
HATE • FIFTY-NINE
Ellaine
HINDI ko pa rin makalimutan 'yung nangyari kahapon doon sa milktea house. Pangitang pangita na si Kuya'y natamaan na talaga kay Alexia. Hindi ko siya maasar ngayon dahil birthday niya at baka ma-badmood 'yon—nako.
Sumilip ako sa ibaba mula rito sa hagdanan at puro pumpkins at pekeng sapot ng gagamba, sabay noon, mayroon pang kawit ni kamatayan—nakakatakot.
Bumaba ako para uminom ng tubig pero hindi na ako nakatuloy uminom dahil nakita ko roon sa may edge ng pader, doon sa salas ang napakaraming regalo kaya tiningnan ko. Tumingin din naman ako sa dalawa kong kapatid na busy sa kanilang ginagawa.
"Kuya, si Dad ba darating?" tanong ni Kian.
"Hindi ko alam, sana'y dumating siya," sagot ni Kuya.
"Mas maganda kung hindi na siya darating," sabat ko 'tapos umupo sa couch. I'm just kidding, sana nga dumating si Dad para mas lalong maging masaya si Kuya.
"Ate, huwag ka naman pong ganiyan! Kawawa naman si Kuya kung hindi si Dad darating sa birthday niya."
"Pero hindi siya dumating noong birthday mo," mahinahon kong sabi. "Pero baka malay mo dumating siya na unexpected 'di ba?"
"Opo Ate, pero Kuya okay lang sa 'yo kung hindi nga talaga dumating si Dad?" tanong ni Kian.
"Oo naman at alam ko naman kung gaano siya ka-busy, pero ang mas magandang birthday gift na ibibigay ni Dad sa akin ay 'yung dadagdagan niya pa ang allowance ko sa bank account ko, wahahaha!"
Napangiwi na lamang kaming dalawa ni Kian nang dahil sa sinabi ni Kuya. Kahit kailan talaga, puro kaswapangan ang alam niya.
"Oh, bakit naman ganyan ang reaction n'yo?" tanong ni Kuya.
"Wala!" sabay pa kami ni Kian.
"Wait Kuya! Magco-costume ba sina Lola?" tanong ni Kian.
"Nako, hindi nga eh! Kasi ayaw nila!" sabi ni Kuya. "Pinilit ko sila, pero wala eh, gusto nila na naka-hat lang kagaya ng sa witch at si Kuya Jonas naman talagang ayaw niyang mag-costume."
"Ah, ganoon, ganoon."
Ako nama'y kinuha ko na lang ang phone ko at saka nag-bukas ng facebook. Maraming nag-pop up na notifications galing sa facebook at nag-private message sa akin.
"Kuya, mag-live ka nga at gawa ng mga fans mo, tinadtad ako ng messages. Hindi raw nila ako titigilan hangga't hindi ka nakikita!" pagrereklamo ko.
"Sana hindi ka na lang nagbukas ng facebook kung magrereklamo ka ng ganiyan! Hayan tuloy, pero okay, sige, pagbibigyan ko sila."
Ang yabang talaga ni Kuya kaya talagang mapapairap na lang ako. Kinuha niya ang phone niya saka nagkutingting sabay itinapat niya ang mukha niya sa phone at nag-start mag live.
"Hello guys, thank you very much for your regards! Yeah I know I'm handsome. Thank you, thank you! Yes, for those first ten persons na walang invitations, maswerte kayo dahil pwede kayong makapasok! Hindi ako ang magpapasok sa inyo, syempre ang cute kong kapatid. Nah! Kian is handsome, yes—si Ellaine." Sabay tutok niya sa akin ng phone. Depungal.
"Hehehe, hi!" Pagkatapos niyon, inalis niya na ang phone niya sa tapat ng mukha ko, Grr, kahit kailan talaga Kuya! Pahamak ka!
". . . and for those na hindi na pwedeng pumasok huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil pwedeng magpapicture or autograph sa aming apat. Birthday ko naman kaya pagbibigyan ko na kayo . . ."
I think, very bad idea 'yon. Papayag kaya ang tatlo nyang kaibigan na ganoon? Siraulo ka talaga Kuya! Pati kaibigan mo, dinamay mo sa kagunggungan mo.
"Bye na muna at busy pa ako sa preparation. See you later." Sabay ibinaba niya na ang phone at tumingin sa akin.
"Ikaw ang assign doon ah at para naman makaganti ka sa mga nambully sa 'yo dati," sabi ni Kuya. Napabuntong hininga na lamang ako nang dahil doon. Hindi ko ugaling gumati dahil naniniwala ako na ang Diyos ang may karapatang gumawa ng parusa sa ibang tao. "Oh? Ayaw mo pa niyon? Para makaganti ka!"
"Sabi mo nga, first ten at kung sino ang first ten persons na naroon, hayun 'yung papapasukin ko. Hindi ako mamimili!" kontra ko. "Isa pa, hindi ako gaganti sa kanila kahit anumang mangyari."
"Hayan! Dumali ka na naman sa kabaitan mo, kaya inaabuso 'yang kabaitan mo eh!" sabi ni Kuya sabay kumunot ang noo niya.
Kaya naman, tinaasan ko sya ng kilay. "Correction, hindi ako mabait," sabi ko sabay tumayo ako. "Kakain muna ako, nagugutom na ako eh."
"Hayan! Gutom ka na naman!" bulyaw sa akin ni Kuya.
"Pake mo ba Kuya? Eh sa nagugutom ako!" sabi ko saka tumalikod sa kanila. "Happy Birthday Kuya."
Pagkatapos kong sabihin 'yon, iniwan ko sila sa salas at ako naman ay nagpunta ng kusina. Para tuloy akong pusa na naghahanap ng pagkain. Hayyss, speaking of pusa, naasan nga ba ang pusa kong si Nightmare? Bigla akong nakaramdam ako ng malambot na balahibo sa aking paa. Si Nightmare.
Binuhat ko ang pusa ko at kumuha muna ng cat food at nilagay ito sa kanyang pakainan.
Pagkatapos niyon, kumuha na ako ng carbonara at inilagay ito sa pinggan. Niramihan ko na para hindi na ako pabalik-balik dito sa baba. Kumuha ako ng tubig at saka inilagay ang mga ito sa tray, kasama na 'yung cat food ni Nightmare at sabay binuhat ko si Nightmare 'tapos binitbit ang tray papuntang kwarto para doon kumain.
Noong nasa kwarto na ako, ibinaba ko na si Nightmare at ibinigay ang cat food niya sabay kinain niya na ito. Hindi ko siya hinayaan sa baba dahil medyo maingay sa baba at ang mga pusa ay fragile when it comes to loud noises like speaker or sound systems.
Pagkatapos niyon kumain na ako at habang nakain, binuksan ko ang messages ko. Tiningnan ko kung nag-message sa akin si Knight in Shining Armor, pero wala pa rin siyang message sakin. Ngayon ko lang napagtanto na hindi na pala siya nagpapadala ng kahit ano.
Napapaisip nga ako kung sino ba itong taong ito. Why is he hiding from the dark? Ano bang ikinatatakot niya? I know to myself that I should stop talking to a stranger like him, but my intuition says that I should continue it.
Na-miss ko siya bigla.
I miss you.
Isinend ko na ito saka ko pinatay ang phone ko at pinagpatuloy ang pagkain. Habang nakain, bigla na lang pumasok sa isipan ko si Zander. Isang kabastusan talaga ang pag-iwan ko sa kanya ng hindi man lang nagpapaalam. Sumama kaya ang loob niya? Sana hindi.
SIX-THIRTY na ng hapon at nasa kwarto pa ako. Hindi ko alam kung lalabas na ako o hindi dahil sa makikita kong creatures mamaya. Kaya ayaw ko ng mga ganitong okasyon—I hate halloween.
"Pasok," sabi ko nang sandaling may kumatok sa pinto ng aking kwarto.
Pagkabukas ng pinto bumungad sa akin si Kuya na nakasuot na ng kanyang costume. Si Kuya ay naka joker.
Humalukipkip ito at naging mapungay ang mga mata. "Bakit hindi ka pa bihis?" tanong niya sa akin.
"Tinatamad ako," sabi ko sabay higa sa kama. "Ikaw naman ang may birthday hindi na ako kailangan doon."
"Anong hindi kailangan? 'Di ba may in-assign ako sa 'yo! Saka wala ka pa ngang regalo sa 'kin kaya 'yon na lang! Dalian mo na riyan!"
"Bakit hindi na lang 'yung security na na-hire n'yo? Saka isa pa may regalo ako sa 'yo at buong allowance ko ang ginastos ko para lang mabili ka ng regalo!"
"Kahit na! Tumayo ka riyan!"
Nagulat na lang ako dahil pumasok sa loob ng kwarto ko 'yung babaeng nag-ayos kay Kuya. "Makikiayusan nga po ang kapatid kong sutil!" sabi niya sabay umalis na siya sa loob ng aking kwarto.
Wala akong nagawa kundi sumunod. Saka malapit ng magstart ang party, buti nakapagshower na ako.
LUMABAS na ako sa kwarto ko noong saktong matapos ako at dinala ang regalo ko kay Kuya. Medyo hindi ako komportable sa aking suot dahil ayaw ko naman na mag-costume ako pero dahil birthday ni Kuya, kaya kailangan. Maarte kasi talaga ang Kuya ko at ayaw niya ng marumi sa paningin—kumbaga, perfectionist siya, kaya nakakainis. I am his complete opposite.
Kung alam lang talaga ni Kuya kung gaano kamahal itong binili kong regalo sa kanya. Nagkakahalaga ito ng three thousand, eight hundred, ninety pesos. "Ate, para ka talagang angel!" puna ni Kian na ngayo'y nakacostume na rin ng Jack Frost. Bagay sa kanya.
"Ikaw naman, bagay na bagay maging Jack Frost."
"Heto talagang si Ate!" Sabay kamot pa sa kanyang batok sabay lumapit sa amin si Kuya na mukha talagang si Joker ang datingan.
"Oh, buti naman at lumabas ka na sa lungga mo."
"Oo naman, pinilit mo eh saka nga pala Kuya, heto ang gift ko sa 'yo!" Sabay binigay ko sa kanya. "Happy Birthday!"
"Thank you, mamaya ko na ito bubuksan," sabi niya pa.
"Punta na akong gate ah!" sabi ko tsaka ko sila iniwan.
Pumunta ako sa gate para tingnan ang first ten persons na maswerteng makakapasok sa loob ng bahay namin. Bilang kapatid ng natatanging Kaizer Eice A. Salvador, ginawa ko ang naka-assign sa akin. Tutal birthday niya naman at pagbibigyan ko na. Bukas talaga ay sisingilin ko siya, ang mahal kaya niyong regalo kong Skechers D'Lites² Sweet Monster at hindi pa ako nagkakamayroon ng ganoong kamahal na sapatos in my entire life.
I like cheap shoes at magaganda pa nga ang mga damit sa ukay-ukay. Palagi akong nabili roon at budget friendly talaga. Syempre sinisigurado kong hindi galing hukay ang mga damit doon, baka kapag nalaman kong ganiyon eh baka maghysterical pa ako.
Nang makarating na ako sa may gate, nandito ang nakahire na security nina Kuya at talagang matiyaga 'to dahil kinakailangang may ipapakitang invitation at chineck nya ang mga bag ng napasok.
"Mam, ano pong ginagawa n'yo rito?" tanong nung manong security.
"Ahh, hindi po ba nabanggit ni Kuya na 'yung first ten persons na wala pong invitation card ay pwede pong papasukin." Sabay turo ko sa mga ilang nagiintay roon sa labas. "Hayun po sila oh."
"Ahhh ganoon ho ba? Eh, paano naman ho kung may bawal na kostyum ang nauna? Katulad ho niyon." Sabay turo ni Manong Security roon kina . . . doon kina . . . WTF!
Hindi ko maigalaw ang paa ko para iwasan ang tingin sa taong nakasuot niyon. Para akong nangangatal at anumang oras, maghihysterical ako, ngunit may biglang tumakip sa aking mata. I sniff. Bigla ring sumuot sa aking ilong ang mysterious, neat and attractive scent na nanggagaling sa taong ito. Iniharap niya ako sa kanya kaya naman naramdaman ko ang matigas niyang dibdib na siyang ikinakomportable ko. Pagkatapos niyon, inalis niya na ang takip sa aking mata at napalunok ako ng tatlong beses.
Si Zander.
"Galit ka pa sa ak . . ."
"I don't give a tinker damn."
Bigla na lang siyang naglakad palayo sa 'kin. Galit siya sa 'kin.
Nakakainis.
"Ang sama ng ugali mo!" inis kong sigaw sa kanya pero hindi niya ako nilingon.
PINAPASOK na ni Manong guard ang first ten persons na nakapila sa labas at sa kabutihang palad, hindi nakaabot ang kaisa-isang tao na nakasuot ng pang madre. Masama ang pakiramdam ko roon sa nakasuot na Valak.
Promise.
Pagkatapos nilang makapasok, hinatid ko sila sa likod kung saan magaganap ang party. Sobrang daming palamuti ang nakasabit sa pader at pumpkins na nagsisilbing ilaw para sa daan. May mini stadium naman para kay Kuya kung saan siya magsspeech.
"Pinag-isipan mo ba talaga ang costume mo Ethan?" tanong na may halong panlalait ni Vhan.
Naka-black na longsleeves at black na slacks kasi si Ethan, samantalang may puting puti ang mukha niya at ang mata niya ay nilagyan lang ng eyeliner na makapal. Sa madaling salita, isa siyang multong ligaw.
"Oo naman pinag-isipan ko ito. Eh ikaw? Bakit naman ganyan ang suot mo? Mukha kang iinom ng dugo."
"Malamang bampira ako! Rawr!" kontra pa ni Vhan. "Iyon!" Turo ni Vhan kay Kuya. "Talagang pinag-isipan niya ang suot niya. Tamo, mukha talagang mandurugas!"
"Coincidence lang ba na si Harley Quinn ang costume ni Alexia?" puna ni Jamie. "Partner sila ni Kaizer na Joker."
"Grr, kung alam ko lang talaga na si Joker ang ico-costume ni Eice hindi na sana ako nag-Harley Quinn."
"Bagay na bagay sa inyo 'yan! Magsyota kayo ah!" pang-aasar ni Jamie.
"Ikaw Jamie? Naka-Enchantress, Suicide Squad ba ang peg?" tanong ko kay Jamie.
"Oh, Ellaine! Bagay sa 'yo ang angel ah!" puna ni Jamie.
"Ay inang!" usal ni Vhan habang nakatingin sa amin.
"Si Sharmaine naman bagay maging white lady sa Balete drive. Wohoy, partner kayo ni Ethan, parehas kayong multo hihihi!" puna ko pa.
Napahampas si Sharm sa akin sabay . . . "Loka."
"Heto naman?" turo ni Vhan kay Zander. "Dre, mukha talagang pinag-isipan mo ang costume mo ah."
Napatingin ako sa kabuuang porma ni Zander at saka ko lamang napagtanto na nakasuot ito ng costume ng Survey Corps and he is portraying . . .
"Levi Ackerman!" kinikilig kong sambit kaya naman napahagikhik si Jamie.
"Oh iyan na ang inaabangan mong cosplayer ni Levi! Grab the chance! Dali Ellaine! Papicture ka na!" sulsol sa akin ni Jamie at inihanda na ang camera.
"Hoy dre! Dalian mo na! Pumorma ka na! Papa-picture raw si Ellaine!" sabi ni Vhan.
Lalapit na sana ako kasi ngayon nga lang ako nakakita ng cosplayer na kamukhang kamukha ni Levi, pero lumayo ito sa akin kaya napa-pout ako. Oo nga pala, galit pa nga pala siya sa akin.
"Ang KJ mo naman Zander!" sabi ko. "Magpapapicture lamang ako eh!"
"Oo nga naman bro! Magpapicture ka na kay Ellaine! Mamaya makahanap iyan ng iba, nako!" sabi pa ni Ethan.
"Hala oo nga pala Ellaine, si MJ nga pala, nakita kong naka-costume na Levi! Sobrang kamukha!" sabi pa ni Jamie. "Sa kanya ka na lang magpapicture."
"I'm sure papayag iyon!" sabi ni Sharm.
"Si Kuya Z kasi, ang KJ! Iyan tuloy nakahanap na si Ate Ell ng iba," pangongonsensya ni Alexia.
Tumingin ako kay Zander sabay ngumisi. "Pretty please?" I asked him again.
Umirap muna ito sabay pinukulan ako ng tingin. "Fine."
Pagkasabi niya niyon, kaagad akong lumapit sa kanya at nag-pose. Matapos ng ilang shots, magpapasalamat na sana ako nang biglang nagsalita muli si Vhan. "Dre last na! 'Yung parehas kayong nakaharap ni Ellaine sa isa't-isa, 'tapos magtitigan kayo!"
"Ang sagwa naman niyon Vhan!" kontra ko.
"Makinig ka na lang kay Vhan, Ellaine! Siya lang ang nakakaalam sa mga artistic poses na makakapagpaganda ng shots ko!" sabi ni Jamie.
"Artistic poses achuchu raw!" reklamo ko at sinunod ko na lamang.
Pagkaharap ko sa kanya bigla ko muling nasilayan ang magaganda niyang mata. Nakatitig kami sa isa't-isa at anumang oras ay matutunaw ako sa titig niya. Ang dami ko palang kabaliwang ginawa kanina at parang hindi na ako nahiya sa kanya.
"Last na ito, at kami naman," sabi ni Jamie.
"Anong last-last?" Bigla kong nasampal si Kuya dahil pumagitna ito bigla sa aming dalawa. "Grabeng pabirthday mo naman sa akin ito Ellaine! Ang sakit ah!" reklamo ni Kuya kaya naman nagsitawanan sina Ethan sa kanya.
"Na-shotan ko! Grabe! Kitang kita ang reaction ni Kaizer! Grabe, LT!" tatawa-tawang sabi ni Jamie.
"Magsiupo na kayong lahat, magsisimula na ang program!" sabi ni Kuya.
"Wait lang Kuya! Magpipicture pa kami! Mabilis na mabilis na lang ito!" sabi ko kaya naman kinuha ko ang DSLR ni Jamie. Bago ako magpicture sa kanila, nagpasalamat muna ako kay Zander, pero kahit anumang salita ay wala siyang sinambit. Kaya naman hinayaan ko na lamang siya.
Pagkatapos niyon, nagsiupo na kaming lahat at pumunta naman si Kuya sa stadium.
"First of all, I would like to thank to those people who attended my party. Maraming salamat po at sana mag-enjoy kayo sa aking party. As well as, I would like also thank my friends . . ." Sabay nag-derp siya at thumbs up. "Syempre sa pamilya ko rin, sa suportang natatanggap ko mula sa inyo at naging visible ang event na ito. Maraming salamat."
Pagkatapos ni Kuya, nagispeech si Lola, si Kian, ako at ang mga kaibigan naman niya.
"Happy birthday!" sabi ni Zander sabay itcha kay Kuya ng susi ng kotse kaya naman tuwang tuwa si Kuya dahil may panibago na naman siyang kotse.
Ang next naman ay si Ethan at binigay ang paper bag kay Kuya. "Hindi ko na hahabaan ang sasabihin ko dahil lagi naman tayong magkasama. Happy birthday and enjoy!"
Ang pinakanghuli nama'y si Vhan. Sa sobrang lawak ng ngiti nito hindi kataka-takang may gagawin siyang kalokohan.
"Woy dre, happy birthday. Hindi ako iiyak dito dahil hindi ka pa naman patay, saka nga pala, thank you dahil marami akong maiuuwing pagkain, nyahahaha! Pangalawa, dahil mas gwapo ako sa 'yo at pangatlo naging mabuti kang kaibigan at salamat naging kaibigan kita. Happy birthday, dre at dahil birthday mo naman, magiging mabait ako sa 'yo at may malaki akong sorpresa sa 'yo!"
Bahagya namang nagulat si Kuya, pero deep inside iniisip niyan kung ano ang surpresa ni Vhan. Pagkasabi ni Vhan niyon, may biglang pumasok na dalawang lalaki na dala-dala ang isang napakalaking box at talaga namang nakakacurious ang laman niyon.
Ano namang kayang paandar 'to ni Vhan?
"Nakaka-curious ano?" tanong ni Vhan habang nasa stage pa siya. "Buksan mo na Kaizer."
Si Kuya nama'y nagmadaling tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa malaking box.
"Ano 'to?" tanong ni Kuya pero ito nga deep inside masaya siya.
"Buksan mo!" sabi ni Vhan habang nagpipigil ng tawa. Teka, may parang kalokohan dito ah.
Sinunod nga ni Kuya ang sinabi ni Vhan. Inalis niya muna ang ribbon sa box sabay 'yung takip niyon, 'tapos bumagsak ang apat na gilid nito. Nakalagay sa loob niyon ang isang box na nakasara. Kaya naman, ganoon ulit ang ginawa ni Kuya, binuksan niya ulit ito tapos may box na naman ulit.
Ano 'to lokohan??
"Ano ba naman 'yan Vhan? Pinapahirapan mo talaga ako?" iritableng tanong ni Kuya.
"Be patient Kaizer," saad ni Vhan.
Nagbukas ulit si Kuya at iba na ang laman niyon. Halos umiyak ako sa laman ng box.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro