Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59

Pertenezco



Pinagmasdan ko ang paglakad pabalik ni Ate Vera sa loob, dahil sa kanyang galaw ay nag flow ang suot na mahabang silk robe. Everytime she walks, akala mo nasa runway siya. I gave her that because she is like a model naman talaga.

Maraming invites sa kanya to model some designers brand nung nasa US kami but she refused, it's not her thing daw.

Sinilip ko ang tatlong paper bag na inabot niya sa akin. It's legit. Minsan kasi bully din ang Ate Vera ko, Kaya naman hindi ko pa din lubos maisip kung paano sila nag away away nuon nina Piero and Amaryllis. She's a brat talaga before, hindi naman niya iyon itinatanggi.

"We should go, maaga pa tayo bukas kina Tita Maria" Kuya Rafael said.

Tumingin ako kay Ate Vera, busy pa din siya sa pag unpacked ng mga gamit niya.

"Are you going to be fine here?" tanong ko.

I wish I can take her also to the party tomorrow. But hindi naman pwede because invited lang din kami nila Eroz.

Nginisian niya ako. "I'm fine being alone. Umalis na kayo at naiistorbo niyo na ako...Chupi!" pagtataboy niya sa amin ng hindi man lang kami tiningnan at nanatili ang tingin sa mga gamit niya.

Napabuntong hininga si Kuya Rafael na problemadong nakapamewang habang nakatingin kay Ate Vera.

Sa huli, I just waved and kissed her goodbye. I can't wait din na magkita na ulit sila ni Gianneri. My baby wants Ate Vera's presence too. Feeling ko she'll spoiled din Gianneri with designer things, baka matalo pa niya ako.

May dalang seperate car si Kuya Rafael kay naman nagkahiwalay kami sa byahe pauwi. Tahimik lang kaming dalawa ni Eroz nung una hanggang sa naiwan ang tingin ko sa isang fastfood chain na nadaanan namin.

"Baby, you want something?" marahang tanong niya. Hinawakan pa niya ang kamay ko.

"Uhm...wala naman" sagot ko.

"You want ice cream?" tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"How did you know?" namamanghang tanong ko sa kanya.

Natawa siya at nagkibit balikat na lang.

Pumila kami sa drive thru para umorder ng ice cream na gusto ko. Dahil sa paghihintay ay napagusapan namin si Ate Vera.

"Galit pa din si Piero, alam mo naman ang isang yon" natatawang kwento niya kaya naman humaba ang nguso ko.

"My Ate Vera is a bit bad talaga before, like kahit ako nung nasa states kami inaaway niya ako. And when she's in Bulacan, she always claim na siya lang ang nagiisang babaeng Montero" kwento ko. Hindi ko na lang din maiwasang matawa everytime I think about that.

Bahagyang kumunot ang noo ni Eroz. "Why?"

Pinanliitan ko siya ng mata. "This is a secret ha" banta ko sa kanya kaya naman pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Sino ba ang madaldal sa ating dalawa?" tanong niya sa akin.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Not me!" laban ko kaya naman napahalakhak siya.

I told Eroz about Ate Vera being not a legit Montero. Her Dad is my Papa's half brother.

Hindi siya tanggap ng family noon kaya naman I understand yung attitude ni Ate Vera. Even nung nabubuhay pa si Lola, kahit yung mga relatives namin sa US, they always made Ate Vera feels na she has no place in the Montero family.

But nang namatay ang Dad niya, My Papa did everything para ibigay sa kanya ang dapat sa kanya. My Papa believe na kahit ganon, Montero pa din siya. And she is, and we love her so much.

"Rafael is cousin mo sa side ni Tita Giselle, right?" tanong ni Eroz sa akin while he handed me the ice cream na gusto ko.

"Yup!" sagot ko na lang. Excited na ako for my icecream.

Sa room ni Eroz kami natulog na tatlo. Sa design pa lang ng room niya, kita ko na kaagad kung ano siya when he was younger. All the details and color screams how sungit he is. Ang neat and minimalist, walang kaarte arte sa room niya.

Dahil sa pagod ay nauna kaming nakatulog ni Gianneri. Yakap ko ang baby ko hanggang sa dinalaw ako ng antok.

Maaga kaming nag prepare para sa lunch party na inihanda ni Tita Maria. Nag pa-prepare din si Tita Elaine ng food na dadalhin namin.

"Sobrang ganda niya, Gertie" malambing na sabi ni Tita Elaine sa akin.

Nasa may sala kami habang hinihintay sina Tito Axus and Eroz. Sila ang tumulong sa mga helpers para sa mga foods na dadalhin namin. Nasa lap ko si Gianneri, nakaupo kami sa couch, katabi ng wheelchair ni Tita Elaine.

My baby is wearing a light yellow dress. May suot din siya cute bunny baby shoes, it will not irritate her because its cotton naman and she is wearing a cute size white foot socks.

Ilang beses na hinalikan ni Tita Elaine si Gianneri, halos ayaw niyang ialis ang tingin niya dito.

"Kamukhang kamukha mo, ang ganda" dugtong pa niya kaya naman naginit ang magkabilang pisngi ko.

Inayos ko ang ribbon headband sa hair niya.

"Hindi po kayo galit sa akin? Kasi hindi ko sinabi kay Eroz nung nalaman kong I'm pregnant?" tanong ko.

Tipid na ngumiti sa akin si Tita Elaine. "Nasaktan ako para kay Eroz nung nalaman ko iyon. Pero nakita kong mahal na mahal ka niya, napatawad ka niya. Kaya napatawad din kita. Hindi kailanman ako nagalit sayo, Gertie. Para na kitang anak...Ganon ang magulang sa mga anak nila" she said.

Hindi ko napigilang maging emotional. The way she speaks, para ko na ding kausap si Mama. Tita Elaine is right, never niyang ipinaramdam sa akin, nila ni Tito Axus, na iba ako sa kanila. They always treat me as part of their family.

Family na sometimes, may mga misunderstanding, may mga tampuhan. But in the end of the day we forgive and forget.

Maingay na ang mansion nila Tita Maria when we get there. May dalawang mahabang table sa garden. One is for the foods and the other one is para sa amin.

"Nasa kabilang street lang kayo" puna ni Tita Maria dahil late pa din daw kaming dumating na ikinatawa ni Tita Elaine.

They lived in the same exclusive subdivision. Even ang mga cousins ni Eroz ay dito na din nagpatayo ng house for their family.

"Gianneri!" tilang sigaw ni Prymer ng lumapit ako sa kanila para ipakita sa baby ko ang malaking playground sa garden, may playhouse din, parang yung pinagawang playhouse ni Kylie Jenner for her daughter Stormi.

Bahagya akong yumuko para iharap si Gianneri kay Prymer. Medyo hingal pa siya dahil sa paglalaro nilang magpipinsan.

I can say na comfortable na ako with them. Si Tito Alec and Kenzo is doing the grills. Sina Cairo and Tadeo ang naglabas ng mga foods na dala namin para isama sa buffet table.

Si Piero ay naiwan sa mga bata. I can see na malapit siya sa mga pamangkin niya kahit palagi niyang binubully at pinapaiyak ang mga ito.

"Piero!" sigaw ni Kenzo ng ilabas niya ang mga chips na dala niya. Madami iyon at malalaki pa. Hindi healthy for the kids.

"What? Nagustuhan nila, pwede ba. Don't be too hard sa mga anak niyo"giit niya, akala ko seryoso na siya pero bumugsak ulit ang balikat ko ng may umiyak nanaman dahil sa isang chips na dala niya. That chips is too spicy for kids. Ang Piero na ito!

The foods is super delicious. si Tita Maria ang nagprepare ng lahat ng yon. They said na dati siyang brat and sakit daw ng ulo ni Tito Alec, but when the quadruplets came, marami na siyang natutunan.

Si Eroz ang may hawak kay Gianneri, kahit may baby chair naman, mas pinili niyang kargahin ang baby namin. Even si Cairo, Tadeo, and Kenzo ay ganon din sa mga baby nila. May sariling mundo naman sina Prymer, Kianna, at Cassy.

"Primo, hindi ka pa pwede nito" si Piero.

Natawa ang lahat ng mamorblema ito ng mapuno ang kamay ni Primo ng kanin.

"Yan, manang mana talaga sa pinagmanahan" si Tita Maria at kaagad na tumingin kay Tito Alec.

Napailing na lang si Tito at hindi na lumaban pa kahit ang sabi nila, Piero is sutil, like Tita Maria nung bata pa siya.

Hanggang mamayang gabi pa daw kami dito. Kaya naman after ng lunch ay may dumating na mga photographer. We are going to have a family pictorial. May inayos silang isang spot sa garden para doon gawin ang photoshoot.

Unang kinuhanan sina Tito Alec and Tito Axus with Tita Maria and Tita Elaine. Nagpaprepare si Tita Maria ng seat for her, kaya naman hindi halatang naka wheel chair si Tita Elaine.

"Dad naman, halikan mo na si Mommy nahiya ka pa!" kantyaw ni Piero dito kaya naman napailing at natawa na lang ang mga kapatid niya.

"Shut up, Piero. Hindi hinihingi ang opinyon mo dito" si Tito Alec na halata namang sinasakyan ang kalokohan ng anak.

Mas lalong natawa ang mga kapatid niya, napangisi din ang katabi kong si Eroz dahil dito.

"Amputa..." sambit nito. Umaliwalas lang ang mukha niya ng ngitian si ni Amaryllis.

After nila ay pinasama na ang mga anak. Nasa gitna si Ate Xalaine, siya lang kasi ang nagiisang babae sa 2nd gen.

Lumapit si Kuya Rafael sa akin dala si Baby Eliore. After that at sumama na din kami. Nakayakap si Eroz sa akin mula sa likod habang karga ko si Gianneri. Super ingay ni Piero dahil gusto niyang nasa harapan sila.

"Pagbigyan na ang bunso at baka umiyak pa" kantyaw ni Tadeo na tinawanan na lang din nina Kenzo at Cairo.

I'm happy to be part of this family. Kahit hindi pa man kami official na kasal ni Eroz ay hindi ko naman naramdamang iba kami ni Gianneri sa kanila. I'm happy also dahil sa new family ko na ito, kasama ko din si Kuya Rafael.

"Grabe, dalawa lang sila Daddy pero ang dami natin" natatawang puna ni Sera ng kuhanan ng litrato sina Tito Alec and Tito axus kasama ang mga anak nila and mga apo.

"Oh, lahat ng Mrs. Herrer naman!" anunsyon ng photographer.

Sandali akong napahinto. Nang tingnan ko kung gaano sila ka-excited na lumapit duon.

"Hoy, sama pa din ako" reklamo ni Xalaine na ikinatawa nila.

Napansin ko ang tingin ni Eroz sa akin. Tipid ko siyang nginitian, nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanila o hindi.

"Mga Mrs. Herrer daw" sabi niya sa akin.

"I'm...uhm" hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin. Hindi pa naman kami kasal, iyon ang gusto kong sabihin.

Nagtaas siya ng kilay sa akin, hinihintay pa din ang gagawin ko. Halos nakapwesto na silang lahat sa gitna. Nagangat ako ng tingin ng tumakbo si Tathi para hilahin ako.

"Tara na, Gertie" nakangiting yaya niya sa akin. Hinawakan pa niya ako sa kamay para hilahin.

"Ikakasal din naman kayo ni Eroz, kaya Mrs. Herrer ka pa din" si Castel.

"Oo, pag ikaw hindi pinakasalan ni Eroz. Gugulpihin namin yan" natatawang sabi ni Sera na ikinatawa lalo nilang lahat.

"Papakasalan ko yan" Eroz declare kaya naman mas lalo silang nagingay. Mas lalong uminit ang magkabilang pisngi ko.

Matamis na ngiti ang isinalubong sa akin ni Tita Elaine. Inilagay ako ni Tathi sa gitna nila ni Amaryllis.

Nagtagal kami sa gitna dahil maraming gustong shot sina Sera at Castel na kaagad naman sinasangayunan ni Tita Maria.

"Tangina, pakiramdam ko class picture ito" natatawang sabi ni Sera sa amin.

Being with them, parang ayoko ng matapos ang araw. I never been in this kind of party na para bang you can go all out, at tatanggapin ka pa din nila. We have different vibes and trip sa buhay but still, we click to each other. I really love this family. And I'm so thankful to be part of it.

The Herrer family will always have a special place to my heart. And I will love them forever.

"Ituloy natin ito sa binyag ni Gianneri. We can stay there for a couple of days" sabi ni Tita Elaine sa kanila.

Muling na excite sina Sera at Tathi dahil kagaya ko, hometown din nila ang Sta. Maria.

Nauna kaming bumalik ng Bulacan the next day. Tita Elaine is sad kahit pa ilang araw lang din ay susunod na sila doon to help us for the preparation. Kung handa si Eroz na gumastos ng malaki for Gianneri. Mas handa si Tito Axus and Tita Elaine.

After magpaalam sa kanila ay nagulat na lang ako ng makita ko ang bracelet na suot ni Gianneri. Mas lalong naging cute ang maliit niyang kamay dahil don.

"Thank you for this, Tito and Tita" sambi ko sa kanila.

"Gertie, You can call us Mama and Papa. Kung saan ka kumportable" si Tita Elaine.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi at napatango. "Mama Elaine...and Papa Axus" I said na kaagad nilang nginitian.

Before that ay nagusap na din kami nina Ate Xalaine and Kuya Rafael. Maaga din silang uuwi ng Sta. Maria.

"I'm so happy, Eroz" sabi ko sa kanya habang nasa byahe kami.

Hindi ko na mapigilan, I want him to know how happy and thankful I am, because he let me, and he choose me to be part of their family. Na sa dinami dami ng babaeng pwede niyang gawing parte ng family nila ay ako ang napili niya.

"Mas masaya ako...Dahil kasama ko kayong dalawa ni Gianneri" he said.

"Gaano ba yung happiness mo? Sige nga let's rate it" laban ko sa kanya kaya naman napapikit siya ng mariin.

"Ang kulit talaga, ayaw patalo" nakangising sabi niya.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Bata pa lang ako mangaaway ka na, kaya aawayin din kita ngayon" sabi ko sa kanya. Konting konti na lang ay matatawa na ako.

Napakagat siya sa kanyang pangibabang labi, pumungay ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. Ang isa niyang kamay ay nakasuporta sa natutulog na si Gianneri sa dibdib niya, habang ang isa naman ay nakayakap sa aking bewang.

"Sa kwarto lang kita gustong kaaway. Sa kama lang kita gustong parusahan" he said kaya naman halos maginit ang buong mukha ko.

"Eroz! Super bad ng mouth mo. Cover Gianneri's ears. Ang bad bad mo" sabi ko pa habang pilit inaabot ang tenga ng baby namin to cover.

Tawang tawa si Eroz, lumalabas din yung pagkabully side niya. Mana ito kay Eroz, looks like alagad ata ito ni Piero. Hmp!

Along with the prepration sa binyag ni Gianneri ay naging busy din kami sa magiging 3rd month photoshoot niya.

"I want her to be Princess Ariel, sana hindi tayo mahirapang maghanap ng costume" sabi ko kay Eroz.

I even tried online shopping. Ang iba ay overseas pa, baka hindi naman umabot.

"Don't stress youself too much, magpapahanap din ako sa Manila" sabi ni Eroz sa akin.

Imbes na nasa rice mill factory siya to do his works ay nandito siya, sinasamahan akong mastress maghanap ng Ariel costume.

"May available na driver? I want to shop" si Ate Vera.

Nagangat ako ng tingin sa kanya. Ayos na ayos ang kanyang mahabang buhok and halatang pinaghandaan ang isusuot na damit.

"Uhm, We don't have drivers here, Ate" sagot ko sa kanya.

Nag angat siya ng kilay. "How about the driver with the alalay?" tanong niya sa akin.

Nalaglag nanaman ang panga ko. Nahihiya akong tumingin sa katabi kong si Eroz. Tipid niya lang akong nginitian na para bang sinasabi niya, walang kaso sa kanya at naiintindihan niya.

"They are working sa rice mill, Ate" sagot ko.

Humaba ang nguso niya at pagod siyang napasuklay sa kanyang buhok na kinulot pa ang dulo.

"Whatever, I'll shop next time. Magkano ang rate niya?" tanong niya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Rate nino?" tanong ni Eroz.

Nagiwas ng tingin si Ate Vera. "The driver" she said.

"Hindi driver si Julio, pero kung libre naman siya pwede ko siyang kausapin na samahan ka, kung gusto mo" si Eroz.

Nagtaas na lang ng kilay si Ate Vera. "Kayong bahala" tamad na sabi pa niya bago niya kami tinalikuran.

Pinagtawanan na lang ako ni Eroz sa kaka-sorry ko dahil sa sinabi ni Ate Vera. Naiintindihan naman daw niya, sometimes we really need to accept the fact na hindi lahat ng tao ay magugutuhan natin ang ugali. The least we can do is to educate them in the right way and think about where they are coming from.

Nagpaalam si Eroz sa akin na pupunta ng ricemill factory nung hapon. Gianneri and I waved goodbye sa kanya, nagreklamo pa nga itong hindi siya makaalis dahil ayaw niya kaming iwanan.

"Let's make chika kay Yaya Esme about her love life" sabi ko sa kakagising lang na si Gianneri.

Dumiretso kami sa may kitchen para hanapin si Yaya. She's busy din and hands on sa preparation kahit pa may lovelife na siya. The last time I checked ay nakailang date na sila ni Mang Henry.

"Oh, mangugulo kayong dalawa dito dahil umalis si Senyorito Eroz" puna niya sa amin kaya naman natawa ako.

Binitawan niya ang ginagawa niya para salubungin kami ni Gianneri. Hinalikan niya ito sa pisngi, bago kami parehong natawa ng muli nanaman itong humikab.

"Yaya Esme, let's go sa salon. I need to trim my hair para sa binyag ni Gianneri" Yaya ko sa kanya.

"And may isusuot ka na ba? We will shop for you para mas lalo kang gumanda sa paningin ni Mang Henry" pangaasar ko sa kanya.

Unti unting nawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Napagusapan na kasi namin ni Bea..." hindi niya maituloy ang sasabihin niya.

I saw the struggle on her face na para hing hirap siyang magdecide.

"It's uhm...ok lang naman" sabi ko sa kanya.

Sinimangutan niya ako. "At ano? Alam mo namang kayo ang pipiliin ko. Sasabihin ko na lang" she said while smiling.

Bigla akong nakaramdam ng awa para kay Yaya Esme. I don't want her too feel this way. Ayoko siyang nahihirapan.

"It's ok, Yaya Esme. If you really like Mang Henry, ofcourse we will support you" sabi ko sa kanya.

Matamis siyang ngumiti sa akin. "Kahit ang ultimate crush kong si Jericho Rosales pa yan. Kayo muna bago ang boys!" pinal na sabi niya na ikinatawa ko.

Matapos iyon ay napasigaw si Yaya Esme ng yakapin namin siya ni Gianneri.

"May kailangan ba kayong dalawa sa akin ha? At naglalambing kayo" hiyaw niya.

Tumawag si Papa sa amin ni Gianneri. He said na may flight details na din ang uwi niya dito kaya naman mas lalo akong naging excited. I wish this time, maging maayos na din ang relationship nila ni Eroz.

Sa garden kami nagstay ni Gianneri with Chin Chin sa paghihintay ng paguwi ni Eroz. Tawa ako ng tawa ng hindi matigil sa pagiingay si Gianneri everytime Chin Chin tries to hop up.

"She likes you, Love" malambing na sabi ko sa kanya.

Nag angat ako ng tingin ng makita ko ang pagdating ni Alice, Tamang tama I will give her na yung mga ipinapabigay ni Vera.

"Pinauna na ako ni Eroz dito. Pinayagan mo ba silang maginuman dito?" tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

Padabog siyang umupo sa kaharap kong upuan, may dala din siyang mga plastick.

"Susunod si Ericka, may kinuha lang sa kanila at magluluto daw ng pulutan" iritadong sabi pa niya.

"Eh why are you...uhm, galit?" tanong ko.

Inirapan niya ako bago siya tumayo at kinuha si Gianneri sa akin. Kaagad na yumakap ang baby ko sa Ninang Alice niya.

"Ewan, galit ako. Bakit ba?" pagsusungit niya sa akin.

Hindi na ako nakasagot pa ng magulat kaming dalawa dahil sa pagdating ni Bea. Looks like she's pissed off.

"Ano? Mamaya pa ang inuman" si Alice.

"Shut up!" asik ni Bea dito.

Gustong ibalik ni Alice si Gianneri sa akin para sugurin si Bea, but hindi ko siya pinayagan. Makikipag away nanaman.

"Anong kailangan mo, Bea?" I asked, In a serious tone.

"Pinagbawalan mo si Esme na sumama sa akin!" akusa niya.

Nagulat ako, hindi ang bintang niya ang ikinagulat ko kung ang kawalang respeto niya sa Yaya Esme ko.

"What did you say?"

"Ako na, Gertie. Ako na" si Alice na pilit ibinabalik si Gianneri sa akin.

"Pasalamat ka pa nga at pinakikisamahan ko ang Yaya mo. Tapos kayo pa ngayon ay may ganang tanggihan ang imbitasyon ko" si Bea pa din.

"I already warned you. Wag mong idamay sa galit mo sa akin ang Yaya Esme ko" matapang na sabi ko.

"Sa ugali mong yan, lahat talaga tatanggihan ka" laban ni Alice sa kanya na mas lalong ikinagalit ni Bea.

"Look who's talking. Hindi ba't ikaw nga ay itinanggi ng Tatay mo" laban niya kay Alice. Nasaktan ako para sa aking kaibigan.

Hindi na ako nakapagpigil pa at kaagad ko siyang nasampal. Nagulat din ako, first time kong makasampal ng tao sa buong buhay ko.

"I...uhm" I was about to say sorry.

Pero napapikit ako ng mariin ng itinaas niya ang kamay niya to slap me back. I was waiting for her palm to reach my cheeks pero hindi iyon nangyari hanggang sa magulat ako ng makita ko sa harapan namin si Ate Vera, hawak niya na ngayon ang nakataas na kamay ni Bea.

"At kaninong aso itong tahol ng tahol?" si Ate Vera.

Bago pa man makapagsalita si Bea ay nasampal niya na ito. Hindi nakapagsalita si Bea, nagpabalik balik ang tingin niya kay Alice at kay Ate Vera hanggang sa muling sumama ang tingin niya sa akin bago siya tumakbo palabas ng aming villa.

"Run, Doggy" Ate Vera said bago siya tumawa.

Matapos iyon ay nakangiti niya kaming hinarapan ni Alice.

"Nice to see you again, Witch" Sabi niya kay Alice kaya naman napasapo ako sa aking noo.

Lumapit pa talaga siya kay Alice para makipagbeso dito.

"So anong meron?" tanong niya.

"Inuman" tipid na sagot ni Alice. Kahit walang ipinakitang ekspresyon ay mukha na talaga siyang masungit.

Tumaas ang kilay ni Ate Vera. Bago pa man siya makasagot ay nakita na namin ang paglapit ni Yaya Esme. Malungkot ang tingin niya sa akin, bigla akong kinabahan.

"Senyorita, bakit mo iyon ginawa kay Bea?" malungkot na tanong niya sa akin.




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro