Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Ulit




Hindi kaagad ako nakaimik. Hindi pa magawang ma-process ng utak ko ang sinabi ni Eroz. I'm shock, I thought ikakasal ako ng hindi man lang naranasang maligawan. I already accept that, eventhough sabi ni Yaya Esme, the courting phase is one of the most exciting part.

"You are my first manliligaw" medyo nahihiyang pagamin ko.

Nanatili ang tingin ko sa aking mga kamay na nakapatong sa aking mga binti. I want to be transparent sa kanya. Mahirap mangapa sa isang relationship kung may hindi kami sinasabi sa isa't isa.

Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng yakap niya sa aking bewang. Kaunti na lang ay parang mapipipi na ako. Ang laki ng braso niya and it was so firm. Kahit hindi na siya mag gym ay batak na batak naman ang body niya sa pagbubuhat ng sako.

"And first kiss..." nakangising paguulit niya na para bang nakakakilig para sa kanya iyon.

Tipid akong tumango. He is my first, in everything. My first crush and also my first heartbreak. Masyado pa akong bata nuon para sabihing heartbreak na iyon pero sumakit ang puso ko that time. Crush lang naman ay pinagdamot pa niya. But I understand naman. We cannot force everyone to like us back. It's part of life, and that is ok.

"So, what should I do? It's my first time na maligawan, may gagawin ba ako?" tanong ko pa din sa kanya.

Mahina siyang ngumisi kaya naman wala na akong choice kundi ang lingonin siya. Nagtaas siya ng kilay sa akin, kita ko pa din ang paglalaro ng ngiti sa kanyang mga labi. Dati ay hirap akong makita ang smile ni Eroz, pero ngayon ay nagagawa na niya. Masaya ako sa part na iyon, pero minsan naiilang ako. Baka kasi ang meaning ng ngiti niya ay isa nanamang kahihiyan ko.

"Ang kailangan mo lang gawin ay sagutin ako" seryosong sagot niya sa akin.

Sandali kong pinagaralan ang ekspresyon ng kanyang mukha. He's serious, ok I get it na. "Uhm. Pwede na now?" tanong ko na ikinatawa niya.

"Manliligaw pa ako, Gertrude" natatawang sabi niya sa akin. Napaawang ang labi ko ng mapagmasdan kong mabuti si Eroz.

When he smile, pati yung eyes niya ngumingiti din. Malalaman mo kasing genuine ang smile ng isang tao sa mga mata niya. Sometimes, it sparkles. And iyon ang nakikita ko ngayon kay Eroz. And it is more than enough for me. I always want him to be happy.

"I remember, sabi ni Yaya Esme pahirapan daw ang mga manliligaw. So, ok lang sayong mahirapan?" tanong ko sa kanya. Aba, baka awayin niya ako if ever.

Bahagya siyang napanguso. "Kailan ba ako hindi nahirapan sayo?" nakangising tanong niya sa akin. I know it was supposed to be a pangaasar pero I take it seriously.

"Nahihirapan ka na sa akin? Because, I'm still maarte for you?" seryosong tanong ko kahit ramdam sa boses ko ang tampo.

Nakita ko kung paano nagtaas baba ang kanyang adams apple. "I don't mind Gertrude. If it is for you, I don't mind" paninigurado niya sa akin.

Napabuntong hininga ako. Dahil nanaman sa sinabi ni Alice, I take everything seriously na. Na maging ang dapat sanang pangaasar ni Eroz sa akin ay pinagdudahan ko pa.

"Nahihirapan ka din naman sa akin. Mas nahihirapan ka sa akin..." seryosong sabi niya sa akin.

Nilabanan ko ang titig ni Eroz sa akin. Marami akong nakitang emosyon sa kanyang nga mata. But mas nangibabaw ang pakiramdam na para bang nagsosorry siya sa akin. That he knows na he cause me alot of pain and he is sorry for that.

Napanguso din tuloy ako. "It's ok. Sanay naman na ako sa pagiging masungit mo and always na pagirap" pagamin ko.

Mula sa pagiging seryoso ay mariin siyang napapikit, umigting pa ang kanyang panga habang lapat na lapat ang kanyang mga labi. Sa huli ay napabuntong hininga siya.

"I'm sorry..." marahang sambit niya.

"I'm sorry rin" sagot ko. Kumunot ang noo niya.

"Sorry for?"

Matagal akong napatitig kay Eroz. Kahit mapupungay ang kanyang mga mata ay alam ko pa din sa sarili kong kailangan kong mag sorry sa kanya. I don't know the particular reason for it, basta ay gusto ko lang ding magsorry. Kaya naman sa huli ay nagkibit balikat na lamang ako.

"Wala kang kasalanan sa akin" pahabol niya. Ramdam ko ang pinaghalong pagod at lungkot sa kanyang boses. Kahit sinabi na iyon ni Eroz, pakiramdam ko ay mayroon pa din. Siguro soon, maiintindihan ko din at malalaman ko kung para saan yung sorry ko sa kanya.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang siya na ang bumasag nuon.

"May sasabihin ako sayong secret" pagpapagaan niya ng mood naming dalawa.

Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan ng loob. "Ano?" kaagad na tanong ko. Secret from Eroz? It's like a suntok sa buwan.

Kita ko ang pagkamangha niya sa naging reaction ko. Mukha siguro akong chismosa na excited sa chismis.

"Chismosa" sabi niya na ikinahaba ng nguso ko.

"No, I'm just curious!" giit ko. Mas lalong tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.

"Palagi ka namang curious" sabi pa niya kaya naman hindi na ako umimik pa.

Hindi nanaman ako nakagalaw ng dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa aking tenga para bumulong. Pag talaga secret, kailangang ibulong?

Halos makiliti ako dahil sa hininga niyang tumatama sa aking tenga. Pero nawala ang lahat ng iyon ng marinig ko ang kanyang sinabi.

"For real? Pumayag si Tita Afrit?" gulat na paninigurado ko sa kanya. Gulat and at the same time masaya ako ng malamang pumayag si Tita na ligawan ulit siya ni Tito Darren.

Tipid na tumango si Eroz. Nanatili ang titig niya sa akin na para bang gustong gusto niyang panuorin ang ekspresyon ng aking mukha.

Napanguso ako, gusto kong maiyak sa tuwa. I'm really rooting for them for years. Tumigil lang ng dumating si Tita Luna, syempre as respect for her. Kahit naman ngayon na wala na siya. We still respect her. But I guess, two years is enough.

Dahil sa nalaman ay maaga akong pumunta kay Tita Afrit kinaumagahan. Kung secret nga iyon, mapapahamak si Eroz pag nalaman ni Tita Afrit na alam ko na. Pero bakit kailangang gawin secret?

"Ang Tito Darren mo, ang daldal" pamomorblema ni Tita Afrit. Hindi ko pinansin iyon, nanatili ang ngiti ko habang nakikinig sa kanya.

"Si Eroz po ang nagsabi sa akin" pagamin ko. Naningkit ang kanyang mga mata.

"Si Eroz pala ang papagalitan ko" sabi niya at sandaling napatigil ng may pumasok. "Oh ayan na pala si Eroz..."

Bigla akong kinabahan. Umamin lang naman ako, pero I can't deny the fact na nilaglag ko si Eroz. Hindi talaga ako pwedeng chismosa.

Nagtaas siya ng kilay sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin. Nilapitan siya ni Tita Afrit kaya naman mariin akong napapikit. Nang muli ko silang nilingon ay nakita ko kaagad ang paninitig ni Eroz sa akin habang nakikinig sa sinasabi ni Tita Afrit. Lagot nanaman ako nito.

Napaayos ako ng upo ng mapansin kong naglakad na siya palapit sa akin. "Ang daldal talaga" nakangising sabi niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko. "Hindi ka galit sa akin?"

Imbes na sagutin ay nakangiti siyang umirap sa akin. "Bawal akong magalit sayo. Baka hindi mo ako sagutin" pagdadahilan niya. Napaawang ang labi ko dahil sa kanyag sinabi. Ligaw is real talaga, hindi pa kasi nag sink in sa akin.

"Uhm. Patawad again Eroz. Hindi ko mapigilan eh" sabi ko sa kanya. Ang kaninang ngisi niya ay pinigilan niya sa pamamagitan ng pag lip bite.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Dahil duon ay kaagad kong naramdaman ang paginit ng aking magkabilang pisngi, parang sasabog ang mukha ko dahil duon.

"Ikaw talagang bata ka, inunahan mo pa akong sabihin kay Gertie" suway ni Tita Afrit kay Eroz.

Mula sa akin ay inilipat niya ang tingin kay Tita Afrit. Visible pa din sa labi niya ang tinatagong pag ngiti.

"Sorry po, Tita. Si Gertrude kasi..." sabi ni Eroz na ikinalaki ng mata ko.

"What me? Anong ako?" ayan. Tagalog at english na.

Hindi ako nilingon ni Eroz nanatili ang tingin niya kay Tita Afrit pero kita ko nanaman ang pamumula ng kanyang tenga.

"Nakakahawa ang kadaldalan, Tita" dugtong niya sa sinabi kaya naman natameme ako.

Imbes tuloy na mapagalitan ni Tita Afrit ay  inasar pa niya kami. Kaya naman sa huli, halos sumabog na ang mukha ko dahil sa init na nararamdaman.

"I'm going na nga. Maliligo na ako" paalam ko kay Eroz. I need to prepare na din dahil may trabaho pa si Eroz sa rice mill. At ako naman ay ang dakilang tagapanuod duon.

Lalagpasan ko na sana siya ng hinawakan niya ako sa braso para pigilan. Nagulat ako ng dahan dahan lumipat ang kamay niya sa aking buhok. Marahan niyang pinasadahan ang aking buhok na para bang sinusuklay niya iyon. Duon ko lang narealize na, ni hindi man lang ako nagayos bago pumunta kila Tita Afrit, tinawag pa nga ako ni Eroz kanina bago ako lumabas pero hindi ko siya pinansin. Akala ko kasi sermon nanaman eh.

"Nagpapatulong si Tito Darren sa palayan ngayon. Hindi muna tayo pupunta sa factory" sabi niya sa akin.

"You're going to make tanim?" gulat na tanong ko kahit hindi na dapat bago sa akin iyon dahil nakikita ko nga siyang nagbubuhat ng sako ng bigas. Ofcourse kaya niya ding magtanim.

Napadila siya sa kanyang pangibabang labi bago siya tipid na tumango at sinagot ako ng Oo.

"But, I'll make ligo pa din. Baka mabaho na ako" pagdadahilan ko. Hindi ko iyon nafilter, hindi ko dapat iyon sinabi sa harapan ni Eroz. That is so nakakahiya.

"Pero sabi ni Yaya Esme, amoy baby pa din ako. Kasi nga yung sabon ko for clothes...pang baby" pagbibida ko sa kanya, umaasang matatakpan kahit papaano ang kahihiyan.

Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. "Pa-amoy nga..." sabi niya at hahakbang na sana palapit sa akin ng kaagad akong umiwas.

"Bawal Eroz, maliligo muna ako. At nanliligaw ka pa lang, remember?" giit ko at ginawa ko ang lahat para makaiwas sa kanya.

Ni hindi pa nga ako nakapagsuklay ng hair. Siya pa ang gumawa nuon, hindi din naman ako sinita ni Tita Afrit. Si Eroz lang ang nakapansin.

Nangangalahati pa lang ang natakbo ko sa bakuran nina Tita Afrit ng mapagod na ako at nagpagdesisyunang maglakad na lang. Hindi na ako nagulat ng makahabol si Eroz sa akin. Long ang legs ni Eroz, malalaki pa ang bawat paghakbang kaya naman hindi na nakakagulat iyon.

"I don't like seeing you, ruining away from me" matigas na sabi niya sa akin ng tuluyan niya akong maabutan. Hindi na din ako nakapaglag ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko para wala na akong kawala.

Imbes na magreklamo ay hinayaan ko na lang siya. Sabay kaming naglakad pauwi sa bahay habang magkahawak ang aming mga kamay. Another episode of holding hands while walking.

"Everyone deserves a second chance. I'm happy para kina Tita Afrit and Tito Darren" sabi ko sa kanya.

Nanatili ang tingin ni Eroz sa nilalakaran namin. "Not everyone..." he said na ikinakunot ng noo ko.

Napanguso ako. "Ang bad mo naman, Eroz. Second chance lang" laban ko sa kanya. Ayan nanaman siya sa pagiging masungit niya and bad.

Humigpit ang hawak niya sa aking kamay. "Masyado kang mabait. I'm not like you, Gertrude" seryosong sabi niya sa akin.

Nagtagal ang tingin ko kay Eroz. Puno ng lungkot ang kanyang mga mata, hindi ko alam kung para saan. Then I realize, hindj lang naman sa love life nagagamit ang second chance. May iba pang aspeto ang buhay na tama nga si Eroz, not all the time everyone deserves your second chances.

Pinakawalan niya lang ang kamay ko ng nasa bahay na kami. Mabilis akong dumiretso sa banyo para makaligo na. Ang sabi ni Tita Afrit ay kami ang maghahanda ng pagkain para kina Eroz at Tito Darren. First time kong makikita si Eroz na magtanim.

I'm wearing a white spaghetti strap vneck jump short. Sinuot ko lang din ang panglabas kong slippers. No need to dressed to much dahil sa bukid naman iyon. And naka messy ponytail lang ang buhok ko dahil medyo basa pa. I have no time na magblower, mahangin naman sa labas. Matutuyo din.

"Sinasabi ko sayo, Senyorita. Magpakipot ka muna" si Yaya Esme ng tawagan ko siya.

Nasa labas na ako ng bahay, si Eroz na lang ang hinihintay ko. Hindi ito chismis with Yaya Esme, I just want her to know yung mga ganitong phase ng life ko. She was with me since day one. Yaya Esme is my walking diary, minsan kahit hindi ako magsabi ng nararamdaman ko. Alam na niya kaagad. I'm so thankful na may Yaya Esme ako. Kahit kung ano ano ang natututunan ko sa kanya na minsan ay pinapahamak ako.

"How?" tanong ko.

"Basta at wag kang bibigay kaagad. Alam kong napakaattractive niyang si Senyorito Eroz, kahit ako nga din..."

Kumunot ang noo ko. "Anong ikaw, Yaya?" nakangising tanong ko sa kanya. Itong si Yaya Esme talaga, mahilig sa boys.

Imbes na sumagot ay natawa pa muna siya sa kabilang linya. "Ano ka ba naman? Sinong hindi malalaglagan ng panty pag nakita si Senyorito Eroz. Yan yung mga masungit na tahimik na..." may pasuspense pa talaga. Hindi na lang ituloy.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Habang naghihintay ng sagot ni Yaya Esme ay napatingin ako sa front door. Lumabas si Eroz at nakasimangot nanaman. Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko siyang ilang beses na pinasadahan ang aking kabuuan.

"Yung mga ganyan, mas bastos pa yan sa mga maginoong bastos" sabi ni Yaya sabay tawa. Halos ilayo ko na ang cellphone ko sa tenga dahil sa pinaghalong tili at halakhak niya.

"Yaya Esme, kalma please" giit ko. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko gets. Bakit Bastos? Eh sabi niya si Hobbes lang naman ang maginoong bastos.

"Learn from me, Expert ako. Yung mga nanligaw sa akin nuon, iniyakan ako makuha lang ang Oo ko" kwento pa ni Yaya.

Napabuntong hininga ako. As if naman na iiyak si Eroz for that.

"I'll call na lang again next time Yaya. We need to go na" paalam ko sa kanya. Ang dami pang sinasabi eh.

"Naku, naku. Mag sunblock ka! Ang balat mo!" pahabol pa niya sa akin bago ko binaba ang tawag. Sorry Yaya, ayaw kong babaan ka ng tawag pero ang talim na kasi ng tingin ni Eroz sa akin eh.

Halos takbuhin ko ang pagitan naming dalawa. Nakatayo na siya sa tabi ng pick up. Ako na lang ang hinihintay.

"Si Yaya Esme iyon. She's a expert daw so..." kwento ko. Imbes na huminto pa sa harapan niya ay dumiretso na ako sa kabilang side ng pick up.

"Expert sa?" tanong niya sa akin, nakasunod pa din siya. Ang gentleman, pagbubuksan pa ata ako ng pintuan.

"Secret" maagap na sabi ko.

Ramdam kong magsasalita pa sana siya ng kaagad ko siyang pinigilan. "Please don't ask na. Secret nga eh..." pakiusap ko sa kanya. Isang pilit pa niya at hindi malabong masabi ko na.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. Dahan dahan siyang humakbang kaya naman dahan dahan din akong humakbang paatras hanggang sa makasandal na ako sa pick up. Ang isang kamay ni Eroz ay nakatukod sa may pickup. Ang isa naman ay kaagad na pumulupot sa aking bewang.

"Baby, you show too much skin" nahihirapang sabi niya.

Napaawang ang labi ko. Nakita ko kung paano bahagyang bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Pero hindi din nagtagal, umigting ang kanyang panga at mabilis na ibinalik ang tingin sa aking mga mata.

"I'm comfortable dito eh. Girls can wear anything they want as long as they are comfortable" giit ko.

Marahan siyang tumango. "Ofcourse, you can wear whatever you want. Kaya ko namang manuntok" seryosong sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata.

"Sinong..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng ang magkabila niyang kamay ay nakahawak na sa aking bewang. Hinila niya ako palapit sa kanya, ang effort na ni Eroz para magpantay ang mga mukha naming dalawa, pero tumingkayad pa din ako so I can also kiss him better.

"You better behave. Kung hindi ay iuuwi kita dito at paparusahan..." sinabi niya iyon in between our kisses.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng dahan dahan siyang humiwalay sa akin. Mas lalong namula ang labi niya dahil sa kiss.

"Anong parusa?" tanong ko.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso ng maramdaman ko ang pagtaas baba ng kamay niya sa aking bewang.

"Sige galitin mo ako ng malaman mo" banta niya sa akin.

Napatango ako. "Sige later" inosenteng sabi ko pa. I want to know, I'm curious about the parusa. Mariing napapikit si Eroz at napamura pa. 

Ipinakilala ako ni Tito Darren sa mga kasama nilang trabahador. Even si Tito Darren, close din sa mga tauhan niya. Kahit siya na ang may ari ng palayan ay nagtratrabaho pa din siya. Pantay ang tingin nila sa lahat.

Naghubad si Eroz ng damit sa aking harapan para lumusong na din sa putikan. "Ang dirty diyan" puna ko.

"Arte" sambit niya.

"I'm not! Totoo naman, alanga namang sabihin kong ang linis ng putik?" giit ko sa kanya. Napailing na lamang si Eroz.

"Hindi yan putik" sabi niya sa akin. Even so.

Nanatili ako sa ilalim ng malaking puno ng acasia kasama si Tita Afrit. May dala siyang basket ng pagkain, and may malaking container ng water para sa lahat.

Nanatili ang tingin ko kay Eroz. Nagagawa pa niyang makipagtawanan sa mga kasama. Maaraw na at medyo pawisan na siya but still, he looks attractive. He looks more attractive.

Napapanguso ako sa tuwing nahuhuli ko siyang maya't maya ang tingin sa akin. I don't know, wag kang assuming Gertie baka sa pagkain or sa water nakatingin.

"Anytime soon, magkakasundo na din kayong dalawa. Naalala ko tuloy sina Axus at Elaine. Ganito din sila nuon" si Tita Afrit.

Kagaya ko ay nakatingin din siya sa palayan. Napatitig ako kay Tita. Alam ko naman kung sino ang tinitingnan niya duon, and nakakatuwa lang na when she looks at Tito Darren I saw admiration and love.

"Minahal ko si Darren, mahal ko pa din siya...at mas mamahalin ulit ngayon" sabi ni Tita Afrit.

"Kahit po, nagmahal siya ng iba?" tanong ko. I know it might hurt her. But, we need to face the truth.

Malungkot na ngumiti si Tita. "Kahit pa. Hindi na kami bumabata, maraming taon na ang nawala. Punong puno ng sayang at sana..." ramdam ko ang lungkot duon. Alam ko, kasi pakiramdam ko we have the same situation.

I admire Tita Afrit nung panahong nalaman niyang ikinasal sila Tito Darren at Tita Luna. Ni hindi siya sumugod at nangaway. She just walk away and accept the fate. Minsan niyang sinubukang tanungin si Tito Darren about it, pero sa huli, mas lalo siyang lumayo sa mga ito. Hanggang sa mawala si Tita Luna, umabot ng dalawang taon. At ngayon ay ito na.

Imbes na magsalita ay niyakap ko na lamang si Tita Afrit. She never love anyone after Tito Darren. Tama si Eroz, mapaglaro ang tadhana.

Nang magkaroon sila ng break ay isa isa silang lumusong mula sa palayan. Kaagad akong napatayo. Nakita ko kasing sinalubong ni Tita Afrit ng tubig si Tito Darren. Kaagad akong kumuha ng bagong baso para sana may Eroz pero pinigilan niya ako.

"Sa baso mo na lang..." sabi niya sa akin. Kakatapos ko lang din kasing uminom ng tubig.

Sinunod ko ang gusto niya. Nang malagyan ko na yon ng tubig ay iniabot ko sa kanya. Namumula ang buong katawan niya dahil sa pagbibilad, dagdag mo pa na parang kumikislap iyon dahil sa pawis.

Nanatili ang tingin niya sa akin habang umiinom siya. Napairap ako at nagiwas ng tingin. Dahil sa ginawa ko ay napaubo siya. Nasamid ata.

"Kumakain ka ng maruya o may iba kang gustong kainin?" tanong niya sa akin. Nakapaghugas na siya ng kamay bago lumapit sa may lamesa kung nasaan ang mga pagkain.

"Uhm. That flour coated banana?" turo ko sa saging na napapalibutan ng harina.

Bahagyang napanguso si Eroz. Kumuha siya ng isa at kinagatan iyon. Lumapit siya sa akin at itinapat iyon sa bibig ko.

"Tikman mo"

Wala na akong nagawa kundi ang kumagat duon sa mag parteng kinagatan niya. Matapos kong gawin iyon ay kumagat ukit siya, sa parteng may kagat ko din.

"Uhm. It's fine, lasang saging" sabi ko kaya naman napangisi siya.

Nakikitawa siya sa kwento ng ibang trabahador. Pero ang kamay niya ay nasa bewang ko. Umihip ang malakas na hangin kaya naman medyo nagulo ang buhok ko. Napansin din iyon ni Eroz kaya naman siya mismo ang naglagay ng ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga. Matapos iyon ay napatitig siya sa akin.

"Alam kong wala kang reklamo sa kung anong kaya kong ibigay sayo ngayon. Pero kung hihilingin mong bumalik ako sa buhay sa syudad...I won't hesitate"

"I like it here, Eroz" laban ko.

Bayolentent nagtaas baba ang kanyang adams apple. Mas lalo niya akong hinila palapit sa kanya. Kaagad kong naramdaman ang paghalik niya sa aking ulo.

"Spoiled ka na masyado" sabi niya na ikinanguso ko.

"It's not my kasalanan"

Tumango siya. "Ako nga. Kasalanan ko, kasi lahat ng gusto mo gusto kong ibigay sayo"

"Wag mo akong sisisihin if maubos ang pera mo" laban ko sa kanya. Mahirap na baka magkasisihan.

Natawa si Eroz. "Kahit maubos ako, Gertrude. Kahit maubos ulit ako..." madiing sabi niya. Ulit?










(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro