Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54

Fever




Isang mahigpit ang yakap at halik sa aking leeg ay mabilis ding humiwalay sa akin si Eroz. Nagulat ako dahil don. Nang lingonin ko naman siya ay inirapan niya lang ako bago umayos ng tayo sa tabi ng crib ni Gianneri at muling pinagmasdan ang baby namin.

"Are you uhm...Still galit pa din ba?" Alanganing tanong ko sa kanya.

Tinapunan niya ako ng tingin. Whenever he looks at our baby, it was full of gentleness and it was so tender. Pero when it comes to me, Super sungit niya. Eh bakit muna siya nangyayakap and may pa-kiss pa sa neck? Hmp.

Sandali pa niya akong tinapunan ng tingin bago niya ako inirapan.

"Ano sa tingin mo?" masungit na tanong niya sa akin.

Mas lalong humaba ang nguso ko. I thought pag may kiss na bati na kami. May back hug pa nga siya pero galit pa din siya sa akin. Eroz niyo super arte talaga!

Sandali pa siyang yumuko pa marahang haplusin ang ulo ni Gianneri, pagkatapos ay ang pisngi nito. Dahil sa ginawa niya ay bahagyang gumalaw ang baby namin dahilan para mapangiti si Eroz. See? Mang gigising pa ng tulog.

"Uuwi na sina Julio, ihahatid ko muna. Kukuha din ako ng mga gamit ko sa bahay at dadalhin dito" seryosong sabi niya sa akin.

Nang mahusto sa pagtitig kay Gianneri na akala mo ay may kukuha sa baby namin ay ako naman ang hinarap niya ngayon. He stand very proud in front of me at humalukipkip pa.

"You'll stay here? Like, you'll live here?" tanong ko sa kanya. I don't have a problem with that naman. I just want to clear things out.

Kumunot lalo ang noo niya, even his muscles became more tensed. Kinabahan pa ako ng humakbang siya isang beses palapit sa akin.

"Bakit, may problema ba kung dito ako titira?" Tanong niya. Hindi pa ako nakakaisip ng susunod na isasagot ng magsalita nanaman siya.

"Bakit, papayag ka ba kung sabihin ko sayong doon na kayo tumira sa akin?" mapanghamong tanong niya.

Nalaglag ang aking panga. Naisip ko na din ito before, na sa oras na malaman ni Eroz ang tungkol kay Gianneri ay I'm sure na he'll ask for more time with our baby. But, hindi ko naman expected na ganito kabilis siya magisip and mag decide.

"Kami ni Gianneri? Eh, you're galit sa akin diba? You'll let me live sa house mo. Saan ka ba nakatira ngayon?' tanong ko sa kanya.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi bago siya muling umirap sa akin. "Ang bilis mo namang nakalimutan kung sa tayo dati tumira. Bakit, ayaw mo na sa kubo?" masungit na tanong niya sa akin.

"Ofcourse I remember. And miss ko nga din ang ano...uhm, ang kubo natin" medyo nahihiya pang sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay. "Kubo ko lang, umalis ka na...diba?" mapanuyang tanong pa niya kaya naman laglag ang panga ko.

Hindi na ako nakaimik pa pagkatapos non. Tinapunan ko ng tingin ang natutulog na si Gianneri. Mabuti na lang natutulog ang baby namin. Susumbong ko sana siya. Look at that, Love. Mangaaway ang Daddy mo, sungit sungit.

Napabuntong hininga si Eroz bago siya umayos ng tayo. "Aalis na ako" paalam niya na tinanguan ko lang.

Ramdam ko pa din ang tingin niya sa akin, hanggang sa bahagya akong sumilyap sa kanya. Sa sobrang hiya na nararamdaman ko ay muling humaba ang nguso ko.

"Galit ka pala eh. Gusto mo isumbong kita sa Yaya Esme ko. Bilang ko kung ilang pineapples yung pinabuhat mo sa akin" laban ko sa kanya. I don't have a better rebutt.

Wala na talaga akong masabi, He's so masungit. Para akong napuputulan ng dila everytime he looks at me.

"Anong sabi mo?"

Nilabanan ko siya ng tingin. Itinaas ko pa ang mga kamay ko para magbilang.

"Hindi kita pagbubuhatin kung alam ko ang kalagayan mo. Bakit hindi ko alam? Kasi hindi mo sinabi sa akin, kahit karapatan ko namang malaman iyon" madiing sabi niya sa akin. Ok, hindi nakikipagbiruan si Eroz.

Naglapat ang aking mga labi, mabilis ko ding ibinaba ang magkabila kong kamay.

"Hindi lahat ng bagay madadaan mo sa biro, Gertrude"

Nanlaki ang mga mata ko, I want to fight for myself. "Hindi ko naman..." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng siya na ang pumutol sa akin.

"Tama na. Babalik ako mamaya...para sa anak ko" he said with finality.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig at wala ng nagawa kundi ang tumango sa kanya.

"Uhm...Ingat" mahinang sambit ko.

"Tsk" si Eroz. Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ni Gianneri.

Sandaling nagtagal ang tingin ko sa pinto kung saan siya lumabas. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganoon. But hindi ko itatangging nasaktan ako. Though, nag ready naman ako for this. I expect pa nga ng mas matinding galit, hindi ko lang talaga inakala na masakit pala iyon in person. Na kahit gaano ka mag prepare for it, ay masakit pa din talaga.

Hindi na ako nakapagpaalam pa sa mga friends namin. Nanatili na lamang ako sa room ni Gianneri. She's my peace, isang tingin ko lang sa baby ko nawawala lahat ng pagod, lungkot, and sakit. Sa tuwing nakikita ko siya, paligi kong nireremind ang sarili ko na I need to be strong for her.

Pero sana man lang, hindi niya na sinabing miss niya ako with hug and kiss pa. Maiintindihan ko if he'll choose us to be casual to each other para na lang sa baby namin. Baka tama si Junie, Eroz gave up na sa love. Maybe, masyado siyang nasaktan.

Ako nga din, sobrang nasaktan pero hindi pa ako nag give up sa love. Dapat talaga umiinom ng vitamins si Eroz.

And how will I give up on love, if everytime I see our baby I fell inlove over and over again. Everytime nakikita ko si Gianneri, mas lalo ko ding minamahal si Eroz.

Tumawag din si Ate Vera ng gabing iyon, umaga doon kaya naman she makes time to talk to me. She said na uuwi siya for Gianneri's binyag. Isa pa iyon sa dapat naming pagusapan ni Eroz. As the father, we need to talk about it, he has a say naman on everything.

"You sure? Hindi ba you don't like to see Piero?" tanong ko sa kanya.

I heard her chuckle sa kabilang linya. "Mas importante si Gianneri kesa sa kahihiyan ko. And that was so matagal na, Gertrude. Medyo impulsive pa ako that time and a bit rebel. I've changed" giit niya na kaagad ko namang tinanguan.

Though, we lived in a different state nung nasa US kami, Ate Vera is a big help to us also. And She loves Gianneri. Madami siya palaging pasalubong for my baby everytime she visits.

"I'll let you know if nakapagdecide na kami for the binyag, Ate Vera"

Muli siyang natawa sa kabilang linya. "Can you please, spare my dearest Gianneri for being conyo" pangaasar niya sa akin.

Napanguso ako. "Ate Vera, there is nothing wrong with that" giit ko.

Sa future room ni Gianneri natulog si Eroz ng gabing iyon. Bukas lang ang pinto na connected room namin that's why everytime umiiyak at nagigising ito ay mabilis na nagigising si Eroz to attend for our baby's needs.

Kagaya nung una ay hindi nanaman niya ako pinapansin. When he said siguro na I need to learn my lesson, ito ang way niya? Ang hindi ako kausapin? Then how can I learn my lessons kung ganon?

Nauna akong nagising kinaumagahan. Kinabahan pa ako nung una ng makita kong the crib is empty and Gianneri is nowhere to be found. Hanggang nakita ko si Eroz na tulog na nakaupo sa may sofa together with our baby. Mahimbing din ang tulog nito habang nakahiga sa dibdib ni Eroz.

Super close na talaga sila.

Imbes na istorbohin ay hinayaan ko na lang muna and decided na bumaba na lang para tumulong sa paghahanda ng breakfast.

Base sa kwento ni Yaya Esme. Halos hindi nakatulog si Eroz sa pagbabantay kay Gianneri. Ilang beses lang din kasi akong nagising because, malalim pa din ang tulog ko dahil kagagaling ko lang sa sakit.

"Sakitin talaga ang mga baby lalo pag hindi pa nabibinyagan. Kaya dapat ay pagusapan niyo na iyon" pangaral sa akin ni Yaya Esme na kaagad ko namang tinanguan.

I sip on my hot milk. I missed coffee so much, but I'm still breastfeeding Gianneri pa, I want to be careful on whatever I drink or eat.

Every now and then din nag pay ng visit sina Tito Darren and Tita Afrit, they adore Gianneri so much, kasi maging sila ay dinadaldal nito. After nilang magpaalam sa amin because they have work to do also ay dumating naman ang hindi namin inaasahang visitors.

"Nandyan na sila Piero" Eroz said kaya naman medyo kinabahan ako. Isa pa iyong mangaaway eh!

Kakatapos lang din naming paliguan si Gianneri. Super bango na niya while wearing a cute yellow jumpsuit with a ribbon on her head.

"Gertrude" Tawag ni Eroz sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila pababa sa may living room. Nasa hagdanan pa lang ay narinig ko na kaagad ang masungit na boses ni Piero. Na excite naman ako ng marinig ko ang boses ni Prymer. I heard her sweet giggles.

Pag dating ko ng living room ay nakatalikod sa aking gawi si Eroz. Nakita na ako ni Piero pero sinimangutan niya lamang ako.

"Kamukha ni Gertie" mahinang sabi ni Eroz dito. He is not aware na nandito na ako.

Maingat niyang iniabot si Gianneri kay Piero. Pero bago iyon ay nagtaas ulit ng kilay ito sa akin. Super bad talaga nitong si Piero.

"Kaya pala ang panget" he said. See? Pati mga baby inaaway.

Narinig ko ang suway sa kanya ni Eroz. Matapos niyang mailipat si Gianneri dito at kinuha niya si Prymer at hinalikan ito.

"Baby?" Prymer asked.

"Yes, may baby na si Tito" sagot ni Eroz dito.

Maingat na isinayaw ni Piero si Gianneri. I never thought na makikita ko siyang ganito. Mukha nga siyang palaging nagpapaiyak ng babies eh.

"Mas maganda to pag ikaw ang kamukha" sabi pa niya kay Eroz.

He said that kahit alam niyang nasa likod lang nila ako. Super bully talaga.

Tinawanan lang siya ni Eroz. Isa ding bully.

May ibinulong si Prymer kay Eroz before she giggles. Duon na ako nilingon ni Eroz kaya naman ako pa tuloy ang nakaramdaman ng hiya para sa kanila because I witness and heard all of it.

"Come here" marahang sabi niya kaya naman tipid akong tumango.

Lumapit kaagad ako sa kanya para humalik sa pisngi ni Prymer. He let me do it, he even asked Prymer to kissed me back.

"Kiss, Tita Gertie"

After that ay si Piero naman ang hinarap ko.

"Hi...uhm Piero"

Nagtaas pa muna siya ng kilay. "Hi" masungit na sabi niya sa akin.

They talked about some things about business. Si Piero pa din ang may hawak kay Gianneri. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Eroz, nagoobserve.

"Bakit napaaga ka? Akala ko ay sasabay ka kila Kenzo" si Eroz.

Kaagad namang sumimangot si Piero, parang may naalala. "Wala kaming magawa sa bahay. Hindi ako pinasama ni Amaryllis sa check up ni Primo. He'll have vaccine shot, iiyak nanaman iyon" kwento niya sa amin.

"You need to be there for your son" giit ni Eroz.

Muling umirap si Piero sa kawalan. "Amputa, ayaw nga. Last check up, inaway ako. Muntik ko na kasing suntukin yung nag inject" kwento niya na ikinalaki ng mata ko. Natawa naman si Eroz, sanay na sanay na talaga sa bestfriend niya.

"Piero, that's bad. They're just doing their job"

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Umiyak ang anak ko dahil nasaktan. Ayokong sinasaktan ang mga anak ko" He said with finality.

Napanguso na lamang ako. I don't have a say on that. He's the father. Masakit nga naman na makitang ma-hurt ang baby mo. Nawala ako sa pagiisip ng maramdaman ko ang kamay ni Eroz sa aking likuran. Hanggang sa napunta iyon sa aking bewang.

Napaawang ang bibig ko, pero for him ay parang wala lang iyon. Akala ko ba magkagalit kami?

"Daddy, she's cute. I love her" Prymer said while looking at Gianneri.

"You want this? Bibilhin natin ito, para dagdag collection sa mga manika mo sa bahay. Like your baby alive" Nakangising sabi ni Piero na kaagad kong sinimangutan.

Mahinang napamura si Eroz. Ilang halik pa ang ginawa ni Piero kay Gianneri bago niya ito ibinalik kay Eroz.

Yumakap lang si Prymer sa Daddy niya bago nagtatatakbo ulit. Matapos iyon ay sumama ulit ang tingin niya sa akin.

"Sabi ko na eh, sasaktan mo lang ang pinsan ko" He said kaya naman nagiwas ako ng tingin.

"Tama na yan, Piero" Eroz said.

Imbes na magprotesta ay pareho niya kaming inirapan. Nahinto lang kami ng marinig namin ang iyak ni Prymer. Bago pa man makalapit si Piero ay nauna na itong tumakbo sa kanya.

"Daddy, ouch!" iyak niya habang tinuturo ang bibig.

She ate one packed of popping candy, it was new to her kaya naman nagulat siguro.

"Sino ang nagbigay sayo nito?" galit na tanong ni Piero habang hawak ang ilan pang packed ng popping candy mula kay Prymer.

Tumuro ito sa kung saan bago yumakap sa Daddy niya. They're sweet.

"Larry" she said sweetly.

"Aba't, humanda sa akin ang Larson na yan. Wala yang regalo sa akin sa pasko" he said kaya naman hindi napigilan ni Eroz na matawa.

Sandali akong tumayo para kumuha ng water for Prymer. Pagbalik ko ay nakita kong kalmado na ito, Piero is now holding a rubber chicken toy, pasalubong daw niya iyon for Gianneri.

Napamura si Eroz ng pinisil niya ito and the rubber chicken makes sound and scream. Nagulat si Gianneri kaya naman umiyak. So bully talaga because tawang tawa pa si Piero.

They stayed their for hours before Piero received a message from his wife Amaryllis na nakauwi na sila. Bukod sa screaming chicken toy ay marami pang dalang pasalubong si Piero for Gianneri na itinago niya lang sa car niya at binigay bago sila umalis.

"Babalik ako, sasama ako kina Kenzo at Tadeo" paalam niya sa amin.

Napanguso ako, I want to asked din sana kung kamusta na si Cairo or he has a plan ba to visit us. I miss him too. But I refused to do so dahil baka mas lalong magalit si Eroz, maarte pa naman.

After that day ay nag hanap kami ni Eroz ng Pedia for Gianneri's checkup. The last check up she had ay nasa US pa kami. She needs to have her vaccination shot din for this month. We found one of the trusted Pedia here on Sta. Maria. I remember, I've been there once when I was a kid.

"Kayo na lang ni Senyorito Eroz, at wag kang iiyak at para naman iyon kay Gianneri" suway and paalala pa sa akin ni Yaya Esme habang nag hahanda kami for the check up.

"But, Yaya hindi ko mapigilan" giit ko kaya naman tinawanan niya lang ako.

"Wag kang matakot at kasama niyo naman ako" singit ng kararating lang na si Eroz.

I'm busy pa sa pagpili ng isusuot ni Gianneri, naka india sit ako sa taas ng kama habang binibihisan ang baby namin. Kararating lang din niya, I don't have any idea kung saan siya nanggaling.

"See, andyan si Daddy" si Yaya Esme, nangaasar nanaman.

Umalis siya para ayusin ang dadalhin naming baby bag ni Gianneri. Medyo na limit ang galaw ko ng maramdaman ko ang paglapit ni Eroz sa kama. Umupo siya sa gilid nito kaya naman medyo lumundo.

Gianneri started cooing again ng makita ang Daddy niya. I heard how Eroz chuckeld because of that.

"Ang ingay ingay talaga" nakangiting sabi niya dito before he kissed her sa noo.

"I love you..." malambing na bulong ni Eroz dito. After he said that ay kaagad siyang tumingin sa akin.

Hindi ko kinaya ang tingin niya kaya naman nagiwas na lang ako.

"I bring Chin chin with me. She missed you" he said na ikinalaki ng mata ko.

Kaagad akong nakaramdam ng excitement because of that. I miss our first baby too, For sure malaki na si Chin chin.

Sa huli, Gianneri wears a cute pink floral jumpsuit. May maliit na head ribbon din sa ulo nito. Ako ang bumuhat sa kanya while Eroz holds the pink baby bag. Hindi ko mapigilang mapangiti because of that.

Sandaling kinuha ni Yaya Esme sa akin si Gianneri pagkalabas namin para malapitan ko si Chin chin. Malaki na nga talaga siya, maganda ang balahibo and mabango. Naalagaan siya ni Eroz ng mabuti kahit wala ako.

Hindi din naiwasang uminit ng aking magkabilang pisngi ng makita kong ang Hummer niya ang gagamitin namin. You know, memories.

Maingat ang naging pagmamaneho ni Eroz, I stayed on the back with Gianneri. Pagkadating sa clinic ay kaagad kaming binigyan ng form and new baby book for the records.

While filling up, si Eroz na ang may hawak sa baby namin. Medyo nagtagal pa ako sa pagsusulat ng name ni Gianneri, hanggang sa mapahinto ako sa surname. I badly want to write Montero dahil iyon naman ang nakalagay sa birth certificate niya. But, ramdam ko ang tingin ni Eroz while I'm doing that.

"Herrer...Just write, Herrer" he said kaya naman iyon ang ginawa ko.

I let Eroz hold Gianneri nung time na she'll be vaccinated. Nanatili lang ako sa tabi nilang dalawa. Hanggang sa mariin akong napapikit ng makita ko yung syringe.

Kaagad na umiyak si Gianneri for her first shot, but today, dalawang shot ang gagawin sa kanya. Nasaktan ako para sa baby ko kaya naman kahit maging ako ay takot din, pinilit kong dumilat para aluin siya.

Nakuha ang pansin ko ng nakakuyom na kamao ni Eroz. Natakot ako, naalala ko yung kwento ni Piero na muntik niya ng masuntok ang Doctor. Without even thinking, I hold Eroz hands to make him calm. Kita kong nagulat siya dahil doon.

Sa huli, mas nagulat ako ng pinagpalit niya ang hawak naming dalawa. Siya na ngayon ang nakahawak sa akin. Mahigpit, I feel comfort with that.

Halos mamula si Gianneri kakaiyak because of the two consecutive shot. Matapos iyon ay kaagad na tumayo si Eroz para isayaw ito.

After that day. Yaya Esme told us that we should expect na Gianneri will have a fever because of that, and it's normal.

Eroz never leave us, halos silang dalawa ni Yaya Esme ang nagtutulong sa pagaalaga kay Gianneri while me, taga iyak lang ako sa gilid. Eventhough I want to be strong for my baby, ayoko talaga ng feeling na ganito.

Even while sleeping, naririnig pa din namin ang mga munting hikbi niya. Halos ayaw din siyang bitawan ni Eroz. Ramdam kong nagaalala din siya for our baby but he choose to be strong.

"Tahan na, gagaling din si Gianneri. Tahan na. Nandito ako" pagaalo niya sa akin.

Nakatulog ako nung hapon dahil na din sa pagpupuyat namin. Mahirap talaga pag baby ang may sakit. Hindi kasi nila masabi kung anong masakit sa kanila, basta na lang silang iiyak.

Naabutan ko si Eroz na nakapikit habang nakaupo sa may sofa. Karga pa din niya si Gianneri na tulog din, kita sa lips and eyes nito na may sakit siya. Marahan ang galaw ko para hindi sila magising na dalawa. She is still hot, mukha mataas pa din ang body temperature.

Isang mumunting hikbi nanaman ang kumawala sa kanya bibig kaya naman hindi ko na napigilan ang aking emosyon. Marahan kong pinagdikit ang noo naming dalawa. If I could just take her fever ay gagawin ko. Sa akin na lang at wag sa baby ko.

Bago pa man ako tuluyang makahiwalay ay nakita kong nakadilat na si Eroz.

"What are you doing?" marahang tanong niya.

"Kinukuha ko yung sakit ni Gianneri, sana sa akin na lang" sagot ko.

Pumungay ang mga mata ni Eroz. Nagulat ako ng marahan niya akong hinila palapit sa kanya. Pinagdikit niya din ang mga noo namin.

"Sa akin na lang. Wag lang sa inyong dalawa" he said before he kissed me on the lips. 






(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro