
HATE • FORTY
Ellaine
MATAPOS kong makita ang posters na may picture ko na sinasabing . . . Mas makati pa sa higad huwag tularan, ay pinabayaan ko na lang.
Hindi ko kinakailangang pumatol dahil alam kong wala akong inagrabyadong tao. Malinis ang kalooban ko at wala akong nilanding tao. Kaya naman minabuti kong alisin na lamang ang mga posters sa hallway, pero noong napagod ako dahil sa rami nito, hinayaan ko na lamang. Hindi ko matanggal sa dami kaya't dumiretso na lang ako sa room ko.
Tinapon ko muna ang hawak kong posters sa basurahan at saka ako umupo sa aking usual seat.
Ang sama pa ng pakilasa ko.
Nag-init ang aking tainga noong tinapunan ako ng mga tingin ng mga kaklase kong babae. Ano bang problema nila?
"Tss, santa santita 'tong si Ellaine. Kuruin mo 'yon pinatos si MJ, 'yung taga-Empire na si Andy tapos ngayon si Zander naman? Sino namang susunod? Sina Ethan? Baka 'yung kuya niya patusin na rin."
Masama ba akong tao para pag-usapan nila ng ganiyon? May nagawa ba akong kasalanan sa kanila? Sa pagkakaalam ko'y wala. Wala naman talaga akong ginagawang masama, pero bakit ganito sila manghuhusga.
Kung tutuusin, gusto ko na lamang lumayo sa kanila, para hindi na magkagulo ang lahat. Akala ba nila hindi ako nasasaktan?
"Really? She's so malandi. She has no any beauty in her body. Anong magugustuhan ni Zander sa kaniya? Zander likes beautiful girl like me."
"Yes, bagay nga kayo noon eh."
"Huwag kang assuming diyan, Irish . . ." pakisabat ni Irene. ". . .hindi ka magugustuhan ni Zander,
dahil mas bagay sina Zander and Katherine. Shirang dalawa ang karapat-dapat."
"Ahhh . . . ang ibig sabihin lang noon assuming lang pala isa riyan,"pagdidiin Irish.
"That's true."
"Huwag kang makinig sa kanila . . ." Nagulat ako sa taong nagsalita rito sa gilid ko. Ah, si James lang pala-isa sa mga kaibigan nina Kuya. "Nagpapakasaya lang 'yang mga 'yan dahil wala rito ang Kuya mo."
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko saka ko kinuha ang notes at ballpen ko.
"Ang sungit mo naman."
"Sadya," sabi ko. "Didn't you see? May ginagawa ako," dagdag ko pa.
"Eh saka ka lang kumilos noong pagkarating ko," bulong niya pa, pero rinig ko naman.
"Ano bang kailangan mo?"
"Sungit mo talaga, tama talaga ang sinabi ni boss tss."
"Ano?" pasinghal na tanong ko.
"Ahhh, ang sabi ko ang ganda mo kaso bingi ka lang."
"Ano nga kasi ang kailangan mo?"
"'Yun na nga, hinabilin ka sa akin ni Boss."
"Sinong boss?" takang tanong ko.
"Si Zander 'yung boyfriend mo."
I continue to write my notes, napatigil lamang ako noong naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang natawag sa akin. Speaking of the dev-I mean, speaking of Zander-sama. Sasagutin ko na sana ang phone call, kaso bigla kong naalala 'yung pag-halik niya sa akin kahapon.
Shit.
Muli, ini-reject call ko siya.
"Bakit mo ini-reject?" tanong ni James.
"Didn't you see James? I am busy writing my notes." Pagkasabi ko niyon, nagpatuloy ako sa pagsusulat.
Marami rin akong lesson na dapat kopyahin kaya hindi ako nagsasayang ng oras kaso ginugulo ako nitong James. Kapag ako napikon, isusumbong ko talaga siya kay Angela.
"Tumatawag siya akin sasagu-"
"Huwag!"
"Hala! Nasagot ko," sabi nito sabay ngisi at itinapa ang kanyang phone sa tainga. "Hello . . . Yes . . . Narito siya." Sabay abot niya ng phone sa akin. "Ellaine, your dearest husband." Tinapunan ko siya ng masamang tingin bago abutin ang phone.
"Bakit?" I asked.
"Are you avoiding me for some reason?" tanong nito.
"I'm just working with my lectures, Zander. Napagi-iwanan na kasi ako."
"Are you feeling well?"
"Yes, I am," sagot ko. "Patayin ko na ah? Ingat."
"Mmmn."
Call ended.
"Oh!" Binigay ko kay James ang phone niya sabay irap.
"Sungit!" sabi niya.
NAUNANG umalis si James sa room namin kaya naman naiwan akong nag-aayos ng gamit para makapag lunch na rin. Noong pagkalabas na pagkalabas ko ng room may ilang tao na biglang bumato sa akin ng mga itlog. Buti't naharangan ko ng kamay ang uniporme ko at mukha upang hindi madumihan ang aking uniform. Kaso 'yung coat ko may mga itlog, pero 'di bale, kaunti lang naman 'to.
I'm okay.
"Dapat lang 'yan sa 'yo!"
Dumaan muna akong washroom at hinugasan ang kamay kong puro itlog sabay nagpunas sa aking coat ng parteng may itlog. Pagkatapos niyon, naglakad ulit ako patungo sa school cafeteria.
Noong pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto may harinang bumuhos sa akin. Halos lahat ng tao na narito, nakatingin sa akin.
I'm okay, don't worry self—I'm okay . . .
Again, ipinagsawalang bahala ko lang ulit. Nagpagpag ako at saka nagpatuloy sa paglalakad. Gustuhin ko man na tumakbo sa labas, pero mas pinili kong huwag na lang dahil magmumukha akong mahina.
Isa pa, ayaw kong paglipasin ang pagkain ko.
Hindi na rin ako nag-abalang ayusin ang sarili ko dahil maganda nga 'yon nagkakulay ang buhok ko. Oh 'di ba! Ang cute ko talaga.
Ang hirap pala kapag wala si Kuya, si James naman wala rito kasi paniguradong na kay Angela 'yon. Si Kian naman malayo sa akin.
Ang hirap pala kapag walang magtatanggol sa 'yo, pero hindi ako puwedeng umasa sa kanila. Kahit ang hina-hina ko, kailangan kong lumaban at pigilan ang sakit.
Huwag kang iiyak Ellaine ah? Magmumukha kang mahina sa harap nila.
Kumain na lang ako ng lunch ko nang mabilis saka ako umalis. Pagkalabas na pagkalabas ko, nakita ko si Katherine kasama ang mga kaibigan niya.
"Oh! Small world," puna nya. "Ang ganda mo ngayon ahh! Bagay na bagay sa 'yo 'yang puti-puti mo sa buhok."
"You're right Miss Katherine," dagdag ni Christine.
Hindi ko na lamang sila pinansin sa halip ay naglakas loob akong tumakas sa kanila, pero hinigit ako ni Katherine pabalik.
"Sinabi ko bang umalis ka? Hindi pa ako tapos ah?" Saka niya pinisil ang baba ko dahilan para mapatingala ako sa kaniya. "Feisty huh, heto ang sa 'yo."
Ibinuhos niya ang juice na hawak niya sa ulo ko, dagdag pa noon ang maraming pagbato sa akin ng itlog at spaghetti.
All of them laugh na akala mo ay payaso ang nasa harap nila. Little they didn't know that I am hurting and breaking my heart into pieces. Don't show them na mahina ka, Ellaine. Huwag kang iiyak ha! Maging matapang ka.
Pinagmasdan ko ang paligid, napakaraming tao na ang nakikiusyoso. Maraming tao na ang nakatingin. Pero wala! Ayaw kong gumawa ng mali rito, let Katherine know that she is at fault, not me.
"Nakakahiya ka! Hindi ka man lang nalaban. Ang hina-hina mo!" sabi ni Katherine. I didn't respond at nag-ayos na para bang walang nangyari. "Matapang ka pala. Sige, lumuhod ka."
Again, I didn't respond. "Paano kung sabihin ko s 'ayong ipapahiya ko rin ang mga kaibigan mo, kapag hindi ka sumunod?" pagbabanta niya
Napatingin ako sa kaniya ng diretso. "Hindi ka pa ba kuntento sa ginagawa mo sa akin?" I asked.
"Kung hindi ka luluhod, sila ang magiging next target ko, gusto mo ba iyon?"
Ayaw kong mapahiya ang mga kaibigan ko nang dahil sa akin. Mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko at hindi ako papayag sa binabalak ni Katherine.
Hindi ko namalayang sumunod ako sa utos ni Katherine. Lumuhod ako sa harap niya nang walang kahirap-hirap.
"Good! And the finale . . ." Isang malakas na sampal ang natamo ko sa kanya kaya tuluyan na akong napaluha nang hindi sinasadya.
Ang bigat ng katawan ko para bang gusto kong bumagsak.
Ang hina mo Ellaine . . .
"How dare you do that to my friend!?"
Napalingon ako sa direksyon kung saan may sumigaw. Si Jamie na kasama si Vhan. Galit na galit si Jamie at para bang sasabog na siya sa galit.
Mabilis siyang lumapit dito at sumunod naman si Vhan naman sa kaniya.
Tumingin sa akin si Jamie at itinayo. "Ellaine, hindi ka dapat nasunod sa bruhang 'yan! Hindi ka palamon niyan!" sermon niya sa akin at kaagad siyang tumingin kay Katherine. "Ikaw na bruha ka! Ako! Pikon na pikon na ako sa 'yo! Namumuro ka na sa akin! Ikaw ba ang may kagagawan ng lahat nang nangyari kay Ellaine? 'Yung pagtapon ng pintura sa kanya, 'yung mga posters na nasa hallway! Ikaw ba? Ikaw?"
"Paano kung oo? Anong gagawin mo?" tanong ni Katherine.
"Walang hiya ka!" Sinampal ni Jamie ito nang pagkalakas-lakas saka dinuro. "Tandaan mo ito Katherine, humanda ka sa akin. Hindi pa tayo tapos! Sa susunod, sisiguraduhin kong mapapahiya ka! Pati 'yang mga alipores mo!"
At saka ako hinigit ni Jamie palayo kasama si Vhan. Noong nasa malayo na kami, napatigil ako sa paglalakad. I start to cry na para bang gripo itong umaagos.
"Don't cry Ellaine," sabi ni Jamie habang gumagaragal ang boses nito.
"Mayayari talaga sila kay Kaiz—"
"Huwag!" pagkontra ko. "Please! Huwag n'yong sabibin kay Kuya."
"Para saan na naman Ellaine? Makakarma kaagad sila? Ano 'yon? Pababayaan mo na naman sila? Hindi! Kailangan malaman ito ng kuya mo!" sabi ni Jamie.
"Please Jamie, ayaw kong magkagulo!" Kaya naman napaluhod ako sa harapan niya.
Ayaw kong magkagulo kasi ibang magalit si Kuya at sisiguraduhin niyang maeexpelled ang mga iyon, kahit na mapatalsik siya bilang S.C. President.
Napaiyak na lamang si Jamie at itinayo ako. "Ayaw kong lumuluhod ka, Ellaine! Pakiusap! Payag na ako, pero last na last na talaga ito Ellaine at kung may sumunod pa, isusumbong na namin ni Vhan, okay?"
Tumango na lang ako.
"Ikaw Vhan, huwag mong babanggitin ito sa mga kaibigan mo ha!" sabi ni Jamie kay Vhan.
"O-Oo, promise," sabi ni Vhan.
Jamie
NAIINIS talaga ako sa mga bruhang iyon and at the same time naaawa ako kay Ellaine. Hindi ko alam kung bakit ba ang laki-laki ng galit ni Katherine sa kaibigan ko. Nakakainis dahil wala man lang akong nagawa para ipagtanggol siya.
Mas masahol pa sila sa hayop.
"Nakakaawa si Ellaine 'no?"
"Hindi naman siya as in nakakaawa, ano lang, sabihin na lang nating hindi lang niya ugaling lumaban. Alam mo bang kayang kaya niya nga ang sarili niya kasi magaling 'yon sa Kung Fu, pero iba lang talaga siya. Iniisip niya ang ibang tao kaysa sa sarili niya. Hindi siya nananakit ng iba," pagtatanggol ko sa kaibigan ko.
"Kung ginawa niya na lang kaya 'yon! E 'di sana nadala na si Katherine."
"Hindi! Hindi niya magagawa 'yon kasi may dahilan siya," I said.
"Ano naman 'yon?" tanong ni Vhan sa akin.
"Ayaw niyang masira ang reputasyon ng Kuya niya nang dahil sa kanya kasi ganoon niya kamahal ang Kuya Kaizer niya," sagot ko.
"Nako! Kung maririnig lang 'yan ni 'dre, tuwang tuwa 'yon."
"Teka nga . . ." Napatigil siya sa paglalakad kaya naman napatigil din ako. "Nasaan na ba ang mga 'yon? Bakit hindi ko yata nakikita?"
"Ahh, may pinuntahan lang. Tumakas nga lang ako ayy!"
"Bakit?"
"'Di ba pinapunta ako ni Lolo," sabi nito sabay ngiti.
"Speaking of your Lolo, maganda ba ang book two? Gusto kong malaman Vhan!!"
He chuckled. "Bawal ang spoiler!"
Kaya naman napa-pout ako. "Buwiset 'to! Umalis ka na nga rito!"
"Saan ka ba pupunta?" tanong niya ulit.
"Sa bahay, inaantay ang aking driver," sagot ko naman.
Minsan ang kulit din nitong si Vhan kaya ang sarap sapakin. "Eh? Sige ihahatid na lang kita, sabihin mo sa driver mo huwag kang sunduin."
"Really? Sige!" pagsang-ayon ko.
Tinawagan ko ang driver namin at sumama kay Vhan.
NARITO na kami sa isang mansyon na mas malaki pa kaysa bahay namin. Sa pangkalahatan, masasabi mo talagang mahilig sa paintings ang may ari nito.
"Vhan, bahay mo ba ito?"
"Yup."
"Eh anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko.
"Para ipahiram ang book sa 'yo!" sabi niya. "Manang, pahingi naman po ng juice at sandwich."
"Nyela, ang yaman ah!" pang-aasar ko.
"Ikaw nga rin diyan may pa-driver pa nga eh."
"Lahay!" kontra ko. "Oy! I'm so excited Vhan! Dalian mo na kuhanin mo na at excited na excited na akong basahin 'yung book two!" Overacting na kung maging overacting, pero nakaka-excite talaga.
"Plus . . ."
"Anong plus?" takang tanong ko ulit.
"Plus, live interview with your favorite author Doctor Victor Alonzo," sabi niya saka siya umalis.
Biglang lumabas si Doctor Victor Alonzo. What the heck!? This is . . . This is . . . unbelievable! Una, hindi siya laging napunta sa mga booksigning niya. Pangalawa, madalang siyang magpakita sa public, it's either na kakilala niya ang nag-invite sa kanya at pangatlo, he is busy man. Kabilang siya sa The Big Four ng Pilipinas, una ang Lolo ni Zander, pumapangalawa naman ang Lolo ni Ethan, pangatlo ang Lolo ni Vhan at panghuli ang Lolo ni Kaizer na pinasa ang rank sa Lola ni Kaizer.
"Ija, are you there?"
Nang nagsalita si Doctor Victor, napanumbalik ako sa reyalidad. "Ahhh, opo!" Bigla namang dumating si Vhan na dala ang isang book.
"Lolo, siya po si Jamie," pagpapakilala sa akin ni Vhan.
"Ahhh, nice to meet you po Doctor Victor Alonzo," sabi ko sabay nag-bow ako at nagmano.
"No, ija! You can call me Paps too. Lolo Victor na lang."
"Eh?"
Hindi ako makapaniwala! Paps? Really? Gusto kong mahimatay rito.
"Yes, why not?" sabi niya.
"Grabe Vhan! Ang saya-saya ko!" Ngayon lang ako nakapag-react matapos naming lumabas sa mansyon nina Vhan.
Oo, nasa bahay na ako.
"Mmm, heto ba ang bahay n'yo?" tanong ni Vhan.
"Oo!"
Pumasok kami sa loob ng bahay at nadatnan namin si Mom na nakaupo sa couch habang nainom ng wine.
"Who's he?" tanong ni Mom with her serious tone.
"Ahmmm, he's Vhan Alonzo po," sabi ko.
"Mrs. Jackson nice to mee—t"
"Alonzo? Are you a son of Listy Yuki-Alonzo?" tanong ni Mom.
"Yes Madam, she's my mo-"
"No need to explain that, you better to go home now," sabi nito sabay walkout niya.
"Ayaw yata ako ng nanay mo eh." Sabay kamot pa niya sa kaniyang sintido.
"Sadyang ganoon lang si Mom, kaya don't think too much! Alam kong magugustuhan ka rin niyon" sabi ko. "Papasensyahan mo na lang siya ha."
"Sige aalis na ako," sabi nya pa.
"Uy! Thank you talaga Vhan!" sabi ko sabay niyakap siya.
"W-Walang anuman, iyo na lang 'yung book kung gusto mo."
"Eh?" napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan sya.
"Oo nga! Ayaw mo pang maniwala!"
"Thank you!" sabi ko tapos napayakap ulit ako sa kanya at sabay bitaw. "Sorry ha! Masaya lang talaga ako."
"Okay lang! Sige alis na ako!" sabi niya ulit.
"Sige, ingat ka ha! Thank you ulit." Kumaway pa siya sabay alis niya.
Sumagi naman sa isipan ko ang isang bagay. Wala namang masamang ginawa si Vhan, pero bakit kakaiba ang treatment ni Mom kay Vhan? Nagtataka lang ako and as a tsismosang may sense ang words, kailangan kong malaman 'yon.
Bakit kaya? I am really curious.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro