
HATE • FIFTY-THREE
Ellaine
"LOLA," tawag ko kay Lola habang naghahanda siya ng makakain ng mga kaibigan ko mamayang tanghalian.
"Ano 'yon, apo?" tanong niya sa akin.
"Pupunta lang po akong sementeryo," sabi ko.
"Bibisitahin mo ba siya? Masyado namang maaga," sabi ni Lola kaya naman napatango ako bilang sagot.
"Baka po kasi makauwi na kami sa October 31 eh, saka po balak ni Kuya na mag-celebrate ng birthday sa amin."
"Sige, papayagan kita pero-"
Sabi na nga ba eh may pero na naman si Lola. Kaya naman bigla na lamang kumalabog ang dibdib ko na parang may iba akong kutob sa sasabihin ni Lola.
"Ano po 'yon?" tanong ko.
"Isama mo siya." Sabay turo ni Lola sa likod ko kaya naman napalingon ako.
Siya?
"Ano po 'yon Lola Ersa?" tanong ni Zander.
"Samahan mo si Ellaine sa sementeryo, Ijo. Hindi ko kasi talaga siya hahayaang umalis ng walang ibang kasama," sabi nito sabay pinukulan ako nito ng kakaibang tingin. Alam niya kasi na crush ko siya, pero dati lang iyon, hindi na ngayon—I mean, yeah, siguro nga bumalik na nga. "I know what you were thinking right now Ellaine. Siya lang kasi ang una kong nakita na puwedeng sumama sa 'yo. Kaya kapag ayaw mo siyang kasama, hindi kita papayagan." Ngumiti ako ng pilit at nag-thumbs up. I have no choice but to deal with Lola's decision. "Ijo, nakakapagmaneho ka ba?"
"Opo," maikling sagot ni Zander.
Kaagad namang binigay ni Lola ang susi rito. "Heto ang susi, at talagang hindi ako nagtitiwala sa aking apo pagdating sa pagmamaneho kaya sa 'yo ko na lamang ipagkakatiwala ito."
Tumango na lamang ito at walang sabi-sabing naglakad na siya palabas, kaya naman sumunod na ako sa kanya. Bago pa ako makalisan, tumingin ako kay Lola na biglang ngumiti. I have a very bad feeling about her smile.
Pagkarating namin sa sasakyan ni Lola, kusa kong binuksan ang pinto ng kotse at umupo sa shot gun seat. Hindi ko rin nakalimutang mag-seat belt sabay niyon sumakay na rin siya.
"Alam mo ba kung saan ang sementeryo?" tanong ko at tumingin lang siya sa akin saka bumalik sa harap ang tingin niya.
Napataas naman ang kilay ko dahil hindi man lang niya ako sinagot. Ang suplado talaga ng lalaking 'to.
Ilang minutong namagitan ang katahimikan sa aming dalawa at walang magtangkang mag-open ng conversation. Siguro galit siya sa akin dahil sa naging asal ko sa kanya kagabi.
Mayamaya nakarating na kami sa sementeryo kung saan nakalibing sina Lolo at Mama, syempre may dala-dala akong bulaklak at kandila para sa kanila. Ngayon, muli ko ulit dadalawin si Mama pero this time nakalibing na ang kanyang abo sa tabi ng puntod ni Lolo.
Sinindihan ko ang kandila at itinirik sa puntod nina Lolo at Mama. Isinalansan ko rin ng maayos ang bulaklak na dala ko. Umupo naman ako ng maayos sa may lapag.
"Alam mo ba . . ."
Sa sobrang katahimikan hindi ko maiwasan na hindi ako umimik, siguro nasanay na akong magsalita kapag kasama siya.
"Sa tuwing makakakita ako ng puntod, hindi ko maiwasan na malungkot dahil sa bawat araw at bawat oras naiisip ko ang mga mahal kong narito, hindi ko na sila masisilayan pa."
"I don't give a tinker's damn."
Napataas na naman ang kilay ko dahil sa sinabi nito. "Tingnan mo Mama at Lolo! Hetong lalaking kasama ko napakasama ng ugali, hmmpk!" sabi ko. "Nagsha-share lang naman ako, pero bakit 'di siya nakikinig. Grabe ang manhid niya talaga!"
"Then answer my question and I'll listen." Napatahimik naman ako dahil sa sinabi niya. Bigla tuloy pumula ang mukha ko kasi 'yung tanong niya kagabi, parang magiging cause of death ko.
"Why do I have to answer your question? Ano naman sa iyo ang sagot ko?" irita kong tanong.
"Ellaine, that was the easiest question in your entire life, why don't you answer it in yes or no," he said.
Irita ko itong pinukulan ng tingin. "E 'di no!"
"No? Then why you are blushing?" he asked and smirked.
"Sinagot ko na nga 'tapos ayaw mo pang maniwala! Anong gusto mong isagot ko? Yes?" Pagkatapos ko 'yon, bigla naman siyang naglakad palayo. "H-Hoy! Sa-Saan ka pupunta?" tanong ko.
Tiningnan niya lang ako ng matatalim niyang mata at nagpatuloy sa paglalakad.
O-kay, talagang pinaparamdam niya sa akin na wala siyang pakialam at hindi siya magkakaroon ng pakialam.
Bago ko siya hinabol, pinagdasal ko muna ang sina Lolo at Mama. Hinabol ko naman ang kasama ko at hinanap kaagad siya pero hindi ko makita.
Kaya naman nagtungo na lamang ako sa parking lot at naabutan ko siya na para bang may iniinspeksyon sa may gulong.
Huwag mong sabihin na nasiraan kami?
Tiningnan ko ang gulong ng kotse at hayun nga, may sira, kinakailangang palitan ng gulong. Sure rin ako na matagal magagawa ito kaya maghihintay ako para maayos niya itong sasakyan. Pasado alas tres na ng hapon at nakakaramdam na rin ako ng pagkagutom. Naalala ko tuloy 'yung pets namin na baka hindi pa nakain, pero hindi rin pala since inaalagaan naman sila ni Kian.
Habang pinagmamasdan siya, bigla itong naghubad. Feeling ko mahihimatay ako sa hiya. Unang pagkakataon at sa tanan ng buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng katawang mala-Greek God.
Sh*t, ang gwapo niya.
"Bibili lang ako ng pagkain," sabi ko bilang excuse. Ayaw ko kasing isipin niya na pinagpapantasyahan ko siya, lalo pa't sobrang pula ng mukha ko nang dahil doon.
Pero kahit na magsabi ako, hindi man lang niya ako tiningnan o pinansin.
Kaya naman imbes na intayin pa ang respond niya, naglakad na lang ako
palabas ng sementeryo. Sakto namang nahagip ng mata ko ang tindahan na malapit lang dito.
Maglalakad ba sana ako nang bigla akong napatingin sa mga lalaking nakatambay sa may tindahan.
Natakot tuloy akong bumili.
Luminga ako sa paligid para maghanap pa ng ibang tindahan na maari kong pagbilihan subalit wala na talaga akong makita kaya naman susugal ako para lang makakain at para ibili na rin si Zander, para sa peace offering.
Pagkatapos kong makumbinsi ang sarili kong bumili, lumapit na ako sa harap ng tindahan. Napasinghap ako ng hangin dahil nararamdaman kong nakatingin sila sa akin.
"Pabili po."
Pinalagay ko sa plastic bag ang mga pinamili ko at pagkatapos kong magbayad kaagad akong naglakad papalayo sa tindahan.
"Miss, anong pangalan mo?" tawag ng mga lalaki, pero hindi ko sila pinansin.
Nagpatuloy lang ako sa paglakad pagkatapos niyon bigla nilang hinarangan ang daraananan ko.
"Ang sungit naman! Nagtatanong lang naman eh," sabi ng isa pa ng lalaking may kulay ang buhok.
"Excuse me po," sabi ko saka nagpatuloy sa paglakad.
"Teka miss!" Sabay hawak ng lalaki sa braso ko. "Gusto lang namin makipagkaibigan, masama ba 'yon?" Pinilit kong alisin ang pagkakahawak ng lalaki sa akin. Nakakainis. Sa ganitong oras, hindi ko talaga magamit ang aking skill sa Kung Fu. Lagi na lang kasi akong pinapangunahan ng kaba at takot.
"Hindi nga po kasi ako nakikipagusap sa mga hindi ko kilala. Hindi n'yo po ba nahahalata na iniiwasan ko kayo?" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses dahil sa inis.
"Pwes! Kung ayaw mo, pipilitin ka namin." Sabay hinigit nila ako kaya naman nabitawan ko ang aking hawak.
Pinipilit kong kumawala sa kanilang pagkakahawak ngunit hindi ko magawa. Bukod sa takot, nanlalambot ako.
"Pabayaan n'yo na lang po ako. Please!" pagsusumamo ko.
Napaiyak na lang ako at nagsisigaw rito. Tila walang gustong tumulong sa akin. Nakaramdam ako ng pangangatog ng tuhod ko dahil sa takot. Para akong nanlalambot nang dahil dito.
Mayamaya, may dumating na tao. Hindi ko maaninagan ang taong ito dahil sa mga luhang umaagos sa aking mga mata.
Bigla kong narinig ang malakas na pagsipa ng lalaking kadarating lamang kaya naman napatumba niya ang isa sa mga lalaking nakapalibot sa akin.
Sa sobrang nahaharangan na ng luha ko ang mata ko hindi ko na siya makita pa.
"T-Teka ang tangkad."
"Sino ka?" tanong ng isa sa lalaking nakapalibot sa akin.
"Zander Yosh Reuhx Kaedien Levixus Cortez and I don't forgive those who touch my girl no matter who they are."
Napapikit ako ng mariin at muli kong inimulat ang aking mata, saka siya inaninagan. Nakasuot na siya ng damit niya, tila wari ko'y tapos na siya sa kanina niyang ginagawa.
Teka, ang haba ng pangalan na
iyon-legit bang pangalan niya iyon o imbento lang? Arrgh. Pati ba naman sa ganitong sitwasyon nagagawa ko pang mag-isip na legit na mahaba ang pangalan nya o imbento lang! Grabe!
"Ano? Ang yabang mo ah."
"Pa-english-english ka pa riyan."
"Pagbabayaran mo 'yan!"
"Maigi pang mabigyan ng leksyon ang isang uhuging lalaki na 'to."
"Kuyugin 'yan."
Cool. Quiet. Very cold. Intimidating. That is Zander's style.
Pinanood ko ang pagdapo ng kanyang kamao sa pagmumukha ng mga lalaki. Kahit maraming nagtulungang patumbahin siya, hindi nila 'yon magawa, sa halip, lahat sila ay napataob ni Zander.
Napadako ang tingin ko sa lalaking tatangkaing suntukin si Zander kaya naman inapakan ko ng malakas ang lalaking nakahawak sa akin at sinuntok sa mukha. Kaagad kong pinatikim ng flying side kick ang lalaking manununtok kay Zander sabay kinuha ko kaagad ang nakita kong kahoy at hinampas dito.
"Lumayas na kayo rito!" sigaw ko.
Kaagad namang napadako ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang pag-awang ng bibig niya, sabay niyon ang biglang pag-agos ng dugo sa ulo niya.
D-Dugo.
Hindi ko namamalayan na nakayap na pala siya sa akin at sinusubukan akong pakalmahin.
Paano nangyaring nagkaroon siya ng dugo sa ulo niya?
Kasalanan ko 'to.
Narinig kong nagsitakbuhan na ang mga lalaking nang-harassed sa akin, ngunit hindi mawala sa isipan ko ang ginawa niyang pagsagip sa akin.
Hindi niya hinahayaan na makita ko ang sugat niya sa kanyang ulo. Binitbit niya rin ang aking pinamili at walang imik kaming naglakad.
Hanggang sa makarating na kami sa may kotse. Tahimik kaming dalawa na sumakay sa loob ng kotse. Napatingin ako sa kanya. How could he endure that pain?
Hindi niya man lang pinupunasan ang dugo niya sa ulo na patuloy na umaagos.
Hindi ko namamalayan na tumutulo na ang aking luha at nagsimula ng maging emosyonal. Hindi ko inaasahan na kahit galit siya sa akin, nagawa niya pa rin akong iligtas sa mga masasamang taong 'yon. 'Tapos ngayon dumudugo ang ulo niya nang dahil sa katangahan ko.
Kasalanan ko talaga 'to.
"I no longer need your concern, dummy girl."
"Ma-Masakit ba ang ulo mo? Heto oh, pakiusap punasan mo ang dugo sa ulo mo," sabi ko saka ko binigay sa kanya ang panyo ko ngunit tiningnan niya lang ito. "Zander, kapag 'di ka nakinig tutuluyan talaga kita."
Bahagya siyang ngumisi sabay kinuha ang panyo at pinunasan ang dugo sa kanyang ulo. Napaiwas ako ng tingin at humarap na lang sa daan.
Maya-maya nakarating na kami ng hacienda at laking gulat ko na makita sila na narito na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro