Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7: Nightmares Forest


Shandice

"Napaka feeling naman niya! Akala mo kung sinong magaling eh NATALO lang naman siya ni Nicolo." napalingon ako duon sa babaeng nagbubulong-bulungan. Maituturing pa ba'ng bulong 'yon kahit rinig na rinig ng buong klase?


"Ni hindi nga pumapatol sa mga bully tapos pupunta pa siya sa Nightmares Forest? Wag kang magpatawa!" Natatawang wika nung isa pang babae na akala mo ikinaganda niya ang pagmamaldita niya. Sakalin ko siya eh.


"Lakas ng loob."


"Psh! Sana hindi na siya makalabas ng buhay doon!"


I rolled my eyes, kahut tutol rin ako sa pagpunta sa Nightmare's Forest, wala rin akong magagawa. The Headmaster already decided, kaya wala rin kaming magagawa. The thought I'll see my worst nightmare gives the creep! Sino ba naman ang 'di matatakot kung makikita mo ang bangungot mo diba?


"Wear this bracelet, para ma-track namin kayo, but if hindi niyo na nakayanan dahil sa takot, pindutin niyo lang ang gem at maglalaho kayo sa gubat pabalik dito. Ang makakalabas naman ay magkakaroon ng special gift." Kahit papaano ay mukhang na excite ako dahil sa special gift. Kahit hindi ko alam kung makakalabas nga ba talaga ako!



By partner daw ang pagpasok kaya agad kong nilapitan ang pasimuno ng lahat, hindi ako matatakot kung siya ang kasama ko. Nagsipasukan na sa loob amg ilang mga estudyante, at di pa man sila nakakalayo saamin ay runig na rinig ko na ang pagsisigawan nila. Sumunod dito ang mga Elementalist ng academy.


"Okay last partner, Shandice and Fire."


Ultimong pagpasok namin sa loob ng gubat, nakaramdam kaagad ako ng pananayo ng balahibo. Napakapit ako ng husto sa braso ni Fire, the aura is heavy and dark. Nagsimula na akong makaramdam ng takot nang umihip ang mahina ngunit nakakakilabot na hampas ng hangin.



"Stop shivering Cera."-she whispered. Umiling ako, I can't help it.


"Ahhhhhhhhh!" Mabilis akong napabitaw kay Fire at sumigaw! May nakita akong isang malaking ahas. Sa laki nito ay kayang-kaya niya kaming lapain ng walang kahirap-hirap.



Holy shit, this is one of my nightmares. I hate snakes! I want it to vanish, pero alam kong di ko 'yon magagawa. That's my nightmare, kaya expected na ito ang lalabas pagtapak ko pa lang ng paa ko. Lahat naman ata ng bangungot ay kinakatakutan ng lahat, sino ba naman ang hindi?



Namutla ako nang mapansin kong iniwan ako ni Fire mula sa kinatatayuan ko. Pumunta siya sa isang puno. Nakasandal siya dito habang nakatingin saakin. Nakagat ko ang labi ko, natatakot ako.



"Face your own nightmare Cera." Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa sinabi niya. Alam kong seryoso siya sa sinabi niya, dahil kailan man lahat ng sinasabi niya tinototoo niya talaga.


"Ssssssssss" Naihakbang ko paatras ang kanang paa ko nang magsimulang lumapit saakin ang dambuhalang ahas. I'm really scared of snakes, hindi ko alam kung bakit.



"KYAAAHHH! FIRE TULUNGAN MO NAMAN AKO OOHH!" Sigaw ko. Dahil sa ginawa ko ay mas lalong bumilis ang paglapit ng ahas saakin. Wala akong ibang nagawa kun'di ang tumakbo papalayo, lumiko-liko ako sa mga naglalakihang puno na nadadaanan ko.




"Use your magic Cera, don't be such a scaredy cat tsk!" Walang pake siyang nagpalabas ng song box at pinatunog ito sa kamay niya. Mas lalo akong kinabahan dahil sa tunog nito, parang nananakot ang musika na lumalabas mula rito.





Okay Cera, face your Nightmare! That's just a snake! Don't be scared! Pinalabas ko ang air spikes ko, marahas ko itong itinira sa gawi niya pero naiwasan niya ito ng walang kahirap-hirap. Humalakhak pa ito kaya nanlaki ang mata ko. K-kelan pa nagkaroon ng ahas na humahalakhak?



"I am your worst nightmare!" A-at nagsalita pa sya? What the hell!



Nabalik ang ulirat ko nang bumuga ito ng kulay itim na venom. Umiwas ako at naglabas ng whirlwind, pero nakaligtaan ko ang huling venom na ibinuga niya. Natalsikan ako nito sa paa kaya napamura ako. Na leche na!


"Arrrgh!"" Unti-unting napaparaliza ang paa ko.



"Shoot her heart Cera, it was just an illusion programmed by someone outside." Lumingon ako sa nagsalita. Kung gayon, ilusyon lang pala lahat ng ito?




Dahil napaparalisa na rin naman ang paa ko, umupo na lang ako ng maayos at hindi na nag abala pang tumayo dahil nangangalay na ang paa ko. Nagtagis ang bagang ko, agas ka lang.



"You're dead!" Gamit ang kapangyarihan ko, gumawa ako ng bow and arrow. Inasinta ko ito ng maayos at pinatama sa puso niya.



Tatalon na sana ako sa tuwa nang naibaling ko ang tingin ko kay Fire. Nanlaki ang mata ko nang makita siyang nakikipagtitigan sa harap ng halis singkwentang warevolves.




Napanga-nga ako sa rami nito. Sa pagkakaalam ko, hindi takot si Fire sa warewolves!Nagbibiro ba sila? Kitang kita nga sa mukha ni Fire na hindi siya natatakot eh. Walang kahit ano mang bahid ng kaba at takot sa mukha niya.



"Warewolves?" She scoffed. Halatang nakangisi ang mga labi nito habang nakatingin sa mga ito.




"Base on your memories and dreams, you don't have any nightmares at all." Napaawang ng konti ang labi ko nang magsalita ang wolf na nagsisilbing pinuno nila. Like hell? Lahat ba ng mga hayop dito nagsasalita?



"And you think fighting all of you can be my nightmare?" She said blankly. As if on cue, pagkatapos niya itong sabihin napaligiran ng apoy ang lugar kung saan nakatayo si Fire at ng mga wolves.



Kahit ilang beses ko ng nasaksihan ang paggawa niya ng ring of fire, di ko pa rin talaga maiwasang mamangha sa taglay na meron siya. She's as fierce as her fire.



"If I were you, move aside. I'm giving you a chance to live." magsasalita pa sana ang mga ito nang itaas ni Fire ang kamay niya, agad na lumabas mula doon ang isang bolang apoy.



"You leave me no choice but to toast you to death." Napasinghap ako nang maging abo ang lahay na ito sa isang kumpas lang ng kamay niya. Woah!



"Let's go!" Ginalaw niya ang leeg niya na para bang kanina pa ito nangangalay. Nagsimula na naman kaming maglakad sa gitna ng madilim na gubat. Kailangan pa rin namin mahanap ang lagusan.



"Alam mo ba Fire ang astig mo talaga! Gosh! Sana turuan mo rin ako ng mga techniques mo! Haha! Minsan kasi talaga naduduwag ako eh. How to be you po?" Napanguso na lang ako dahil di niya ako sinagot.



Habang patuloy kami sa paglalakad, napapansin kong mas lalong bumibigat ng bumibigat ang dilim ng aura rito sa parte ng gubat na ito. Kumapara kanina ay mas lalo ata akong kinilabutan ngayon, kahit si Fire ay napatigil sa paglalakad upang magmasid sa paligid.




Umihip ang hangin, at halos manlamig ako dahil parang may kasamang bulong ang hangin na iyon. Mula sa malayo ay may nakita akong pigura ng isang babae. Nakatalikod ito at naaaninag kong magkasingkulay kami ng cloak na suot. Dahan-dahan itong lumingon saakin, at nagulat na lang ako sa nakita ko.



Napaatras ako ng bahagya, nanginginig ang katawan ko. Tumaas ang sulok ng labi niya, nakangisi ito at parang walang maidudulot na maganda ang ngising iyon. Sa hitsura niya, parang hinahamon niya akong makipaglaban sa kaniya.




H-hindi ito maaari! Sino siya, at bakit gayang-gaya niya ang mukha ko? Tindig palang at itsura, pati damit ay parehong- pareho! Umiling ako, hindi ko kayang kalabanin ang sarili ko. Pakiramdam ko ay sinasaktan ko na rin ang sarili ko. I just can't....




"Fight her Cera, if you act that you're weak, she's getting stronger, but if you'll act strong, she'll become weak! So face up and dont be a coward." She said in a calm voice. H-how can she be so calm like that?



"I- I can't" May nagsitalsikang air blades sa gawi ko, dahil sa gulat ko ay di ko na ito nagawa pang iwasan. Tumarak ito sa bewang ko kung kaya't napamura ako ng mahina.



Marahas akong napatingin sa kaniya, ikinumpas ko ang kamay ko at hinampas ito sa ere. Lumabas ang isang napakalaking ipo-ipo, akmang ititira ko na ito sa gawi niya, nanlambot ako namg makita ang sarili ko. This the worst among my nightmares. Tumawa ito ng malakas.


"You can't hurt me, dont you? Your worst nightmare is getting real." Humalhak na naman ito, pero kakaiba ang halakhak na meron siya. Malalim ito, at may malalim na boses na namumutawi rito.


"G-get lost!" Utal kong pagtataboy rito. Nagdurugo na ang bewang ko kung saan natamaan ng blades kanina. Ganito pala kasakit matamaan ng blades ko.


"No, I won't! Hindi ako mawawala hangga't hindi mo ako matatalo! Weakling..." Pinandilatan ko siya ng mata, I hate anyone calling me weak! Kahit hinang-hina na ako, pinalabas ko ang air sword ko at sinugod siya.




Mukhang di niya ito inaasahan sapagkat nakita ko ang guhit ng pagkagukat sa mukha niya. Hindi niya ito naiwasan kaya nasugatan siya sa braso. Naningkit ang mga mata nito, nagoalabas din siya ng air sword saka sumugod saakin.




Iwas lang ako ng iwas habang patuloy na iniwawasiwas ang sandata ko.Lumipad ako paatras, tinaas ko ang dalawang kamay ko na para bang may hawak ma pana. May lumabas kaagad na bow and arrow sa harap ko, mabilis ko itong tinira sa kaniya, pero nagulat na lang ako nang gumawa siya ng boomerang barrier. Bumalik ito saakiat natamaan ako sa tiyan.




Humiyaw ako sa sobrang sakit, gusto kong kunin ang palaso sa tiyan ko, pero masyadong masakit. I hissed, mas mabuti sigurong wag ko muna tanggalin upang hindi masyado dumanak ang dugo ko.




"Aarrghh!" Sa huling pagkakataon napasigaw ako, pero bago ako tuluyang mawalan ng ulirat, pinindot ko ang bracelet ko upang makalabas na rito.




Habang nawawala namanako ay nakita ko ang napakalamig na expression ng mukha ni Fire. Her eyes seemed blank and cold, but I can sense a fang of anger. I smiled as I watched her throw her deadly glares at my impostor.



She's really my friend....




To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro