Kabanata 27
Alam mo 'yung feeling na... palagi mo siyang kasama, kausap, palagi siyang concern sa 'yo, makulit kapag may hindi ka sinusunod, nagsu-surpresa, hanggang sa dumating 'yung time na... na-inlove ka?
But the thing is... he doesn't have any feelings for you?
Gano'n na gano'n ang pakiramdam ko ngayon. Feeling ko nga, broken hearted ko nang maituturing itong nararamdaman ko para kay Theo knowing na hindi naman niya ako mahal o gusto kahit kaunti kahit robot siya. Parang may karayom na tumutusok sa puso ko at aaminin ko, hindi ko 'yun nagugustuhan.
"Ma-proseso pala talaga kapag may isu-surpresa ka 'no? I wonder what it feels like being a human..."
Usal ni Theo na katabi ko lamang. Nakaupo na kami ngayon sa maputing buhangin dito sa labas at nakatanaw sa kumikinang na tubig ng dagat. Natapos na rin akong kumain mula sa mga hinanda niya at sobrang nag-enjoy ako-- kahit na ginagambala ako ng nararamdaman ko.
"Kung may pagkakataon ba... gusto mo maging tao?" Tanong ko na lamang. Nakita ko namang bahagya itong napangiti. 'Yung ngiti na parang ayoko nang mawala sa paningin ko.
"If given a chance... well, yes. Kumpara sa kagaya ko, mas marami akong magagawa no'n."
"Tulad nang...?"
"Hmm..."
"Mamahalin mo kaya ako?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko sa 'di inaasahang tanong na lumabas sa bibig ko. Mariin akong napapikit dahil sa dila kong basta-basta. 'Yung dapat ay sa utak ko lang ay natanong ko.
"Gusto mo ba?"
The fuck with that question...
"Theo..." napabuntong hininga ako at niyakap nalang ang mga tuhod ko. Ano ba namang klaseng tanong 'yon?
"Of course I'll love you. Pero gano'n ka ba kahirap mahalin para itanong sa akin 'yan?" May bahid ng pagtatakang tanong niya. Hindi naman ako nakasagot. Kung ibabase niyo sa unang pagkikita namin, mahirap nga.
"Aaminin ko sa 'yo na sa dami kong nakikitang babae, ikaw ang pinaka maganda para sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit, paano, pero 'yun ang alam ko. Pero kung totoong tao ako, imposibleng hindi ako ma-attract sa ganda mo."
Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa 'kin. Pakiramdam ko mabilis na pumula ang pisgi ko. Ilang beses na ako noon nasabihan ng dating Theo na maganda, pero hindi ko alam kung bakit mas may impact ang kay Theo ngayon.
"D-Dahil lang sa ganda ko?"
"Maganda at mabait ka. Bakit hindi kita mamahalin kung gano'n?"
"Paano 'yung first meeting natin---"
"That won't be a problem. Correct me if I'm wrong but... I guess if we're really meant for each other, you'll accept wholeheartedly his or her vanities in life because that's what you call... love, right?"
Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Gusto ko 'yun kaya lang...
"Anong vanity? Gano'n ba ako?" Tanong ko rito.
"Bakit, gano'n ang description ko sa 'yo noong una tayong nagkita. I'm just honestly talking," wika nito na may halong pagmamayabang na akala mo talaga sobra ang pagiging ma-pride ko noon. Sus!
"Whatever," saka ako napailing at marahang natawa. Nakakatuwa lang isipin na siya na isang robot ay nagawa pang isipan ako ng gano'n noon, pero si Theo na dati kong Boyfriend ang tingin sa 'kin ay perfect kahit walang gano'n.
Gano'n siguro talaga kapag may balak sa 'yo ang tao ano? 'Yung balak kang gulangan.
Tahimik lamang kaming nakatingin sa dagat habang umiihip ang masarap na hangin. Hindi ko rin alam kung anong oras na, basta ang alam ko...
Kasama ko siya.
Pasimple akong tumingin kay Theo na blangkong nakatingin sa dagat. Kung tao lang siya, mas magiging maganda sana. Kung tao lang siya, hindi sana ako makakaramdam ng kaunting hapdi sa puso ko. Sapat na nga ba sa 'kin na kasama ko lang siya?
Sabi nila walang forever-- which I agree. Pero syempre nandian ang 'lifetime' para habang tumatanda, magkasama kayo. Doon posibleng hanggang sa kamatayan, magkasama kayo.
So pwede kayang magkasama kami ni Theo hangga't gusto ko? Robot siya, tao ako. Sobrang laki ng pagkakaiba. Gusto ko siyang makasama sa buong buhay ko at 'yon ang totoo. Sounds funny? I don't care. Gano'n naman talaga pag mahal mo eh. Pero... hanggang kailan nga bang ganito?
Hanggang kailan ko siya makakasama...?
"Nakatitig ka na naman,"
Dahil sa malalim na iniisip ko, hindi ko namalayan na nakatingin na pala sa 'kin si Theo. Matipid akong ngumiti at umiling saka binalik sa karagatan ang paningin. Nakakahiya, ilang beses na akong napapatitig sa kanya.
Tumayo siya at medyo naguluhan pa ako nang iabot niya ang isang kamay sa akin. "Stand up," utos nito kaya naman imbes na magtanong ay inabot ko na lamang 'yun.
"May pupuntahan ba tayo---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang magulantang ako sa ginawa niya...
Niyakap niya ako.
This isn't the first time I hug him, but it is the first time he hugged me.
"T-Theo..." naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito... na parang pinaparamdam niya ang kanyang mainit na katawan.
"I know you're thinking about something..." mahinang saad nito sa tenga ko. Napakurap na lamang ako at hindi na sumagot. Gusto kong damahin ang kanyang yakap.
"Remember this, Keziah. I'll never... I'll never leave by your side. It is your choice to get me rid, or to stay with you. But I promise, I won't fail you."
He won't... fail me?
"Don't overthink, please..." muli niyang litanya. Kaya naman hindi ko na natiis pa, tinaas ko ang mga kamay ko at mahigpit siyang niyakap. He's giving me convictions... he is always giving me assurance and that's makes me feel unease.
Either way, I'm choosing him to stay with me... for as long as I want.
* * *
"Welcome home!"
Talagang nagulat ako sa naabutan namin dito sa bahay nila Mama. Malaki ang ngiti ni Mama at ni Kiba nang makita kami, kita ko rin na ang daming pagkaing nakahain sa mesa na akala mo eh ilang taon kaming nag-ibang bansa ni Theo.
"Kamusta? Okay ka lang?" Mabilis na tanong ni Mama. Napangiti ako pero hindi maiwasang kumunot ng noo ko. Of course I'm okay...
"N-Nag enjoy ba kayo ni..." hindi na tinuloy ni Kiba ang sasabihin niya, tinaasan ko ito ng kilay. Parang iba yata ang dating sa 'kin ng mga tanong nila.
Malakas na bumuntong hininga si Kenzo dahilan para mapatingin kami sa kanya, naka-suit siya at halatang galing sa work. "Cut it out, Ma, Kiba. Theo can't even put inside his dick to---"
"What the fuck?!" Kaagad ko na itong pinutol. Napangisi si Kenzo habang ngumunguya ng chewing gum niya. Tss!
Ano bang akala nila, nagpunta kami 'ron para mag-sex? Gano'n ba? As if it'll happen.
Tinignan ko ng masama si Kenzo na parang wala lang ang sinabi niya kanina. Nakakainis, napaka bastos ng bunganga niya!
Marahan namang natawa si Theo na katabi lang ni Kenzo, jusko nakakahiya! "Have you forgotten that Keziah's taking her break. We didn't go there for a honeymoon." Anito.
"Sorry, anak. Sabi kasi ng Papa mo nagpunta daw kayo doon para sa isa't isa." Malumanay na saad naman ni Mama sa tabi ko.
"Eh ba't hindi niyo tinanong si Kiba?"
"Naniniwala kasi ako sa Papa mo,"
Hays. Tingin ba nila magkakaanak kami ni Theo gayong hindi pa kami kasal at... hindi naman siya tao. Hindi ba't napaka imposible no'n.
Naikot ko nalang ang mata ko at kumuha ng shanghai. "Si Papa pala?"
"Nasa trabaho pa, kung gusto niyo hintayin niyo muna si Papa mo bago kayo umalis." Suhestiyon ni Mama pero sa tingin ko, gagabihin kami kapag gano'n lalo at parang napagod ako sa byahe.
Bago kasi kami umalis doon ay namasyal pa kami sa huling pagkakataon ni Theo. Gusto ko lang sulitin na habang naroon kami at kasama ko siya ay makapamasyal naman.
"Pero kamusta? Nag-enjoy ka ba, Ate?" Biglang hirit ni Kiba. Hindi ko alam kung anong trip nito pero napatingin ako kay Theo na bahagyang nakangiti sa kanila. Kung walang halong malisya, oo nag-enjoy ako.
"Para kang tanga, Kiba. 'Wag mo nang itanong ang obvious." Sabat ni Kenzo. "Am I right, Sis?"
Napakurap ako at napatingin sa gilid ni Theo, nakangisi sa akin si Kenzo na akala mo ay may alam sa nangyari doon. Alam ko namang pang-asar lang niya ito.
"Oo tama ka, nag-enjoy si Keziah." Biglang sabi ni Theo at bahagyang natawa. Gosh.
"At nag-enjoy ka rin?"
"Oo naman. Girlfriend ko siya eh, natural lang 'yun."
Hindi ko maiwasang mapatitig kay Theo. Para bang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Natawa si Kenzo at Kiba pero si Theo, napakagat sa kanyang ibabang labi habang nangingiti.
Omg. Parang ang sarap... halikan.
Shit! What, Keziah?!
Pinilig ko ang ulo at umiling sa naisip. Hindi ko alam kung bakit 'yun pumasok sa isip ko. Alam kong nacu-curious ako kung malambot ba 'yon kagaya ng sa tao pero hindi tama itong naiisip ko.
Saka kung may hahalik man sa 'min, siya 'yun hindi ako!
WHUT?!
Ah, badtrip! Isang robot? Hindi, kahit mahal ko siya hindi pwedeng mangyari 'yun. Kahit gusto ko 'yun hindi pa rin pwede. Isa siyang robot, robot, robot! Nakakaiyak.
"Oo nga pala, ate, nakahanap na pala ako ng lilipatan niyo." Tumingin ako kay Kiba na ngumunguya ng fried chicken, mabuti na lamang at nagsalita siya para mabago naman ang usapan. Medyo naiilang na naman kasi ako sa usapan nila Kenzo at Theo lalo na sa iniisip ko.
"Hm, at mas malaki do'n kaya mas maganda. Siguro naman hindi ka na masusundan doon ng Jett na 'yon?" Tama si Mama, mas malayo, mas ligtas lalo at wala namang alam si Odette dito.
"Saan po 'yun?" Tanong ni Theo.
"Sa may BGC, sa Taguig."
Tumayo si Kenzo at bahagyang niluwagan ang kanyang suot na kurbata. "Burahin niyo na rin lahat ng kuneksyon niyo sa nakaraan, lalo ka na, Keziah. Dahil 'yun din ang ginagawa ko."
Tinaasan niya ako ng dalawang kilay bago tuluyang lumakad paalis, "Akyat lang ako, I'm really tired." Mahihimigan sa tono nito ang pagod kaya naman pinabayaan na namin.
Sa kabila ng pang-aasar niya kanina, pagod pala siya.
Habang naiwan kaming apat sa kusina, kumain nalang kami habang si Mama ay kwento ng kwento tungkol sa mga bagay-bagay na gusto niya i-share. Nagtatawanan, nagkakasundo, ganito kami dati. And I'm glad na nagagawa ulit namin ito.
Nakakatuwa ngang isipin na pati si Theo ay nakikisabay sa kwentuhan. Noon, hindi ko nakita na ganito ang totoong Theo sa harap ng pamilya ko. Dahil sabi ko nga, inis doon si Kenzo at hindi niya hinahayaang makapasok 'yun sa bahay. Ngayon, alam ko na ang rason no'n. Wala lang rin naman kay Theo noon kung papasok siya dito o hindi eh.
Pero iba talaga si Theo ngayon at gustong-gusto ko 'to. Masaya ako at ginawa siya para sa 'kin. Tama nga sila Kiba, makakatulong sa 'kin si Theo.
Hindi lang nakatulong, naging sobrang importante pa sa buhay ko.
Nang makauwi kami sa condo, binilin sa 'kin ni Mama na mag-empake na kami dahil bukas ng tanghali ay lilisan na kami papuntang BGC para sa bago kong condo. Ihahatid kami ro'n ni Kiba tutal siya naman ang nakakaalam noon.
"Matulog ka na, tutulungan kita bukas mag-ayos."
Napangiti ako sa sinabi ni Theo, nandito kami ngayon sa tapat ng kwarto ko. "Kung gano'n, thank you. Sana maging okay na ang lahat."
"That's for sure. Now, go, you need to rest, it's been a heavy day." Pinatalikod niya ako at bahagyang tinulak habang nakahawak sa dalawang balikat ko.
"Tomorrow will be a heavy day," natatawang ani ko rito.
"I know,"
Bago niya tuluyang isara ang pinto ko ay ngumiti ito sa 'kin at nang isasara na niya ay mabilis akong humawak doon...
Maging ako nagulat sa naging aksyon ko. Bakit ko pinigilan ang pinto? May sasabihin pa ba ako?
"Why?" Tanong niya dahil sa ginawa ko. Tumingin ako sa kaliwa, nag-iisip kung bakit nga ba.
"Uhm..."
Marahan itong natawa kaya napatingin ako dito, "Alam ko na," anito. "Goodnight, Keziah." Bahagya pa nitong ginulo ang buhok ko.
Goodnight...
Tumaas ang dalawa nitong kilay dahil wala akong naging reaksyon. "Aren't you going to say goodnight to me?"
Ilang sandali... ilang sandali natahimik ang sistema ko sa hindi ko talaga malamang dahilan. Iniisip ko kung ganito ba ako dati kay Theo, pero wala akong maalala. Para bang bago ng bago sa akin ang lahat ng ito.
Bigla ay napangiti ako sa naramdamang haplos sa puso ko.
"Hey, Kez---"
Ngayong naramdaman ko na, pakiramdam ko lalong sumaya ang nasa loob ko. Alam kong weird para sa akin pero iba 'yung feeling ko, parang napaka sarap na hindi ko malaman.
Alam kong nabigla siya, pero mas nabigla yata ako nang unti-unti kong maramdaman ang mga bisig niya sa bewang ko. Napangiti ako, inangat ko ang mga braso ko at niyakap 'yun sa kanyang leeg.
Bahagya niyang binuka ang kanyang bibig at hindi ko na maipaliwanag ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko lang...
Binigyan niya ako ng isang mahaba at matamis na halik.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro