Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Two damn weeks.

It has been two weeks since that unexpected encounter I had with the handsome doctor, and although we've exchanged numbers, he still hasn't contacted me.

And as for me, I was too shy to make the first move. Much to my best friend's disappointment.

I even prepared a birthday present for him. I had my four e-books printed and made into physical copies. The only copy of each one. Yes, I only met him fourteen days ago but I gave him that privilege.

I knew he did something to me and my poor heart when I spent a good hour trying to look for a pretty ribbon to wrap them with.

Pero mukhang umasa na naman ako sa wala.

The special books sat sadly in one of the metal shelves here in my office, and the package looked as lonely as I was.

Araw araw akong naghihintay na makatanggap ng text message mula sa kaniya, and everyday I end up being disappointed. Napapatanong rin ako sa sarili ko kung bakit sobra akong apektado sa pananahimik niya.

I had the answer in seconds. 

Because for quite a while, I've finally felt something different again. A good kind of different, and it was all because of him and his stupid gray eyes.

Nalaglag ang panga ko nang biglang pumasok sa loob ng opisina ang aking sekretarya. Mukha siyang dinumog ng sampung baka sa ayos niya, and she was carrying about 13 folders in her arms.

I wanted to laugh at her but I knew better.

"Olivia! Are you okay?"

She placed a hand on her waist, "Ma'am..."

Ibinaba niya sa maliit na center table ang mga dala dala at saka kinuha ang isang basong tubig sa aking lamesa na dapat sana ay para sa akin.

I let her. It looked like she needed it more than I did.

"Anong nangyari sa'yo?", tanong kong muli. 

She raised a finger at me habang tuloy tuloy pa rin sa pag-inom ng tubig. Straight, without pausing to breathe.

"Aurora!"

I flinched at the volume of her voice and with the way she screamed merely inches away from my face. I raised a perfectly arched eyebrow at her.

"Nag-message sa akin 'yung daddy mo, tinatanong niya 'yung tungkol doon sa 25% nating shares sa Fratelle Co. na ipinagbili mo. You didn't inform him?" 

Napahawak ako sa aking noo at saka sumandal sa likod ng upuan.

I had to sell those shares because I needed to pay his debt when he lost almost three million in poker. Clearly, my father didn't know when to back down. He didn't know how to distinguish a bluff from a real call, and I was the one who had to suffer from his stupid mistakes and his pride.

"Oh, ano raw sabi?"

"Hindi ko alam, Rory, pero gusto ko lang sabihin sa'yo na he'll be here in 20 minutes." 

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Olivia.

Nang ipasa sa akin ng tatay ko ang posisyon niya ay hindi na siya muli pang bumalik rito. Pinabayaan na niya akong mag-isa sa pagpapatakbo ng kumpanya.

And even though this job wasn't my choice, this office had become my safe haven from him.

I had to cut off employees in order to save the dying company. We have barely risen from the debris of what he left, but he was out and about creating more problems for me to sort out and waste my time on.

Napapagod na ako at gusto ko na lang bitawan ang lahat ng ito, but I can't let my own father burn down to ashes together with the empire that he and my mother tried so hard to build.

One of the only remaining memories I had of my mom was this company, and I was not going to give up on it that easily.

"What time did he send the message, Liv?"

"Around ten minutes ago, Madame President. Nakalimutan ko lang sabihin kanina sa dami ng ginagawa namin sa baba, kaya naman tumakbo ako papunta sa'yo nang maalala ko. Peace tayo, Rory." she held two fingers up in the air resembling a letter v.

Shit.

That meant I only had around 10 minutes left to prepare myself for my father's dangerous presence.

"You can go now, Olivia. As soon as my father arrives, no one is allowed to enter my office. Are we clear?" tumango siya sa akin bago kinuha ang mga dokumentong ibinaba niya kanina at tuluyan nang lumabas ng opisina ko.

I started closing my blinds and cleaning my desk.

Ang apat na librong panregalo ko sana ay itinago ko rin sa ilalim ng aking lamesa. Lahat ng babasagin na nakadisplay ay itinago ko sa aking mga drawer. I lowered the AC's temperature because he always liked it cold.

And without any delay, my father did come barging in my office with his face red from seething anger. I secretly pressed a button under my table to lock the door. I had an automatic lock installed for instances like this.

Once again, my environment was covered in darkness. More than half of it came from the aura of the man who was about to kill me with his gaze.

"What the hell did you do, you imbecile?!" 

I swore I felt myself shrink at my father's tone, and I started praying for courage and for my safety.

"I sold our shares-"

"I know, I'm not stupid! Why the fuck would you do that?" he had a finger pointed in my direction, "Malaking kawalan 'yon para sa kumpanyang ito! Hindi ka na naman nag-iisip!"

Just hold it in Aurora. Tiisin mo na lang ulit kagaya ng lagi mong ginagawa.

"I had to pay for your debt, dad."

"Bullshit! Isusumbat mo pa sa akin ang pagiging incompetent mo?! Ang sabihin mo, kaya mo ibinenta ay para diyan sa mga luho mo!" napayuko ako nang ituro ni dad ang aking kabuuan.

I was wearing an old blouse at isang halos kupas nang slacks. Hindi ko maintindihan kung anong luho ang sinasabi ng aking ama. One look at me and no one would be able to tell I was the president of my own company.

"Mukha pa pala akong maluho sa lagay kong ito" I mumbled under my breath.

"Anong sabi mo?"

"Mag-limit naman po kayo sa pagca-casino. I can barely pay for your bills, dad. Naka-centralize 'yung buong bahay! And no one bothers turning it off even when you're not around."

Hininaan ko ang aking boses, "Palagi kang natatalo at ako ang namomroblema kung saan kukuha ng pambayad sa mga kalaban mo na hindi mo nababayaran. All of our money is in your account at wala akong nagagalaw doon. Ubos na lahat ng ipon ko, daddy"

My father rushed towards my direction and took the collar of my blouse in a death grip. I felt the threads rip.

"Anong karapatan mong pagsabihan ako? Wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin sa pera ko dahil pinaghirapan ko 'yon, naiintindihan mo?!" sigaw niya.

"Pero ako naman po ang nauubusan dahil diyan sa bisyo niyo!"

Hindi ko na naitago ang emosyong kanina ko pa pilit na pinipigilang lumabas.

Actually, I've been trying to hold it in for almost six years.

"Wala ka na ngang kwenta, nanunumbat ka pa! Kasalanan mo 'yan! Kung pumili ka ng mataas na degree, eh di sana madali ang buhay mo ngayon! Tama lang na magdusa ka diyan sa pinili mo!"

At tumigil ang buong mundo ko nang makatikim ako ng sampal mula sa aking ama. Wala akong nagawa kundi hawakan ang pisngi ko na namanhid dahil sa sobrang sakit. Nakakabingi.

Muli niya akong kinwelyuhan. 

"Ito ang tatandaan mo, hindi ka mabubuhay sa mundong ito kung wala ako! Hindi ka makakarating sa posisyong ito kundi dahil sa akin! Wala kang mararating kundi dahil ko! At ito pa pala ang ipapalit mo sa ilan taon kong pagpapalamon sa'yo? If your mother just listened to me, she would still be alive and I wouldn't be stuck in this fucking hellhole with a poor excuse of a daughter!", sambit niya saka marahas na bumitaw sa akin.

My father fixed his coat and cleared his throat. Then, he walked out of the office with a smile on his face like nothing happened.

Nang masiguro kong hindi na siya babalik ay hinayaan ko ang sarili kong bumagsak sa sahig. Naputol ang kwintas na suot suot ko kanina nang kwelyuhan niya ako. Nag-iwan nang maliit na galos ang pendant, pero ang talagang ininda ko ay ang hapdi sa kanan kong pisngi. Mainit sa pakiramdam at hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang lakas ng sampal.

It was the first time he ever laid his hands on me.

Sa laki ng aking ama ay alam kong wala akong magagawa kung pilit ko siyang nilabanan. Akala ko ay kaya ko na, akala ko ay masasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin at maiipagtangol ko na ang sarili ko mula sa kanya.

Hindi pa rin pala.

Dalawampu't limang taon, mahina pa rin ako hanggang ngayon.

I stood up on shaky legs and sat down on my office chair. I pressed a button on my intercom and called for my secretary

"Olivia, proceed to my office and please bring an ice bag with you. Thank you"

She said yes. And just seconds later, she came sauntering in my office with the ice bag that I requested.

Napakunot ang noo ko nang iniabot niya 'to sa akin

"Bakit hindi malamig?"

"Ay, lalagyan ba ng ice?"

Gusto kong isapak sa kanya ang ice bag pero hindi ko na rin napigilan ang aking pag ngiti. Madalas talaga, napapasaya ako ng kaunting katangahan ng sekretarya ko.

Binuksan ko ang maliit na ref sa ilalim ng water dispenser at kumuha ng ilang piraso ng ice cubes. Pinaupo ko siya sa couch at saka ako umupo sa harapan niya. She sighed once and gave me her full, undivided attention.

"Cut the crap, Rory. Anong ginawa sa'yo ng tatay mo?"

Olivia Jane Wilson was my secretary slash best friend, may ilan pa akong mga kaibigan pero bukod tanging siya lang ang pinagkakatiwalaan ko nang buong buo.

"It's just a small misunderstanding, Liv" 

Inirapan niya ako bago lumipat ng pwesto sa aking tabi. She touched my cheek lightly and I winced at the contact.

"See? Is this what you call a misunderstanding? Ang tagal ko nang sinasabi sa'yo na magsampa ka ng kaso pero hindi ka nakikinig sa'kin. Sa liit ng mukha mong 'yan, isang sampal ka lang ng tatay mo, Rory."

I sighed in defeat knowing she was right.

But I was still his daughter. There will always be a part of me that would feel guilty of even just merely thinking about my father ending up in jail because of me. I didn't want that to happen. I never will.

"It's never going to happen again. Nasagot ko lang naman siya kaya niya ako nasampal. Nabigla lang 'yon."

"Tanginang rason yan, Aurora! 'Pag ako ang nabibigla, sumisigaw ako hindi ako nananakit! Hihintayin mo pa ba na siya mismo ang makapatay sayo?!"

"He's not going to do that. He's my dad" I said in a tone as if I was also convincing myself.

"But he doesn't really see you as his daughter! I'm begging you... Para na rin sa ikapapanatag ng puso mo. Just leave him, Rory. Hayaan mo na siya sa gusto niyang gawin sa buhay niya. Matanda na rin naman ang isang 'yon kaya hindi na rin siya tatagal."

I've considered doing that a million times already, pero hindi ako patutulugin ng kunsensya ko 'pag pinabayaan ko si dad, and I know mama wouldn't like that.

"Let it go, Liv. You know I can't do that."

"You can, you just don't want to. Magkaiba yon, Aurora."

Bumuntong hininga ako at saka ibinalik muli ang atensyon sa pagdadampi ng ice bag sa nag-iinit ko pa ring pisngi.

"Maiba ko lang, how's that doctor you met? Maghahanda na ba ako finally para maging ninang sa'yo?" inirapan ko siya.

"That was only a one time thing. He just found a strange girl at the park and tried to have a decent conversation, 'yun lang 'yon."

Olivia smacked the back of my head.

"Siraulo ka ba? Bakit ka nag-effort na mag-prepare ng regalo? At anong sasabihin mo 'pag tinanong ka niya kung saan mo nakuha 'yung mga libro?"

I thought about what she said, then I realized she was right! Shit! I would have to admit who I was.

"Do you think it's okay if I tell him?"

"Just tell him and watch him fanboy in front of you. Masaya 'yon, Rory! Malay mo rin 'di ba? Siya na pala ang mapipili sa lahat ng mga humalik kay sleeping beauty," tinaas taas pa niya ang pareho niyang kilay. Wala naman akong natatandaang may humalik na sa akin.

"Ewan ko sa'yo, Olivia. Ang dami mong alam!"

"Bakit ba? Wala namang masama! 25 ka na! Kung ako nga sa'yo papabuntis na ako kay Doc Babe mo eh, para hindi ka naman mamamatay nang mag-isa and worse, a virgin! Mae-expire na 'yang petchay mo, girl... Padiligan mo naman!" 

Kung kanina ay kanang pisngi ko lang ang mapula, ngayon ay sigurado akong pantay na ang kulay sa buo kong mukha.

Saan naman galing 'yung Doc Babe?

"Bibig mo, Liv! Bakit ikaw? May jowa ka? May jowa?"

"At least! Hindi ako mamamatay na birheng maria. Sarap kaya 'yon, try mo lang minsan," and she looked up as if she was in a daydream.

"Panahon na para isuko ang bataan at mawasak na ang dapat wasakin!"

Hindi na ako nakapagpigil at ibinato ko na sa kanya ang hawak kong ice bag. Sasamahan ko nga 'to sa simbahan mamaya para mangumpisal, paliliguan ko na rin ng holy water at baka bababaan siya ng espiritu santo.

"Aray ko naman! Tangina mo sa part na 'yon ah," hinaplos niya ang kaliwa niyang braso, "Ano na nga kasi? Wala pa ring paramdam?" tanong ulit ng mahalay kong best friend.

"Wala nga! Kita mo nasa akin pa 'yung mga libro?"

"Ikaw na kasi ang mag-text! Hirap sa'yo pa-Maria Clara ka pa. Hindi na uso ang first move drama ngayon! 2017 na 'uy. Move on move on din sa kapanahunan ni Rizal" napapikit na lang ako sa mga pinagsasasabi ni Olivia Jane.

"Doktor 'yung tao! Baka mamaya nasa kalagitnaan siya ng pag-oopera 'pag nagtext ako"

"Sino ba namang siraulong doktor ang magdadala ng telepono habang nag-oopera?! Malamang babasahin niya 'yung text mo pagkatapos pa. Alangang sabihin niya sa pasyente niya na, Sandali pars, 'wag ka muna mamamatay, magrereply lang ako, stay put ka lang diyan' eh di natanggalan 'yon ng lisensya?"

Diyos na mahabagin, bakit ba ganito ang napuntang best friend sa'kin? Mabait naman po ako at laging nagsisimba, wala na po bang mas mabait kay Olivia?

"Bakit ba ikaw ang stressed sa lovelife ko, Liv? Ikamamatay mo ba ang hindi ko pag-aasawa? Kita mong iniintindi ko pa 'yung tatay ko. Wala na nga akong pera, magboboyfriend pa ba ako?"

"Hindi na sanggol ang tatay mo para alagaan. Unahin mo naman 'yung sarili mo paminsan-minsan, Rory. Sabi sa'kin nina Janice, inaya ka daw nila na mag-clubbing nung isang araw pero tumanggi ka. Paano ka makakahanap ng forever niyan?"

"You don't look for love in places like that, at hindi 'yon hinahanap! Pinaghihirapan ang forever." 

Isang irap na naman ang tinamo ko mula sa kanya.

"Don't you go Rose Fuentes on me. Tigilan mo ako diyan sa pagiging makata mo. Pwede mong makita ang pagmamahal kahit saan, sa bar, sa library, sa piyestahan, sa kasalang bayan, sa talipapa, o madalas talaga sa park."

Muntik nang magka-sense ang sinabi ni Olivia.

Alam kong hindi matatapos ang pag-uusap naming dalawa hangga't hindi ko siya pinagbibigyan. So, I took out my phone and started to think of what I would say to the handsome doctor.

"Alam mo? Akin na nga 'yan!" she took the rose gold iPhone 6+ from my hand at siya ang nag type ng mensahe.

May pag-ngisi pa siya sa screen habang mabilis na nagtitipa kaya hindi ko maiwasang gapangan ng kaba habang pinagmamasdan ko siya. Baka kung anu-anong sinasabi ni Olivia Jane kay Doc! Nakakahiya ako 'pag nagkataon. Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko nang ihagis niya iyon pabalik sa akin.

I panicked dahil baka mahulog ito sa sahig at mabasag. Nag-dive talaga ako para lang saluhin 'yon dahil wala akong ipapalit at tinawanan naman ako ni Olivia.

"Kamusta 'yung sahig? Ilang palaka ang nahuli mo diyan, bes?" 

Tinapunan ko lang siya ng isang masamang tingin bago bumalik sa couch at saka binuksan ang inihagis niyang cellphone.

Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig at tinakasan ng katinuan sa aking kinauupuan sa mensaheng nabasa ko doon na sinend ni Olivia Jane.


To: Sin Nicholas

Hi Doc Babe! Date tayo? May gift ako para sa'yo! xx


I was about to tackle my bitch of a secretary to the ground when my phone vibrated against my hand. Nangangatal ang mga kamay kong binuksan iyon


Fr: Sin Nicholas

Perfect timing, missed talking to u Diandrei. See you at the park tomorrow? Around 5 pm? Pagka-out ko sa ospital, doon na ako tutuloy. Our spot. Can't wait to see you again, Baby Pres..


I smiled, "You know what, Liv? May mga pagkakataon talagang nagpapasalamat ako na best friend kita."

Iniharap ko sa naghihintay na Olivia ang telepono at tumili siya nang mabasa ang reply ni Nicholas.

"Oy! Tangina mo may date ka bukas! Ang galing galing ko talaga, utang mo sa'kin buhay mo, Aurora!"

As unhinged as she is sometimes, maybe she's right.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro