Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Words




Napanguso ako pagkatapos kong marinig ang masungit na pagsuway ni Eroz kay Junie. Nang dumapo ang tingin ko kay Junie ay tipid ko siyang nginitian. Maging sila din pala talaga ay naaambunan ng kasungitan ni Eroz.

"Pwedeng mamili, kahit anong color?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Pinanuod ko kung paano mapakamot si Junie sa kanyang batok. "Yung brown, Ma'm. May naka kuha na" sabi niya sa akin kaya naman tipid akong napatango, but I'm a bit hurt and disappointed. Yun pa naman ang ina-eye ko.

"It's ok. I'll pick another color na lang"

Muli kong tiningnan ang mga cute na tuta. Tulog silang lahat at magkakadikit pa. Like, naghahanap sila ng warm from each other kasi wala ang kanilang Mommy dog.

Marahan kong hinaplos ang color brown na tuta that reminds me of Princess. Siya sana, ang kaso may nagmamayari na. I need to accept that fact. Baka hindi talaga siya para sa akin. Matapos iyon ay tumagal ang tingin ko sa itim na puppy. Sa kanilang lahat ay siya lang ang itim na itim. Ang kanyang balahibo ay kasing itim ng buhok ng tao. It's shiny din and soft.

I have a black hair din. Ang kaso ay dahil sa impluwensya ni Ate Vera nung nasa US kami ay ilang beses na akong nagpakulay ng hair. Ngayon ay halata sa kalahati ng buhok ko ang dating kulay. Ayoko na din namang magpakulay. I'll wait na lang hanggang sa maging all black na ulit siya.

"This black one na lang. Sure kang it's libre?" tanong ko kay Junie.

Muli siyang natawa at napakamot sa kanyang batok. Bakit kaya makati ang batok ni Junie?

"Oo naman, Ma'm. Ang dami naming aso sa bahay. Kesa maging pagala gala ay hinahanapan namin ng mga gustong magalaga" paliwanag niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

Bumaba muli ang tingin ko sa lahat ng Puppy. If kaya ko sana, I'll adopt them all. Pero I don't want to take the risk. Natatakot akong baka sa huli ay mapabayaan ko lang din silang lahat. Focus muna ako sa isa.

Matapos naming magusap ni Junie ay nagpaalam na muna siya sa akin na magtratrabaho na. Ilang beses din kasi siyang lumingon sa mga kasamahan niyang ilang beses ng nakakapagakyat ng sako sa likod ng malaking truck.

Hinayaan ko sila at tahimik na binantayan ang mga natutulog na tuta. Pagnakakatiempo ay paminsan minsan kong nililingon ang ginagawa ni Eroz. Nakakamangha talaga siya. Iniwan niya ang position niya as a CEO para sa ganitong buhay. I'm not against it, I really admire them nga for working hard. And the fact na masaya sila habang ginagawa iyon ay mas nakakatuwa.

Nang isang beses akong nagtapon ng tingin ulit sa kanya ay naabutan kong nakapamewang siyang nakatingin sa akin. Matagal niya din bago narealize na nakatingin na ako kaya naman pagkatapos nuon ay nagiwas siya ng tingin sa akin na para bang I'm at fault na nagkatitigan kami.

Pinalobo ko na lamang ang aking magkabilang pisngi at muling tinapunan ng tingin ang bago naming magiging puppy.

"Anong gusto mong name?" tanong ko sa kanya, as if naman na sasagot siya.

"Wag na tayong mag ask kay Eroz. He'll say a baduy name nanaman...like kung saan ka ipinanganak" kwento ko sa tuta at bahagya pang natawa ng maalala ko si Princess Nyogi. He name it Nyogi dahil sa niyogan daw ipinanganak. I find it super witty, but it's a no for me Eroz. 

Nang medyo tumagal pa ay ramdam na ramdam ko na ang init. Halos dumikit na ang buhok ko sa aking leeg dahil sa pawis. Basa na din ang likod ng aking damit dahil dito. I feel so naglalagkit, bihira lang kasi akong malabas ng bahay. Dumagdag lalo at magtatanghali na, mas patirik na ang araw.

Napatakip ako ng bibig ko ng maubo na ako. Ilang beses iyon pero hindi ko pinansin. Mabilis akong ubuhin o siponin. Kaya nga ingat na ingat si Yaya Esme sa akin nuon nung bata pa ako.

"Break time!" sigaw ni Junie. The spoke person.

Pinanuod ko kung paano silang bumaba sa  likod ng malaking truck at sumilong sa may bubungan ng warehouse. Kakapahinga pa lang ay kaagad na silang nagtawanan dahil sa isang topic. Masaya sila sa work nila, yun ang mahalaga.

Isa isa silang lumapit sa may malaking container ng malamig na water. Nauna ang iba, nakita kong tinitingnan ni Eroz ang laman ng truck mula sa ibaba. Hinahayaan niyang mauna ang mga kasama kahit alam kong he's thirsty na din.

Tumayo ako para lumapit din sa water container at makipila sa kanila. Nagparaya sila dahil sa ginawa ko kaya naman kaagad akong tumanggi. We are all pantay pantay naman here. I don't want a special treatment. Kahit nga si Eroz ay ganuon din. I admire their working environment for that. Hindi lang magaling mag handle si Eroz ng company. Maging sa mga tao ay magaling siya. Sa relationship kaya?

Nang turn ko na ay pinuno ko ang basong halos kasing laki ng tumbler. Malamig na tubig ang laman ng container kaya naman pala ang sarap ng inom nila.

"Ang alaga naman ni Ma'm Gertrude" pangaasar nanaman sa akin ni Junie.

"I'll give him water lang naman, ikaw talaga Junie" natatawang suway ko sa kanya kaya naman maging ang ibang trabahador na nakakarinig ay kinantyawan siya.

Kanina pa mainit ang mukha ko dahil sa init ng araw. But it double up the heat ng marealize ko ang gagawin ko. Akala ko na, bibigyan mo lang ng water Gertie? Baka nahihiya ka pa?

Ilang hakbang pa bago ako makalapit sa kanya ay nilingon niya na kaagad ako na para bang kahit malayo pa ay naramdaman na niya ang aking presencya.

"Uhm. I know you're thirsty too..." medyo nahihiya pang sabi ko sa kanya.

Bahagyang napaawang ang kanyang labi. Nakita ko kung paano siya sandaling napatitig sa hawak kong baso. Nang makabasi ay tumikhim lang si Eroz.

"Salamat" tipid na sabi niya bago niya kinuha iyon sa aking kamay.

My heart even skipped a bit ng maramdaman ko ang pagtama ng kamay niya sa kamay ko dahil sa pagkuha. Malaki ang kamay ni Eroz and maugat. Hindi na din ako magugulat kung magaspang iyon because of his works.

I don't know what i'm still doing sa harapan niya. Basta ay hindi na ako nakagalaw. Pinanuod ko kung paano niya marahang tinungga ang baso. Napanguso pa ako ng makita ko kung paano nag taas baba ang kanyang adams apple. Wala lang, ang amazing lang.

Napakurap kurap ako ng nilingon ako ni Eroz habang umiinom siya. Imbes na mahiya ay tipid ko siyang nginitian. Wala akong intensyong iba, hinihintay ko lang yung baso.

Sandaling nagtagal ang tingin niya sa akin. Pagkatapos ay kumunot ang noo niya, para bang may naalala siyang ikinagalit niya. Dahil duon ay muli siyang nagiwas ng tingin sa akin at hindi na ulit ako tinapunan ng tingin.

Hinayaan ko na lang. Muli akong napatakip sa aking bibig ng maubo nanaman ako. Basang basa na ang likod ko dahil sa pawis. Palihim akong nagpahid ng pawis sa aking leeg. I feel so sticky, kung alam ko lang ay dapat nagbaon pala ako ng extra shirt.

Dahil sa ilang beses kong pagubo ay huminto si Eroz sa paginom at hinarap ako. Hindi siya nagsalita, pero nakakunot na kaagad ang noo niya.

Napahiyaw ako ng walang sabi sabi niyang hinawakan ang likod ko. Dahil sa ginawa niyang iyon at sa gulat ko ay muntik na akong mapayakap sa kanya. Mabuti na lang at magaling akong magbalance.

"Basa na ang likod mo. May dala kang damit?" masungit na tanong niya sa akin.

Ang contradicting talaga ni Eroz minsan. Yung galawan niya ramdam kong may care sa akin. Pero pag nagsalita naman galit kaagad.

Marahan akong umiling. "It's ok. Matutuyo din yan" sagot ko na mas lalo niyang ikinagalit. Totoo naman kaya, matutuyo din naman iyon.

"Tsk" sambit niya sabay irap sa akin.

Tinalikuran niya ako. "Tara sa opisina, Gertrude" matigas na yaya niya sa akin.

Sandali ko munang pinanuod ang mabibigat na paglakad niya. Akala mo palaging may kaaway itong si Eroz kung maglakad. Hindi ko naman inaaway, siya nga tong nangaaway.

Makahulugan siyang nginitian ng mga trabahador sa pangunguna ni Junie. Kahit nakatalikod man ay sure akong inirapan sila ni Eroz kaya naman mas lalo silang nag giggle.

"Basa na ang likod ng baby ni boss Eroz" si Junie nanaman.

Sobrang init ng pisngi ko dahil duon. Itong Junie na to, ang ingay ingay.

"You shut up nga diyan Junie. You're so ingay" suway ko sa kanya. In a nice way naman iyon.

Mas lalong lumaki ang ngiti niya. Nagkamot nanaman siya sa batok. Gusto ko sanang itanong kung ano bang makati duon or it's his gesture na talaga?

"Eh Ma'm natutuwa lang kami dahil aligaga si Boss Eroz kahapon. Ayun naman pala, dadalhin kayo dito. Ngayon lang namin siya nakitang ganyan...ulit" mahabang paliwanag ni Junie sa akin.

Bahagyang kumunot ang noo ko. Ulit. Imbes na magtanong ay kaagad akong napaiktad ng marinig ko ang pagtawag ni Eroz sa akin.

"I'm going muna" paalam ko sa kanila bago ako tumakbo patungo sa office ni Eroz.

"What took you so long?" iritadong tanong niya pagkapasok ko.

Imbes na alalahanin ang tanong niya ay kaagad kong napansin ang pagkakapatay ng aircon. Mabuti patay ang aircon, siguradong uubuhin ako kung mula sa init sa labas ay papasok ako sa lamig.

"Si Junie, chinika minute pa ako" sagot ko kay Eroz. Kita ko ang pagigting nanaman ng panga niya.

Nagiwas siya ng tingin sa akin. Nakasuot na siya ng plain na white shirt. I like him more pag ganyan ang suot niya. Super simple lang pero mas lalong lumakas ang dating ni Eroz. Ewan ko ba, crush ko kasi eh, kaya bias.

"Magpalit ka na ng damit. Magtatanghalian na..." seryosong sabi niya sa akin.

Lumapit ako sa kanya para kuhanin ang puting tshirt. Sandali ko pang pinanlakihan ng mata iyon bago ko narealize. It's the same, same ng suot niya.

"Whoa. If I wear this, same na tayo. Like naka couple shirt tayo" excited na sabi ko pa sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

Hindi ko na din naman siya pinansin dahil kaagad akong pumasok sa comfort room sa loob ng office niya. Mabilis kong hinubad ang red kong polo shirt. Nang isuot ko ang tshirt ni Eroz ay kaagad na natabunan ang suot kong white shorts. Para tuloy akong nakaduster, ang manggas ay halos nasa braso ko na. Ang wide kasi ng shoulder ni Eroz. Pag yun, niyakap ako...

Itinuck in ko na lang siya with my white short. Medyo expose din ang clavicle ko and neck part.

"It's big for me, but I like it a lot because ang comfortable" nakangiting kwento ko kay Eroz.

Pagkalabas ko ng comfort room at naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang swivel chair. Pinaglalaruan ang lower lip at parang ang deep ng iniisip.

Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan. Muli siyang tumikhim at parang nainis nanaman. Marahas siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. Tumunog pa nga iyon, he's so violent.

"Bukas magdala ka na ng extra mong damit" pagsusungit pa din niya.

Wala ulit akong pakialam. Bahagya pa akong napatalon at napapalakpak dahil sa narinig.

"Isasama mo ulit ako bukas dito?" tanong ko. I want to make sure, para if ever na hindi ako isama ni Eroz. May panlaban kaagad ako. Him against his words.

Sumama ang tingin niya sa may pintuan. "Depende kung..." hindi niya tinapos.

"Hindi pa nangangalahati ang araw..." pabulong na ang mga sumunod na words kaya naman hindi ko na naintindihan. Yun din ang isa pang problema namin, communications. Wala kami nuon.

Tahimik akong nakasunod sa kanya. Ngiting ngiti pa ako dahil sa pagkakapareho ng suot naming damit. Maingay sa gitna ng warehouse, nagulat pa ako ng makitang may mahabang mesa na duon, may mga pagkain na din. Ganito ata talaga sila mag lunch. Sabay sabay. Ang saya!

Dahil sa excitement ay tumakbo ako palapit duon. Nalagpasan ko pa nga si Eroz. Narinig ko nanaman ang pagtikhim niya.

"Gertrude..." matigas na suway niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin, dumiretso ako sa may mahabang lamesa.

Maraming foods duon at ang iba ay nakabilao pa. Looks like may handaan.

"Ma'm Gertrude. Misis ko po, si Erika" pagpapakilala ni Junie sa akin ng magandang babae.

Mabilis na lumaki ang ngiti ko, lumapit pa ako sa kanilang dalawa para formal na makipagshake hands.

"Ang ganda ng wife mo, Junie" puri ko. Namamangha pa.

Nginitian ako ni Ate Erika pabalik. Maganda siya, parang galing din ng manila. Gwapo din naman si Junie. They are so bagay.

"Eh, gwapo din naman ako Ma'm eh, diba?" tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Yup" tipid na sagot ko. Nasa harapan namin ang wife niya, I should be careful about everything I say. Ayaw kong maka offend ng kahit na sino. Kahit walang malisya, I just want to respect everyone.

"Ang ganda naman pala ng mapapangasawa ni Sir Eroz. Kaya naman pala nag pahanda ng madaming pagkain..." nakangiting sabi ni Ate Erika.

Nginitian ko siya kahit parang nagkagulo ang mga butterfly ko sa stomach. Nilingon ko ang aking likuran, nakita kong malapit na si Eroz sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran.

"Si Gertrude, fiance ko" pagpapakilala niya sa akin dito.

"Si Erika, asawa ni Junie. Siya ang nagluluto para sa lahat" kwento niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

Mabait si Ate Erika sa akin. Just like Junie, magaan kaagad ang pakiramdam ko sa kanya. I like her a lot, sana ay pwede pa kaming mas maging friends.

Magkatabi kami ni Eroz, bumaba na din ang mga taga office kaya naman nakita ko nanaman si Alice. Napanguso ako, gusto ko sanang ipakita sa kanya na suot ko ang damit ni Eroz. Pero wag na lang, mas nauna nga pala siya sa aking makapagsupt ng damit nito.

Maingay ang buong lamesa dahil sa pagtatawanan. This is not the usual na lunch na kinalakihan ko. More on intimate ang sa amin, tahimik sa pagkain. Kung maguusap man, hindi ganuon kaingay. Unlike dito na hindi ko alam kung sino talaga ang mga naguusap dahil lahat naman sila ay nagsasalita.

"Gusto mo nito?" tanong ni Eroz sa akin.

Nabigla na lang ako ng paglingon ko sa plato ko ay may kanin na at may lumpiang shanghai pa. Yun kaagad ang unang naubos.

"Sarsa lang ang gusto ko sa kare kare. Hindi ako nag e-eat ng eggplant" sabi ko kay Eroz.

Hindi siya nagsalita. Pinanuod ko kung paano niya lagyan ng sarsa ng kare kare ang ibabaw ng rice ko. Kumuha siya ng fried chicken, pinili niya ng mabuti. Hindi ako nagsalita, napangiti ako ng makita kong wing part ang nilagay niya sa plato ko. Alam niya talaga.

"Kumain ng madami, ano pang gusto mo?" tanong niya sa akin. Kahit naman seryoso ang tono ng pananalita ni Eroz ay ramdam ko namang he really cares for me.

Sandali kong pinasadahan ng tingin ang buong lamesa. Madami pang pagkain pero ok na ako sa chicken. I can eat fried chicken all day, everyday.

Umiling na lamang ako sa kanya kaya naman tumango siya at nagstart na ding kumain. Hindi pa ako nakakain ng maayos ng maramdaman ko ang pagtingin tingin ni Alice sa aming gawi. Hindi para tingnan ako, kundi para sumulyap kay Eroz.

Nilingon ko si Eroz. Abala siya sa pagkain at pakikipagusap sa mga trabahador. Hinayaan ko na lang. Alice can look, but she can't touch.

Nilingon ko din ang mga puppy na hanggang ngayon ay natutulog pa din. Naisip kong magtira ng pagkain ko para sa kanila. Pwede na kaya silang mag eat ng rice? Or milk pa din? Nasaan kaya ang Mommy dog nila?

Naawa ako sa tuta. Pare pareho kaming wala ng Mommy. Ako, wala na si Mama. And I miss her everyday.

"Bakit?" biglang tanong ni Eroz sa akin. Nagulat pa ako, hindi ko inexpect na he'll ask me.

Marahan akong tumango. "Namiss ko lang si Mama. Naisip kong same kami ng situation ng mga puppy" kwento ko sa kanya.

Pumungay ang kanyang mga mata. "Kaya nga aampunin natin ang aso. Kumain ka na" marahang sabi niya sa akin.

Tumango ako at pinarte ang ulam at kanin. "Ano yan?" tanong ni Eroz na hanggang ngayon ay pinapanuod pa din pala ako.

"Ito sa puppy natin" turo ko.

Tumikhim siya. "Hindi pa pwedeng kumain ng kanina ang tuta natin, Gertrude" suway niya sa akin kaya naman napaawang ang labi ko.

"So, who's gonna breastfeed na tuta?" tanong ko out of nowhere. Dahil duon ay nasamid si Eroz at kaagad na napaubo.

Mabilis ko siyang inabutan ng baso ng tubig. He makes irap again, a thousand times.

"Ako na ang bahala duon. Kumain ka na diyan" masungit na suway niya.

Tipid akong tumango. Pero bago iyon ay hindi ko naiwasang bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib. Nakita niya ang ginawa ko kaya naman narinig ko ang mahina niyang pagmumura.

"I'm not gonna breast feed the dog, Gertrude. Pwede ba..." suway niya. The way na kumunot ang noo niya para bang hirap na hirap na siya.

"I know naman, kasi wala ka namang milk!" laban ko sa kanya.

Mariing napapikit si Eroz. Kulang na lang pumutok ang ugat sa sintido niya dahil sa pagkakakunot ng kanyang noo.

"Naalala ko tuloy si Miss Tathi!" sabi ng isa sa mga trabahador.

Kaagad na nakuha ang aking atensyon. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsalita, pero nang maglaon ay natahimik din silang lahat. Naging awkward.

"Ganitong ganito din nuon si Sir Eroz kay Ma'm Tathi. Araw araw pa nga!" nakangiting kwento ni Alice.

Napatingin ako sa kanya. Nang makita niyang nasa kanya na ang atensyon ko ay nagtaas siya ng kilay sa akin and smile more.

"Oo, pero tapos na iyon. Kumain na tayo! May ube!" si Junie to divert sana ang topic pero ang lahat ay nanahimik pa din.

Nginitian ko pa din ang lahat kahit alanganin silang sumulyap sa akin. Baka inaakala nila ay magagalit ako dahil duon, but hindi naman.

"It's ok. I know Tathi, Friends kami" kwento ko sa mga ito. Sabay sabay silang nagtanguan.

Sumulyap ako kay Alice na ngayon ay unti unting napapawi ang ngiti. Siya naman ngayon ang pinagtaasan ko ng kilay. Sa tono ng pananalita niya, parang mas bitter pa nga siya sa akin.

Matapos ang tanghalian ay humiwalay na ako sa kanila. Bumalik ako sa office ni Eroz para maghanap ng coffee. Coffee is part of my every meal.

Pagkapasok ko duon ay napabuntong hininga ako. My heart is so heavy, I don't know why. Wala namang may kasalanan, wala namang nananakit sa akin. It's just that, bigla na lang siyang naging heavy.

Wala coffee sa office ni Eroz. Alam kong wala naman talaga. Pinaniwala ko lang ang sarili ko na iyon ang hinahanap ko. Kahit ang totoo ay gusto ko lang mapagisa. Hindi ako sanay sa tao, ang akala ko kaya kong magopen up. Pero hinahanap hanap ko pa din ang katahimikan.

Nang makaupo sa may sofa ay ilang beses kong kinurot ang likod ng aking palad. To divert sana ang bigat ng dibdib ko sa sakot na mararamdaman ko duon. Pero hindi nangyari.

Napaayos ako ng upo ng bumukas ang pintuan at pumasok si Eroz. Ang kanyang mga mata ay nakatuon kaagad sa aking mga kamay. Mabilis kong itinago iyon.

"Wala kang coffee? Gusto ko sana ng coffee" sabi ko sa kanya.

Nanatili ang seryosong expression ng kanyang mukha ng lapitan ako.

"Magpapabili ako" sabi niya sa akin.

Tumabi siya sa akin. "Pwede, starbucks? I miss na kasi ang taste ng coffee duon" palusot ko na lang kahit ang totoo ay natatakot akong makita niya ang ginawa ko sa kamay ko.

Hindi siya nagsalita. Hanggang sa wala na akong nagawa ng kuhanin niya ang kamay ko. Lumiit iyon dahil sa hawak niya.

"Ginagawa mo pa din ito?" seryosong tanong niya sa akin.

Napanguso ako, gusto kong maiyak ng marahan niyang haplusin ang likod ng aking palad.

"Gertie, pag sobrang sakit na. Maiintindihan ko kung iiwan mo ako..." marahang sabi niya na ikinagulat ko. Duon na kusang tumulo ang aking mga luha.

"Ayokong hawakan ka ng mahigpit sa ngayon, baka magkamali nanaman ako. You have all the reason to leave...I'll understand" paguulit niya.









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro