
HATE • FIVE
Ellaine
TEKA nga, tama ba ang narinig ko? Ibig sabihin lang niyon? Makakasama ko rin 'tong si Zander.
Napangiwi ako sa iniisip ko.
Kamalasan . . .
"Kailangan pang ulitin?" tanong ni Kuya.
"Miss me, honey or love? What's better?"
Tumingin ako kay Zander at pinukulan ko ito ng pagtataray na tingin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, kikilig ba ako o maiinis-oo Ellaine, maiinis ka dapat.
"Kilig naman si Bansot, ayiee!" pang-asar naman ni Kuya sa akin, kaya naman sa direksiyon ni Kuya ako napatingin sabay sinamaan ng tingin.
"Bilog na ang utot ni Ellaine!" pang-aasar din ni Ethan, kaya naman napatingin ako dito at sinamaan ko rin ng tingin.
"Hoy! Nanahimik ako dito ta's guguluhin ninyo 'ko. Puwede bang mag-movie marathon na lang kayo, kaysa sa ginugulo ako?"
"Easy, Ellaine! Heto na nga oh!" sabi ni Vhan habang natatawa.
Umalis na nga sila sa kinaroroonan ko at pumuntang salas, kasi magmo-movie marathon daw sila.
Tumayo naman ako at pumuntang kusina, dahil nakaramdam na ako ng gutom. Pfft, baka makain ko pa sila ng buhay eh. Charot.
"Yayey! May pagkain na po ba?" tanong ko.
"Nako! Hindi pa luto eh. Nako! Nagugutom na ang alaga ko-ah! Heto na lang." Kinuha niya 'yung nasa sulyaw. "Gusto mo ba ng tortang talong?"
Bigla tuloy ako nakaramdam ng kagalakan dahil sa sinabi ni Yayey.
"Talaga po ba? Mayroong tortang talong diyan? Sige po, paborito ko po 'yan eh. Thank you talaga Yayey!"
Kaagad na inihanda ni Yayey ang pagkain na para sa akin at ako nama'y parang bata na naglilikot sa upuan habang nag-aantay ng makakain.
"Oh, hayan Ellaine! Kain ka ng mabuti ah!"
Kinain ko kaagad ang pagkain ko, dahil sobrang miss na miss ko na ang luto ni Yayey. Hindi kasi ako pinagluluto ng aswang kong Kuya kasi ang sagwa raw ng tortang talong at ang creepy, tapos noong sinubukan ko naman magluto-nakakadismaya, dahil mapangit 'yung lasa hindi katulad nitong kay Yayey.
"Yuck, Ellaine! Talagang kumakain ka niyan?" Napatingin ako sa pumuna at si Kuya lang pala.
Inubos ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago ako magsalita.
"Oo naman, 'di mo kasi tinitikman eh, kaya ganiyan ka mag-react." Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain hanggang sa may narinig muli akong mga yabag papunta rito sa kusina.
"Ano 'yan?" tanong ni Vhan at hinawakan 'yung tangkay ng talong na sa wari'y nandidiri pa.
"Ano ba? Talagang kayo oh! Kung nandidiri kayo riyan, huwag ninyong kainin, jusme!"
"Sarap na sarap palibhasa mahilig sa mahaba," sabi ni Kuya.
"Pake mo kung gusto ko sa mahaba, tulad ng talong!" pagkontra ko. "Sarap-sarap ng talong."
Napansin kong kumuha si Ethan ng tinidor saka tumikim ng ulam sabay tumangu-tangong sinabing, "Hmm, taste so good."
"Tingnan mo, buti pa 'tong si Ethan, tikman ninyo rin kaya."
Kumuha si Vhan at si Zander ng tinidor saka tumikim.
"Wow! Ang sarap nga!" puna ni Vhan, tapos si Zander naman tatango-tango lang.
"Nako! Nagustuhan n'yo ba? Sige, ipaghahanda ko kayo. Kain muna kayo!" alok ni Yayey kina Kuya saka naghanda pa ng pagkain.
"Ano Kuya? Gusto mo ba?" Isusubo ko na sana sa kaniya ang kanin na may kasamang ulam, kaso inilihis niya ang kamay ko at kumunot pa ang noo.
"Ayaw ko nga kasi eh!"
"Bahala ka riyan," sabi ko sabay tumingin sa taong kadarating lang. Oo, si Kian.
"Ate! Gusto ko rin niyan!" Lumapit siya sa akin sabay niyakap ang leeg ko.
"Kumain ka na rin, bunso. Bahala 'yung isa riyan!" pagdidiin na sambit ko.
Kaya naman, sumabay na rin sa amin si Kian. Si Kuya naman hindi niya natiis na nakatayo lang kaya sumabay na rin siya sa amin.
Habang kumakain kami, daldal ng daldal si Kuya at kinukuwento kung ano ang naging experience niya ngayong siya na ang student council president.
"Grabe, ang hirap pala na maging president. Mas mahirap pa pala ito kaysa noong na-elect ako," paglalahad nito habang may laman pa ang bibig niya. "Dati, pagawa-gawa lang ako ng action plan tapos ngayong kailangan ng i-adapt, ang hirap pala."
Si Vhan naman, sumingit at sinabing, "Kasalanan mo iyan, patakbo-takbo ka pa sa student council, tapos rerekla-reklamo ka riyan! Mag-resign ka na lang!"
"Aba, nagsha-share lang naman ako ng nararamdaman ko at na-experience ko ngayon, pero hindi ko sinabing magre-resign ako!" kontra ni Kuya kaya halos tumalsik na ang pagkain sa bibig niya.
"Wala ka bang kamanners-manners Kuya?" puna ko rito nang mapansin kong may butil ng kanin ang tumalsik sa akin. "Kadiri ka kasi kung hindi mo pa alam!"
Nag-bhelat lamang ito. Mayamaya'y napansin namin na ubos na ang nasa sulyaw niya. "Ayaw ko na! Hindi masarap!"
Ang galing!
"Ayaw raw eh, naubos naman!" pang-aasar ni Vhan. "Klaseng mahilig din sa mahaba."
Tumayo na ako pagkatapos kong kumain at tumungo sa kwarto ko.
Kahit pa-paano, masaya rin pala silang kasabay sa pagkain 'no?
Nagsipilyo muna ako at naghilamos tsaka humiga sa kama. Tapos biglang umupo ulit para tingnan si Nightmare: our tabby cat, kung narito, sa kwarto ko lang kasi siya nag-istay.
Natutulog ng mahimbing ang pusa ko kaya 'di ko na muna ito inistorbo at sa halip kinuha ko ang tablet ko para maggawa ng iba pang assignment at iyon ay sa Empowerment Technology, kung saan gagawa kami ng kahit anong digital art. Dapat daw walang gaya-gaya sa internet kasi mayayari kami kapag nagkataon.
Sa totoo lang, hindi ako marunong maggawa ng ganito at lalong higit na hindi ako marunong mag-drawing.
I feel frustration na baka hindi ako makapagpass nito bukas, pero sayang kasi ang points, mataas pa naman iyon. Kahit na nawawalan ako ng pag-asa, nag-try pa rin akong mag-drawing, pero kahit anong pilit ko, ang pangit pa rin.
Biglang sumagi sa isipan ko si Zander, sobrang galing kasi niyasa ganito, pero ayaw ko naman na humingi ng tulong doon lalo pa kung sa harap pa nina Kuya-baka asarin na naman ako. Eh paano kung kay Kuya? Kaso naalala ko na nagmo-movie marathon sila ngayon.
Sige, I will give a try kay Kuya, tutal self-proclaim magaling naman siya kaya walang imposible sa kaniya.
Lumabas ako sa kwarto ko at kaagad na dumiretso kay Kuya. Busy na busy itong nakain ng pop corn nang bigla itong tumingin sa direksiyon ko at tinaasan pa ako ng kilay-nagtataray na kaagad hindi ko pa nasasabi ang intensiyon ko, grabe.
"Anong problema mo?" tanong nito sa akin.
Saglit akong napatitig dito sabay nagmakaawang tulungan ako sa assignment ko. "Kuya, baka naman puwede mo akong tulungan sa assignment ko, parang awa mo na Kuya! Hindi ako marunong mag-drawing!"
"Eh hindi naman ako marunong diyan sa drawing-drawing na iyan eh! Diyan kay Zander magpatulong, magaling iyan magdrawing."
Tumingin ako sa direksiyon ni Zander na kasalukuyang nakatitig sa screen ng cable at saka ako tumingin kay Kuya. "Hala Kuya, ayaw ko! Busy naman iyan sa panonood eh kaya . . ."
"Zander-tsong heto nga tulungan mo sa digital art, hindi kasi ito marunong mag-drawing eh kaya patulong na nga," sabi ni Kuya sabay hinablot ang tablet ko at stylus pen sabay ibinigay kay Zander. "Oh doon ka sa tabi ni Zander, magpatulong ka roon!" sabi nito sabay ngumisi. "Chance mo na rin iyan para maka-tiyansing."
Sinamaan ko na lamang si Kuya ng tingin at sabay nagtungo sa kinaroroonan ni Zander. Nasa two seater couch ito nakaupo at katabi ni Ethan, ngunit noong nagtungo ako doon ay siyang pagtayo ni Ethan sa kinauupuan niya. Bago pa man ito umalis, bumulong ito kay Zander na siyang ikinangiti ni Zander.
Sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung magpapatulong pa ba ako sa kaniya o huwag na lang.
Pagkatapos noon, umupo ito sa two seater couch din at tumingin na sa screen ng cable. Samantalang ako naman ay umupo sa tabi ni Zander at tiningnan kung ano ang ginagawa nito sa aking tablet.
Napalaki ang mata ko nang makita ko itong nagkukulay na ng artwork niya. Kapansin-pansin na batang couple ito na magkalapit ang mukha sa isa't isa, habang ang batang lalaki'y nakahawak sa pisngi ng batang babae.
Nakasuot ang batang babae ng kwintas na kagaya nang sa akin, at ang bracelet naman na suot ng batang lalaki'y katulad nang kay Zander.
Parang pakiramdam ko parang ako 'yung batang babae.
Napailing ako dahil sa iniisip ko sabay tumingin sa screen ng television at parang familiar ang movie na 'to ah? Teka nga alalahanin ko.
Pinagmasdan ko ng maigi ang nasa screen. Nakikita ko 'yung baby na nasa bingit na ng kamatayan, bumabagsak ang mga libro sa kaniya pero 'di siya matamaan. Tapos b-biglang sumulpot s-si . . .
"Akssh kyahh! S-Si A-Anabelle!"
Napahiyaw ako nang makita ko si Anabelle at saka ko lamang napagtanto na nakayakap na ako kay Zander. Gayon din, napalingon sina Kuya sa direksyon namin. All of them are grinning na akala mo'y may gagawin silang kalokohan.
"Ah oo nga pala, takot siya sa mga chakadoll, kaya pala umirit, huh! Kaya pala gusto mong magpatulong para makatiyansing kay Zander huh! Dumadamoves ka lang huh," sabi ni Kuya with matching hawak baba pose.
"Tigilan mo ako Kuya, huh! Baka gusto mong bangasan kita, huh! At FYI lang huh, malay ko bang iyan ang papanoorin n'yo eh 'di sana hindi na lamang ako tumingin sa screen ng television!" sabi ko saka ako bumitaw sa pagkakayap kay Zander sabay bumalik sa kanina kong postura.
"Ayiee si Ellaine, nagb-blush. Deny ka pa riyan, huli ka na eh!" sabat ni Vhan.
"You want to hug me huh?" Napalingon ako sa direksiyon ni Zander na napahalumbaba sa sandalan ng couch sabay ngumising tumingin sa akin. "Sure."
Yayakapin na sana ako nito nang bigla akong nagmadaling tumayo palayo sa kaniya. "Huwag mong tangkaing hawakan ako! Or else I will kick your jun-jun!" I'll point my index finger at him. "You moron and pervert!"
Nagsitawanan naman silang lahat at si Zander naman ay bumalik sa kaniyang puwesto at ngumisi.
"Ala! Manyak ka na pala!" pang aasar ni Vhan. "At gunggong."
"Nako! Manyakol ang hanep!" dagdag pa ni Kuya.
Napakunot ang noo ko. "Bahala nga kayo riyan!" Padabog akong naglakad ngunit bigla na lamang akong natigilan noong narinig ko itong nagsalita.
"Leaving me means you'll give me your tablet, and this artwork will be mine," he said. "I'll give you choices, it's either you'll stay by my side until I accomplish this or tell our subject teacher that you stole my work."
Napahalukipkip muna ako sabay lumingon sa kaniya at sinamaan ng tingin. Pagkatapos noon, bumalik ako sa kinauupuan ko kanina.
"I have no choice but to choose your will," I said sabay tumingin ako dito. "Zander."
"Oy! Mala-Kdrama ang datingan ninyo ah! Nakakakilig ah!" pakisingit ni Vhan kaya naman tumingin ako rito at sinamaan ng tingin.
Tumingin naman ako sa lalaking nasa tabi ko at naging seryoso na muli ito sa pagguhit sa aking tablet.
"ATE! Gising!"
"Kuya, ayaw magising ni Ate!"
"Ellaine! Gising! Nawawala si Nightmare!"
Napabalikwas ako ng bangon nang dahil sa sinabi ni Kuya at noong tuluyan ng nakamulat ang aking mata, saka ko lamang napagtanto na tumatawa na sila. "Kuya!" sigaw ko.
Niloloko na naman ako ng mga gunggong na 'to!
"Bihis na kami tapos ikaw hindi pa, tumutulo pa nga ang laway mo eh! Ano ba iyan! Dalian mo na nga!" Simangot na tumayo na ako para maligo.
Gusto ko pa talagang matulog eh! Nakakainis naman 'tong mga 'to eh!
"Dalian mo riyan or else ipopost ko ang picture mo na natutulog at tumutulo ang laway. Sigurado akong pagpipiyestahan ka ng mga bashers mo."
Mula sa tulog kong pag-iisip, bigla na lamang itong nagising dahil sa banta ni Kuya. Nagmadali na akong kumilos baka talagang ipost niya 'yon.
Humanda ka sa akin Kuya! Sinasabi ko sa 'yo, makakabawi rin ako!
Nagmadali akong magbihis at nag-ayos ng sarili, saka kinuha ang bag at relos ko. Bumaba kaagad ako at pumuntang dining area.
Kung hindi dahil sa pam-blackmail ni Kuya, hindi ako nagmamadali ngayon.
"Natakot ka naman sa banta ko," sabi nito sabay ngumisi ng nakakaloko.
E 'di, ibig sabihin no'n . . .
Naningkit ang mga mata ko na akala mo'y makakapatay ako ng tao dahil sa tingin na ito.
Pangalawa na 'to sa araw na 'to Kuya. Nako, ako-mukhang bubuga na ng apoy sa sobrang inis.
Kung hindi lang talaga umaga, baka nasapok ko na 'yan.
Imbes na mag-rant ako sa isipan ko, inis na lamang akong kumuha ng pagkain at sinamaan pa rin ng tingin si Kuya.
SUMALUBONG sa amin ang malalakas na hiyawan pagkapasok pa lamang namin sa Zage. Nakakarindi at halos mapatakip na ako ng tainga dahil doon. Kung hindi lamang kahiya-hiya ang pagtakip ng tainga at hindi maka-offend, nagawa ko na.
"Ayan na sina Kaizer!!"
"Wahh! Ang gwapo nila!"
"Ang swerte talaga natin, schoolmate natin sila ahh!"
At marami pa akong naririnig na kung anu-ano. Ganiyan ka-famous sina Kuya, samantalang sa akin naman ay puro panlalait at puro pangyuyurak sa aking dignidad ang naririnig.
Maaring ang tingin nila sa 'kin ay hindi nababagay rito sa mundong ginagalawan ko ngayon.
Imbes na sumama sa dalawa kong kapatid, nag-iba ako ng daan na tatahakin. Gusto ko na rin kasi makaupo at mag-review para sa mga quiz mamaya.
"Ellaine!" Niyakap ako ni Jamie sa likuran na siyang ikinagulat ko.
"Ano ba 'yan? Halos tumalon na ang puso ko eh! Pasulpot-sulpot ka pa riyan, kahapon ka pa ah!"
"Sorry na!" At nag-pout pa "Oy! Oo nga pala may ichichika ako sa 'yo."
Ang galing talaga kapag sa update, kung hindi n'yo naitatanong editor-in-chief lang naman si Jamie dito sa Zage News Organization namin-kaya nakakasagap siya ng mga balita.
"Si Alexia! Dito na papasok," sabi nito kaya naman napalaki ang mata ko, pero nawala ang pagkagulat ko noong hindi ko pa nalalaman kung saan nito napulot ang gano'ng klaseng balita.
"At saan mo naman 'yan nasagap, aber?" tanong ko sabay namewang.
"Ako pa ba?"
"Oo na! Tara na nga, baka ma-late pa tayo."
Maglalakad na sana ako nang bigla akong mapatigil noong sumagi sa aking isipan 'yung ni-leave ni Zander na message sa aking notes.
09-0113-09142015-251521
Nakakaasar, anong akala niya sa 'kin, kayang mag-solve ng math equation na iyan? O kung anuman na tawag doon! Oo nga't matalino siya, pero kapag usapang numbers, olats ako riyan.
"Anong problema, Ellaine? Hindi ka na kumilos diyan."
Napatingin ako kay Jamie saka ko pinakita ang phone ko sa kaniya na may nakalagay na number na nasa tablet.
"Ano ba iyan?"
"Sa tingin mo, anong meaning niyan?"
tanong ko rito, kaya naman napaisip siya.
"Malay ko! Hindi ko naman alam iyan eh!" sabi nito kaya naman sumimangot ako. "Kung anuman iyan, e 'di ipa-crack mo sa magaling sa Math."
Pagkasabi pa lamang ni Jamie ng magaling sa Math naalala ko bigla si Zander.
Tsk, kung pwede lang sana kay Zander eh, kaso siya nga ang naglagay nito sa tablet ko, and one thing comes out in my mind: alam kong panunuya ang nasa likod nito.
Kaya wala akong magagawa kundi ang magtiis at hulaan ang mensahe sa likod na ito.
Paano ko nalaman na may mensahe?
Well, hindi naman niya ilalagay iyon sa tablet kung walang mensahe at isa pa, wala namang mathematical symbol na nakalagay kaya imposible na equation.
Siyempre ngayon ko lang na-gets.
Naglakad na kaming dalawa at nakasalubong namin si Sharmaine. "Hi Ellaine." Tapos napatingin sya kay Jamie. "Hi, Jamie."
"Hi, Sharm!" Hinawakan ni Jamie ang kamay ni Sharm at tinitigan. "Goshness, ang ganda mo talaga! Don't mind me Sharm," sabi ni Jamie at dahan-dahan nyang binitawan ang kamay ni Sharm. "I've already checked your personal data and you transfered, because you bullied." sabi ni Jamie, tsismosa talaga. Napadako ang tingin ko kay Sharm at marahan itong tumango. "If your previous school doesn't welcome you, don't worry! You are always welcome here. I, Ellaine at isama na natin si Alexia-"
"Why do I hear my name, Jamie? What's the matter, guys?"
"Sinasabi ko lang na simula sa araw na ito, we are friends. Note that date! June 06, 2017."
"Uh, of course yes! I will remember that!" sabi ni Alexia at tumawa pa ito.
"Mamaya ko ilalagay sa note pad ko ang date na 'to," sabi ko.
"Salamat talaga!" sabi ni Sharmaine tuwang tuwa ito sa naging pagtanggap nya dito sa Zage.
"Time check! Magsisimula na ang class, we need to go now."
"Tara na nga!" sabi ko tsaka naglakad na kami papuntang room namin.
Nasa fourth floor kasi ang room namin kaya, nakakahingal. Umupo kaagad kami ni Sharm sa usual seat namin, pagkapasok pa lamang ng room. Napansin ko kaagad na wala pa sina Ethan kaya naman napakunot ang noo ko.
Hmmn, nariyan na 'yung mga 'yon ah? Nasaan naman ang mga 'yon? Malapit ng mag-time.
Kaagad na pumasok 'yung teacher namin sa Business Math-si Mrs. Kang.
"Good morning class!"
Tumayo kami at bumati kay Mrs. Kang. Wala pa talaga 'yung mga 'yon. Asan na sila?
Nag-discuss na si Mrs Kang at hanggang ngayon ay 'di pa rin sila nadating.
"Anong problema, Ellaine?" tanong ni Sharmaine. Umiling na lang
ako-halata naman sa mukha ni Sharmaine ang pag-aalala sa akin.
Teka nga! Ano bang pakialam ko sa kanila, aber? Ikaw Ellaine napaghahalataan ka ah! 'Di ba't wala ka ng dapat alalahanin. Malalaki na sila kaya, kaya na nila ang sarili nila.
Napabalik ako sa reyalidad noong may ibinigay kaagad si Mrs. Kang na sasagutan pagkatapos mag-discuss.
"Sorry Ma'am, we're late." Bigla akong nabuhayan dahil sa boses na 'yon ni Ethan-e 'di kasama rin niya si . . .
"Miss me, honey?"
Ayan na naman siya sa endearment niya!
Napakunot ang noo ko. "Miss your face! Ulol!" Bumalik na ako sa aking ginagawa, baka mapagalitan ako!
AFTER ng ilang subjects, P.E na. Pumunta na kami ni Sharmaine sa locker para kumuha ng P.E uniform namin at saka nagpalit.
Noong makalabas na kami, nag-line muna kami papuntang court. Noong pagkarating namin sa court, bigla na lang akong natuwa dahil ang court na pinuntahan namin tuwing may practice kami ay ang court ng . . .
"Volleyball?" reklamo ng iba naming kaklase.
Ako naman, tuwang tuwa kasi-you know, volleyball varsity player ako ng Zage University.
"Is there any problem? Kapag may problema, you are free to go out and don't attend my P.E class," mahinahong sabi ni Sir Dela Torre.
Ang ilan ay hindi na umangal dahil sa sinabi ni Sir. Kilala si Sir sa pampapahiya, and even though he jokes a lot, minsan 'yung joke niya'y nakakasakit or nakaka-offend. Kaya tumuloy na lang kami sa loob at umupo kami sa may bleachers.
Choda 'yan si Sir, but he's one of my favorite teachers.
"Okay, I'll check the attendance, before we start the game." Nagcheck nga si Sir ng attendance.
Pagkatapos no'n pinagbilang kami ni Sir ng one at two. Ang napapunta sa akin ay two.
"Okay! Tumayo ang lahat ng one!" tumayo silang lahat kabilang na si Sharmaine at tiningnan ko naman ang posibleng magiging ka-group ko.
Bakit magka-group kami ni Zander!?
"Oh, sige upo na at ang two naman ang tumayo."
Tumayo naman ako at si Sharmaine naman, lumapit siya kay Sir Dela Torre at kinausap kaya naman nag-taka ako.
Ano kayang nangyari?
Maya-maya umupo na siya sa tabi ko at nag-taka ako kasi pakiramdam ko may problema siya. "Anong problema?"
"A-Ano kasi, may asthma ako. Bawal akong magpagod kaya nag-excuse ako kay Sir. Pumayag naman siya at para makabawi sa activities, maggagawa na lang ako ng projects."
"Gano'n ba? O siya! Diyan ka lang at panoorin mo ako maglaro."
"Sorry, Sir! Na-late ako!" humahangos na sabi ni Ethan.
Tumingin ako kay Sir at nagbibilang sya sa amin. "Okay lang, doon ka na lang sa group two, kulang sila ngayon." Biglang umaliwalas ang mukha ko, buti naman dito siya.
Umupo na sya kung nasaan si Zander, kung saan kasalukuyang nasa tabi ko rin-dinahilan niya pa'y kesyo magkagroup kami kaya dapat magkatabi kami.
"Okay listen, ang mananalong group ay may plus 30 sa performance at ang matatalo naman ay plus 15, para fair." pagpapaliwanag ni Sir Dela Torre. "May tanong pa ba?"
"None."
"Pumili na kayo ngayon ng inyong representative, 'yung masisigurado ninyong mananalo kayo ah." Sabay halakhak ni Sir at tumingin sa akin.
Napatungo naman ako noong tumingin sa akin ang mga kaklase ko. Hindi ko maiwasan na mahiya dahil sa sinabi ni Sir. At ewan ko ba, kung bakit napili ni Sir sa volleyball maglaro kaysa basketball eh forte niya ang basketball at isa pa, coach siya roon.
Minsan talaga, hindi mo malalaman kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.
Nag-plano muna kaming magkakagroup at isa ako sa napiling representative. Kasama si Kirsty: siya ang left wing spiker, Diana: right wing spiker, Ethan ang middle blocker at si Zander ang setter, siyempre ang position ko naman ay libero.
Nag-formation muna kami bago mag-toss ng bola at kasalukuyang hawak ni Zander ang bola para siya ang mag-toss.
Sharmaine
Naupo na lang muna ako sa may bleachers at nanood sa kanila na maglaro. Hindi naman kasi ako ganoon ka-active sa activity na ganito, lalo pa't sports. Hikain ako, kung wala lang akong hika, nakapaglaro na ako ng volleyball.
Nakapwesto na silang lahat, sabay nag-toss na ng bola nasa team ni Ellaine ito.
"Hala! Siguradong talo na tayo riyan!"
"At bakit? Nandiyan naman sina Doreen ah!"
"Nako! Kung alam mo lang talaga, magaling lang naman sila sa cheerleading eh! Hindi sa volleyball at isa pa, MVP 'yan si Ellaine ah! Kung natatandaan mo."
Ang galing naman niya kung gano'n. Kaya pala na-excite siya nung pumunta dito sa court. Hindi ko inaasahan na ganito pala siya at most valuable player pa ng Zage.
"Sus! Kaya nila 'yan 'no."
"Oh! Tapos ang swerte pa niya. Kasama ang naggagwapuhang lalaki."
"Oo nga eh! Nakakainggit nga."
"Sana ako na lang si Ellaine."
Uh-oh! Sa tingin ko 'di gano'n kasuwerte si Ellaine. Kung tutuusin, nahihirapan siyang nakapaligid sa kaniya ang sinasabi nilang gwapo. Sa tingin ko pati, maraming nambabash sa kaniya. Hetong mga babaeng 'to, masiyadong inggitera. 'Di kasi nila alam ang nararamdaman ni Ellaine.
Bumalik na ako sa panood ko at kanina pa pala nagsisimula ang game. Malaki na ang puntos nina Ellaine kaya mahirap ng habulin ang puntos, kung magkakaroon lamang ng himala saka mahahabol iyon, pero mukhang malabo. Isa pa, sabi ni Sir kasi hanggang first set lang daw para 'di kami ma-late sa recess.
Tumingin ako sa points nina Ellaine at ito ay twenty na.
Napatingin ako sa kabilang team na parang may masamang binabalak. Kung gaano nila titigan ang kabilang team, ganoon din ang chance na may balak silang gawin. Kinakabahan ako dahil masama ang tingin ni Doreen kay Ellaine
Iseserve nitong katabi ni Doreen ang bola papuntang ibang team, pero 'di pa sila aware kasi hindi pa nagpipito si Sir. Sigurado akong kay Ellaine patatamain 'yung bola.
Bigla akong napatayo para balaan sina Ellaine ngunit huli na noong nakaimik ako dahil pinalo nitong katabi ni Doreen 'yung bola-para bang nag-slow motion ang bola papunta kay Ellaine at saktong napansin ni Zander 'yung bola, kaya hinarang niya ang sarili niya, huwag lang matamaan si Ellaine, kaya si Zander mismo ang natamaan ng bola. Kaya't biglang napahiga si Zander at nakasama niya pa sa paghiga si Ellaine.
Napatayo si Sir dahil sa nangyari.
"Ano na naman ang katangahang ginawa n'yo De Villa!" sigaw ni Sir doon sa babaeng may gawa. Malakas kasi ang pagkakapalo ng bola kaya siguro nataranta si Sir at nasabi ang bad word na 'yon.
"A-Ah, eh sir, gan-"
"Go to the Dean's office, now!"
Nakatungong sumunod ang dalawa kay Sir.
Lumapit ako kay Ellaine dahil nga hindi pa sila nakakatayo ni Zander. Siguro dahil na rin sa lakas ng pagkakabagsak nila.
Ellaine
Ano bang nangyari at ganito ang nasapit naming dalawa?
Hanggang ngayon, nasa ibabaw ko pa rin si Zander at naka-alalay ang kaniyang kamay sa ulo ko, dahil sinisiguro niyang hindi ako mababagok.
Nakatitig pa rin ako sa kaniyang mata. Ano bang nangayari? Kani-kanina lang, nakita ko ang bola na lumilipad sa ere.
Engot Ellaine! Malamang defenseless ako.
Pero bakit? Dapat hinayaan mo na lang ako, Zander.
"H-Hoy, Z-Zander! Tumayo ka nga riyan! Ang bigat mo!" Alam kong pulang pula na ang pisngi ko dahil sa nangyari.
Umayos nga siya at umupo. Pinagpagan niya pa ang kaniyang P.E dahil medyo nadumihan ito. Umayos na rin ako ng upo para mag-sink in sa akin ang katotohanan at nangyari sa amin.
"Can you assist me, honey? I feel dizzy because I'll save you from that freaking ball," he said and he winked.
Napahalf open pa ang bibig ko sa inis. Akala ko ba masungit at isa pa seryoso ito? Eh, tinamaan ng kulog at kidlat, anong nangyari at bigla ata siya nagkaganito? Ellaine, the cute Elyen! Huwag ka ng mag-isip ah.
"Assist your face!" sabi ko na may pagkagigil-I hate his face!
Tatayo na sana ako, pero tinulungan ako ni Sharmaine na makatayo.
"Okay na ba kayo, Cortez at Salvador?" tanong ni Sir. Napansin kong wala na 'yung mga kaklase namin saka, sino kaya 'yung gumawa no'n?
"Sir! Okay na po kami at isa pa po sir, bakit naman po may flying ball na naganap? Hindi po kami handa roon eh," sabi ko.
"Hayy nako Salvador, kagagawan na naman 'yon nina De Villa at Hermosa. Tch, ano bang gagawin ko roon sa mga batang iyon? Mga sutil ay!"
"Tss, sina Irene na naman at Doreen," I muttered.
Lagi na lamang nila ako pinag-iinitan. Hindi na nga ako lumalapit kay Zander eh, bakit ba lalo pa nila akong pinagiinitan? Gayong sila rin ang naging dahilan kung bakit pilit akong lumalayo kay Zander.
"Ikaw Cortez, ayos ka lang? Mukha yatang nahihilo ka pa. Huwag ka na kayang sumali sa sports fest."
"I'm fine." Sabay tingin ng seryoso kay Sir. "Let me guess, you want us to be part of the upcoming sports fest, do you?"
"Ah oo! Eh, kaso parang sukong suko ka na eh, kaya . . ."
"There's no definition of being looser in my very own dictionary."
"Oo na, oo na! Umiiral na naman 'yang kayabangan mo!" sabi ni Sir sabay halakhak. "Hindi kita kayang paalisin 'no! Kaya maghanda na kayo ah! Cortez at Perez at ikaw naman Salvador . . ." Tumingin siya sa akin. "Maghanda ka rin, alam mo naman kung gaano ka-proud sa iyo si Ma'am Janine. Ikaw ang best player no'n, kaya galingan mo!" sabi ni Sir kay Ellaine. "Oh paano ba iyan, magrecess na kayo. Time na at ako naman ay uuna na sa inyo, mag-uusap pa kami nina De Villa at Hermosa."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, umalis na siya. Umalis na rin 'yung dalawa at kami na lang ang natira.
"Palit muna tayo!" pag-aaya ko kay Sharmaine saka kami naglakad paalis.
"Hindi mo naman sinabing player ka ng volleyball at isa ka pa sa MVP! Ang galing!" sabi sa akin ni Sharmaine, habang napuntang locker.
"Huwag mo na akong bolahin. Hindi lang naman ako ang magaling kundi ang ibang players 'no!" sabi ko.
"Basta magaling ka." Isinukli ko na lang sa kaniya ang matamis na ngiti kahit na alam ko sa sarili ko na kinakailangan ko pa ng malaking improvement dito.
Nang kami'y makarating sa locker room, binuksan ko kaagad ang aking locker. Bumungad sa akin ang letter.
"Ano 'yan?" Napalingon dahil sa nagtanong. Walang iba kundi si Jamie at kasama niya si Alexia.
"What's that?" tanong ni Alexia at saka kinuha ang nasa kamay ko.
Binasa niya at may halong gulat pa sa mata niya.
"From Secret Admirer."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro