Chapter 49
Name
Nanatili siyang tahimik. I was eaten by too much guilt. I don't want to hurt him this way. I don't want to hurt him. I love Eroz so much that my love for him can free him from anything that keeps giving him burden. All I want is for him to be happy. As much as I want to be his source of happiness, pakiramdam ko, ako ang humihila sa kanya pababa.
"We both need to uhm...rest" nanatili ang aking pagkakayuko. Ramdam ko din ang titig niya sa akin.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng sandali kong masulyapan ang kanyang kamay. I have a urge feeling to hold it, I want to hold him and say that everything is gonna be ok soon. We just really need to fix some family issues.
"I need some space to think" pahabol ko pa. Ang bayolenteng pagbuntong hininga na lang niya ang aking narinig hanggang sa napasinghap siya.
"I know you're too exhausted, Gertie" he said. Hanggang sa makita ko ang sunod sunod niyang pagtango.
"You need space? Ofcourse, baby. I'll give you space. But, that doesn't mean na maghihiwalay tayo"
Nanlabo ang aking paningin. Ayoko din namang maghiwalay kami. Nagangat ako ng tingin sa kanya ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok.
"You don't have to cry. Alam mo namang lahat ng gusto mo, hangga't kaya ko. Ibibigay ko sayo..." malambing na suway niya sa akin. Dapat sana ay matuwa ako sa sinabi ni Eroz, pero imbes na ganuon ay nakaramdam ako ng sakit.
Mas lalong bumuhos ang aking mga luha ng hilahin niya ako para yakapin. "I'm so pagod na to think" umiiyak na sumbong ko.
Making this desicions is hard for me. I love my Papa, I love Eroz. All my life, I just want everyone around me to be happy. I adjusted to much to the point na I can even risk my own happiness. Pero sa isang maling decision, someone judged me as if sobrang sama ko. Para bang nabura lahat ng sacrifices ko dahil lang sa nagkaroon ako ng maling desisyon ngayon. Though, I understand naman si Ate Xalaine. She is Eroz's sister and she's pregnant.
"Shh...It's ok, Gertie. Maghihintay ako hanggang sa maging ok ka na. I'm always here for you. Wag kang matakot..." pag-aalo ni Eroz sa akin. Ramdam na ramdam ko iyon to the point na halos mamanhid ang aking buong katawan.
Maglalong humigpit ang yakap ko sa kanya. I wish I can hug him this tight everyday.
"I love you, Eroz. I'm sorry if I'm hurting you. I'm sorry if I'm making you pagod" umiiyak na sabi ko.
Ilang beses kong naramdaman ang paghalik niya sa aking ulo. "Mahal kita, Gertrude. Kung mapagod man ako, wala kang kasalanan don. Dahil lang yon sa pagiging old ko, baby" natawa pang sabi niya sa akin kahit narinig ko ang pagpiyok sa kanyang boses.
Bahagya din akong natawa at gumaan kahit papaano ang aking pakiramdan. He always do something to lighten the tension. He always wants me to feel ok.
Nakalabas na ng hospital si Tita Elaine noong isang araw. Ilang araw lang din si Papa sa hospital bago kami pinayagan ng Doctor na makauwi na. Eroz gave me the space na hinihingi ko sa kanga, but every now and then, he always calls and text me para kamustahin ako.
"Ayoko na pala sa maginoong bastos. Gusto ko na ng kagaya ni Senyorito Eroz" si Yaya Esme ng makita niya ang pagiging abala ko sa aking phone para magreply kay Eroz while we are preparing for lunch.
Nagiwas ako ng tingin kaya naman lumapit ito sa akin at inasar ako. "Given na maginoo si Senyorito Eroz, pero yung bastos...baka sayo lang!" pangaasar niya.
"Yaya Esme!" suway ko sa kanya.
Napahalakhak ito hanggang sa mapatigil kami ng ianunsyo ng isa sa aming mga kasambahay ang pagdating ni Kuya Rafael. Hindi ako nakagalaw at nakaimik kaagad ng makita kong may dala siyang maliit na travelling bag. Sadness is visible in his eyes.
"Senyorito Rafael, ano ang nangyari?" si Yaya Esme.
Pagod siyang ngumiti sa akin at lumapit para halikan ako sa ulo.
"Umuwi si Xalaine sa kanila para maalagaan si Mommy, and she don't want me to be there" kwento niya sa amin.
Bumagsak ang tingin ko sa hawak niyang bag. I think, I know na what happen.
"Pinagbigyan ko, I don't want her to stress out. Our baby is weak" problemado at nagaalalang kwento pa ni Kuya.
Walang salitang lumabas sa aking bibig. Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin na lang siya. Everyone is damay. Gusto kong maging masaya ang mga tao sa paligid ko, pero bakit nangyayari ito?
"I'm sorry for this, Kuya Rafael"
Marahan siyang umiling. "Stop saying sorry all the time na para bang kasalanan mo ang lahat. Naipit ka lang sa sitwasyon, Gertie" pangaral niya sa akin.
Humaba ang aking nguso. I felt guilty about it, so I need to be sorry.
Kahit nasa bahay si Kuya Rafael ay kita ko pa din ang maya't maya niyang pagtawag sa bahay ng mga Herrer. He always checked on Ate Xalaine. Minsan pa nga ay naririnig kong si Tito Axus ang kausap niya.
"Ako na po ang magdadala ng food ni Papa sa room niya" pagpresinta ko kay Yaya Esme. Nagkatinginan pa sila ni Kuya Rafael bago nila ako pinayagan.
Naabutan kong nakatayo si Papa sa tapat ng bintana and nakatingin sa malayo. Tahimik akong pumasok sa loob at maingat na inilapag ang tray ng pagkain sa kanyang table.
"Papa..." tawag ko sa kanya.
Hindi niya ako nilingon kaya naman tumabi ako ng tayo sa kanya. Nang tingalain ko siya ay nakita kong basa ng luha ang kanyang mga mata.
"I think, I'm too much. I failed your Mom, nung nangako ako sa kanyang aalagaan kitang mabuti" he said with tears in his eyes.
"Papa, you've done enough. I'm sure, Mama is proud of you. Minus the recent..." hindi ko maituloy ang aking sasabihin.
"Simula ng mawala ang Mama mo, natakot na akong mag-failed sa lahat ng bagay. Hanggang sa nangyari ang lahat ng ito. I just want to protect you, anak..." he said bago niya ako tingnan.
"Protect me from whom? Wala pong mananakit sa akin, Papa" giit ko.
Muling tumulo ang kanyang luha bago siya napangisi at nagkibit balikat. "Protect you from me. Sa sobrang pagmamahal ko sayo at ayokong masaktan ka. Ako na ang nagiging dahilan kung bakit ka nasasaktan"
Marahan akong umiling. "Hindi niyo po ako directly nasasaktan, Papa. Nasaktan lang po ako, nung nasaktan niyo si Eroz. I love him, and I want you two to be ok" laban ko sa kanya.
Marahan siyang tumango. Bago pa man siya makapagsalita ay kaagad ko na siyang niyakap.
"You stay here, basta wag munang magpapakasal habang wala ako. Nagiisang anak kita, mas lalo akong magagalit kay Eroz pag wala ako sa kasal niyo" sabi niya sa akin na ikinahaba ng aking nguso.
"Papa, bati mo na si Eroz?" paninigurado ko na ikinangisi siya.
"Hindi pa din. Pero you love him, so..." sagot niya at nagkibit balikat pa.
"I'll go abroad for now. Aayusin ko ang ilang negosyo natin sa America"
Napabitiw ako ng yakap. "Alone?" tanong ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti sa akin. "Alone"
Matapos ang tagpong iyon ay kaagad akong nagpaalam na pupuntahan si Eroz para ibalita sa kanya ang paguusap namin ni Papa. Akala ko ay matatagalan pa ito, maybe Papa come up to his mind.
"Good morning, Ma'm Gertie!" si Junie kaagad ang sumalubong sa akin pagdating ko sa may factory.
Nginitian ko lang siya habang nagmamadali akong naglakad papunta sa office ni Eroz. Bago ko buksan ang pintuan ay napahinto ako ng marinig kong may kausap siya sa loob. Sandaling kumunot ang aking noo hanggang sa marealize kong si Piero ang kausap niya sa kabilang linya.
"I told you, sasaktan ka ng batang iyan" si Piero. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Eroz.
"Aawayin ko yan, pag nakita ko!" sabi pa nito na ikinahaba ng nguso ko. Mangaaway talaga si Piero. Ang bad bad!
"Walang kasalanan si Gertie. Wag mong aawayin" suway ni Eroz sa kanya.
Narinig ko nag malutong na mura ni Pier. Kahit sa laptop lang sila magkausap at ramdam ang inis nito.
"Amputa! Kakampi mo ako dito!" giit niya kay Eroz.
Natawa si Eroz kaya naman sinubukan kong sumilip. Nakita kong nakatayo siya malayo sa kanyang office table kaya naka loud speaker ang call.
"Baka takot ka lang maiwan ulit. Eroz laging iniiwan Herrer" pangaasar pa ni Piero sa kanya.
"Shut up!" suway ni Eroz dito.
"Takot ka lang maiwan ulit" pinal na sabi ni Piero hanggang sa hindi ko na narinig ang tawag ng makita kong may dumating na sasakyan.
Kaagad iyong sinalubong ng mga trabahador. Maging sina Ate Erika at Alice ay lumabas sa may pantry.
"Hoy, kulit! Tara dito" tawag sa akin ni Alice.
Wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanila.
"Sino ang visitor?" tanong ko sa kanila.
Umirap si Alice sa kawalan. Hindi na siya sumagot pa ng makita ko kung sino ang bumaba sa may itim na SUV. Hindi ko siya kaagad na nakilala, hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa aming gawi. It's Bea.
"Nag retire na si Mang Henry, si Bea na ang hahawak ng business nila. Edi lagi yang nandito. Panira ng araw" reklamo ni Alice.
"Bata pa si Mang Henry at malakas" si Ate Erika.
Nagkibit balikat si Alice. Nanatili ang tingin ko kay Bea ng dumiretso siya papunta sa office ni Eroz. Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Bigla akong nakaramdam ng takot, naalala ko kung paano ko sila nahuling nag kiss ni Eroz noon nung batang bata pa ako at bata pa sila.
Nabalik ako sa wisyo ng hampasin ako ni Alice sa braso.
"Pumunta ka na duon at bantayan si Eroz" pagtulak niya sa akin.
"Baka that's an important meeting" sabi ko kahit ang totoo ay natatakot lang akong bumalik sa akin ang lahat.
Inirapan ako ni Alice. "Masyado ka namang mabait! Feeling ko tuloy ang sama sama kong tao" sabi niya na ikinatawa din ni Ate Erika.
Dahil ayoko munang pumunta sa office ni Eroz ay inaya na lang nila ako sa may pantry.
"Sabi ni Junie, tinanggap ni Eroz ang investment ni Mang Henry para sa ipapatayong factory sa Malolos" kwento ni Ate Erika sa amin.
"Ang yaman yaman ng mga Herrer" si Alice.
Tahimik lang akong nakinig sa kanilang paguusap. Sa huli, ay nagpaalam na ako na pupuntahan si Eroz ng magkaroon na ako ng lakas ng loob. I think I just need to face my fears.
"Hanggang ngayon, abala pa din ang batang iyon sayo?" natatawang sabi ni Bea.
Hindi nagsalita si Eroz. Naikuyom ko ang aking kamao. Dapat pala ay pumunta ako dito na may dalang hot choco, sakto at puti pa ang damit niya.
"Baby sitter ka pa din ni Gertrude hanggang ngayon. Hindi ka ba napapagod?" pagpapatuloy ni Bea.
"Hindi ako napapagod. At papakasalan ko si Gertrude" seryosong sagot ni Eroz sa kanya. Gumaan ang dibdib ko.
Hindi nagpapigil si Bea at mas lalo pang natawa. "At magpapakasal pa kayo? Utos ni Tita Elaine?"
The nerve of her to call Tita Elaine, Tita! Hmp! Feeling close.
"Bea, can we stick to the business. O kung gusto mo si Mang Henry na lang ang kakausapin ko" seryosong suway ni Eroz sa kanya.
Pagak na tumawa si Bea. "Baka kaya mo gustong pakasalan ang batang Montero na iyon kasi naaawa ka. Diba nga, kaya mo siya kinaibigan noon kasi naaawa ka dahil walang kaibigan" sabi pa ni Bea.
Napahinto ako. Lalo na sa sumunod niyang sinabi. "Minahal dahil naawa o minahal dahil walang choice?" si Bea pa din.
Nanlambot ang kamay kong nakahawak sa door knob. Narinig ko ang paghampas ni Eroz sa kanyang lamesa.
"I'll talk to Mang Henry instead. You can leave Ms. Vejano" seryosong sabi ni Eroz.
Narinig ko ang pagtayo nilang dalawa. Hanggang sa makarinig ako ng pagprotesta kay Eroz dahilan kung bakit binuksan ko ang pintuan. Doon ay nakita kong nakatingkayad si Bea at hinahalikan si Eroz.
"Bea!" suway ni Eroz sa kanya. Bahagya pa niya itong itinulak.
Nanatili ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa mapansin ni Eroz ang aking presencya.
"Gertie..." tawag niya sa akin. Pero bago pa man niya ako malapitan ay nagsalita na si Bea.
"Ayan na pala ang alaga mo, Eroz. Iiyak nanaman yan" sabi niya at natawa pa.
Tumalim ang tingin ko kay Bea. Nagtaas lang siya ng kilay sa akin at ngumisi.
"Gertie..." tawag ni Eroz sa akin.
Napatitig ako sa kanya. "I drop by to visit my friends" sabi ko sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo. "Not for me?" he asked.
Nagiwas ako ng tingin. "I'll go home na" sabi ko pa at kaagad siyang tinalikuran.
"Ihahatid kita, kung ganoon. Kukunin ko muna ang susi ng sasakyan" pagpigil niya sa akin pero tinabig ko ang kamay niya.
"No need. Magisa akong pumunta dito, I can go home alone" laban ko.
"Ihahatid kita, Gertie" pakiusap niya.
Nanlabo ang aking paningin dahil sa luha. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi na hinalikan ni Bea. Nangyari na ito dati.
"I'm super tired na talaga with everything, Eroz. Alam kong this might hurt you, pero nasasaktan na din ako. I need more than space" sabi ko sa kanya kaya naman nakita ko ang pagguhit ng sakit sa kanyang mukha.
"The problem is in me. My insecurities, my trust" sabi ko pa.
"Gertie..." tawag niya pero napailing ako.
Nanghina siya kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong umalis doon. Umiiyak akong umuwi sa aming bahay. Tinawag pa ako nina Kuya Rafael at Yaya Esme pero hindi ko sila pinansin.
Hindi ko alam kung bakit I'm too emotional these days. Konting kibit ay sasama ang loob ko. Hindi ko na din maintindihan ang aking sarili.
"Senyorita..." tawag ni Yaya Esme sa akin.
Kaagad ko siyang sinalubong ng yakap. "I'm so tired, Yaya Esme!" sumbong ko sa kanya.
"Shh...Andito ako, Gertie. Nandito lang si Yaya" she said.
"That's why I don't want to be open to everyone cause they might misunderstood me" sumbong ko pa.
"Naging friendly na nga ako, and naging nice. Pero I think, I failed pa din"
"Senyorita, hindi yan totoo..." si Yaya Esme.
Nakatulog ako habang inaalo ni Yaya Esme. Then after that day, I found my comfort sa room ko. Hindi ako halos lumabas, kung gusto nila akong kausapin ay sila ang sasadya sa akin sa room ko. Even si Papa ay nagalala na din lalo at aalis na din siya papuntang abroad.
"Nasa labas si Senyorito Eroz, hindi mo ba siya lalabasin?" si Yaya Esme.
Marahan akong umiling. "I'm sleepy, Yaya and nahihilo. Can we have a fried chicken leeg later for mirienda?" tanong ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo.
"Kahapon yun din ang dinner mo ah!" puna niya sa akin.
Humaba ang aking nguso. "Please, Yaya Esme" pakiusap ko sa kanya.
Nawala ang ngiti ko ng tuluyang lumabas si Yaya. Muling kinain ng dilim ang buong paligid. I think, mas better if malayo ako sa mga taong mahal ko. Mas malayo sa kanila, mas hindi ko sila masasaktan.
I need to free Eroz from me. Aminin ko man o hindi, Ate Xalaine is right. Nasasaktan si Eroz dahil sa love niya for me.
Muli kong iginala ang aking paningin sa buong kwarto. Humigpit ang yakap ko sa aking unan. In darkness, I found my peace.
"Are you sure about this?" tanong ni Papa sa akin ng kausapin ko siya isang araw about my plan.
Kaagad akong tumango. I'm doing this for myself.
"I'll help you with our business, Papa. I learned a lot kay Cairo. I think, I'm ready" sabi ko pa.
Sandaling tumitig si Papa sa akin. Bago siya tumango. "If that's what you want, Anak"
Naging abala kami ni Yaya Esme ng sumunod na araw sa pageempake ng mga gamit namin. I'm so sure about my plan. I think it's better this way.
"Nakailang tawag na ang Tita Elaine mo, miss ka na daw niya. Hindi ka na lumabas ng bahay simula nung umuwi kang umiiyak" si Yaya.
Natigilan ako sa aking ginagawa. "Pupunta po ako sa kanila later, Yaya" paninigurado ko sa kanya.
Kagaya ng aking pangako ay naghanda ako papunta sa mansion ng mga Herrer. I was wearing a white dress and a white bow in my hair. Lumaki ang ngiti ni Tita Elaine ng makita ako.
Nakita ko din ang paghangos ni Eroz para lumapit sa aming gawi. Hindi siya tuluyang lumapit sa amin. Nanatili lang ang titig niya sa akin na para bang hindk siya makapaniwala na nasa harapan na niya ako.
"I miss you, Hija" si Tita.
Pinantayan ko siya mula sa pagkakaupo sa wheelchair.
"I'm sorry, Tita. I just need to help, Papa. We need to fix some of our business" I said na kaagad naman niyang tinanguan bago hinaplos ang aking pisngi.
Nang makaayos ng tayo ay nagulat pa ako ng kaagad akong hinila ni Eroz para yakapin. Wala siyang sinabi, mahigpit niya lang akong niyakap bago ko naramdaman ang pagtagal ng halik niya sa aking ulo.
Tahimik lang din siya even sa dinner. Pero ramdam ko ang tingin niya sa akin. Para bang takot siyang mawala ako bigla sa paningin niya.
"You know what, Let's dance" si Tita Elaine.
Nginitian ko siya. Pagkatapos ay napatingin ako kay Ate Xalaine na mukhang kanina pa nakatingin sa akin, sa kanya tabi ay ang tahimik na si Kuya Rafael.
Sumangayon si Tito Axus. Kaagad siyang lumapit kay Tita. Binuhat niya ito na parang bagong kasal. Kaagad na pumulupot ang braso ni Tita sa kanyang leeg bago sumabay si Tito Axus sa tugtog.
Nawala ang tingin ko sa kanila ng makita ko ang kamay ni Eroz sa aking harapan.
"Baby..." tawag niya sa akin.
Sandali akong napatitig sa kanyang kamay bago ko iyon tinanggap. Tumayo kami sa gitna ng garden at sumayaw. Maging si Ate Xalaine at Kuya Rafael ay tumayo na din para sumunod sa amin na mas lalong ikinatuwa ni Tita.
Mahigpit ang hawak ni Eroz sa aking bewang. Nanatili ang titig ko sa kanyang dibdib habang sinasabayan namin ang music.
Napasinghap siya kaya naman kaagad akong napatingala. Kaagad sumalubong sa akin ang kanyang titig tsaka ko nakita ang luha sa kanyang mga mata.
Nanindig ang aking balahibo ng sabayan niya ang kanta habang nakatitig sa akin. He has a really good voice.
"Take my hand. Take my whole life too...For I can't help falling inlove with you"
Uminit ang gilid ng aking mata ng muli siyang mapasinghap.
"My Gertie's gonna leave again, huh?" he said. Mukhang sa iba na niya nalaman ang plano naming pagalis.
Hindi ako nakapagsalita lalo ng mas lalo humigpit ang yakap niya at mas lalo siyang naiyak.
"Gusto kong magmakaawa sayong wag mo akong iwanan. Pero nirerespeto ko ang desisyon mo sa pagpili sa Papa mo" he said.
"Eroz, wala akong pinipili" giit ko.
Mariin siyang napapikit. "Ayokong magmakaawa sayo, pero gagawin ko pa din"
"Wag mo akong iwan, Gertie. May kulang pa ba? May nagawa pa ba akong mali? Saan banda ang hindi sapat...pupunan ko" pagmamakaawa niya.
Hindi ko na napigilan. Naiyak na din ako.
"You are too much for me, Eroz. Hindi ka lang basta sapat, you are too much for me. I have issues pa sa sarili ko kaya hindi ko matanggap yung love na ibinibigay mo sa akin. I can't give the same amount of love na ibinibigay mo sa akin" I said.
"And that's unfair for you. I want to go for a while. I want to improve myself, so in time. I can love you better" paliwanag ko.
Mariin siyang napapikit. "I already told you. Kahit maubos ako, Gertie. Kahit maubos ulit ako" giit niya.
Marahan akong umiling. "Eroz, I love you. And I don't want that to happen. Let's face it, I'm not good for you...for now" paliwanag ko pa.
Marahan akong hinaplos ang basa niyang pisngi. "Ang tunay na pagmamahal hindi nakakapagod. Hindi ka mauubos"
Gumalaw ang kanyang balikat, tanda ng kanyang pagiyak. "Hindi ako pagod" giit niya.
Sandali akong tumingkayad para halikan siya sa labi. Tumulo ang aking luha.
"Sapat ka, Eroz. Ako ang hindi naging sapat sayo"
Mariin akong pumikit at nagpakain sa dilim ng muling bumigat ang aking dibdib. Kasabay nuon ay ang aking pagluha.
Hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang bigat ng pamamaalam. Hindi naging madali ang iwanan si Eroz. It's been a while simula ng umalis kami papuntang America.
"Senyorita Gertie, umiiyak ka nanaman" puna ni Yaya Esme sa akin kaya naman kaagad akong dumilat.
Everytime I closed my eyes. Bumabalik sa akin ang lahat, lalo na ang sakit.
"Magpahinga ka muna. Hindi din Magandang pinipwersa mo ang katawan mo. Ako na ang magsasagot ng mga documents" sabi ni Yaya at kaagad na umupo para mag fill up ng form.
"Gertrude Kate Montero..." bigkas niya habang isinusulat ang aking pangalan sa form para sa aming paguwi sa Pilipinas.
Matapos ng sa kanya ay tumingin siya sa akin at sa baby na katabi ko. Napatingin ako sa baby kong mahimbing na natutulog sa kanyang crib.
She was a beautiful 2 months old baby. Uuwi kami ng Pilipinas before she turned 3 months old.
"And the baby's name please" excited na sabi ni Yaya. She loves to hear the baby's name from me because kinikilig siya dahil sa kanya galing ang second name.
Matamis akong ngumiti habang nakatingin sa baby namin ni Eroz.
"Gianneri Esmeree Eriza M. Herrer"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro