaurant, binasa ko kaagad ang pangalan nito.

El dorado . . .

"Here's my restaurant."

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kanyang restaurant at pumasok kaming dalawa sa loob. Nilibot ko ang paligid. Wala pang masyadong design ang kanyang restaurant pero may mga upuan, lamesa at materyales na.

"Seryoso? Restaurant mo 'to?" hindi ko makapaniwalang tanong at tumingin sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot. "At your age, may naipundar ka ng business! Wow." Nakakahanga kasi eighteen pa lang siya at nakakapagpatayo na sya ng ganito.

"Ethan, Kaizer, and Vhan are my managers."

Napatingin ulit ako sa kanya at napa-half open ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Nilibot ko ulit ang paligid. "Kulang siya sa design," puna ko. "So, kailan n'yo balak buksan 'to?"

"Next year," he answered.

"Bakit?"

"As an owner of El dorado, I'll make sure that I and my managers will be hiring the best staff."

Pumasok siya sa may kusina kaya naman napasunod ako sa kanya. Pinagmamasdan ko lang siya kung ano ang gagawin niya. Nagpeprepare siya ng mga gamit para magluto.

"Magluluto ka na? Anong lulutuin mo?"

"Chicken curry and pudding."

Nagsimula na siyang kumilos at nagprepare ng mga sangkap. Nakakaasar man isipin, pero mukhang nabalik na naman ang feelings ko sa kanya. I know, palagi ko siyang inaaway at lagi kaming magkaaway dahil nakakairita siya! Pero baka nga hayun ang nagiging dahilan kung bakit nabalik na naman ang nararamdaman ko sa kanya.

Paano nga kung tuluyan ng bumalik?

May pag-asa naman kaya ako?

Biglang kumulo ang tiyan ko sa amoy ng niluluto niya.

"Bakit mo nga pala naisipan El Dorado ang ipinangalan dito?" usisa ko.

"El dorado means paradise," sabi niya. "Four of us think about what would be the best name for our restaurant and Kaizer suggested that name," sagot niya.

Hindi ko na nagawang magsalita pa, sa halip ay iniwan ko siyang nagluluto at mas pinili ko na lang na maglakad lakad sa loob ng restaurant. Sa pagi-ikot ko, nakita ko ang phone niyang nakapatong kung saan-saan kaya ko naman kinuha ko ito.

Nag-selfie ako sa kung anu-anong klaseng pose tapos kinuhanan ko rin siya ng stolen shot. Nag-picture din ako kasama siya pero hindi niya ako pansin. Pagkatapos niyon ibinalik ko ang phone niya sa kaninang pinaglalagyan. Saktong natapos na siya, umupo na ako sa may stool, sa may bandang parte kung saan siya nagpe-prepare ng pagkain.

Pagkatapos niyang inihain ang mga pagkain, sinenyasan niya na akong tikman ito kaya naman tinikman ko na ito. Ang inuna kong tikman ay 'yung curry na gawa niya. Nang matikman ko na ito, napalaki ang mata ko dahil sa sobrang sarap ng niluto niya.

Pagkatapos kong tikman ang chicken curry, sinunod ko naman ang pudding na gawa niya. Nang matikman ko 'yon, napatigil ako sabay napaluha.

"Ito ang pinakang masarap na pudding na natikman ko sa buong buhay ko."

Bigla ko kasi naalala 'yung pudding na ginawa ni Zy, kagayang-kagaya nito ang pudding na gawa ni Zander.

Napatingin ako kay Zander at napangiti ito. Napapunas ako ng luha ko at nginitian siya . . . "Palagi mo akong igawa nito ah!" At tumango na lang siya bilang sagot.

"Zander, bakit nga ba nahiligan mong magluto?"

"I was bored."

"Iyon nga lang ba?" tanong ko habang akong nakain ng pudding.

"I am looking for someone," sabi nito at napatigil ako sa pag-nguya. Ako rin, may hinahanap din akong tao. "There was a possibility that this may lead to a clue."

By cooking, he might find that person, then who would be that person?

"Naalala ko bigla 'yung pudding na gawa mo sa taong matagal ko nang hinahanap."

"I see," sagot nito.


"THANK you sa meal! Binusog mo ako Zander-sama!" sabi ko pa.

Nasa loob na kami ng kotse dahil sabi niya may pupuntahan pa rin kami at hinayaan ko siya kung saan niya ako dadalhin. Alam ko namang ligtas ako kapag kasama siya. Safe haven. Hayun 'yung naiisip ko kapag kasama sya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"To my home."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro