Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Black Market

Reign's POV

"Reign!" Patakbo akong sinalubong ng isang nag-aalalang Amber pagkapasok ko sa kusina.

"Okay ka lang?!" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Ba't buong weekend di ka lumabas ng kwarto mo-" Napasinghap siya sabay turo kay Grey na nagluluto. "Ideya talaga 'yon ni Grey! Gagong 'to- siya pa nga naghanap ng markers sa clinic, eh!"

Napabuntong-hininga lang ako bilang sagot saka tumabi kay Paige na kumakain sa counter.

"Good morning," bati niya sa'kin habang umiinom ng kape at nagbabasa ng libro. "Do you feel good, now?"

"I spent my weekend with Mom in my room," pagbibigay-alam ko sa kanya. "I think I'm good."

"Hello, Reign," bati rin ni Ash sa'kin pagkatapos ubusin ang juice na nasa kamay niya. Inilapag niya ito sa tabi ng lababo kasama ang iilang mga plato at nagsimulang maghugas. "Stop by the clinic after class so we can look at your wounds."

Madahan akong nakapangalumbaba sa counter at minasdan si Ash. "Okay..."

Pagkaraan ng isa't kalahating minuto ng panonood kay Ash, bigla akong may naalala.

"Ah, oo nga pala." Nilingon ko si Paige. "Paige, may update na ba sa huntsmen?"

"Our troops are actually sustaining." Ibinaba niya ang kanyang tasa sa counter at naglipat ng pahina sa libro. "They're doing good in fact that the founders are planning to launch an attack on another of their bigger facilities if they have done enough damage."

"The huntsmen are divided. It seems like their leaders are still thinking what to do in response of our strategy," dagdag pa niya. "Their rate of hunting mythological creatures has lowered, only a bit, but it still is a difference."

"But they know they don't have much time," sabi ko. "They'll eventually come up with a response."

Paige took a light sip of her coffee and cleared her throat. "The rest of the Alphas are leaving this noon in preparation of the planned attack on their big facilities." Sinulyapan niya ako mula sa sulok ng kanyang mga mata. "All of them are joining the battle."

Dahan-dahang bumaba ang aking paningin sa counter. "Ibig sabihin class nalang natin ang hindi pa nakakasali sa digmaan..."

Naglapag ng isang plato ng hash browns, sausage at eggs si Grey sa aking harapan. Pati na rin isang baso ng malamig na tubig.

"Ne parle pas de la guerre à table," he pleaded. "Sérieusement, ça me fait mal aux oreilles."

'Don't talk about war at the table. Seriously, it hurts my ears.'

"Je suis désolé, mon frère." Nginitian ko siya. "Mais il est important."

'I'm sorry, brother, but it is important.'

"Not in front of my food, Reign." Tinanggal niya ang apron na suot niya. "S'il vous plaît."

'Please.'

"Fine," sagot ko at nagsimulang kumain.

Bago pa siya tuluyang umalis, ginulo niya ang nakaayos ko nang buhok. "On se voit en classe."

'See you in class.'

Imbes na mainis sa ginawa niya ay sinundan ko lang siya ng tingin. "Grey!" tawag ko sa kanya. "Sa'n ka pupunta?"

"D'arroser les fleurs!" Kinawayan niya ako.

'To water the flowers!'

Bumalik ako sa pagkain at ngayong wala na si Grey, muli akong nakipag-usap kay Paige tungkol sa digmaan.

"Does the school have a plan to deploy our members?" tanong ko.

Matagal-tagal na nakasagot si Paige. Sa katagalan nito, napainom ako ng tubig.

"Not that I know of," aniya. "I also haven't heard anything."

Tumang-tango ako at ibinalik sa counter ang baso. "That's good, then," puna ko habang hinihiwa ang itlog sa plato ko. "Let's hope the huntsmen break under the pressure of our allies."

"Ang boring naman kung gano'n," ani Zack sabay abot ng plato kay Ash na hindi pa tapos sa paghuhugas. 

"Thanks, bro- teka." Bigla siyang napatigil. "Diba dapat si Amber ang tagahugas ng pinggan ngayong linggo?"

"Bye, guys!" Narinig naming paalam ni Amber. "Nasa mechanical room lang ako!"

Sinamaan ng tingin ni Zack si Amber bago napailing at dumako sa ref. Mula rito, naglabas siya ng isang plastic tray ng mixed berries.

Walang-ingat niya itong inilapag sa harapan namin kaya dali-dali akong napahawak dito bago ito dumausdos at mahulog mula sa counter.

"Zack!" Pinulot ko ang iilang berries na gumulong.

Kumuha rin si Zack ng berries sabay tukod ng kanyang mga siko sa kabilang dako ng counter. "Sinasabi ko sa inyo, ipapadala tayo sa digmaan."

Nagkasalubong ang aking kilay. "Bakit naman?"

"Dahil kung hindi ako ipapadala sa digmaan, Reign," sagot niya. "Ako ang magpapadala sa sarili ko."

"Tama ba ako, Bella?" tanong niya at hindi binalingan si Bella na biglang lumitaw sa kabilang gilid ko.

"Pahingi," aniya, kaya tinulak ko sa kanya ang plastic tray.

"If you really want to fight that badly, may PE naman tayo," suhestyon ko. "Semideus, tsaka Auraic Studies."

"Di namin gustong lumaban, Reign." Hinila ni Zack ang tray. "Gusto naming pumatay."

I threw him an exhausted look. "Well, I don't want that to happen," sabi ko sa kanya. "Kung gusto niyong pumatay, may gusto ring pumatay sa inyo."

"Pero, Reign..." ani Bella. "Bumubulok na yung koleksyon ko, ih. Natutunaw na yung mga mata-"

"Bella." Nagbabantang tawag ni Paige sa kanya. "We're in the kitchen."

"Ibig kong sabihin, nasisira na yung toys ko," nakanguso niyang tugon. "Tapos ang mamahal pa ng mga paninda sa black market-"

"Wait." Pinutol ko ang sasabihin niya. "Black Market?" tanong ko. "May black market talaga tayo rito sa school?"

"Mmm." Tumango-tango siya. "Nasa underground ng village."

Nilingon ko si Paige. "Paige?"

"I heard about it but I didn't bother to find out if it's real or not," aniya. "It's where students can buy potions, ingredients for experimentations, spells..."

Tapos, tinignan ko si Ash. "Ash? Nakapunta ka na sa black market?"

"Just once," sagot niya. "Dad asked me to buy a few herbs."

Lumiwanag ang aking mga mata. "It's real?!"

All I heard are just stories about the Academy having a black market, because like Paige, I never bothered to visit it. I was too busy living life on the earth's surface. Not under it.

It is said that two of the founders, Trev, my dad, and Cal, Bella's dad, who are both descendants of Hades started the black market to cater to students who also belong to the Underworld, and are in need of essentials that can only be found in the Underworld.

The black market also sell products that could be considered illegal in all the realms but fully legal in the Underworld.

Ito rin ang dahilan kung bakit bihira lang ang mga misyon ng mga estudyante sa Underworld dahil available naman sa Academy ang karamihan ng mga resources mula sa kinailalimang realm.

The school officials know about this, of course, even the council of Elders, but they're not in the position to stop our dads because before they could, our dads sneakily asked the god, Hades, to claim the ground under the valley as his territory.

And the god was glad to sign a contract to make it official.

So technically, the black market is already a part of the Underworld, kahit malayo pa ito sa actual realm. Walang authority ang school at ang council dito, kundi si Hades lang na siyang hari ng Underworld.

Dinig ko kaya rin ito ginawa nina Dad ay dahil sa panahon ng rebellion. Karamihan kasi sa deities na nag-rebelde ay galing sa Underworld, at may iba ring students na mabilis na kumampi sa deities nila.

Gustong ipadama nina Dad at Tito Cal sa students, lalong-lalo na yung mga may dugong Underworld, na open ang Academy sa kung anong klaseng demigod sila, at maaari nila itong maging tahanan.

Hindi naman talaga pwedeng maliwanag lang ang mundo ng Academy. Dahil paano na ang mga estudyanteng mas komportable sa kadiliman?

Olympus Academy is home to all kinds of demigods, and the black market serves as proof.

"Paige!" nananabik kong sambit. "Punta tayo sa black market pagkatapos ng last subject!"

• • •

Kusang nahulog ang corndog ko pagkatapos bumungad sa'kin ang isang masiglang komunidad sa ilalim ng lupa.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar.

There were a lot of torches but there were also night lights hanging on wires above the streets, connected to the hundreds of stalls selling different kinds of products.

Nakakalat ang iilang mga babae na nakasuot ng mahahaba at maiitim na chiton. Lumulutang lang sila, hindi naglalakad, at mayroon ding bilang sa kanila na lumilipad nang walang pakpak.

Bawat isa sa kanila'y may dalang boxes, crates at mga produkto. May iba rin sa kanila na nagtitinda sa likod ng nakahanay na stalls.

"Are those..." Napasinghap ko. "Lampads?!"

The Lampades or Lampads, are the Underworld nymphs that serve the Underworld deities, mainly Hecate and also Persephone.

Isang lampad ang dumaan sa harapan namin. May dala siyang vials at sa loob ng mga ito ay may neon green at purple mist.

Ibig sabihin, kung sa mundong ibabaw ay mayroong mga aurai ang Academy, dito naman sa ilalim, may lampads kami.

Napansin ko ang katahimikan ni Paige kaya nilingon ko siya at nakita siyang nanlalaki rin ang mga mata dulot ng matinding pagkamangha.

"Paige!" sigaw ko sa kanya dahilan na mabalik ang kanyang diwa.

"Let's explore," aniya saka iniwan ako.

Luminga-linga ako at nalamang nawala na rin si Bella, na siyang gumiya sa'min dito.

The entrance to the black market is hidden in the forest. We had to follow carved signs on the trees before we arrived in a rustic white and an ancient-looking temple.

It was not a temple for any deity, though, because it was too small. The temple only contained walls and a floor, where there was a square hole in the middle. It was the top of a staircase that leads underground.

On the bottom of the stairs, was a crooked corridor and by the end was a huge carving under the ground, the opening, to the black market.

Nagsimula na akong maglakad sa main street ata, dahil ito ang pinakamalawak na daan.

Sa totoo lang inasahan kong magiging sobrang dilim dito, at nakakatakot, pero hindi pala. Buhay na buhay ang komunidad sa ilalim ng Academy at may naririnig pa nga akong nagtatawanan mula sa malayo.

Nginitian ko ang isang grupo ng mga estudyante na nasa harap ng isang stall.

Halatang nabigla silang makita ako pero ilang sandali pa'y napangiti rin sila at nagagalak na iniyuko ang kanilang mga ulo.

Habang nagpapasyal, napansin ko ang isang stall na pinapalibutan ng maraming estudyante, kaya nakiusisa na rin ako.

Isang oval na salamin ang natagpuan ko. Sa loob ng salamin ay mayroong nakapikit na mukha na tila gawa sa usok.

"Five thousand to answer your question!" sigaw ng lampad na nasa likod nito.

Isang babaeng estudyante ang nag-abot ng limang libo.

"Alright, feel free," tugon ng lampad pagkatapos tanggapin ang pera.

"Enchanted mirror of the mist..." The student chanted and then excitedly asked, almost screaming, "Sino ba talagang magiging jowa ko?!"

Natawa ako nang mahina.

Pagkatapos, bumukas ang mga mata at bibig ng mukha na nasa loob ng salamin.

"Your soul is intertwined with a pure mortal whose origin is from another country," sagot nito. "But love you have already found under the shade of a plum tree, where you will also find him on one knee."

"Oh my Gods," sambit ng babae. "Nagpunta ako sa plum plantation sa England last summer vacation- sino?! Alin sa mga lalaki do'n-" Napasinghap siya. "Holy-"

Muli na naman akong natawa.

Somehow that magic mirror reminds of a certain fairytale...

Fortunately, someone also recognized it, because not long after, another student handed five one-thousand bills to the lampad.

"Enchanted mirror of the mist, who is the fairest of us all?" tanong niya, at humagikgik pa. "-in the Academy, of course."

Muli na namang nagising ang mukha sa salamin, upang magbitaw ng tatlong salita na ikinatigil ko.

"She, who reigns."

Napakurap-kurap ako at akmang aalis na nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Interesting."

Umikot-ikot ako sa kinatatayuan ko bago harapin si Henri na nakatayo sa likod ko. Nakapamulsa pa siya habang nakatuon sa salamin.

Hindi niya ginalaw ang kanyang ulo nang ilipat niya ang kanyang atensyon sa'kin.

"Interesting to have found you here."

"Bakit?" Nagkasalubong ang aking kilay. "Bawal ba ako dito?"

"No," sagot niya. "It's only the first time I'm seeing you in this place."

Ginantihan ko lang siya ng isang blankong tingin, saka umalis na.

Mayamaya'y napabuntong-hininga ako pagkatapos maramdamang hindi niya ako sinundan. 

Ilang minuto ang lumipas at natagpuan ko ang aking sarili na papasok sa nandidilim na bahagi ng market kung saan kaunti lang ang mga tao.

"Bella?" tawag ko kay Bella na mag-isang nakatayo sa harap ng madilim na stall.

Lumapit ako sa kanya at napatigil pagkatapos malaman kung anong tinitignan niya.

Nanlaki ang aking mga mata saka mabilisang umikot.

Nagmamadali akong lumabas ng bahaging ito ng market at napabuntong-hininga, nang salubungin na naman ako ng maraming katao sa main street.

Wala akong nakita.

"Reign."

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Paige.

Kusa akong napatingin sa brown paper bag na pinagkukunan niya ng kasalukuyan niyang kinakain.

"Ano 'yan?" usisa ko.

"Fried crickets," sagot niya. "They have exotic food."

Binigyan ko siya ng nandidiring tingin.

"It's a delicacy in Cambodia, Reign," aniya. "Stop judging."

Pagkatapos, matagal-tagal akong napatitig sa paper bag na nasa kamay niya. 

"Masarap?" Bahagya akong napasilip sa laman nito. "Anong lasa?"

Napatingin din si Paige dito. "It's deep-fried, crunchy, and seasoned."

"Can I have some?"

Inabot niya sa'kin ito at kumuha naman agad ako ng isang piraso. 

Eh, alam ko namang hindi ko ito makakain kapag tinignan ko pa ito kaya agad ko itong pinasok sa bunganga ko.

Sumingkit ang aking mga mata habang nginunguya ito.

It's nutty and slightly smoky, as if it was roasted... it also has a pleasant crunch and was perfectly seasoned with an umami taste...

"Wait," puna ko. "It's actually not that bad."

"Right?" Tumatango-tango si Paige. "It's a great source of protein."

"Sa'n mo nabili 'yan?" usisa ko. "Ipapakain ko kay Grey."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro