Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Galit





I saw how Eroz is fond with Prymer's presence. Panay ang halik niya sa ulo nito, at natutuwa pa sa tuwing inaayos niya ang cute na bangs nito. I can't help myself to watch his every move. It gives shivers down to my spine, paano pa kaya kung ang baby na namin ang hawak niya soon?

Nakikipagusap si Prymer sa kanya, sa tuwing sinasagot niya ito ay isinasama niya ako dahilan para kausapin din ako nito.

"Tito..." tawag ni Prymer kay Eroz at sinubuan din niya ito ng hawak na tikoy dahilan para mapatawa kaming dalawa.

Nagangat kami ng tingin ng bumukas ang pintuan. Unang lumabas sina Tadeo at Piero kasama ang amang si Tito Alec Herrer. Sa kanilang likuran ay magkakasama naman sina Tita Maria, Castellana, Amary, at Sera. I see na closed sila sa inlaws nila. Close din naman kami ni Tita Elaine, before this incident happen. Sa ngayon, hindi ko pa din alam kung makakabalik kami sa dati kahit pa sinabi naman nitong hindi siya galit sa akin. It's the guilt inside me.

Nawala ang tingin ko sa mga babae ng humarang si Piero, walang kaemoemosyon ang tingin niya sa akin bago siya nagtaas ng kilay kaya naman nagiwas ako ng tingin at napanguso.

"Gumawa kayo ng sarili niyong anak, wag niyong pagpraktisan ang anak ko" masungit na sabi niya sa amin ni Eroz.

Nilingon ko siya at sinimangutan. "Prymer is cursing and it's because of you. Dapat hindi ka nag curse sa harap ng baby" suway ko sa kanya. Though I know naman na I don't have a say on that because he is the father.

Sumama ang tingin niya sa akin. Kaagad akong umusog palapit kay Eroz. It didn't fail naman because naramdaman ko kaagad ang braso niyang pumulupot sa aking bewang.

"Tsaka mo na ako sabihan ng ganyan pag hindi nagmumura ang anak niyo ni Eroz" sita niya sa akin na halata namang nangaasar.

"Piero, tigilan mo" suway ni Eroz sa bestfriend.

Nagtaas ng kilay si Piero at ngumisi. "Akala mo naman ang bait bait ni Eroz, nagpapanggap lang yang mabait" pangaasar pa din niya sa akin bago niya kinuha si Prymer kay Eroz at binuhat.

Sumama ang tingin ko sa kanya. "Mabait si Eroz. And he's not cursing" laban ko pa din pero inirapan niya ako bago niya hinarap ang anak at hinalikan.

"Dad, I'm thirsty" paglalambing ni Prymer sa ama. Nilingon namin ang itinuro nitong vendo machine.

Nilingon ni Piero si Eroz. "Nauuhaw ang anak ko, bibilhin ko ang buong vendo machine na iyon" nakangising sabi niya na ikinatawa ni Eroz.

"Gago..." Eroz said na ikinagulat ko. I don't remember kung this is the first time na narinig ko siyang nagmura but it was a shock to me. But, I found his cursing voice a bit sexy and so manly. But that's bad pa din!

Tumawa si Piero at nagtaas ng kilay sa akin. "See? Stop acting like Eroz is some saint. Sayo lang mabait yan" laban pa din niya.

Imbes na sumagot ay humaba na lang ang nguso ko. Naramdaman ko ang pagtaas baba ng kamay ni Eroz sa aking bewang.

"Hindi lang ako mabait pag dating sa parusa" nakangising sabi nito sa akin dahilan para maramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi para itago ang ngiti. I was shy because andito pa ang mga cousins niya. Buti sana kung kaming dalawa lang.

"Amputa, dito pa sa harapan namin ng anak ko. Bad influence kayo sa bata" asik ni Piero sa amin bago niya kami iniwan karga si Prymer para magtungo sa may vendo machine.

Nagsalita ang hindi bad influence. Piero is super bad talaga, ang lakas ng impluensya.

"I think, Piero is nagseselos. He wants you lang ata for himself eh. The jealous bestfriend" sabi ko na ikinatawa din ni Eroz.

Lumapit kami sa kanyang Tita Maria kasama ang mga asawa ng kanyang pinsan.

"Tita Maria, si Gertrude po, Fiance ko" pagpapakilala niya sa akin dito kaya naman I smiled at her.

"I know her, palagi siyang ikinikwento ni Elaine sa akin" Si Tita Maria.

I felt kilig because of what I heard. Tita Elaine really wants me for Eroz and that was so sweet. Nowadays, ang kalaban talaga ng mga newlt wed ay ang mga inlaws. Based na din sa mga nakikitong telenovela na pinapanuod ni Yaya Esme.

"Si Mama Maria ang leader natin" si Sera. Dahil sa sinabi niyang iyon ay natawa si Tita.

"I'll take that as a compliment hija" natatawa pa ding sabi nito kay Sera.

Nilingon ko si Eroz because hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nila kaya naman humilig siya at bumulong sa akin.

"She was young when she marry Tito Alec. Same as your age" paliwanag ni Eroz sa akin kaya naman napaawang ang aking labi, I feel so amuse. Kaya pala she looks to young pa.

"Eroz" tawag sa kanya ng kalalabas lang na si Kenzo dahilan para iwanan niya ako kasama ang mga ito.

"Matigas din ang ulo ni Gertie for sure!" nakangising sabi ni Castel.

Kaagad nanlaki ang aking mga mata. I want to defend myself. "Hindi naman, A bit lang" nahihiyang sagot ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako at inasar pa.

Eventhough they are all new to me ay magaan naman ang loob ko sa kanila. Sometimes ay may sinasabi sila sa aking hindi ko maintindihan pero they are doing their best naman para maka catch up ako.

"Sumama ka sa amin pag bumalik kayo ng Manila. Para sa next mission kasama ka, basta wag ka lang sasama sa amin na buntis ka. Baka manganak ka sa gubat" natatawang kwento ni Sera sa akin. Somehow, I remember her na. Siya yung kaibigan ni Tita noon na nanlibre sa kanya. Destiny as it is.

Hinatid namin sila hanggang sa labas ng hospital ng magpaalam na sila. Babalik naman daw sila pag nakalabas na si Tita Elaine sa hospital. Isa isang nagbeso sa akin ang mga babae, they insist na sumama ako sa mga get together nila soon. They really want to know me and be friends with me.

"Sure, soon I'll make sama" nakangiting sabi ko kahit medyo nahihiya pa.

Malaki ang ngiti ni Amary at Castel sa akin. Nagulat ako ng tapikin ni Sera ang aking braso. "Tangina ang conyo, ang cute mo diyan!" sabi niya sa akin. Napaawang ang aking bibig. I don't know how to react.

We bid goodbye hanggang sa nawala na sa aming paningin ang kanilang mga sasakyan.

"Mababait ang mga iyon. Minsan ay luluwas tayo ng Manila para makasama ka sa kanila. Marami ka ng magiging kaibigan" si Eroz.

Marahan akong tumango. Dati, I was afraid to make new friends because una ko talagang naisip ay they will misunderstood me for being aloof to everyone. But as time passed by, I realize na it's not bad naman to open your self for new people. Show them who you really are and let them love you for that. No need to change and fit in.

"Balik na tayo sa loob" Yaya ni Eroz sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa pagkakahawak niya sa aking kamay.

"Uhm. Can you buy me ng cotton candy? I'll pay you" sabi ko pa sa kanya na ikinatawa niya.

"No need to pay. I'll make you libre" nakangising pangaasar niya at panggagaya sa akin.

"Eroz, you're so conyo" pangaasar ko din sa kanya na ikinatawa niya.

He bought me two pink cotton candy, wala kasing color blue kaya iyon na lang ang pinili ko. After that ay bumalik din kami sa room ni Tita Elaine. I even share my cotton candy with her to lighten her mood. Nakakagaan ng loob ang sweets.

"Kamusta ang Papa mo?" tanong niya sa akin.

Before sumagot kay Tita Elaine ay nilingon ko muna si Eroz. Tahimik lang itong nakatingin sa amin habang nakaupo sa sofa. Tito Axus need to go somewhere kaya kaming dalawa lang ang naiwan kay Tita.

"He still miss Mama, I even heard him crying last night" malungkot na kwento ko.

Dahil doon ay naramdaman ko ang pagtayo ni Eroz para lapitan ako. Naramdaman ko kaagad ang kamay niya sa aking likuran. Because of his touched, gumaan nanaman ang loob ko.

Hinawakan ni Tita Elaine ang aking kamay. "Hindi natin maaalis sa Papa mo iyon. He really loves your Mama, but don't worry everythings gonna be ok. Pag natapos ang lahat ng ito, he'll be ok again" pagpapagaan niya ng loob ko bago siya naglahad ng kamay para mayakap ako.

We stayed there hanggang sa makabalik si Tito Axus.

"Balak kong dalhin ang Mommy niyo sa states, so that mas mapapabilis ang recovery niya" si Tito.

"Axus, I don't want to leave. We can stay here, maraming magagaling na Doctor dito. No need to go abroad" si Tita Elaine.

Kita ko ang pagaalala sa mata ni Tito. Pero sa huli sumuko siya. "Baby, whatever you want. I promise you na gagawin ko ang lahat para makalakad ka ulit" si Tito Axus bago niya yakapin si Tita.

Matamis na ngumiti si Tita Elaine. "Gagawin natin, Axus. Natin...magkasama" she said. I got teary eyed because of that.

Napansin iyon ni Eroz kaya naman hinila niya ako palapit sa kanya para halikan sa ulo. "Shh...You have me" he said kaya naman humigpit din ang yakap ko sa kanya.

Tita is right. When it comes to a relationship dapat you two are always working for it. Hindi dapat isa lang, dapat kayong dalawa ang nagstrive for that relationship to grow.

The saddest part of my day ay ang paghihiwalay namin ni Eroz sa gabi. Eventhough I wish na bumalik na kami sa kubo ay hindi din naman pwede. Marami pang kailangang ayusin. Even me kay Papa. He needs me now.

"I'll gonna miss you again, tonight" malungkot na sabi ko pagkababa namin sa sasakyan niya. Nasa tapat na kami ng aming bahay.

He hugged me tight. "I miss you too, Gertie. Konting tiis lang, babalik din tayo sa kubo kasama si Chin chin" he said.

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. I miss Eroz, the idea of us seperating even  just for tonight is mahirap.

"Pupunta ako ng factory bukas. Gusto mong sumama?" tanong niya sa akin na kaagad kong tinanguan. I miss the factory and my friends too.

Tiningala ko si Eroz. Nakita ko kung paano niya tingnan ang aking mga labi. "I'll try to sleep para maaga akong gumising bukas"

Marahan siyang tumango. "Let me make you sleepy then" he said before his lips met mine.

Malambing ang bawat hagod ng kanyang labi. Para akong hinihele, I was like floating. Nakakakiliti iyon at the same time parang nawawala ako sa aking sarili. Marahan, masarap sa pakiramdam. He's right, parang ayoko ng buksan ang aking mga mata just to feel that soft kiss that he was giving me.

"I love you, Gertie. I will love you like this forever"

Nakatulog ako ng may ngiti sa labi. Kahit papaano ay gumagaan na ang loob ko. I was expecting for the worst, niready ko na ang sarili ko sa masasakit na salita at galit from Eroz family pero wala akong natanggap na ganon. Their family is too good to be true. Sometimes, I feel tuloy na I don't deserve them.

"Yaya Esme, nagaalala ako kay Papa. He's always lasing and nakakulong sa kwarto" sumbong ko kay Yaya Esme kinaumagahan. Ready na ako at si Eroz na lang ang hinihintay.

"Sa mga ganitong panahon kasi, kailangan niya talaga ng kasama, ng supporta, kailangan niya ang Mama mo" sabi ni Yaya Esme habang abala sa ginagawa.

"I can help him naman. I'm alwaya here naman for him" sabi ko. Tipid na ngumiti si Yaya Esme sa akin.

"Pag magasawa na kayo ni Senyorito Eroz maiintindihan mo din iyon. Iba ang kaso pag ang lalaki ang nawalan ng asawa. Malaking parte ng buhay nila ang nawala sa kanila" she said.

Natahimik ako kaya naman muling nagsalita si Yaya Esme. "Nabanggit sa akin ng Papa mo na balak nilang bumalik ng America. Alam mo ba iyon?" tanong niya sa akin na inilingan ko.

"He needs to be here. Mas malulungkot siya kung babalik siyang magisa sa America" sabi ko na sinangayunan ni Yaya Esme.

"Kausapin mo siya, Gertie. Makikinig iyon sayo"

Ipinagsawalang bahala ko muna ang problema sa bahay ng sunduin ako ni Eroz para pumunta sa factory. Hindi pwedeng dalhin ang problema sa work. It might affect ang mga trabahador, I don't want to make them uncomfortable kung ipapakita kong may problema ako.

"Sasamahan kitang kausapin ang Papa mo, kung gusto mo..." alok ni Eroz sa akin.

Tipid ko siyang nginitian. Pagkapark pa lang ng aming sasakyan ay kumakaway na sa amin ang ibang trabahador, they missed us too.

"Boss Eroz, Ma'm Gertrude. Welcome back!" si Junie the ever maingay.

Mabilis na humalo si Eroz sa mga trabahador para mangamusta. Hinayaan ko siya dahil tumakbo din ako palapit sa aking mga kaibigan. Nakangiti na kaagad si Ate Erika sa akin, si Alice naman ay nakataas ang kilay. Imbes na matakot ay nginitian ko din siya.

"Whoa, Ate Erika ang bilis lumaki ng tummy mo" puri ko.

Marahan niyang hinaplos ang kanyang sinapupunan. "Kaya nga, ramdam na ramdam ko na siya" kwento niya sa akin.

She let me hold her tummy. Mas lalo akong na-amaze.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng malaking tiyan?" pagsusungit ni Alice sa akin.

Marahan akong umiling. "No, but isn't it amazing? Baby ang laman nito" sabi ko sa kanya na ikinairap niya.

Naglahad siya ng kamay sa akin. "Magbayad ka muna ng cotton candy"

"Later, mag mirienda tayo ulit ng fishballs and kikiams" yaya ko sa kanila. Bigla ko ding namiss ang mga street foods.

"Hindi na iyon ang gusto ni Erika. Gusto na niya mangga at bagoong" si Alice.

"Oh, ang weird ng taste buds ng baby mo ate" sabi ko na ikinatawa nito at ikinasimangot naman ni Alice.

Naputol ang pakikipagkwentuhan ko sa kanila ng tawagin ako ni Eroz.

"Mainit dito, tara na sa office" yaya niya at nakalahad pa ang isang kamay.

"Wait, we'll chika minute pa. I'll make sunod" sabi ko sa kanya.

Sandali pa muna niya akong tiningnan bago ang sina Alice.

Tipid itong tumango. "Sumunod ka kaagad" paalala pa niya kaya naman tumango.

"Sumunod ka daw kaagad Ma'm Gertie at baka mamiss ka ni Boss Eroz" Pangaasar ni Junie na sinabayan pa ng ibang trabahador.

Mainit na ang panahon, pero naramdaman ko pa din ang paginit ng aking magkabilang pisngi dahil sa kanilang pangaasar.

Nang lingonin ko si Alice ay nagtaas lang siya ng kilay sa akin. Hindi kagaya ng dati na para siyang palaging galit. Ngayon ay masungit na lang.

Sinama nila ako sa may pantry para ipakita ang mangga at bagoong na gustong kinakain ni Ate Erika ngayon. I tried it once pero hindi ko nagustuhan.

"Do you have tomato ketchup?" tanong ko sa kanila na ikinagulat nilang dalawa.

Nagtataka man ay tumayo si Ate Erika para kumuha ng ketchup sa may cabinet ng pantry. Naningkit ang mata ni Alice sa akin  habang nagbabalat siya ng mangga.

"Wow, this is so masarap!" sabi ko ng sinubukan kong isawsaw ang mangga sa ketchup.

Nanatili ang tingin nilang dalawa sa akin habang ako naman ay muling sumubo noon.

"Ikaw din pala weird eh. Buntis ka ba?" diretsahang tanong ni Alice sa akin.

Napaawang ang aking labi. "Ofcourse not. Tingnan mo ang tummy ko, Flat" laban ko sa kanila at tumayo pa talaga para ipakita iyon.

Muli akong inirapan ni Alice. "Sa bagay kayong mayayaman iba din talaga ang panlasa niyo. Weird din" sabi niya na ikinatawa ko.

Pinagbalat ako ni Alice ng mangga. I tried to help her pero sinasabi niyang siya na lang at baka masugatan pa ako.

Pumunta ako sa office ni Eroz na may dalang platito ng mangga and ketchup. Ipapatikim ko ito kay Eroz.

Bago pa man ako makapasok sa office ay nakasalubong ko na si Junie. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"What's that?" tanong ko sa hawak niyang mahabang papel.

"Blueprint ng pangalawang factory na ipapatayo sana ni Boss Eroz sa may Malolos, Ma'm" sagot niya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata. Bigla akong naexcite for him. This is a big project and I'll support him na kaagad.

"Kailan?" excited na tanong ko.

Napakamot si Junie sa kanyang batok. "Hindi na daw po muna, Ma'm. Nagamit ni Boss Eroz ang pera para dito sa pangalawang factory"

Biglang nawala ang saya sa aking sistema. Nalungkot ako for Eroz, pero mas nalungkot ako at nasaktan sa isiping ang perang tinutukoy ni Junie ay ginamit ni Eroz para tulungan kami.

"Uhm, sayo na lang itong mangga at ketchup, Junie. It's yummy" sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Naguluhan din siguro, or baka he thinks it's weird din naisawsaw ang mangga sa ketchup. Wag ko na ding ipakita kay Eroz at baka makadagdag lang sa stress niya.

Marahan kong binuksan ang pintuan. Sinadya kong hindi kumatok para maabutan ko kung ano talaga ang ginagawa ni Eroz. Pansin ko kasi, hindi nanaman niya ipinapakita sa aking may problem siya. He always wants me to think na eveything is ok.

Naabutan ko siyang seryosong nakatingin sa ilang mga documento, ilang beses din itong humikab. He's really having a hard time. Pagod, puyat, at problemado. But he still manage to smile in front of me and everyone.

The way he handles everything. I realize na Eroz is like a mirror of me, we reflect each other.

Napaayos siya ng upo ng makita niya ako. Nginisian niya kaagad ako at nagtaas pa ng kilay. "Tapos ka ng makipag chika minute?"

Hindi ako sumagot. Naglakad ako palapit sa kanya, inayos niya ang swivel chair. Pagkadating ko sa kanyang harapan ay hinila niya ako para pakandungin sa kanya.

"Bakit ka malungkot?" marahang tanong niya sa akin.

Nanatili ang tingin ko sa kanya. Ginantihan ni Eroz ang titig ko sa kanya.

"Hindi mo maipapatayo ang second factory mo because of helping us" malungkot na sabi ko.

Niyakap niyo ang aking bewang. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. Ramdam ko tuloy ang hininga niya sa aking leeg.

"Hindi pa muna natin ipapatayo ang pangalawang factory dahil kailangan pa natin yung pera. Magiipon ulit ako, mapapatayo din natin iyon" sabi niya sa akin pero ayan nanaman ang paginit ng aking mga mata. Sobrang emotional ko lately.

"We caused you and your family too much trouble"

Marahang umiling si Eroz. Hinalikan nito ang aking balikat. "You are part of our family"

Humaba ang nguso ko kasabay ng pagtulo ng aking luha. "Bakit hindi mo sinabi kay Papa na sayo galing ang pera?" tanong ko.

Itinaas ni Eroz ang kanyang kamay para pahiran ang aking luha. "Dahil ayokong isipin ng Papa mo na ginawa ko iyon para magustuhan niya ako. Ginawa ko iyon dahil gusto kong makatulong"

Hinarap ko siya ng maayos. "If he knows, magiging mabait na siya sayo" laban ko pa.

Tipid na ngumiti si Eroz. Marahan pa ding pinupunasan ang aking mga luha.

"Pag may gusto ka, paghihirapan mong makuha iyon. Iyon ang gusto ni Tito" paguumpisa niya.

"You are more than that money. Paghihirapan kitang kuhanin sa Papa mo, I'll prove him wrong sa kung anong iniisip niya sa akin" paninigurado niya.

"I love you, Eroz. You never failed to amaze me with your stand sa life every single day" umiiyak na sabi ko. Hindi na siya nagsayang pa ng panahon at kaagad na akong hinalikan.

Padilim na din ng umalis kami sa factory. I'll feel sad nanaman because we need to seperate for a while. But as Eroz said, we need to make tiis.

Pagkahinto ng sasakyan sa harap ng bahay ay nagulat na ako ng makitang nagkakagulo ang aming mga kasambahay. Mabilis akong bumaba, ramdam ko din ang pagmamadali ni Eroz.

"Yaya Esme, anong nangyayari?" naiiyak na tanong ko.

"Ang Papa mo, nagwawala nanaman sa loob ng office niya" sagot nito sa akin.

Dahil doon ay kaagad akong tumakbo papunta sa office nito at kumatok.

"Papa, I'm here na po. Open the door, please..." umiiyak na pakiusap ko.

Nagbalik ang lahat sa akin, nangyari na din ito noon. At ganuon pa din ang takot ko na mawala si Papa sa akin. Napasigaw ako ng marinig ko ang pagkabagsak ng kung ano sa loob.

"Senyorito Eroz, ito po ang susi" nagmamadaling sabi ni Yaya Esme.

I give way kay Eroz para mabuksan niya ang pinto. Nang magtagumpay ay mabilis akong pumasok sa loob. Magulo ang office ni Papa. Nagkalat ang halos lahat ng gamit niya.

"Papa, tama na po. Natatakot na ako" umiiyak na sumbong ko sa kanya.

He still managed to drink kaya naman lumapit na ako at inagaw ang baso ng alak. Nakipagagawan si Papa sa akin. Hanggang sa bumagsak iyon at nabasag sa kanyabg office table. Hindi ko nacontrol ang balanse ko kaya naman kaagad kong naitukod ang kamay ko sa bugbog dahilan para maramdam ko ang sakit at makita ang pagdurugo.

"Tito!" galit na tawag ni Eroz dito.

Mabilis siyang lumapit sa akin para hawakan ang kamay kong puno ng dugo dahil sa pagkakahiwa.

Nanatiling nakaupo si Papa sa swivel chair niya. Wala na siyang lakas na tumayo pa at tingalain kami. Hanggang sa marinig namin ang kanyang pagiyak.

"Take me with you, Giselle. Take me with you" umiiyak na tawag niya kay Mama na mas lalo kong ikinaiyak. What does he mean?

Nawala ang sakit na nararamdaman ko sa aking sugat. Mas nasaktan ako sa narinig ko mula kay Papa.

Binuhat ng ilang tauhang kasama ni Eroz si Papa papunta sa kwarto nito. Wala na akong lakas na tumulong pa sa kanila kaya naman si Yaya Esme na ang nagasikaso kay Papa.

Dinala ako ni Eroz sa aking kwarto para gamutin ang aking sugat. Gusto niya akong dalhin sa hospital but I refuse. Tahimik lang akong nakatingin sa ginagawa niya sa sugat ko. Masama ang tingin ni Eroz dito, halatang galit siya sa nangyari.

"He wants to be with Mama. Paano naman ako?" pumiyok pang tanong ko kay Eroz dahil sa pagiyak.

"He forgot about me. Anong mararamdaman ko pag nawala siya? Masasaktan ako ng sobra...bakit naisip iyon ni Papa?" umiiyak na tanong ko kay Eroz.

Padabog niyang binitawan ang hawak na bulak at panggamot. Mabilis niya akong hinila at niyakap.

"Shh...baby, I'm here" pagaalo niya sa akin.

Nakaramdam ako ng tampo kay Papa dahil doon. It's bad na maramdaman ito pero hindi ko mapigilan.

"Nagalit ka ba kay Papa? Sa mga sinabi niya sayo?" tanong ko.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Galit ako sa kanya dahil nasaktan ka. Galit din ako dahil pumasok sa isip niyang iwanan ka"












(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro