Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 26

"May dumi ba ako sa mukha?"

Napakurap ako ng tatlong beses nang magsalita si Theo. Napangiti ako at napapailing na umayos ng upo. Hindi ko man lang na-realize na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.

Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako makapaniwala na hindi nasira si Theo. Buong akala ko, gigising ako nang nando'n pa rin ang katawan niya, at iiyak na naman sa pagkasira niya dahil sa sarili kong kasalanan.

Hindi ako nakaramdam ng hiya kanina nang yakapin ko siya. Hiya? Ilang? Awkward? No. 'Yung pakiramdam ko kasi kanina ay parang gumaan ng lubos dahil nakita ko siyang maayos. Pinaliwanag din agad sa akin ni Theo ang nangyari. Ika niya, maaaring natuyo ang mga makinang nabasa sa loob niya which is super rare sa mga kagaya niyang robot.

40 out of 100 lang daw ang tsansa na maayos ulit siya. Himala nalang talaga na naging okay siya kaya sumobra ang galak na naramdaman ko.

If I'm going to thank someone, that would be our Lord God.

"Kanina ko pa napapansin na nakatitig ka, sobra mo ba akong na-miss?" Nakangising tanong nito kaya natawa ako ng bahagya. Gusto ko na nga lang mapamura dahil shit, I'm not like this!

"Pinag-alala mo 'ko." Ani ko na lamang.

Medyo nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa, "I'm sorry. Pero ngayon alam mo na, na hindi ako pwede mababad?" Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi.

Ako nama'y bigla na namang na-guilty. Aminado talaga ako, at hindi na ako uulit dahil baka wala nang pag-asang magising siya sa susunod-- which is a drag thought.

"Sana man lang kasi nagsabi ka. Nagsabi ka na hindi ka pwede mababad. 'Di ba?" Nakasimangot kong angil rito. Nakakainis lang na alam pala niyang bawal siya 'ron, sumama at pumayag pa!

"You know I can't reject you, babe..."

Nanlaki ang mata ko at napaiwas ako ng paningin. What the heck?! Pakiramdam ko nagtaasan ang mga balahibo ko kahit na hindi naman ito ang unang beses na tawagin niya akong gano'n.

It's just that... kinikilig ako?

Waaaaaaah Keziah!

"Hey," hinawakan ni Theo ang baba ko at marahang pinaharap ang mukha ko sa kanya. Kung kanina hindi ako nakaramdam ng hiya o ilang, parang ngayon na yata umaatake. "H'wag ka munang kiligin, kumain ka muna."

Umayos siya nang upo at nginisian ako. Pinagsaklop niya ang mga daliri at pinatong ang dalawang siko niya sa mesa habang nakatingin sa 'kin. Napalunok ako at hinawakan ang mga kubyertos sa harapan. Gusto kong mag-react pero hindi ko magawa. This is really insane!

Nasa harapan ko ang mga pagkaing niluto niya at alam kong gutom na ang nararamdaman ko dahil kagabi pa ako walang kain pero... ba't parang ngayon na ako talaga nailang?

Tinaasan niya ako ng kilay na parang, "Ano pa hinihintay mo?" Look. Napailing naman ako at sinimulan na ang pagkain. Dahil hindi ko na rin kaya ang gutom ay hindi ko na lang siya pinansin.

Dahil last day na namin bukas, gusto ko siyang yayain mamaya mamasyal doon sa mga lugar na hindi pa namin napupuntahan. Ang alam ko kasi malaki ang resort na 'to, ang alam ko nga ay may magandang garden dito na pinamamahayan daw ng mga paru-paro at magagandang bulaklak. Para daw 'yon sa mga taong nais mapag-isa o sa mga taong may malalim na iniisip. Syempre, makakatulong nga naman ang nature para gumaan ng kaunti ang pakiramdam ng taong may pinagdadaanan.

Bago ako matapos kumain ay nagsalita na ulit si Theo, "Oh, by the way, you are not allowed to get out of this room. Understood?"

Napatigil ako sa pag-nguya at tumingin sa kanya. Ano daw? 'Not allowed to get out of here?'

Tumayo siya at ngumiti. "Manunuod lang tayo ng horror movie maghapon," then he left me with confusion.

Napasandal ako sa upuan at kumunot ang noo habang nakatingin sa pagkain ko. Posible kayang may nangyaring kakaiba kay Theo noong nawalan siya ng malay? Saan niya natutunan ang panunuod namin ng movie? At horror pa talaga?!

Gayunpaman, iba pa rin ang pumasok sa isip ko...

* * *

Nakatingin lang ako sa tv screen at tila inaantok na sa palabas. Paranormal activity 2 ang napiling panuorin ni Theo ngayong oras na 'to, sabi niya, nakaka-curious daw ang title. Samantalang ako, naku-curious na talaga sa kanya.

Kaninang alas diyes nang magsimula kami manuod ng horror films. Art of devil, lights out, jeepers creepers, the boy, escape room, and now... paranormal activity. Nakakaumay, 'di ba?

Actually, wala talaga akong hilig sa mga horror films. Mas prefer ko ang action pero hindi rin naman ako gano'n ka-interesado. Kumbaga, I'm really not a fan of any movie. Wala din akong hilig sa mga teleserye sa tv. Drama, Variety show... nah, except kung discovery channel. Mas gusto ko 'yon kesa ang magpaka-korni sa tv.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa katabi ko-- wala ito. For the 3rd time, umalis na naman ito at hindi ko talaga alam kung saan siya nagpupunta. Kanina pa may tumatawag sa phone niya at hindi ko alam kung sino 'yon. Ngayon nga hindi ko alam na nakaalis na naman pala. Maybe because I'm damn sleepy.

Tumayo ako at pinatay nalang ang player pati na rin ang tv. Hinagilap ko si Theo sa buong kwarto pero wala siya. Naisip ko na baka nasa labas ito. Pero... sino kaya ang tumatawag sa kanya? Kailangan ba talaga malayo siya sa 'kin pag sasagutin niya 'yon?

Hindi kaya si Odette 'yon?

Nakaramdam ako ng kaunting inis sa naisip. Posible iyon dahil may number siya ni Theo. But what's the purpose? Tapos na ang role niya sa buhay namin. Saka, kung siya nga 'yun, bakit kailangan lumayo ni Theo?

Pinag-iisip na naman niya ako ng malala!

Dahil 30 minutes na siyang hindi bumabalik, nakapag-desisyon na akong hanapin siya sa labas at malaman kung sino ba ang tumatawag na 'yon. Nagpalit ako ng damit. Maong high waist short na tinernuhan ko nang low back sleeveless na itim, nag-sandal nalang rin ako at kinuha ang phone ko.

Pinag-iisip niya ako. Pinag-aalala niya ako! Damn you, Theo.

Malapit na magdilim, 5:40pm na rin ng hapon at kita na ang mga nagkikislapang ilaw rito sa resort. Maraming namamasyal at nagtutungo sa mga restau para kumain. May ilang naliligo pa rin sa dagat at mga swimming pool, ang ilan nama'y nakatambay lang sa maputing buhangin.

"Ma'am, saan po kayo?" Biglang may sumulpot sa harapan ko. 'Yong security na nagbabantay sa 'kin.

"Uhm, nakita niyo ba si Theo?"

Umaasa ako na kahit papaano ay nakita nila since nandito naman sila sa labas, pero sinagot lamang ako ng iling.

Nilibot ko ang paningin ko. Wala akong ideya kung nasaan si Theo kaya naman nag-aalala na talaga ako. Paano kung aksidenteng may nangyari sa kanya? O baka naman kausap niya talaga si Odette at nakikiusap? Shit, I can't accept that two stupid thoughts.

Patakbo akong umalis sa lugar. Hindi ko na pinakinggan ang security na tumawag sa 'kin at wala rin akong pake kahit habulin niya ako. I needed to find Theo! Kaliwa't kanan ang paglingon ko. Bawat lalaki na matatanaw ko sa malayo ay tinitignan kong mabuti. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang alam ko, kung hanggang saan ako kaya dalhin ng paa ko para lang mahanap siya.

Patagal ng patagal, palala ng palala ang nararamdaman kong kaba sa dibdib ko. Tinatawag ko siya sa phone at umaasang makakausap siya, pero cannot be reached. Text na rin ako ng text, baka sakaling makita siya, pero wala talaga. Ngayon hindi ko na alam ang iisipin ko.

Humahangos ako nang huminto malayo sa mga tao. Napahawak ako sa dalawang tuhod ko at pilit na pinapakalma ang hingal na nararamdaman ko sa katawan. Gusto ko na sanang bumalik sa kwarto, pero naisip ko, paano kung wala pa rin siya?

Theo... mawawala ka na naman ba?

"Naku, sorry, Rose!"

"Baliw ka talaga! Mahal ito kapag nasira. Baka sa atin pa pabayaran ni Sir."

"Sorry nga eh, pero ang cute 'no? Sweet."

"Gwapo na, sweet pa. Ang swerte nang Girlfriend."

Tinignan ko ang dalawang babae na nag-uusap, may dala silang bouquet ng pulang rosas. Kung pagbabasehan ang kanilang suot, mukha silang mga staff dito sa resort. Kahit nakalagpas na sila, tila naiwan dito ang mabangong amoy ng bulaklak.

Mukhang may isang lalaki na magpapaka-romantiko para sa kanyang minamahal ngayon.

Napalunok ako at napatingin sa paanan ko. Naka-experience naman na ako ng romantic date noon kay Theodore, pero sa fine dining restaurant lang which is okay naman. Pero para paghandaan ng ganito ka-espesyal? Wala...

Sa bagay, si Odette naman talaga ang espesyal sa kanya una palang.

Mariin akong napapikit. Keziah, DON'T EVER THINK ABOUT HIM ANYMORE. FORGET THAT FUCKTART THEODORE!

Minulat ko ang mata ko at nagsimulang maglakad papunta sa pinuntahan ng dalawang babae. Baka sakaling naro'n rin si Theo. Malaki ang lugar na 'to, malamang ay hindi lang 'yon ang pwesto kung saan may nagda-date.

Halos puno ng pag-aalala ang nararamdaman ko at tipong hindi talaga ako mapakali sa aking paglalakad. Sa 'di kalayuan, may nakita akong isang maliit na parang bahay. Pinanliitan ko ito ng mata. Isa siyang silungan sa tingin ko. Nagkikislapan ang mga christmas light nito sa paligid na kulay puti at dilaw, may nakikita din akong mga pulang rosas sa itaas no'n at gilid. Sa ibaba naman ay nagkalat ang mga pulang petals. May puting manipis na kurtina na nakalaylay sa dalawang gilid ng bahay na 'yon.

In short, para siyang ginawa para sa magho-honeymoon. Very romantic.

Napahinto ako nang makita ang dalawang babae na nakikipag-usap na ngayon sa isang lalaki. Nakatalikod ang lalaki kaya naman hindi ko mamukhaan.

Kung siya man ang mangsu-surpresa sa kasintahan niya, that GIRL is so lucky.

Liliko na sana ako nang daan nang umalis ang dalawang babae at mapatingin sa likuran ang lalaki. Sa pagkakataong ito, napahinto na naman ako sa aking kinatatayuan...

Pakiramdam ko, nag-slow motion ang lahat nang ngumiti sa akin si Theo. Namulsa siya at sinenyasan ako na lumapit. Pero para akong naestatwa. Hindi ko alam ang eksaktong mararamdaman.

Siya... siya 'yung tinutukoy ng dalawang babae?

Lahat ng pangamba, takot, pag-aalala at pagkabahala na naramdaman ko ay nawala sa isang iglap na makita ko siya. Dahil hindi pa rin maka-recover, siya na mismo ang lumapit sa 'kin at nang magtama ang paningin namin sa mga oras na 'to, para akong pinanghinaan ng tuhod.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, sabi ko 'wag kang lalabas eh." Aniya pero hindi pa rin matanggal ang paningin ko sa kanya.

Naiisip ko na... para sa akin ba lahat ng pinaghandaan niya ngayon? I mean, ayoko mag-asume pero kusa 'yong pumapasok sa isip ko!

"Hey," marahan niyang piningot ang ilong ko kaya naman doon lang ako nag-react. Marahan naman siyang natawa.

"A-Anong meron?"

Inakbayan ako nito at dinala sa harap ng maliit na bahay. Ngayong malinaw na sa 'kin, kita ko na, na may malaking puting kama sa loob, may mga pulang petals na nagkalat ro'n, meron ding tray na nakapatong at naglalaman ng mga pagkain at wine. Ang bango sa paligid gawa ng mga petals, nakikisama ang malamig na gabi sa magandang handog para sa 'kin ni Theo.

Omg. I can't believe that this is meant for me. That Theo did this for me.

Para kaming bagong kasal na may honeymoon ngayong gabi dahil sa ganda nitong hinanda niya. I can't stop thinking about that thought.

"This..." huminto kami sa harapan noon, saka siya pumunta sa likod ko at hinawakan ang dalawang balikat ko. "This is all for you, Keziah." Bulong niya.

Natulala ako at bahagyang napanganga. Never thought that Theo has so much sugar in his body. Parang panaginip...

"T-Theo..."

Pumunta siya sa harapan ko nang nakangiti, "C'mon, Keziah. I know you deserve this kind of treatment."

I... deserved?

"That's why, we're going to have our night here alone."

Huh?

Tumingin ako sa likod ko, wala ang mga security ni Papa na sa tingin ko ay hindi ako nahabol sa dami rin ng tao kanina. Saka ko binalik kay Theo ang aking paningin, "So stupid." Sinamaan ko ito ng tingin at bago pa siya makapag-salita, inunahan ko na siya. "Pinag-alala mo na naman ako. Bakit hindi mo nalang sabihin sa 'kin na may pinaghahandaan ka hindi 'yung palagi mo akong pinag-iisip?!"

Parang gusto kong maiyak sa harapan niya dahil una, pinag-alala niya talaga ako. Pangalawa, bigla niya akong pinasaya. Hindi ko na nga yata alam kung anong emosyon ang unang mararamdaman ko eh. Nakakainis talaga.

"How can you call that surprise?" Tanong niya.

"Eh 'di kahit 'wag na! Kasama lang kita okay na ako. Kahit walang ganito, kahit wala tayo dito. Ang importante kasama kita. Kaya 'wag mo na uulitin 'to ha? Gusto ko ito pero pinag-aalala mo ako..."

Ilang sandali siyang hindi nagsalita samantalang masama pa rin ang tingin ko sa kanya. Pero maya-maya lang ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "'Yan ba 'yung tinatawag nilang... 'Love?' 'Yung naramdaman mo kay Theo noon?"

Hindi ko alam pero nagulat ako sa tanong niya. Nawala ang pagkakakunot ng noo ko at napatingin ng diretso sa kanya. Wala naman siyang sinabing masakit pero nakaramdam ako eh. Dahil ba sa 'Theo?' Hindi. Hindi dahil doon...

"Hindi ko alam ang pakiramdam noon, pero iyon man ang nararamdamam mo para sa 'kin, salamat. Atleast hindi na madilim ang puso mo."

That's when I realized that every happy moments in our life, comes with the consequences of sadness...

Tama. I love him. Pakiramdam ko nga mas matimbang itong nararamdaman ko ngayon kesa sa naramdaman ko noon kay Theo. But the thing is...

I'll never experience that warmth of his love into mine. Doon palang, talo na naman ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro