Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter 1

Watch out for Special Chapter no. 2

----------------------

Gertie's brother



"Umattend ka ng meeting mamaya, kumpleto sila" Piero said.

Mula sa mga hawak kong documento ay lumipat ang tingin ko sa kanya.

"Kumpleto sino? Sinong sila?" tamad na tanong ko sa kanya. Abuela Pia told me about that meeting pero hindi naman ako kailangan doon, she just want my presence there. I'm not into the real estate, sapat na sa akin ang Herrer automotives.

Mas lalong ngumisi si Piero sa akin. "Si Cairo, kasama si Gertrude na hindi sayo. At si Tathi, na hindi din naman sayo" nakangising sabi niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.

"Lumabas ka na lang dito sa office ko, pwede?" asik ko sa kanya.

Mas lalong natawa ang gago. "What? Kakampi mo ako dito, tigilan mo na ang pagiging mabait at hindi ka naman mabait" sabi pa niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin bago ko siya inirapan.

Halos magiisang oras na ng umalis si Piero, ilang minuto na lang ay maguumpisa na din ang meeting na sinasabi nila. As much as I want to focus on my work ay hindi ko magawa, lumilipad ang isip ko sa conference room, nanduon din si Tathi, alam kong masasaktan siya sa oras na makita niyang magkasama sina Cairo at Gertie.

"I don't invite you here" matigas na salubong ni Cairo sa akin pagkapasok ko sa conference room. Ni hindi ko nagawang tapunan ng tingin ang gawi niya. Ayokong makita ang katabi niya.

"I invite him" si Piero. Ang tarantadong ito!

Tumikhim ako. "I invite my self"

Iwas na iwas sa kahit anong okasyon na nanduon si Gertie. Para naman siya kay Cairo kaya bakit lalapitan ko pa siya?

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho ng mga sumunod pang araw. Kahit ang lumabas sa office ay halos hindi ko magawa sa takot na makita ko siya. Ni ayokong marinig ang pangalan niya. Hindi naman siya sa akin, ayoko ng mga bagay na hindi para sa akin. Wala akong pakialam!

"Morning, Ma" bati ko dito. Sinadya kong magtunog tamad ako sa pagdating nila, ayokong magpakita ng kahit anong emosyon sa kanya. Matapos humalik ni Mommy sa akin ay lumipat ang tingin ko kay Gertrude.

Nanatili siyang nakatayo sa aking harapan, may hawak na maliit na box sa kanyang mga kamay. Halos hindi maalis ang titig ko sa kanya sa mga pinapadala niyang mga litrato dahil ang ganda niya. Pero mas maganda siya sa personal, kung hindi ko napigilan ang sarili ko ay baka hindi na ako nakabawi pa.

"Good morning, Uhm...Eroz" bati niya sa akin. Ramdam ko ang kaba sa kanyang boses.

Kinausap pa ako ni Mommy na dapat ay ako ang mag train sa kanya. Bakit ako? Pwede namang si Cairo tutal ay sila naman daw...ang para sa isa't isa. Kung ganoon ay magsama silang dalawa. Wala akong pakialam.

Mula sa mga documento ay nag angat ako ng tingin ng sabihin ni Mommy na may binili ito para sa akin. May naramdaman akong kung ano kaya naman pinanatili kong walang emosyon ang aking mukha.

Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay habang inilalapag sa aking lamesa ang box ng cake.

"Nagtake out ako ng cake, for you..." sabi niya. Ang lambing ng boses.

"I don't eat sweets" masungit na sabi ko sa kanya para tigilan niya ang ginagawa niya. Hindi pa ba nasabi ni Tito Keizer sa kanya na para siya kay Cairo?

Sinadya kong ibigay iyon sa secretary ko. Alam kong mali iyon, pero wala na akong ibang maisip pang paraan. Alam kong nasaktan ko siya sa ginawa ko. I want to say sorry, gusto kong hampasin ang lamesa dahil sa galit na nararamdaman ko para sa aking sarili.

"I...I need to go" she said.

"Better" I murmured.

I didn't mean that. Pero sa panahon na ito, mas gusto kong malayo siya sa akin kesa naman paulit ulit ko siyang saktan dahil sa tuwing nakikita ko siya, pinapamukha lang noon sa akin na I can never be good enough kahit kanino. Kahit kay Tathi, kahit kay Tito Keizer...at lalong lalo na sa kanya.

"Buy another one. This one is mine" sabi ko sa secretary ko bago ako naglapag ng pera na pambili niya ng sarili niyang cake. Para sa akin ang isang ito. 

Mas lalo akong nainis ng ibalita sa akin ni Piero na lumalapit lapit si Hobbes kay Gertie. Anong klase namang pagbabantay ang ginagawa ni Cairo? At hinahayaan niyang may lumapit dito? Lalo pa at si Hob Jimenez, na halos lahat na lang at ng makita niyang babae, gusto niyang landiin.

"Iyang katabi mo, sa Herrer din iyan" sabi ni Piero kay Hobbes ng makasama namin siya sa isang meeting. At sa kay Gertie pa talaga tumabi ang isang ito.

Inasara siya ni Piero na itanong muna sa akin kung ayos lang sa akin na manligaw si Hobbes dito. Ang sarap nilang paguntugin na dalawa.

"Ano Eroz, pasado ba si Hobbes para kay Gertrude?" tanong ni Piero.

Mas lalong tumalim ang tingin ko sa documento na nasa aking harapan. Mukha namang masaya siyang kasama si Hobbes, kung ayaw niya kay Cairo edi sila ni Hobbes ang magsama.

"I don't have a say on that. She can date whoever she want to date" seryosong sabi ko. Kahit ang totoo, gusto ko silang sigawan na dalawa. Kahit ang totoo ay nasasaktan ako dahil kung hindi si Cairo, bakit hindi pwedeng ako?

Hindi ako makapagconcentrate sa meeting sa tuwing nakikita kong panay ang ngiti ni Hob at lingon sa tahimik na si Gertie. Maka-ilang beses ko na din siyang nakitang humikab. I want to do something about it, pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Stop that, Hob. She's not going to be one of your girls" sita ko sa kanya ng kahit sinabihan na siya ni Cairo ay hindi pa din siya tumigil.

She even baked for Hobbes, balita ko ay mayroon din para kay Cairo. Sa isip ko ay nabulunan na silang dalawa habang kinakain iyon.

Naabutan ko siyang pabalik balik na naglalakad sa loob ng office ni Cairo. Na out of balance siya ng lingonin ako kaya naman napaupo siya sa may sahig.

"Bakit ka nagsusuot ng ganito kung hindi mo naman pala kaya?" masungit na tanong ko sa kanya habang nakaluhod ako sa kanyang harapan at hinihilot ang angkle niya.

"Kaya ko. It's just that. I'm shocked nung pumasok ka" pagamin niya. Prangka din talaga. 

Sumama ang tingin ko sa kanyang paa, at sino ka naman diyan para magulat sa pagpasok ko? Ha, Gertie!?

"Miss mo na si Princess?" tanong niya sa akin sa gitna ng katahimikan.

Tipid lang akong tumango. Kung sasagot ako ay baka masabi ko sa kanya na miss ko na din siya. I miss her too, kahit naririnig ko ang boses niya everytime they facetime ni Mommy. Kahit naririnig ko ang tawa niya, kahit nakikita ko ang litrato niya. I miss her too.

Nasaktan ako ng piliin kong pakawalan ang ideya na baka this time, pwedeng ako na ang piliin ni Tathi. But I know, deep down. Hindi siya naging sa akin, never siyang magiging sa akin dahil simula pa lang ay kay Cairo na talaga siya.

"Padagdag sa grocery list yung fresh orange juice, hindi umiinom si Gertie ng processed" sabi ko sa isang kasambahay ng umuwi kami sa Bulacan para sa wedding preparation ni Xalaine at Rafael.

Hanggang ngayon, gusto ko pa ding ibigay lahat ng gusto niya. I want to please her, kahit anong sungit ang ipinapakita ko sa kanya. I want to give her everything she wants.

Naubos ako sa panahong inilaan ko kay Tathi ang lahat. Walang kasalanan si Tathi doon, hindi naman niya iyon hiningi sa akin. Ako ang gumawa nuon sa aking sarili.

"We talked about this, kami ng Tito Keizer mo" sabi ni Mommy sa akin.

Halos ilang araw akong hindi pumasok sa office matapos kong manggaling sa Sta. Maria. Hindi ako masaya sa position ko sa companya, Though I'm too thankful about it, may iba akong gustong gawin sa buhay ko. Sinubukan ko lang talaga na pasukin ang corporate world para kay Gertie. Para kay Tito Keizer, para ipamukha sa kanya na kaya ko. 

"You should try anak, you are at age" sabi pa niya sa akin

Pumayag si Gertie sa arrange marriage na naisip nina Mommy at Tito Keizer para sa aming dalawa. Akala ko ba ayaw ni Tito sa akin para sa anak niya? Eh paano pa kaya ngayon na nakapagdesisyon ako na uuwi ako sa Sta. Maria at ipagpapatuloy ang ricemill business doon?

"Hindi niya ako magugustuhan" sabi ko na lang. Masyado pang maaga para pagbigyan ko ng pansin iyon. Gusto ko siya, noon pa. Pero sa mga nangyari, takot na ulit akong sumugal. Baka maiwan nanaman ako.

"She likes you. Trust me, para sayo na ito" sabi ni Mommy sa akin.

Sana nga, sana nga para sa akin na ito.

Kung siya talaga ang para sa akin, I won't hesitate to gamble again. Handa ulit akong maubos para sa kanya, basta ay wag niya lang akong iiwan...Ulit.

May tahimik ang buhay sa Sta. Maria, mas kumportable ako. Mas gusto ko dito, malayo sa lahat. Malayo sa syudad, malayo sa mga expectation na dala dala ko sa tuwing nasa companya ako. Dito pwede akong maging kung sino ang gusto ko. Simpleng buhay.

"Maaga akong aalis" paalam ko kay Junie. Hindi ko din alam kung bakit kailangan ko pang mag paalam sa kanya gayong ako naman ang amo dito. Pero kahit ganoon, hindi ko kailanman naramdaman na iba ako sa kanila. I belong here, I belong with them.

"Saan ang punta mo, Boss Eroz? Half day ka ah" asik niya sa akin kaya naman binatukan siya ni Julio.

"Ibawas mo na lang sa sweldo niya, Boss Junie" pangaasar sa kanya ni Julio.

Maaga akong aalis para mamili ng ibang gamit sa bahay. Bukas ang dating ni Gertrude, pumayag daw itong tumira kasama ko. Sinabi kong sa kubo ako tumutuloy ngayon. Bahala siya kung kakayanin niya, ginusto naman niya ito.

Bago ang halos lahat ng gamit sa kubo kinabukasan, kahit ako ay naninibago. Sapat na sa aking ang mga lumang gamit dito, pero baka para sa kanya hindi. Kaya nag effort talaga akong bumili para naman hindi din siya mahirapan kung nandito na siya.

Mas pinili kong tumira sa kubo sa tabi ng bahay nina Tito Darren kesa sa resthouse namin. Bukod sa mas malapit ito sa ricemill factory ay mas kumportable ako.

Dala ang lumang pick up ay sinundo ko siya sa mansyon nila. Malayo pa lang ay nakita ko na siyang nakatayo doon katabi ang ilang maletang dala niya. Nakatingin din siya sa akin at hinihintay ang aking paglapit. Ang bilis ng pagtatambol ng dibdib ko ng tuluyan akong makalapit, sa loob ng tatlong buwan na hindi ko siya nakita ay heto nanaman siya, ginugulo nanaman ang isip ko.

"Alam mo kung saan tayo titira?" tanong ko sa kanya kahit naman alam kong nasabi na ni Mommy iyon sa kanya.

"Yup, in a kubo" she proudly say na para bang handang handa siya.

Tumango ako at nagiwas ng tingin. "You're okay with that?" paninigurado ko sa kanya. Dahil kung hindi, hindi ko naman siya pipilitin na tumira kasama ako. Ayokong pilitin siya sa bagay na hindi naman talaga niya gusto.

"Yes" she sounds too excited.

Napabuntong hininga ako. Ayokong umasa. Masyado pang maaga.

Nahirapan pa siya sa pagsasara ng pintuan ng pick up, kahit iyon ay naninibago siya. Gusto ko siyang magbago noon para sa sarili niya, hindi para sa ibang tao, hindi para sa akin. Para sa kanya. Dahil lumipas man ang panahon, importante pa din si Gertrude para sa akin.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng aming bahay. Kahit papaano ay nalamanan naman iyon dahil sa mga binili ko kahapon, ni kutsara at tinidor ay bago. Mariin akong napapikit ng makita kong may plastick pa ang bilog sa gitna ng electricfan. Ayokong isipin niya na masyado kong pinaghandaan ang pagdating niya.

"You will leave me here? Hindi tayo sabay maglunch?" tanong niya sa akin. Ramdam ko ang lungkot doon.

Konting pilit pa ay hindi ako aalis at magliliban na lang sa trabaho para ngayong araw. Pero nakakainis dahil hindi naman siya namilit, hinayaan niya lang ako.

"Kailangan kong magtrabaho" para sa atin.

Nagreklamo pa siya na nakalimutan niya ang mga tsinelas niya. Ang daming tsinelas na pinapabili, akala mo naman ay walo ang paa niya.

"At bakit, ilan ba ang paa mo?" tanong ko.

Naikuyom ko ang aking kamao. Nagisip pa.

"Uhm...2" sagot niya at ipinakita pa sa harapan ko ang dalawang daliri niya. Pigil na pigil ang aking pag ngiti, madaldal din talaga ang isang ito.

Maaga akong umuwi ng araw na iyon, kahit bumalik sa factory ay naiwan naman ata ang isip ko sa kanya sa bahay. Baka may kailangan pa siya? May ipapabili pa ba?

Muli kong naalala kung gaano siya naging malungkot ng malaman niyang kakain siya ng tanghalian magisa.

Halos sundan ko ng tingin ang mga lalaking tingin ng tingin sa kanya habang naglalakad kami. Nang lingonin ko naman si Gertie ay parang walang nakikita, walang pakialam. Abala lang siya sa pagtingin sa paligid, naninibago pa ang isang ito.

"Yan na ba ang nobya mo? Ang ganda" puri ni Aling bing.

Gusto kong sabihing Oo, gusto kong iparinig sa lahat para alam nila kung kanino si Gertrude, pero pinigilan ko ang aking sarili, wag na muna at baka lumaki ang ulo.

Gusto kong matawa sa lahat ng banat niya. Sa lahat ng sabihin ko sa kanya ay may sagot talaga siya. Pigil na pigil lang ako sa pag ngiti minsan, pero I love talking to her, bagay na gusto ko para sa kanya noon pa man. She can finally express herself. Kailangan ko nang tanggapin na habang buhay kong maririnig ang kadaldalan niya.

Sa bawat pangaral ko sa kanya ay may sagot siya. Gusto ko siyang kausapin ng seryoso minsan pero kahit ako ay nawawala sa momentum sa mga banat ba ibinibigay niya sa akin. Ni kahit inis na inis na ako ay wala na akong magawa kundi ang tanggapin na lang ang mga katwiran niya, hindi ko magawang magalit.

I doubted her. Inisip kong hindi siya magtatagal na kasama ako dahil sa simpleng buhay na pinili ko. Pero pinatunayan ni Gertie sa akin na gusto niya talaga kung ano ang mayroon kami ngayon.

Mas lalo akong nagiging desidido na wag na siyang pakawalan. Hindi na ulit ako magpapadala sa mga pangmamaliit ng ibang tao, kung para sa kanila hindi ako sapat. Pwes, gagawin ko ang lahat para maging sapat ako kay Gertrude, para sa kanya lang.

Kinabahan ako ng umuwi ako isang tanghali na wala siya sa bahay. Ginulo ko ang mga damit iyang pinaghirapan niya tupiin, wala akong pakialam, gusto ko siyang makita ngayon na! Ano, umalis na? Hindi na kinaya ang simpleng buhay na ibinibigay ko sa kanya?

Ginulo ko ang mga gamit niya kahit alam kong hindi ko naman siya mahahanap sa ginawa kong iyon. Hanggang sa nakita ko ang sunog na itlog sa ibabaw ng lamesa. Mariin akong napapikit at napabuntong hininga. Ito ang kakainin niya para sa tanghalian?

"Gamutin natin ang yang kamay mo" seryosong sabi ko sa kanya ng makita kong namumula iyon dahil sa talsik ng mainit na mantika.

Nakita ko siya sa karinderya ni Aling bing na kumakain magisa. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag dahil hindi niya ako iniwan, buong akala ko ay umalis na siya.

"You think, iniwan kita?" marahang tanong niya sa akin.

Gusto ko siyang awayin. At ano pa nga ba? Umaalis siya ng walang pasabi, umuwi ako para sabay kaming magtanghalian pagkatapos ay hindi ko siya maaabutan doon.

Ang dami niyang kwento habang ginagamot ko ang sugat niya. Hindi ko maiwasang ngumisi sa tuwing naririnig kong sinisisi niya ang lahat sa mantika.

"Ewan ko sayo..." pagsuko ko. Sobrang ingay, napakadaldal.

"I'll learn that in time, please wait for me hanggang sa matutunan ko ang lahat ng ito" marahang sabi niya sa akin.

She is willing to learn, sobra siyang nag aadjust para sa buhay na pinili ko para sa amin. I'm so proud of her.

Nagpahanda ako sa factory ng tanghalian, dadalhin ko na lang siya sa trabaho para hindi na maulit iyon, mas mababantayan ko siya.

"Fiesta, Boss Eroz?" tanong ni Junie sa akin.

Inirapan ko siya. "Dadalhin ko si Gertie dito, bukas" sagot ko sa kanya kaya naman napapalakpak ito.

"Yung girlfriend niyo na nasa America?" tanong niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin, isa pang maingay. 

"Asawa ko" nakangising sabi ko.

Sa ilang araw niyang pananatili sa akin, nasanay na ako sa kanyang presencya. Ayoko ng umalis pa ulit siya, baka hindi ko na kayanin kung sakaling iwanan niya ulit ako. I'll do everything para manatili siya sa akin.

Alam kong nasaktan nanaman siya ng marinig ang pangalan ni Tathi galing sa isa sa mga trabahador. Hindi ko naman iyon isinekreto sa kanya dahil ayokong maglihim. I want her to trust me kaya naman inamin ko ang lahat. I don't want her to doubt yung relationship na gusto ko para sa aming dalawa.

Tinanong niya ako kung pagod na ako sa kanya. Pareho pa kaming naninibago sa isa't isa dahil matagal din kaming hindi nagkita at nagkasama. Pero hinding hindi ako mapapagod sa kanya. Hinding hindi.

Naging kaibigan niya ang mga kaibigan ko sa ricemill factory. I can't be more proud of her dahil natututo na siyang makipaginteract sa ibang tao. Minsan ay nakikita ko siyang nakikipagtawanan kina Ericka.

"Bakit hindi namana ng paa mo ang bilis ng bibig mo?" tanong ko sa kanya ng minsang magsimba kami.

"Eh kasi...hindi sila relatives" sagot niya sa akin. Kumati nanaman ang tenga ko, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa babaeng ito.

Binilhan ni Junie si Ericka ng bulaklak ng may minsang dumating sa factory na van ng isang flowershop. Nakita kong masaya si Gertie para sa kaibigan. I want to buy one for her too, pero ayoko ng maraming nakakakita.

Hinabol ko ang truck ng pumasok na si Gertie pabalik sa aking office. Natawa pa ang delivery man dahil sa ginawa kong pagtakbo.

"Ang effort talaga ni Boss!" pangaasar nila Junie kaya naman sinamaan ko siya ng tingin na mas lalo niyang ikinatawa.

Sa sobrang saya ni Gertrude dahil sa bulaklak na iyon ay sinubukan pa niyang humalik sa aking pisngi, pero hindi ako pumayag. Sinadya kong sa labi ko iyon tumama, hanggang sa hinabol ko ang labi niya ng tangkain niyang putulin kaagad ang halik.

"I'm your first kiss" deklara ko. Her lips was sweet, malambot. Halatang hindi pa nahahalikan. Ako ang una, ako lang ang pwedeng humalik sa kanya.

Takot akong hawakan siya ng mahigpit dahil baka masakal siya sa akin. I want her only for me, pero kung iyon ang magiging dahilan kung bakit aayawan niya ako, kaya ko namang tiisin. I even let her go on a coffee date with Hobbes. I don't like the idea, but I want to gave her the freedom she deserves.

An angle like her doesn't deserve an imprisonment of hell. Gusto kong magawa niya yung mga bagay na hindi niya nagawa noon. I want her to grow with me, ayokong ako ang maging dahilan kung bakit hindi niya mararanasan ang mga iyon.

"You're not a rebound , Gertrude" sabi ko sa kanya.

"Feelings that comes back is the feeling that never leaves" pag amin ko. Siya noon, hanggang ngayon. Hindi na niya kailangan pang isipin iyon.

After all this years, kahit pumayag si Tito Keizer na ipagkasunod ako kay Gertie ay hindi pa din nagbabago ang tingin niya sa akin. Minsan ay nakakapagod na ding patunayan ng paulit ulit ang sarili mo, sobrang hirap lalo na kung sarado ang utak ng isang tao. Lalo na kung kahit anong gawin mo, ayaw naman talaga niya sayo.

"For me, you are already the best" sabi niya sa akin. Nawala ang lahat ng pagaalinlangan, si Gertrude lang ang pinakaimportante ngayon.

Isinuot ko sa kanya ang diamond ring na ibinigay ni Mommy sa akin. Sigurado na ako sa kanya, sigurado na ako sa amin. Ipaglalaban ko siya this time, gagawin ko ang tama. Hindi ako magkakamali.

Mahal ko si Gertie. Mahal ko siya noon, at mas mahal ko siya ngayon...at mas mamahalin pa.

Hinayaan ko siyang isayaw ng mga kaibigan namin. Hindi niya daw naranasan ang JS prom, kahit nung 18th birthday niya ay wala siyang celebration.

"Can you change dress, Please?" pakiusap ko sa kanya. Masyado ding expose ang balat niya dahil sa suot na dress.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng makauwi kami sa kubo at siniil ko siya ng halik. I love her, hindi sapat ang salita mahal ko siya para ipaalam sa kanya kung gaano kantindi ang nararamdaman ko. I want her to feel it, I want her to feel me.

Kinuha ko ang ribbon na nakatali sa buhok niya. Alam ko ang ribbon na iyon, regalo ko iyon sa kanya. Kahit ang Dior na handkerchief, yung belt. Malakas ang loob kong gamitin iyon sa kanya dahil ilan lang iyon sa mga regalo ko sa kanya. Kung masisira man, kayang kaya kong palitan. 

"Aw, Eroz...it hurts" daing niya ng pinagisa ko ang sa amin.

I even go deeper, When I say I want her to feel me, ipinaramdam ko talaga iyon sa kanya. Namutawi ang pagtawag niya sa aking pangalan sa tuwing dumidiin ako sa kanya. I want her for the rest of my life. Siya lang ang gusto kong makasama habang buhay.

Maayos na ang lahat hanggang sa may dumating na malaking problema sa amin. Kakatapos lang ng meeting namin ni Daddy ng sabihin sa amin ang masamang balita.

"Sir Axus, may nangyari po sa Bulacan...si Ma'm Gertie at Elaine po"

Hinang hina ako ng makita ko siya. Ni hindi ko siya magawang lapitan ng makita ko ang pamumula ng kanyang leeg, pisngi, at may pasa pa. Hindi ko kayang isipin kung ano ang naranasan niya sa kamay ng mga iyon.

Hindi ako nakapagisip ng maayos, lalo na ng sabihin ng Doctor na hindi na makakalakad pa si Mommy. Gulong gulo na ang utak ko, kaya naman nagawa ko ang mga bagay na alam kong pagsisisihan ko sa huli.

Hindi ko sinisisi si Gertie. Kahit si Daddy, wala kaming ibang sinisisi kundi ang mga sarili namin. Kami ang may kasalanan, kami ang wala doon nung mga oras na kailangan nila kami.

"Nangako ka sa akin na aalagaan mo ang anak ko!" galit na sigaw ni Tito Keizer sa akn. Hindi ako pumalag, I deserve this. Mahal ko si Gertie pero hindi ko siya naalagaan, hindi ko siya naprotektahan.

Sinubukan ko ang lahat para bumalik kami sa dati, ayokong magisip ng kung ano si Gertie. Wala siyang kasalanan, walang magbabago sa amin. Mahal ko siya, wala siyang kailangang isipin.

"Isang beses ko na pong isinuko si Gertrude ng ipamukha niyo sa aking I will never deserve her. Hindi ko po isusuko so Gertrude ngayon" laban ko kay Tito Keizer.

Hindi ang kinakaharap naming problema ang magiging dahilan ng paghihiwalay namin. Hindi ito.

Hindi na kinaya ni Tito Keizer ang mga problema. He's a bit suicidal dahil sa mga nangyayari. Me and Dad keep on telling him na hindi namin sila pababayaan, handa kaming tumulong sa kahit anong paraan.

Ayoko na nagkakaganito siya dahil nakikita kong nasasaktan si Gertie. Ayokong nasasaktan si Gertie kaya naman hangga't may magagawa ako, gagawin ko para sa kanya. Kahit maubos ako, basta para kay Gertrude.

Tito want to end his life ng maabutan ko siya sa office niya. I tried to talk to him, I kept on reminding him na hindi kakayanin ni Gertie kung pati siya ay mawawala. I know na hanggang ngayon, nangungulila pa siya sa Mommy niya. Ayokong maramdaman niya ulit iyon.

Nakipagagawan ako ng baril kay Tito Keizer, hanggang sa pumutok iyon at tumama sa kanya. Naabutan kami ni Gertie sa ganoong posisyon, gusto ko sanang lumapit sa kanya pero pinigilan niya ako.

Sa sinabi niya, pakiramdam ko tinamaan din ako ng bala.

"Wag kang lalapit sa akin. Sasaktan mo lang din ako. I hate you, Eroz" umiiyak na sabi niya. Para akong pinutulan ng hininga sa mga oras na iyon.

Masakit isiping inakala niyang kaya kong gawin iyon. Mahal ko ang mga taong mahal niya, kahit hindi ako gusto ni Tito. Nirerespeto ko siya dahil Mahal siya at ama siya ng babaeng mahal ko.

"Nagusap na kami ni Papa, hindi niya iyon gagawin sa akin" Umiiyak na sabi niya habang nasa hospital kami. Iniisip niyang hindi siya sapat kaya mas pinili ni Tito Keizer na wakasan ang buhay niya. Ayokong isipin iya iyon.

Sapat ka, Gertrude. Mahal na mahal kita.

"Kasalanan ko, Hindi ko sinasadya"

"Senyorito Eroz" tawag ni Yaya Esme sa akin.

Bahagyang natigil ang pagiayak niya dahil sa aking sinabi. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.

"Feeling better now?" tanong ko. I want her to feel better everytime, ayokong ganito siya, nasasaktan. Kahit ako na lang, sa akin na lang lahat ng sakit.

Nagpalipas ako ng isang gabi sa presinto. Sa buong buhay ko, hindi ko kailanman naisip na makakapasok ako dito. Ramdam ko ang lamig ng sahig sa loob ng selda. Pero ayos lang, ang mahalaga si Gertie. Wala akong ibang nasa isip kundi siya lang.

"Maybe, our love for each other is not that sapat pa for us to take it to the next level" she said ng pumunta ako ng hospital kinaumagahan, kalalabas ko lang din ng presinto.

"Hindi sapat..." sambit ko.

Hindi nanaman sapat. Hindi nanaman ako sapat.

Nasaktan siya ng marinig niyang pagod na ako. Pagod ako sa expectation ni Tito Keizer, pagod na ako to please him everytime, na kahit anong gawin ko hinding hindi niya ako magugustuhan. Doon ako napagod, hindi kay Gertie. I just want to love her, I love her. Hindi pa ba sapat iyon?

Dinama ko ang tugtog habang sumasayaw kaming dalawa. Magaling na si Tito Keizer, Alam kong aalis sila at mukhang wala nanaman siyang balak na magpaalam sa akin.

"You don't have to cry. Alam mo namang lahat ng gusto mo, hangga't kaya ko. Ibibigay ko sayo" pagpapatahan ko sa kanya.

If she wants freedom from me, ayos lang. Kung para naman iyon sa kanya. Ayos lang masaktan ulit, ayos lang na maiwan. Kahit paulit ulit niya akong iwanan.

Basta sa huli...kami pa din.

"Eroz!" tawag ni Gertie sa akin. Mula sa pagkakapikit ay nangiti ako ng makita kong nakabusangot siya. Hawak niya ang anak namin.

"Anong problema?" tanong ko sa kanya, tumayo ako para salubungin silang dalawa. Hindi ko na pigilan ang sarili kong yakapin sila. Pagkatapos ay pareho ko silang hinalikan, mahal na mahal ko silang dalawa.

"Love, anong nangyari kay Mommy?" malambing na tanong ko kay Gianneri. She started cooing again na para bang nag kwekwento siya.

Ang daldal din, manang mana sa Mommy.

"May ibang anak si Papa. You know about this?" tanong niya sa akin na ikinatawa ko.

Iyon ang pinoproblema niya. Dapat nga ay nasa honeymoon na kami ngayon. But she asked for a one week preparation before our trip dahil hindi pa niya kayang iwanan si Gianneri ng matagal.

"You mean your brother?" natatawang tanong ko na mas lalo niyang ikinasimangot.

"Yup! He named it...Chabako Jr." nakangusong sabi niya kaya naman mas lalo akong napahalakhak.

Bumili si Tito Keizer ng bagong manok at pinaayos pa ang bahay ng alagang manok dati.

Mahigpit na niyakap ni Gertie si Gianneri. "Baka magkaroon siya ng ibang grandchild bukod kay Gianneri! Hindi na kami ang favorite niya" sabi niya na mas lalo kong ikinatawa.

"Damn, baby" sambit ko. Buo na kaagad ang araw ko sa tuwing kasama ko silang dalawa.

Mahaba pa din ang nguso niya bago siya tumigin sa akin. Nagtaas siya ng kilay.

"Parang I want to eat fried chicken leeg" sabi niya sa akin. This girl!

"Wag ang kapatid mo, Gertie" natatawang laban ko.

"Hmp! Hindi ko siya brother!" asik niya sa akin.

I'm so damn in love with her, I'm so in love with our little family...for now. Dahil sisiguraduhin kong hindi lang magiging isang anak si Gianneri.



To be continued...







(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro