Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 55

Kubo





Nang humiwalay ang lips naming dalawa ay sandali pa niyang pinagdikit ang aming noo. Looks like he is serious about taking all the fever away from us. But, hindi naman iyon nalilipat. Our noo is not like a bluetooth na you can pass it. But, I remain silent para naman hindi masira ang moment.

"Come, sit here" he said. He tap the space beside him kaya naman ng sandali niya akong pinakawalan at umayos ako ng upo and I let my self sit comfortably beside them.

Nakuha ni Gianneri ang buong atensyon ko ng marinig ko nanaman ang mumunti niyang hikbi. Napanguso ako, even while she's sleeping ay naiiyak pa din siya. I think masama talaga ang pakiramdam niya and that hurts me even more as her mother. I love her so much and I don't want her to get hurt.

Hinalikan ko siya sa pisngi, even doon ay ramdam ko ang fever niya.

"Let me hold her" Nakangusong sabi ko kay Eroz. That's the least I can do, kesa naman umiyak nanaman ako. That won't help my baby.

Hindi nagsalita si Eroz. Marahan siyang gumalaw para maingat na mailipat si Gianneri sa aking bisig. Gumalaw siya because of irritation ng ihiwalay siya ni Eroz sa dibdib nito hanggang sa maiyak na siya.

Ayaw ata niyang umalis kay Eroz. Hmp. I'm a bit nagseselos. But it's ok, I love them both naman, so much.

"It's Mommy, Love. It's Mommy" malambing na pagpapakilala ko sa kanya.

Umiiyak pa din siya ng iharap ko siya sa akin. Hanggang napakurap kurap ito. Nakita ko ang luha sa kanyang mga mata. My baby is hurt.

"It's me, Love" paguulit ko.

Sandali ko pa siyang hinalikan sa pisngi. Nang isandal ko siya sa akin ay kaagad siyang nagsumiksik sa aking leeg. Her small hands snakes around my neck real fast.

Kumalma si Gianneri, mukhang bumalik sa pagtulog. Nilingon ko si Eroz ng humikab ito. Kanina ko pa ramdam ang tingin niya sa amin. Para bang, he is enjoying the view and hindi siya nagsasawa doon.

"You should sleep, Eroz. Ako na muna ang bahala sa kanya" Suwestyon ko.

Kita ko ang pagod at puyat sa mukha ni Eroz. Sa tuwing mataas ang lagnat ni Gianneri ay halos ayaw niyang umidlip man lang. Ganoon din naman ako, pero every time na gusto ko ding magpuyat kasama siya ay pinapagalitan niya ako at pinapatulog din.

"Ayokong matulog. I'm still enjoying the moment with you and our baby" he said.

"Uhm...pwede pa naman later, pag nagising ka. Come, you can sleep in my room para comfortable ka" yaya ko sa kanya.

Marahan siyang umiling. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng hapitin niya ako sa bewang at ilapit sa kanya.

"I'm so proud of you, Gertie. I'm so amazed by how you handle all of this. You're so brave, I'm so proud of you...Love" he said sweetly before he kissed me sa ulo.

Ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi.

"But Eroz, si Gianneri ang...uhm Love" laban ko. Iyon ang tawag ko sa baby namin. Tapos tatawagin niya din akong ganon. I just want to clear things out.

Mariin siyang napapikit matapos umigting ng kanyang panga. "And you are still my Gertie...My Gertrude"

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa aking bewang. Nagtagal din ang pagkakahalik niya sa aking ulo. Nang bahagya ko siyang lingonin ay nakita kong nakapikit ito. Akala ko ba ayaw niyang mag sleep?

Nawala kay Eroz ang focus ko ng marinig ko ang pag tunog ng lips ni Gianneri. Her lipsmacking is my palatandaan na maybe, she's hungry so I need to feed her.

"I need to breastfeed, Gianneri. I think she's hungry na" marahang sabi ko din.

Dahan dahan siyang humiwalay sa akin. Nanatili ang tingin niya sa amin ni Gianneri. Hindi ko kinaya ang tingin na iyon kaya naman nagiwas kaagad ako.

"And super nutrious ng mother's milk kaya naman it will help her boost her immunity and mas magiging healthy siya" trivia ko pa.

Narinig ko ang pagtikhim ni Eroz bago ko nakita ang pagtango niya.

Tatayo na sana ako ng makita ko nanaman ang paghikab niya. He really needs to sleep para mabalik ang energy niya.

"Rest for now, Eroz. Para you have energy"

Kita ko ang bahagya niyang pagnguso bago siya nagiwas ng tingin sa akin. Looks like he is someone na nangingiti habang nagiisip ng kalokohan.

"Kulang lang siguro ako sa nutrition" He said, nakangisi siya. Hindi niya mapigilan.

Nag worry ako. "You want vitamins? Marami akong vitamins. You need to drink" sabi ko pa pero napa-lip bite na lang siya. Hindi niya talaga mapigilan ang pag ngiti.

Halos mamula ang tenga ni Eroz. "Uhm, I think I also need a mother's milk" nakangising sabi niya kaya naman nalaglag ang panga ko.

Namanhid ang aking buong katawan, naginit ang aking mukha. Nakita niya ang naging reaksyon ko kaya naman tuluyan na siyang natawa.

"Eroz!" late reaction na tawag ko sa kanya.

He giggles, kita ko iyon sa pagalog ng shoulders niya. Mas lalo siyang gumaGwapo sa tuwing tumatawa siya.

Tumayo na ako. "You are so bastos and a very bad Daddy!" Akusa ko sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa. Eroz niyo puyat! Yaya Esme calls the puyat, sabog. Eroz niyo sabog!

Gumaling din si Gianner after that. But yung puyat at pagod ni Eroz hindi siya iniwan. Everytime na papainumin ko si Gianneri ng meds and vitamins ay isasabay ko si Eroz. Para tuloy dalawang baby na ang aalagaan ko. Isang totoong baby and isang old baby.

"Labas lang kami, Yaya Esme" paalam ko dito.

Buhat ko si Gianneri ng lumabas kami. Masigla na siya and maaga siyang nagising. Puro kasi siya tulog nung nakaraan dahil sa sakit.

Eroz is still tulog pa. Sa sobrang sigla ni Gianneri ay nagpuyat silang dalawa ng Daddy niya kagabi.

She is wearing a cute baby pink jumpsuit with a baby hat na may ribbon sa gitna. She started cooing and giggling nang makalabas kami at tumama sa amin pareho ang malamig na simoy ng hangin every morning.

Lalapit na sana kami sa sinag ng araw because it's a vitamins daw ng makita ko ang isa sa mga helpers namin, galing sa likod bahay ay tumakbo palabas na may dalang mga mugs.

Kaagad kong naalala ang taho every morning. Bigla akong nagcrave.

"Let's buy taho. And tingnan nga namin kung may guhit ng yung upper lips ni Manong Ben" Kwento ko kay Gianneri habang naglalakad ako palabas ng Villa. Malayo pa ang gate.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay pareho kaming nagulat ng mag sneeze siya.

Natawa ako ng makita ko ang reaction niya. "Oh, God bless you, Love" malambing na sabi ko sa kanya before I kiss her so fluffy and pinkish cheeks.

She started cooing again, ngayon lang siya halos nakalabas ng bahay.

Ilang hakbang na lang ang layo namin sa gate ng maalala kong wala naman akong dalang money.

"Wala tayong money, kawawa naman tayo" natatawang kwento ko sa kanya.

Twice siyang nagbeautiful eyes sa akin kaya naman mas lalo akong nanggigil sa kanya. I so love her. Everytime I see my baby para akong palaging inlove. Siya na ang gusto kong makita every day. Depends kung buhat siya ni Eroz everyday. Edi two na silang gusto kong makita everyday.

"Oh, hindi si Manong Ben" sambit ko pagkalabas ng gate.

Nasa middle twenties ang bagong taho vendor. Tahimik kaming nakatayo ni Gianneri sa gilid. Pinapanuod ang mga bumibili sa kanya.

"Sayang we have no money. Baby, call an angel to save us" biro ko sa kanya. She's an angel kaya I know she have angel friends too.

Super likot na ng feet and arms niya. Ramdam ko ang excitement niya dahil sa ingay ng mga batang naghihintay ng taho nila. Some of them look at us kaya naman nagsmile ako sa kanila.

"Hoy! Anong ginagawa niyo dito sa labas!"

"Ninang Alice!" tawag ko dito.

Lumapit kaagad siya sa amin, she kissed Gianneri, mas lalo itong umingay.

"Alice, can you make us libre ng taho?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Sumimangot ito. "Aba, Gertrude! Hindi ka pa bayad sa cotton candy tapos ngayon taho naman?" masungit na sabi niya sa akin pero tinawanan ko lang.

Sandali pa niya akong sinimangutan bago bumaba ang tingin niya kay Gianneri. Napabuntong hininga siya. "Kayong mag nanay, ang lakas niyong mangunsencya. Tara na!" yaya niya sa akin kaya naman kaagad kaming lumapit sa taho vendor.

Saktong tapos na ang mga bumibili. "Isang bente" sabi ni Alice sa vendor.

Kilala siya nito pero Alice remained in her poker face as always. "Kakadaan ko lang sa bahay ng Tatay mo ah, kakauwi lang pala nila galing Manila. Biglaan ang uwi ah, alam mo kung bakit? Buntis ang kapatid mo, eh diba nagaaral pa yon? Baka nagtatago" Yung taho vendor.

Mas lalong sumimangot si Alice. "Ano to? Taho with libreng chismiss" masungit na sabi niya dito.

Napakamot na lang sa ulo ang taho vendor. Hindi na ulit ito nag salita pa hanggang sa maiabot na kay Alice ang taho.

Ramdam ko kaagad ang lungkot kay Alice. Ramdam din ata iyon ni Gianneri kaya naman she remain silent.

"Ninang Alice" tawag ko sa kanya. Para naman pagaanin ang loob niya.

Nag iwas siya ng tingin bago padabog na pinunasan ang namumuong luha sa mata.

"Pumasok na kayo, aalis na ako" paalam niya sa amin.

"Nag papaaraw pa kami" laban ko.

"Bakit? Wala bang araw sa loob ng hacienda niyo?"

Napanguso ako. Ramdam ko yung sakit and lungkot, very visible iyon sa eyes ni Alice.

"Andito kami ni Gianneri to support you. Sasamahan ka namin"

Inirapan niya ako. "Baka gusto mo lang ng chismiss" akusa niya, nangaasar.

"No ha. Me and Gianneri is not chismosa. We are really after the sunshine vitamins lang talaga"

"Tara! Para pa tuloy akong may kasamang dalawang batang alaga" she said. Kinuha niya si Gianneri sa akin para daw mainom ko ng maayos ang taho ko.

Naglakad kami papunta sa bahay daw ng bagong family ng Tatay ni Alice. Hindi naging tahimik ang paglalakad namin dahil kay Gianneri.

"Ang ingay ng anak mo, Gertrude!" natatawang sabi niya. See? Buti na lang talaga sinamahan namin siya.

Huminto kami sa isang malaking puno, ibinalik niya sa akin si Gianneri ng maubos ko na ang taho ko. Nagtago kami doon, while si Alice ay natahimik habang nakatanaw sa isang magandang bahay. May two hiace van sa labas. Some helpers ay nagbababa pa ng gamit.

"Si Tatay" sambit ni Alice ng may lumabas na isang lalaki, mas old lang ito ng kaunti kay Papa.

Hindi din nagkakalayo ang edad ni Alice and ng half sister niya. Nagstay kami doon ng ilang minuto hanggang sa matapos sila sa pag unload ng mga gamit.

"Kinalimutan niya na ako" ramdam ko ang sakit sa boses ni Alice. But she is strong enough na wag umiyak. Kung iba iyon ay baka umiiyak na ngayon.

"We love you, Alice. Ako, si Gianneri, sina Ate Erika...si Julio" pangaasar ko sa kanya sa huli,

Sinamaan niya ako ng tingin. "Iuuwi ko na nga kayo. Ang ingay niyong dalawa" masungit na sabi niya sa amin, pero hinawakan niya ako sa siko para sabay kaming maglakad.

Hindi na pumasok si Alice sa Villa. Nanatili siya sa labas ng gate. Hihintayin daw muna niyang makapasok kami ng tuluyan bago siya umalis.

Sa kalagitnaan ay huminto ako para harapin siya. Itinaas ko ang kamay ni Gianneri para mag waved. "Bye, Ninang Alice, thanks for the libreng taho!" sabi ko.

Kahit malayo ay kita ko ang pagirap niya. "Sisingilin ko si Eroz!" sigaw na laban niya.

Nagpatuloy na kami sa pagpasok, nakaramdam na din ako ng gutom. "You enjoy our pamamasyal, Love?" malambing na tanong ko dito.

Tanaw ko pa lang ang bahay ay para na kaagad akong binuhusan ng malamig na tubig. Early in this morning!

"Oh no, lagot us" sabi ko kay Gianneri.

Matalim kaagad ang tingin ni Eroz sa amin. Nakapamewang ito habang hinihintay ang paglapit namin. Si Yaya Esme sa kanyang tabi ay kanina pa pakamot-kamot sa kanyang ulo, galit din.

Ilang beses na umigting ang panga ni Eroz na para bang pinapakalma niya ang kanyang sarili. Kagigising niya lang, medyo messy pa nga ang hair niya. But still gwapo for me.

"Saan kayo nanggaling?" tanong niya.

"Uhm, nagpa-araw" sagot ko.

"Pinaarawan mo si Gianneri pero naka sumbrero?" tanong ni Yaya Esme.

Bumaba ang tingin ko sa baby ko. Tiningnan niya din ako, hindi na din siya ng ingay. Alam ata na pinapagalitan kami.

"Eh, Yaya Esme. Part ito ng OOTD ni Gianneri" laban ko kaya naman halos mapapadyak siya sa pamomorblema.

"Ikaw na bata ka talaga"

Hala. I'm not bata anymore. I'm a Mommy na kaya.

"Pasok na sa loob, Gertrude" si Eroz.

"Sorry kung nagalala kayo" sabi ko sa kanilang dalawa.

Naunang pumasok si Yaya Esme sa loob. Kinuha ni Eroz si Gianneri sa akin. Hinalikan niya ito sa ulo bago ko naramdaman ang kamay niya sa aking likuran.

"Pinagalala niyo ako. Nagsama pa talaga kayong dalawa. Ang tigas ng ulo" sabi ni Eroz bago niya ako hinalikan sa ulo.

Feeling ko talaga bati na kami. Nakailang kiss na siya eh!

Hinayaan ko siyang magsalita. Nang kumalma na siya ay tsaka ako nag drop ng bomb.

"Eroz, you have utang na taho daw kay Alice" sabi ko.

Inirapan niya ako bago bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi niya.

"Matapos mong magpakaba, bibigyan mo pa ako ng utang" sabi niya.

Napanguso ako. "It's only bente lang naman" laban ko bago niya ako muling inirapan.

"Kumain na tayo" matigas na yaya niya.

Bago pa kami tuluyang makapasok ay narinig ko ang pagtakbo pabalik ng ilang mga tauhan nina Eroz. Napaawang ang bibig ko, looks like inutusan niya ang mga iyon na hanapin kami.

Napagusapan namin ng sumunod na araw ang binayag ni Gianneri. Yaya Esme inisist na we should do it as soon as possible. Pauwi na din sina Tita Elaine and Tito Axus from Spain. Papa is coming home soon also. Even my Ate Vera has her flight schedule na.

"But, may pictorial pa si Gianneri for her 3rd month. I'm planning na maging Princess Ariel siya kasi nag Snow white na siya nung second"

"Isabay na lang para isang gastos. Nagtitipid tayo, remember?" si Yaya Esme sa akin.

Napanguso ako at walang nagawa kundi ang tumango. I do understand naman. Eventhough, bumalik kahit papaano ang mga business namin. Hindi na katulad ng dati, and what happend to us thought us the real value of money.

Wala nga akong bagong designers clothes and bags kasi nagiipon nga kami for Gianneri's baptismal. I want the best for our baby.

"Hindi kailangang magtipid. Ako ang bahala sa lahat ng gastos" si Eroz.

"We can share sa gastos" laban ko pero mas lalo itong sumimangot.

"Keep it. Tell me all your plans. Walang problema sa pera" he said with finality.

Napapalakpak si Yaya Esme.

"Eroz..." tawag ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "I work hard for us, I work hard para sayo at sa anak natin. Walang mali kung gagastos tayo ng malaki dahil para naman talaga sa inyo iyon" he said kaya naman hindi na ako naka kontra pa.

"Chabako who? May bago ng manok si Senyorito Keizer" sabi ni Yaya.

Tumahimik na lang ako. I don't want Eroz and the Herrer's to think na we are after their wealth. We'll talk about this soon, and about Abuela Pia.

Naging abala kami nung weekend together with our friends. They help us plan the binyag and some photoshoot na naisip ko na dati pa.

Maingay si Junie na hindi naman na bago. Hindi pa din nila kasama si Baby Jacobus, sayang. I want them to meet sana ni Gianneri, but may next time pa naman.

It's always the right time that matters. What's yours will always find you.

"Eroz, anong real name ni Hobbes?" tanong ko sa kanya. Naglilista na ako ng mga magiging Ninong and Ninang ni Gianneri.

Biglang sumama ang timpla niya while sipping on his coffee. "Tinanong mo ba ako kung payag akong kuning Ninong si Hobbes?" masungit na tanong niya.

Napanguso ako. "Si Gianneri nga hindi ko tinanong kung payag siya, eventhough siya naman ang magiging Goddaughter" laban ko kaya naman mas lalon suminagot ito.

"Hobbes Javier Jimenez" Galit na sagot niya sa akin.

Kahit hindi pa dinideclare ni Eroz na bati na kami ay ramdam ko naman. Sus, nahihiya lang siyang magsabi na bati na kami. Arte arte.

Bumalik ako sa lamesa kung nasaan sina Ate Erika, she's holding Gianneri for me. Maingay din si Alice na nakikipag away pa kay Junie because of ideas.

"Julio patahimikim mo nga ito" pangaasar ni Junie. Mas lalong nainis si Alice. Napakamot na lang sa batok si Julio.

"Wag mo ng kontrahin, Junie. I also like her idea" si Julio.

Dahil doon ay kaagad na natahimik si Alice at padabog na lang na umupo.

"Julio, what's you real name?" tanong ko.

"Julio Alexandron Escuel" he said kaya naman napataas ako ng kilay. Nice name.

After kong isulat iyon ay ang nakabusangot na si Alice naman ang nilapitan ko.

"Alice, what is your real name?"

"Alice lang" sagot niya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Your surname is...Lang?" namamanghang tanong ko.

Kaagad na humagalpak ng tawa si Junie. Even si Eroz ay tumaas ang gilid ng labi. Sinamaan ako ng tingin ni Alice. Kinuha niya ang notebook sa akin at siya mismo ang nagsulat.

Alihilani Ceresae Alix

Napaawang ang bibig ko. So, nasaan yung name na Alice? Hindi na lang ako nagtanong. Badtrip siya eh.

"And last is my Ate Vera" sambit ko while writing down her name.

Vera Maurielle Montero

Habang abala kami ay tumayo si Eroz because of the phone call. Hindi ko maiwasang sundan siya ng tingin. Nakita niya iyon kaya nagtaas siya ng kilay. Mabilis akong nagiwas ng tingin.

Maya maya ay lumapit siya sa akin. "You can talk to my wife" he said before he call me.

Lumapit ako sa kanya to talk to the photographer. After kong masabi ang lahat ng gusto ko ay ibinalik ko sa kanya ang phone niya. Bahagya pang kumunot ang noo ko ng makita ko ang mukha namin ni Gianneri doon.

"Uhm, kailan pa ako naging wife mo?" tanong ko.

Hindi nagbago ang kasungitan niya. Nagtaas pa ulit siya ng kilay. "The very moment you enter the kubo" he said, so conyo.






(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro