Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • EIGHT

Ellaine

KINABUKASAN, inis na inis akong nag-gayak nawawala na rin sa isipan ko ang nangyari kahapon. Halos busangot na busangot ang mukha ko at talagang hindi maipipinta ang saya sa aking mukha.

"Oh, bakit ka ganiyan? Parang manok na nanunuka," puna ni Kuya na may halong pang-aasar pa.

Sinamaan ko siya ng tingin, 'yung tipong matutunaw ito sa lisik ng aking mata, sabay ipinagpatuloy na ang pagkain.

"Ate, anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Kian, sabay tumabi kay Kuya.

"Wala," tanging naisagot ko kay Kian.

"Don't tell me, you accidentally accepted Zander's friend request, right?" Tiningnan ko si Kuya sabay tinaasan ng kita. "Aha, gotcha."

"Ba't mo alam?" kaagad na tanong ko sa kaniya. Oo nga pala, may pagka-chismoso nga pala siya.

"Una, napainda ka dahil diyan sa sugat mo. Pangalawa, paulit-ulit mong sinasabi kagabi na na-accept mo si Zander, it means nagsisisi kang na-accept mo siya kaya inikukusidera ko 'yon na aksidente base lamang sa obserbasyon ko at pangatlo, dahil diyan sa facial expression mo," pagpapaliwanag niya.

Arrgh, chismoso talaga!

"You know the word privacy, Kuya?" tanong ko kay Kuya, dahilan para mapatingin ito sa akin na akala mo'y alam niya ang lahat.

"Yes! Privacy is the condition of being private!" pamimilosopong sagot nito.

Napa-face palm na lamang ako dahil napipikon na ako kay Kuya. "Hindi ko sinabing definition ng privacy, ang sabi ko-arrgh, ayaw ko na nga!"

Matatalo lang naman ako sa pakikipagsalitaan kay Kuya, kaya hindi na ako mag-aaksaya ng laway para makipag-asaran pa sa kaniya.


MASAYANG bumungad sa akin ang tatlo kong kaibigan, pagkarating pa lamang ng school.

"You look so happy ah? Sa bagay, you always happy naman," puna ni Alexia saka ako niyakap at kaagad din na kumawala.

Siyempre kaya ako nakangiti para hindi mag-mukhang matanda at saka para malimutan 'yung aksidente kong na-accept si Zander sa facebook.

"Happy baka mo? Nako, disaster ang umaga niyan!" Tumingin ako sa taong sumingit at si Kuya iyon. Sinamaan ko ito ng tingin sabay kinurot ang tagiliran. "Aray naman Bansot!" inda nito. "Sinusubukan mo ako Bansot ah," sabi nito sabay ngumisi.

Bigla akong kinabahan dahil doon.

Lumapit ito sa akin at pumunta sa likod. Pagkatapos noon, tinulak ako nito kaya napatama ang noo ko sa dibdib ng kung sinuman and I sniff.

A smell of mysterious, neat, and attractive scent.

Lumagok muna ako ng tatlong beses at saka tumunghay para makita ang kabuuan ng mukha ng lalaking nabangga ko.

"Oh hayan na ang naging dahilan ng pagka-bad trip mo!" Kuya shouted. "Enjoy!"

"Bakit?" tanong ni Jamie. "Bakit ka bad trip diyan?"

Humarap ako sa kanila at ipinagtanggol ang sarili. "Gawa-gawa ka riyan ng story Kuya ano? Nananahimik na nga ako, guguluhin mo pa! Ikaw kaya ang nakakasira ng umaga! Pangit mo!"

Tumalikod muli ako para umalis, pero nabangga ulit ako sa dibdib muli ni Zander.

"Dummy," he uttered.

Sa pagkakataong ito, hindi ko siya pinatulan sa halip humawak ako sa noo ko at saka . . .

"Aray! Aray! Aray!" inda ko.

Ilang beses ka ba namang matamaan sa dibdib ng lalaking ito, hindi ka ba naman masasaktan noon.

Dibdib?

Dibdib.

Biglang pumasok sa aking isipin 'yung itsura ni Zander na topless. Napahawak tuloy ako sa aking dalawang pisngi dahil kapag naiisip ko pa lamang iyon, namumula na kaagad ako.

Ang gwapo niya!

"Pinagpapantasiyahan mo na si Zander ano? Kaya ka ganiyan?"

Napabalik ako sa reyalidad noong ma-realize ko na nakatingin na rin pala sa akin si Zander. Kaya naman kaagad kong tinanggal ang aking kamay sa pisngi saka sinamaan siya ng tingin.

Nakakaasar ka Ellaine, akala ko ba wala ka ng gusto sa kaniya?

"Tumabi ka riyan," I said.

"As far as I know, this is not only your way," sabi nito dahilan para mapairap ako.

"Uhm Ellaine," tawag sa akin ni Sharm kaya tumingin ako sa kaniya. "Dito ang daan papunta sa room natin, saan ka pa pupunta?"

Napalaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Sharm. "E-Eh?"

Lamunin mo na ako sahig, gusto ko ng maglaho!

"Naalog na yata ang utak mo, kakabangga kay Zander!" Kuya jested. "O baka hanggang ngayon pinagpapantasiyahan mo pa rin si Zander, naku nako!"

"Ano? Pagpapantasiyahan ko iyang gunggong na iyan!" sabi ko sabay tinuro si Zander. "Kagagawan mo kung bakit ako bad trip ngayon! Buwiset ka!" sigaw ko sa kaniya. Pagkatapos no'n, tumakbo ako papalayo, ngunit napatigil ako noong nagsalita ito.

"Zander, thank you for sending me a friend request. I feel overwhelmed. Is that so, Ellaine?"

Bigla kong naalala 'yung kagabi.

Flashback.

Kaagad akong nagtungo sa message para i-message ang gunggong na ito at sabihin sa kaniya na aksidente lamang na na-accept ko siya.

Nag-start na akong mag-compose ng message sa kaniya.

"Zander, don't take it seriously, I accidentally accepted you, that's all."

Napaisip tuloy ako, sa magiging reaction niya. Maari kayang wala siyang pakialam sa imemessage ko sa kaniya? Tapos in-add niya akong without a reason.

But my heart, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Zander, thank you for sending me a friend request. I feel overwhelmed."

Arrgh, I hate this feeling! Hahayaan ko na nga lang na friends kami kahit na ikasira pa ng pangalan niya ang friendlists ko.

Kaya naman napagdesisyunan kong itabi na lamang ang phone ko para hindi na ako mairita.

End of Flashback.

Nag-send pala iyon at ako naman itong si gaga, hindi man lang alam na nag-send na at hindi man lang ni-delete ang composed message.

Kaagad akong tumalikod at sinamaan siya ng tingin. "I really damn hate you Zander, hayun ang tinutukoy ko!"

Pagkatapos kong isigaw iyon, nagsimula ng mag-chismisan ang mga schoolmates namin, pero hindi ko na iyon inintindi, sa halip ay naglakad na ako patungo sa classroom namin.

Pagkaupo ko sa usual seat ko, pinakiramdaman ko ang sarili ko. Mabilis ang tibok ng puso ko na akala mo'y sasabog na ito.

"Why do you hate him?" I was startled when she suddenly asked me this question. Tumingin ako kay Sharm at nakangiti itong nakatingin sa akin. "I want to know the story behind your hate for him, okay lang ba?" tanong muli nito sa akin. "These past few days, I saw you hating him over and over again, that's why I'm curious about you and a relationship to him, may nangyari ba?"

Napatungo ako at sinusubukang huwak umiyak. Kapag naaalala ko iyon, naaalala ko din ang pagkamatay ng nanay ko.

"I saw him, kissing with someone."

"That someone named Katherine, right?" tanong nito dahilan para mapatunghay ako. "If you may ask where do I know, Jamie tell me that."

Tumangu-tango ako dahil alam ko naman na sasabihin ni Jamie iyon kina Sharmaine. Pero mapagkakatiwalaan ko si Jamie, hindi sasabihin niya 'yung naging kuwento, hahayaan niyang ako mismo ang magsabi ng mga iyon.

Tumangu-tango muna siya at seryosong tumingin sa akin. "Bakit gano'n mo na lang siya kamuhian kung nakita mo lang siyang nakikipaghalikan sa iba?"

"Because I like him," sagot ko. "He is a cold-hearted guy, but naging magkaibigan kaming dalawa despite him, being too cold me. He's the one who I asking for help in studies, sobra niya kasing talino," I said and chuckled when I remembered those times. "But then, one night, akala ko iba siya. Akala ko wala siyang interes sa ibang babae, I guess I got jealous of that girl, and then I realized that I should avoid him. That's why I decided to myself that I hate him, para mawala ang feelings ko sa kaniya."

"Hindi mo ba siya pinakinggan sa explanations niya?"

"Para saan pa? Hindi naman naging kami, kaya bakit kailangan niya pang mag-explain 'di ba?"

Ngumiti ito sa akin at tumingin na para bang may kahulugan. "Again, I'm asking you. Do you still have a feelings for him?"

"Wala na," sagot ko dito dahilan para ito ay mapangisi.

"I see."

Kinuha ko na lamang ang ballpen at saka notebook ko. And this conclusion come up into my mind, hindi ko inaasahan na may pinanghuhugutan ni Sharmaine sa mga salita niya kanina.

Sharmaine

HALATANG may feelings pa siya kay Zander dahil halata naman sa mga sagot niya iyon. I knew it in the first place, the way she look at Zander, para kasing may something.

Habang iniisip ko iyon, may bigla akong naalalang tao.

I almost forgot that he's studying here.

Sa lahat ng school na gusto ng magulang ko'y sa Zage pa talaga nila napili, tapos dito rin siya nag-aaral kaya napaka-awkward kapag nagkikita kami. I couldn't help but to blush everytime I saw him.

Isa pang naging rason ng pagkakalipat ko bukod sa binubully ako ay dahil para mas matutukan ko ang pag-aaral. I deal with their decision because they are my parents. And they choose Zage dahil top school ang Zage when it comes to academics.

Tumingin ako kay Ellaine. She's very quiet, parang may iniisip siyang malalim. Iniimagine ko pa naman na maingay siya habang naglalakad kami. Nakakatuwa kasi siyang kasama dahil bukod sa humorous siya'y kaagad ka talagang maa-attach sa kabaitan niya.

Pero sobra niyang tahimik ngayon kaya naninibago ako.

"Are you okay, Ellaine?" tanong ko dito.

Tumingin ito sa akin at saka ngumiti. "Oo naman 'no! Okay lang ako!"

"Eh bakit ang lalim ng iniisip mo?" tanong ko kaagad dito.

"Iniisip ko kung paano ko ididispatiya ang nakakaasiwang pagmumukha ni Kuya, kaya napakalalim ng iniisip ko!" sabi nito sabay tumawa kaya napatawa na din ako.

"Heto talaga, laging galit sa kuya!" sabi ko dito.

"Pumangit ang araw ko gawa niya! Kaya pagbabayarin niya iyon, mamaya!" sabi nito sabay tumawa na nakakaloko.


PAGKATAPOS naming kumain, nagpaalam na kami kina Jamie at Alexia. Magkaklase kasi silang dalawa kaya natural lang na magkasabay sila at kami namang dalawa ni Ellaine, magkasabay.

I feel awkward, sa totoo lang. Kasabay ko kasi siyang kumain at nasa iisang table lamang kami. I am still avoiding him no matter what. After what he did to me, papansinin ko siya ng gano'n-gano'n lang? Hell no.

"Sharmaine! Kanina pa kita tinatawag, hindi ka man lang naimik diyan," sabi ni Ellaine.

"Sorry," sabi ko.

"Tara na," sabi nito saka ako sumunod sa kaniya.

Habang naglalakad ako, may nag-pop up sa isipan ko at iyon ay ang huwag na muling mahulog sa kaniya.

Ellaine

"SAAN tayo pupunta Ellaine?" tanong ni Sharmaine sa akin kaya hinarap ko siya.

"Sa music room sana, kung okay lang sa iyo?"

"Oo naman, okay lang naman. Pero anong gagawin mo roon?"

"Naiwan ko kasi ang diary ko roon ay! Pumasok kasi ako sa elective kanina at doon ko sinulat 'yung ini-discuss ni Ma'am," sabi ko. Sa totoo niyan, ang laman talaga ng diary ko ay mga bagay na ako lang ang dapat makaalam.

Napatigil kami sa labas ng music room nang marinig ko ang tono ng kantang 'yon.

Sa music room.

Flashback.

I didn't know where I go, kasi sobrang blangko ang isipan ko para isipin pa kung saan ako tatakbo.

After what I've done to him, ganito ang igaganti niya sa akin. I want to cry and cry, I want to release all the pain in my heart.

Bakit ba lagi na lamang akong nasasaktan? May ginawa ba akong masama para saktan nila ako ng ganitong kalala?!

I cried all the pain in my heart, kasi ito lang ang way para ilabas lahat ng sama ng loob ko.

"Ano bang mayroon? Bakit ba nila ako sinasaktan?" tanong ko sa sarili ko.

"Why are you so noisy?" A chilling voice coming from one man asked me. I startled, of course kasi pabigla-bigla siya.

But then, I realized that I am here in the secret garden.

Umurong ang uhog ko dahil sa pagkagulat kong iyon. Inispeksyon ko ang paligid at talaga ngang narito siya, nakahiga sa favorite spot ko na sa wari ko'y tulog kanina na nagising lamang ngayon.

Tumayo siya sa pagkakahiga at tinitigan ako ng mga mata niyang kasing lamig ng kaniyang boses. Pagkatapos no'n, lumapit siya sa akin dito sa bench.

"Why you crying?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot dahil nahihirapan akong magsalita, parang may tinik sa aking lalamunan. "Here." Inalok niya ang isa pang pares ng earphone niya, pero hindi ko siya kinuha sa halip siya na ang naglagay ng earphone sa tainga ko.

Pagkarinig ko sa kanta kaagad akong nakaramdam ng kalungkutan. Ang lungkot naman ng kantang 'to eh.

Napatulala ako dahil naalala ko 'yung pinaasa ako ni MJ, parang pinaglaruan niya lamang ang puso ko.

Napaiyak na lang ako sa braso niya dahil talagang natatamaan ako sa kanta. Hindi ko mapigilan, oo nakakahiyang makita akong ganito, pero parang nagiging komportable ako kahit na umiyak ako sa harap niya.

"Problem?" tanong nito sa akin at saka niya tinanggal ang earphone na nakapasak sa tainga ko.

"Ikaw kase eh! Pinapaiyak mo ako eh," sabi ko habang ako'y humihikbi.

"Hush, don't cry," sabi nito sabay hinaplos-haplos ang buhok ko para ako ay kumalma. "Because you look awful."

Tiningnan ko ito ng masama. Kahit sa ganitong oras, nagagawa niya pa rin akong i-bully.

Makalaunan nakaisip ako ng kalokohan.

Awful pala huh.

End of Flashback.

Bigla akong napatawa noong maalala ko ang naging facial reaction niya noong pumunas ako ng sipon sa coat niya. Parang mamatay na ako dahil sa tingin niya and he just look at me without saying a word, pero binalewala ko siya at tumawa. Natuwa na lang ako kasi first time ko siyang nainis, at kahit papaano ay napatawa niya ako noong mga oras na iyon. At noong time talagang iyon, siya ang naging crying shoulder ko; noong nalaman kong niloko lamang ako ni MJ.

"Bakit ka napatigil?" tanong ni Sharmaine sa akin. "Hala, tingnan mo! Siya pala 'yung nagpapatugtog! Ang galing."

Tinitigan ko ang taong nasa loob at ito'y ang lalaking naka-black hood na seryosong nagtitipa ng piano keys.

Teka nga, may naalala akong tao na naka-hood na black. Saan ko nga ba 'yon nakita?

Napayuko ako at napaisip kung saan ko nga ba nakita ang lalaking naka-hood na iyon . . .

Sa abandoned warehouse. Siya kaya 'yung hinahanap ko? Si Secret Admirer? 'Yung sabi ni Jamie na Knight In Shining Armor ko?

Noong pagbalik ng tingin ko sa loob, wala na siya. Kaya naman napagdesisyunan kong magtungo sa loob, kaya napasunod sa akin si Sharm. Pagkapasok ko sa loob, wala na talaga ito.

"Sh-Sharmaine, 'di ba kanina narito siya sa loob?" tanong ko.

Sumulyap muna siya sa may loob at tiningnan ako. "Nandoon siya kanina 'di ba?" tanong niya.

"O-Oo."

Imposibleng multo ang nagpatugtog niyon, kasi kitang kita ko na may tao talaga rito.

"Ano ngang kulay ng diary mo, Ellaine?" tanong ni Sharm sa akin dahilan para ako'y mapatingin sa kaniya.

"Red," sagot ko rito at naalala ko na ang intesiyon namin dito ay kuhanin ang diary ko.

Nagsimula na siyang maghanap, gayon din ako.


TALAGANG minamalas ako ngayon. Una, naaksidenteng ma-accept 'yung friend request ni Zander na gunggong. Pangalawa 'yung nakasalubong ko 'yung lalaking 'yon tapos sinabi niya pa 'yung naging chat ko, kaya ini-block message ko siya. Pangatlo nawala ang diary ko.

Ano ba 'yan! Kapag minalas-malas ka nga naman oh. Baka mamaya mayroon na namang dumagdag na kamalasan.

"Ba't ka ba inikot diyan?" tanong ni Sharmaine.

"'Yung diary ko kasi! Ang t*nga ko talaga para maiwan iyon!" himutok ko.

Sinuyod namin ang buong paligid kanina, pero wala talaga 'yung hinahanap namin. Halos nanlulumo ako sa mga oras na ito at kinakabahan at the same, dahil may mga secrets ako do'n sa diary na 'yon na hindi ko puwedeng sabihin sa iba. Baka mamaya, iblackmail ako ng nakakuha noon, mahirap na.

"Tingnan mo rin kaya sa locker mo?" suhestiyon muli ni Sharmaine.

Kung pabayaan ko na lang kaya iyon? Tutal puro hinanakit ko naman ang mga nandoon. At saka it's time to let go now, God knows kung na-kanino na ang diary ko.

"Huwag na nating hanapin, magpapasend na lang ako kay Ma'am Janine ng lectures," pagdadahilan ko.

"You sure?" tanong nito.

"Oo naman," sagot ko kahit na nalulungkot pa rin ako.

Ang malas ng araw na ito!

INILIGPIT ko na ang mga gamit ko saka nagpaalam kay Sharmaine. Inaya niya pa nga akong sumabay sa kaniya, pero tumanggi ako at sabi ko may magsusundo sa akin.

Napatigil ako sa labas ng gate noong naamoy ko ang simoy ng hangin. Dinama ko 'to dahil sobrang sarap pala ng hangin na fresh.

At siyempre palusot ko lang 'yung may magsusundo sa akin. Alam ko namang wala, kasi iba-iba ang schedule namin. Nasa higher section sila, plus may mga responsibility sila as student body.

Kian is the president of their section and representative of their section while Kuya Kaizer is Zage's SC President and he has a big responsibility as president and as a brother.

Hindi ko na rin binalak na maglakad pa, sa halip ay sasakay ako kahit mahal ang pamasahe at mas maigi na iyon.

"Para p---"

Napatakip ako ng tainga dahil sa tunog ng motor niya. Napakunot ang noo ko noong saktong magtama ang mata naming dalawa. Pagkatapos noon, tumingin ako sa dala-dala niyang sasakyan. Dati lamborghini, ngayon ducati matte black.

Grabe, ang yaman talaga nila.

"Ma'am, sasakay po ba kayo?" tanong nung taxi driver.

"Hindi siya sasakay," singit naman ni MJ?

Bumaba si MJ sa kotse niya, pero hindi si Zander na nakatingin lamang sa akin. Pagkasabi ni MJ, umalis na 'yung taxi.

O-kay? Ano na naman kayang eksena 'to?

"Trip n'yo ako? Pwes, manigas kayo! Wala ako sa mood!" sabi ko saka ako naglakad papalayo sa kanila.

Ngunit napakakulit ng dalawa dahil lalo pa nila akong sinundan kahit dumidistansiya na ako sa kanila.

Trip nila talaga ako.

"Pakiusap, tigilan n'yo akong dalawa!" bulyaw ko sa dalawa. "Nakakairita na kayong dalawa, sunod kayo ng sunod! Tantanan ninyo na ako!"

Tatangkain ko na sanang maglakad muli, ngunit biglang nagsalita si Zander. "Dummy, why would I follow you?" Napalingon ako sa kaniya at sinamaan ng tingin. "Are you expecting?" tanong nito dahilan para lalong sumama ang tingin ko sa kaniya "Stop that kind of sh*t," sambit nito. "Get out of my way MJ, and you both, stop being lovey-dovey in the street."

Pagkatapos nitong magsalita'y pinaharurot niya ang sasakyan niya. Napahampas naman si MJ ng kaniyang manibela at nagmura. "T*ngina, ang yabang niyon ah!"

Kung siya'y nagmumura, ako naman ay nakaramdam ng kirot sa puso dahil sa pagiging malamig na pakikitungo nito sa amin.

What would I expect from him? He is a cold-hearted guy and a savage, always.

Alukin man ako ni MJ na sumakay ay hindi ko tinanggap kaya tinigilan niya na ako at nag-iba na ng direksyon. Ako naman ay naghanap ng masasakyan, kanina kasi'y mayroon na kaso si MJ, naki-alam pa.

Naglakad na ako ng naglakad hanggang sa hindi na ako nakahagilap ng sasakyan.

Bigla akong nakaramdam ng takot nang mapagtanto kong malapit na ako sa pinakangayaw kong ruta at iyon ay kung saan ako naharang ng mga masasamang tao.

"I-I'm scared," bulalas ko dahilan para mapaiyak ako. "S-Sana narito si Kuya para sunduin ako."

"Check your phone first." Napalingon ako sa direksyon ng taong nagsalita. "Dummy."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro