Languages
Reign's POV
"You like the balcony, too?" Nakapalikod ang aking mga kamay nang bigla akong sumulpot sa likod ni Henri at bahagyang sumilip kung ano ang sinusulat niya sa libro.
Hindi niya ako binalingan ng tingin at nagpatuloy sa pagsasagot. "Mmm."
I walked around the circular table and sat on the chair next to him. "Sa Language na assignment ba natin 'yan?" tanong ko. "Want me to help you?"
"No." Inangat niya ang kanyang ulo sa'kin. "But thank you."
"So, what language did you choose to study?" usisa ko.
Napatingin siya sa libro na nakabuklat sa kanyang harapan. "Old Latin."
Lumiwanag ang aking mukha. "Pareho tayo."
So, kaya pala mag-isa siya rito habang yung iba ay nasa ibaba para magtulong-tulungan sa pagsagot ay dahil ang pinili niyang language ay isa sa mga pinakamahirap, kaya walang masyadong gustong mag-aral nito.
Napangiti si Henri sa reaksyon ko.
Dagliang bumaba ang aking mga mata sa labi niya nang mapansing hindi ito kagaya ng ngiting nasilayan ko noong una ko siyang natagpuan sa balcony.
"Why Latin?" tanong ko.
He leaned back against his chair and sighed as he closed the book. "Why are you here, Reign?"
Napatigil ako, pero panandalian lang dahil agad din akong napangiti.
Bahagyang pumiling sa gilid ang kanyang ulo, halatang naghihintay ng sagot, pero hindi na ako nagsalita pa.
After noticing that I wasn't going to answer, he slightly parted his lips, revealing his tongue that he pressed gently against his cheek. Then, he chuckled and started spinning the pen in his hand.
"It was you, wasn't it?" tanong niya. "When I thought I was alone in the balcony that one night."
Natawa ako nang mahina saka tumango.
"It lightly rained that night," aniya. "Why?"
I pursed my lips and slowly looked down on the book where his hand was resting. "Sa totoo lang, hindi ko rin alam..."
"Anyway." I was quick to change the topic. "Ngayong alam ko nang may kasama naman pala ako sa Language, gusto mo sabay na tayong mag-assignment?"
Hindi siya sumagot at itinuon ang kanyang atensyon sa pinaglalaruan niyang pen sa kamay, halatang pinag-iisipan ng husto ang katanungan ko na para bang nakasalalay dito ang buong buhay niya.
"There you go again," puna ko.
Tinignan niya ako. "Go what again?"
"You have this habit of spacing out sometimes," sagot ko. "Tinanong lang naman kita kung gusto mo bang magpasama sa paggawa ng assignments, tapos kung makatingin ka sa malayo akala mo inaya kitang magpatayan."
He lowered his head and laughed softly, dahilan na mapangiti ako.
"Reign," sambit niya. "Do you believe in consequences?"
"Of course," sagot ko. "Every time I get called in the counselor's office is a consequence."
"Then what do you think is going to be the consequence if we do our assignments together?"
"Babagsak ka kasi di ko hahayaang lamangan mo pati grades ko sa Language?" nangunguryuso kong tugon.
"Yes, definitely," natatawa niyang sabi.
Pagkatapos, lumapad ang aking ngiti. "Why?" Nakapangalumbaba ako sa mesa. "You think we're going to fall in love with each other?"
Bigla siyang napatigil.
"Biro lang," pagbabawi ko na may kasamang hagikgik.
Naalala ko kasi nung ngitian niya ako pagkatapos kaming tuksuhin ni Amber sa claiming ceremony, at di ko na pinalampas ang pagkakataong ito para gumanti.
Medyo effective nga, eh. Mabilis kasing nabura yung ngiti niya.
"Caught you off guard, didn't I?" natutuwa kong tugon sa kanya.
He cleared his throat and slowly nodded. "Indeed." He gave me an acknowledging smile. "You have."
"So, you still don't want to answer your assignments with me?" tanong ko.
"Actually..." Pinaningkitan niya ako. "I changed my mind."
"Okay, wait for me." Tumayo ako. "Kukunin ko lang book ko."
Umalis na ako at pagkapasok ko sa dorm, sinalubong ako ni Grey na nakapihit ang mga braso sa dibdib habang nakasuot din ng isang pilyong ngiti.
Sinimangutan ko siya bago nagpatuloy sa paglakad papuntang kwarto ko. Agad kong hinanap ang libro ko. Kumuha na rin ako ng isang notebook at pen.
Bitbit ang mga ito, bumalik ako sa balcony kung saan naabutan ko si Henri na kabubukas lang ng kanyang libro. Sinulyapan ko pa kung anong mga pahina ang sinasagutan niya bago maupo.
"Henri, hindi mo pa nasasagot yung tanong ko," paalala ko sa kanya. "Kung bakit Old Latin ang napili mong pag-aralan."
"Because I'm part witch, Reign," aniya. "And majority of spells are written in Old Latin."
"Cool." Binuksan ko ang libro ko.
"You?" tanong niya.
Nasa gitna ako ng paghahanap ng mga pahina nang sagutin siya. "My siblings and I can already understand all modern languages," pagbibigay-alam ko sa kanya. "It's one of our shared abilities we got from Mom."
"We can't understand early or ancient languages, though," dagdag ko. "Kaya Old Latin yung napili ko, habang kay Grey naman ay Ancient Greek."
Inangat ni Henri ang kanyang tingin sa harapan.
"Parli italiano?" he asked, in Italian.
'Do you speak Italian?'
"Non parlo italiano," natatawa kong sagot gamit ang parehong lenggwahe. "Mi dispiace, Henri."
'No, I don't speak Italian. I'm sorry, Henri.'
"Türkçe?" he asked, again, in Turkish.
'Turkish?'
"Türkçe konuşmak benim için çok zor." Napangiti ako. "Gördüğünüz gibi."
'Turkish is very difficult for me, as you can see.'
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Vorbeşti romăneşte?" Romanian na naman ang gamit niya.
'Do you speak Romanian?'
"Nu înțeleg româna," I answered, also in Romanian.
'I don't understand Romanian.'
"Impressive," puna ko at nagsimulang basahin ang mga pangungusap na dapat kong i-translate sa Old Latin. "Where'd you learn all these languages?"
Nagpatuloy lang din siya sa pagsagot sa kanyang libro. "I had a lot of free time in the Underworld."
"What was it like?" tanong ko. "Living in the Underworld."
I heard him sigh. "For starters, the Moirai always followed me around every time I came out of the palace," sagot niya. "Which is why I always used my wings when I go from place to place."
"Dad also brought in a few mortal stuff when I was young," dagdag pa niya. "He even made me a video arcade room so I can play games."
Tumango-tango ako. "So, spoiled ka..."
Like my brother Grey, who grew up spoiled the moment our grandfather found out he was having a grandchild from his only daughter.
It also didn't help that his first and only grandson was named after him.
In fact, Mom shared to me that it was our grandfather who was the first man to have ever held my brother, instead of our dad.
Ayon nga sa salaysay ni Mommyla, sa sandaling iaabot na sana ni Doctor Seht si kuya kay Dad, lumitaw ang isang portal sa pagitan nila at mula rito, lumabas ang mga kamay ni lolo para agawin ang sanggol.
Dad got mad of course, but Mom told me both my dad and my grandfather already had a feud even before Grey was born. She said it started after she and Dad got married.
Henri chuckled. "I guess you can say that."
"I heard Thanatos throws you the biggest birthday parties in your realm," natatawa kong sabi.
"They did," he confirmed. "Hades and Persephone even came into my last party. The theme was masquerade."
"Thanks." Sinalungguhitan ko ang salita sa libro na kanina ko pa tinititigan dahil hindi ko talaga alam kung anong ibig sabihin nito. "Thanks for giving me an idea para sa theme ng celebration of the three lunar goddesses natin."
Napansin ito ni Henri. "You don't have to translate that." Humilig siya papalapit sa'kin at itinuro gamit ang dulo ng kanyang ballpen ang salitang 'Salii'. "Salii refers to the dancing priests of Ancient Rome."
"Oh..." Napatango-tango ako. "Thank you."
"But the celebration of the three lunar goddesses?" aniya nang muling ituon ang kanyang atensyon sa libro niya.
"If our intramurals is when we wear Ancient Greek clothes, the celebration of the three lunar goddesses is when we dress up with modern-day gowns and suits," nananabik kong sagot. "Di na nga lang ako sigurado kung kailan, kasi balita ko hindi pa sinasagot ng tatlong goddesses ang offerings ng oracles natin."
"I was hoping we could have it by the end of this month, tapos next month yung intramurals natin," sabi ko sa kanya. "But then these huntsmen just had to show up."
"Regnum..." bulong niya. "Means realm or kingdom, right?"
"It can also mean reign."
SInundan ito ng komportableng katahimikan. Minsa'y nagtatanong-tanong ako sa kanya kung anong ibig sabihin ng ibang salita at minsan din ay nakikisilip nalang ako sa mga sagot niya, kasi nakakahiya na kung sunod-sunod ang mga katanungan ko.
Di naman ako nangongopya. Gusto ko lang maging kampante sa mga sagot ko kaya...
Napangiti ako nang iusog ni Henri ang braso niyang bahagyang nakatakip sa libro.
Pagkaraan ng isang oras ng pagsasagot, nakaramdam ako ng kaunting gutom.
"Let's take a break?" suhestyon ko.
Tumango siya.
"Tara sa kusina," alok ko. "Kuha tayo ng snacks."
Tumayo rin siya at sinundan ako papasok ng dorm.
"Grey!" Narinig kong sambit ni Amber pagbaba namin ng hagdan. "Ano nga ulit mandarin ng 'putangina mo'?"
"Wángbā dàn," sagot ni Grey.
Mabilis ang paglingo'ng ginawa ko kay Kuya. "Grey!"
"What?" He had his legs crossed over an armrest of a chair as he continued to flip through pages of his book. "She asked."
"No, Amber-" Nakakunot ang aking noo nang tignan si Amber. "Huwag mong sabihin 'yan."
"Grey, bro! Bilis! Japanese na pangsagot!" sigaw ni Zack.
"Kutabare," mahinahong sabi ni Grey at tila hindi pa kuntento, bumulong siya, "Ya... ri... man..."
"I'm-" Nag-aalangan ang aking mga mata nang lingunin si Henri. "I'm really sorry-"
"Todos!" biglang tawag ni Vance. "Cierren sus putos hocicos!"
"Tumahimik na nga kayo!" sigaw ko na may kasamang paglagapak ng kulog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro