Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • FIFTY

Kaizer

"PACK your things now, Eice. We are going to Greece."

Nagulat ako sa sinabi ni Taba. Ano bang nakain nito at sinasabi ang ganitong bagay?

"Teka nga, nag-test ka na ba? Bakit hindi ka um-attend?"

"Yes Eice, I have already take my special test," Riella answered. "Actually, kanina pa ako nakapag-take ng test kaya pack your things we are going to Greece."

"Bakit tayo pupunta sa Greece?"

"Let me remind you, Eice, we must complete our assigned mission."

Ibig sabihin niyon talagang kailangan namin na magtulungan para makuha si Shawn at maging part siya ng Equinox.

"Si Kuya Z na raw ang bahala sa case mo about sa student council basta ang mahalaga raw, madala natin dito 'yung hinihingi ni Shawn."

Madali-dali na rin ang gagawin namin kasi mahirap nga naman na narito ako sa Pilipinas lalo na't naalala kong hindi pa naso-solve 'yung sa student council kaya pagkakatiwala ko na lang muna ngayon kay Zander ang lahat.

"Kung nagdadalawang isip ka dahil sa aasikasuhing papeles para sa pag-alis, don't worry, okay na ang lahat."

Hindi naman iyon ang iniisip ko. Isa ko pang inaalala ko 'yung mga kapatid ko baka magtaka 'yung mga 'yon kung bakit wala ako. Lalo pa na magse-sembreak kami sa Batangas.

"You really hesitate because Ellaine and Kian might be looking for you, right?" Zander asked kaya naman napatingin ako sa kanya. "And you'll stay in Batangas for this semestral break."

"Sasama kaming tatlo sa Batangas at kami na ang bahala kina Kian at Ellaine!" pagpresinta ni Vhan. "Kung iyan lang ang pinoproblema mo e 'di solve na! Tutal wala naman kaming ginagawa sa bahay."

"Salamat," sabi ko.

Nagpapasalamat ako dahil may mga kaibigan akong maasahang tulad nila. Ibang klase talaga sila.


KINUHA ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang natawag at si Riella.

"One week tayong mawawala kaya pang-one week na gamit ang dalhin mo saka diretso airport ka na."

"Oo na, bakit ka ba napatawag?" tanong ko.

"Huwag mong sasabihin kina Ate Ell na sa Greece tayo pupunta."

"Bakit?" takang tanong ko.

"Itatanong 'yan ng mga kapatid mo for sure na kung saan ka pupunta at kapag sinabi mong pupunta tayo sa Greece, syempre magtatanong ulit sila na kung anong gagawin natin doon? 'Tapos ikaw naman na t*nga baka masabi mo pa ang mission natin tapos malalaman ang mission natin at hayun e 'di hindi na sikreto na gangster ka."

"Syempre hindi naman ako t*nga para sabihin 'yon sa kanila. Saka ano ang magandang idadahilan ko para roon?"

"None of my business now, mag-isip ka."

Call ended.

Lintek, kahit kailan talaga napakasungit niya sa akin.

"Kuya, bakit naka-empake na kaagad ang mga gamit mo? Saan ka pupunta? Akala ko bukas pa tayo aalis?" Speaking of may nagtanong. Ang usisera kong kapatid, si Ellaine.

"Aalis ako," sabi ko. "May pupuntahan lang ako ng saglitan lang."

"Sinong kasama mo?" tanong niya ulit. "Hmmmn, siguro kasama mo si Alexia 'no? Sabi niya kasi kasama mo raw siya sa pupuntahan n'yo. Ano namang gagawin n'yong dalawa?"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko, talagang hindi ako makakaligtas sa mapang-usisa niyang mata. Kailangan ko makapag-isip ng palusot.

"A-Ano kasi . . ."

"May date kayong dalawa ng ilang araw 'no?"

"W-What? Hell no!"

"Kayo na siguro 'no? Kuya ah! Huwag ka ng tumanggi riyan! Binata na talaga si Kuya!"

"Oo na! Oo na! Kami na!" pag-sang-ayon ko. I have no choice kaya pumayag na lang ako.

"E 'di umamin ka rin, hayy! Kaya pala hindi siya makakasama sa bakasyon namin nina Jamie at Sharmaine eh! Oyy ah pasalubong ah!"

Yatap! Bakit sa lahat ng palusot 'yung magda-date pa? Siguro kailangan ko lang sumang-ayon sa kanya para nga hindi kami mabuking.

"What's going on here?" tanong Kian na kakatapos lang sa paglalaro ng Legends of Evergreen.

"Si Kuya kase bunso . . ." Sabay lapit ni Ellaine kay Kian. "Si Kuya may pupuntahan at kasama pa si Alexia."

"Bakit mo kasama si Ate Alexia?"

"Magda-date 'yung dalawa," sabi ni Ellaine. "Sila na raw pala kasi!"Issue talaga.

"Ayie! 'yung dalawa! Ingat kayo ah! Hindi mo man lang sinabi sa amin na kayo na pala ni Ate Alexia!" sabi sa akin ni Kian. Heto talagang mga batang 'to talaga!

"Bakit parang pang ilang taon 'yang dala-dala mo Kuya?" tanong na naman ng usisera kong kapatid.

"Malamang . . ." sabi ko. "One week akong mawawala 'tapos diretso Batangas na ako."

"Sige, pero sinong kasama namin sa Batangas?" tanong niya ulit. Ang kulit talaga.

"Syempre sina⁠—"

Uh-oh! Sasabihin ko kayang kasama sina Vhan? Huwag na muna siguro at hahayaan ko na lang na ma-surprise sila kapag nakita ang mga kaibigan ko. Great idea 'to.

"Malamang si Yayey at saka si Kuya Jonas," sabi ko. "Aalis na ako at babalik ako after one week," sabi ko sabay kuha ko ng maleta.

"Bye, ingat Kuya."


PAGKARATING ko sa airport, dumiretso ako sa departure hall at umupo muna ako para intayin si Taba. Nakakainis kasi kanina pang nakaalis ang eroplano papuntang Greece 'tapos wala pa siya rito.

Masyado siyang mabagal!

Hindi na ako nakapagtimpi kaya kinuha ko na ang phone ko para tawagan siya.

"Nasaan ka na?"

"Ungas ka ba? Kanina pa ako narito sa NAIA para hintayin ka! Masyado kang matagal sigurado akong nagpapa-gwapo ka na naman, tsk," she said.

Napalingon ako dahil alam kong nasa malapit lang siya. Lintek, siya pala 'yung babaeng dinaanan ko kanina.

"What the hell are you doing Eice? Kanina pa akong nagiintay rito, nanrito ka lang pala."

Pagkatapos niyon, binaba niya ang phone niya at umirap. Napakunot naman ako noo nang makita ko ang kabuuang suot niya. She's wearing eyeglasses and white long sleeves.

"Taba?"

Sa muling pagkakataon, inirapan niya ulit ako at lumapit sa akin. Siya nga.

Nakakapagtaka kasi kakaiba ang naging suot nya at porma ngayon. Hindi ko aakalain na magga-ganito siya at para saan ba itong ginawa niya? Masyado siyang losyang.

"Anong mayroon, bakit nag-ganyan ka?" tanong ko.

"I will tell you this later, but for now, we need to go to our airplane."

"Eh paano 'yan? Naiwan na tayo ng flight papunta-"

"May private airplane, t*nga."

Pagkatapos niya akong bulyawan naglakad na siya papunta sa sasakyan naming eroplano kaya naman sumunod na lang ako sa kanya.

Ang yaman talaga ng mga Cortez.

"I-explain mo na kung bakit naka-ganyan ka," sabi ko saka ko inayos ang upo ko at nag-seat belt.

"I disguised as a poor girl because of my parents," she revealed.

Pinakinggan ko ang lahat ng kinuwento niya. Kaya pala siya nag-disguised at kaya pala ayaw niya ng bumalik sa Greece dahil may kapatid siya sa labas. Hindi niya matanggap ang katotohanan, kaya naglayas na siya. Kaya pala bumalik siya ng Pilipinas nang hindi inaasahan.

Ngayon alam ko na, kaya pala niya ayaw na ayaw ng bumalik sa Greece dahil may problema pala siya sa pamilya niya.

Selfish! Pasalamat nga siya at kumpleto pa ang pamilya kami, wala ng nanay.

"Eh paano naman tayo makakapasok sa bahay n'yo na hindi alam ng mga magulang mo?"

"I have a plan Eice," she seriously said.

Ellaine

SAAN kaya pupunta ang dalawang 'yon?

Binuksan ko na lang ang messenger ko para i-message sina Jamie tungkol sa lakad namin bukas. Nakakatuwang isipin na kasama ko ang mga kaibigan ko sa sembreak at siguradong matutuwa sila sa ganda ng Batangas.

You started a video call.

"Ano? Tuloy kayo bukas?"

"Yup!" sabi Jamie.

"Oo naman 'no! Sayang nga eh wala si Alexia," sabi ni Sharmaine.

"Wohoy! May tsismis ako!" sabi ko kaya naman nanlaki ang mata ni Jamie. Ang ibig sabihin lamang niyon ay interesado na naman siya sa mga nag-aalab na balita. "Magkasama sina Kuya at Alexia! May date raw sila!" sabi ko with matching kilig-to-the-bones pa.

"Eh? Saan daw?" tanong ni Sharmaine.

"One week mawawala eh pero 'di ko alam kung saan."

"Lumalablayp na ang Alexia ah! Akala ko no'ng una eh pusong bato 'yon 'tapos ngayon, may dating issue na pala sila ng isa sa member ng H4. Grabe siya!"

"Hindi H4, The Four baka mo . . ." Napatigil ako. Bakit ko nasabi 'yung The Four?

"Anong sinasabi mo Ellaine?" tanong ni Jamie.

"Ang sabi ko, mageempake na ako! O siya, bye-bye na muna!"

Hindi ko na sila inintay pang magsalita, sa halip ay nag-out na ako kaagad.
Ichinarge ko ang mga gadgets ko at kinuha ang maleta ko para mag-empake.

Habang nag-eempake ako, bigla kong naalala 'yung nangyari noong Martes. I didn't expect that they are the real gangster. I also expect that he think of me more than a friend, and the truth hits me na umaasa na naman ako.

I couldn't help but to talk to my husbandos again at sabihin sa kanila kung ano ang nararamdaman ko. I cried again. I was hurt to know that I am just a friend to him, kung kailan bumabalik na naman itong nararamdaman ko para sa kaniya, saka ko lamang nalaman na kaibigan lamang talaga ang turing niya sa akin.

Hindi niya rin magawang magsabi sa akin ng katotohanan tungkol sa kaniya. Nakakainis, to the point na umasa na naman ako, na siya na naman ang dahilan ng pag-iyak ko, na kahit sinabi niyang magkaibigan kami ay nagawa niya pa rin magsikreto.

He is secretive, after all.

I guess I should distance myself from him. I should stay away from him, to release this hurtful feeling.


TALAGANG dinala ko rin ang aming mga alaga dahil hindi ko talaga kakayanin na iwanan sila ng isang linggo. Kaya naman inihanda ko rin ang kanilang komportableng paglalagyan habang nasa biyahe sila.

Kasalukuyan din akong nagche-check sa mga dala namin.

"Yayey, dalhin n'yo po 'yung first aid kit baka po magka-emergency. Kuya Jonas, okay na po ba ang van?"

"Opo Ma'am Ellaine, ready na po ang van."

Four o' clock na ng hapon at siguradong hapon na hapon na kami makakarating doon. Sinimplehan ko na lang ang damit ko kasi hindi naman ako 'yung tipong tao na magara kung mag-suot.

Lumapit ako sa gate namin nang sandaling mag-doorbell. Tiningnan ko naman kung sino ang nagdoorbell.
Sumilip ako at nakita ko naman sina Jamie at Sharmaine na may dala-dala silang mga gamit.

"Pasok muna kayo," sabi ko kaya naman pumasok at tinulungan ko na rin sila para hindi sila mahirapan sa bitbit nila.

Agad namang isinakay ni Kuya Jonas sa van 'yung mga gamit ng mga kaibigan ko.

"Yieee! Excited na akong makita ang Batangas!" sabi ni Jamie.

"Ako rin! Excited na excited na ako! Kaso wala nga lang si Alexia, hindi tayo kumpleto!" sabi ni Sharmaine.

"Si Kuya nga rin eh, wala rito, pero ayos lang kung wala siya at para walang epal!" sabi ko. "Tara na! Mahaba-haba pa ang biyahe natin."

"Tara!"

Sumakay na kami sa van na sasakyan namin. Matagal-tagal kasi ang biyahe mula San Pablo City to Taal Batangas.

"Fb-live tayo!" sabi ko.

Kinuha ko ang phone ko 'tapos binuksan ko ang facebook at nag-live.
"Hello guys!" bati ko sa mga facebook friends kong active ngayon. 'Tapos itinapat ko sa mga kasama ko ang front camera ng phone ko.

"So hayun na nga guys, pupunta tayong Taal Batangas para makita ang ganda ng tanawin doon," sabi ni Jamie na parang isang vlogger.

"Can't wait to see Taal Batangas, yey!" si Sharmaine.

"Kian, bumati ka sa fb friends ko!" sabi ko saka tinapat sa kanya.

"Hello, guys! I'm still good-looking like my brother and sister, I love you!"

Mayamaya natapos na akong mag-live at karamihan nilang tinatanong kung nasaan si Kuya pero hindi ko sinabi.

After three hours and thirty two minutes, narito na kami sa Taal, Batangas. Dito nakatira ang lola kong si Lola Ersa and Lolo Bernard, pero wala na si Lolo kasi patay na siya.

Naisipan naming magkakapatid na bumisita sa Batangas dahil alam namin ang feeling na wala ng kasama.

Hacienda Ang

Manghang-mangha ang aking mga kaibigan dahil sa labas pa lang ng aming hacienda, makikita mong napakaganda nito. Kilala ang aming hacienda sa taniman ng kape, cocoa at iba pang mga prutas.

Matapos ni Kuya Jonas, iparada ang van namin, kaagad kaming bumaba na magkakaibigan at dumiretso sa loob ng mansyon ni lola.

Nakasalubong na si Lola sa loob na nakahanda na kaming yakapin.

"Lola!" kaagad kaming dalawa ni Kian yumakap ay Lola.

"I miss you mga apo." Sabay tingin sa dalawa. "Mga kaibigan mo?"

"Opo Lola, si Jamie at si Sharmaine po." Pagkatapos ko silang ipakilala nagmano naman silang dalawa.

"Oo, kilala ko sila. 'Di ba't sila 'yung kinukuwento mo?"

"Opo."

"Tamang-tama, salu-salo tayong kumain ng hapunan. Alam mo ba? Hindi lang ikaw ang nag-aya ng mga kaibigan? Ang Kuya mo rin," sabi ni Lola. "Kulang kayo ng isa ah, si Alexia nasaan?"

"May pinuntahan po siya," sagot ko. Baka kasi bigla na lang magpakasal sina Kuya at Alexia dahil sa mga pamahiin. Siyempre gusto kong enjoyin nila ang mag-on nila without getting married. And something sink on my mind. "Ano pong ibig n'yong sabihin na si Kuya rin ay nag-aya ng kaibigan?"

Nanlaki ang aking mata nang biglang lumabas ang tatlo sa kanilang mga silid.

"Anong ginagawa nila rito?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro