Chapter 63
Last Mission
"Gertie" tawag ni Eroz sa akin ng bigla na lang akong matulala. My body doesn't even responded by what I heard. I think, he is expecting something na gagawin ko.
But my body weakens, I can't even move.
"Sinubukan po naming pigilan. Sumigaw po kami para humingi ng tulong, pero ang bilis po ng pangyayari" patuloy na kwento ng kasambahay.
Mas lalong humigpit ang yakap ni Eroz sa akin. My body feels so numb. Lumapit na din sa amin ang mga pinsan niya, even sina Papa ay nagtanong na din. Mas nauna pa silang nag panic kesa sa akin.
"What do you want to say?" nanghihinang tanong ko. All the words she said, hindi ma-process ng utak ko.
I know what is happening pero hindi ko kayang tanggapin.
Sometimes, alam naman natin. Pero ipinaglalaban pa din natin yung gusto natin kasi mahirap naman talagang umasa. Wala tayong pwedeng ibang gawin kundi ang tanggapin kung ano ang katotohanan.
Tumikhim si Eroz, ramdam kong alam niya na kung anong nangyayari sa akin.
"Nawawala si Yaya Esme" diretsahang sabi niya sa akin.
I know. Alam ko, pero bakit? Alam kong nawawala ang Yaya Esme ko, pero bakit? Hindi ko maintindihan, wala na akong maintindihan.
"Let's call the police" si Papa.
He was about to grab his phone ng pigilan siya ng mga pinsan ni Eroz.
"Sandali po, Tito. Wag po tayong magpadalos-dalos" sabi ni Tadeo in a calm and composed tone.
I understand naman kung bakit siya, maging sina Castel at Piero ay kalmado even with this situation. They know what they are doing.
"Baka tinanan ni Mang Henry" pag singit ni Hobbes in the middle of our silence.
Sumama ang tingin sa kanya ng lahat. Even si Ate Vera na tahimik lang na nakatayo sa may gilid. Lumabas din siya kahit halos buong araw na siyang nagkulong sa room niya para lang umiwas kay Piero.
"Hob, this is not a joke time" si Kenzo.
Nagkibit balikat siya. "Nagusap kami kanina, nasabi niya sa akin na gusto siyang ligawan ulit ni Mang Henry, pero ayaw niya na kaya baka..." hindi na niya tinuloy ang sasabihin ng mas lalong tumalim ang tingin sa kanya ng lahat.
Hindi ko naman nagawa iyon at hindi ko gagawin. I know na gusto lang din ni Hobbes pagaanin ang sitwasyon, but it doesn't change the fact na nasa danger ang life ng Yaya Esme ko.
"Tatawagan ko si Mang Henry" sabi ni Eroz. Sandali siyang humiwalay sa akin para tumawag. Gusto kong lumapit para makibalita kaagad but wala na akong lakas.
I just confirmed something with just his reaction while in the middle of the call. Walang alam si Mang Henry.
"Ngayon lang po. Hindi pa namin alam..." sabi niya dito.
Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. Lumapit si Ate Vera para yakapin ako.
"Shh...Don't cry, Gertrude. Makikita ka ng anak mo, wag kang umiyak sa harap nilang lahat" suway niya sa akin.
Marahan akong umiling, I can't do that. Humigpit ang yakap ko sa kanya, ganoon din naman siya sa akin.
"My Yaya Esme is missing...paano na?" umiiyak na tanong ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita, niyakap niya lang ako ng mahigpit.
Nagusap usap na ang mga pinsan ni Eroz together with their wives pero wala akong naintindihan na kahit ano. Lumilipad ang isip ko sa kung saan. Kanina pa nag fla-flash ang picture ni Yaya Esme sa isip ko.
How was she? Sana ay hindi siya sinaktan ng mga bad guys. My Yaya Esme is old na para saktan pa siya. Kung ano ano ng naisip kong pwedeng ginawa sa kanya dahil din sa mga napapanuod ko sa movies and sa nangyari sa amin noon ni Tita Elaine.
"Eroz" humahangos na tawag ng kararating lang na si Mang Hnery dito.
I saw nothing but fear and pagaalala sa kanyang mukha. Isang beses siyang lumingon sa akin na para bang my kalagayan right now is a confirmation na totoo nga ang lahat ng ito.
Kasama ni Mang Henry sina Julio, Alice, At Junie. Mukhang kakagaling lang nila sa kabilang factory.
Yumakap si Alice sa akin. "Mahahanap din natin si Yaya Esme, Gertie" sabi niya.
Nawala ang atensyon ko sa kanilang lahat ng marinig ko ang pagiyak ni Gianneri, karga karga siya ni Tathi. Wala sa sarili akong tumayo para lapitan ito.
"Love..." tawag ko sa kanya.
Mabilis siyang yumakap sa akin ng maingat siya iabot ni Tathi.
Umiiyak siya. Maybe alam niya ding nawawala si Yaya Esme. Baka malungkot din si Gianneri sa nangyayari, My baby loves Yaya Esme so much too. And kahit baby pa siya, I know she can feel it too.
"Shh, babalik si Yaya Esme, Love" pagaalo ko sa kanya.
Mahigpit kong niyakap si Gianneri. I can't help myself but to burst out from crying. I can't keep it to myself anymore.
Gusto pa sana nila akong lapitan ng kaagad kaming matahimik lahat dahil sa pagdating ng umiiyak na si Bea.
Walang nagawa si Tathi ng muli kong ibinalik sa kanya si Gianneri. Umiyak ulit ang baby ko dahil sa aking ginawa. As much as I want to hug her, I need to face Bea. Enough na ang minsan niyang nakitang nasaktan ko ito, I don't want to be a bad example sa kanya.
"Bea, anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Mang Henry sa anak.
Imbes na sumagot ay nasa akin ang tingin ni Bea. I saw how tensed her body is. Kita din ang panginginig ng kamay niya na para bang takot din siya.
I was about to take another step ng humarang na si Eroz sa aking harapan.
"Anong kailangan mo, Bea?" tanong niya dito.
Mas lalo siyang naiyak hanggang ang hikbi na lang niya ang nangingibabaw sa buong salas namin.
"I'm sorry...hindi ko sinasadya" she said.
Nanlaki ang aking mga mata. Sumagi na siya sa isip ko kanina, but kahit she's bad from the start pa lang ay hindi ko siya nagawang I-judge dahil hindi naman tama iyon. Pero dahil sa sinabi niya ngayon, muling namuo ang galit ko sa kanya.
"You hurt my Yaya Esme?!" sigaw na tanong ko, it was close to accusation.
Mas lalong naiyak si Bea kaya naman nilapitan na siya ni Mang Henry.
"Bea, ano tong ginawa mo?" madiing tanong sa anak.
Napasubsob siya sa kanyang dalawang palad. "Gusto ko lang naman siyang takutin, gusto ko lang siyang lumayo sa atin, Dad!" pagburst out niya kay Mang Henry.
Mas lalo akong nasaktan para sa Yaya Esme ko. I know the feeling na hindi ka tanggap, naramdaman ko na iyon kay Madam Pia Herrer, and it was so downgrading. Na para bang ang liit liit mo for them to just choo you away dahil hindi ka nila gusto.
"Bea" madiing sambit ni Mang Henry. It was full of disappointment.
"Walang ginawang masama sayo ang Yaya Esme ko!" laban ko sa kanya. Ramdam ko ang hawak ni Eroz sa akin for support.
"Hindi niya deserve ito from you, Bea! She likes Mang Henry, pero umiwas siya kasi ayaw niyang masira ang relastionship niyo. Kasi ayaw niyang masaktan ka dahil sa kanya" pag amin ko.
Mas lalong naiyak si Bea. Kita ko ang panghihina ni Mang Henry na para bang he realized something.
"I'm sorry...I'm so sorry, Dad" she said. Sinubukan niyang hawakan si Mang Henry pero lumayo lang ito sa kanya.
Somehow, nasaktan ako for her dahil sa nakita. But everything is too shocking for everyone. Kahit sino sa situation na ito ay hindi makakapagisip ng maayos.
"You are all I have, Dad. You are all I have, kaya natakot ako na baka agawin ka niya sa akin" umiiyak na sabi ni Bea.
Nawala ang lahat ng tapang niya. She let us see her weak side na para bang she doesn't care at all.
Nanatili ang tingin ni Mang Henry sa anak, he was so disappointed.
"Walang aagawa sa akin sayo, Bea. Ikaw lang ang nagisip niyan" si Mang Henry kaya naman mas lalong naiyak ito.
"Selfish ka kasi. You bitch" si Ate Vera.
Matapos niyang sabihin iyon ay nagiwas siya ng tingin na para bang hindi din niya kaya ang scenario. Nilapitan si Alice, dahil sa paglapit na iyon ay nakita kong kumalma kaagad ang Ate Vera ko.
"I'm sorry, Gertie. Hindi ko sinasadya, naging padalos-dalos ako. Nainggit ako, inggit na inggit lang ako. Sinubukan kong tanggapin siya..." paguumpisa niya.
"Sinubukan kong tanggapin siya, pero sa tuwing mag kasama kami, ikaw lang ang bukambibig niya. Lahat ng kwento niya sa buhay, kasama ka. Nainggit lang ako, kinain ako ng galit" dugtong pa niya.
And it hurts me even more. Knowing na kailangan ako ni Yaya Esme ngayon pero waa akong magawa, hindi ko siya matulungan. All this years, simula pag kabata, isang tawag ko lang sa kanya, she was always there for me. Pero ngayon, hindi ko man lang alam kung nasaan siya. What if they hurt her?
"Saan siya dinala?" matigas na tanong ni Eroz.
Bumaba ang tingin ni Bea. "Hindi nila sinunod ang plano. May ibang plano sila, pakiramdam ko may mas malalim silang dahilan para gawin ito. Ginamit lang nila ang pagkakataong ibinigay ko sa kanila"
"Sino pa ang pwedeng gumawa nito?" si Tadeo.
Tahimik lang silang nakikinig sa gilid, pero ramdam kong may namumuo ng konklusyon sa isip nila. Kita ko din ang ilang beses na paguusap nina Castel at Piero.
Napamura si Papa sa kabilang gilid. "Kagaya pa din ng dati, yung mga gustong kumuha ng Villa" he said. Ramdam ko ang paninisi niya sa kanyang sarili bago siya tuluyang natulala.
"Gertie..." tawag ni Bea sa akin.
Tiningnan ko lang siya. Even si Mang Henry kasi ay lumayo na din sa kanya at hindi na siya pinansin pa, ramdam ko ang disappointment niya para sa anak.
"I told you, You can hate me all you want pero wag mong idamay ang Yaya Esme ko. I understand na ayaw mong mawala si Mang Henry sayo. Pero that is not an excuse para manakit ka ng ibang tao. Gusto kang alagaan ng Yaya Esme ko, Bea" paliwanag ko sa kanya.
"We are so sorry kung bakit malungkot ang buhay mo. No one deserves that kind of life. Pero the fact na we wanted to help you, you just turn everyone as your competitor. Na para bang lahat ng tao kaaway mo, hindi lahat sasaktan ka, Bea"
Mas lalo siyang naiyak. "Wala kasing nakakaintindi..." pinutol ko ang sasabihin niya.
"Walang nakakaintindi dahil hindi mo kami hinayaang maintindihan ka. She tried to reach for you. You just misinterpret her good motives" sabi ko pa tukoy sa Yaya Esme ko.
Hindi na nakapagsalita pa si Bea at naiyak na lang. Buong gabi kaming gising para lang maghintay sa kung ano.
We are very thankful sa presence ni Alice. Silang dalawa ni Ate Vera ang nagbantay kay Gianneri. Even sa mga anak ng pinsan ni Eroz.
Tahimik kaming lahat, rinig kong humingi na din ng tuloy si Sera sa Kuya Frank niya na may security company. Even sa mga sundalong kaibigan ni Tadeo, and sa mga tauhan daw ng Daddy ni Castellana.
"Andito kaming lahat, hindi natin papabayaan si Yaya Esme" pagaalo ni Eroz sa akin.
Hindi niya iniwanan ang tabi ko. Aalis lang siya pag ikukuha ako ng tubig o pagkain. Ginagawa pa din niya iyon even minsan hindi ko na pinapansin dahil maging ang paginom ay nawalan ako ng gana.
I always think about my Yaya Esme. Gusto ko lang siyang bumalik sa amin ng safe and sound.
"Gertie, wag kang magalala babalik ang Yaya Esme mo" sabi ni Castellana sa akin.
Hindi rin sila natulog. Kahit tahimik ay ramdam na ramdam ko ang support nila, kahit si Piero na mangaaway. The way he moves and talked with his brother ay para bang handa siya sa kahit anong laban kung sakali.
Nilingon ko si Eroz, pumungay ang mata niya ng salubungin ang tingin ko.
"Natatakot ako" sumbong ko sa kanya. Mula kagabi ay ngayon ko lang ito nasabi. Even kay Papa ng niyakap niya ako, wala akong imik. Panay lang ang tulo ng aking mga luha.
Hinigpitan niya ang yakap sa akin at mas lalo niya akong hinila palapit sa kanya. "I know. Nandito ako, Gertie" pagaala niya sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang yumakap kay Eroz. Madaling araw ng makatanggap kami ng tawag sa mga kidnappers.
"Si Gertrude ang gustong kausap" sabi ni Tadeo, siya ang sumagot ng tawag.
Tatayo na sana ako para lumapit ng humarang si Eroz.
"Hindi. Sabihin mo ikaw na, kahit anong kailangan nila ay ibibigay natin" madiing sabi nito.
He didn't even gave me a chance na tumutol. Si Tadeo ang kumausap sa mga ito. Hindi na din naman ako nag reklamo dahil takot din naman ako, I don't want to talk to them, baka hindi din nila ako makausap ng maayos.
"Anong sabi?" tanong kaagad ni Castellana. She looks like the laging handang lumaban kind of girl.
Maamo ang kanyang mukha, kung hindi ko siya kilala ng personal ay iisipin kong she is so mahinhin, pero the way she talks about this ay parang mas sundalo pa siya kesa sa asawang si Tadeo.
Sandaling hinawakan ni Tadeo ang asawa sa likod na para bang pinapakalma niya ito bago niya kami nilingon ni Eroz.
"100 million in cash, mamayang alas otso ng umaga sa lumang bodega ng mga tela sa Macaiban" sabi niya kaya naman kaagad kaming nakarinig ng bulungan.
Nagkaroon ng sari-sariling suggestion ang lahat, nanatili akong tahimik.
"Hindi problema ang pera..." muling paguumpisa ni Tadeo, natahimik ang lahat.
Nanatili ang titig niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba.
"Si Gertrude ang gusto nilang mag-dala ng pera. Walang pulis o kahit na sino, hindi silang magdadalawang isip na patayin si Yaya Esme"
"Hindi ako papayag! Ako na lang!" kaagad na protesta ni Eroz.
Tumulo ang aking luha dahil sa takot at kaba. Pero mas nangibabaw sa akin ang pagaalala at pagmamahal kay Yaya Esme.
"I'll do it" matapang na sabi ko.
"Hindi, Gertrude" madiing laban ni Eroz sa akin.
Tumayo ako, kahit nakatingla sa kanya ay nilabanan ko ang titig niya.
"I want to do this para sa Yaya Esme ko, Eroz"
Umigitng ang kanyang panga. "Delikado"
"Kahit pa" sabi ko sabay iwas ng tingin.
Ramdam ko ang titig niya sa akim. "Naisip mo ba si Gianneri?" marahang tanong niya pero ramdam kong may laman.
Muling uminit ang gilid ng aking mga mata ng maalala ko ang baby ko. Eroz is right, delikado nga itong gagawin namin. Pero I don't know what to do, I'm torn between the situation. Mahal ko din si Yaya Esme.
Muli kong naramdaman ang pagtulo ng mainit na luha mula sa aking mata pababa sa pisngi.
"Don't use that against her, Eroz" si Tathi.
Hindi naputol ang tingin ni Eroz sa akin. Hindi ko din naman binawi ang sa akin.
"I'll do it, ako ang pupunta" laban niya kaya naman nakarinig kami ng protesta kay Tadeo. Tadeo knows what to do, he is a soldier.
Hindi na ako nakapagisip pa ng maayos. "Why is that? Hindi mo ba narinig ang sabi, ako ang gusto nilang pumunta"
Muling umigting ang panga niya, lapat na lapat ang kanyang mga labi. He's angry, me too!
"I can provide the ransom money, so I have the rights para pumunta don" sabi ko at kaagad siyang tinalikuran.
"Gertie, this isn't about who will provide..." laban niya pero hindi ko na pinakinggan pa.
Tumakbo ako paakayat sa aking kwarto. Panay pa din ang tulo ng aking luha. Wala akong ganong kalaking money in cash. I can't even think straight, Dumiretso ako sa aking walk in closet. Kinuha ko ang lahat ng desingers bags, clothes, shoes, and even ang mga jewelries ko.
Narinig ko ang pagsara at pagbukas ng pinto.
"Anong ginagawa mo, Gertie?" nagaalalang tanong ni Eroz. Kahit ramdam kong galit pa din siya.
"I don't have that huge amount of money. But they can have all my designer things, I don't need all of this kung mawawala naman sa akin ang Yaya Esme ko" umiiyak na sabi ko habang patuloy na kinukuha ang lahat at inilalagay sa itaas ng kama.
Sa muling paglabas ko ng walk in closet at kaagad na akong hinuli ni Eroz para yakapin. Nanghina kaagad ako, I know naman na walang patutunguhan ang ginagawa ko. I just couldn't think right. I don't know what to do anymore.
"I'm scared but I want to do it" sabi ko sa kanya.
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Fuck, ako na lang kasi" sabi niya sa kawalan. Ramdam ko ang frustration niya.
Sa huli, nadaan ko sa pakiusap si Eroz. Hindi siya pabor sa idea pero wala na din naman siyang magagawa.
"Meeting without us?...Again?" tanong ni Tita Maria ng maabutan nila kaming naguusap sa may Salas.
With their connection ay nadala kaagad sa amin ang 100 million in cash mula sa mga Herrer. Me and Papa insisted na ibigay ang lahat ng meron kami even the last centavo pero hindi na sila pumayag. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Yaya Esme, at kaligtasan ko na paulit ulit pinapaalala ni Eroz sa kanila.
Piero groaned in frustration. "Oh please, not with the oldies" he said kaya naman nakatanggap nanaman siya ng reklamo mula sa mga ito.
Hindi din sangayon si Papa, but wala na kaming magagawa. Tadeo and Castel knows na kailangan namin sundin ang gusto ng mga bad guys. Ayaw na nilang palalain pa ito, pera lang naman talaga ang habol ng mga iyon.
Nagplano na kaagad si Castela at Piero, kung magusap silang dalawa ay para bang sanay na sanay sila sa ganito. I keep my self calm at sinubukang ipakitang matapang ako. But hindi ko maloloko si Eroz, alam ko na ramdam niya ang totong feelings ko about this.
"I love doing missions with you, but sana naman last na ito" nakangising sabi ni Castel sa lahat after mabuo ng plano.
Tadeo groaned in frustrations too. Nagtaas ng kilay si Castel sa asawa. "May problema ba, Captain?" masungit na tanong niya.
Ngumisi si Sera. Because of them, the way they handle everything, gumagaan ang lahat. They seem so expert about this. Na kahit ilang beses sabihin sa akin ni Amaryllis na agent sina Castel at Piero ay hindi pa din ako makapaniwala.
Pinasuot nila ako ng bulletproof vest under my hoodie. Sila Sera ang pumili ng isusuot ko, even si Castel ay nagbihis din. Because of her porma ay para tuloy siyang si Angelina Jolie with her action movies.
Tinawanan nina Kenzo at Cairo si Tadeo na nakatulala ngayon habang pinapanuod ang bawat galaw ng asawa. Walang kahirap hirap na hinawakan ni Castel ang baril, hindi man lang siya natakot.
"Do I need to have my gun also?" tanong ko sa kanila.
Tumikhim si Eroz. "No, baby" he said.
Napaawang ang labi ko ng makita kong inabutan siya ng baril ni Cairo.
Tahimik lang si Piero pero he is preaparing also, mas lalong naging dark ang aura niya na para bang simula kagabi, he thinks murder all the time.
Nahirapan akong bitbitin ang pera. Karga ni Ate Vera si Gianneri bago kami umalis, maaga siyang nagising. My baby is matalino talaga, and observant.
Hindi ako nagsalita, niyakap ko lang siya ng mahigpit at paulit ulit na hinalikan. Maging si Ate Vera ay hindi din sangayon sa mangyayari pero natahimik na lang.
Nakakalat na sa buong paligid ang mga tauhan ng Kuya Frank ni Sera, even ang mga tauhan nila Castel ay nanduon na din. Sobrang galing ng mga ito dahil malinis ang trabaho nila, wala man lang akong nakita ni isa.
"I'm going" sabi ko ng huminto ang van na sinasakyan namin few block mula sa luma at abandonadong bodega.
"May nakabantay. Kailangan lumayo ng Van pagkababa ni Gertie" sabi ni Tadeo matapos makatanggap ng message mula sa mga kidnapper.
Ayaw akong pakawalan ni Eroz. Mahigpit ang hawak niya sa akin na para bang ano mang oras ay kayang kaya niyang sirain ang plano.
"Masisiraan ata ako ng bait. Tangina" malutong na mura niya. Imbes na punahin iyon ay hinawakan ko ang kamay niya.
"Trust me, Eroz. I can do this" paninigurado ko sa kanya.
Para nanaman siyang constipated. Gusto niyang may gawin pero wala siyang magawa. Natahimik ang lahat ng hampasin niya ang bintana ng van, galit siya. I know, pero ito ang kailangan.
"Si Gianneri..." paguumpisa ko sana na kaagad niyang pinigilan.
"Don't...wag mo akong bigyan ng ganyan" suway niya sa akin.
Humaba ang nguso ko. "Edi don't" nakangising sabi ko sa kanya para itago sana ang kaba.
Bumaba na kaagad ako bago pa magbago ang isip ni Eroz. I prayed and talk to Mama for guidance. I know na kasama ko siya, palagi naman.
Tuloy tuloy lang ang lakad ko, isang beses ko pang nilingon ang van bago ito lumayo. Nakatago na din sina Castel and Piero. Kagaya ng mga kasama ay makikipaglaban din daw sila.
"I'm...I'm here with the...uhm, pera" kinakabahang sabi ko sa lalaking naghihintay sa lumang gate.
Bumaba ang tingin niya sa dala kong malaking suitcase at isang travelling bag.
"Pasok" asik niya sa akin.
"But, asaan muna ang Yaya Esme ko?" tanong ko sa kanya.
Kita ko ang iritasyon niya dahil sa tanong ko. "Nasa loob" sabi niya at marahas pang napakamot sa tenga.
Tinulak niya ako papasok, he helped me with the suitcase, napatingin ako sa paligid. Marami namang nakamasid, and alam ko namang hindi nila kami pababayaan ng Yaya Esme ko.
"Nag eat na ba ang Yaya Esme ko?" tanong ko sa lalaki. I want to talk nicely, para naman alam niyang hindi kami lalaban and we are willing to compromised.
"Itikom mo nga yang bibig mo, o tatamaan ka sa akin?" asik niya kaya naman natahimik ako.
Malayo ang nilakad namin mula sa mismong gate, nakaramdam ako ng takot. Pero panay lang ang dasal ko, at iniisip ko na lang na after nito magiging maayos na ang lahat. Na after nito, uuwi kami ni Yaya Esme. Uuwi ako kina Papa, Eroz, and Gianneri.
"Yaya Esme!" sigaw ko ng makita ko itong nakatali sa upuan, nakapiring at may busal ang bibig.
Umiiyak akong tumakbo para yakapin siya. Kita ko ang ilang pasa at galos sa kanyang katawan. Kahit may takip sa bibig ay narinig ko ang kanyang pagiyak.
"Yaya Esme, let's go home na. Miss ka na namin" sabi ko sa kanya.
Gusto niya akong yakapin, pero nakatali din ang kanyang mga kamay.
"Siguraduhin niyo munang kumpleto ang pera, handa na ang van sa likod" rinig kong sabi ng isang lalaki.
Kaagad ko silang nilingon. "Pakawalan niyo na kami, yung pera lang naman ang gusto niyo" sabi ko sa kanila.
Ngumisi ito sa amin. "Tanga ba kami para gawin yon? Ireregalo ko ang ulo mo, sa tatay mo" asik niya sa akin.
Sasagot pa lang sana ako ng mapamura siya, nilingon ko ang tiningnan niya at nakitang natanggal ni Yaya Esme ang nakatali sa kanya.
"Itali ulit yan" sigaw niya sa tauhan.
Napasigaw ako ng makarinig kami ng putukan mula sa labas.
"Boss, napasok tayo" anunsyon ng isa bago sila dumami sa loob.
Napamura siya bago niya itinutok sa akin ang baril. Mariin akong napapikit, hanggang sa maramdaman ko ang yakap ni Yaya Esme sa akin.
"Andito lang si Yaya, nadito lang palagi si Yaya" she said habang mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin.
Napapikit ako sa isiping all my life, hindi niya ako iniwan. Sa tuwing takot ako, sa tuwing nalulungkot.
Dinadama ko pa ang mainit at mahigpit na yakap niya sa akin ng makarinig kami ng sunod sunod na putok ng baril.
"Yaya Esme..." tawag ko sa kanya pero hindi na niya ako sinagot pa.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro