Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Anchors

Reign's POV

Yumuko ako sa tabi ng lawa at marahang dinama ang tubig gamit ang aking mga daliri.

"Tabi!" Narinig kong sigaw ni Zack kay Amber na nakasakay sa isang floatie. 

Ilang sandali pa'y napalingon ako pataliwas sa direksyon na tinalunan ni Zack. Napakurap-kurap ako sa kaunting tubig na tumalsik sa'kin bago tignan yung dalawa na naunang naligo.

"Gago ka talaga, Zack!" reklamo ni Amber na tinuyo ang lens ng shades niya. "Yung shades ko!"

Suminghap si Zack sa sandaling umangat ang kanyang ulo mula sa ilalim ng tubig. Isang mata lang ang binuksan niya nang tignan si Amber na naiiritang binalik ang shades nito at muling sumandal patihaya sa floatie na lumulutang sa gitna ng lawa.

"Reign." Pinunasan ni Zack ang kanyang mga mata, bago lingunin ako. "Ayaw mo pang magtampisaw?"

"Maybe later," sagot ko.

Kumibit balikat siya saka masiglang nag-dive sa tubig.

Dahil sa sobrang linaw ng tubig sa lawa, nagawa kong sundan ng tingin si Zack na lumangoy pailalim. Nakamasid lang ako sa kanya nang dahan-dahan akong umupo sa tabi ng lawa, nakababad ang kalahati ng mga binti sa tubig.

Pagkatapos, nilingon ko yung iba na nakaupo sa pinagtugping picnic blankets.

Nag-uusap sina Vance at Grey, habang sina Raphael at Ash naman ay abala sa paglagay ng mga palaman sa sandwiches nila.

Paige was reading as usual, and had her legs folded beside her when she stopped reading and from her book, looked back at me with a questioning look.

Binigyan ko siya ng isang magaang ngiti upang ipaalam sa kanya na walang ibang dahilan ang pagtingin ko sa kanila kundi ang kagustuhan ko lang na makita sila.

She's been giving me that 'are you okay' look more frequently now, when I should be the one who needs to ask her that after catching my brother come out of the house she's currently sleeping in. 

Dahil dito, hindi ko naiwasang matawa nang mahina, at napailing, bago harapin si Bella na katulad ko ay nakaupo rin sa kabilang dako ng lawa.

Mahina kong iginalaw-galaw ang aking mga paa nang masdan si Bella na kumikinang ang mga matang nakatuon sa tubig, tila nananabik.

"Bella," tawag ko dahilan na iangat niya ang kanyang tingin sa'kin.

Kumisap-kisap siya. "Hmm?"

Sinulyapan ko ang mga binti niyang nagsimula ring gumalaw. "Anong tinitignan mo?"

Nagpipigil siya ng hagikgik nang sagutin ako. "May hinihintay ako, ih."

Nahawa ako sa kanyang ngiti. "Ano?"

"Na malunod ako. Hihi."

Mabilis na tumuwid ang aking labi sa sinabi niya. Hindi pa nga ako sigurado kung tama nga ba ang narinig ko nang bigla siyang mahulog sa tubig na para bang may humila sa kanyang paa.

Matagal-tagal akong napatitig sa dating kinauupuan niya. "Bella?" nagtataka kong bulong sa sarili bago natauhan sa nangyari sa kanya. "Bella!" tawag ko sa babaeng lumubog sa ilalim ng lawa dahil sa malaking batong ngayon ko lang napansing nakatali pala sa isa niyang paa. 

Humigpit ang aking pagkakahawak sa lupa. Ilulunsad ko na sana ang sarili ko patungo sa tubig para sagipin si Bella nang mahagilap ng aking mga mata si Zack na matuling lumangoy pailalim.

Pinaningkitan ko silang dalawa na paliit nang paliit sa aking pananaw.

Sa kabutihang palad, nagawa ni Zack na habulin ang tali. Inabot niya ito, saka siya naglabas ng isang maliit na kutsilyo mula sa loob ng naka-zip niyang bulsa. Gamit ito, pinutol niya ang tali at hinayaang lumubog ang bato sa pinakailalim, kasama ang kutsilyong binitawan niya.

Nagpalitan kami ng tingin ni Amber na nakahawak sa nakaangat niyang shades. Pareho kaming napakurap-kurap, at muling tinignan sina Zack at Bella na kakaahon lang mula sa tubig.

"Puta- sa'n galing yung tali n'yan?!" tanong ni Amber. "Sabing wag niyong bigyan ng kung anu-ano, eh!"

Napahilamos si Zack habang si Bella naman ay luminga-linga nang natatakpan ng buhok ang buong mukha.

"Hangin?" Hinati ni Bella ang buhok sa harapan ng kanyang mga mata. "Eh? Mumu na ba-" Kasunod siyang tinulak ni Zack sa noo. "Aray!"

"Sabi ko mag life jacket ka!" ani Zack.

"Ayoko nga!" pagmamatigas ni Bella. "Pa'no ako maluluno-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil kay Amber na pinatalsikan siya ng tubig.

"Hoy!" galit nitong sambit. "Life jacket mo nga!"

Tumingala si Bella nang naiiyak at sumigaw, "Reeeign!"

Marahan akong natawa. "Marunong namang lumangoy si Bella, ah?"

Pinandilitan ako ni Zack.

"Kidding." Itinukod ko ang aking magkabilang palad sa lupa at humilig sa isang braso ko. "Bella, di ka pwedeng malunod," sabi ko sa kanya gamit ang nagsusumamong boses. "Pupunta pa tayo sa Tartarus."

Napalitan ng tunog ng pagbubula ang nagtatampong sigaw ni Bella nang ibaba niya ang kanyang bibig sa ilalim ng tubig.

"Snacks are ready!" anunsyo ni Grey.

Busog pa ako kaya napagdesisyunan kong tumuon muna sa nangangapos kong repleksyon sa lawa. Piniling ko ang aking ulo upang maiging mapagmasdan ang repleksyon din ng mga ulap na mahinang gumagalaw sa likod nung akin.

Napangiti ako sa sobrang lapit ng langit sa'kin, kung titignan sa tubig. Matagal-tagal akong napatitig dito, pinapahalaga ang bawat sandaling nadadama ko pa ang maamong simoy ng hangin ng Elysium, at namamasdan ang di-nakakasawang tanawin ng buong lugar. Lalo na't alam kong ang lugar na susunod naming pupuntahan ay ang kabaligtaran nito.

Pinaningkitan ko ang tubig.

Baka nga mas magtatagal pa kami do'n kesa dito, eh...

"Reign," tawag sa'kin ni Grey kaya napatingin ako sa kanila. "You're not thirsty?"

Sinulyapan ko ang glass pitcher ng lemongrass juice na nasa kamay niya.

"Mamaya," sabi ko. "Kakain din ako."

"Si vous le dites..." aniya. 'If you say so...'

"Merci," mahina kong sambit. 'Thank you.'

Mula kay Grey, unti-unting bumaba ang aking tingin, tila may malalim na pinag-iisipan. At kung meron man, panay na ang pag-iisip ko nito, dahil ilang beses nang kusang sumayad ang aking paningin sa araw na'to kahit blangkong-blangko naman ang isipan ko, hindi alam kung anong susunod na sasabihin, gagawin...

At sa kauna-unahang pagkakataon, pakiramdam ko walang direksyon ang buhay ko, sa sobrang daming direksyon na gusto kong patunguhan.

Muli akong humarap sa lawa.

Gusto kong bumalik sa mortal realms at tumulong sa digmaan ng Alphas, pero gusto ko ring puntahan ang bawat deity sa Underworld. Gusto kong manatili muna rito sa Elysium, pero gusto ko ring tumalon na agad sa Tartarus nang mailigtas na namin si Hedone at mas maaga kaming makauwi.

Humugot ako ng malalim na hininga bilang paghahanda sa kawalang-siguro ng landas na tatahakin namin.

The uncertainty of life is slowly overwhelming me. Pakiramdam ko lumuluwag ang kapit ko sa realidad at mabibilang lang ang mga angklang silang dahilan ko kung bakit nakalapat pa rin ang mga paa ko sa lupa.

Pero ayon nga, palagi ko namang pinapaalala sa sarili ko na di bale nang hindi ko alam kung aling landas ako patungo, basta may patutunguhan lang ako.

It was Dad who told me that, when he also told me about how Mom promised to be his anchor in life and in reality, when they exchanged their vows. He reminded me that life will always be full of uncertainties, and what matters is I'm able to find a certain thing, even just a single one, that will be my anchor in times that I feel like floating away from reality, or when I want to avoid the truth.

He said everyone needs an anchor, even the ones who strongly believe they are already firm on the ground, because you just never know what life will use to pull you away.

Paige did say I was an empire that will never fall...

Napayuko ako ng ulo habang ginagalaw ang mga paa ko sa ilalim ng tubig.

But she never said I was unshakeable.

Sino nga lang ba naman ako? Kundi isang tao lang na pwede pa ring magkabitak-bitak kahit hindi nababasag.

At this point of our mission, I will try my best not to crack but when I do, because it couldn't be helped, then I will make sure that I won't break.

Umusog ako paatras sabay angat ng aking mga paa upang makatayo na.

I wore a simple floral romper with a swimwear underneath, just in case gusto ko ngang maligo sa lawa. But until then, I am good for whatever outdoor activities we can do in Elysium including having a picnic.

Pinagpag ko ang likuran ng shorts ko saka umikot paharap sa nakalatag na mga pagkain sa blanket. Naroon na din sina Bella, Zack at Amber na mayroong mga tuwalyang nakasabit sa likod ng kanilang mga balikat.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa pagitan nina Vance at Paige.

"The fruits look good," puna ko sa basket na naglalaman ng mga sariwang prutas.

"I grabbed a pair from every tree in the orchard," sabi ni Raphael. "Please, help yourself."

I grabbed an orange and started peeling it. Surprisingly, the skin was easy to peel off, revealing vibrant pulps. Di ko pa nga ito natitikman at alam ko na agad na matamis ito dahil sa lambot at tingkad ng kulay nito.

"So, have you decided on which deity to visit first?" tanong ni Grey.

"Hecate," matipid kong sagot.

"Agad-agad?" ani Amber na nakaupo sa dulo ng blanket.

Paige and I exchanged knowing glances.

"We think Hecate's the best option among the deities if we don't want to waste time," paliwanag ko. "We can't afford to tour the Underworld while Hedone's stuck in Tartarus."

"If there's a chthonic deity that knows everything, it's her," dagdag ko pa. "Let's just hope she's not going to give us puzzles as answers." I ate a slice of the orange. "Alam niyo na naman kung gaano kalabo kausapin yung deities."

"At kung hindi pa rin namin maiintindihan ang sasabihin niya, eh di..." Napakibit-balikat ako. "Saka lang namin pupuntahan yung ibang deities."

Nodding his head, Raphael popped in his mouth a grape before turning to me.

"Fortunately for you, you don't have to go to her palace, which is as far as another continent," he informed after swallowing. "She's in Persephone's castle."

"Close pala sila?" usisa ni Amber.

"I guess you can say that," tugon ni Raphael. "Hecate was the goddess who carried a torch in her hand when she helped Demeter look for Persephone after Hades abducted her."

"She's serving her 100-year punishment under their watch," dugtong niya. "The Olympians also restricted her from using enchantments and dark magic until the next century."

"You think you can notify Persephone that we're coming over?" tugon ko kay Raphael.

Nginitian niya ako. "Of course."

"Thank you," sabi ko at muling kumain.

"You're welcome," nagagalak niyang sagot.

Nagpalit kami ni Paige ng humahangang tingin. Palihim na sana kaming mapapabuntong-hininga kung hindi kay Grey na biglang tumikhim kaya sabay kaming napalingon sa kanya.

"When are you going?" aniya.

"Tomorrow," sagot ko.

Masiglang tumayo si Raphael. "Anyone wanna go for a swim?" aya niya nang nananabik ang mga matang nakatuon sa kumikinang na tubig. "Because I do."

At habang nakatitig siya sa harapan, nakatitig naman kami sa kanya na isa-isang kinalas ang mga butones ng manipis at puting beach polo niya, hanggang sa hinatak niya ito palikod upang tanggalin.

"Tanginang balat naman 'yan bro, nakakasilaw!" puna ni Zack.

"Nakakabusog..." Narinig kong bulong ni Amber.

Samantalang, marahan akong napahawak sa isang sulok ng aking bibig habang nakatingala kay Raphael na kahuhubad lang. Napakamot ako, at patagong napalunok.

Tumayo si Vance at tinanggal na rin ang dati pa niyang nakabukas na polo. Tinapon niya ito sa kinauupuan niya at mahinang tinulak si Raphael para paunahin ito. 

Natawa ng mahina si Raph saka umalis kasama si Vance na napatanong sa kanya kung gaano kalamig ang tubig.

Di kalauna'y sumunod na rin yung ibang boys sa kanila, pati si Ash na sapilitang hinatak ni Zack. Malakas na hinila ni Zack si Ash at tinulak ito sa lawa ngunit nagawa nitong kumapit sa braso niya kaya sabay silang nahulog.

Napangiti ako sa maingay na pagbagsak nila sa tubig. Suot pa ni Ash ang damit niya at nadala naman ni Zack ang tuwalya niyang palutang-lutang na ngayon sa tubig. Kinuha ito ni Grey na siya ring nagbato nito pabalik sa lupa.

"Ayaw niyo pang maligo?" tanong ni Amber na nakayapos sa isang beach ball. Ipinatong niya ang kanyang panga rito at ngumuso. "Di naman gano'n kalamig, eh."

I turned to the crystalline lake in the middle of a never-ending field. The water was as blue as the bright but sunless sky, and it was as still as the calm atmosphere around us.

Nilingon ko si Paige na kalilipat lang ng bagong pahina.

"Susunod lang kami," paalam ko kila Amber at Bella na sabay na tumayo at umalis para magtampisaw din.

Nang tuluyan na nga silang makalayo, mabilis kong hinarap si Paige, suot ang isang nanghihinalang ekspresyon sa mukha.

"You're not even trying to hide it at this point," sabi ko sa kanya.

Hindi niya ako binalingan ng tingin. "I don't know what you mean."

I scoffed, mas lalong hindi makapaniwala. "Sabihin mo sa'kin kung ba't nakita kong lumabas yung kapatid ko mula sa bahay mo."

Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pagbabasa.

"And I thought you said you didn't like him?" paalala ko sa kanya. "O namali lang ako ng dinig?"

"He wanted my house and I didn't want to give it to him," pagbibigay-alam niya. "So he offered-" She paused to correct herself. "He forced a compromise."

"And you agreed? The two of you? In one house?" Umangat ang aking magkabilang kilay. "In one room?"

"He's sleeping on the floor," aniya.

"Paige..." Mas lalo kong ipinagtaka ang sinabi niya. "Since when do you let a man sleep in the same room as you?"

She calmly flipped to the next page. "Since I realized your brother's as stubborn as you and only takes compromises, not rejections, as an answer."

I let out a defeated sigh. "There's nothing going on between you two, right?"

Hindi siya sumagot dahilan na mapatigil ako. Kusang namigat ang aking panga sa katahimikan niya dahil alam ko na agad kung anong ibig sabihin nito.

"What?!" pabulong kong sigaw. "Since when?!"

Siya na naman ang napabuntong-hininga sabay sara ng kanyang libro.

"If you think it's strange, then consider how much stranger it is to me," kumpirma niya sa kutob ko. "I don't know what happened, Reign, it just did."

Magsasalita na sana ulit ako nang may napansin ako sa sinabi niya.

"It just did?" pag-uulit ko. "Ang alin? Ano bang nangyari?"

She sighed, again. "We-" Pursing her lips for a moment, it was clear that she was still deciding to tell me or not.

"Tell me," utos ko.

She clenched her jaw and shook her head. "Fine," she replied with an exhausted tone. "We kissed."

Pinikit ko ang aking mga mata at pagkalipas ng ilang segundo ng katahimikan, ay napadilat sa kanya. Pagkatapos, napakisap-kisap ako.

Napailing ako. "Excuse me?"

"We kissed," mahinahon niyang anunsyo. "On the night of the masquerade ball."

Natawa ako nang mahina. "Teka-" Humugot ako ng sapat na hangin para matanggap ang karirinig ko lang. "Teka lang talaga-" Naunang bumukas ang aking bibig bago ako muling nakapagsalita nang walang boses na lumabas.

Napailing-iling pa rin ako, hindi makapaniwala, at ang nagawa ko lang sambitin ay ang pangalan ng kapatid ko.

"Gabriel?" pagsisigurado ko. "Grey?"

Paige took in a deep calming breath and gently nodded her head. "He confessed first."

"And you said you also liked him back?" usisa ko.

"No," sagot niya. "But I did kiss him back."

"What-" Gumuhit ang matinding pagtataka sa aking mukha. "Why?"

"I started to like him when he..." Umiwas siya ng tingin. "-kissed me."

Patuloy ang pagkurap-kurap ng aking mga mata.

And why do I have a feeling my brother already told Mom about this?

Muli akong natawa nang marahan. "I'm sorry," I apologized for the way I reacted. "I just- I didn't expect that from you."

Lumingon si Paige kay Grey na nakatalikod sa'min at nagpapasahan ng bola habang naliligo kasama yung iba.

"Me neither," bulong niya.

"Ipaalam mo sa'kin kapag nagloloko 'yang kapatid ko," tugon ko sa kanya. "Ako na ang sasapak n'yan para sa'yo."

Hinarap ako ni Paige. "You really think he'll do that?"

"He knows the risks he took when he confessed and kissed you, Paige." Napatingin din ako kay Kuya. "He couldn't have done it on the spot."

A subtle smile formed on my lips when I looked at her again. This time, with a softer expression. "He did it because he was sure he wanted to."

"You?" tanong ko. "Are you sure you want..." I chuckled lightly. "Him?"

"I still have to see," aniya. "I wasn't given enough time to develop..." Nagkasalubong ang kanyang kilay. "The same depth of feelings..."

"You're not scared?" nag-aalala kong tanong.

"Mom said I shouldn't be." Malumanay siyang napangiti sa alaala. "And everything's all up to me. As long as I guard my heart, not close it entirely."

"And you're willing to?" tanong ko ulit. "Develop the same depth of feelings?"

"You know your brother's not that hard to like, Reign," sabi niya. "It will only be a matter of time before..."

"You fall," pagtatapos ko sa sinabi niya.

"No," giit niya. "I already made the jump. I'm just waiting to see when, where and how hard I crash."

"Well, that's a relief." I clasped my hands. "Buti naman at may magliligpit na sa kapatid kong 'yan na kung saan-saang lupalop napapadpad."

"Mmm." Paige hummed in appreciation as she tightened her grip of her book.

"This is the first time I've seen you really excited," puna ko.

"It's because I feel like I'm only starting to get to know another part of myself. A part of me that I didn't know I had," aniya. "Akala ko kasi nakilala ko na nang husto 'yong sarili ko, Reign, pero hindi pa pala."

"Love's a new realm for me to explore," dagdag pa niya. "And now that I'm starting to, it feels like I'm actually getting to know more about myself."

"And him," natatawa kong dugtong.

"No," she insisted. "I'm excited to know more about me than him."

"Good afternoon to you too, ladies."

Naputol ang usapan namin ni Paige nang bigla kaming makarinig ng tinig ng isang lalaki. Napansin ko siyang napatigil nang mapasulyap sa likod ko kaya agad din akong napalingon at nakita ang isang babae at lalaki na nakatayo sa labas ng blanket.

Mabilis kong kinolekta ang aking sarili at nagmamadaling tumayo.

"H-Hi," nahihiya kong bati dahil hindi ko sila napansin nung una. "I-" Nagpakawala ako ng naaasiwang tawa. "I'm sorry."

I smiled first at the woman who stood as straight and almost as tall as me. She looked only a bit older than me, unlike the man beside her who was taller and must have been already in his early 50's because of his slightly graying hair and neatly trimmed beard.

He gently smiled at me. "Reign..."

Napatango ako. "That's me."

Nabaling ang aking atensyon kay Raphael na papalapit sa'min.

"Mother!" tawag niya, dahilan na mapatingin ulit ako sa babaeng nakatayo sa harap ko.

She wore a casual blouse and trousers, and had her hair tied in a loose bun.

Mother?

Palihim akong napasinghap. "You're Matilda?"

"Right in the flesh," she confirmed. "Nice to meet you too, Reign."

I bit my lower lip to hide my excitement.

Why wouldn't I?

In front of me was a foundress. The first and last elysian oracle that's one of the legendary twelve demigods who saved the realms. She's also considered to be one of the greatest healers.

"Hello po, Tita," bati ko. "Pasensya na po kung hindi ko agad kayo napansin."

"Okay lang." Nginitian niya ako. "Inalagaan ba kayo ng mabuti ng anak ko habang wala ako?" 

Tumango-tango ako. "Opo."

"Good." She looked at her son who stood beside us. "And aren't you cold, Raph?" tanong niya rito nang makitang basang-basa ito.

Umiling si Raphael nang nakangiti. "Only fairly cold, Mother."

"Reign," aniya. "This is Matilda, the elysian oracle, the keeper of Elysium, and also my mother."

Muli kong nginitian si Tita Matilda na tinanguan ako.

"And this..." pagpapakilala ni Raphael sa lalaking nakatayo sa tabi ng kanyang ina.

Sumalubong sa'kin ang isang pares ng napakaitim na mga mata. At unti-unting naglaho ang aking ngiti nang mahinuha kung sino ito kahit hindi pa nabanggit ni Raphael ang pangalan niya.

"-is Uncle Hector."

Madahan niyang ipiniling ang kanyang ulo nang mapansin akong malalim na nakatitig sa kanya.

Wrinkles creased the corners of his eyes when he grinned charmingly at me. "Finally," he said. "We meet."

Bumaba ang aking mga mata sa kamay na inilahad niya.

"Hi..." I whispered, out of breath, even when I didn't do anything but just stare at him.

I held his hand and he gave me a firm shake before letting go confidently.

"Uncle Hector!" Umalingawngaw ang boses ni Grey na patakbong lumapit sa'min kasama yung iba. "Aunt Matilda!"

"Uy gago- sila na pala 'yan?!" ani Amber. "Tekaaa!"

Humakbang ako paatras para magbigay-espasyo sa ibang Omegas na isa-isang pinakilala ni Raphael. Tumabi ako kay Paige na nagpalikod sa kanila.

"Sa'n po si Thanatos?" tanong ni Bella.

"He's coming over for dinner," nagagalak na sagot ni Tita Matilda.

"I can help you cook, Auntie!" alok ni Grey.

"I would love that," ani Tita. "Thank you, Grey."

"Tito Hector!" Zack gave Uncle Hector a slight nudge on the back of the shoulder. "Salamat nga po pala sa pabaon nung first day namin!"

Nginitian kami ni Tito. "I owe you."

"And are you aware that your son owes us?" karagdagang tanong ni Vance na ikinatahimik namin. "Big time?"

"Vance," nagbabantang sambit ni Paige sa kapatid niyang binalewala ito at nagpatuloy sa pagtuyo ng buhok gamit ang tuwalya.

"Huwag kayong mag-alala." Hindi nabura ang ngiti ni Tito, ngunit dumapo pa rin ang kaunting dismaya at lungkot sa kanyang mukha. "Sinabihan na ako ng mga magulang niyo kung anong dapat kong malaman."

"Setting my rebellious son aside, why don't we enjoy paradise while Matilda and her assistants prepare for dinner?" he calmly suggested. "Then we can talk."

"I brought your uncle with me because I know that some of you..." Tinignan ako ni Tita Matilda. "Needed to see him."

A bitter smile drew across my lips before I turned to Paige.

"Would you like to take a swim now?" aya niya nang mabasa ang nangangailangan kong ekspresyon.

I didn't even have to tell her that I needed something to do to calm my nerves and release the tension that's been building up ever since I shook his hand.

I was nervous, confused, and afraid of what he could tell me about the demigod that he raised as his own.

Henri's dad could either provide a closure, or another opening, and I need to ready myself for it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro