Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Beginning


Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa bar, kung saan siya matatagpuan ngayong gabi. Excited ako sa magiging reaksyon ng taong pagbibigyan ko ng regalo. Ang explosion box na punong-puno ng mensahe sa kaniya at halos lahat ng emosyon ay ibinigay ko na rito.

Ngunit nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam, ngayon ko lang naramdaman ito. Kaba. Kakaibang kaba. Hindi ko maiwasang mapatanong . . . Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Paano kung hindi nya 'to tanggapin? Itapon niya kaya ito basurahan?

Hindi ko na namamalayang malapit na pala ako sa bar. May nag-uudyok sa aking huwag na akong tumuloy roon, pero may side rin na gusto ko.

Kinakabahan lang talaga ako.

Baka nga kaba lang ito.

Napatigil ako sa daan ng makakita ako, isang lalaki at isang babae.

Kinabahan na naman ako.

Ngunit nilabanan ko ang takot at nagpatuloy muli sa daan.

Habang papalapit ako, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko na hindi ko mawari kung ano ang dahilan nito.

Noong malapit na ako sa kanila, tumambad sa akin si Zander na kasalukuyang nakikipaghalikan kay Katherine. Napatigil lang sila dahil inilayo ni Zander ang sarili nya kay Katherine, nung nakita nila ako.

Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok at parang unti-unti na itong nadududrog. 'Di ko kayang huminga.

Totoo ba ito?

Pasimple kong kinurot ang daliri ko gamit din mismo ang daliri ko sa hinlalaki.

Aray. Totoo nga.

Napangisi na lang ako upang himdi nila  mapansin ang pighati ko at para na rin mapigilan ang pagpatak ng luha ko.

Nagkatitigan kaming dalawa, kapag sinubukan kong magsalita, tutulo ang luha ko. Kaya naman, nananatiling nakatikom ang bibig ko, habang siya'y walang ekspresyon ang mukha niya na animong binabasa ang mga salitang nakakubli sa aking mata.

Wala naman akong karapatan. Bakit ako nagkakaganito?

Hindi ko namamalayang pumatak na ang aking luha sa kaliwang bahagi ng mata. "Ellaine," sambit ni Zander sa aking pangalan. Pasimple kong pinunasan ang luha ko.

Birthday niya ngayon, kaya naman dapat akong maging masaya para sa kanya.

Pero bakit?

Dahil ba sa nakita ko?

Ang sakit.

"Nalimutan kong sabihin sa 'yo kanina na . . . happy birthday." Tumalikod ako at huminga ng malalim. "Wo de ai," pabulong kong sambit at tuluyan na nga akong naglakad papalayo sa kanya.

Hinagis ko ang regalo na sana ibibigay ko sa kaniya, pero nag-uumapaw ang kirot sa aking dibdib. Kaya ano pa nga naman 'yon? Parang wala lang sa kanya dahil sa babaeng 'yon.

Tuluyan na ngang bumagsak ang aking luha't nakisabay pa ito sa pagpatak ng ulan. Siguro nakikiramay rin ang ulan sa aking nararamdaman.

Salamat, dahil hindi ako nag-iisa. Hindi ko naramdaman ang aking pag-iisa dahil sa ulan.

Ulan.

Sobrang bigat ng mga hakbang ko, para bang pinagsakluban ako ng langit at lupa, ngayong gabing ito.

Nadudurog ang puso ko na dahilan upang magkakaroon ako ng rason para kamuhian ka, Zander.

I HATE HIM . . . I DAMN HATE HIM.

Sana hindi na lang kita nakilala.

For now, I should cry out all the hate to him, mark this day—I will never forgive you, even though I am the one who hurt myself.

I hate you, Zander Cortez!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro