Deadly Relief
Zack's POV
Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos biglang manakit ng paa ko. Pero agad din akong bumagsak sa higaan nang sumakit ang buong katawan ko.
Bahagya akong napaangat ng likod dahil sa libo-libong pako na pakiramdam ko'y minartilyo sa bawat buto ko. "Puta-" Namilipit ako sa matinding hapdi sa may paa ko. Humugot ako ng malalim na hininga saka napayuko para tignan si Ash na may dinadampi-dampi na bulak sa malapad na gasgas sa gilid ng aking binti.
"Bro naman!" Namaos ang boses ko. Nalasahan ko rin ang pait ng pinaghalong dugo at asido sa lalamunan ko. "Pwede bang dahan-dahan lang?! Nagising mo na'ko, eh!"
"Sorry." Pumaskil ang isang nag-aalanganing ngiti sa kanyang labi. "This is the best I can do."
Bumigat ang ulo ko sa unan. Pumikit ako at inalala ang mga huling sandali bago ako nawalan ng malay.
"Yung hunstmen..." bulong ko.
"Reign finished them off," sagot ni Ash.
Mabagal akong napabuga ng hangin, dala ng matinding pagod kahit kagigising ko lang. Namimigat pa rin ang katawan ko, at yung likod ko...
"Your wings are starting to grow back." Nabasa ata ni Ash ang pagsilip ko sa likod ng isang balikat ko. "Don't worry about it."
Muli akong napabuntong-hininga sa sinabi niya.
Ilang sandali pa'y napatingin ako sa kabuuan ng kwartong kinaroroonan ko.
"Teka." May napagtanto ako. "Nasa Taiwan ba tayo?"
"Mmm." Ibinaba ni Ash ang bulak sa isang tray na nakapalagay malapit sa paanan ko. Ngayon ko lang napansin ito, pati na rin ang mga gamit na nakapatong dito.
Sabi ko na nga ba, nasa apartment kami ngayon ni Tito Trev. Dito rin kasi kami nanirahan ni Papa nung sinama niya ako sa tatlong araw na business trip nila.
"Lower your voice, Zack." Bigla kong narinig ang boses ni Grey mula sa ibaba. "Someone is trying to sleep."
Maingat kong inangat ang sarili ko. Itinukod ko ang aking siko sa sa higaan sabay hilig sa tabi.
Nakita ko si Grey na nakahiga sa nakalatag na foam sa sahig.
"Bro..." sambit ko nang mapansin ang balat niya na namamantsahan ng gamot.
Ginawa niyang kumot ang kanyang puting kapa nang hilahin niya ito paangat sa kanyang leeg at tumagilid ng higa, pataliwas sa'kin.
Akala ko nakasuot siya ng puting t-shirt. 'Yon pala, nakabalot sa makapal na bandage ang kanyang dibdib at isang balikat niya.
Dahil dito, napatingin din ako sa sarili ko at nalamang wala na rin akong saplot sa itaas dahil nakadamit na ako ng bandage na may kaunting bahid ng dugo mula sa mga sugat sa ilalim nito.
Kasunod kong tinignan si Ash nang kumikislap ang mga mata.
"Bro..." namamangha kong bulong.
Siya ang may gawa ng lahat ng 'to?
"What?" aniya.
Nananakit man, binuksan ko ang bisig ko para sa kanya. "Payakap, 'tol." Sinenyasan ko siyang lumapit sa'kin. "Dali."
Ngumisi siya habang nakatuon pa rin sa sugat ko. Umiling siya nang nagpipigil ng ngiti.
Ibinaba ko naman ang mga braso ko at mahinang natawa. Napailing din ako sa kinahinatnan namin. "Gago 'tol, ang sarap magising na sumasakit yung buong katawan ko." Nabuhay ang aking mukha. "Para akong pinanganak ulit, alam mo 'yon?"
"No, Zack." Binigyan niya ako ng nakakagaan na ngiti. "I'm not a descendant of Ares."
"Pero puta-" Mahina akong napahataw sa higaan. "Yung mga huntsman na nakalaban natin- Bro, what the fuck?" Nanghinayang ang boses ko, ngayong tapos na ang laban. "Alam mo ba? Hindi mo alam." Sinagot ko lang ang sarili kong tanong. "Naluha ako sa tuwa-"
Biglang lumabas si Henri mula sa CR. Kabibihis lang niya at may nakapatong pa na tuwalya sa kanyang ulo. Hindi niya kami binigyang-pansin nang tuyuin niya ang kanyang tenga at pagkatapos, ang kanyang buhok.
"Si Vance?" tanong ko. "Nasa'n?"
"Resting on the sofa." Si Ash ang sumagot. "It was too painful for him to move."
"Nice," puna ko.
Bella's POV
Sorry, hehe.
'Don't do that again, Bella.'
"Sorry na nga," bulong ko habang nakaupo sa dining table at umiinom ng black tea. "Di ko naman alam na matatagalan pala ako sa paggising, ih."
Pinagtimpla ako ni Reign pagkasabi ko sa kanya na nanunuyo ang lalamunan ko. Sayang nga kasi umasa pa naman akong kukuryentehin niya ako nung dinala niya ako dito sa mesa at pinaupo.
'You left me.'
Luh, di kaya.
'You did.'
Eh, diba kasama mo naman si Zack nung iniwan kita?
'Bella!'
Maingay akong napabuntong-hininga.
Oo na! Galit ka sa'kin, alam ko. Pero ginawa ko lang naman yung tama kaya-
'And since when did you start healing others?'
Nung ano...
Napakisap-kisap ako.
Ayun. Yung kagabi... hehehe-
'No, Bella, I'm asking you, why? Why did you do it?'
Napapadyak ako sa kinauupuan ko.
Ang daming tanong. Nakakainis!
'Why?'
Binaba ko ang tasa sa mesa at magaang ipinatong ang noo ko sa mainit na gilid nito.
"Kasi..." Pumikit ako. "Kasi sabi mo hindi ko siya pwedeng patayin kaya-"
'But I didn't ask you to heal him-'
"Aba, malay ko rin!" pabulong kong sigaw. "Anong gagawin ko kung hindi ako papatay? Eh, di bubuhay nalang para mapatay ko ulit!"
Sa wakas ay nanahimik na rin si Isa, kaya dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at nakita si Paige na nakatayo sa tapat ko nang nakakunot ang noo.
"Who were you talking to?" tanong niya.
"Wala..." malumbay kong sagot. "Sarili ko lang."
"You sounded bothered." Tumungo siya sa counters at isa-isang binuksan ang cabinets, tila may hinahanap.
Sumayad ang aking paningin sa gitna ng mesa. "Miss ko na si Spooky..."
Nakatulala ako rito habang pinapakinggan si Paige na naghahalungkat. "Bella, have you seen a pair of kitchen scissors?"
Umiling ako.
"Then a knife should be sharp enough."
Hinatid ko ng tingin si Paige na umalis ng dining area at bumalik sa kwarto kung saan nila ginagamot ni Reign si Amber.
Hindi ko alam kung pang-ilang beses na, pero nagpakawala na naman ako ng isang malalim na buntong-hininga.
Sabi ni Daddy, wag daw akong mag-alala na gawin ang ikakasaya ko sa tuwing nalulungkot ako kaya...
Tumayo ako at lumapit kay Vance na nagpapahinga. Nakapatong ang isang kamay niya sa kanyang tiyan habang yung isa naman ay nakahimlay sa dulo ng sofa.
Umupo ako sa sahig, malapit sa kamay niya.
Mapait pa rin ang ekspresyon ko sa mukha nang dahan-dahan kong inilabas mula sa aking bulsa ang isang gunting.
Sumandal ako sa dulo ng upuan at hinaplos-haplos ang kamay ni Vance. Sinagi ko ang talim ng gunting sa ibabaw ng bawat daliri niya, at saka huminto sa kanyang hintuturo.
Kumawag-kawag ang aking labi nang pumagitna ang kanyang daliri sa gunting.
Mabagal ko itong sinara, ngunit bago ko pa tuluyang maputol ang daliri ni Vance, narinig ko ang pagbukas ng pinto sa likod ko kaya agad kong binaba ang kamay ko at nilingon si Zack na kalalabas lang ng kwarto.
"Ah- haha-" Nagpakawala ako ng naaasiwang tawa. "Ano kasi-"
"Tumayo ka diyan," tugon niya. "May pupuntahan tayo."
"Huh?" Nagtaka ako. "Saan?"
"Basta."
Tinulak ko patago sa ilalim ng sofa yung gunting bago tumayo.
Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Lumabas kami ng apartment at pumasok sa elevator. Nakita kong pinindot niya yung button para sa ground floor kaya di ko naiwasang magtanong ulit.
"Sa'n tayo pupunta?"
Nakapamulsa lang siya habang nakatalikod sa'kin.
"Zack naman, ih!" Tinabihan ko siya pagkalabas namin ng elevator. "Okie na ako du'n sa taas! Di ko na kailangang mamasyal! Tapos-" Binilisan ko ang mga hakbang ko para makasabay ako sa kanya. "Tapos sobrang pagod pa ng katawan ko!"
Kung sinabi niya na kikidnapin niya ako, eh di sasama ako! Pero alam ko namang hindi niya magagawa yun, eh, kaya naisip kong baka gusto lang niya talaga akong ipasyal-
Napatigil ako pagkatapos makita ang entrada ng isang malawak na sementeryo.
Umikot-ikot ako sa kinatatayuan ko at nalamang sa likod ng malaking apartment complex ay may maliit na gubat kung saan naroon ang sementeryo.
Napakurap-kurap ako, at nagmamadaling sinundan si Zack papasok dito.
Inikot ko ang aking paningin habang naglalakad.
Mayamaya'y lumiwanag ang aking mukha. "Magpapalibing ka ulit nang buhay?!"
"Mamaya na yan pag nakabalik na tayo sa Academy," sagot niya na ikinabigat ng damdamin ko, dahil nasira na naman ang inasahan ko. "May gusto lang akong tignan."
Dumating kami sa makulimlim na bahagi ng sementeryo.
Nakatingin lang ako sa likod ni Zack nang palihim kong sinummon ang madilim kong katana.
Kapag ba... pinatay ko siya sa sementeryo, ibig sabihin, di ko na kailangang ilipat sa ibang lugar yung katawan niya.
"Ibaba mo nga 'yan. Nandito na tayo."
Binaba ko ang katana ko bago ito umabot sa kanyang leeg.
Napapadyak ako sa inis at umaksyong hahatawin siya sa ulo gamit ang puluhan ng katana.
"Tignan mo," aniya.
Tumigil kami sa tapat ng isang malalim na hukay sa lupa. Bahagya kong sinilip ang butas.
"Wala," nababagot kong sabi. "Wala akong nakikitang bangkay."
"Nabalitaan ko na may natagpuang bangkay ng magnanakaw diyan," pagbibigay-alam niya. "Nahulog yung katawan niya bago siya tuluyang nakapagnakaw sa libingan na nasa ilalim ng hukay na 'yan."
"Tapos?" usisa ko.
Sinenyasan niya akong wag mag-ingay.
Ilang segundo kaming nagtitigan, hanggang sa makarinig ako ng mahihinang kaluskos.
"Kinutuban nga naman akong may maaabutan pa tayong mga magnanakaw dito." Nginitian niya ako bago ibigay sa'kin ang gunting na gagamitin ko sana para sa daliri ni Vance.
Kinuha ko ito mula sa kamay niya. Pagkatapos, inangat ko ang aking tingin sa kanya nang naluluha ang mga mata.
"Dapat mo silang ubusin bago sumikat yung araw, kuha mo?"
Nagagalak akong tumango.
"Sige," paalam niya. "Bumalik ka agad pagkatapos mong magpahangin. Nag-iibang tao ka kasi pag nasasakal, eh."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro