Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Born Ready

Reign's POV

Pinihit-pihit ko sa aking kamay ang espada habang mabagal na humahakbang paikot, hinihintay na may isa sa dalawa ng mga kapatid ko ang gagalaw.

Tinignan ko si Celeste, ang pinakabunso namin, na bahagyang nakayuko ang ulo habang nakaangat naman ang tingin sa'kin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa puluhan ng dagger.

She's way younger than me but I could already sense her strength by the way she holds her weapon.

Nahagilap ng aking mga mata ang pag-ikot ni Kuya Gab sa kinatatayuan niya dahilan na yumuko ako. Dumiin ang paa ko sa lupa nang ipihit ko ito paharap sa kanya habang nakaunat ang aking kabilang binti para sipain siya sa tagiliran.

Ngunit hindi ko siya nagawang tamaan dahil kay Celeste na lumundag sa kinatatayuan ko. She grabbed me by the waist with her small arms and tackled me to the ground.

Nabitawan ko ang sandata ko nang pigilan ko ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo. 

Itutulak ko na sana siya nang isang paa ang malakas na sumipa sa kanyang sikmura. Tumilapon si Celeste pero nagawa naman niyang lambutin ang kanyang pagbagsak sa lupa sa pamamagitan ng paggulong.

"Kuya!" Mabilis akong tumagilid at tumaob para iwasan ang espada niya na akmang sasaksak sa aking dibdib.

Dinampot ko ang espada ko bago itukod ang aking mga kamay sa lupa. Sa sandaling nakatayo ako, narinig ko ang malakas niyang paghatak ng espada mula sa pagkakabaon sa tabi ko.

"Celeste-" Nilingon ko si Celeste pero agad din akong napatigil nang makita ang isang kutsilyo na lumilipad sa direksyon ko.

Kusang gumalaw ang aking kamay at gamit ang blade ng espada, tinabig ko ito sa direksyon ni Kuya.

Nakita ko kung paano niya ito sundan ng tingin at pasimpleng inatras ang isang paa niya sabay hilig nang kaunti para umilag.

May napansin ako kaya iniyuko ko ang aking ulo saka tinignan ang buhok kong nakabagsak na sa aking balikat.

"Alright," sambit ko. "Who cut my hair band?"

"You mean this?" Itinaas ni Kuya ang kamay niya para ipakita sa'kin ang isang putol na panali.

"Kuya naman, eh!" reklamo ko. "Kulang na nga yung pinamili ni mama para sa'kin!"

Narinig namin ang mabibilis na yabag ng mga paang papalapit sa'min.

Sabay kaming lumingon kay Celeste, and to our surprise, nakapalipot na ang kanyang mga kamay sa hawakan ng isang espada.

Nasilayan ko kung paano umangat ang isang sulok ng labi niya nang ilunsad niya ang kanyang sarili sa direksyon namin.

Nakarinig kami ng maliit na pagsabog, at nag-iwan siya ng mababaw na butas sa kanyang paanan, palatandaan kung gaano kalakas ang pwersa ng pagtulak niya ng kanyang sariling bigat.

Tumingala kami ni Kuya at naghandang salubungin siya.

Kaso, bigla siyang naglaho sa aming paningin.

Mabilis ang paglingo'ng ginawa ko kay Kuya pagkatapos kong marinig ang sigaw ni Celeste sa may dako niya.

Sure enough, lumitaw si Celeste at habang nasa ere pa ay ipinahilig patuwid ang espada nito kay Kuya Gab na napakapit sa sandata niya gamit ang dalawang kamay.

Mabilis ding umangat ang mga braso ni Kuya. Buong lakas niyang itinaas ang kanyang espada saka hinatak ito patagilid upang sanggain ang espada ni Celeste.

Dumausdos nang kaunti ang isang paa niya dahil sa malakas na pagtama nila sa isa't isa. 

"Nice one, Celeste," puna pa niya.

Ilang sandali silang nagtugisan ng pwersa, hanggang sa mapasigaw si Kuya at sapilitang iginiya ang blade ni Celeste pababa.

Gumulong si Celeste sa lupa at huminto nang nakaluhod ang isang tuhod at nakatukod ang isang palad sa lupa, habang hawak-hawak pa rin ang espada sa kamay niya.

Ako na naman ang napaatras nang sumugod siya sa direksyon ko.

Umikot ako at dinama ang pagdaplis ng blade sa bandang tagiliran ng damit ko. 

She's fast.

Hindi ko naiwasang mapangiti.

I used my stabled foot to spin around again and was about to hit the back of her head with the width of the blade when-

"Stop."

Otomatikong tumigil sa paggalaw ang buong katawan ko.

I snickered and gave her a knowing glance. "Ginamit mo yung ability mo. Out ka na."

"No." Umiling siya. "Mom's here."

"Trev!"

Ibinaba ko ang aking kamay at nilingon si Mama na patakbong naglalakad sa open hallway sa gilid ng bahay. Meanwhile, Dad just looked at her with arms against his chest.

"Ang sabi ko bantayan mo lang yung mga bata!"

"Did you?" tanong ni Dad sa kanya.

"Nous ne sommes plus des enfants, Ma!" sabi naman ni Kuya habang winawagayway ang espada sa kamay niya. 

'We're not children anymore, Ma!'

Nilingon kami ni Mama nang namumuyat ang mga mata saka napabuntong-hininga. Ngunit mabilis ding nagkabuhay ang kanyang mukha pagkatapos makita si Celeste.

"Celeste?!"

Binitawan ni Celeste ang espada niya saka tumakbo sa kinaroroonan nila.

"Celeste-" muling sambit ni Mama pero madaling nakapagtago si Celeste sa likod ni Dad sabay kapit sa dulo ng polo nito.

"Sorry, Ma," tugon ko. "We tried to stop her, pero gusto niya talagang sumali."

Ilang segundo niyang ipinikit ang kanyang mga mata at sa kanyang pagmulat, namuo ang isang naninimpatyang ngiti sa labi niya.

"Mmm." She looked back at us with a gentle expression, and she spoke with an even gentler tone. "Gabriel, Skyreign." Sinenyasan niya kaming pumasok sa bahay. "Kararating lang ng mga sulat at gamit niyo."

Lumapit kami ni Kuya sa kanila.

Yumuko si Dad upang buhatin si Celeste at nanguna sa paglalakad.

Nang makarating ako sa tabi ni Mama, naramdaman ko ang marahang paghawak niya sa aking balikat.

She gave me a gentle squeeze. "May hair bands ka pa ba?"

"Don't worry, Ma," sagot ko. "I still have some left for until school, tapos pwede na akong bumili ng isa pang daang piraso pagkarating ko doon."

Narinig ko ang mahina niyang tawa na agad din namang naputol dahil kay Kuya na pumagitna sa'min.

"Ma!" sigaw niya, na para bang sobrang layo nito sa kanya. "Did you see me fight? Because Dad certainly did."

Umiling si Mama.

"But Mama-" Tuluyan na ngang inilayo ni Kuya si Mama sa'kin at nagsimulang ikuwento rito ang nangyaring labanan, as if naman ikakatuwa nga ng isang ina ang marinig na nagpapatayan yung mga anak niya.

"And Celeste was fast. Way faster than before..." Narinig ko pang sabi ni Kuya dahilan na mapatingin ako sa batang babae na nakayapos ang mga braso sa leeg ni Dad.

Inangat niya ang kanyang ulo nang mapansin akong nakatuon sa kanya.

Ngumiti ako at kinindatan siya.

Kumurap-kurap lang siya bilang ganti saka muling isinubsob ang kanyang ulo sa balikat ni Dad.

Sabay kaming pumasok ng bahay at dumiretso sa gitna ng sala kung saan may dalawang malalaking maroon boxes ang nakapatong sa coffee table. Mayroon ding tig-iisang sulat at ballpen sa ibabaw ng mga ito na agad naming kinuha ni Kuya.

Binuksan ko ang sulat na may nakaprintang pangalan ko.

'To Ms. Skyreign Young-Austria,

Congratulations for reaching the sixth out of twelve levels of last year's evaluations. Because of this, Olympus Academy is welcoming you to another school year as a senior student of the Omega Class.

All previous students are expected to arrive in the Academy three days from now. Please see the contents in the box to check if there are mistakes or errors among the necessities provided by the school.

Included are: two pairs of complete uniforms, one pair of school shoes, books, three Academy notebooks, a few school supplies and lastly, a map and brochure of the school.

Please contact us if you prefer to have a private car fetch you three days from now.'

Gumuhit ang isang malambot na ngiti sa aking labi.

Olympus Academy, the first and only school to house demigods and mythological creatures is opening its doors to remind us where we belong again.

Dumako ang aking mga mata sa pinakaibabang bahagi ng sulat.

'To confirm your attendance, kindly sign above the line.'

Ipinatong ko ang sulat sa takip ng box upang makapirma nang maayos.

Sa sandaling humiwalay ang dulo ng pen sa papel, nakita ko ang pagliyab ng isang sulok ng sulat. Inangat ko ito, at minasdan kung paano kainin ng apoy ang kabuuan nito hanggang sa wala nang natira, kahit abo.

Nilingon ko si Kuya na umayos sa pagkakatayo. Nakapamulsa siya at namuo ang isang nananabik na ngiti sa labi niya nang pakawalan ang sulat sa harap niya bago ito tuluyang naglaho.

"You're only allowed to rest within the next three days," seryosong sabi ni Dad. "Do nothing but rest and prepare."

"Huh?" Nakapameywang si Mama nang tignan siya. "Eh diba may lakad tayo bukas? Sa zoo? Kasi gustong makasama ni Celeste yung kuya't ate niya bago sila umalis?"

"Oh," ani Dad sabay tingin sa malayo. "Right."

Matagal-tagal akong napatitig sa kanila.

Abigail Young and Sky Dios Austria.

Kahit anong layo ng Academy sa kanila, mananatili pa rin ang presensya nila roon. Hindi lang dahil mga Alumni sila ng eskwelahan, kundi dahil bahagi rin sila sa labindalawang demigods na silang nagpatatag ng Academy pagkatapos nitong mawasak, kasama ang buong mundo.

That's right. The two of them are known for having saved the realms. They fought against monsters, gods, titans, and even Chaos, the first being to ever exist in the universe.

A glorious feat that led me here, wondering how will I ever rise up to become as strong and brave as them.

Humugot ako ng malalim na hininga at pinakawalan ito.

Marahan akong siniko ni Kuya kaya napalingon ako sa kanya.

Humilig siya nang kaunti papalapit sa'kin. "I don't suppose you're trying to come up with ways to surpass our parents, are you?" nanunukso niyang bulong.

Pabiro ko siyang inirapan. "I can never."

"And they'd still be proud," pagtatapos niya.

Sumingkit ang aking mga mata. "Mmm."

Muli akong siniko ni Kuya. This time, mas nilakasan niya ang pagtulak sa'kin.

"Maman! Papa!" tawag niya. "Reign says you're not proud of her!"

Nanlaki ang aking mga mata. "H-Hindi!" Umiling-iling ako. "Di 'yan totoo-"

"Oh, no, she said it."

Kinuyom ko ang aking palad. "Kuya!"

"She also said-"

Bago pa niya maituloy ang sasabihin niya, mabilis na nagtipon ang hangin sa aking kamao. Itinulak ko ang malakas na hangin sa direksyon niya dahilan na tumilapon siya at tumama sa pader.

Narinig ko ang mahinang tili ni Mama na napatakbo para tulungan siya.

Malalalim ang bawat hugot ko ng hangin dala ng matinding inis sa sarili kong kapatid. Humigpit pa lalo ang pagkakakuyom ng aking kamao habang nakamasid sa kanila dahil nagawa pa ni Kuya na tumawa pagkatapos tumayo.

Nakakunot ang aking noo nang lingunin si Dad na napaangat ng isang sulok ng labi.

Dahil sa reaksyon niya, unti-unti kong nahinuha ang nagawa ko.

Napasinghap ako.

"Kuya Gab!" Tumakbo ako sa kanya. "Sorry!"

"I'm fine-"

"Ikaw naman kasi, eh!" Marahas ko siyang tinulak na may kasamang kaunting kapangyarihan dahilan na lumipad siya sa kabilang pader na naman. 

"Skyreign!" ani Mama.

Pagkatapos, nilingon ko si Dad na nakasuot na ng isang pilyong ngiti habang nakatuon sa'kin. 

Napansin ito ni Mama kaya nabaling ang galit niya. "Trev!"

Kumisap-kisap ako kay Kuya na pinasadahan ako ng nagbabantang tingin. Sa kamay niya, namuo ang isang mahabang piraso ng basag na salamin.

Umatras ang isang paa niya sabay unat ng kamay niyang may hawak ng patalim.

"M-Ma-" sambit ko.

Umikot si Mama. Agad nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang salamin na ipinadala ni Kuya sa gawi ko.

Humakbang siya sa pagitan namin at itinaas ang kamay niya. Nakita ko nang pangmalapitan kung paano huminto ang patalim sa unang dapo ng dulo nito sa palad niya. Itinabig niya ang kanyang kamay, saka nabasag sa maliliit na piraso ang salamin.

"Alright." Inayos ni Dad ang pagkakakarga niya kay Celeste. "The both of you, apologize to your mom-"

Sa laking gulat namin, pinadalhan din siya ni Mama ng matulis na salamin.

Walang ipinagbago ang blankong ekspresyon nina Dad at Celeste nang gamitin ni Dad ang kapangyarihan niyang kontrolin ang hangin para itungo ito sa ibang direksyon.

"Kayong lahat." Nangangalit na sabi ni Mama. "Sa dining room na para kumain."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro