Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Birthday






Maaga akong gumising kinaumagahan. Sometimes, super late na akong nakakatulog but still nagigising pa din ng around five or six ng umaga. Maybe because sana na ako sa buhay dito. Nagigising din kasi ako sa tilaok ng manok ng mga neighbors namin and I also want na maunang magising kay Eroz pero I always failed. Madilim pa lang ata nagigising na siya sa umaga.

Mabilis akong pumasok ng bathroom para maghilamos and do some morning skin care routine. Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na naisipang maligo. Sa bahay na lang mamaya pag nakauwi na kami ni Eroz. And amoy baby naman ako, I'm sure of that.

Pagkalabas ng banyo ay patakbo akong lumabas ng aking kwarto. I'm wearing na simple beige color dress. Napahinto ako sa hallway ng makita ko si Eroz. Maingat siyang naglalakad papalapit sa aking kwarto while sipping on his hawak na tasa ng kape.

Nagangat siya ng tingin sa akin. Medyo nabigla din ng makita ako. Naapaayos ako ng tayo bago ko siya matamis na nginitian.

"Good morning, Eroz"

Hindi na ako nagdalawang isip pang lumapit sa kanya. Hindi naman na din siya gumalaw at hinintay akong makalapit sa kanya. The way he looks at me walking towards him weaken my knees. Bahagya na lamang akong napanguso. Early in the morning tapos siya ang sasalubong sa akin.   Super ganda ng morning ko.

"Coffee yan?" tanong ko. It's obvious naman. I just want to divert his attention because hindi ako makalakad ng maayos sa tingin niya sa akin.

Tipid siyang tumango bilang sagot sa akin. Nang tuluyan akong makalapit sa kanyang harapan ay dinungaw ko ang kape. It's pure black. Nag angat ako ng tingin sa kanya ng ilapit niya sa akin ang tasa. He wants me to sip on his coffee.

"It's pure black. But I know tirador ka ng kape so, you'll like this too" pangaasar niya sa akin. Ang ngiti sa mga labi ni Eroz ay hindi na niya magawang itago. Natawa din tuloy ako dahil sa kanyang sinabi.

"I'm not tirador kaya. I just love...coffee"  laban ko sa kanya bago ako dahan dahang sumimsim sa kanyang kape.

Pinanuod niya ako habang ilang beses kong ginawa iyon. I just love coffee and I just can't help myself to stop sipping from it. Hinayaan niya naman ako.

"Sige na nga. A little bit tirador lang" natatawang pagsuko ko. Ibabalik ko na sana sa kanya ang tasa pero hindi niya tinanggap.

"Sayo na yan" marahang sabi niya sa akin. Namanhid pa ang buong pisngi ko ng maramdaman ko ang hinlalaki niya sa gilid ng aking labi.

"But, it's yours"

Tipid niya akong nginitian. "Kaya nga sayo din" makahulugang sabi niya.

Kumunot ang aking noo. "Huh? Paano nangyari iyon?" tanong ko.

Nagulat ako ng irapan ako ni Eroz. Hinawakan niya ako sa siko para hilahin paalis duon.

"Magalmusal na tayo. Kanina pa naghihintay ang Papa mo"

Pagdating sa dinning ay kaagad na napatayo si Papa ng makita ang aming pagdating. Puno ng pagkain ang lamesa, halos lahat ay paborito ko.

"Good morning, Papa" bati ko sa kanya. Maingat ko pang inilapag ang tasa ng kape sa lamesa bago ako tumakbo palapit sa kanya para yumakap at humalik.

"Indeed a very Good morning to me dahil kasama kita" malambing na sabi niya sa akin habang yakap yakap ako.

Nagsimula kaming kumain ng breakfast. I'm thankful na iba na ang topic ngpaguusap nila ni Eroz. It's not about na sa simpleng pamumuhay ni Eroz. Tungkol na iyon sa mangyayaring fiesta ng Sta. Maria.

"Pinabili ko talaga iyan para sayo" sabi ni Papa ng ilabas ng isa sa mga kasambahay namin ang coffee from my favorite coffee shop.

"Thank you, Papa" excited na sabi ko. Isa isa iyong inilapag ng kasambahay sa aming harapan. Even si Eroz ay mayroon din.

"Anything for you, Hija" malambing na sabi niya sa akin bago siya makahulugang tumingin sa aking katabing si Eroz. I know that look again, si Papa talaga.

"Alisin niyo na din ito" sabi niya at tangkang kukunin ang tasa ng kape na galing kay Eroz ng pigilan ko siya.

"Uhm. I'll drink this too" sabi ko kaya naman sumimangot si Papa.

Sa huli ay napabuntong hininga na lang siya at hinayaan ko. He's spoiling me to much na kahit sa ganitong bagay ay hinahayaan niya ako. Maingat kong inayos ang pagkakalagay ng tasa sa aking tabi, itinabi ko din duon ang kape na galing kay Papa. Kung nakakalasing lang ang kape. Baka araw araw akong lasing. My coffee tolerance for sure is high na. Minsan nga ginagawa ko na iyong pampatulog.

Nilingo ko si Eroz pagkatapos nuon. Naabutan ko siyang nakatingin din sa akin. Pinapanuod ang aking kanina pang ginagawa. Naputol lang ang tinginan namin ng tumikhim si Papa.

Napunta sa gaganaping Fiesta ang kanilang usapan. Isa ang fiesta ng Sta. Maria sa pinakaengrande at pinaghahandaang fiesta sa Bulacan. Halos ilang linggo bago ang araw ng fiesta ay marami ng activities sa bayan. Lalo na sa pinakamalaking simbahan ng Sta. Maria. Ang Immaculate Concepcion parish church.

"Bukas o sa susunod na araw ang dating nila Yaya Esme kasama ang mga magulang mo" sabi ni Papa kay Eroz.

"Opo Tito, nasabi na din po sa akin ni Mommy. Natawagan ko na ang mga nasa resthouse para makapaghanda" sagot ni Eroz dito.

Sayang at hindi makakapagspend ng time si Papa dito. Marami siyang kailangang gawin sa Manila. While ang mga Herrer naman ay nakasanayan ng maghanda tuwing fiesta.

Time really run too fast when you are enjoying the moment. Malungkot na magkakahiwalay nanaman kami ni Papa. But I need to understand na he needs to work. Iyon na din kasi halos ang naging libangan niya all these years simula ng mawala si Mama. And I know, being here sa mansion makes him miss Mama more.

"I'm always one call away, Gertie. Pag may kailangan ka. Kahit ano anak" marahang sabi ni Papa sa akin while caressing my face. Titig na titig siya sa akin na para bang he wants to memorize my face. Sabi ni Yaya Esme kamukha ko si Mama. Kaya siguro.

Marahan akong tumango. "Thank you, Papa. But sometimes...your line is busy" pagdadahilan ko kaya naman natawa ito at  mariing napapikit. Look like, Papa ko stress na din.

"I'm sorry about that. Never na ulit magiging busy ang line ko para sayo" sabi niya bago ako hinila para sa isang matagal at mahigpit na yakap.

Matapos magpaalam sa akin ay kay Eroz naman. Nilapitan niya ito, Eroz is wearing a simple white tshirt and maong pants. Ang magkabilang kamay ay nakatago sa kanyang likuran.

"Ikaw na muna ang bahala sa anak ko, Eroz. Hindi ko pa iyan ibinibigay sa iyo. Tandaan mo, pwedeng pwede ko pang bawiin sayo...kaya ingatan mo" seryosong sabi ni Papa dito. I feel so touched because of what I hear.

Nakipaglaban ng tingin si Eroz kay Papa. "Makakaasa kayo, Tito" paninigurado niya dito.

"Si Gertrude na lang ang meron ako. Sa oras na saktan mo yan, para mo na din akong pinatay Eroz" makahulugang sabi ni Papa. Hindi ko tuloy napigilang maging teary eyed.

Mula kay Papa ay lumipat ang tingin ni Eroz sa akin. Bahagyang pumungay ang kanyang mga mata ng makita niya ang pangingilid ng luha sa aking mga mata. Mabilis ko iyong pinunasan para hindi na tumuloy pa. Bahala na maging eyebags ang mga luhang hindi lumabas. Marami pa naman akong eye cream.

"Hindi ko po sasaktan, Tito. You have my words" paninigurado niya kay Papa.

Napatango si Papa bago siya tuluyang lumapit kay Eroz at hinawakan ito sa balikat. Eroz bow his head even more. The way Papa put his hand on Eroz shoulder is like a scene from one of my favorite princess story. King bless his mighty warrior before going to a war.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko ng tuluyang makasakay si Papa sa naghihintay na sasakyan sa kanya. Luluwas siya ng Manila together with his driver. I wave goodbye habang palabas ang sasakyan.

Naramdaman ko ang presensya ni Eroz sa aking tabi. Tsaka ko lang siya nilingon ng tuluyan ng mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Papa.

"Oh. Good morning, Chin chin" bati ko sa puppy namin na buhat buhat na niya. Marahan kong hinaplos ang malambot at itim nitong buhok.

"Sleepy ka pa din?" natatawang puna ko sa tuta ng mas lalo itong magsumiksik sa bandang kilikili ni Eroz para matulog ulit.

"Uwi na tayo?" tanong ni Eroz sa akin.

Mula kay Chin chin ay nagangat ako ng tingin sa kanya at tumango. Tipid siyang tumango pabalik sa akin bago niya hinawakan ang aking kamay. Ang isang kamay niya ay karga ang aming tuta habang ang isa naman ay nakahawak sa akin.

Maaga pa naman at hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw kaya naman it's ok for me na maglakad kami pauwi. It was like family kami na naglalakad, he was carrying our baby dog.

Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang ninanamnam ang pagkakataon. Parang dati, I'm just imagining things. Na maging mabait si Eroz sa akin, na nakakapagusap kami. Na maging close ko siya. But now, I recieve more than what I ask for. I pray for this, kung alam lang ni Eroz na he's in my every prayer.

I think. That is more way meaningful and nakakakilig. Like, everyone can say I care for you. Even nga I love you, many can say those words. Pero iba ang dating if you hear someone says...You are in my every prayer.

"Oh ang aga aga, ang tamis niyong magasawa" pangaasar ni Aling bing sa amin ng madaan kami sa kanyang tindahan.

Pansin niya ang pagkahiya ko kaya naman mas lalo siyang natawa. Nilingon ko si Eroz, wala man lang siyang violent reaction duon. Nakangiti pa siya kay Aling bing.

"Sa fiesta po, may handaan sa bahay. Punta po kayo" pagiimbita niya dito.

"Sa mansyon niyo?" si aling bing.

Isa pang napansin ko kay Eroz, he takes everything simple as possible. Kahit pa tama si Aling bing na Mansion like ang resthouse nila. Hindi niya iyon tinawag na Mansion, he just call it bahay na para bang for him. It's all the same. Walang maliit, walang malaki. A house is a bahay, period.

Malapit na kami sa bahay ng matanaw ko ang kulay pulang montero sports sa harapan ng bahay nina Tito Darren. Bukas ang likuran and may mga gamit na ibinababa. I think, si Louie iyon. Tapos na siguro ang bakasyon niya sa side ng family ni Tita Luna.

"Kuya Eroz!" sigaw nito ng mapansin niya kami pagkalabas niya.

Kaagad siyang tumakbo palapit sa amin. Buong akala ko ay bibitawan ako ni Eroz pero he did not do it. Niyakap siya ni Louie, nagalala tuloy ako for Chin chin baka mapipi siya. Just like, Tito Darren and Eroz body ay ganuon din ang kay Louie. They call it here batak. So it's a younger batak na body version siya.

Matapos kay Eroz ay lumipat ang tingin niya sa akin. "Ito na ba? Ito na ba Kuya?" pangaasar niya kay Eroz pero kagaya kanina ako ang nakaramdam ng hiya.

"Si Gertrude, fiance ko" pagpapakilala niya sa akin. He say that without hesitation kaya naman mas lalong uminit ang aking pisngi.

"Whoa. When kaya?" pangaasar niya niya at umacting pang masakit ang dibdib niya.

Tinawanan siya ni Eroz. "Louie nga pala, Ate..." pagpapakilala niya sa akin. Napanguso ako.

What Ate? Eh he looks like mas matanda pa nga sa akin eh. Nagkaroon ako ng chance na pagmasdan si Louie. He looks like Louis partridge. He's gwapo, eh super gwapo din kasi ni Tito Darren. Tito Darren looks like a older version of him.

"21 lang si Gertie" si Eroz na ang nagsabi sa kanya.

Napasapo siya sa kanyang noo. Ngayon pa lang I know na, na makulit siyang kind of person.

Dahil sa pagdating ni Louie ay umingay ang bahay ni Tito Darren. And I see how happy Tito is, dahil sa presensya nito. Even si Tita Afrit, he welcomes Tita Afrit. He even hug her pa. Louie is 16. Mas bata siya sa akin pero mas matangkad. Mas mukhang siya pa nga ang tatawagin kong Kuya. But, I'm sure we'll be friends din. Unang tingin mo pa lang sa kanya, he looks friendly na. 

Abala ang lahat. Even si Tita afrit, maging si Eroz din. Kahit nasa bahay ay ang dami pa ding trabaho. Dahil fiesta, madami ang natanggap na order ng factory. Abala ako sa pakikipag chat kay Yaya Esme. Super excited na siyang pumunta dito kaya naman kung ano ano na ang nasasabi niya. Nagulat na lang ako ng makareceive pa ako ng isa pang message it's from Hobbes.

"Birthday ni Hobbes ngayon?"  tanong ko sa kawalan. Dahil sa gulat ay napalakas iyon. Nang lingonin ko si Eroz ay nakatingin din siya sa akin imbes na sa kaharap na mga papel.

Napakagat ako sa aking pang ibabang labi. Muli kong binasa ng tahimik ang message niya. Pupunta siya dito after lunch to make me libre because it's his birthday. Pero paano? Paano ako magpapaalam kay Eroz?

Sa sobrang kabang nararamdaman ay hindi ko naiwasang kurutin ang likod ng aking palad. I don't want to ruin kung anong meron kami ni Eroz ngayon. At the same time, ayoko din namang baliin ang pangako ko kay Hobbes. He is my friend and birthday niya ngayon.

"Aalis ka?" tanong niya sa akin pero ang kanyang buong atensyon ay nasa mga papeles.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. "I'm sorry" I said in advance.

Mula sa nga papel ay lumipat ang masungit niyang tingin sa akin.

"Sorry, because..." seryosong tanong niya sa akin.

Bumagsak ang tingin ko sa may lamesa. "I need to go. Nangako ako kay Hobbes, It's his birthday and we're friends..." marahang paalam ko. Nanatili ang titig ni Eroz sa akin halatang galit.

Pero sa huli ay mariin siyang napapikit at napabuntong hininga. "Si...Sige, Gertrude" pagsuko niya na ikinagulat ko.

"It's ok lang sayo?" paninigurado ko.

Nagiwas siya ng tingin sa akin. "Nangako ka. I don't want you to break your promise dahil pinagbawalan kita"

Tahimik lang si Eroz. Oo nga pinayagan niya ako pero ramdam kong napilitan lang siya. Bumigat tuloy ang dibdib ko for him. I feel so guilty. Mas dumoble pa iyon ng kinailangan ko ng magpaalam sa kanya.

"Ihahatid kita sa sakayan" pagprepresinta niya. Feeling ko tuloy ang sama sama ko. Na it's a torture for him. I don't want him to feel this way.

Nangingilid ang luha sa aking mga mata. Para bang ako pa ang nasaskatan ngayon for him. Tapos pag hindi naman ako tumuloy. I'll feel guilty din dahil nabigo ko si Hobbes.

"Eroz, thank you for being so understanding" marahang sabi ko habang naghihintay kami ng dadaang tricycle.

Hindi na niya ako maihahatid dahil may kailangan silang gawin sa palayan ni Tito Darren. And I think, it's not a good idea din na magpahatid pa sa kanya.

Hindi niya ako pinansin nung una hanggang sa malayo ay nakakita siya ng kakilalang tricycle driver at pinara iyon. Nagulat ako ng harapin niya ako, titig na titig siya sa akin. Ang kaninang galit sa kanyang mga mata ay napalitan ng lungkot.

"Gusto kitang ipagdamot. Pero hindi ko gagawin. Hindi ganuon ang pagmamahal na alam ko" marahang sabi niya.

"Gusto kong maranasan mo yung mga bagay na hindi mo nagawa nung bata ka, because of being too distant sa mga tao. Just please..." sandali siyang napahinto, nahirapan sa susunod na sasabihin.

Hanggang sa hindi na niya kinaya. Hinila niya ako palapit sa kanya at pinagdikit ang aming mga noo. "Just please, uwian mo ako. Balikan mo ako..." punong puno ng emosyon ang mga katagang iyon na para bang may mas malalim pa.

Magkakape lang naman kami ni Hobbes. Pero hindi ko alam kung bakit ganito ang paguusap namin ni Eroz. Hanggang sa marealize kong takot siyang maiwan. Takot siyang maiwanan ulit, and I understand.

"I promise, I'll comeback...with a pasalubong" sabi ko pa.

Yung dapat sanang iyak ni Eroz ay nauwi sa mura. "Damn, baby" he said bago ako niyakap ng mahigpit.

Maingat niya akong pinasakay sa loob ng tricycle. Titig na titig siya sa akin habang ang dalawang kamay ay nakapatong aa may bubungan nuon.

"Sa may bocaue, Manong" sabi niya sa driver. Dumukot siya ng pera sa kanyang bulsa at siya pa ang nagbayad ng pamasahe. Hindi lang ata ito torture kay Eroz. Maging sa akin din.

Marahan siyang napailing ng dahan dahang umandar ang tricycle. Like he wants to stop me from leaving but he has a firm decision na.

Si Eroz ang nasa isip ko buong byahe. He's possive in a way. Pero he knows when to limit it. Mas lalo akong naiinlove sa kanya. On how he handle everything about our arrangement. He's spoiling me too much. Akala ko ba hindi ako uubra?

"Happy birthday, Hobbes" bati ko dito ng magkita kami. Mula sa bocaue ay bumyahe pa kami patungo sa Nlex petron kung nasaan ang mga fastfood, restaurants, and coffee shop.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. I want him to feel na masaya naman ako while celebrating his birthday.

"Thank you, Miss" sabi niya sa akin.

After naming kumain sa isang restaurant ay nagpunta kami sa coffee shop kung saan kami mas nagtagal.

"Oh. May kinakasal na tikbalang" puna ko ng makita kong maaraw pero umaambon.

He stop sipping para lang tawanan ako kaya naman I make face na mas lalo niyang ikinatawa.

"Saan mo naman nakuha iyan?" tanong niya sa akin.

"Sa Yaya Esme ko" proud na kwento ko na ikinangisi niya.

Matapos ang pag ngisi ay dahan dahan siyang naging seryoso. "Are you happy, Gertrude?" tanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot kaagad. Pero sa isip ko, may sagot na. I'm more than happy. Dahan dahan akong tumango sa kanya.

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Thank you for the birthday gift" he said. He really considered my happiness as his gift.

Napatingin siya sa suot na wrist watch. "Umuwi ka na at baka hinahanap ka na ni Eroz" pagtataboy niya sa akin kaya naman humaba ang nguso ko. Ayan nanaman siya.

"Pinayagan niya ako. Nagpaalam ako, I'm not tumakas" laban ko sa kanya.

Ngumisi siya ay nagtaas ng kilay. "Herrer mga dakilang under...standing" pangaasar niya na ikinakunot ng noo ko. Pero mas lalo lang siyang natawa.

Umalis din kami ni Hobbes ng tumila ang pagambon. Nagaagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan. Isang mahigpit na yakap ang iniwan ko sa kanya bago ako tuluyang bumaba sa kanyang sasakyan. I love Hobbes as my friend. I want to keep him, importante siya sa akin.

Halos takbuhin ko ang layo ng kanto pauwi sa bahay namin. Kahit pa maputik ay hindi ko na inalinta. Gusto kong ipakita kay Eroz na bumalik ako, yun nga lang. Walang pasalubong.

"I'm home!" sigaw ko pagkapasok ko sa bahay.

Sunod sunod na pagubo ang narinig ko mula sa kusina. Nakita kong nakatalikod si Eroz. Kakatapos lang atang uminom ng kape.

"Are you sick?" nagaalalang tanong ko. Nang makalapit sa kanya ay hindi na ako nagdalawang isip na hawakan ang leeg niya. He's hot, I mean his literally hot. May lagnat siya?

"Ubo lang ito. Magpapahinga lang ako" sabi niya sa akin at kaagad akong nilagpasan para pumasok sa aming kwarto.

Hinayaan ko muna. Nagayos ako ng sarili bago ako sumunod sa kanya papasok sa kwarto. He's wearing a tshirt. Hindi kagaya ng ibang araw na he's topless. Halata ding giniginaw siya. May sakit na ba siya bago pa ako umalis?

Umupo ako sa sahig, sa kanyang tabi. Nilagay ko ang palad ko sa kanyang noo. Mukhang mataas ang lagnat niya. Nakapikit lang siya at paminsan minsan ay kumukunot ang noo.

"Eroz, are you ok?" tanong ko kahit halatang naman hindi. I want him to say yes, natatakot ako. Kaming dalawa lang ang nandito.

"Eroz, what shoul I do?" naiiyak ng tanong ko. Ano namang malay ko sa pagaalaga ng may sakit. Eh sa tuwing ako ang may sakit alagang alaga ako at may Doctor kaagad si Papa na pinapapunta sa bahay.

Tumulo ang luha sa aking mga mata. He looks so weak in front of me pero wala akong magawa.

"Eroz, I'm scared" sumbong ko sa kanya at napapiyok pa.

Gusto kong tumakbo para humingi ng tulong. Pero paano siya? Ayoko siyang iwanan.

Dahil sa aking sinabi ay pinilit niyang dumilat. Itinaas niya ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko para pahiran ang pagkabasa dahil sa aking pagiyak.

"Magpapahinga lang ako. Magaling na ako bukas" pagaalo niya sa akin.

Marahan akong umiling. "Hindi ako naniniwala. You need to drink medicine" laban ko.

Nagawa pa niyang ngumiti kahit nahihirapan. "Promise..." he said.

Hindi ko napigilang yakapin siya. "Dapat gumaling ka. Pag magaling ka na bukas...Sasagutin na kita!" panghihikayat ko sa kanya.

Mas lalo siyang nangiti kahit nahihirapan. "Uhm, magaling na ako" kaagad na sabi niya kahit inaapoy ng lagnat.

"Hmp. Bukas pa!" pagsusungit ko.

Hinagilap niya ang aking kamay at mahigpit na hinawakan iyon. Kahit iyon ay mainit, bayolente akong napalunok.

"I heard you kagabi. You say it..." naiyak nanaman ako. But this time, dahil sa saya.

"I love you too, Eroz. Sasagutin na kita" sabi ko pa.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pagkatapos ay muli siyang dumilat. "I'm your first boyfriend" inipon niya ang lakas niya para lang sabihin iyon. He sounds so happy and proud.

Humaba ang nguso ko. "Tomorrow pa. Magpagaling ka muna" nahihiyang sabi ko sabay iwas ng tingin.








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro