Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • FIFTY-FIVE


Ellaine

SA MGA sumunod na araw Monday, medyo nabuburyo ako sa loob ng bahay dahil naambon sa labas. Nagkuwentuhan kaming apat na girls. 'Yung boys naman ay inuutus-utusan ni Lola, kawawa nga eh at nakaranas ng gawaing pambukid. At hayun si Kuya, diring diri sa lupa, akala mo naman mamatay siya.

Sa pagsapit naman ng gabi, lumabas kami at nag-perya. Wala pa kasi masyadong rides, ferris wheel pa lang at saka viking kaya tumaya na lamang kami sa mga booth, lalo na roon sa color game.

Ilang beses na akong tumaya roon pero palagi akong natatalo. Si Kuya rin, surang-sura na dahil palagi rin siyang natatalo.

Habang naglalaro sina Vhan sa color game, napansin ko naman si Zander na lumapit sa may color game at tumaya ng limang libo sa kulay blue.

Noong pagpatak ng dice, naging triple ang kulay blue kaya napanganga ako. There is only six times can possibly roll a dice into triple, nakakahanga!

"Hala! Ang galing!"

"Paano niya nagawa iyon sa isang tira lang?"

"Napakagaling!"

Halos lahat ng taong tumataya rito ay gustong magkaroon ng balato mula kay Zander. May mga dumidikit pa nga sa kaniya na mga babae kaya medyo nag-init ang ulo ko.

But Zander just leave the place. Napangiti na lamang ang tatlo niyang kaibigan.

"Paghati-hatian n'yo na po iyan. Wala na po siyang balak na kuhain iyan," sabi ni Ethan at saka sumunod kay Zander.

"Eh? Seryoso? Ang laking halaga nito!"


SA SUMUNOD na araw Tuesday, ganoon ulit. Nakakainis nga ang ulan eh ang boring talaga kung hindi lang naulan nako, paniguradong nagho-horseback riding kami papuntang Taal Volcano. Napaka-picture perfect pa naman doon, kainis talaga kasi 'yung ulan eh ang aga-aga naulan.

Mayamaya aambon 'tapos iinit, eh masama pa naman kung ganoon ang panahon kaya naisipan naming makitulong na lang.

Kaya bumawi ulit kami sa gabi. Nagpunta kami ulit sa peryahan at hindi na nagtungo sa may color game. Baka kasi pagkaguluhan si Zander. Kaya naman nagpunta naman kami sa rides.

"Bawal ang mahiluhin ah!" sabi ni Kuya. "Lalo ka na Ellaine! Nako!"

Napatingin ako kay Sharm. "Ikaw ba Sharm? Ayos lang sa 'yo na sumakay? May asthma ka ah!"

Ngumiti ito ng malawak at tinapik-tapik ang likod ko. "No one can stop me here, Ellaine! Simula pa noon, gusto ko na talaga na nasakay ako sa rides kaya huwag kang mag-alala!"

"Sure ka ba riyan Sharm?" tanong naman ni Alexia. "Baka atakihin ka ng asthma ah! Pero sana huwag naman."

"May dala naman akong inhaler kaya huwag kayong mag-alala!" Sharm assured to us.

"Ang gawin natin ay gitna ang girls at sa gilid ang boys!" suhestiyon ni Jamie.

"Ayaw ko sa gitna! Gusto ko sa gilid!" kontra ko.

"Tama si Jamie, dapat lang nasa gitna ang girls, baka mamaya eh sa sobrang kalikutan ay tumalsik," sabi ni Kuya sabay tumingin sa akin.

Napapout na lamang ako at saka na kami sumakay sa viking. Ginitna kami ni Sharm at katabi ko si Zander dahil ayaw raw ako katabi ni Kuya at baka sumuka ako sa kanya. Kaya si Zander na lamang ang tumabi sa akin, gayon din katabi naman ni Sharm si Ethan.

Sina Kuya naman nasa may unahan namin, since mas pinili namin 'yung sa parteng dulo dahil mas thrilling daw iyon sabi ni Vhan. Katabi ni Kuya si Alexia, oo nga pala, mag-jowa nga pala ang dalawa kaya mas pinili ni Kuya na katabi niya si Alexia. Si Vhan naman, katabi niya si Jamie kaya ayos na ayos sa kanya.

Noong pag-andar ng viking, sa una hindi pa nakakalula, pero kapag natagal at nabilis ang pag-andar, nataas ang dulo kaya napapahawak ako kay Sharm.

Feeling ko masusuka ako at parang hihiwalay na ang kaluluwa ko kakasigaw.

"Oy ah! Mukha yatang nahihilo na si Ellaine! Good luck sa inyo Sharm at Zander!" sabi ni Vhan.

"Tse! Baka si Kuya! Tingnan mo oh putla na!" sabi ko sabay tumuro kay Kuya na mukhang masusuka na sa tabi ni Alexia.

"Yuck Eice! Don't you dare to vomit! Ihuhulog talaga kita rito!" paangil na sabi ni Alexia.

"Oh baka putla na rin si Ellaine!" sabi ni Jamie habang nasigaw sa excite. "Ay siya'y icomfort ni Zander! Uwu!"

Nagpanting naman ang tainga ko noong iniyakap ni Zander ang kamay ko sa kanya at itinuon ang mukha ko sa kanya.

I feel comfortable. Parang hindi ko na nararamdaman 'yung feeling na masusuka ako. Nararamdaman ko na lamang ngayon 'yung lamig ng hangin.

Noong nararamdaman ko nang matatapos na, kaagad akong umayos ng upo para hindi na makita ng mga nasa unahan namin ang posisyon namin ni Zander kanina.


WEDNESDAY, hindi na umuulan kaya matutuloy na ang pagho-horseback riding namin. Pero 'yung totoo, hindi ako nasakay sa kabayo kapag walang kasamang iba. Natatakot kasi ako na baka ako'y mahulog eh wala naman kasing sasalo. Noong bata pa kasi ako, naiyak ako kapag sumasakay roon, inaasar pa nga ako ni Kuya noon eh.

Maaga kami nagising dahil aalis na kami ng mga 5:00 am.

"Ala eh, mayamaya po kayo umalis at medyo madilim pa," sabi ni Mang Tomas.

"Ano pong oras kami makakaalis? Luh, gusto ko ng mag-horseback riding," sabi ni Jamie at para bang nagaya niya na rin kung paano magsalita sina Mang Tomas.

"Mayamaya siguro," sagot naman ni Mang Tomas sabay alis naman niya.

Tumingin ako kina Jamie.
"Sundin na lang kaya muna natin si Mang Tomas. Tama naman siya eh," sabi ko.

"Baka sabihin mo takot ka lang sumakay ng kabayo!" singit ni Kuya.

I did a death glared to my Kuya Kaizer. "Epal talaga, dapat hindi ka na lang umuwi, tsk."

"Ano?"react ni Kuya. "Ayaw mo akong narito? Grabe ka sa akin!"

"Hindi ko naman 'yon sinabi ah!" kontra ko rito. "Baka nagdideluryo ka lang Kuya!"

"Hindi ako bingi Ellaine! Dinig ko talaga ang sinabi mo!"

Hindi ko na lamang pinansin si Kuya at sa halip ay bumalik ang tingin ko kina Jamie. "Bago tayo umalis, dapat may dala tayong tubig kasi mahal ang bilihin dooon sa may crater at don't forget to bring mask lalo ka na Sharm, and sunscreen dahil mainit at magabok sa may crater saka mini backpack and pocket money."

Ginawa naman nila ang sinabi ko at ako nama'y nagpunta ng kwarto ko para kuhanin ang aking mask at botehan kong may laman na tubig. Nagdala na rin ako ng emergency bag na laman ay first aid at pagkain.

"Ano naman at lagi ka na lang may dalang Minnie mouse?" puna ni Kuya.

"Excuse me Kuya," sabi ko sabay tumikhim. "Bulag ka ba? Mickey mouse po itong dala ko dahil naiwan ko 'yung Minnie mouse."

"Malay ko ba riyan sa sinasabi mo," he muttered.

I grinned kasi may bigla akong naalala. "Baka gusto mong sabihin ko sa kanila 'yung sa Frozen. Ano? Huh? Huh?" pananakot ko.

"Anong sinasabi mo?" painosente niya pang tanong. "Bahala ka na nga riyan, tsk." Sabay umalis siya-pikon talaga.

"Let's go," pag-aaya sa akin ni Sharmaine na halatang-halatang excited na.

Bago kami umalis, nagpaalam muna kami kay Lola, matagal-tagal kaming makakauwi dahil malayu-layo ang Taal Volcano kasi sa may Talisay pa kaya kailangan pa namin bumiyahe.

"Ma-iingat kayo!" sabi ni Lola.

"Ingat kayo!" sabi ni Kian sabay bumalik muli sa paglalaro sa phone.

Ang nakakalungkot lang niyon ay hindi si Kian sumasama sa mga ganitong lakarin dahil ayaw niyang napapagod siya. 'Di bale, gusto niya raw naman na mag-stay rito para alagaan sina Nightmare.

Sinamahan naman kami nina Mang Tomas at Mang Jerry sakay sa tricycle at ngayon, kami ay papunta sa rentahan ng bangka papuntang Talisay.

"Ay! Ayusin mo ang pagpapatakbo ng bangka ah!" sabi ni Mang Tomas doon sa lalaki.

"Mag iingat kayo!" sabi sa amin ni Mang Jerry.

Nag-renta kami ng bangka kaso kailangan lang ng anim hanggang pitong tao bawat bangka. 'Yung anim nina Kuya ay nakasakay na, kaya kami na lang ni Zander ang natira. Naka-life vest nga rin kami at ready ng maglayag kasi pinilit ni Kuya na may life vest kami.

"Paano 'yan?" nalungkot ang tinig ni Jamie. "Isa sa inyo ang sasakay rito."

"Ako na lang ang hihiwalay," nangatal kong sabi.

"No," singit ni Zander.

"Sasamahan mo ako?" tanong ko kaya naman tumingin siya sa akin at tanging tango lang ang naging sagot niya.

"Ay inang!" react ni Vhan. Baka ang akala niya hindi ko siya rinig, eh rinig ko naman.

"Tamang tama! Mayroon pang pasaherong apat sa akin. Ay siya'y sumabay na kayo!"

"Ayon naman pala eh! Kukutusan kita riyan Juan! Saka aayusin mo ang pagpapaandar ah! Malilintikan ka sa 'kin!" sabi ni Mang Jerry.

"Ay uo Tatang! Wala akong pambayad kung nagkataon!" sabi ni Mang Juan.

"Sige aalis na ang bangka namin, kitakits na lang doon ah!" sabi ni Vhan.

"Hoy! Ingatan mo ang kapatid ko ah!" sabi naman ni Kuya.

Mayamaya, umandar na ang kanilang bangka, sabay niyon, sumakay na kaming dalawa sa ibang bangka na kasabayan ang apat na babae na halatang pinagkakainteresahan ang kasama ko.

Imbes na matakot ako dahil sakay-sakay ako ng bangka napataas ang kilay ko. Pinapakita ko sa kanila na mataray ako. Makuha kayo sa tingin.

Mayamaya umandar na rin ang bangka namin, kaya naramdaman ang simoy ng hangin.

"Tang, pasabi kay inang mayamaya pa ho ako makakauwi" sabi ni Mang Juan noong paalis na kami.

"Ay siya'y sige, mag iingat kayo!" sabi naman ni Mang Jerry.

Hinintay lang kaming umalis nina Mang Jerry at Mang Tomas bago sila umalis.
Ang sabi nila ay mamaya nila kami kakaunin kapag narito na kami.

Habang nilalakbay namin ang katubigan, nararamdaman ko ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha. Naka-jacket na ako ngunit nilalamig pa rin ako.

"Ang pogi naman," sabi ni Girl One.

"Kaya nga, kaso 'yung babae pa-epal lang," sabi naman ni Girl Two.

"Pinicturan ko 'yung lalaki, 'tapos sinend ko kina Charisse, ang sabi nila, isa siya sa tagapag-mana ng Cortez Group of Companies," sabi ni Girl Three."Tinatawag sila ng mga kaibigan niya na H4!"

"Anong pangalan niya?"

"Zander Cortez," sagot ni Girl Three. "He is very cold and very intelligent guy! Hindi siya nagsasalita ng tagalog, he used to speak in English. But still, napakasuwerte natin! Talagang gwapo siya in person!"

Sasabunutan ko talaga 'tong mga 'to. Hindi na nahiya at talagang literal na makapal ang mukha! Hindi man lang nila binigyan ng privacy itong katabi ko! Napabuntong hininga na lamang ako at tumungo. Shems, masakit talaga 'tong ulo ko.

Naramdaman dumampi ang kamay niya sa balikat ko at walang sabi-sabing inilapit ako sa kanya. Hindi ko naman magawang lumayo dahil ang higpit ng yakap niya sa akin. Kapag naman ako nagpumiglas, baka mamaya mahulog ako sa bangka.

"Eh sino naman 'yang kasama niya?" tanong ni Girl Four.

"Sabi ni Charisse, kapatid daw siya ng isa sa miyembro ng H4, si Kaizer Salvador," sagot ni Girl Three.

"Eh bakit? Sila na?"

"Wala raw girlfriend si Zander," sabi ni Girl Three. "Kaya baka nanlalandi lamang iyan."

Feeling ko, maiiyak na naman ako. Pero pinigil ko na lamang para hindi maramdaman ni Zander na nagiging emosyonal ako.


NOONG malapit na kami sa may crater, napahawak ako sa tiyan kong biglang nakaramdam ng pangangasim ng sikmura at biglang . . .Hindi ko na napigilan ang pagsuka ko at hindi ko napansin na nasukahan ko na sya.

Nakakahiya 'tong ginawa ko.

"S-Sorry!"

Nangangamoy maasim ang kanyang damit dahil sa suka ko. Nakakahiya dahil sobrang linis niya pa naman.

"Masakit ang ulo ko, I'm sorry," sabi ko sabay pinunasan ko ang suka ko sa kanyang damit. "Suotin mo na lang 'tong sweater na dala ko."

Kinuha ko kaagad ang beige sweater ko at binigay sa kanya. "Sorry talaga!" paghingi ko ng paumanhin. "Iinom na lang ako ng gamot."

Napalayo ang tingin ko noong inaalis niya na ang life vest niya at ang damit na nasukahan ko. Hindi ba siya nahihiya na narito ang mga babaeng kanina pang tingin ng tingin sa kanya?

"T-Tapos ka na ba?" tanong ko sabay harap sa kanya, pero hindi pa rin niya nasusuot, kaya napalayo ang tingin ko. "Anak ka naman ng tokwa oh! Umayos ka nga! Dalian mo!"

"I can't," he seductively said. "So let my girlfriend wear this sweater."

"Who the hell are you talking about Zander?" I irritatedly asked.

"Of course, you."

"Malaki ka na Cortez," sabi ko. "Kaya mo na iyan."

Hindi niya ako tinantanan sa halip ay iniharap niya pa ako. "Bihisan mo na ako, ikaw naman ang may kasalanan."

Napabuntong hininga na lamang ako, pero ramdam kong pulang pula ang mukha ko. "Don't act like a kid! Nakakaiyamot ka!" Kinuha ko ang sweater at saka siya binihisan.

"Ano baka mo? Walang girlfriend? Si Zander na ang nagsabi na girlfriend niya si girl!" iritang sabi ni Girl Four.

Bigla ko na lang hinablot ang damit niyang hinubad at saka nilagay sa isang plastic bag sabay sinilid sa bag ko. "Ako na lang ang maglalaba."

Tiningnan niya ako ng napaka-intimidating niyang mata kaya umiwas ako ng tingin. Sabay bigla ako ng bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at dahan-dahang iniharap sa kanya.

Nakatitig pa rin siya sa akin na animong binabasa ang bawat salita sa aking isipan.

"It's okay," malamig na tugon niya.

Isang mahabang pagkawala ng hangin ang nagmula sa akin. Am I wrong or assuming something na ginagawa niya ito with a purpose?


KUMUHA kami ng tour guide bago kami pumunta ng crater. Sinigurado naman ni Kuya na ang lahat ay nakalista na at iniintay lang namin ang magto-tour guide sa amin ngayon.

"Hoy dre, nakakapanibago ka ah! Kanino 'yan?" puna ni Vhan.

Tumingin siya sa akin ng masama kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"Parang kay Bansot na sweater 'yang suot mo ah! Kaya pala ang asim mo!" pang aasar pa ni Kuya. "Malas ka talaga!"

"Ay inang!" pang-aasar pa ni Vhan.

Mayamaya kasama na namin ang aming tour guide namin at bale isang lalaki at isang babae na kasing age ni Mama at Dad.

"Neigh Neigh Neigh." Napaatras ako noong nagpapadyak ang kabayong sasakyan ko.

Nakita ko naman kaagad sina Kuya na nakasakay na. Lahat sila'y walang takot sa pagsakay ng kabayo. Ako lamang ang naduduwag.

"Ellaine, bakit hindi ka pa nasakay? Bayad na ang pagsakay rito ah! May problema ba?" tanong sa akin ni Jamie.

"Nako, hindi na kataka-takang hindi siya makasakay ng kabayo. Takot 'yan sa kauri niya eh!" pang-aasar ni Kuya sabay napahagikhik naman sila ng tawa.

"Nyenyenye!" sabi ko saka napairap.

"Sige, una na kami! Paunahan na lang sa crater!" sabi ni Ethan.

Nagsialisan na silang lahat kasama ang isa naming tour guide at kami na lang ang natira ulit dito.

"Una ka na," sabi ko sa kanya habang siya nama'y nakasakay na sa kabayo.

"Iintayin kita," he deadly said.

"Hiyaaaa!" tunog ng kabayo.

Napaatras ako dahil baka manadyak.

"Sumakay ka na, hindi ka naman sasaktan niyan."

"Ayaw ko nga eh," sabi ko saka bigla akong napaiyak.

Kung narito siguro si Dad, aalalayan niya akong sumakay sa kabayo. Arrgh, para akong bata.

Napadako ako sa kanyang direksyon nang bigla itong napatawa. Minsan ko lang marinig ang pag-tawa niya kasi lagi siyang seryoso at nagawa ko 'yon dahil sa pag iyak ko.

Nakakainis, ang sama niya!

"Baka mamaya mahulog ako, wala namang sasalo," sabi ko saka ko siya tiningnan ulit at aa pagkakataong ito, bigla kong naimagine si Knight in Shining Armor.

"Don't worry," sabi nito sabay bumaba siya sa kabayo. "I will catch you when you're 'bout to fall."

Parang naging gulaman ang aking binti nang dahil sa sinabi niyang iyon. I didn't expect that he will be like this. Bigla akong napangiti sa sinabi nito at saka naman niya ako inalalayan sumakay sa kabayo. Sa likod ko siya, para alalayan sa pag-sakay ko.

Natatakot ako, pero nilabanan ko ang takot ko. It is time to face my fear now.
Napangiti ulit ako, I'm starting to learn new things with him.

"Sorry Zander," sabi ko. "Kung madalas ay pinapahirapan kita, kung pakiramdam mo naman na hindi ka na komportable sa naging kontrata natin, ayos lang na sabihin mo na ayaw mo na." Hindi ko hinahayaan na tumingin ako sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Hihintayin ko na lamang ang panahon na magsasabi sa amin si Kuya tungkol sa inyo. I'm sorry rin kung may nagawa ako sa iyo na ikagagalit mo, Zander-sama."

Bigla na namang kumalabog ang dibdib ko. Damn, heto na naman. Mayamaya narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Please, keep calling me Zander-sama," he said. "I do really like it."

Kaya naman bigla na namang kumalabog ang dibdib ko dahil sa sinabi nito. Sa pagkakataong ito, sobrang lakas na ng tibok nito. Parang sasabog na ang puso ko!!


"WOW!" usal ko.

Sa sobrang ganda rito sa may crater, sino ba naman ang hindi hahanga rito. Nakakahanga kasi kahit isa siya sa active volcano, masasabi mong karapat-dapat siyang ipagmalaki ng mga taong nandito at syempre delikado rin dito lalo pa't anytime maaring sumabog ito. Kaya dapat lamang na maging alerto. Huwag abusuhin ang likas yaman at dahil maari itong magalit kaya dapat natin ito'y pahalagahan.

"Hoy! Hoy! Picturan mo kaming apat!" sabi ni Kuya sa akin. "Pang-instagram din ito."

Binigay ni Kuya ang phone niya sa 'kin at saka ko inilagay sa camera. Mayamaya naka-puwesto na silang apat at nagsari-sariling pose.

"1 . . . 2 . . . 3, say hotdog!" I said.

"Hotdog!"

"Isa pa, 1 . . . 2 . . . 3 say cheese!"

"Cheese!"

"Hoy Ellaine, gutom ka na naman ba kaya mo sinasabi ang pagkaing 'yan?" Kuya said matching iniinis ako.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lamang muli.

"Isa pa!" sigaw ko.

Napansin ko naman si Jamie na nasa tabi ko na at kinukuhanan din ang apat ng picture sa kanyang DSLR camera.

Napabalik ang aking tingin sa apat na naka-pose na. Si Vhan naka-peace sign, ai Ethan naka-finger heart sign, si Zander nakalagay ang dalawang kamay sa likod at ma-otoridad ang postura at si Kuya, hayun nasa unahan siya, naka-pose siya habang ang isa niyang tuhod ay naka-bend samantalang 'yung isa nakadiretso palikod, ang kamay niya ay nakatuon sa tuhod niyang naka-bend.

"Dalian mo riyan! Ngawit na ako!" bulyaw sa akin ni Kuya.

"1 . . . 2 . . . 3!" sana ko sabay nag-thumbs up ako.

Tiningnan ko ang nakuhanan ko sa gallery niya. Okay naman ang mga kuha ko, pero may litrato akong nahagip ng aking mata. 'Yung dalawa ni Alexia na magkasama, 'tapos pang-picture perfect ang background na parang sa Greece. Oo nga pala, umalis 'yung dalawa at may tendency na mag-selfie silang dalawa.

Nag-date nga pala sila!

"Akin na 'yan!" Sabay hablot ni Kuya at tiningnan ang picture. "Pinakialaman mo na naman ang gallery ko eh."

"Ayyieee!" pang-aasar ko. "Hindi ka nga pala nagku-kuwento tungkol sa date n'yo ni Alexia. Anong nangyari?" I grinned and at the same time nag-taas baba ang kilay ko samantalang siya'y napahalukipkip dahil sa inis.

"Alexia, kumusta ang naging date n'yo ni Kuya?" sigaw na tanong ko.

Napalaki ang mata ni Alexia sabay tiningnan ng masama ang katabi ko.
"Ahh, okay lang," sabi niya.

Lumapit naman si Kuya kay Alexia at inakbayan 'to, saka naman nasikmuraan ni Alexia si Kuya.

"Ang sakit niyon ah!"

"Tumigil ka!"

Nagpatuloy kami sa pagkuha ng picture. Kaming na babae rin ay nagpapicture rin, sabay kaming walo. Nakisuyo kami sa tour guide na picturan kaming walo.

"Teka teka!" sabi ni Jamie. "Mag-picture nga kayong dalawa ni Zander! Kayo na lang ata ang wala pang picture sa partner-an eh!" Tumuro sa akin si Jamie at kay Zander.

"Ayaw ko nga!" kontra ko sabay nagpatuloy sa pagkuha ng pictures.

"Huwag ka na ngang kumontra riyan! Kailangan namin na may picture kayo ng boyfriend mo!" sabi ni Vhan na pinipilit pa ako.

"Hindi ko nga boyfriend iyon!" kontra ko. "Kontrata lang iyon!"

"Eh sus! Come on Ate Ell! Kahit hindi mo tunay na boyfriend si Kuya Z, kailangan pa rin na may picture kayong dalaw!" Alexia said.

"Huwag ka ng pabebe riyan!" singit naman ni Kuya. "Wala namang mawawala eh."

"Oo na!" Sinamaan ko sila ng tingin. "Payag na ako."

Lumapit naman ako sa kanya at nagpakuha ng picture. Kinuha naman ni Vhan ang phone ni Zander at si Jamie nama'y niready na ang DSLR camera niya.

"Umakbay ka dre!" sabi ni Vhan habang nakatutok sa amin ang phone at DSLR camera.

Umakbay nga si Zander kaya nakaramdam tuloy ako ng mga bolta-boltaheng kuryente na dumadaloy sa aking balikat. Sabay bigla na lamang namula ang mukha ko

Napangiti naman ako nang pipicturan na kami nina Vhan, saka nagthumbs up si Vhan, sign na okay na. Pagkatapos niyon, humiwalay ako sa kaniya.

"Hoy, send n'yo sa akin ang pictures ah!" sabi ni Jamie.

Mayamaya bumaba na kami sa crater. Kumain na rin kami sa baba at dumiretsong umuwi dahil na rin sa sobrang pagod. Pagkarating namin sa hacienda, nakaabot pa kami sa hapunan kaya kumain na rin kami.

Noong kaming dalawa ni Jamie ang napagkasunduan ng mga kasamahan namin na maghugas ng pinggan, nag-grab ng opportunity ni Jamie na kausapin ako ng masinsinan.

"Matanong nga kita Ellaine. Nabalik na naman ba?" biglang tanong ni Jamie sa akin.

"Anong nabalik?"

"'Yung feelings mo para kay Zander." Napatingin ako sa kanya. "Iba na kasi 'yung tingin mo sa kaniya. Parang mas lumala 'yung ngayon."

Matagal ko ng kinikimkim ang nararadaman ko, pero kailangan kong ilihim ito kay Zander. Alam kong hindi sasabihin ni Jamie itong nararamdaman ko, hindi niya ugaling pangunahan ang isang tao, lalo pa kung ito at personal.

Siguro panahon na para sabihin ko sa kanya, pero natatakot ako sa posibilidad na mangyari.

"Paano kung oo? May pag-asa ba ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro