Kabanata 2
KEZIAH
Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko. Tumingin ako 'ron ng ilang sandali na parang mapapahinto ko 'yun sa pagtitig ko. Pero dumapa nalang ako at nagtakip ng unan sa ulo.
Kung si Ate Jaya 'yun, sapat na siguro ang pagso-sorry ko kahapon. Ayoko ng ulitin pa.
"Keziah! Buksan mo 'to!"
Nakaramdam ako ng inis dahil hindi si Ate Jaya 'yun kung hindi si Kenzo. Mas lalo yatang ayoko na nandito siya sa Maynila. Minsan, hindi rin nakaka-ganda na kinakausap niya ako.
"Kapag hindi mo ito binuksan, Pasensyahan tayo pero sisirain ko 'to sa ayaw at sa gusto mo!" Bulalas niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko at bumangon para maupo.
Parang alam ko na kung bakit siya nandito sa condo.
"Ano, Keziah? Hindi ka naniniwala?!" Muli niyang sigaw kaya walang ganang tumayo nalang ako at lumapit 'ron.
Nakita kong naka-long sleeve black polo siya na bahagyang bukas ang isang butones sa taas, mukhang galing lang ng office. Bukod 'dun, salubong ang kilay niya-- As expected.
Suminghal siya at sinandal ang isang kamay sa gilid ko. "Anong ginawa mo kay Ate Jaya? Bakit mo siya binuhusan ng mainit na kape? Alam mo bang pwede ka niyang kasuhan sa ginawa mo?!"
Inalis ko ang tingin sa kanya na parang inip na inip na. This is the reason why I don't want his presence.
"Mabuti nalang sinagot nila Mama ang ospital niya kahapon. Ano, Keziah? Ganyan ka nalang? Ayaw mo ng magbago?"
Hindi ako nagsalita.
"Sumagot ka. Una kay Ate Via, Pangalawa kay Ate Lesley, Ngayon kay Ate Jaya! Huy, Keziah! 6 months have passed! Wake up---"
"Get lost." Ayoko sanang maging bastos pero nakakarindi na ang mga salita ni Kenzo. Isa pa, Ayokong pag-usapan ang nakaraan.
Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang higitin ang braso ko. Medyo masakit, pero hindi ko 'yun ininda. "Watch your mouth, Keziah. I'm still your brother." Madiin niyang sabi pero hindi ako sumagot. Bagkus, hinigit ko pabalik ang braso ko at sinaraduhan siya ng pinto.
Bastos na kung bastos. Judge me the way you like, Laitin niyo 'ko. That's fine. Pero ayoko lang talagang may nangengealam sa 'kin.
Siguro nga tama ang kasabihan na 'walang permanente sa mundo'. Lahat dumadaan lang sa 'yo. Kung minsan pasisiyahin ka and after that, iiwan ka sa ere. Siguro nga wala ring 'Happy ending'. Walang 'Happily ever after'. Walang 'Forever'.
Dahil kung meron...
Bakit... Bakit niya 'ko iniwan?
Pero ang tanga ko rin, Bakit ko naman naitatanong iyan? As if kasalanan niya na iniwan niya ako. Kahit na ang totoo, ako naman talaga ang may sala.
***
Kinaumagahan, Pagka-gising ko ay hindi ako agad bumangon. Nanatiling nakatitig lang ako sa puting kisame na nandito. Kahit pa siguro ilang oras ko 'to gawin, kaya ko.
Maya-maya ay may narinig akong parang may natabig na bagay sa labas ng kwarto. Lumingon ako 'ron, Hindi naman siguro si Kenzo 'yun. Hindi 'yun mags-stay dito para lang bantayan ang walang modo niyang kapatid. Isa pa, hindi 'yun mapapa-absent sa trabaho.
Pumikit ako pero ilang sandali lang ay tumayo na rin. Sumilip ako sa pinto kung sino ang nasa labas at nakita kong nakatayo si Kiba at may inaayos na kung ano sa kusina.
Bigla na lamang siyang lumingon sa 'kin. "Tapos na 'to, Keziah. Kainin mo 'to ah. Sabi ni Kuya Kenzo hindi ka daw lumabas maghapon dian."
So umabot ng gabi si Kenzo dito? That's new.
Hindi ko siya sinagot at sinarado ko nalang ulit ang pinto. Umupo ako sa likod 'nun at bumuga sa hangin. Gusto kong sabihin na hindi nila kailangang gawin 'to pero... Wala akong lakas ng loob. Naiintindihan ko na nag-aalala sila sa 'kin bilang kapatid pero hindi ko gusto ang pakiramdam.
Feeling ko kasi... Lalo lang akong nalulungkot.
Maya-maya ay nakarinig ako ng tatlong mahihinang katok. "Keziah, Ayaw mo ba talaga kumain? Hindi ba at dapat mag-alala ka sa kalagayan mo? Sasakit tiyan mo niyan." Malumanay na sambit ni Kiba sa labas. "Gumagawa na ng paraan sila Papa para sa 'yo..."
Nangunot ang noo ko. Paraan?
"Sana, Anuman ang kalabasan, Maging masaya ka pa rin. Tama nga si Ate Jaya. Talagang hindi ka talaga lumalabas dian." Bahagya siyang natawa. "Nami-miss ka namin nila Mama... 'Yung pagiging sweet mo, hinahanap namin. Keziah, kailan ka ba... makakapag-move on?"
Hindi ako nakapag-salita. Sa pagkaka-kilala ko kay Kiba ay hindi siya ganitong ka-clingy magsalita. Masyado siyang happy-go-lucky. Hindi siya nagse-seryoso sa buhay unlike Kenzo na parang isang pitik lang ay galit na.
"Keziah..."
"Anim na buwan ng wala si Theo, K-Kalimutan mo na siya." Nag-aalalang aniya.
Tumayo ako at dumiretso sa kama. Humiga at pinilit na pumikit. Ayoko nang makinig kahit kanino. Ayoko na silang marinig.
"Hindi na siya babalik, Keziah. Patay na siya kaya naman tama na. Please, Ibalik mo na ang dati mong sarili..." Bahagyang lumakas ang boses ni Kiba at dahil 'dun, muling bumalik ang alaala ko kay Theo bago siya mawala...
"Sabihin mo, Keziah... Gusto mo ba akong umalis at iwan ka dito sa Pilipinas?"
Napatingin ako kay Theo na hawak-hawak na ang kanyang maleta. Gusto kong matawa sa tanong niya, Ngayon niya pa 'ko tatanungin kung kailang nandito na kami sa Airport?!
"Handa naman akong mag-back out para sa 'yo, 'Yun nga lang, Magta-trabaho pa rin ako kay Johnson." Sa tono ng pananalita niya ay parang nag-hahamon ito, Na parang wala akong magandang pag-pipilian.
"Handa ka pa rin mag-trabaho 'ron kahit na illegal ang trabaho niyo sa kumpanyang 'yon?!" Nang-gagalaiting tanong ko dahilan para ilayo niya ang tingin sa 'kin na para bang naiinis na.
"Babe, Hindi mo naiintindihan. Maraming malalaking tao ang nakiki-isa sa kumpanya ni Johnson! Sa tingin mo, Sinong mag-susumbong 'don kung lahat naman kami nakikinabang?"
"Nakikinabang sa pag-susugal?!" Nararamdaman ko na ang mga nag-babadyang luha sa mata ko. "Bakit ba hindi mo maiwan si Johnson kung marami namang nag-hihintay sa 'yong trabaho dian na mas maganda pa! Sabihin mo, Ano ba talagang meron 'don?!"
"Damn it, Keziah you're making a scene!" Mahinang singhal niya pero umiling lang ako. Wala na yata akong pake kahit nasa maraming tao kami.
"Tapos ngayon aalis ka dahil ikaw ang hahawak sa isa pang illegal na business 'don ng Johnson na 'yun?!"
"Kaya nga sabi ko hindi ako aalis at handa naman akong mag-back out kung sasabihin mo! Pero, Magta-trabaho pa rin ako kay Johnson. Alam mo namang malaki ang utang na loob ko 'dun. Isa pa, Kababata ko 'yun." Naiinis na paliwanag niya pero mas naiinis ako.
"Kahit na... Hindi kita maintindihan, Theo..." Nakagat ko ang ibabang labi ko at tumulo nalang bigla ang luha ko.
Hindi ko alam kung ba't biglang naging malabo kami. Okay naman kami noong mga nakaraan ah? Masaya kami. Pero bakit hindi niya matanggihan ang Johnson na 'yun? Ni kahit minsan hindi pa ako nadadala ni Theo sa pinagta-trabahuhan niyang 'Casino' na iyon.
Gusto kong mag-trabaho nalang siya sa company ni Papa pero tinatanggihan niya. Aniya, Kailangan daw siya ni Johnson sa trabahong 'yun at bawal siyang umalis.
Ilang buwan... Ilang buwan akong nag-tiis pero bakit ganito? Bakit... Parang mas pipiliin niya 'yun kesa sa 'kin na Girlfriend niya.
"Pinaliwanag ko naman na. Ayaw mo lang intindihin, Keziah." Blangkong usal niya kaya inis ko siyang tinignan.
"Then go! Umalis ka! Leave me! Kung hindi mo lang din ako papakinggan umalis ka na lang." Bulalas ko na kinagulat niya.
Ayoko man, Pero ayaw din naman niya 'kong pagbigyan. Gusto kong umangal siya at sabihing hindi na siya aalis at hindi na rin siya magta-trabaho kay Johnson pero...
"Sigurado ka?"
Hindi ako sumagot. Matalim lang akong nakatingin sa kanya.
"Aalis ako dahil... Sinabi mo, Keziah."
And after that, namalayan ko nalang na wala na siya sa harap ko.
Tumagilid ako ng higa matapos maalala ang pangyayaring 'yun. Nararamdaman ko ang sakit sa dibdib ko senyales na kahit anim na buwan na ang nakakalipas ay nasasaktan pa rin ako sa pagka-wala niya.
I'm the one who should be blame for what happened to Theo. Kung pinigilan ko lang siya... Hindi sana siya masasama sa nangyaring Airplane crash.
6 months ago nang mawala siya... Kahit hindi nila ako sisihin, Feeling ko ako pa rin ang may kagagawan. Pero kahit gano'n, Kahit sobrang sakit.
Ni minsan...
Hindi pumatak ang luha ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro