Chapter 7
Nice
Hindi maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Looks like, they're too close. Para bang kumportable silang dalawa sa isa't isa. The level of closeness I also want to reach, with Eroz.
Pansin ko ang pagkailang ni Tathi sa paligid. Nagliliwanag lang ang mukha niya pag kinakausap siya ni Eroz. Panay din ang hilig niya dito at pagbulong. Bayolente akong napalunok.
Bumagsak ang aking tingin sa lamesa. Kahit family friends kami ay hindi siya naging ganyan sa akin nuon. Masyado niyang ipinagdamot sa akin ang ngiti niya. Siguro kung palagi lang siyang nakangiti sa akin nuon at hindi nakasimangot ay mas naging magaan sa akin ang lahat.
But, I know na hindi ko iyon pwedeng idemand kay Eroz. Hindi niya naman ako responsibility ng mga time na iyon. Nakikisuyo na nga lang ako sa kanya para samahan niya.
Napatikhim si Abuela Pia na nakakuha ng atensyon naming lahat. Nakita ko ang matalim na tingin niya sa gawi ni Eroz. Para bang hindi niya nagugustuhan ang nakikita.
"Eroz, Apo..." tawag niya dito. Dahil duon ay walang nagawa si Eroz para lapitan ang kanyang Lola.
Sinubukan ko ulit na tingnan siya. Nagbabakasakali akong mapatingin man lang siya sa akin pero hindi talaga. Diretso ang tingin niya sa kanyang Abuela na para bang wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya.
Titingnan niya lang kung sino ang gusyo niyang tingnan. Papansin ang gustong pansinin. He is too cold to everyone...or sa akin lang? Hindi ko din alam, hindi ko alam kung ano ang ayaw niya sa akin.
Panay ang pagtikhim ng katabi kong si Cairo. Bahagyang kumunot ang aking noo. Nang lingonin ko siya ay nakita kong matalim ang tingin niya kay Tathriana. Hindi nagtagal ay inirapan niya ito at nilingon ako.
"Wag kang magseselos. Akin si Tathriana" madiing sabi niya sa akin.
Alam niya kung ano ang nararamdaman ko para kay Eroz. Naikwento ko iyon sa kanya na bata pa lang ako ay gusto ko na ito at bata pa lang din ay basted na ako.
Marahan akong tumango sa kanya. Nagsalita ang lalaki sa harapan para iannounce ang pagsisimula ng meeting. Muli akong pahapyaw na sumulyap kay Eroz pero kagaya kanina, nasa kay Tathi ang kanyang buong atensyon.
Kaagad kong hinagilap ang likod ng aking palad para kurutin iyon. I know na bad ang mainggit, pero I that is what I really feel. Ganuon na siya nuon kay Tathi. Mabait na siya nuon kay Tathi. At ngayong mas marami na akong naiintindihan ay alam kong may iba sa mga tingin niya dito.
He likes her...alot. And I'm so inggit with that.
Tahimik na lamang akong nakinig sa sinasabi ng tao sa harapan. Sinama ako ni Cairo dito para may matutunan ako sa bussiness pero hindi ko naman magawang mag concentrate. He's happy...parang kumikislap ang mga mata niya sa tuwing nakatingin kay Tathi.
Malakas na tumikhim si Cairo ng siguro ay hindi na din niya kinaya. Napanguso na lamang ako. I know how much he loves Tathriana. Aawayin pa nga sana niya ako nung una nung inakala niyang irereto ako sa kanya, bumati siya ng slight nung nalaman niyang si Eroz ang gusto ko.
"Do you have, something to say...Mr. Herrer?" tanong sa kanya.
Ang lahat ng mata ay nasa kay Cairo. Muling umigting ang kanyang panga, bumaba ang tingin ko sa kanyang kamao. Nakita ko kung paano naglabasan ang ugat duon. Galit siya.
"Nothing" madiing sagot niya.
Naging maayos naman ang meeting hanggang sa nagkasundo na ang lahat and proceed to contract signing. Tumayo na sa gilid ang iba at naiwang nakaupo sa lamesa ang mga kailangang pumirma.
Nakita ko si Tathi na magisa. Nakangiti ko siyang nilapitan. I will try my luck again, baka naman makilala niya na ako kahit papaano.
"Hi" bati ko sa kanya.
Nakita ko ang sandali niyang pagkabato dahil sa aking paglapit. Nagulat pa ata. Alam ko na kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. She's nice, maganda at palaging nakangiti. I have a fair skin, pero mas maputi siya. Para siyang kasing puti ni Snow white.
Nang makabawi ay ngumiti din siya sa akin pabalik kaya naman nagpakilala na lamang ako. Hindi na talaga siguro niya ako maalala. Ganuon siguro talaga pag maraming friends.
"I'm Gertrude"
Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakalahad. Nanatili akong nakangiti, parang nahihiya pa siya sa akin. Ako nga dapat iyon, hindi ako sanay na makipagkaibigan o makipagkilala man lang. Takot kasi akong mareject.
"Tathriana..." I know.
Mas lalo ko siyang nginitian. I also like her name, tunog pang Princess. It suits her naman kami sobrang ganda din niya. Malaki ang pinagbago, the last memory I have with her is yung medyo dirty pa siya. But it's understandable naman, bata pa kami nuon.
"I like your name"
Tipid siyang ngumiti sa akin. Hanggang sa maginit ang aking magkabilang pisngi ng masalubong ko ang tingin ni Eroz sa akin ng magangat ako ng tingin.
Just like before, blanko ang kanyang ekspresyon. Mas lalo lumalim ang kanyang mata, mas lalong naging expressive. Ang tinging ibinigay niya sa akin ay parang tinging papagalitan nanaman ako.
"Let's go" matigas na Yaya ni Cairo sa akin ng humarang siya sa line of vision ko kay Eroz. Napanguso na lamang ako.
Ang simpleng pagtingin niya sa akin ay malaking bagay na sa akin. Matagal ko siyang hindi nakita, pero kahit ganuon ay hindi pa din nagbago ang nararamdaman ko. Gusto ko pa din siyang makita everyday.
"Saan tayo next?" masiglang tanong ko na lang. Mahilig akong mamasyal, gusto ko palaging may pinupuntahang bagong lugar. Bagay na hindi ko nagawa when I was young.
"Let's get you some coffee"
Patalon akong kumapit sa braso ni Cairo. Magaan ang loob ko sa kanya dahil pakiramdam ko pareho kami ng nararamdaman.
Napangisi siya dahil sa aking ginawa. Bigla akong naexcite. Sa kagustuhan ko nuong mag adult kaagad ay nahilig ako sa coffee, hanggang sa naging paborito ko na. Every time na nagtratravel kami ay hindi iyon mawawala sa aking list. Sa bawat lugar na puntahan ko ay dapat kong matikman ang variety ng coffee nila. Naging masaya na ako duon.
"Ang cakes..." pahabol ko pa. I like sweets too.
"Anything you want" malambing na sabi niya sa akin. He's like a older brother to me, he cares for me and guide me sa tuwing may hindi ako naiintindihan.
Hindi ko nga lang siya tinawag na Kuya dahil ayaw niya.
Unti unting nawala ang ngiti ko ng makita ko ang paglapit ni Eroz sa aming gawin. Ang kanyang atensyon nanaman ay nasa kay Tathi. Bumaba ang tingin ko sa braso niyang pumulupot sa bewang nito. I suddenly felt numb.
"Ihahatid kita pabalik sa firm" marahang sabi niya kay Tathi. Even the way he talks to her. I longed for that also, like sana ako din ganuon.
"Sabay na ako sa inyo. Gusto kong makilala ang girlfriend mo Eroz" si Piero Herrer. Pinsan at Bestfriend ni Eroz, at kapatid naman ni Cairo.
I lost words. Parang biglang nag stop ang beat ng heart ko dahil sa narinig. Totoo bang girlfriend niya na si Tathi? Akala ko ba si Tathi ay Cairo?
Matapos ngumisi ay kami naman ni Cairo ang tiningnan niya. Bahagyang tumaas ang kilay niya ng mapatingin sa kamay kong nakahawa sa braso ni Cairo.
"Ikaw Cairo? Ayaw mong makilala ang girlfriend ni Eroz?" tanong ni Piero sa kapatid.
Nagangat ako ng tingin sa aking katabi. Matalim ang tingin niya sa lahat. Galit nanaman siya.
"Flavor of the week?" nakangising tanong ni Cairo kay Eroz.
Napanganga ako. I did not expect that from him. I know how he feels towards Tathi. Masyado na ata siyang galit maya niya nasabi iyon. But that's bad.
Bahagya pang humaba ang paguusap nila. Halata naman kasi na may alam si Piero at nangaasar pa. Ang bad naman nitong si Piero, siya ba talaga ang bestfriend ni Eroz? Sabagay, Bad din pala si Eroz.
"Wala akong panahon sa walang kwentang bagay..." tamad na sabi nito. That's too much already kaya naman nag speak up na ako.
"Cairo..." tawag ko sa kanya.
Mariin siyant napapikit. Pagkadilat ay pumungay kaagad ang kanyang mga mata ng tumingin sa akin.
"I'm sorry about that, tara na" yaya niya sa akin at kaagad akong hinila palabas ng conference room.
Base on what Cairo told me. Nagkakilala sila ni Tathi sa Sta. Maria a long time ago. They love each other, base on his kwento. Pero bakit si Eroz ang kasama ni Tathi? I want to ask him, baka feelingero lang siya? But I refuse and stopped myself. Baka hindi niya ako ilibre ng coffee and cake.
Matapos naming bumili sa coffee shop sa ilalim ng tower ay umakyat din kami kaagad sa kanyant office. Duon ay limabas na ang kanyang frustration.
"Baby, I didn't mean it" frustrated na sabi niya sa kawalan na para bang sinasabi niya iyon kay Tathi.
Tahimik akong uminom ng coffee ko at kumain ng cake. Hinayaan ko siyang ilabas ang frustrations niya. Bad naman kasi talaga ang ginawa niya.
"Sa tingin mo, galit siya sa akin?" tanong niya sa akin.
Napahinto tuloy ako sa pagsubo. Nakaupo ako sa kanyang sofa, samantalang siya ay hindi mapakali sa aking harapan.
Nagkibit balikat ako. "Siguro, a little. But, Tathi is nice naman...siguradong she'll forgive you" pagpapagaan ko sa loob niya.
Tathi is nice, kagaya ng palaging sinasabi ni Eroz sa akin. She is nice, and I'm not.
Matapos ang araw na iyon ay naging busy ulit kami ni Cairo. He's training me, and seryoso talaga siya pag dating sa bussiness.
Nang magkaroon ako ng free day ay nagstay lang ako sa bahay namin dito sa Manila. Hindi man kasing laki ng house namin sa Sta. maria ay malaki pa din. Mabuti na lang at kasama ko pa din si Yaya Esme. She never leave me.
"Hindi ka pinansin?" tanong ni Yaya Esme sa akin ng ikwento ko sa kanya ang naging pagkikita namin ni Eroz.
Malungkot akong umiling. Napanguso si Yaya at kaagad akong hinawakan sa likuran.
"Malungkot ka? Ayos lang yan..." pagaalo niya sa akin.
Tipid ko siyang nginitian. "Sanay na po ako" sabi ko na lang.
The next day ay ininvite ako ni Tita Elaine na magbrunch bago ako pumunta sa company. I still wear my casual dress and a ribbon on my hair. Sinalubong ako ni Tita Elaine ng yakap at halik sa pisngi pagkapasok ko sa may restaurant kung saan ang meeting place namin. Malapit lang ito sa company kaya naman nagpaiwan na ako sa driver dahil sasabay na kaming pumunta duon.
"How's Cairo? Magaling iyon sa paghandle ng bussiness, sigurado akong marami kang matututunan sa kanya" sabi ni Tita na kaagad ko namang sinang-ayunan.
"Mabait po siya sa akin kahit medyo masungit minsan. At tama po kayo, marami akong natututunan sa kanya"
Sandali kaming natigil sa paguusap ni Tita Elaine ng kuhanin ng waiter ang aming order. At dahil brunch naman at hindi pa ako gaanong gutom ay pancake and mixed fruits na lang ang inorder ko.
"Nakausap mo na ba ang Papa mo, Hija?" tanong niya sa akin.
Bigla kong naramdaman ang paginit ng aking magkabilang pisngi. Nabanggit na ni Papa sa akin ang plano nila ni Tita Elaine. Hindi ko alam kung paano sila nakarating sa ideya na iyon. Alam kaya niya na may gusto ko kay Eroz? Masyado ba akong halata?
Tipid siyang ngumiti sa akin bago sumimsim sa kanyang juice.
"Hindi ko pa ito nababanggit kay Eroz, mas gusto ko munang malaman ang stand mo dito" seryosong sabi niya na sa akin. Kahit naman ganuon ay magaan pa din ang boses ni Tita. Malambing pa din.
Mas lalong uminit ang aking magkabilang pisngi. Parang mas mahirap pa ito kesa sa pagamin ko nuon kay Eroz na crush ko siya.
"Uhm. Payag naman po ako sa kung anong gusto ni Papa"
Nanatili ang tingin ni Tita Elaine sa akin na para bang pinagaaralan din niya ang aking magiging reaction.
"May plano si Mama. Na kausapin ang Papa mo. Gusto ka niya para kay Cairo"
Nanlaki ang aking mga mata dahil duon. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko ay baka nag drop pa ang jaw ko sa harap ni Tita Elaine.
"Hindi ko po gusto kay Cairo, friends lang po kami..." giit ko. Mabilis kong itinikom ang bibig ko ng marealize kong parang umamin na din ako kay Tita.
Bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "At kay Eroz...ayos lang?"
"Gusto mo si Eroz, Hija?" tanong niya sa akin ng hindi na ako nakasagot pa sa kanya.
Nanatili ang tingin ko sa lamesa. Mabait si Tita Elaine at magaan ang loob ko sa kanya. Pero Mommy siya ni Eroz, ibang usapan na iyon. Paano kung bigla siyang naoffend sa akin?
"Gertie, Hija...I like you for Eroz" marahang sabi niya sa akin.
Matamis niya akong nginitian. Wala na akong nagawa kundi ang ngitian din pabalik si Tita Elaine. Atleast, gusto ako ni Tita Elaine para sa kanya.
Dahil sa nalaman ay nagkaroon kagaad ng ideya si Tita na isama ako sa office ni Eroz bago ako pumunta kay Cairo. At dahil nasabi niya iyon ay kaagad akong humirit ng take out para sa kanya.
"You think po, Tita. Magugustuhan niya ito?" tanong ko habang nasa byahe kami patungo sa companya.
Hawak ko ang maliit na box ng cake. Nagustuhan ko ang lasa nuon, sana ay magustuhan din niya. Matagal kaming hindi nagkita, pero hindi ko pa din nakalimutan yung ginawa niya nuon para sa akin.
Imbes na ibili ng piyesa ng kanyang bike nuon ay inuna niya ang pagbili kay Princess dahil gusto ko. Hindi ko alam kung bakit parang galit pa rin siya sa akin, pero I will try to make a move para kahit friends muna ay pwede kami.
"Siguradong magugustuhan niya iyan. Madali lang namang pasayahin iyon, hindi mapili" si Tita Elaine.
Marahan akong tumango. Napansin ko din naman iyon sa kanya kahit nuon pa. Madaling pasayahin si Eroz...kung gusto ka niya. Maappreciate niya ang kahit anong ibigay mo sa kanya, kung gusto ka niya. Pero sa kagaya kong, hindi niya gaanong gusto. Baka, isnobbin niya lang ang dala ko. Sana naman ay hindi.
Grabe ang kabang nararamdaman ko habang papasok kami sa companya. Sanay ako sa lamig, pero para akong binubuhusan ng isang baldeng yelo sa kaba. Ganito na ata talaga ang effect ni Eroz sa akin. Siya mismo kasi ay cold na.
"Good morning...Mrs. Herrer" bati ng ilang empleyado kay Tita. Matapos kay Tita ay sa akin namam lilipat ang tingin niya sa akin. Pakiram ko tuloy ay binabati din nila ako na Mrs. Herrer, You're so feeling...Gertrude!
Napaawang ang labi ko pagkapasok namin sa kanyang opisina. Kagaya ng kay Cairo ay malaki at malinis iyon. Nakaupo si Eroz sa kanyang malaking office table, sa kanyang likuran ay ang malaking glass wall na tanaw ang buong syudad.
"Morning, Ma" bati ni Eroz kay Tita. Si Tita na ang lumapit sa kanya para humalik.
Huminto ako sa harapan ng lamesa niya ng tumingin siya sa akin. Walang kaemoemosyon ang kanyang mga mata. Walang kabuhay buhay, walang ganang makita ako.
Kahit ganuon ay nagawa ko pa din siyang ngitian. Sana naman this time, maappreciate niya na yung smile ko. I'm nice na, I know.
"Good morning, Uhm...Eroz" nautal pang sabi ko.
Ngumiti si Tita Elaine sa akin, because she knew what I truly feel towards him. Nakakahiya, kaya ayokong ipagkalat ang crush ko. Mabilis kumalat.
Tamad niya lang akong tiningnan, ni hindi nga niya ako binati pabalik. Muli niyang itinuon ang buong atensyon niya sa ginagawa at sa mga documents.
"Dapat talaga, ikaw na lang ang magtrain kay Gertrude" si Tita.
Tumikhim si Eroz, ang mga mata ay nasa laptop niya pa din. "Busy ako, Ma. At kaya na yan ni Cairo...I have a lot of important things to do" seryosong sabi niya.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Masakit na malamang tinanggihan niya ako ng kausapin siya ni Tita. Pero mas masakit pala na sa kanya ko mismo marinig. Busy din naman si Cairo, pero tinanggap pa din niya ako.
Sandali ding natahimik si Tita Elaine dahil sa sinabi ng anak. Nang makabawi ay bumaba ang tingin niya sa box na hawak ko. Gusto ko na lang itago iyon, wag na lang ibigay kay Eroz.
"May ibibigay nga pala si Gertie sayo..." si Tita at kaagad pa akong sinenyasan na lumapit sa table ni Eroz.
Napangiwi ako, gusto kong sabihin na wag na lang pero huli na ang lahat. Kasabay ng pagsara ni Eroz sa folder na hawak niya ay nanatili din ang tingin niya sa akin. Looks like he's curious about it.
"Nagtake out ako ng cake, for you..." nahihiyang sabi ko at inilapag iyon sa itaas ng kanyang lamesa.
Nakita ko kung paano sumunod ang tingin niya sa box pero sa huli ay inirapan niya lamang iyon.
"I don't eat, sweets" masungit na sabi niya na ikinalaglag ng aking panga.
"But, you will try right?" si Tita Elaine.
Mas lalo akong nahiya. Ano ba kasi ang iniisip ko? Sana ay hindi ko na lang ginawa. Napasobra ata ang pagiging nice ko.
Bago pa man makasagot si Eroz ay may kumatok na para tawagin si Tita. Bigla akong nataranta, sasama ako sa kanya. Ayokong maiwan magisa kasama si Eroz, natatakot ako sa kanya. Nasa tamang edad na ako, pero pakiramdam ko kayang kaya pa din niya akong pagmukhaing bata na pwede niyang pagalitan pag gusto niya.
"Maiwan ko muna kayo, babalik din ako kaagad" paalam ni Tita sa amin. Hindi na ako nakapagprotesta pa dahil mabilis ba siyang naglakad palabas sa office ni Eroz.
Maging ang paghinga ay halos nakalimutan kong gawin. Nanigas ako sa aking kinatatayuan, takot na takot na gumawa ng kahit na anong galaw.
"Ano? Nagpapatangkad ka ba?" masungit na tanong niya sa akin.
"Eh...uhm. Can I sit there?" turo ko sa sofa niya.
Tamad niya akong tiningnan. "Should I, Baby sit you again?" mapanuyang tanong niya sa akin.
Bahagya akong napanguso, marahan akong napailing. Tahimik na lamang akong lumapit sa may sofa at umupo duon. Nanatili akong nakayuko, ilang beses kong kinurot ang likod ng aking palad hanggang sa mamula iyon.
Maayos naman ang tanong ko, Can't he answer me in a nice way too?
Nagangat ako ng tingin ng pumasok ang secretary niyang babae. May ibinigay itong isa nanamang folder sa kanya. Bago ito tuluyang umalis ay tinawag ulit siya ni Eroz.
Nalaglag ang panga ko ng kuhanin niya ang box na ibinigay ko sa kanya at iniabot iyon sa kanyang secretary.
"Sayo na din ito, hindi naman ako kumakain niyan" malamig na sabi niya.
Nagpasalamat ang secretary niya bago lumabas. Ramdam ko ang pagbigat ng aking dibdib, halos maginit din ang gilid ng aking mga mata. I feel offended. Sana man lang ay ibinigay niya iyon sa iba nung wala na ako.
Mas lalo kong diniinan ang pagkakakurot ko sa likod ng aking palad. I don't know, what to do na. I just want to be nice to him.
Natigilan ako ng maramdaman ko ang pagvibrate ng aking phone. Nakita kp kaagad ang message mula kay Cairo.
Cairo H:
I need you now. Sa coffee shop.
Kaagad akong napatayo. Baka kasi emergency iyon kaya naman kailangan ko ng umalis.
"I...I need to go" paalam ko sa kanya kahit alam kong mukhang wala naman siyang pakialam.
"Better" he murmured. It was a double kill for me. Ayaw niya talaga sa akin.
Kakatalikod ko pa lang ng bigla nanaman siyang magsalita.
"If Abuela ask you and Cairo for marriage. I hope you say yes..."
"Wh...why?" medyo nanginig pa ang aking boses.
Nagangat siya ng tingin sa akin. "Cause, I want Tathriana for me" diretsahang sabi niya sa akin.
Hindi niya ako pinatunguhan ng maayos. Tapos ngayon ay gagamitin pa niya ako para makuha si Tathi, kahit alam niyang may gusto ako sa kanya umpisa pa lang. Hindi talaga siya nagcare sa feelings ko.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro