Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

Tahimik ang lahat at halos walang nagtatangkang magsalita. Presensya palang ni Papa ay nakakatakot na, na tipong kahit hindi siya magsalita ay sapat na 'yun para manahimik kami.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Papa. Pagkatapos namin kumain ng umagahan sa condo kanina ay agad na tumawag si Kenzo kay Mama na pumunta daw kaming lahat sa bahay. Fresh pa ang mga nangyari lalo na ang sugat ko pero wala kaming magagawa kung hindi ay sumunod nalang. Hindi naman sumunod si Odette dahil pinagbilin 'yun ni Papa.

Paikot-ikot si Papa habang naglalakad at nakahawak ang isang kamay sa bewang. Nasa mukha niya rin ang galit.

"This is ridiculous," kumento niya. Huminto siya at humarap sa 'kin. "What happened to you? Tell me everything."

Halos nailibot ko na ang mata ko sa buong bahay. Diretso lang akong nakaupo sa sofa habang magkahawak ang dalawang kamay ko. Hindi ko siya matignan ng diretso, minsan lang magalit si Papa kaya naman ganito nalang ang kaba ko.

"Keziah," pagtawag niya sa pangalan ko.

Sa huli ay sinalubong ko ang mata niyang nakatitig sa 'kin, "K-Kinidnap po ako."

"Alam ko na 'yun, kaya ka nga may sugat sa noo 'di ba?" Mabilis niyang pagsagot sa 'kin. "Ipaliwanag mo lahat, Keziah. Dalian mo,"

Napalunok nalang ako. Noong namatay si Theo at lumayo ako sa kanila, ni hindi ko nakitang ganito ang reaksyon niya. Kung nagalit man siya, hindi ko 'yun alam. Ngayon ko lang yata nakita na napaka seryoso niya at galit talaga siya.

Kung sa bagay, sino bang Ama ang hindi magagalit kung mangyayari ito sa anak nila...

"S-Sabi ni Jett sa 'kin, una palang daw planado na 'to. Bago palang maging kami ni Theo noon ay pinagplanuhan na nilang kunin ang loob ko. Pagkatapos ay gagamitin nila ako para makahingi ng ransom sa inyo. P-Pero anim na buwan nawala si Theo dahilan para maudlot ang pagkidnap sa 'kin. Hindi nila alam na... patay na si Theo."

Biglang may namuong luha sa mata ko kaya bumaba ang tingin ko. Naalala ko na naman na, si Odette pala talaga ang mahal niya.

"Jett? 'Yun 'yung kumidnap sa 'yo?" Tanong niya. Napatango naman ako.

"Nakawala lang si Keziah sa tulong ni Theo. Pero hindi pa rin tayo pwedeng magpa-kampante, Pa. Paano kung dahil pumalpak sila ngayon ay ulitin nila 'to?" Pagsingit ni Kenzo na katabi ko lang, ang mga siko niya'y nakapatong sa dalawang tuhod niya.

Huminga ng malalim si Papa at naglakad-lakad na naman sa harap namin. "I can't believe na gano'n ang ugali ng pinakilala mong Boyfriend sa 'min, Keziah. I'm so disappointed."

Medyo nasaktan ako doon. Alam ko namang noong una ay akala ko totoo lahat ng pinapakita niya, kaya malamang ay mas malala ang nararamdaman ko kesa kay Papa. Hindi lang disappointment...

"But anyway, he's now dead. Maswerte siya, dahil kung buhay pa siya ngayon baka nalumpo ko na siya." Usal niya.

"You can't do that, dahil kung buhay pa siya malamang hindi makakawala si Keziah sa puder nila." Litanya naman ni Kenzo.

Tumango si Papa. "Hindi na ito pwedeng maulit. Kailangan magdoble ingat ka na simula ngayon, Keziah." Saka siya tumingin sa 'kin, "Kung kinakailangan na palagyan kita ng bodyguard gagawin ko para---"

"No need for that, Papa. Theo's always keeping an eye for her. He even put his life just to save Keziah and that's the proof."

"I guess you're right,"

Kung tutuusin, para lang kaming nakikinig sa dalawang taong nag-uusap. Kahit si Mama o Kiba ay tahimik lang. Gano'n din si Theo.

Kung kanina ay parang sinakop kami ng tensyon ni Papa, ngayon ay kaya ng makipagsabayan sa kanya ni Kenzo. No wonder why they're so alike. Maging sa trabaho kaya ng sabayan ni Kenzo si Papa.

"Anong nangyari noong pinakawalan mo si Keziah, Theo?" Tanong bigla ni Kenzo kay Theo. Napatingin ang walang emosyon nitong mga mata sa kanila bago sumagot.

"Hinanap nila. Bilang ang alam nila ay ako ang tunay na Theo, sinabi ko na binabawi ko na ang mga pinagsasabi ko noong pangako. Na wala na akong balak na kidnapin si Keziah dahil..." nagulat ako nang tumingin siya sa 'kin. "Dahil sabi ko, mahal ko na siya at hindi ko siya kayang saktan."

Kung hindi siya robot, iisipin mo na totoong mahal na nga niya ako. Pero hindi, isa lang siyang makina na kino-kontrol. Sabi nga nila, naka-program sa loob ni Theo ang mga dapat niyang gawin sa 'kin.

At iyon ay pasiyahin ako.

"Nagalit si Jett at ang mga kasama niya sa 'kin. Inisip nila na ngayong nakawala na si Keziah, maaaring manghingi ito ng tulong at puntahan ang hideout na 'yun. Kaya naman agad nila akong sinama sa ibang lugar para gulpihin."

"That's the reason why there's no one to be found that time we came." Saad agad ni Kenzo. "Pero, hindi ba sila nagtaka na hindi ka man lang nasusugatan?"

Lahat kami ay nakatutok sa isasagot ni Theo. Nagtataka rin kami kung paanong nagulpi siya nila Jett gayong bakal ang laman nito. Lalo na si Papa, halatang tutok siya sa isasagot ni Theo. Alam kong ayaw niyang may makaalam ng tungkol doon.

"Iniwasan ko lang ang mga suntok nila. May pagkakataong nasusuntok nila ako pero para sa 'kin, maliit na bagay lang 'yun." Simpleng sagot nito dahilan para makahinga ng maluwag si Papa.

Habang ako ay naiiwas nalang ang paningin. Paanong hindi maliit na bagay? Eh robot siya!

"Sinubukan kong pumalag nang pagkaisahan na nila ako. Pero hindi ko nakayanan sa dami nila." Sabi nito. "Pero h'wag kayong mag-alala, nagkakaroon ako ng galos kapag nasasapak at nagugulpi. Pero isang oras lang ang tinatagal ng mga 'yun sa balat ko."

"As expected from Professor Limaco." Kumento ni Papa.

"D-Do you mean na... kahit ilang beses pagbubugbog-bugbogin si Theo ay hanggang galos lang 'yun?" Hindi maiwasang tanong ni Kiba.

"Yes, Kiba. Hindi ko inakala may gano'ng nilagay si Professor Limaco sa kanya. Whatever that call is, it's very useful." Malalim na sagot ni Papa rito.

"Pero nagbanta pa siya, Tito Rio." Muling pagsasalita ni Theo.

Lahat kami ay napatingin sa kanya. "Babawi daw siya. Hindi daw pwedeng mapunta lang sa wala ang mga pinag-planuhan nila ng dating Theo. Nakikita ko sa kanila kung gaano ka-importante ang ngayo'y nakakulong na si Johnson."

Kumunot ang mga noo nila, maging ako. Hindi pa rin kasi malinaw sa 'kin kung bakit gano'n nalang ang halaga ni Johnson sa kanila. Never pang na-kwento ni Theo sa akin 'yun, kung meron man, kaunting detalye lang kung sino siya.

Siya ang may-ari ng ilegal na casino sa may Pasay city. Doon sila nagtra-trabaho. 'Yun lang.

"Si Johnson ay isang owner ng Casino sa lugar ng Pasay. Maraming nagpupunta 'ron para magsugal, ilegal ang Casino na 'yon kaya naman noong nalaman ng mga awtoridad ang tungkol dito, agad na hinuli si Johnson."

"And what you're trying to say is...?" Hindi makapaghintay na tanong ni Papa.

"Doon nagtra-trabaho sila Jett at Theo kasama na ang ibang nakasama ko kahapon. Bata palang ay si Johnson na ang nag-alaga kila Theo. Lumaki si Theo na parang kapatid na ang turing kila Jett. Kaya naman bilang kapalit, kailangan nilang magsilbi sa Casino na 'yon. Utos na bawal sila tumanggap ng kahit anong trabaho. Obviously, sobrang loyal nila Theo at Jett kay Johnson dahilan para mapag-planuhan din nila ang aksyon sa oras na makulong si Johnson."

"At 'yun ay kidnapin si Keziah at humingi ng magkano? Seven fucking million sa amin?" Hirit ni Kenzo na halatang nainis sa kwento ni Theo.

Seven million... That's my worth, isn't? Theodore?

Tumango bilang pagsang-ayon si Theo. Naikuyom ni Papa ang kanyang kamao. Lalo yata siyang nag-init sa mga narinig.

"Pa, Hindi ba pwedeng ipakulong nalang natin sila?" Tanong ni Kiba.

"That can't be, Kiba." Salungat ni Kenzo, "Ayon kay Theo ay wala na ito sa dating tambayan nila. Mag-aaksaya lang tayo ng oras para hanapin sila."

"Pagkatapos ng bugbugan na 'yun, umalis na rin sila at pinagbantaan ako ng gano'n. Kaya malabong makita natin sila sa dating pwesto." Sabi naman ni Theo.

"Ibig sabihin hihintayin natin na kidnapin ulit si Ate?!" Gulat na sagot ni Kiba.

"Bakit, tingin mo ba hahayaan ni Theo maulit 'yun kay Keziah?" Sarcastic na sagot ni Kenzo. Napatingin naman si Kiba kay Theo kaya nanahimik nalang ito. Sabi niya nga, may tiwala siya kay Theo.

"Theo."

Lahat nagsitinginan kay Papa nang malalim niyang tawagin ang pangalan ni Theo.

"Tulad ng sabi ko sa 'yo noon, pinagkakatiwala ko sa 'yo ang anak ko. Pero ngayon, gusto kong magdoble proteksyon ka kay Keziah. I don't want this to happen again. If ever na magpakita ang lalaking 'yun, don't hesitate to call me or Kenzo. Ibigay mo agad sa amin ang detalye niya." Bumaling naman siya kay Kenzo, "Maghanda ka agad ng back-up kapag tumawag si Theo sa 'yo tungkol kay Keziah. Iiwan ko sa inyo ito bilang lalaki. Lalabas ako sa aksyon kapag lumala ang sitwasyon kaya asahan niyo 'ko."

Tumayo si Kenzo at namulsa, "You can count on me, Pa."

Tumayo na rin si Theo at humarap sa kanila, "Hindi ko kakalimutan ang mga sinabi niyo, makakaasa kayo na gagawin ko ang lahat para sa kaligtasan ni Keziah." Then he shot a sideward glance at me, at nanlambot yata ako nang makita na bahagya siyang ngumiti.

Automatic akong napaiwas ng tingin at napalunok. Naramdaman ko naman ang paghagod ni Mama sa likod ko, nginitian niya ako na parang sinasabi na, "Everything will be okay..."

Kahit mabigat pa ang loob ko dulot ng nangyari, pakiramdam ko ay may mga karamay ako sa sitwasyon ngayon. Nandian si Mama at Kiba na handang damayan ako, at nandian si Theo at Kenzo na handa akong protektahan laban sa mga banta ni Jett.

* * *

Dahil napagdesisyunan ni Papa na doon na kami kumain ni Theo sa bahay bago umuwi ay pumayag na kami. Ngayon nalang ulit ako makakasama nila Papa sa hapagkainan kaya naman hindi ko na 'yun palalampasin.

Pinapanuod kong magluto si Mama ng paborito kong sinigang na baboy. Gusto kasing matuto sa pagluluto ng ulam na 'yun noon pa, nawalan lang ng pagkakataon nang mamatay si Theo.

Habang si Kiba naman ay nagla-laptop sa sala. Kasama niya doon si Theo na kausap ni Kenzo. Malamang ay tungkol kay Jett ang pinag-uusapan.

Napangiti ako nang buksan ni Mama ang takip sa niluluto, naamoy ko ang bango ng sinigang niya. "Na-miss ka namin makasama sa kainan, Anak." Saad niya habang naghahalo.

"I'm... I'm sorry." Tanging nasabi ko nalang. Bigla nalang 'yun lumabas sa bibig ko.

"Ayos lang, Anak. Thankful talaga kami kay Theo dahil siya lang ang nakapagpakain sa 'yo at nakapagpalabas sa kwarto mo."

"Ilang beses ko na iyan narinig, Ma."

"Pero..." binaba niya ang sandok na hawak saka ako hinarap. "Naiinis ka pa rin ba sa presensya niya? Nabawasan man lang ba o ano?"

Napaisip ako. Simula nang iligtas niya ako mula sa una naming pagkikita ni Jett kung saan ay dapat sasampalin niya ako, medyo hindi ko nakilala ang sarili ko 'don at niyaya siyang kumain. Nakita ko pa siyang ngumiti which is rare for me. Ngayong niligtas na naman niya ako, nakaka-guilt lang.

Bago pa man ako sumagot ay narinig ko ang boses ni Papa na tinawag ang pangalan ko. Napaharap kami sa pinto ng kusina at nando'n siya, saka niya ako sinenyasan na sumunod sa kanya.

Nagpaalam ako kay Mama saglit at sumunod kay Papa. Nakita ko siyang umakyat sa hagdan kaya sinundan ko. Pumasok siya sa office room niya, doon niya kalimitang ginagawa ang mga trabaho na dinadala niya dito sa bahay.

Sumunod ako at nakitang umupo siya sa swivel chair niya. Hindi ipagkakaila na na-miss kong makita ang office room niya na ito, lalong dumami ang mga papel at gamit. Marahil ay dahil nakikigamit si Kenzo dito. Sa laki ba naman nito.

"I heard from a friend of mine that you want to get rid of Theo?"

Natigil ako. Naalala ko 'yung pakiusap ko noon kay Professor Limaco about kay Theo. So... nasabi na niya kay Papa?

"Pa---"

"Wala sa 'king problema 'yan, Keziah. Kung hindi ka makapag-move on sa gagong Ex mo dahil nakikita mo si Theo, go. I now gave you the permission to terminate him." Pormal niyang sabi na parang wala silang naging kasunduan ni Theo kanina.

Napalunok ako. Papa is now giving me his permission. Should I...

"Kung iniisip mo 'yung kanina, don't worry. Si Kenzo ang bahala sa 'yo. Magpapalagay ako ng mga karagdagang security sa condo mo and bodyguard as well."

So kung gagawin ko nga ang gusto ko ay si Kenzo at ang mga idadagdag ni Papa ang pro-protekta sa 'kin? Gano'n ba?

Kung sisirain ko si Theo sa kabila ng mga nagawa niya sa 'kin, posibleng mabilis kong makakalimutan ang hayup na Ex ko.

Magandang ideya...

"Make up your mind, Keziah. Kung anuman ang sagot mo, do it now para alam ko kung magpapalagay na ako ng bodyguard mo." Aniya pa.

Ilang sandali akong natahimik, nagbaba ang mga paningin ko at tumango sa kanya. Tumalikod ako at magsimulang maglakad palabas.

Now...

I've decided.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro