Kabanata 20
Paulit-ulit kong tinutungga ang iniinom kong Pineapple canned juice dito sa may verendra. 11:30 na rin ng umaga at naamoy ko na mula sa loob ang niluluto ni Odette na sa tingin ko ay Chicken Curry.
Err, kahit isa iyon sa mga paborito ko ay hindi yata ako makakakain ng maayos ngayon.
"Ano kaya magiging reaksyon ni Theo kapag nalaman niyang... anak namin ang napulot niyo sa Terminal?"
Naipilig ko ang ulo ko at mariing pumikit dahil sa naalala. Nakakainis, halos hindi ako makatulog kanina dahil do'n. Tila ginugulo ako ng boses at mga salita ni Odette.
Hindi ko rin maitatanggi na hanggang ngayon, lalo kagabi, may kirot pa rin akong nararamdaman. Nobody can take if your Boyfriend cheated on you. Lalo sa nalaman kong nabuntis niya si Odette? What the fuck, Theo. You and your stupid dick.
"Hey, kakain na."
Hindi na ako lumingon sa likod dahil boses palang ni Odette ay alam ko na. Alam kong masaya siya ngayon dahil nasabi niya na sa akin ang bagay na dapat ikagalit ko gayong ang alam niya ay buhay at kasama namin si Theo. Isa pa, tinutulungan siya magluto ni Theo kaya ganyan.
Narinig ko siyang natawa, "Alam mo nakakagulat ka, Keziah. Usually, ang babae kapag nalaman nilang may anak pala ang Boyfriend nila sa ibang babae ay magagalit at baka mapatay pa nga ang Boyfriend. But you, you're acting tough, aren't you?"
Lumalim ang paghinga ko at napahigpit ang kapit ko sa hawak na Canned drink. Hinarap ko siya at nakitang nakasandal siya sa gilid ng sliding door, habang nakangiting aso.
"Anong gusto mong gawin ko?" Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Patayin ko si Theo... o patayin ka?"
Naikot nito ang kanyang mata saka umayos ng tayo. "Whatever," saka siya umalis sa harap ko.
Hah, may ikakatakot din pala ang babaeng 'yon. Ang lakas niyang mang-asar. Maswerte siya dahil kung nagkataon na buhay pa si Theo? Baka makalimutan kong may anak pala siya.
Napabuntong hininga ako nang tumunog ang phone ko sa mesa, muli kong tinungga ang huling juice sa lata at nilapag 'yon bago sagutin ang tumatawag. It's Kenzo.
"Yeah?"
Napa-palatak agad siya, "I forgot to tell you something, damn it!"
Tumaas ang isang kilay ko at umupo sa upuan. "What's with the raspy tone?"
"Don't you remember?"
"What?"
"It's Mama's birthday today!" He hissed.
The words felts like a bell that thud to my ear for me to sit straight, "Now?"
"I heard that we're going to Shangri-La hotel that Papa planned for us to celebrate. And Sis, it' a BIG celebration. You know what I mean."
Dahil sikat na businessman si Papa at Mama, matik na may mga dadalong sikat na businessman sa birthday niya. Maraming friends si Mama na mas mayaman pa sa 'min, sa pagkakaalam ko ay may dalawang politician at tatlong artista pa nga.
"T-Teka, kung gano'n anong oras 'yon gaganapin?" Tanong ko.
"6pm sharp dapat nando'n na kayo. Tutal maaga pa, I decided to have an early out and meet you at the mall."
"For what? May magaganda akong---"
"For what? May ireregalo ka? Stupid." Kung nakikita ko lang ang mukha nito ngayon, malamang ay inis na inis na siya. I can imagine how he looks like.
Pero oo nga, Through these years hindi lumagpas ang birthday ni Mama na wala kaming regalo. Siguro dahil nasanay kami noon na nagreregalo kay Mama, kaya hanggang ngayon ay nagkukumahog pa rin si Kenzo sa ireregalo. Ayaw na ayaw pa naman niyan sa lahat ay 'yung nakaka-disappoint siya.
Napairap nalang ako, "Okay we'll meet at 12:30. Text me where,"
"Good. Kiba will pick you up."
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay binabaan na niya ako.
Katatayo ko palang nang magpakita sa 'kin si Theo. "Kumain ka na, Kez---"
Bigla ko siyang hinila papasok, "Prepare yourself, we're going somewhere."
Pagpasok namin ng loob ay naghahain na si Odette. Tumigil siya at napatingin sa kamay kong nakahawak sa pulsuhan ni Theo. Psh,
Tumunog ang doorbell ng unit kasabay ng pagbukas ng pinto. Nakangiting bumungad sa 'min si Kiba na ayos na ayos. "Hey, Good afternoon."
Pumunta ako sa kanya habang hatak pa rin si Theo. Kung trip akong asarin ni Odette, pwes hindi ko siya uurungan.
"Pumunta ka ba dito dahil aalis tayo?" Mabilis na tanong ko dito.
"Ah, sinabi na pala ni Kenzo. Yep, birthday kasi ni Mama and we're all going to celebrate later at night. Nakaisip ka na ba ng ireregalo mo?" Tanong niya pero umiling lang ako. Sa mga sinabi ay 'yung word na "all" ang nakakuha ng atensyon ko.
So ibig sabihin, sasabit si Odette?
Tss.
"Hintayin mo 'ko. Maliligo lang ako." Bilin ko kay Kiba. Bumaling naman ako kay Theo na halatang blangko lang ang tingin. "Mag-ayos ka na rin. You're going with me."
"Paano itong niluto ko? Kumain muna tayo." Apila ni Odette pero hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa kwarto.
Narinig ko pang purihin ni Kiba ang gawa ni Odette, kaya ang gaga nagmalaki na naman.
"Wow, ikaw nagluto? Kaya mo pala gumawa nito patikim ah?"
"Actually, tinulungan ako ni Theo. See how kind he is?"
"Hm! Sarap. Oo mabait talaga 'yan si Theo."
"Tapos ni hindi man lang pinansin ng kapatid mo. Kamusta naman ang effort ko?"
"Hahaha! I highly appreciate your effort."
Tss. Naikot ko nalang ang mata ko bago kunin ang towel sa cabinet. Ang bait-bait niya kapag nandian si Theo at Kiba, pero kapag kami nalang eh akala mo mas mataas siya sa 'kin.
Maswerte talaga siya at patay na si Theo. Kung hindi ay dalawa silang malulumpo dito sa condo ko. Sa sakit ng mga nalaman ko, baka nga kulang pa 'yon.
Maswerte rin siya dahil as much as possible eh ayoko siyang patulan ng malala.
* * *
"So, anong naisip mong iregalo kay Mama ngayon?"
Tahimik lang akong nagmamasid sa paligid habang naglalakad kami. Ang dami na rin naming nadaanang botique store na pangbabae, mapa-sapatos man o damit. Pero hindi ko alam kung bakit wala akong maisip.
Come to think of it, What would Mama could wish for if she has everything?
Kung may hihilingin man siya, that's love by her own family. And of course her health. Kung titignan nga si Mama, parang hindi 50 years old. Mukha lang siyang nasa 30's sa ganda niya.
"Keziah,"
Napalingon ako kay Kenzo na hawak ang cellphone niya at parang may ka-text.
"Ano?"
"Later, you have to be with your P.A. Bukod kay Theo, mas magandang may palaging nakabuntot sa 'yo. Understood?" Saka niya ako tinignan at tinago ang phone sa bulsa.
Nangunot ang noo ko, "Are you kidding me? I don't want her she'll just ruin my night!" Naiinis kong bulalas rito. Naalala ko tuloy bigla 'yung confession ni Odette na sinubukan manligaw ni Kenzo sa kanya.
Psh, Ngayon ko lang na-realize na interesado siya sa mga bitch.
Magsasalita pa sana si Kenzo nang biglang sumingit si Kiba, nakaharap siya sa isang malaki at halatang pang-eleganteng botique. "Guys! Let's check it out! Baka makahanap tayo ng ireregalo."
Napahalukipkip ako at tumingin sa ibang direksyon. Gustuhin ko mang samahan si Kiba sa loob ay tila nawalan yata ako ng mood kay Kenzo. Told 'ya malakas makawala ng mood itong Kenzo na 'to.
"Hey, Kez." Ani niya sa 'kin ngunit hindi ko 'yon pinansin.
"Kenzo, Ate, hindi ba kayo titingin sa loob?" Muling pagsingit ni Kiba na halatang nagtataka sa amin. Hindi niya kasi narinig ang sinabi ni Kenzo kanina dahil nasa unahan sila ni Theo.
"Go on, susunod kami." Utos ni Kenzo.
"I'll go with you," saad ni Theo. Muling tumingin sa 'min si Kiba bago sila sabay na pumasok sa loob ng botique.
Nang tuluyan silang makapasok ay saka ako muling hinarap ni Kenzo. This time, seryosong-seryoso na naman 'yung mukha niya.
"Hindi ba at matagal na natin itong napag-usapan? Personal Assistant mo 'yung tao, dapat nga kasama natin siya ngayon pero hindi mo daw pinasama. Why? Is it because of that stupid Theo?" Alam kong ang dating Theo ang tinutukoy nito.
Napatingin ako sa kanya ng hindi makapaniwala. "Alam mo ngang niloloko ako no'ng tao, pinabayaan mo pa! You should've tell me the moment you knew," banat ko rito.
Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Bahagyang bumuka ang bibig niya at umayos ng tayo. "So she finally confessed, huh?"
"Tapos," nilagay ko ang isang kamay sa bewang, "Niligawan mo pa siya. Alam mo ba ugali no'n? Gaano mo siya kakilala? Mabait sa 'yo? You know what wala naman talaga dapat akong pake pero nakakainis na siya!"
"Tone down your voice," Maotoridad nitong ani.
Napalunok ako at tumingin sa kanyang dibdib, "Hindi mo pa kasi nararanasan na maloko ng taong akala mo eh mahal ka. Actually, Kenzo, hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Odette lalo sa mga nalaman ko. Tapos ipapasama mo pa siya? No fucking way! O baka naman gusto mong isipin kong gusto mo lang siya makasama?" Bulalas ko saka siya tinalikuran. Humalukipkip ako at pilit pinapakalma ang nararamdaman ko.
Ayoko lang naman na palaging nakabuntot sa akin si Odette. 'Yun lang. Palagi ko na nga siyang nakakasama sa unit, isasama pa rin siya? Anong silbi ni Theo kung gano'n?
Aaminin ko na simula kagabi, noong matapos ang usapan namin. Hindi na mawala sa isip ko na may nangyari sa kanila noong mga panahong kami pa ni Theo. Hindi ba masakit 'yun kahit na hiwalay na kami at wala na siya?
"What the hell?! Why would I? Matagal na 'yun at hindi ko na siya gusto ngayon. I'm only doing this because it's her job! P.A mo siya, Keziah."
Kunot noo ko siyang binalingan, "Kenzo niloko nila ako! Ako! Ako na kapatid mo at nag-iisang babae, niloko!" Singhal ko sa kanya. "Could you imagine, kung naging kayo ni Odette tapos malalaman mo ginagamit ka lang dahil sila talaga ni Theo ang may relasyon. Maaatim mo 'yon lalo at... may anak sila."
Hindi siya nakapagsalita. Medyo nagtaka ako dahil mukhang nakalimutan yata sabihin ni Odette na may anak sila ni Theo.
"You heard it right, they have a child! My gosh, Kenzo. Hindi na nga ako umaangal na paalisin si Odette tapos kailangan ko pa siyang isama sa lahat? Babawiin niya pa nga daw si Theo sa 'kin ngayon. See? I cannot take that!"
Obviously, hindi niya alam ang tungkol do'n. Hindi man niya aminin ay halata sa tinginan niya noon na may interes pa rin siya kay Odette. Ngunit dahil sa nalaman ngayon, malamang hihinto na 'to. Kenzo is very professional, hindi niya kailangan magpaka-martyr.
Ilang sandali. Ilang sandali siyang natahimik at napatingin sa gilid. Hindi yata siya makapaniwala na hindi 'yun nabanggit sa kanya. Hindi rin yata siya nakapaniwala na isa nang ina ang babaeng gusto niya... sa Ex ko pa.
"They have a child... and they planned to kidnapped you for ransom because of his bullshit job." Kalmadong anito habang nakatingin pa rin sa kanyang gilid. Tila naka-recover at na-realize niya na lahat.
So technically, hindi alam ni Kenzo na may anak si Odette at Theo habang niloloko ako. Ang alam lang niya ay ginamit at niloko ako ni Theo, na matagal na silang may relasyon ni Odette, na kidnap for ransom pala ang pakay sa 'kin una palang.
Binasa ko ang labi ko bago muli magsalita, "Inamin din niya sa 'kin na sinabi daw ni Theo sa kanya lahat ng plano bago pa ako ligawan."
Naramdaman kong tumingin sa 'kin si Kenzo kaya napatingin din ako sa kanya. Kunot ang kanyang noo, "So she knew?"
Tumango ako. Sa totoo lang, kahit gusto kong kalbuhin si Odette at gantihan para man lang sa sarili ko ay hindi ko magawa. Bakit pa, kung patay na si Theo. Bakit pa, kung ang gusto niyang bawiin sa akin ay isa nalang robot.
Wala rin mangyayari kung gagantihan ko siya. Sapat na 'yung inis na nararamdaman ko sa kanya, dahil wala siyang kasalanan, at si Theo ang puno't dulo nito.
"Damn, I can't believe it..." Usal nito.
Huminga ako ng malalim nang makita na papalabas na sila Kiba. May bitbit itong paperbag na kulay gold. Nagkwe-kwentuhan sila ni Theo nang makalabas.
Habang ako naman ay inayos ang postura. Bahagya kong inayos ang buhok ko at napatingin kay Kenzo. Tulala siya habang nakapako ang mga mata sa gilid namin, kunot din ang kanyang noo. Mukha siyang may malalim na iniisip.
Is he disappointed?
Bago pa makalapit sa amin sila Kiba ay 'di sinasadyang napalingon ako sa likod ko. Una kong tinignan ang stall ng Ice cream, lumipat sa katabi nitong waffle house, hanggang sa dumako ang mata ko sa Papelmelroti na shop.
Tumaas ang balahibo ko nang makita ang isang lalaki na nakaitim na jacket. Naka-hood ito at nakapamulsa habang nakatingin sa 'kin.
Agad kong iniwas ang paningin ko saka hinatak palayo si Kenzo na tulala pa rin. Ni hindi man lang siya nagtanong o nagprotesta sa ginawa ko which is napaka weird para sa 'kin.
Huminto kami sa gilid ng isa pang shop, kung saan maraming tao. Sa pwestong 'to ay hindi na kami tanaw ng lalaki. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil nag-aalala ako.
Nag-aalala ako dahil tingin palang niya, alam ko na kung sino 'yon.
"Ate, akala namin umalis na kayo." Mabuti nalang at nakita agad kami ni Kiba. "Nakabili na 'ko. Ikaw, ano bibilhin niyo?"
Napalunok ako bago muling tumingin sa paligid. Natatakot ako na baka nandian lang si Jett. Hindi ako pwedeng magkamali. Kitang-kita ko ang seryosong mata niya kanina.
"Huy, nag-away ba kayo?" Tanong ni Kiba dahilan para pagmasdan niya kami ni Kenzo.
"Maghahanap ako ng ireregalo." Blangkong saad ni Kenzo saka niya kami tinalikuran.
Look who's affected.
"T-Teka, iiwan mo kami?" Tanong muli ni Kiba.
"Tatlo naman kayo. Hindi ako makakapag-focus sa ingay mo." After that, tuluyan na siyang umalis. Psh. Napaka arte.
"Nag-away kayo?" 'Di mapigilang tanong sa 'kin ni Kiba. Pinilit ko nalang ngumiti. Ayoko nang i-open ulit ang nangyaring usapan sa 'min ni Odette. Nakakainis lang siya.
"Hindi ko siya inaano. Tara, samahan niyo 'ko maghanap." Sabi ko. Para na rin makalayo kami sa lugar na 'yon.
Pakiramdam ko ayoko na yatang makita muli ang mga matang iyon. Kinabahan ako bigla kahit pa sabihin nating marami kaming back up.
Tumakas ako noon dahil sa tulong ni Theo. Ngayon kapag nahuli pa nila ako, malamang tutuluyan na nila ako.
Iyan ang nakita ko sa mukha niya kanina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro