Chapter 2
"We will talk first about the rules and boundaries in this city," panimula ni Inger.
Pagkatapos kong magbihis ay pinakain niya muna ako. Napansin niya sigurong tumatamlay ako dahil sino ba namang hindi? I haven't eaten for 2 or 3 days, I guess? I couldn't remember.
"Since I told you that mages were the ones living in this city, they could get a normal job in this place. Work with magic for your living. However, we, and the other creatures who were capable of doing more than what they can do, has to undergo a special job. May mission ang lugar na ito kung saan doon ka hahanap ng gusto mong lutasin na problema at kapag nagawa mo ay mas maraming gold ang ibibigay ng nakakataas sa'yo," she explained.
May ibinuklat siya kanina pa na isang map ng lugar na ito. Whenever she's going to explain something in a certain place, she will point it to the map for me to familiarize. Magaling naman ako sa direksyon at hindi mabilis na makalimot.
"Akala ko ba malaya ang lahat dito. Bakit may nakakataas?" I asked curiously.
"Isa lang naman ang nasa pinakamataas ang posisyon, ang nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong syudad ng Pavea. She's more like a goddess but called the Goddess of Peace, Dorris. Hindi ko pa siya nakikita dahil bihira lang siya magpakita sa kahit sinong nandito. But she never neglected her responsibility in this city."
Kung ganoon ay mas mabuti nang dito na ako tumira dahil mayroong magpo-protekta sa amin. Hindi ko na kailangan pang matakot para sa kaligtasan ko. In this place, I am fully secured.
"What about those special missions given to others? 'Yon din ba ang ginagawa mo?"
Tumango naman siya. "When I was a newbie, I have to do the mission on my own. Gano'n talaga kapag baguhan ka pa. Sa next mission na ako sumama do'n sa tatlo para mas malaki 'yong makuha naming reward. Kaya nga lang, mas mahirap din 'yong kailangan naming tapusin."
"Is is a sort kind of agent missions? Something involves strong magic?" tanong ko pa.
"Oo kaya kailangan talaga ng pag-iingat. If you failed the mission, you have to pass it to another capable others. Hindi mo na kailangan pang ulitin ang misyon na pumalpak ka. No worries. Ikaw naman ang pipili ng mga misyon na gusto mo."
I bet there would be no missions that are too easy to accomplish. Hindi kami babayaran ng gano'n kalaki kung masyadong madali ang gagawin namin. As of me, who isn't trained that well to use my magic, will surely get a hard time.
"The only rule is not to kill anyone in this city. If you do, you'll be automatically kicked out in Pavea. 'Yon lang naman ang rule na hindi pa nilalabag ng kahit na sino. Everyone here is kind and if a mess occurs, the head of this city will handle it. Sa boundaries naman, hindi ka na pwedeng lumabas ng Pavea unless you were told to or because of a mission. Kapag kase nakapasok ka na rito, hindi ka na pwedeng lumabas o aalis ng walang pahintulot. If that happens, there's no way you can come back," dagdag niya pa.
"Naiintindihan ko. Ngunit bakit ikaw nagbabantay sa malaking pinto sa labas? Is it a part of your job?"
"Oo pero hindi naman palagi. Kung kailan lang ako may oras at walang ginagawa."
May inilabas siyang isang lumang kahon at napanganga ako sa laman nito. A box of gold. Sa ganito karaming pera na meron siya, mabibili at makukuha niya kahit na ano.
"Do you work everyday to earn that?" namamangha kong tanong.
She just shook her head. "Sabi ko nga, kapag gumawa ka ng mga misyon at natapos mo ng maayos, malaki ang makukuha mong rewards. Eto na lang ang natira sa kinikita ko dahil ginagastos ko sa pangangailangan dito sa bahay at pagkain na rin."
Medyo nanliit ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya. I'm living with her so I need to give her the shares of my earnings. Mukhang kailangan ko nang humanap ng gagawing misyon para may maibigay akong paunang bayad sa kanya. I don't want to be such a burden.
"Can I get a job right now?" tanong ko kaagad.
Tumawa naman siya. "If you're thinking about the expenses, there's no need. May mga pagkain pa rito at may maisusuot kang mga damit galing sa'kin. Bukas mo na 'yon isipin. I'll help you get your first mission. For now, just take a rest."
I was thinking if its just a coincidence that her house is for two persons. Magkaiba kami ng kwarto at dahil wala pa akong mga gamit, pansamantala akong nanghihiram sa kanya. I'll just buy my own stuffs if I could accomplish my first mission.
Nagising ako nang may marinig na ingay sa loob ng bahay. Boses na parang may nagbabangayan sa baba kaya agad akong bumangon at inayos ang sarili ko. Did she invite someone?
"Bakit ba? Hindi niyo naman ako binabayaran kapag pinapakain ko kayo rito! You guys have your own money!" Nakapameywang si Inger sa harap ng tatlong lalaki na prenteng nakaupo sa sofa.
Si Prix na parang walang pakialam sa nangyayari at nakakrus ang magkabilang braso sa dibdib niya. Si Seymour naman ang masyadong mapang-inis sa kanila at nakangisi lang. Samantalang si Lars ay napahilot sa sentido niya, parang naiistress sa sermon sa kanila.
"Para namang hindi ka sanay na dito kami kumakain gabi-gabi ah! Sige na naman, gutom na kami oh!" Ngumuso pa si Seymour para pagbigyan niya.
"Labas ako sa gusto niya. Siya ang nag-aya sa'min ni Prix na sumama," mahinahong sambit ni Lars.
"I came along since I don't have something to eat," malamig naman na sabi ni Prix.
Napasapo na lang si Inger sa noo niya, hindi na alam ang gagawin. "Jusko naman! Ang dami ng pera niyo tapos palamunin kayo rito sa'kin."
"Hayaan mo na, magluluto ako."
Napatingin silang lahat sa'kin na nakasandal lang sa pader at kanina pa sila pinagmamasdan. Before they could say a word, I immediately turned my back and started to walk in the kitchen. Kung ano na lang ang marunong akong lutuin ay 'yon na lang. I'm already 18 and I know how to cook since I was 10. Tinuruan naman ako kahit papaano ni Kuya Logan noon. He's the best at cooking.
"Pasensya na, naabala pa kita. Ang kakapal kase ng mukha nila," naiinis niyang sabi.
"Okay lang, wala naman akong ginagawa. I'll just pay for everything once I'll get paid," sagot ko na lang.
Hindi naman gano'n karami ang niluto namin, sakto lang na makakain kaming lima. Kung ganito ang palaging mangyayari na kakain sila rito gabi-gabi, mauubos kaagad ang mga pinamili ni Inger. There would be no problem if they paid for their meal just to say thank you. Hindi naman siguro mauubos ang pera nila sa gano'n.
"Teka tatagawin ko lang sila." Dumungaw siya sa pinto hinanap sila. "The food is ready, you dumbasses. Sa susunod 'wag na kayong kakain dito kung hindi kayo magbabayad ah."
"Yay! Thanks, Inger," nakangiting sambit ni Seymour at naupo na.
Binatukan naman kaagad siya nito. "Wala ka talagang utang na loob. Si Leera ang nagluto hindi ako."
"Ay thank you pala, Khaleesi," bawi niya kaagad.
"Just Leera," I corrected him.
Masyadong mataas ang pangalang 'yon kaya walang tumatawag sa'kin. Nasanay na akong Leera lang, mas simple pa.
Hindi naging tahimik ang pagkain namin dahil kay Inger at Seymour. I can say that among the four of them, they were the closest. Sila lang naman ang nagpapalitan ng salita mula pa kanina. And these two were used to hear their unending quarrels. Hindi naman sila umimik at hinayaan lang ang dalawa.
I did the same thing. Kakakilala ko pa lang sa kanila kaya hindi ako nagsasalita. Both of them doesn't seem to interact with others, especially newcomers. Hindi rin naman ako friendly na pagkatao. Kumbaga, whoever approaches me, sila lang 'yong kakausapin ko. Simple interaction, that's it.
"Sige, d'yan naman kayo magaling eh. Pagkatapos niyong kumain dito magsisialisan kaagad kayo," sermon na naman ni Inger sa kanila.
Hindi talaga siya nauubusan ng salita. She's a loud type of girl.
"You're too noisy. Pwede ka namang tumanggi kanina kung ayaw mo," supladong sabi ni Prix.
His kind of aura doesn't look appealing to me. He's like an arrogant type.
Inger raised a brow at him. "Wow, ah, you're welcome. Para namang makakatanggi pa ako eh nagluto na si Leera."
"Tama na nga, ako nang maghuhugas. Mauna na kayong umalis!" pagtataboy ni Lars sa dalawang kasama niya.
Well, he's not that bad. Kahit naman pala siya tahimik, he's considerate unlike those two.
Naiwan ako kasama si Lars dahil lumabas silang tatlo sa salas. Wala akong masyadong ambag dito sa bahay kaya ako na lang nag nagliligpit ng iba pang mga gamit dito habang siya ay naghuhugas ng pinagkainan namin.
"How long have you been wandering outside?" he broke the silence.
I glanced at him at first before arranging the plates. "Two years and half."
"That's too long. Mahirap kapag mag-isa ka," sabi niya pa.
"Yeah," I sighed. "Sobra. Nasanay naman na ako no'ng tumagal na hanggang sa mapadpad ako rito."
Akala ko ay umalis na nga 'yong dalawa ngunit nagulat ako nang makita silang prenteng nakaupo sa sofa.
"Leera, lalabas kami. Wanna join us?" nakangiting pang-aalok sa'kin ni Seymour.
My brows furrowed. "Where? Do you guys have a mission? I-I can.. stay here."
"Why? Can't fight?"
Agad akong natigilan sa tanong ni Prix. I thought he was the type of 'not giving a damn guy' so I wasn't expecting a word from him.
"Its not that I can't. Hindi lang ako natrain masyado. Running away is what keeps me living right now. Kahit alam kong hindi sa lahat ng panahon kaya ko."
Sinabi ko pa talaga. Baka iniisip na nila ngayon duwag ako. Wala lang akong alam sa.. ibang kayang gawin ng kapangyarihan ko.
"Alright. We can help you train. Mag-aalas dyes na ng gabi. Its time." Tinapik ni Lars ang balikat ko bago naunang lumabas sa pinto.
Seymour gestured me to come with them before following Lars. Pati si Prix hindi na ulit nagsalita at lumabas na. They're inviting me without even telling the reason why. Do I have to guess it?
"We're going on a training," Inger giggled and pulled my arm without a signal. "Its our night routine and yours too. Sasama ka na sa'min."
Lutang ako sa kakaisip kung anong klaseng training ang gagawin nila.. namin. I just find myself standing in front of a spacious field that even thousands of creatures can fit in. H-How did we get here?
"Anong klaseng training ang gagawin natin dito? There's nothing to see here," kunot noo kong sabi.
As if on cue, a loud sound of thunder startled me together with the following struck of lightning in the sky. It was Seymour.
"As always, he easily gets fired up." Napailing na lamang si Inger bago ako binalingan ng tingin. "We do self-training most of the time. Para mahasa rin ang sarili namin, we took one on one. Basic training lang naman 'to kaya labasan lang ng kapangyarihan. Show us what you've got."
Hindi na ako nakasagot pa nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at tumingin sa'kin nang mata sa mata. We were just staring at each other's eyes, not blinking even once. Hindi ko alam pero parang hinihigop ako ni Inger sa mga titig niya. I could even hear the whispers inside my head, telling me to use any of my ability to Lars.
"No, why would I do that?" I immediately stepped backwards after realizing that she just hypnotized me.
"How interesting. She's in the middle of hypnotizing you yet you managed to stop it." Lars who looked amused.
Pagak naman akong natawa. "Inutusan niya akong gumamit ng kapangyarihan sa'yo. Wrong move yata na napigilan ko."
Napanganga naman kaagad ito saka lumapit kay Inger na may pagtataksil ang itsura. Hindi makapaniwala si Lars na sa lahat ng pwede raw targetin ni Inger, siya pa, kung pwede namang si Seymour.
"She's afraid to get struck by the lightning, that's why." Lumapit din sa pwesto namin si Seymour na tumatawa. "Ano bang kinakatakutan mo, Lars? Mukha namang inosente 'yang si Leera unlike Prix. Hindi ka niyan papatayin."
My eyes narrowed to the guy who's standing meters away from us. Hindi nakisali si Prix sa bangayan nitong tatlo. I don't care about him, though.
"What about him? Is he that strong?" wala sa sarili kong tanong sa kanila habang naroon pa rin ang tingin.
"Uh.. I guess not just strong? He's more capable of doing anything. I'm telling you, it's not a great idea to make Prix mad," Inger sounded like giving a warning.
"He uses dark magic, after all. Pero hindi naman masama si Prix, kaibigan namin siya. Kahit tahimik 'yan, may pakialam din siya sa'min," Lars added.
We pretended like nothing when Prix walked towards us. Bumalik sa pagtawag ng kulog at kidlat si Seymour at sa tingin ko doon siya mas nasisiyahan. Si Lars naman umalis pero wala namang ginagawa. Ayaw daw niyang pakialaman muna ang oras. Tapos si Inger, hindi ko alam kung anong ginagawa. Maybe using magic tricks with her mind again.
"You haven't started. Imposibleng wala kang alam gawin. You can't survive in Zephyria without fighting for your safety."
Did he just talked to me first? Akala ko pa naman kaya niyang hindi pansinin ang kahit na sino buong araw.
"I'm just an average girl. Basic skills lang ang alam ko. I haven't unclocked anything special about my ability as a Seraphim," sagot ko na lang sa kanya.
"Will you choose to stay on that kind of level? Isa lang naman ang kahahantungan niyan. Either you make those organizations pay for what they did or you'll end up being chased and killed." Prix was damn way too serious.
Well, yeah. He has a point. My only purpose of living right now is to seek for revenge. 'Yon lang naman ang tanging dahilan kung bakit tinitiis ko lahat, buwis buhay para sa hustisya ng clan ko.
"Hey, you two! Ano pa bang tinatayo niyo r'yan? Akala ko ba nandito tayo para sa training?" sigaw ni Seymour sa'min mula sa 'di kalayuan.
"I guess its show time," he smirked and before I knew it, the whole place was suddenly filled with darkness.
Sa sobrang dilim ay sigurado akong wala silang ibang makikita. This is where he's good at. Mukhang sinadya niyang paglaruan kami dahil rinig na rinig ko ang bawat sigaw nila Lars, Seymour, at Inger. Unlike me, who stayed in my place, not even doing anything.
Darkness couldn't scare me anymore. With my white eyes, I could see everything, no matter how dark it is. Nagsisilbing ilaw ang mga mata ko sa dilim kaya siguro hindi ako natatakot. I, myself, is the light.
"Seymour! Use your thunder so that we can see the surroundings!" Inger hissed.
"I'm trying! Alam mong hindi ako basta-basta pwedeng gumamit ng kidlat lalo na kapag hindi ko nakikita ang paligid. Paano kapag natamaan ko kayo?" sigaw naman pabalik nito.
"Lars! Where are you? Ngayon mo sabihing ayaw mo pa ring pakialaman ang oras. Turn back time!" she yelled again.
Bago paman magawa 'yon ni Lars ay bumulong na ako sa hangin na bigyang liwanag ang paligid. In that way, Prix's magic was expelled and everything went back to normal.
Lahat sila ay dahan-dahang tumingin sa'kin. They wanted to say something but I immediately turned my back against them.
"Inaantok na ako. I still have to get my first job tomorrow."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro