Chapter 58
Abuela
Matamis akong ngumiti ng makita kong kumpleto silang lahat. I was a bit nervous and happy at the same time. Hanggang ngayon ata ay hindi pa din talaga ako masasanay sa mga tao. May times na, ine surronded by many but may times din na I'll really choose to be alone. To be at peace, cause peace is everything.
Inayos ni Eroz ang pagkakahawak niya kay Gianneri. Matapos akapin ni Piero ang bestfriend ay nakita ko kung paano niya halikan sa ulo ang baby namin ni Eroz. Piero is sweet in his own special way. Mas nangingibabawa nga lang ang bully side niya.
"Sabay sabay kayong pumunta dito?" tanong ni Eroz habang hinihintay ang paglapit ng iba pang mga pinsan.
Ngumisi si Piero. Ngisi pa lang alam mong wala na talagang sasabihing good. "Hindi. Nagkita kita lang kami diyan sa kanto" he said.
Humaba ang nguso ko at kaagad na napairap. Saktong pagirap ko ay lumapit ang nakangiting si Amaryllis. Nahiya tuloy ako, baka nakita niyang inirapan ko ang husband niya.
"Hi Gertie, It was so nice to see you again. Prymer keeps on telling me stories about your baby" Amaryllis said sweetly.
Nakaramdam ako ng kilig for my baby. Ginantihan ko ang pagyakap and beso niya sa akin. Hanggang sa natawa kami pareho ng mapagitnaan namin ang cute nilang baby boy na si Primo.
"Wow, this one is so gwapo. Kamukha ni Piero. Piero's version na mukhang uhm...good" mahinang sambit ko sa huling salita.
Natawa si Amaryllis, she is sanay na ata talaga sa mga negative feedbacks na natatanggap ni Piero.
"Nice to meet you, baby Primo" malambing na sabi ko dito bago ko siya hinalikan sa ulo. He giggles and smiles because of what I did.
"Eroz" tawag ni Kenzo.
His voice is a bit in a serious tone. Although he looks nice and mabait, he realy has this strict aura talaga.
Tumabi si Hobbes at Piero para bigyang daan si Kenzo na makalapit kay Eroz. Hindi na ako nakagalaw pa ng hapitin ni Eroz ang bewang ko palapit sa kanya. Narinig ko pa ang mahinang pag mura ni Piero. Super jelouse bestfriend!
"Si Gertrude, asawa ko. At ang anak namin, si Gianneri" pagpapakilala ni Eroz dito. I feel how proud he is sa amin sa way ng pagpapakilala niya.
Ngumiti si Kenzo sa akin at naglahad ng kamay. Natawa pa nga ito nung una because we are family naman daw but he needs to greet me in a formal way at baka daw magwala si Eroz if he'll hug me.
"Hi, Gianneri" malambing na bati niya sa baby namin at kagaya ni Piero ay hinalikan niya din ito sa ulo.
I feel overwhelmed dahil sa pagtanggap nila sa amin ni Gianneri. Eroz introduced me again kina Tadeo and sa wife nitong si Castellana. Even kay Seraphine na naalala kong palaging nagcurse.
"Tangina, ang ganda ng baby niyo" nakangiting sabi ni Sera ng lumapit siya sa akin at bumeso.
"Thank you" nahihiyang sagot ko sa kanya. Nagulat ako ng pabiro niya akong hinampas sa braso.
"Wag ka ng mahiya sa amin. Para ka namang others" sita niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi.
Naramdaman ko nanaman ang braso ni Eroz sa aking bewang bago niya ako hinalikan sa ulo.
"Calm down, Baby. They like you" malambing na sabi niya sa akin. Maybe he feel na nagaalanagan ako sa presence nila.
Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya. Piero and Hobbes started to laugh at a certain topic hanggang sa makita ko ang pagdating ni Cairo kasama si Tathi. Mas lalong nangibabaw ang kaputian niya dahil sa suot na wine colored dress. Malaki kaagad ang ngiti niya sa amin while she's holding a beautiful baby girl.
Una siyang nag greet kina Castellana, Seraphine, at Amaryllis. Matapos sa kanila ay ako naman ang nilingon niya.
"Hi, Gertie" she said bago siya bumeso sa akin.
Inayos niya ng hawak ang baby niya para iharap sa akin. "Mag-Hi ka kay Tita Gertie, Calli" sabi niya, kinuha pa niya ang kamay ng baby nila para pakawayin sa akin.
"She looks like a baby snow white" namamangang puna ko. It's not a surprise dahil super white ng skin ni Tathi. Maputi din naman ako, even si Castel but iba ang puti ni Tathi. Like a living representation of snow white.
And here comes the living representation of one of her dwarfs, Cairo Herrer as Mr. Grumpy.
"Cairo!" tawag ko sa kanya.
Gusto ko sana siyang yakapin dahil miss ko na din siya. I've been with him ng matagal nung nasa Spain kami kaya naman I'm super closed na talaga sa kanya.
"Kamusta ka na?" marahang tanong niya sa akin. Hindi na ako nakagalaw ng siya ang kusang yumakap sa akin. Narinig ko ang pagtikhim ni Eroz pero hindi iyon ang concerned ko, si Tathi kaagad ang tinignan ko. But wala namang naging problem sa kanya. She smiles sweetly pa nga.
"Cairo, yakapin mo din kasi si Eroz" pangaasar ni Hobbes na ginatungan pa ng tawa ni Piero. Mukhang ito ang version ng bestfriend ni Piero sa kalokohan.
"Shut up" matigas na asik ni Cairo sa mga ito. Nakita ko kung paano siya hawakan ni Tathi sa braso.
Napabuntong hininga siya hanggang sa lumapit si Tadeo sa amin. "Bakit ba may Jimenez dito?" tanong ni Tadeo, halatang nangaasar din.
Ngumisi si Kenzo habang karga ang anak na lalaki.
"Ang sama niyo sa akin, parang hindi tayo pamilya" si Hobbes na akala mo aping api siya.
Tumawa si Piero. "Ampunin na natin si Hobbes. Tinatakwil na yan ng mga Jimenez" sabi nito, the way he said it ay parang may laman. Basta chismiss and issues, alam ata lahat ni Piero.
Nawala ang atensyon ko sa kanya ng makita ko ang paglapit ni Cairo kay Eroz. At first ay nasa kay Gianneri lang ang tingin niya, hanggang sa umangat iyon kay Eroz.
"Congrats" he said before he kissed Gianneri's forehead.
Tipid na tumango si Eroz. "Salamat"
We settled in a huge round table para sa pag open ng program for today. I saw Tito Axus and ang kakambal nitong si Tito Alec sa harapan. Even ang mga Jimenez cousins ay nanduon din. May nakita din akong kahawig ni Hobbes, Mr. Sebastian Jimenez, his Dad.
Tito Marcus, Tito Clark, Tito Nathan, and Tito Luke is even there. They are all complete.
"Nandito na sina Xalaine at Rafael" bulong ni Eroz sa akin kaya naman kaagad akong naeexcite na makita sila.
"I'm excited to meet Eliore" sabi ko.
Matamis siyang ngumiti sa akin. Ang braso niya ay nasa likod na ng upuan ko. Narinig pa namin ang ilang pagtikhim kaya naman napanguso ako.
"Hayaan mo sila, wala akong pakialam" masungit na sabi niya at hindi talaga tinaggal ang kamay niya sa aking likuran.
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Kuya Rafael, ramdam ko ang pagka-miss niya sa akin. I miss him too!
"Gwapo ba?" he asked ng ipakita niya si Baby Eliore sa akin.
I can't help my self but naging emotional kaagad ako ng marealize na pareho na kaming may Baby.
"He is so gwapo, Kuya Rafael. Just like you" puri ko kaya naman ngumisi siya.
Narinig ko din ang pagmumura niya nang, I introduced him to Gianneri. He is very vocal, hindi pa din siya makapaniwala na nanggaling si Gianneri sa tummy ko kasi daw ako pa din ang baby sister nila ni Ate Vera.
My heart is so full ng makita ko kung paano nila tinanggap si Gianneri at ako. I never feel alone also dahil hindi naman kami iniwan ni Eroz. Everytime I feel the tensed, kaagad kong nararamdaman ang kamay niyang humahawak sa akin. He always assures me na kasama ko siya, sila ni Gianneri kaya I don't have to be afraid.
"Abuela is in the house" Anunsyo ni Piero na kaagad tinawanan ng mga kapatid niya maging ni Hobbes.
Nakaramdam ako ng takot at kaba ng bumukas ang malaking double door. Even in her age, you'll see how sophisticated she is. Her aura screams power and a bit horror...or baka sa akin lang?
Napabaling ko kay Cairo at Tathi ng makita kong may ibinulong siya dito bago niya ito hinalikan sa ulo.
"I'm here" rinig kong sabi niya.
Nagiwas na lang kaagad ako ng tingin dahil baka sabihing chismosa ako. The program started so well. Nagsalita sina Tito Axus and Tito Alec to honor their late father, Austin Herrer.
Sa kalagitnaan ng speech ni Tito Axus ay kinabahan ako ng makita kong iritaded nanaman si Gianneri. Malambing siyang kinausap ni Eroz. Her face is red na, she is about to cry.
"Shh...Love, anong problema?" malambing na tanong niya dito.
"Hindi naman siya hungry kasi I feed her kanina" nagwo-worry na sabi ko.
Pumungay ang mata ni Eroz. "It's ok, I got her. Don't worry" marahang sabi niya sa akin.
Nagpaalam siyang tumayo sa may gilid ng hall para isayaw ang baby namin. Narinig ko kaagad ang pangaasar nila Piero at Hobbes sa kanya. Ang nagsasalitang si Tito Axus sa harapan ay sinundan din ng tingin ito. He even smiled sweetly ng makita ang ginagawa ni Eroz.
Inalo ni Eroz ang baby namin. Kita kong wala siyang pakialam sa kanyang paligid. He really just want to attend for our baby's need.
"Eroz the baby sitter. I-video ko ito" si Piero na may hawak na phone para ivideo si Eroz.
Sumama ang tingin ko sa kanya pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay kaya naman sinuway si ni Amaryllis. Isang salita lang ni Amary ay kaagad na ibinaba ni Piero ang hawak na phone. Look at this bully.
Tumahan si Gianneri. After some speech that was ended by a toast ay nagsimula na ang kainan. Hobbes and Piero talks about the food. Gutom na daw sila, at iyon lang naman daw talaga ang pinunta nila dito. The food!
Muling bumalik ang tingin ko sa stage. Bumababa na silang lahat para pumunta sa sariling table nila to eat. Halos mahigit ko ang aking hininga ng makita kong kahit malayo ay matalim ang tingin sa akin ni Madam Pia Herrer. Kaagad akong nakaramdam ng panliliit.
Nagulat ako ng kinuha ni Tathi ang aking pansin. Pareho silang nakatingin sa akin ng baby niya. They are so cute together.
"Don't worry, ayaw din niya sa akin" kwento niya.
Tathi told me na against si Madam Pia sa relationship nila ni Cairo. But look at them now, they are a happy family na.
"Thea Callista Herrer" she said when I asked her kung anong real name ng baby nila ni Cairo.
"Shuta ang haba!" natatawang sabi niya matapos malaglag ang panga niya ng makita sa invitation na ibinigay ko sa kanila ang name ni Gianneri.
"Tangina! Kawawa naman ito sa exams. At paano kung late siya, edi naubos ang oras sa pagsusulat ng pangalan" si Sera na hanggang ngayon ay namamangha din.
"Uhm, I'll always assure na lang na hindi siya late" sabi ko kaya naman mas lalong nalaglag ang panga ni Sera bago siya napainom ng wine.
"Ang ganda nga ng name eh" si Amaryllis.
Tumango si Castellana. "Advantage ito, walang hit sa NBI" sabi niya na mas lalong ikinatawa ni Sera. Halos masamid pa ito.
"Tangina, bagay sayo yang line na yan" sabi nito at nag apir pa talaga silang dalawa.
Habang tumatagal na kausap ko sila ay mas lalo akong nagiging open. There is no dull moments with them at hindi din naman nila ipinaramdam sa akin na out of place ako sa kanila.
May ibang pinaguusapan ang mga lalaki, tulog si Gianneri na hawak ni Eroz. Kahit ganon ay he still manage to look cool and professional habang nakikipagusap sa ibang businessman.
"Maaga tayong umuwi ng Bulacan. Miss ko na ang Sta. Maria" si Tathi na kaagad sinangayunan ng lahat.
I was so shocked din ng malaman kong halos silang lahat ay nakapunta na ng Sta. Maria, ofcourse dahil taga-don sina Tathi at Sera. And natawa kami ng pinagusapan nanaman nila ang Tanan with consent daw ni Piero at Amaryllis and Castellana living in a bundok sa Norzagaray.
Nakuha ng mga bata ang atensyon namin ng kaagad nilang pinalibutan si Piero ng may ilabas itong regalo. Napapalakpak si Cassy at Kianna ng sabihin nitong lahat ay meron.
"Tito Piero, that is for the babies only" si Kianna.
Nagtaas ng tingin si Piero sa pamangkin. "Wala kang regalo sa akin sa pasko!" pangaasar niya dito. Natawa sina Cassy at Prymer dahil dito.
"Ang gago talaga mag regalo nito" si Hobbes ng makita ang mga laruan.
"Sumasayaw ito at nagsasalita din" laban ni Piero.
It was a dancing cactus. Ang sabi pa niya, ginagaya nito ang lahat ng sounds. Itinapat niya ang isa sa pangalawang anak ni Tadeo. At first, the baby is cool naman about the toy but nagulat ito ng bigla na lang itong umilaw at sumayaw.
Mas lalong umiyak ang baby ng ginaya ng cactus ang iyak niya. Nagalit si Tadeo.
"Piero, lumayo layo ka nga sa mga anak namin" galit na sabi ni Tadeo at tumayo na din para aluin ang baby.
"Amputa" sambit ni Piero. Napamura na din si Kenzo ng ginaya ng cactus ang pagmumura niya.
The cactus says amputa in a cute way na kaagad tinawanan ng mga bata.
They enjoyed the toy din naman. Kaagad na nagkasundo sina Prymer, Cassy, at Kianna.
Inabot ni Piero sa akin ang para kay Gianneri. I find it cute nga.
"Thank you, for sure Gianneri will love this" sabi ko sa kanya pero tinaasan pa niya ako ng kilay.
Natahimik ang lahat ng makita namin ang paguumpisa ni Madam Pia na lapitan ang bawat table. Sa kanyang likuran ay sina Tito Axus and Tito Alec.
"I have two grandchild na, may babae na din ako" si Tita Elaine. Kasama niya si Tita Maria.
"Nabusog ka? May gusto ka pang kainin?" tanong ni Eroz sa akin. Nasa kay Tita Elaine si Gianneri na kagiging lang din. Maiksi lang ang tulog niya maybe because of the environment.
Tipid ko siyang nginitian at tinanguan. "I'm already full. I love the foods and I love being here. I enjoyed being here...I have a lot of friends na" kwento ko kay Eroz.
He knows how much I want to have friends simula bata pa lang. "I'm happy for you...Baby" malambing na sabi niya bago niya ako siniil ng halik.
"Kenzo, naiinggit ako!" rinig kong sabi ni Sera na ikinatawa nila.
Kaagad akong humiwalay kay Eroz na lalo nilang ikinatawa. Sinamaan sila ng tingin ni Eroz pero wala silang pakialam.
Ilang table na lang ang layo ni Madam Pia ng tumunog ang phone ko. Nagpaalam ako kay Eroz para sagutin iyon at lumayo muna sa kanila.
"Where the hell is my sundo?" galit na tanong ni Ate Vera.
"Baka na traffic lang, Ate Vera. Can you wait for a little while?" tanong ko sa kanya.
Ramdam ko ang irritation niya sa kabilang linya. "Magiisang oras na ako dito, nauubos na ang pasencya ko, Gertrude" madiing sabi niya.
Napanguso ako. "Ate Vera, please stay mabait and kalmado. We just asked a favor lang kina Julio and Alice" pakiusap ko sa kanya. I heard her cursed.
"Baka nagdate pa ang driver at kasambahay niyo" galit na sabi niya, nalaglag ang panga ko.
"Ate, they are not..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kaagad niya akong binabaan ng tawag.
I texted her na lang, Super sungit din talaga ni Ate Vera minsan, but I love her pa rin.
Bago pa man ako makabalik sa table namin ay napahinto na ako ng salubungin ako ni Ate Xalaine. Alanganin siyang ngumiti sa akin. Bumigat ang dibdib ko, I miss her too. I miss my Ate Xalaine.
"I miss you, Gertie. I'm so sorry sa nangyari noon. I'm so sorry sa mga sinabi ko sayo" she said.
Wala na akong sinayang pang oras, kaagad akong yumakap sa kanya. "I understand naman, Ate Xalaine. It's ok, hindi naman ako nagalit sayo. Naiintindi ko where you are coming from"
She also told me na she confessed kay Eroz ang mga sinabi niya sa akin kaya naman matagal din silang hindi nagusap. I admire her for that kaya naman ramdam ko ang sincerity niya when she asked for forgiveness. Hindi naman ako nagtanim ng galit sa kahit na sino.
I believe that in life, sometimes we made a wrong desicions because we are a victim of life uncertainty. Na minsan kahit hindi mo gustong gawin ay nagagawa mo dahil sa mga pangyayari.
Nakangiti kaming bumalik ni Ate Xalaine sa table, pero kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko ng makita kong nasa table na si Madam Pia. Malamig ang paligid, pero mas lalo kong naramdaman ang lamig dahil sa kanyang presencya.
She smiled when she saw ang mga babies. But she is still cold towards us, even kina Sera she just treat them casually.
Sinalubong ako ni Eroz na hawak si Gianneri. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at dinala ako palapit kay Madam Pia.
"Abuela, I want you to meet Gianneri...Our first born" he said.
Nagtaas ito ng kilay at tumayo pa mula sa pagkakaupo. Kita ko ang pag protesta ni Tita Elaine. Sandali niyang tiningnan si Gianneri, gusto kong humarang sa harapan niya. Pakiramdam ko, kaya niyang saktan ang baby ko with just her look.
"Your daughther is a Herrer, Eroz. She deserve our name" she said bago siya tumingin sa akin.
"But this girl..." madiing sabi niya ng tumingin sa akin.
Kita ko ang galit sa mukha ni Tita Elaine. Kung kaya niya lang tumayo from her wheelchair ay ginawa niya na.
"Abuela" matigas na sambit ni Eroz.
"You shut up, Eroz. Dinala mo ang babaeng yan dito. Don't you think na ikaw din ang nagbigay ng kahihiyan sa kanya? Alam ng lahat ng nandito ang nangyari sa kanyang Ama at sa pamilya nila" matigas na sabi nito. But she still remain in tone para hindi mahalata ng iba ang tensyon.
Ramdam ko kaagad ang presencya ng mga pinsan ni Eroz at ng mga asawa nito. Even si Kuya Rafael ay mukhang handa na din na ipaglaban ako.
"Gertrude is part of this family. Herrer si Gertrude" laban ni Eroz.
Natawa si Madam Pia. "Who said? The last time I checked, nangako si Ms. Montero na lalayo sila sa pamilya natin? Anong klaseng tao ang hindi kayang panindigan ang kanilang pangako?" dugtong pa niya.
Para akong kandila na halos maluwas sa harap nilang lahat. Wala akong ibang inisip kundi ang baby ko. Sa oras na may sabihing masakit na salita tungkol sa baby ko, lalaban na ako. Madam Pia can say whatever she wants to say against me, pero ibang usapan na pag nadamay si Gianneri.
"Anong tawag sa mga ganong tao? Mga sinungaling...mga manloloko" she said. Ni hindi ko malunok iyon.
"Mama! Tama na!" si Tita Elaine.
Nilingon niya ito. "Isa ka pa! Tingnan mo nga ang nangyari sayo ng dahil din sa kagagawan ng pamilya ng babaeng ito!" asik niya dito.
Eroz body became tensed. "Hindi ako pumunta dito para hingin ang opinyon niyo Abuela. Pumunta ako dito para ipaalam sa inyo na papakasalan ko si Gertrude, at gagawin ko siyang Herrer" matapang na sabi ni Eroz.
Halos natigilan ang lahat ng nangibabaw ang tunog ng pagkakasampal ni Madam Pia kay Eroz. Dahil sa nangyari ay nagulat ang hawak niyang si Gianneri at kaagad na umiyak.
Wala na akong lakas para kuhanin pa si Gianneri kaya naman I'm thankful na kaagad na lumapit si Piero para kuhanin si Gianneri kay Eroz.
"Wala kayong respeto sa pangalan ng Pamilyang ito. Pangalan na matagal naming pinangalagaan ng Lolo niyo!" asik niya sa mga ito. Matalim din siyang tumingin kay Cairo at kay Tathi.
"Madam Pia..." my voiced cracked.
"My Papa and I is so greatful for all the help that you have given us. And we are very sorry also for everything that happened" paguumpisa ko.
Natahimik ang lahat. "I just don't get your point, if ang katayuan lang sa buhay ang palaging pagbabasihan natin sa pagmamahal at pagtanggap...We can never be happy. I'm sorry if I break my promise na lalayo na sa family niyo, but I love Eroz so much" I said.
Sasagot pa sana siya ng kaagad siyang mapahawak sa kanyang batok. Nabahala ang lahat because of that. Nag worry din ako pero kaagad na may nurse na lumapit sa kanya to check her.
Napayuko na lamang ako, bigla akong naguilty. Dapat siguro ay nanahimik na lang ako.
Hinarap ako ni Eroz, mahigpit ang hawak niya sa akin. "Thank you for breaking your promise kay Abuela" he said.
Mas lalong humaba ang nguso ko. "That's bad nga eh..."
Mas lalo niya akong hinapit palapit sa kanya.
"I still love the bad version of my baby. Kahit ilang version pa ang mayroon ka, paulit ulit kitang mamahalin. Gertrude" madiing sabi niya.
"Kahit paulit ulit mo akong iwan, paulit ulit din kitang tatanggapin"
Tiningala ko siya. "Hindi na ulit ako aalis" paninigurado ko.
Umigting ang kanyang panga. "Dapat lang" madiing sabi pa niya bago niya ako tuluyang niyakap sa harap ng madaming tao, sa harap ng kanyang pamilya.
Naunang umalis si Madam Pia sa party. Pagod na din ang lahat kaya naman nag invite si Tita Maria ng lunch sa kanilang bahay bukas.
Sina Tito Axus din and Tita Elaine ang naguwi kay Gianneri. Kita ko ang pagaalala ni Tita sa tingin niya sa akin na mahigpit akong niyakap. Mauuna silang umuwi with Ate Xalaine and Baby Eliore.
Nakatanggap kasi ako ng message kay Ate Vera na sa condo niya dito sa Manila siya nagpahatid kina Alice at Julio at hindi siya sumama pauwi sa Bulacan.
"Isang sakit din sa ulo yang si Vera" si Kuya Rafael habang nasa elevator kami ng condo niya.
Nilingon ko ang tahimik na si Eroz. Hindi niya binitawan ang kamay ko. Kahit sinabi ko sa kanyang kasama ko naman si Kuya Rafael ay sumama pa din siya sa amin.
"Pasencya na kung na-late sina Julio. Hindi daw nila namalayan ang oras" si Eroz kay Ate Vera.
Ako pa nga ang nahiya kina Julio at Alice, nakisuyo lang naman kami sa kanila para sunduin si Ate Vera sa airport.
Umirap si Ate Vera bago tumuloy sa may balcony ng kanyang condo. She is wearing a silk robe. May hawak ding wine at kaagad na tinanaw ang city light.
"I miss you" sabi ko at kaagad na yumakap sa kanya. Natawa ito bago ako inirapan.
"First day ko sa Pilipinas and you let me get pissed of" asik niya kaya naman ako naman ang umirap sa kanya.
Sandali kaming natahimik bago niya ibinida sa akin ang mga designers clothes and mga mamahaling pasalubong niya kay Gianneri at para sa akin.
"Thank you for this, Ate Vera" malambing na sabi ko sa kanya. She also have a gift para kay Ate Xalaine and Baby Eliore.
"Ibigay mo ito sa alalay nung driver" mataray na sabi niya while handing me a three paperbags from different designer brand.
Nalaglag ang panga ko. "Ate, they are not driver and alalay. Friends namin sila" matapos kong sabihin iyon ay natawa siya.
"I'm just kidding. Ibigay mo ito kay Alice, I like that witch" sabi niya bago muling tumawa.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro