Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Sick




Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Nasasaktan din ako para kay Eroz. I understand kung saan siya nanggagaling.

"I understand, Eroz. Pero kung pagod ka na din sa akin, dahil I'm so arte. Pwede naman akong umalis" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Siya nga itong inaalala ko. Pero kung ang pagalis ko ang mas makakapagpagaan ng loob niya. I can go home naman, kung gusto nga niya ngayon kaagad. Uuwi ako dala ang mga damit kong pinaghirapan kong tupiin tapos ginulo niya lang kahapon.

"Do you want me to leave na?" tanong ko ulit habang patuloy pa ding tumutulo ang luha sa aking mga mata. Isang sabi lang niya ng Oo, I won't hesitate to go.

Tinitigan ko siya kahit pa medyo nanlalabo na ang aking paningin dahil sa luha. I'm waiting for his answer pero tinitigan lang din niya ako. Hanggang sa makabawi siya, umigting ang kanyang panga.

Natigilan ako ng makita ko ang dahan dahang pagtaas ng kanyang kamay papunta sa aking mukha. Nanindig ang aking mga balahibo sa braso hanggang sa batok ng maramdaman ko ang hinalalaki niya sa aking pisngi, marahang pinupunasan ang aking mga luha.

"Hindi ako pagod" marahang sabi niya. Habang marahang pinupunasan ang aking pisngi.

Hindi man malinaw ang kanyang sagot sa akin. I get it naman a little. Ang mahalaga, hindi niya ako pinaalis.

Imbes na makasagot pa sa kanya ay napaubo na lamang ako. Natigilan si Eroz dahil sa nangyari at napa-tsk na lang.

"Natuyuan ka na ng pawis" matigas na sabi niya.

Naramdaman ko kaagad ang kamay niya sa aking likuran. Kahit may damit ay ramdam ko ang init ng kanyang palad, maging ang pagiging magaspang nga ata nito ay ramdam ko.

Marahas siyang tumayo. Every move naman talaga ni Eroz, it's too much for me. Kahit hindi galit ay parang galit. He is so manly, para bang sobrang precious ng kanyang soft side. Hindi mo basta basta makikita unless siya mismo ang magpakita nuon sayo.

Sinundan ko siya ng tingin. May kinuha siya sa drawer ng kanyang office table. Nang pabalik na ay tsaka ko lang nakitang may hawak na siyang white na bimpo. Nakatingin siya sa akin, parang galit. Saan siya galit, sa pawis na natuyo aa likod ko?

"Tumalikod ka" utos niya sa akin kaya naman kaagad ko iyong ginawa. Tumayo ako at tumalikod sa kanya.

Napakagat na lamang ako sa aking pangibabang labi habang nilalagyan niya ng bimpo ang akong likuran. Napanguso ako sa tuwing nararamdaman ko ang pagtama ng kamay niya sa balat ko na hindi naman talaga maiiwasan.

Habang nakatalikod sa kanya ay panay na din ang punas ko sa aking pisngi. Para tuloy akong bata because of my pagiyak.

"Thank you..." marahang sabi ko after niyang malagay ng maayos ang bimpo sa aking likuran.

Hindi siya nagsalita. Tinalikuran niya ako at lumapit siya sa kanyang table para kuhanin ang telepono para may tawagan.

"Junie, punta ka muna sa office ko" utos niya dito over the phone.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa kanyang sofa. Sobrang kati ng lalamunan ko, hindk ko na tuloy macontrol anh pagubo. Kahit anong pagpigil ay lumalabas pa din kaya naman panay ang pagtikhim ni Eroz sa tuwing nauubo ako.

"Bawal umubo?" tanong ko sa kanya. Sa tingin kasi niya sa akin parang bawal eh.

Inirapan niya lang ako, saktong pagdating din ni Junie. Ngiting ngiti kaagad ito sa akin kaya naman nginitian ko din siya pabalik. Parang kanina lang umiiyak ako, ngayon ay nakakangiti na. That's one of the power ng pag ngiti, minsan hindi mo na alam kung ano ang totoo at hindi. But, I'm genuine naman ng nagsmile back ako kay Junie. I really like him, sila ni Ate Erika.

"May pwede bang magpunta sa Nlex?" seryosong tanong ni Eroz sa kanya.

"Bakit boss, may gusto kayong kainin?. Mirienda?" tanong ni Junie. He is so chismoso talaga and super daldal. But I really like him. Ang jolly ng personality niya, magaan sa feeling ang presence niya.

Bago sumagot ay sumulyap pa si Eroz sa akin. I witness kung paano bayolenteng nagtaas baba ang kanyang adams apple. Para bang hirap siyang sabihin ang mga susunod na salita.

"Gusto ni Gertrude ng kape" seryosong sabi niya dito.

Imbes na mainis si Junie dahil sa utos ay mas lalo pa siyang napangiti. "Kaya naman pala. Naglilihi ka Ma'm Gertrude?" mapangasar na tanong nito sa akin kaya naman nalaglag ang aking panga.

He is so masyado! May tuta na nga kami tapos itatanong pa niya sa akin kung naglilihi ako. Hindi naman ako ang nagbuntis sa tuta. Tsaka kung may mag breatfeed man duon ay si Eroz daw...ang bahala.

"I'm not naglilihi. I just miss the taste ng starbucks coffee. Pero kung malayo...pwede naman some other time na lang" sabi ko pa. I know kung saan iyon and ang hussle for them. They have work, ayaw ko namang makaabala para lang sa cravings ko. I just want it, hindi naman badly needed.

"May sasakyan naman" si Eroz sabay irap pa sa akin tapos ay nagiwas na talaga ng tingin. Why naman parang siya pa ang naginsist na mag go? Akala ko ba, he won't spoil me sa mga bagay na gusto ko.

Umiling ako kay Junie. "Wag na muna, Junie. Kahit yung coffee sa sachet na lang. It's masarap din naman" sabi ko pa. Iniinom ko naman talaga lahat ng klase ng kape. Basta kape.

"Sure, Ma'm?" paninigurado niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

Mas lalong kumunot ang noo ni Eroz habang nakatingin sa ilang papers sa taas ng kanyang lamesa. Masyado siyang nageeffort na pagmukhaing busy siya pero hindi naman kaya. May nagbabasa bang nakatitig lang sa isang side ng papel?

"Mirienda na lang Junie" matigas na sabi ni Eroz bago pa man makakilos si Junie.

"Eh, Mirienda daw Ma'm?" tanong nito aa akin. May bahid pa din ng pangaasar ang tono ng kanyang pananalita.

"Ano bang gusto niyo?" tanong ko aa kanya. Hindi lang naman ako ang kakain ng mirienda. Dapat hindi lang opinyon ko ang nagmamatter.

"Naku, Ma'm kahit naman po ano kinakain namin"

Napangiti ako. Hindi talaga mahirap na mag get along sa kanila. Excited na tuloy akoy araw araw na nandito. Mas makikilala ko sila and hopefully maging kaclose. I really want to be friends with them. I don't want them to treat me like they always need to please me because I am Eroz fiance.

"Ikaw na ang bahala. Anything naman is ok as long as it's yummy" nakangiting sabi ko pa sa kanya.

Matapos umalis ni Junie ay mas naging abala si Eroz for real. Totoong abala na talaga siya. Hindi kagaya kanina. Napahikab ako and kaagad kong naramdaman ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.

"Pwedeng humiga dito? I'm sleepy" tanong ko sa kanya habang nakaturo sa mahabang sofa na kinauupuan ko.

"Kung inaantok ka, ihahatid kita sa bahay" sabi ni Eroz na kaagad kong inilingan.

"I don't want. Kakain pa nga ako ng mirienda dito at mag kakape. I just want to lay down...promise hindi ako pipikit" paninigurado ko pa sa kanya.

Ang sarap matulog dahil na din sa lamig na dala ng aircon. Kanina kasi sa labas ay para akong spanish bread na nasa loob ng oven toaster.

"I'm not going to make pikit. Sige, pag pumikit ako...pustahan pa tayo" panghahamon ko sa kanya habang pumepwesto na ako. May eyes is so heavy, parang biglang bumigat ang pakiramdam ko and super antok ako.

"Eroz. Wake me up pag kakain na ha" paalala ko pa sa kanya ng ilang minutopa lang ay hindi ko na talaga kinaya at unti unti na akong kinakain ng antok.

Narinig ko pa ang pagusog ng kanyang swivel chair dahil marahil sa kanyang pagtayo.

"Akala ko ba pustahan?" he asked playfully pero I'm too antok para pansin pa iyon.

Bago pa man ako mawalan ng pakialam sa buong paligid ay naramdaman ko pa ang paglalagay niya ng kumot sa aking katawan.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang sakit ng aking likuran dahil sa pagkakahiga ko sa sofa. I'm not sanay. I salute na those people na super comfortable sa paghiga sa sofa. Bukod sa back pain ay ramdam ko din ang neck pain because of the position.

Pasado alastres na ng tumingin ako sa wall clock. Mabilis akong napatayo at nagayos ng aking sarili. Baka nagmirienda na sila tapos hindi man lang ako ginising ni Eroz. I want to eat with them pa naman. Kahit maingay ay masaya naman.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nuon si Eroz. Gulat din siya ng makitang nakatayo na ako.

"Ang daya. Sabi ko wake me up pag mirienda na eh..." pagrereklamo ko sa kanya. Medyo hindi ako nakapagpigil duon dahil kagigising ko pa lang. I'm not in the mood. Bigla kong gustong awayin si Eroz.

"I was about to wake you up, Gertrude" seryoso ang kanyang pagkakasabi. It sounds too defensive for me.

Hindi na lang ako nagspeak ulit. "I'm not in the mood to talk to you...I'm sorry na kaagad, Eroz" may kasungitan ding sabi ko aa kanya ay nilagpasan pa siya para maunang lumabas.

May attitude daw ako sabi ni Yaya Esme minsan pag bagong gising lalo na kung hindi maganda ang gising. Pero little lang naman tapos after ilang minute ok na ulit ang mood ko.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Eroz sa akin sa loob. Pero hindi ko siya pinansin. Later muna Eroz wait ka lang ng ilang minutes. I'll be back din sa self ko.

Malalaking hakbang ang ginawa ko palapit sa labas ng warehouse ng marinig ko ang tawanan nila. Nangingibabaw nanaman ang boses ng spokes person nila na si Junie.

"Yehey, gising na si Ma'm Gertrude. Makakamirienda na" si Junie as always. At hindi niya na need ng megaphone dahil sa boses niya.

Napaawang ang labi ko. "You waited for me?" namamanghang tanong ko sa kanila.

"Oo naman Ma'm. Ayaw ka ngang gisinging ni Boss Eroz dahil ang sarap daw ng tulog mo. Ayiee..." si Junie nanaman ang pasimuno sa lahat kaya naman naghiyawan silang lahat.

Muli kong naramdaman ang paginit ng magkabilang pisngi ko dahil I'm a bit nahihiya. Hindi ako sanay na center of attraction. At mas lalo pag inaasar ako sa crush ko. Naexperience ko iyon nung nasa states kami. Ang kaso, inaasar ako sa may crush sa akin. Hindi ko naman crush.

"Anong meron?" masungit na tanong ng kararating lang na si Eroz dahilan kung bakit natahimik ang lahat.

Huminto siya sa aking tabi. Kaagad ko siyang nilingon at nginitian. Ok na ang mood ko kaya balik na ulit sa dati. Si Yaya Esme nga minsan hindi ako kinakausap pag bagong gising ako.

Bahagyang kumunot ang noo ni Eroz. He's confused siguro kung bakit nginitian ko na siya ngayon samantalang kanina ay sinungitan ko siya.

"Hinintay niyo pala ako. Sorry, baka gutom na kayo. Tara, let's eat na" yaya ko sa kanya.

Ngitian ko siya lalo ng makita kong mas lalo siyang naguluhan sa akin. Hindi naman ako super masungit kanina ah, sabi ko lang naman I'm not in the mood to talk. Pero nagsorry nga kaagad ako eh.

"Daldal mo nanaman" bulong niya na narinig ko din naman but hindi ko na pinansin.

Umupo kami kasama ang lahat. Parang excited na ako palaging kumain kasama sila. Ang saya kasi. Spaghetto and tinapay ang mirienda namin. Kanya kanya na silang kuha.

Si Eroz ang naglagay ng spaghetti sa pinggan ko. Ngiting ngiti tuloy ako, ang bilis din talagang magbago ng mood ko.

"Oh, ang creamy ng spaghetti nila. Looks like masarap" puri ko duon kahit hindi ko pa naman natitikman.

"Tikman mo muna" matigas na sabi ni Eroz sa akin. Ayan nanaman siya sa pagiging judgemental niya. Not because sanay ako sa mga italian style na pasta ay hindi na ako masasarapan sa spaghetti dito sa province. Same lang naman kayang red ang sauce.

Matapos niyang lagyan ang pinggan ko ay naglagay din siya ng tinapay na hindi ko alam ang tawag.

"Masarap..." pagkamangha ko. Ilang beses ko pang tinanguan si Eroz para ipakitang nagsasabi ako ng totoo.

"Masarap talaga yan Ma'm. Kasi ang spaghetti dito, parang wine...habang tumatagal, mas lalong sumasarap" pagbibida ni Junie.

Namangha ako, pero ang iba ay tinawanan iyon. Why sila tumatawa?

"May wine ang spaghetti dito? First time kong makakain ng spaghetti na may wine" dirediretsong sabi ko. I'm so amazed talaga about it.

Unti unting humupa ang tawanan nila na para bang basag trip ako. Looks like ako yung parte sa barkada na mahina sa pagintindi ng jokes.

Buti na lang, Junie is to the rescue to explain everything to me. Napanguso ako, lalo ng makita kong nangingiti din si Eroz.

"Yung spaghetti kasi dito Ma'm. Habang paulit ulit na iniinit...mas lalong sumasarap"

After sabihin ni Junie iyon ay nagtawanan nanaman sila. Even si Eroz nag smile. Napanguso tuloy ako, I get it naman a little. Promise sa susunod na joke hindi na ako magiging slow.

Tiningnan ko silang lahat, masaya talaga sila sa joke ni Junie. But then, I realize hindi lang iyon basta sa joke ni Junie. The fact that they are all eating here togother is something na masaya na.

Narinig ko ang pagngisi ng katabi kong si Eroz. Pero ng lingonin ko naman siya ay kaagad niyang naitago ang ngiti sa labi. Bahagyang tumaas ang isang kilay niya.

"Kain na, Gertrude"

Tipid akong tumango at inumpisahan ang pagkain. Bago makasubo ay hindi maiwasang mapasulyap ako kay Alice na mukhang kanina pa nakatingin sa akin. Sa amin ni Eroz, pinapanuod kami.

Humaba ang nguso ko, ano nanaman kaya ang problema nito?

After ng mirienda ay bumalik silang lahat sa trabaho. Imbes na bumalik at magkulong sa office ni Eroz ay nagstay na lang ako sa mga tuta. Pag may libreng oras ay kinakausap ako ni Ate Erika, pabalik balik din siya dahil sa mga ginagawa.

Muli nanaman akong nanlagkit dahil sa init. Pero hindi lamang iyon dahil ramdam ko din ang mas madalas kong pagubo at mas lalong pagbigat ng aking pakiramdam. Looks like lalagnatin ata ako.

"I'm a bit nahihilo" kwento ko sa tuta. Nagawa ko pang haplusin ang itim na itim niyang buhok.

"Magpalit ka ulit ng damit duon. Meron pa akong extra..." si Eroz.

Nagulat pa ako dahil sa biglaan niyang paglapit sa akin. Marahan niyang pinupunasan ang katawan ng bimpo dahil din sa pawis because of his work.

"No need na, maya maya ay uuwi na din naman" pagtanggi ko dahil sayang lang ang damit. At sino kaya ang maglalaba ng mga clothes namin?

Napabuntong hininga siya. Pagkatapos ay lumipat ang tingin sa bago naming tuta.

"Anong gusto mong ipangalan sa puppy natin?" tanong ko sa kanya. Hindi ko napigilang mapa-cross finger. Sana naman ay maayos ang ibigay na pangalan ni Eroz ngayon.

Nakita niya ang ginawa ko kaya naman napapoker face siya. "Ikaw na ang bahala..." pagsuko niya kaya naman lumaki ang ngiti sa labi ko.

"Talaga? Sure, it's Chin chin na lang" sabi ko pa. Diretsahan, kanina ko pa iyon naisip.

Bahagya siyang ngumuso. Lumapit siya sa tuta namin at marahang hinaplos iyon. "Tinanong mo pa ako, may naisip ka na pala" he said.

"Because, I respect you as the Daddy of the tuta. Your opinion matter..." pagdadahilan ko.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. "Ang daldal..." sambit niya.

Nanlaki ang aking mga mata. "Me?" tanong ko sabay turo sa aking sarili.

Nagtaas ng kilay si Eroz. "Yung tuta madaldal. Maingay..." nakangising sabi niya na ikinagulat ko. Nagulat din siya ng maglaon ng marealize niya ang ginawa niya.

"Grabe ka sa tuta, Eroz" nakangusong sita ko sa kanya.

Mariin siyang napapikit at napabuntong hininga. Pigil na pigil nanaman niya ang pag ngiti niya.

"Ayaw mong magsmile? Baka mautot ka niyan..." sita ko sa kanya. Sa huli ay natawa din ako.

He cleares his throat. "Magayos ka na duon at uuwi na tayo" matigas na utos niya sa akin.

Mabilis kong kinarga ang tuta namin. "Ok, Daddy Eroz..." wala sa sariling sabi ko.

Nagulat ako ng makita kong gulat din si Eroz. Sobrang init ng pisngi ko.

"Sabi yun ng Puppy...ang puppy ang nagsabi" madiing palusot ko.

Umigting ang kanyang panga at kaagad na nagiwas ng tingin sa akin.

Pagkauwi sa bahay ay inasikaso kaagad namin ang tutulugan ng tuta. Matapos iyon ay nagpaalam ako kay Eroz na maliligo na muna kahit masakit ang ulo ko at mabigat ang pakiramdam. Baka sobra lang akong nainit, baka after magtake ng bath ay mawala din ang init sa katawan ko.

"I'm sleepy na. Ayoko ng mageat" sabi ko sa kanya pagkalabas ko ng banyo. Busy siya sa kusina at nagluluto ng dinner namin.

"Hindi pwede, malapit na ito" masungit na sabi niya sa akin.

Naramdaman ko na din ang ginaw. Kaya naman pagkaupo ko sa may kawayang sofa namin ay kaagad akong sumandal at pumikit. Gigisingin naman siguro niya ako pag kakain na.

Matapos ang ilang minuto ay mas lalong grumabe ang lamig at sakit ng aking ulo. Tinawag ako ni Eroz para kumain na pero hindi ko na magawang tumayo dahil sa panghihina. Sa bawat pagubo ko ay mas lalong sumasakit ang aking ulo.

"Gertrude" matigas na tawag niya sa akin. Medyo inis na dahil sa kanina pa niyang pagsigaw ng pangalan ko.

Naiyak ako ng maramdaman ko ang panginginig ng aking labi. Rinig ko ang pagtatama ng mga ngipin ko dahil duon. Hindi ko magawang mapigilan, kusa siyang nangyayari.

"Eroz, I think...i have a fever" nanghihinang sabi ko aa kanya.

Naramdaman ko kaagad ang kamay niya sa aking leeg at noo. Matapos iyon ay walang sabi sabi niya akong binuhat na parang bagong kasala papasok sa may kwarto. Maingat niya akong inilapag sa aking higaan.

"Sinasabi ko na eh..." galit na utas niya. Why naman kaya ganuon? Even si Yaya Esme, pag nagkakasakit ako, ako pa ang pinapagalitan.

I have a high fever based na din sa body temperature na kinuha ni Eroz. Kahit nakapikit ay narinig ko pang may kausap siya sa cellphone. I think it's Tita Elaine.

"Hindi ako nagpapanic, Ma. Dalhin ko na sa hospital?" si Eroz. Parang galit ang voice niya pero may bahid ng takot. Akala ko ba, matapang siya?

"No, I don't want sa hosital. Baka mamatay ako..." umiiyak na sabi ko sa kanya. Hirap na hirap akong magsalita dahil sa bigat na nararamdaman.

I think, dala dala ko pa din yung idea na pag nasa hospital nakakatakot. Lalo na nuon na halos duon na kami tumira dahil sa sakit ni Mama. Ayaw ko ng bumalik sa hospital.

Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari, basta ang alam ko lang ay inalagaan ako ni Eroz. Sobrang init ng buong katawan ko, kung minsan ay nagigising pa ako mula sa maiksing pagidlip pag nararamdaman kong parang mahuhulog ako.

"Mama...don't leave me" naiiyak na bulong ko habang nakapikit.

Naramdaman kong nakayakap ako sa kung anong matigas na bagay. May nakapulupot ding kamay sa aking katawan. I don't know.

"Don't leave me..." sabi ko ulit. I miss Mama so much, sana ay nandito siya. Sana ay kasama ko siya. Sana ay siya ang nagaalaga sa akin.

"Shh...I'm here. I won't leave" paninigurado ni Eroz sa akin hanggang sa humigpit ang yakap niya sa akin dahilan para hindi ko na maramdaman pa ang lamig.

Sobrang bigat pa din ng ulo ko pagkagising ko kinaumagahan. Nakadapa at nakayakap ang kalahati ng katawan ko sa mainit na bagay. Huli na ng marealize kong si Eroz iyon! Nakayakap ako kay Eroz, walang suot na pangitaas. Magkatabi kami and nakayakap din siya sa akin.

I thought may heater, ayun pala siya lang. Halos mamula ang parte ng dibdib niya kung saan nakapatong ang pisngi ko ng buong magdamag ata.

Dahil sa aking paggalaw ay unti unti din siyang gumising. Gustuhin ko mang tumayo ay hindi ko magawa dahil nakayakap siya sa akin.

Sinalat kaagad niya ang noo ko. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" he asked me, using his bedroom, morning voice and it was so sexy. Super!

"Better na..." sagot ko kahit medyo may hilo pa din.

Bayolenteng nagtaas baba ang kanyang adams apple ng muli siyang mapapikit. Looks like puyat siya dahil sa pagaalaga sa akin. Buti na lang saturday.

"Pinagalala mo ako..." pagod na sabi niya, nakapikit pa din.

Napanguso ako. "I'm sorry. Nagalala din naman ako sa sarili ko..." sabi ko pa. Ang scary kaya.

Ngumisi si Eroz, ngayon hindi na niya itinago. "Palagi kang may sagot. Ang ingay..." sita niya sa akin.

Ngumuso ulit ako. "Thank you sa pagaalaga sa akin Eroz. Kahit nung bata pa ako...kahit hindi mo ako gusto nuon, inaalagaan mo pa din ako" emosyonal na sabi ko. Dahil pa din siguro sa lagnat.

Dumilat siya at tumingin sa akin. "Sinong nagsabi sayo?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Na ano?"

"Wala...wala" pagtanggi niya kaya naman nalaglag ang aking panga. Mambibitin pa eh. Epal.

"Epal mo, Eroz. Eroz epal..." sabi ko. Hindi ko alam kung bakit, gusto ko lang din naman sanang makipagbiruan sa kanya pero parang may mali sa sinabi ko. May mali ba duon? Bigla kasing nagbago ang ekspresyon niya. Parang may naalala.













(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro