Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

03

"I will be travelling to Europe by June of 2019. I'd rather have a personal nurse by my side that I can fully trust and that is you."

Ilang beses itong nag-play sa utak ko. Malaki rin ang offer nya sa akin ngunit gusto ko munang konsultahin si Mickey tungkol rito pero hindi ko pa rin sya matawagan.

Hindi ko rin naman naitanong ang bagong address ng opisina nila para puntahan na lang sana sya. Marami rin akong kailangan asikasuhin kaya hindi rin ako nakapunta sa bahay nila.

This is the loneliest Christmas I have. Tanging litrato na lamang namin ni papa ang sumalo sa akin habang ako'y niyayakap ng malamig na simoy ng hangin.

Sa sobrang pagod ko ay nakaidlip ako sa aming sofa. Nagising na lamang ako sa sunod-sunod na pagdoorbell. Magdidilim na noon kaya bumangon ako at binuksan ang ilaw. Sinilip ko mula sa bintana kung sino man ang nagdo-doorbell at halos tumalon ang puso ko ng makita ang lalaking mahal ko.

Agad ko itong nilabas at pinagbuksan ng gate. Niyakap nya ako ng mahigpit at muling bumuhos ang luha sa mga mata ko. "I'm sorry, love. I'm sorry I wasn't there with you. I'm sorry you had to go through it alone." naiiyak nyang saad.

Tumango lamang ako. Hindi ko na kailangan ng explanation kung bakit hindi nya agad ako nasamahan, ang importante ay nandito na sya ngayon.

Nagdaan ang ilang araw, we held my father's funeral for a week before I return home with his ashes. Nag-usap na rin kami ni Mickey na ipo-postpone namin ang kasal namin next year at itutuloy na lamang sa 2020.

Bagong taon, doon ako sa kanila nag-celebrate. Kasama ko ang buong pamilya nya na magiging pamilya ko na rin kapag natuloy na ang kasal namin. Pero may napansin akong kakaiba, isang bagay na hindi ko inaakala. Tito Froy slapped tita Marra while they were having a heated argument in their backyard. Hindi ko sinasadyang marinig iyon, nataon lang na kukuha dapat ako ng tubig.

"Sinisisi mo akong wala na tayong pera samantalang ayaw mong i-give up ang nakasanayan mong pamumuhay?" singhal ni tito Froy sa kanyang asawang umiiyak na. "Kung maglustay ka ng pera akala mo may milyon ka? Palibhasa hindi matanggap ng ego mo na sa inyong magbabarkada, ikaw na ang walang wala dahil sa kakasugal mo!"

Bumigat ang pakiramdam ko ng marinig iyon. Nagpasya akong umalis na lamang dahil pakiramdam ko, I was invading their privacy.

"Macey." tawag ni Mickey sa akin. He had a grim on his face while looking at his parents' direction. "Okay ka lang?" tanong nya, seryoso pa rin ang mukha.

Tumango ako bilang tugon. "Uhm... Napagod lang siguro." sagot ko at pinaupo nya ako sa kanilang cream L-shaped sofa.

Tumabi sya sa akin at nagpasya akong konsultahin sya tungkol sa inaalok sa akin ni Mrs. Ventura. Pinag-isipan ko kasi itong mabuti at alam kong makakatulong ng malaki ang offer nya. Makakaipon ako para sa magiging kinabukasan ng pamilya namin ni Mickey. Alam kong may ipon din sya ngunit gusto ko pa ring handa kami.

"Uhm...love." tawag ko at sinalubong nya ang mga titig ko. "I got another offer." panimula ko at ikinwento ko sa kanya ang pag-uusap namin ni Mrs. Ventura.

The old lady want to hire me as her personal nurse while she is staying in Europe for a whole year. Pagbalik ko ay maaari pa rin akong magtrabaho sa hospital kung nanaisin ko at sya ang magbibigay ng personal recommendation, seventy thousand pesos monthly ang ibabayad nya sa akin, house and amenities will be provided while I work for her.

"Sa tingin ko, magandang opportunity iyon para..."

"Hindi ka aalis." walang pakundangan nyang saad. Kunot ang noo nya, mabibigat ang bawat paghinga at igting ang mga panga.

"P-Pero..."

Natigilan ako ng masama ang mga titig na ipinukol nya sa akin. Unang pagkakataong gawin nya ito. "Hindi ka aalis, Macey. Dito ka lang! Dahil hindi ako sigurado kung makakahanap ka ng iba dun habang wala ako! Maraming lalaki doon at sigurado akong baka maagaw ka sa akin kaya dito ka lang, Macey! Walang aalis!" mabibigat ang pagbitaw nya ng bawat salita na parang sinasabi na nyang wala akong ibang choice kundi ang sundin sya.

Napalunok ako at nakaramdam ng takot. Ni minsan ay hindi nya ako kinausap ng ganito. Ni minsan ay inuna nyang isipin kung makabubuti ba ang papasukin kong trabaho o hindi. Inintindi ko ang parte kung saan natatakot syang baka maagaw raw ako ng iba kaya naman niyakap ko sya mula sa kanyang tagiliran.

"I love you." bulong ko na syang nagpakalma sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganito at kung bakit ganoon na lamang ang pag-iisip nya samantalang noon ay kampante sya sa katotohanang hindi ako maghahanap ng iba.

Pitong taon na kami at hindi ko iyon itatapon ng ganun-ganun lang. Nakatatak na sa isipan kong sya ang lalaking una at huli kong mamahalin.

Five months have passed, five months na rin simula ng maging mainitin ang ulo ni Mickey. Kaunting bagay lamang ay nagagalit na sya, kahit ang ngitian ako ng mga katrabaho ko o pasyenteng lalaki ay nagpapakita na ito ng selos na nauuwi sa walang humpay na bangayan.

Honestly speaking, our relationship is becoming more toxic every single day and I don't know why we ended up in this situation.

Kasalukuyang nasa duty ako ngayon, dalawang oras bago matapos ang shift ko, may inabot sa aking papel si doc Hanz at sumenyas itong buksan ko.

Save yourself while you still can.

Naguguluhan akong tinignan sya ng mabasa ang nakasulat doon. Gusto kong magtanong kung ano ang ibig nyang sabihin ngunit naglakad na ito papasok sa kwarto ng isa sa kanyang mga pasyente.

Ako ang nasa information desk ngayon at hindi ko ito maaaring iwanan ng walang tao. Doc Hanz is a cardiologist while his twin, doc Hana, is a pediatrician.

Dumating ang mga kasamahan kong nurses na nag-take out ng pagkain. Magsasalit-salitan kami sa food break namin at dahil gabi, walang gaanong pasyente dito sa third floor.

"You're really missing out on life, Mace." komento ni Aicelle, ang pinakamagandang nurse sa buong ospital na ito. Halos lahat ay nagkakagusto sa kanya. Siguro kung hindi nito piniling maging nurse ay maaari syang pumasok sa Ms. Universe.

"Oo nga." segunda naman ni Yvonne. "Subukan mong pumarty bago ka ikasal para naman kahit paano maranasan mo ang buhay outside the hospital and your home."

"Tss! Wag nyo ngang dinedemonyo si ma'am Macey!" suway naman ni John na mas bata sa amin ng isang taon habang inaabutan kami ng siomai. "Ma'am, baka ma-culture shock pa kayo sa mga nangyayari sa mga clubs kung saan nila ako dinala. Grabe, apaka-WILD!"

Nagtawanan ang mga ito sa huling komento ni John na ngayo'y may hinahanap sa kanyang cellphone. "Ito, ma'am oh, tignan nyo!" saad nya habang inaabot ang cellphone sa akin.

A video was playing while they were at the club. Binabaan namin ang volume ng cellphone nya para hindi kami makaistorbo sa mga pasyente. Sa una ay nagkakasiyahan pa sila, nagtatawanan at nagtuturuan kung kaninong shot na ng tequila. Pagkatapos noon ay parang unti-unting nanikip ang dibdib ko.

"Oh, shet na malagket!" rinig kong sambit ni John. "Wala na yata pang-motel sina ate at koyah kaya sa corner na lang nila itinitira!" natatawa nitong komento habang sinu-zoom sa dalawang taong naghahalikan sa kabilang mesa.

Hindi ako maaaring magkamali. Pitong taon ko na syang kasama at kabisado ko na ang bawat hulma ng kanyang katawan at mukha.

On that video, I saw my fiancé sitting at a corner with his classmate in college on top of him making out. Kahit pa nakadamit silang pareho ay halos gawin na rin nila iyon - she was on top of him, thrusting her hips while he was caressing her back. The kiss they were sharing was too lustful.

At bago ko pa makita ang susunod na nangyari ay may umagaw na sa cellphone na hawak ko, panay tulo na rin ng luha sa mga mata ko habang hindi matanggal sa isip ko ang nasaksihan ko.

How could he do this to me?

"Doc." rinig kong pagtawag ni Yvonne sa tabi ko.

Napaangat ako sa nakatayong doktor sa harapan ng mesa. Punong puno ng galit ang mukha nya habang ibinalik ang cellphone kay John.

Hinila ako ni doc Hanz palayo at tinungo namin ang rooftop. Doon ko naintindihan ang nakasaad sa sulat at doon ako umiyak ng husto. Hinayaan nya lang akong ilabas ang taksil kong luha ng mga sandaling iyon.

Hawak ko ang dibdib ko dahil hindi ko na kinakaya ang sakit. Inalalayan ako ni doc Hanz tungo sa isang bench at pinaupo doon. Hindi nya ako inalo, hinayaan nya lang akong umiyak at nanatili lang syang nakaupo sa tabi ko.

"I didn't want you to find it out like this." pukaw nya sa katahimikang naghahari sa pagitan namin. Nakatitig lang sya sa kawalan, may inis sa kanyang mga mata. "Hana was the first one who saw him last year. Kaibigan nya kasi ang babaeng kasama ng fiancé mo." pagkuwento nya.

"I didn't want to believe at first until she showed me Anna's picture with your fiancé last week." nag-igting ang mga baga nya ng sandaling iyon. "And I finally saw it with my own two eyes. The video... It happened last night." halos manlumo ako sa narinig ko.

Kagabi na hindi kami nag-usap dahil nagalit na naman sya. Nakita nya kasing inabutan ako ni John last week ng isang bote ng tubig pagkagaling namin ng operating room upang mag-assist sa heart surgery na pinangunahan ni doc Hanz.

Ganun naman kami sa team namin, nagtutulungan. Pero hindi ko inakalang bibigyan nya iyon ng malisya. All the while, inakala kong takot syang mawala ako, na maagaw ako ng iba. Iyon pala...

"Ang swerte ng gagong yun, sa pitong taon na naging kayo ni minsan ay hindi ka tumingin sa iba. Lahat ginawa mo para lang ipakitang mahal mo sya pero ano'ng ginagawa nya?" galit nitong banggit na para bang mas apektado pa sya kaysa sa akin.

Wala akong maisagot ng mga sandaling iyon. Ang alam ko lang sobrang sakit ng puso ko at parang nawalan na ako ng gana sa lahat habang iniisip kung kaya pa bang isalba ang relasyon namin ni Mickey.

Isalba.

Karapat-dapat pa ba itong isalba?

──────────

Your reads, votes, and comments are very much appreciated!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro