Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

You can also follow me on IG and Twitter "Maria_Carcat" keep safe always and God bless. Love lots, Maria.
___________


Trust




Nagtago ako ng dumaan si Papa. Ang mga salitang sinabi niya kay Eroz ay parang tumagos din sa akin. Nasasaktan ako para sa kanya. He doesn't deserve it. Ramdam ko ang paginit ng magkabilang gilid ng aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha. I love Eroz, that's why pag nasasaktan siya, doble ang sakit for me.

Nag angat ako ng tingin ng maramdaman kong naglakad na siya papalapit sa aking gawi. I was about to hide pa sana but it's too late. He already saw me.

"Gertie, what are you doing here? Kanina ka pa dito?" marahang tanong niya.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang paghawak niya sa akin. He touched me we tenderness after niyang makarinig ng masasakit na salita galing kay Papa. I was expecting na galit siya o kahit tampo man lang sa akin kasi, it's because of me naman.

Umigting ang kanyang panga ng makita niyang umiiyak na ako. He closed the gap between us, wala na akong nagawa kundi ang hilahin siya palapit sa akin para mayakap. I don't have strength to tip toe because it nakakapagod. Si Eroz ang nag adjust so I can make yakap.

"I'm sorry, Narinig ko ang paguusap niyo ni Papa" pag amin ko.

Dahil sa aking sinabi ay mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Chismosang curious" he chuckled like it was just a joke, but it wasn't! 

"Eroz, this is not a joke. I know you're hurt. I'm hurting for you" pag amin ko, patuloy pa din na nanlalabo ang mga mata dahil sa pagiyak.

He just want to lighten the mood. Nagagawa pa niyang asarin ako para lang hindi ko masyadong isipin ang nangyari.

"Shh, it's ok. I'm ok" paninigurado niya sa akin.

Umayos siya ng tayo habang nakayakap pa din sa akin. He kissed me sa ulo at mas lalong humigpit ang kanyang yakap.

"Ayos na ako" sabi niya pagkatapos suminghap.  "Ayos na ako, kasi nandito ka" dugtong pa niya dahilan kung bakit mas lalo akong naging emotional.

Pinatahan niya ako, siya pa mismo ang nagpahid ng luha sa aking mga mata. Siya ang nasaktan pero ako ang umiiyak. Mapula ang pisngi ni Eroz dahil sa pagkakasuntok ni Papa.

"I'm sorry for this" sabi ko habang marahang hinaplos ang kanyang pisngi.

Pumungay ang mata ni Eroz, kinuha niya ang kamay kong nasa pisngi niya at dinala iyon sa kanyang labi para halikan.

"Wala kang kasalanan. Stop saying sorry"

Humaba ang aking nguso. "I'm sorry" paguulit ko pa din kaya naman tumaas na ang isang sulok ng labi nito.

"Ang tigas ng ulo, iiponin ko muna ang parusa mo" nakangising sabi niya sa akin.

Napahigpit ang hawak ko sa suot niyang white tshirt. Napapikit ako ng humilig ito sa akin para halikan ako. It was a deep kiss. Ramdam ko yung diin or I rather say sabik. But still, he wants to be gentle.

"Yan lang muna sa ngayon" nakangising sabi niya sa akin, tukoy sa kiss.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib. "It's bitin" nakangusong sabi ko na ikinatawa ni Eroz.

Panay ang ngisi nito sa akin habang pabalik kami sa harap ng room ni Tita Elaine. Nagagawa pa talaga niyang tumawa matapos ng nangyari kanina. He thinks siguro na nakalimutan ko na iyon, but hindi!.

Sina Yaya Esme, Kuya Rafael, at Papa pa din ang nasa labas ng room ni Tita. Papalapit pa lang ay nakita ko na ang masamang tingin ni Papa sa magkahawak naming kamay ni Eroz. After sa hands ay tumaas ang tingin niya kay Eroz.

Halos humarang ako sa harapan ni Eroz para lang maputol ang masamang tingin ni Papa sa kanya. Kung pwede lang saluhin ay sasaluhin ko. I will fight for Eroz. Papa just need to be enlighten.

Tumikhim siya at nagiwas ng tingin sa amin. Marahang pinisil ni Eroz ang aking kamay kaya naman napatingala ako sa kanya. He just look at me with amusement.  I just give him a smile with assurance na hindi kami maghihiwalay.

My Papa's opinion to Eroz will never change the fact that I love him. I love everything about him, even his simple plans. Even this simple life. I love everything about us, wala na akong mahihiling pa. Worldy things will fade, but love doesn't. True love will never fade kahit pa lumipas ang panahon.

Tahimik lamang kami. Pinapanuod ko kung paano paglaruan ni Eroz ang diamong ring na nasa kamay ko. Mariin ang tingin niya dito at sa aking mga daliri na para bang may iniisip siya.

Napatayo kami sa gulat ng sumilip si Tito Axus mula sa room.

"Eroz anak, call the Doctor. Gising na ang Mommy mo" sabi nito.

Mabilis kong binitawan si Eroz para makatakbo siya papunta sa nurse station to deliver the good news. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig but at the same time ay kinabahan din. Papagalitan ba ako ni Tita Elaine? I'm scared.

"Tara sa loob, Senyorita" yaya sa akin ni Yaya Esme. Nauna na si Kuya Rafael sa loob para puntahan din si Ate Xalaine.

Maging si Papa ay naghihintay sa aking sagot.

"I'll wait for Eroz po" sabi ko sa kanila. I saw how it saddens my Papa. I love him so much, but we really need to talk about this.

Naiwan akong magisa sa hallway habang naghihintay sa pagbabalik ni Eroz. Napaayos ang ng tayo ng makita kong humahangos na ito pabalik. Diretso ang tingin niya sa akin, malalaki ang kanyang bawat paghakbang na para bang nagmamadali siyang makalapit sa akin.

"You waited for me" he said. I just nodded before niya mahigpit na pinagsiklop ang aming mga kamay.

Hihilahin na sana niya ako papasok sa kwarto ng magalinlangan ako.

"Shh. It's ok. She'll be glad that you're ok" pagaalo niya sa akin.

Tumango ako, humigpit din ang hawak ko sa kanya. Magkasama kaming pumasok sa room ni Tita. Napasinghap ako ng makita kong umiiyak ito habang yakap ni Tito Axus. Sa gilid ay umiiyak din si Ate Xalaine na yakap ni Kuya Rafael.

"Hindi ko maramdaman ang mga paa ko. Wala akong maramdaman, Axus!" umiiyak na sumbong niya dito.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Namanhid ang aking buong katawan.

"It's just temporary. Gagawin natin ang lahat para makalakad ka ulit" Si Tito Axus.

Naghari ang iyak ni Tita sa buong kwarto. Even si Yaya Esme ay emotional din. I want to cry also pero walang tumulong luha sa aking mga mata. Maybe because my whole body feels numb.

"Gusto ko pang makalakad, Axus!" sumbong ni Tita dito.

Tito Axus is crying also, kita ko ang pamumula niya dahil dito.

"Wala akong maramdaman" paulit ulit na sumbong niya tukoy sa kanyang mga paa.

Bumaba ang tingin ko sa magkasiklop naming mga kamay ni Eroz. His Mom need him. Hindi ko ipagkakait sa kanya ito, It's ok if he'll let go of my hands for awhile.

"Gertie..." tawag niya sa akin ng mapansin niya ang ginagawa kong pagbitaw.

"Tita needs you" paos na sabi ko.

Pumungay ang kanina pang namumula niyang mata. I know naman na nasasaktan siya for Tita. I understand the pain dahil naranasan ko din iyon sa Mama ko.

Marahan ko siyang tinanguan para sabihing lumapit na siya, It's ok lang na iwan niya ako sandali. Nanatili ang tingin niya sa akin na para bang pinagaaralan pa niya ang sinasabi ko. I know, ayaw niya ng magkamali ulit. He doesn't want to make me feel yung mga naiparamdam niya sa akin kahapon.

"I'll wait for you here" paninigurado ko.

Dahil sa aking sinabi ay naglakad na siya palapit doon. Tinawag niya si Tita, mabilis itong bumitaw kay Tito Axus para yakapin si Eroz. Mas lalong lumakas ang iyak nito. Dahil sa tagpong iyon ay naiyak na ako. He's hurting again because of me.

Mahigpit ang yakap niya kay Tita, nanatiling nakapikit si Eroz habang dinadama ang sakit ng tagpong iyon. Nakita ko kung paano kumuyom ang kanyang kamao. Masakit na marinig ang iyak ng parents mo, lalo na ng iyong Ina.

"I'll walk with you to church, sasayaw pa ako sa kasal mo. Ang mga paa ko..." umiiyak na sumbong niya kay Eroz. Napasinghap na ako at napatakip sa aking bibig.

Nakita ko pa ang pagaalala sa tingin ni Kuya Rafael sa akin. Napayuko na lamang ako at tahimik na umiyak. If I could just give my ability to walk kay Tita Elaine, I would give it to her.

When the Doctors and some nurses came in, mas lalong naging emotional si Tita to the point that they to inject something on her to make her calm. Bukod sa paa ay malalim din ang sugat ni Tita sa ulo, ilang galos at mga pasa katawan.

Lumapit si Papa kay Tito Axus para kausapin ito ng kumalma na ang lahat at makatulog na ulit si Tita Elaine. She needs more rest to regain her energy at gumaling kaagad.

Dahan dahan akong lumakad papalapit sa hospital bed nito. Si Eroz na lang ang naiwan sa kanyang tabi. Hawak nito ang kamay ni Tita Elaine.

"Eroz..."

Kaagad niya akong nilingon. He gave way para mas lalo akong makalapit kay Tita. Naramdaman ko kaagad ang kamay niya sa aking bewang habang isa naman ay nakahawak pa din sa kamay ng Ina.

"I understand if magagalit si Tita Elaine sa akin if she wakes up again" sabi ko dito pero umiling si Eroz.

"Hindi siya galit sayo"

Humaba ang nguso ko. "She has the right to hate me. I understand"

Mas lalo niya akong inilapit sa kanya. Naramdaman ko kaagad ang paghalik niya sa aking ulo.

"She loves you so much. Hindi iyon mangyayari" paninigurado niya sa akin. Imbes na magsalita pa ulit ay natahimik na lamang ako.

Nang dumilim ay tinawag na ako ni Papa para umuwi. Gusto ko pa sanang samahan sila dito sa Hospital para hintayin ang muling pag gising ni Tita Elaine.

"Iuuwi ko na si Gertie sa amin" Si Papa kay Eroz.

Humigpit ang hawak ko kay Eroz. "Naiintindihan ko Tito, pero babalik po kami ni Gertie sa bahay namin pagkatapos ng lahat ng ito" matapang na sabi ni Eroz.

Sumama ang tingin ni Papa kay Eroz. He was about to say something pa sana ang kaso ay narealize niyang kaharap nila ako.

"Let's see then" si Papa.

"Tara na, Gertie" tawag ni Papa sa akin, nauna pa siyang naglakad palayo. Bahagyang lumayo si Yaya Esme yo give us some privacy.

"Sige na, you need to rest, buong araw kang nandito" sabi ni Eroz sa akin habang  marahang hinahaplos ang aking buhok.

"You need to rest also" sabi ko sa kanya. Kita sa mukha niya ang pagod, lungkot at antok. Kung ako iyon, baka himatayin na ako. Eroz is so strong talaga.

"Rest for me then" nakangiting sabi niya sa akin.

Humaba ang nguso ko para itago ang nararamdaman hiya at kilig. "I miss you, and I'll gonna miss you more, uhm...tonight" i said because magkakahiwalay nanaman kami.

Marahan niyang pinagdikit ang noo naming dalawa. "I miss you too, baby. I miss you kahit kasama kita. Pakiramdam ko hindi sapat ang buong araw, I want us to be together all the time" he said before he kissed me.

"Uhm...kahit naliligo?" tanong ko after the kiss.

Mariing napapikit si Eroz. "Damn, stop giving me ideas. Let me sleep" nakangising sabi.

Umuwi ako sa Villa kasama sina Papa at Yaya Esme. Dumiretso kaagad ako sa kwarto para magbihis before ako pumunta kay Papa for us to talk. He needs to know na I will never give up Eroz.

After doing my night routine at sinadya ko siya sa room niya but wala siya doon. That's why nagkaroon ako ng idea na baka nasa office niya siya.

I was about to knock sana ng mapansin kong bukas naman ang pinto. I don't want to eavesdrop but narinig ko ang pagiyak ni Papa. Sumilip ako at nakita kong he's drinking habang hawak ang picture ni Mama.

"It's been years, pero hindi ko pa din kaya. Hindi ko kaya na wala ka..." pagkausap niya sa litrato ni Mama.

Bumigat ang dibdib ko. I miss Mama too. All this time akala ko, he's ok na and nakakamove on. But we can never tell, he loves Mama so much na all this year ipinakita niya sa aking strong siya.

"I need you here. Why did you need to leave?" umiiyak na tanong pa din ni Papa.

Imbes na pumasok at kausapin siya tungkol sa amin ni Eroz ay hinayaan ko na lang muna. He needs time. Mas lalo ko tuloy naisip na maybe that's why he is too protective of me because he doesn't want to fail si Mama. Na if ever Mama is around, wala itong masasabi sa kanya because he did everything for me, he gave me all the best in life kaya naman ganuon niya kung tingnan si Eroz.

Mas eager akong makausap si Papa because of that. He needs to know na he's the best Papa in the world for me. Wala na siyang dapat patunayan pa because he did naman na everything. He should stop pressuring his self. I'm happy and contented. And I love him so much. I'm thankful for everything.

Maaga akong gumising kinabukasan para tumulong kay Yaya Esme and sa ibang kasambahay to prepare breakfast. Dahil sa paginom ni Papa kagabi, I'm sure he'll wake up late na. Hindi na ao napigilan pa ni Yaya Esme ng magpahatid ako sa isa sa aming driver papunta sa hospital.

Sa rest house ng mga Herrer nag stay si Ate Xalaine at Kuya Rafael. Si Tito Axus lang at Eroz ang naiwan sa hospital. Ngayong araw din makakalabas si Tito Darren.

"Good morning" bati ko kay Eroz ng makita kong siya lang ang gising pagkasilip ko sa room.

Mabilis siyang tumayo para puntahan ako. I see in his face na wala pa din siyang maayos na tulog.

"Good morning" he said and kissed me in the head. Itinaas ako ang lunch box na dala ko para sa kanya at kay Tito Axus.

Lumabas kami sa may bench sa hallway para doon siya kumain. Napuyat sila kagabi dahil nagising si Tita Elaine that's why tulog pa din si Tito Axus sa tabi nito.

"Eat with me" yaya niya sa akin.

Marahan akong umiling. Masarap naman ang foods na hinanda namin but I don't want it. Pero hindi pumayag si Eroz na hindi ako kakain, sinubuan niya ako.

We stayed there hanggang sa magising si Tita Elaine. Kagaya kahapon ay kinabahan ulit ako, but then nawala ang lahat ng iyon dahil kay Eroz.

"I'm here" it was just a simple word pero grabe ang security na naramdam ko.

Pagkapasok pa lang sa room ay sinalubong na kaagad ako ng tingin ni Tita. Maayos siyang nakaupo sa bed habang abala si Tito Axus na magprepare ng breakfast nila. Mas kalmado na siya ngayon kesa kahapon.

Ilang beses akong nagiwas ng tingin habang papalapit sa kanya. Wala akong mukhang naiharap, I know my kasalanan.

"Gertie, anak" tawag niya sa akin at nakalahad pa ng kamay.

Nagulat ako dahil duon. I never thought na magiging ganito kadali. Hindi na ako nagsayang ng oras at kaagad na tumakbo sa kanya at yumakap. Muling bumuhos ang aking mga luha ng tuluyan ko siyang mayakap. Parang nagbalik ang mga scenes sa utak ko ng nangyari nung gabing iyon.

"I'm so sorry, Tita Elaine" paulit ulit kong sabi.

"Shh. It's not your fault. Ang mahalaga ligtas ka" she said na mas lalo kong ikinaiyak.

Gumaan ang aking dibdib because of that. Hindi man kami makapagusap ng matagal ay ramdam ko naman ang love ni Tita sa akin dahil sa kanyang yakap.

Lumabas kami ni Eroz ng magtanghali ng dumating ang kanyang mga pinsan. Nasa loob sina Tito Alec at Tita Maria Herrer.

"Eroz..." tawag sa kanya ng pinsan niyang Doctor na si Kenzo.

Inilibot ko ang aking paningin. Ang nandoon ay sina Tadeo, Piero, at Kenzo Herrer kasama ang kanilang mga asawa.

Nagtaas kaagad ng kilay si Piero ng makita ko. Nagiwas ako ng tingin dahil doon. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanila.

"Mommy!" tila ng isang bata. May bangs ito at may hawak na pagkain.

Kaagad siyang naglahad ng kamay sa asawa ni Piero. Kagaya ng bata ay may bangs din ito. I find them cute.

"Si Gertrude, fiance ko" pagpapakilala sa akin ni Eroz sa pinsang si Kenzo.

Ngumiti si Kenzo at naglahad ng kamay. Ipinakilala din ako ni Eroz kina Sera, asawa ni Kenzo. Si Castel asawa ni Tadeo at si Amary na asawa ng masungit na si Piero.

"Mas bata pa ito kay Tathi. Akala ko si Tathi na ang pinakabata sa amin" si Sera.

Alanganin akong ngumiti sa kanya. I don't understand kung anong sinasabi niya.

Naramdaman ko ang kamay ni Eroz sa aking bewang. Humalukipkip si Sera at nagtaas ng kilay sa asawang si Kenzo.

"Kayong mga Herrer talaga, magaling mang-uto ng bata" sabi ni Sera at napapailing pa. Tinawanan siya nina Castel at Amary.

Mas lalong sumimangot si Piero. Nginitian ako ni Tadeo kaya naman I smiled back.

"So anong plano?" si Tadeo.

Nagulat ako ng kaagad na napatayo ang asawa nitong si Castel. "Mission!" sabi nito  dahilan para lumapit din sa kanya si Sera.

Mariing napapikit sina Kenzo, Tadeo at Piero. Kumunot ang noo ko, hindi ako makasabay sa kanila.

Umupo ako sa bench katabi ni Amary ng magpaalam si Eroz na kakausapin si Kenzo tungkol sa lagay ni Tita Elaine.

"Ang ganda ng baby niyo ni Piero. Mas kamukha mo" sabi ko tukoy sa batang nakakandong sa kanya.

Matamis na ngumiti si Amary sa akin. "Salamat. Sinama namin kasi humabol" sabi niya at malambing na sinuklay ang buhok ng anak.

"What's her name?" tanong ko.

"Prymer Amora. Prymer, kiss Tita Gertie" malambing na utos niya sa anak.

Bumaba ito mula sa kanyang pagkakakandong para lumapit sa akin at humalik sa aking pisngi. She's so cute ng ngumuso para halikan ako sa pisngi. I kissed her cheeks too.

"Tangina!" si Sera. Nagulat ako, I thought she's angry that's why she cursed pero tumatawa naman sila ni Castel at nag apir pa.


Nabibigla ako sa presence nila. Or maybe dahil hindi lang talaga ako sanay sa mga tao. Si Eroz at Kenzo ang magkausap. Sina Piero, Tadeo, Castel at Sera naman ang sa kabila.

"Sasakyan ulit ni Piero, si Amary ang driver" si Castel. Dahil dito ay sandaling nagpalaam si Amary sa akin para lumapit sa kanila.

Naiwan tuloy ako kay Prymer na lakad ng lakad sa aking harapan. May hawak siyang pagkain. It was like a special tikoy.

Tahimik ko siyang pinanuod hanggang sa lumapit siya sa katabi kong upuan. She tried to make sampa. But imbes na tulungan siyang makaakyat at makaupo ay hinayaan ko. She's so cute while struggling. I'm such a bully.

Mas lalo siyang nahirapan dahil sa hawak na pagkain.

"Amputa!" sigaw niya na ikinagulat ko. Nanlaki ang aking mga mata. The baby is cursing!

Nilingon ko si Eroz, nakangiti na ito sa akin. Mukhang kanina pa ako pinapanuod. 

Dahil sa pagmumura ni Prymer ay wala na akong nagawa kundi ang buhatin siya at tulungang makaupo sa aking tabi. Ngumiti siya sa akin.

"Thanks" tipid na sabi niya.

Kumuha siya ng tikoy sa hawak na lalagyan at ibinigay sa akin. Ngumiti ako at tinanggap iyon. Pagkatapos kong tanggapin ay itinuro niya ang tiyan ko, nagulat ako ng kumuha siya ulit para ibigay sa akin.

"One is enough. Thank you" I said pero ang hawak na tikoy ay itinapat niya sa tiyan.

Tumawa ako at bumaba din ang tingin ko doon. I don't understand kung anong sinasabi niya but she's so cute talaga.

Naiwan si Prymer sa amin ni Eroz ng pumasok sa room ni Tita ang mga pinsan nito together with ther wife.

"Where's Tathi and Cairo?" tanong ko kay Eroz ng lumapit siya sa amin.

Binuhat niya si Prymer para doon siya umupo sa tabi ko at kinandong ito.

"Bakit mo hinahanap si Cairo?" masungit na tanong niya sa akin.

"Because, he's not here. Hahanapin ko ba siya if he's here?" laban ko na ikinairap niya.

Hinalakin niya sa pisngi ang kandong na si Prymer. Bigla akong nakaramdan ng kilig for Eroz. He's good at taking care ng mga kids.

"Oh my, Amputa!" hiyaw ni Prymer ng mahulog ang kapiraso ng kanyang kinakain.

Pinanlakihan ko ng mata si Eroz. Mana talaga kay Piero ang baby nila.

Ngumisi si Eroz at hinalikan ito sa ulo. "Baby, that's bad" malambing na suway niya dito.

Tumuro si Prymer sa pintuan. "Dad" paninisi niya. See, even the bata alam na bad si Piero.

Malambing si Eroz sa pamangkin, that's why I know na he'll be a good father one day.

Paunti unti kong kinain ang tikoy na ibinigay ni Prymer sa akin. Nagustuhan ko din naman kaagad iyon.

"Buti na lang you're not cursing. I won't worry na mag curse ang baby natin sa future" sabi ko. Hindi ko na napigilan.

Nilingon ko si Eroz ng tumahimik ito. Nagulat ako ng makita kong mapula ang kanyang tenga at pigil ang kanyang pag ngiti.

"Can't wait for that day" malambing na sabi niya.

Ang pisngi ko naman ang uminit ngayon. "I can't wait for that day also, but baka hindi kayanin ng tummy ko" sumbong ko sa kanya.

Tumawa si Eroz. "Trust me, kaya mo yan"  sabi niya at mukhang balak talagang lagyan ng baby ang tummy ko.

Sa huli ay sumangayon na lang ako. Tama siya.

"I promise to trust you, no matter what" serious na sabi ko. Hindi lang para sa plan for having a baby but para sa lahat.

Hinawakan ni Eroz ang aking kamay. "Magtitiwala tayo sa isa't isa kahit anong mangyari" paninigurado niya sa akin.

Tumango ako at itinaas ang aking kamay. "Pinky swear" sabi ko na ikinapikit niya at ikinangisi.

Natawa kami pareho ng ginaya ako ni Prymer.

"I'll trust us, no matter what happen" paninigurado ko kay Eroz.











(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro