Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Masquerade V: Tethered Tempest

Reign's POV

Mahinang tumapik-tapik ang aking hintuturo sa skirt ko habang nakatitig sa paintings ng mga magulang ko sa harapan ng hall.

"Reign?"

Nilingon ko si Paige. "Hmm?"

"The students are starting to go home to fly their lanterns," pagbibigay-alam niya. "The others are asking if we can go too, to make our wishes."

Tinignan ko ang loob ng hall at nakitang iilan nalang ng mga estudyante ang natira at yung iba sa kanila'y papalabas na.

"You go first," tugon ko. "I'll be the last to leave together with the band."

"Are you sure?" tanong niya.

Nginitian ko siya. "I want to see the program through the end."

"Reign-"

"I'm fine," I assured her. "And can you leave my lantern in my room?"

Matagal-tagal niya akong tinitigan, nagdadalawang-isip kung iiwan ba ako, bago siya napatango.

"I will," sagot niya. "If you say so."

Pagkatapos sabihin 'yon, hindi pa rin siya umalis dahilan na matawa ako nang mahina.

"Paige," sambit ko nang natatawa.

"If you say so," pag-uulit niya at sa wakas ay umalis na rin.

Tumungo siya kila Amber na binigyan ako ng nagtatanong na tingin at nginitian ko lang bilang sagot.

Nang makarating si Paige sa harap nila, sabay silang napatuon sa'kin.

Kinawayan ko sila bilang paalam at senyas na rin na umuna sila.

Hinatid ko sila ng tingin papalabas ng hall, at saka dumako sa students na nagpapatugtog.

"Hi," bati ko sa lalaking napatigil sa pagtugtog ng kanyang violin. "You can go after a few minutes."

Nginitian niya ako at tinanguan, bago nagpatuloy sa pagtugtog.

Pagkatapos, muli akong napaharap sa direksyon ng paintings ng labindalawang founders. Wala sa sarili akong napapunta na naman dito, at huminto sa tapat ng stage nang bahagyang nakatingala sa mga larawan nila.

Kasunod kong naramdaman ang paglapit ng isang presensya kaya napalingon ako kay Luke na tinabihan ako habang nakatuon din sa paintings, bitbit ang isang glass ng champagne.

"Alpha..." Hindi niya ako binalingan ng tingin. "Omegas..."

Ibinalik ko ang aking atensyon sa portraits na nakahanay sa aming harapan.

"They look like they're moving, don't they?" puna ko. "Like they're watching you."

"So that's what it feels like to be one of their children?" aniya. "Like your parents are always watching."

"Says the son of a god," sabi ko.

"How can I feel him watch over me when I haven't even met him?" Mahina siyang natawa. "I can't even sense his presence because I have never felt it once."

"The gods tend to be cold and rude like that," pagbibigay-alam ko sa kanya. "'Yon ang sabi ni Dad sa'kin."

"Si Hera nga yung nakapatay sa dalawang kapatid niya, eh," dagdag ko. "He watched my two aunts get devoured by a monster while they were still children, and it was his stepfather's shady business that killed his mother."

"Mmm." He hummed before taking a sip of the champagne. "You may just be one of the very blessed, Omega, to have parents not as problematic as the deities."

Napangiti ako sa sinabi niya.

Dumaan ang ilang segundo at narinig ko ang isa pang tinig sa kabilang gilid ko na nakilala ko ay kay Rhys, ang president ng Beta.

"What's taking you so long to ask her for a dance, Luke?" tanong niya. "Gusto mong unahan kita?"

Mahina akong natawa.

Sa tabi niya, dumagdag ang boses ng isa pang lalaki. Kay Third, ang president ng Gamma.

"So, are we just going to stare at the founders the entire night?" 

"Reminding the two of you," ani Luke. "That you're going to be the ones in charge of the Academy after we leave."

"Good," puna ni Rhys. "The students are easier to manage without your classes, especially Reign's."

Panandalian kong sinulyapan si Rhys mula sa sulok ng aking mga mata para mahagip ang namuong ngisi sa labi niya.

"We'll take care of the Academy," Third assured. "So worry only about yourselves, Luke."

Sinundan ito ng komportableng katahimikan. Magaan lang ang hangin na nakapalibot sa'min habang nakatuon kaming lahat sa founders, nagmumuni-muni sa sarili kung anong kahihinatnan ng classes namin.

"A war of powers..." I murmured under my breath.

"Powers," pag-uulit ni Rhys sa huling kataga. "What a scary word to call a war."

"Beta and Gamma will be on standby," anunsyo ni Luke. "The founders might summon for some of your students."

"And if we do give you our students, Luke, I expect that you take care of them," tugon ni Third. "Tell the founders this too."

Ilang sandali pa'y namalayan kong kaming apat nalang ang natira sa ceremonial hall, dahil wala na akong narinig na tugtog at ibang boses ng mga estudyante. Pero sa halip ng katahimikan at pagkawala nilang lahat, nanatili pa rin kaming nakatayo, nakaharap sa founders.

"We're only just beginning, aren't we?" tanong ni Rhys.

Walang sumagot sa'ming tatlo, isang pinagsabay na sang-ayon. 

"Well, then." Third sighed. "I'm going to make my wish and sleep soundly as if we're not going into war."

"Last year, I wished for world peace and harmony. Maybe this year I'll just wish for Third to be late in class," sabi naman ni Rhys. "How about you, Luke?"

"I'd rather save my wish," sagot nito sa kanya. 

"Reign?" sambit ni Rhys.

"Ayokong sabihin," sagot ko. "Baka di magkatotoo."

"Fair enough," puna niya at saka nagpaalam na. "I'll see you all soon."

Sumunod sa kanya si Third na nagpaalam din sa'min ni Luke.

"Would it be weird to tell you, that I'm actually a little bit scared?" tanong niya nang maiwan kaming dalawa sa hall. "Or deeply concerned?"

"Very unusual for you to say." Gumuhit ang isang naninimpatyang ngiti sa aking labi. "But it's normal to feel that way, Luke."

"I'll send your regards to the founders," aniya. "Good night, Reign."

Nilingon ko siya at nginitian. "Good night."

Sinundan ko ng tingin si Luke na umalis at lumabas ng ceremonial hall. At nang tuluyan na ngang maglaho ang kanyang presensya, napaharap ulit ako sa labindalawang paintings.

Napatitig ako rito, bago dahan-dahang naglakad sa gilid ng stage at umakyat sa hagdan nito para mapalapit pa lalo sa portraits.

Though I kept on staring at my parent's paintings earlier, I stopped in front of the painting of a woman dressed in white, the same color as her eyes.

She was seated on her own throne, and she was not smiling nor frowning. She looked back at me with empty eyes, and her body was as pale as a soul, meaning I did not need to look behind her eyes to see her soul because she was already one.

Her head was slightly tilted to the white flower she gently held by her chest, and she seemed to have looked at it first before she looked at me.

Nasabi na sa'kin ni Mama kung gaano siya kaganda, kung gaano kalambot ang puso niya, at kung paano nagawang mahulog ang isang primordial deity sa kanya.

Would things have been different? I asked the portrait silently. If you were still here?

Napangiti ako rito.

"I know I promised to take care of him," bulong ko. "And I did, didn't I? I defended him, just like what the other founders would have done for you..."

Tinignan ko ang bulaklak na nasa kamay niya.

"If what Mom said was true," tugon ko. "That you're in the heavens, watching over us, can you-" Natawa ako nang mahina. "I don't know, maybe give me anything to hold on to for your son?"

"I-" My voice suddenly broke. "I just don't know what to do, anymore."

"You had your reasons when you turned your back against the Academy, didn't you?" Tumingala ako sa kanya. "You think you can show me his reasons, too?"

"Just-" Nagpipigil ako ng hininga at mga luha nang umiling ako. "Just any sign."

Pagkatapos, tumango-tango ako, tila kinukumbinsi ang sarili ko na naririnig nga niya ako.

"Kahit isa lang." Binigyan ko siya ng isang nakikiusap na ngiti habang nagmamakaawa ang nakakunot kong noo at namamasa kong mga mata. "Isang dahilan lang."

Tinignan ko ang larawan ng babaeng nakatingin sa'kin, at naghintay, umasa na may maibibigay siya, sa kahit anong paraan na kaya niya, maipakita lang niya sa'kin, masabi, na may dahilan nga ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Patagal nang patagal, gumuhit ang pait sa aking mukha dahil sa paglubha ng nararamdaman ko.

Unti-unti akong napayuko ng ulo, hanggang sa mapatingin ako sa pangalan niyang nakaukit sa pinakaibaba ng frame.

'Kaye, Lady of the White Sea'

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang panginginig nito.

I can't cry, I reminded myself. Or I'll ruin the student's lanterns.

Huminga ako nang malalim sabay taas ng aking noo para muling salubungin ang mga mata ng larawang nakatumbad sa harapan ko.

Matagal kong ibinuga ang hanging hinugot ko, nang masiguradong walang luhang sasabay dito.

"Isang dahilan lang ang kailangan ko, Tita." Nagbabantang mabasag ang boses ko. "Isa lang, para di ako tuluyang bumitaw sa kanya kahit magawang pakawalan na siya ng iba."

"Dahil ayoko..." nanghihina kong sambit. "Ayoko pong isipin na nagkamali ako sa pagtanggol sa kanya sa harap ng council, at higit sa lahat, nangako pa po ako, na ibabalik ko yung ngiti niyang una kong nasilayan sa gabing mag-isa lang siya."

"Ayoko pong mawala lahat ng nasimulan na namin, masira lahat ng naitayo namin," pagmamakaawa ko. "Kaya bigyan niyo na ako ng kahit isang dahilan kung bakit-" Napayuko ako nang manginig ang mga labi ko. "K-Kung bakit..."

Narinig ko ang dahan-dahang pagpatak ng ulan sa labas, at para pigilan ang paglakas nito, hindi ko na nilabanan ang mga luha ko at hinayaang mamigat ang aking mga mata, imbes na ang mga ulap.

At kasabay ng pagkawala ng ulan, ay ang isa-isang paglabas ng mga luha ko, hanggang sa manlabo ang aking paningin.

"I-Isang dahilan lang..." Nagsimulang manlambot ang aking mga tuhod. "Kung bakit kakapit pa rin ako sa pinangako niya sa'kin..."

'I'm here, Reign...'

Dahan-dahan akong yumuko sa harap ng painting nang umiiyak, at padabog na naupo sa sahig, nanghihina, at nagmamakaawa.

'You don't have to do everything alone, anymore...'

Everything that happened between us wasn't a lie, was it?

Luhaan akong napatulala sa harapan, kakaisip kung may katotohanan ba ang bawat ngiti, tingin, usap, na inilaan niya para sa'kin.

Dahan-dahan kong tinanggal ang suot kong maskara at tinabi ito.

'Under my wings, where not even your worries can reach you...'

"I can't hold on to only his words..." sabi ko sa sarili. "I can't risk everything based on his promises..."

Tinuyo ko ang aking mga luha nang mapagtantong kailangan ko nang tapusin ang aking pag-iyak, dahil kahit anong buhos ko, wala pa rin akong magagawa.

At least I tried...

Tumayo ako.

I tried to talking to you, I said, as I raised my eyes at the woman in the portrait.

"And I can't protect him now," saad ko sa kanya. "So, I hope you do."

An exhausted smile curved my lips, before I slightly bowed down in front of her, and left her with the other founders, and my mask on the floor in front of her.

I was all kinds of tired... and maybe, a bit broken.

Bumaba ako ng stage at kamuntikan nang malaktawan ang huling hakbang dahil sa sobrang layo ng kamalayan ko habang naglalakad.

My head felt light after crying, but my heart stayed as heavy as the night I found out he was not who I thought he was.

Nakasayad ang aking paningin sa sahig nang lumabas ako ng hall at napagdesisyunan nang umuwi sa hiling na naghihintay sa'kin.

Napakapit ako sa skirt ko nang dumaan ako sa corridor na dinaanan din namin nung tinulungan niya akong burahin ang mga parusa ko sa councilor's office, at hinabol kami ng aurai.

At kinuyom ko ang aking mga palad, dahil nagsimula na namang manikip ang aking dibdib, pero tinahan ko ang aking sarili.

Ito na ang huling gabing iiyak ako para sa kanya, pangako ko sa sarili. 

Nasaktan na ako, at wala akong ibang magawa kundi ang umiyak lang para dito, at nagawa ko na nga, sa loob ng ilang gabi, kaya ito na ang magiging huli.

Napatigil ako nang biglang lumitaw ang isang odigos sa aking harapan. Umandap-andap ang liwanag nito habang lumulutang na tila nabibigatan sa sarili.

Dahan-dahan kong inilahad ang aking palad dito, kung saan mahina itong dumapo.

"Rest..." nag-aalala kong bulong dito.

Minasdan ko kung paano unti-unting naglaho ang liwanag ng odigos habang nasa kamay ko, ngunit sa sandaling akala ko maglalaho na ito, nanumbalik ang sinag nito at lumiwanag nang lumiwanag, papalaki sa aking kamay.

Bumalik din ang lakas nito pagkatapos itong biglang umangat mula sa gitna ng palad ko.

Ibinaba ko ang aking kamay at sinundan ito ng tingin na paikot-ikot sa harapan ko.

Pagkatapos, napalingon ako sa isa pang odigos na lumapit dito.

Umikot sa isa't isa ang dalawang liwanag, na para bang may sarili silang sayaw, dahilan na mapangiti ako.

Whatever they're dancing to, must be one of the most beautiful songs, because of the way they spun around each other, and when one of their light threatened to disappear, the other one glowed brighter as if to give it its own light.

They spun and spun and even danced around me, kaya napaikot ako para panoorin sila, hanggang sa napansin ko ang pagbagal ng galaw nilang dalawa.

They slowly lowered themselves in front of me and when I raised my hand to catch them, they gently fell on top of my ring finger where they glowed together.

The first odigos stayed on my finger while the other slowly flew away, leaving a red string on its path.

A red string...

Napatigil ako, at tinignan ang odigos sa aking daliri na unti-unting lumiwanag at namuo ng isang mahigpit na tali.

Inikutan ako ng pangalawang odigos para palibutan ako ng pulang sinulid.

And before I knew it, I was surrounded by a red thread, before the odigos pulled away from me and floated afar.

Sinundan ko ang bakas ng pulang sinulid na iniwan nito sa ere, at natagpuan ang aking sarili na papalabas ng Academy kung saan sinalubong ako ng tunog ng mga pakpak na pumapagaspas.

Huminto ako sa sandaling natagpuan ko ang isang lalaking lumulutang sa ibabaw ng platform, handa nang umalis, ngunit hindi pa dahil sa odigos na lumipad patungo sa kamay niya.

Kusang bumukas ang aking bibig, may gustong sabihin, pero hindi ko nagawa, lalo na nang abutin niya ang nakikiusap kong tingin, at binigyan niya lang ako ng isang namamaalam na ngiti bilang sagot.

"Henri," tanging pangalan niya lang ang nakaya kong sambitin.

Henri...

He looked down at the red string tied around his own finger, before slowly tracing the string with his eyes, back to me.

Humakbang ako papalapit sa kanya pero napansin ko ang paglipad niya paatras, dahilan na mapatigil agad ako.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, at nagsimulang mamasa ulit ang aking mga mata.

Pagkatapos, tinignan ko ang tali sa daliri ko at hinagod-hagod ito.

Pinipigilan ko lang ang sarili kong maluha na naman nang muli kong sinalubong ang kanyang mga mata.

"Go," my voice whispered, but my heart screamed.

I held my hand where the string was tied, and kept it close to my chest, to protect it from him, and from the distance that threatened to break it.

Matagal-tagal siyang napatitig sa taling pinoprotektahan ko, bago siya mahigpit na napakuyom ng sa kanya, tila sinisiguro ang pagkakahawak niya rito.

I have never heard silence as loud as this, and I continued to listen, as hundreds of lanterns appeared behind him, like hundreds of odigos, guiding every wish that was made tonight.

"Go..." pakiusap ko sa kanya. "Now."

Before you see me break.

He gently moved his wings and summoned the mist to surround him.

I watched him slowly lift himself, only to not fly away.

No, he did not turn his back against me.

He never turned away and continued to look back at me, while his body seemed to fade into the distance, as he hid himself behind the darkness of the mist.

'Till we meet again, Reign.'

Palihim akong napasinghap nang marinig ang boses niya sa aking isipan.

Pinagmasdan ko ang katawan niyang unti-unting nakiisa sa kadiliman ng gabi, at huli kong nahagilap ang mga mata niyang nag-iwan ng gintong liwanag sa anyo ng mga lanterns na pumalit sa pananaw ko sa kanya.

Napayuko ako sa kamay ko at nakitang naglaho na rin ang pulang tali sa daliri ko.

Nanatili akong nakatayo habang nakawahak dito, pinapakinggan ang sariling pintig ng puso kong buong akala ko'y hindi ko na maririnig ulit ang pagtibok.

Binaba ko ang aking mga kamay at tumingala sa mga bituin sa kalangitan.

"I wanted you to give me one reason to hold on to him," nanghihina kong sabi. "And you gave me..."

"T-That's-" Nabasag ang aking boses sa pinaghalong lungkot at inis, at nagsimula ulit akong maiyak, habang umiiling-iling, hindi alam kung anong ibig sabihin ng pinakita niya sa'kin.

"That's unfair!" I screamed with the intention of letting the stars hear my voice. "I wanted a reason to hold on to him! And you gave me a red string!"

"Anong pagkakapitan ko?!" Nilakasan ko ang aking boses. "Yung-" Lumalim ang bawat hugot ko ng hangin. "Y-Yung..."

Hindi pwede.

Hindi pwedeng ang pagkakapitan ko lang ay ang nararamdaman ko para sa kanya.

'Tapos alam mo kung anong sinabi ni Eros nung iniwan niya si Psyche?'

Napaatras ako nang maalala ang kuwento sa'kin ni Mama.

'Ano yun, Ma? Sabi niya ba galit siya?'

Napailing ako, pilit hindi sumasang-ayon sa sinabi niya.

'Hindi, Reign, ang sabi niya, walang pag-ibig kapag wala ring tiwala...'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro