Kendrick
"Oy Kendrick! Akin na nga 'yang beefsteak! Antakaw mo naman!" bulyaw sa akin ng minamahal kong si Sena.
Yeah, I like her. Love her perhaps. Isang daang anesthesia lang ata ang inin-ject sa kaniya para hanggang ngayon ay hindi niya maramdaman. Buong akala niya lang ay ganoon ang turing ko sa kaniya dahil isa rin ako sa naging matalik niyang kaibigan.
Torpe rin kasi ako at hindi ko maamin-amin sa kaniya. Pero kahit mahal ko siya hindi ko hahayaang ubusan niya ako ng pagkain dahil dakila siyang patay gutom.
"Ikaw ang matakaw! Kita mong akin to eh, bumili ka na lang ulit." Kunwaring inis na ingos ko. Paano ba naman kasi ay may lahing tanga din ako at nahulog ko 'yong beefsteak niya kaya heto ngayon inaagawan niya ako ng pagkain.
"Eh kanino bang kasalan na nahulog ang ulam ko ha? Kung hindi ka naman sana may sa bulati sa pwet at ang likot mo!" Naniningkit mata nitong wika.
Ano daw? Ako may bulati sa pwet?
Nagsitawanan naman ang mga ito kayanapasimangot na lang ako. Talagang pinagtulungan pa nila akong asarin. At dahil walang ibang lalaban sakin kun'di sarili ko lang, pinagtanggol ko ang sarili ko.
"Hoy anong bulati sa pwet? Sino ba ang nakikipagdaldalan sa atin kesa sa kumain kaya nahulog ang pagkain, hindi ba?" pang-asar kong tugon.
Halata namang namula sya sa inis. I mentally laughed in my head. How cute. Namumula-mula ang pisngi niyang ala-siopao.
"Gusto mo bang lunurin kita?" pikon nitong sabi. Akmang mag lalabas na siya ng bola ng tubig sa kamay niya nang bigla itong napatigil at tumili.
"Kyyyaaaaahhh! Look at them guys daliiii!" Kulang na lang ay mabasag ang tainga ko nang sabay na nagsitilian si Kylla at Sena.
Sinundan ko ng tingin ang tinitilian nila't nakita kong nakaakbay si Xai kay Fire. Napakunot ang noo ko. Fire let him do that? That's odd.
On the other side I saw the vampire twins smiling widely. I forgot to mention that Jas and Josh are just beside us in a rounded table. They're nice and kind, but still we don't trust them. Hindi naman sansa namin sila kasabay kung hindi dahil kay Shandice.
"Dumada moves kana kay Fire dude ah!"pangaasar ko sa kanya. Inismiran niya naman ako saka pinandilatan ng mata. Inalis niya rin ang pagkakaakbay kay Fire saka iniripan ako na parang bakla.
"Haha! Ate Linne! Mabuti naman at hindi mo sinunog 'yan kasi inakbayan ka? 'Di ba sabi mo dati may makahawak lang sayo papatayin mo kaagad? " wika ni Josh sabay halakhak ng kakambal nito.
"A-ahhh...kasi..."
"Uhhm...Fire anong order mo? Ako na ang kukuha."Nakangiting alok ni Shandice.
"A lemonade will do..." Ngumiti rin pabalik si Fire at hindi na pinansin pa ang tanong ni Josh kanina. I saw her smiled again. Fire smiling a lot seemed a bit weird an unusual for me.
Umalis na si Shandice at pagkatapos ng ilang minuto ay kaagad naman siyang bumalik dala-dala ang lemonade ni Fire. Akmang i-aabot na sana niya ang lemonade nang may humablot ng baso at ibinuhos ito sa ulo ni Fire. Nanlaki naman ang mata namin. Lahat kami'y napatingin sa mapangahas na babaeng gumawa ng bagay na 'yon.
"Haha! Bagay sayo malandi!" I remember her. She's Richanne. The girl who's head over hills with Xai for years. He rejected her a few times. She just don't lose hope.
"W-what was t-that for?"nanginginig na wika ni Fire. She's shaking, and I bet she's shaking in anger and not in fear.
"Hah! That's for being a bitch!" She then slapped her. Naalarma naman agad kami lalo na si Xai na kaagad hinawakan ang braso ni Richanne. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin dito.
"What did I ever do to you?!" Fire shouted with anger and irritation in her voice. Richanne slapped her again for a second time.
She was about to fall when I caught her. Nakahawak na siya sa dulo ng cloak kaya hindi siya napasalampak sa sahig. I helped her to stood up and when I look at Xai he was definitely angry. His fire ignited from his hands and was about to create fire chains to bind and imprison her when Fire stopped him.
"Spare her Xai. Pabayaan mo na lang siya," mahinahon na wika nito sabay tapik sa balikat ni Xai. He don't tolerate violence in school premises. I wasn't surprise when Fire was able to calm him down with words.
Tinaliman lang ni Xai ng tingin si Richanne bago tumabi kay Fire. Isang napakahabang katahimikan ang bumalot sa amin.
"Kylla, takot ka ba sa gagamba?" tanong ni Fire. Napansin ko naman na napaayos ng upo si Kylla at namutla pa. Yeah, she's probably scared with spiders.
"H-ha? O-oo bakit?" Napatingin naman si Fire sa likod ni Kylla kaya napabaling din ang atensyon namin doon.
"Hahaha! Takot ka sa gagamba? Hahaha!" pangaasar pa ni Onyx at halos gumulong na ito sa sahig kakatawa.
"May spider kasi sa cloak mo Kylla" lumundag naman sa upuan si Kylla at pinapagpag ang cloak niya sa likod. She look so funny and nervous. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko't nakitawa na lang din.
"Waaah! Fire! Get that spider off in my cloak right now! Ahhh!" She was shouting and other students are looking at her in the cafeteria.
"Sure. Stay still." Hinawakan niya ang cloak ni Kylla at parang may kinukuha doon. It must be the spider. When she finally took it hinagis niya ito kung saan.
"Eh asan na yung gagamba?" takang tanong ni Kylla nung bumalik ng upo si Fire.
"Gusto mo palang makita? Akala ko takot ka do'n?"
"Ah-eh sabi ko nga...hehehe...tapon mo na lang ayaw kong makita eh!" Nakasimangot na atugal nito habang pinanlilisikan ng mata si Onyx dahil sa ginawang pagtawa nito kanina.
Nakatitig lang ako kay Fire habang kumakain siya. Something is wrong with me. I touch my left chest and I felt something I can't explain. I felt like something's missing in me. Maybe I'm not just feeling well or what. Maybe it's no big deal.
When I look at Fire she was staring at someone outside the cafeteria. Isa itong nerd na nakaupo sa ilalim ng puno habang may hawak-hawak na aklat. They're looking at each other, and I saw Fire twitched her lips to smirk.
"Sena, pwede mo ba akong samahan sa library?" Sena immediately said yes and smiled at her.
Neither did she knew, and neither did we knew she's already planning something that could ruin us.
Sena
Tapos na naman akong kumain so sasamahan ko nalang siya. Ngayon ko lang alam na mahilig pala siya sa aklat. I never saw her in the library or kahit manlang may hawak na aklat so it's really weird.
"Sena, I was just thinking. About our cloaks hindi na ba talaga sila mapapalitan?" she asked.
"Oo naman Fire! Bakit natanong mo?" She doesn't ask much. In fact when you look at her parang alam na niya lahat. Kaya nagtataka lang talaga ako na nagtatanong siya.
"Kahit madumihan ito?" Napakunot ang noo ko. What does she mean by that?
"Well, you have a dirt in your cloak. Hindi mo 'yan malilinis gawa ng hindi mo maabot." Nadumihan pala ang precious cloak ko? Gah, hindi ako makakapayag na madumihan ito! Kaya kaagad ko itong pinatanggal sa kaniya.
"Ayan! Tapos na!" she beamed and I tanked her.
Pagpasok namin sa library may nakabanggan akong lalaki. He's a nerd. Humingi naman siya ng paumanhin na hindi niya ito sinasadya kaya napatango na lang ako. Naghanap na lang ako ng bakanteng table. Pagbaling ko ng tingin ko sa kabilang banda ay nakita ko si Onyx. Fire on the other hand went to the bookshelves to find the book she's probably looking for.
Kunot noo akong lumapit sa kinaroroonan ni Onyx. Ang bilis niya naman makarating dito. Parang kanina lang ay nasa cafeteria pa siya. Ngayon naman ay nandito na sa library ay nakikilampungan sa babae. Ginawa pang dating place ang library. Napakamatinik talaga sa babae ang sira ulong 'to.
"Oh, Sena. Kasama mo si Fire 'di ba?" tumango na lang ako. Alamnaman niya at siguradong narinig niya kanina na niyaya ako ni Fire sa library tapos magtatanong pa.
"Oh, she's here na!" he exclaimed. Fire approached us with a smile on her face as she sat beside me.
"Onyx, naparito ka?" tanong ni Fire habang nagbubuklat ng libro.
"Lagi ako dito eh!" he replied.
"Eh nagbabasa ka rin pala rito?" she asked, totally clueless.
Napailing nalang ako. Onyx is not the type to read books. Ang ginagawa lang naman niyan sa library ay matulog at mambabae.
"Ahhh. Is that so? So nabasa mo na ang librong to?" Fire extended her arms para ipakita ito kay Onyx.
"Oo naman!" wika nito sabay lapit para tingnan ang libro. Shunga 'di ba? Hindi pa nga niya nakikita sinabi na niyang nabasa na nga niya.
They were talking about something when I felt something different. Napahawak ako kaliwang bahagi ng dib-dib ko. Kumirot ito ng konti. I can't really describe what's going on but I suddenly felt uneasy and uncomfortable around me.
I was unaware of my surroundings and I was snapped back to reality when I heard a loud thud coming from the book shelves near us. Nagsihulugan ang mga aklat roon kaya agadna nabaling doon ang aking atensyon.
Inakbayan ni Fire si Onyx saka may ibinulong dito. He nods his head and then stood up and went somewhere. Her simple gesture made me question what she said. She then look at me and then at her watch.
"Oh, I need to go. Nakuha ko na ang gusto ko. I just need to go and see Shandice. I have to ask her something," she said as she smiled innocently.
"I'll get going." Sinundan ko na lang siya ng tingin palabas ng library. I heaved a deep breath when my chest hurted a little bit.
Something is definitely wrong, but I have no idea what is it.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro