Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Baby





My eyes widen when I finally realized what I said. Kaagad na lumipad ang kamay ko sa aking bibig para takpan iyon, to refuse na wag na ulit magsalita pa. I need to keep quite na at baka kung ano pa ang masabi ko kay Eroz.

That was deep. Masyado ko namang inilabas ang lahat ng nararamdaman ko dahil sa epekto ng narinig ko sa paguusap nila ni Piero kanina. Pati darkness ay naisama ko pa.

"I mean. Hindi na ulit ako aalis ng hindi nagpapaalam..." palusot ko, medyo kabado pa.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng wala akong makita sa mga mata ni Eroz kundi wala. It's blank, no emotions at all. Nakatingin lang siya sa akin. And it's a bit scary na hindi ko mabasa ang expression niya na iyon.

"Promise" sabi ko pa sabay taas ng kanang kamay ko na para bang nanunumpa.

Lumipat sandali ang tingin niya sa nakataas kong kamay, pagkatapos ay sa mukha ko ulit bago niya ako pinigyan nanaman ng isang irap. Mas madami pa ata siyang nagawang irap kesa sa akin. So masungit.

"Gamutin na natin yang sugat mo..." tamad na sabi niya at kaagad akong tinalikuran para magtungo sa kung saan.

Napanguso na lamang ako at pagod na umupo sa aming kahoy na sofa. Napangiwi pa ako nung una dahil sa padarag kong pagkakaupo ay nasaktan pa tuloy ang pwet ko. Mabilis akong napaayos ng upo ng makita ko na ang pagbalik niya, may dala na siyang ointment.

"Mag prito lang hindi ka pa marunong" sita niya ng umupo siya sa aking tabi.

Na amoy ko kaagad ang bango ni Eroz. It's mild and addicting. And super manly, I so love his smell.

"Feeling ko, there is something wrong in the mantika. Kasi sa bahay namin hindi naman tumatalsik ang mantika..." pagdadahilan ko. And I'm dead serious about it, feeling ko talaga ang mantika ang problema. Not my cooking skills ofcourse.

Naglapat ang kanyang mga labi na para bang pinipigilan na lamang niyang magsalita. Napakagat na lamang ako sa aking pangibabang labi to do the same.

Ramdam na ramdam ko ang pagsitayuan ng balahibo ko sa braso, even sa leeg dahil sa marahan niyang paghawak sa aking kamay. Bahagya pang nanlaki ang aking mga mata ng ipinatong niya iyon in the middle of his hita and tuhod. Tama lang, wholesome pa din naman o ako lang talaga itong malisyosa?

"Whoa, it's mahapdi, but malamig" hindi ko napigilan ang sarili kong magcomment ng magsimula na siyang magapply ng ointment sa aking kamay. Kitang kita ang mga tilamsik, mabuti na nga lang at wala sa face.

"Paano ka mabubuhay magisa kung simpleng pagprito ay hindi ka marunong?" seryosong tanong niya sa akin.

Mabuti na lang at tunog serious lang iyon. Hindi tunog galit. I sense a little concern din sa boses niya. Like someone who truly cares for me, na paano ako kung ako lang magisa?

"Frying is not simple. It requires a strong concentration and effort, lalo na kung ang matika ay lumilipad everywhere" giit ko a kanya.

Umigting ang panga ni Eroz. Nanatili ang tingin niya sa ginagawang pag apply ng ointment sa aking kamay.

"Ewan ko sayo..." pagsuko na lang niya bago napabuntong hininga.

Pinalobo ko ang aking maglabilang pisngi. "I'll learn that in time...please wait for me hanggang sa matutunan ko ang lahat ng ito" marahang sabi ko.

Nanatili ang tingin ko kay Eroz. Mas lalo ko tuloy nakita ang haba ng kanyang lashes. Napahinto siya sa ginagawa ngunit nanduon pa din ang tingin niya sa kamay ko. Bumaba ang tingin ko sa kanyang adams apple ng bayolente iyong magtaas baba.

"You don't need to do this kung napipilitan ka lang" seryosong sabi niya sa akin.

"I'm not napipilitan, Eroz" giit ko.

Hindi naman ako papayag sa ganitong set up kung hindi ito bukal sa loob ko. I'm doing this because I want to know him better. I believe na hindi masamang tao si Eroz, na kaya lang siya ganyan ay dahil may pinagdadaanan siya or may reason siya.

When I ask him to wait for me to learn all of this things. I mean to wait for him, hanggang sa makabangon siya sa kung ano man ang dahilan kung bakit siya ganito. I'll wait, hanggang sa kaya ko. If I know naman at alam kong wala na talaga. Kaya ko namang bumitaw, I know myself.

"Why do you want this Gertrude? Mahihirapan ka lang sa akin..." he said.

Marahan akong umiling. "Nahihirapan ka din naman sa akin...pareho lang tayong nagaadjust sa isa't isa"

"Masasaktan lang kita..." paos na sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero namanhid ang aking buong katawan. Naramdaman ko din ang paginit ng gilid ng aking mga mata. Bumigat ang dibdib ko sa pinaghalong lungkot at saya. Alam pa niya,  he is aware naman pala na nasasaktan niya ako.

Bumaba ang tingin ko sa sahig. Muli kong narinig ang kanyang pagbuntong hininga.

"Masakit pa?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Huh?"

"Yung kamay mo, mahapdi pa ba?" seryosong paguulit niya ng tanong.

Marahan akong umiling. Medyo mahapdi pa din naman pero bearable na dahil sa malamig na ointment gel na nilagay ni Eroz. Tumango siya hanggang sa lumipat ang tingin niya sa mukha ko, hindi ako nakagalaw dahil duon hanggang sa narealize ko na ang chinicheck niya ay kung may tilamsik din ako ng mantika sa mukha.

"Babalik pa ako sa factory. Umuwi lang ako para sana..." hindi niya na itinuloy ang paliwanag niya at sobrang nakakafrustrate iyon. Gusto ko sanang sabihing ituloy niya dahil gusto kong malaman pero may naalala ako.

"May babaeng naghahanap sayo kanina. Isosoli daw niya ang tshirt mo..." paliwanag ko. I don't want to sound angry or bitter pero kahit ako ay ramdam ko ang pait nuon.

Nagtaas ng kilay si Eroz na para bang wala din siyang maalala. Hmp! Kunwari pa. Hindi naman ako maniniwala na walang nagkakagusto sa kanya dito for the past three months.

"And...and, magkita na lang daw kayo sa work. Hmp" hindi ko na napigilan pa ang mga pagmamaktol sa dulo ng mga salita. I know I have karapatan to feel that way! I have karapatan!

Nakita ko kung paano bahagya niyang kinagat ang pangibabang labi dahil sa pinipigilang kung ano. I twisted my lips.

"Si Alice siguro iyon" sabo niya sa akin kaya naman mas lalong nanlaki ang mata ko.

"And who is she? Bakit nasa kanya ang damit mo? I have the right to ask right? Nag a-ask lang naman..." tanong ko sabay being defensive after. What are you Gertrude? Get a hold of yourself!

"She needs an extra tshirt that day. Pinahiram ko, so yon..." paliwanag din naman niya kaya naman napabuntong hininga ako.

"Nag ask lang ako" paalala ko ulit. Gusto ko tuloy kurutin ang sarili ko dahil mas nagmukha akong defensive.

Tumango si Eroz. "Ok" tipid na sagot din naman niya kaya naman mas lalo akong nagiwas ng tingin.

Sandaling walang umimik sa aming dalawa hanggang sa bahagya siyang gumalaw na para bang aalis na talaga pero may pumipigil pa.

"Aalis na ako" sabi niya.

Marahan akong tumango. "Sige ingat"

Sandali niya ulit akong tiningnan hanggang sa mariin siyang napapikit.

"Bukas dadalhin kita sa factory, para makilala mo ang mga katrabaho ko"

"Really? As in!?" excited na sabi ko sa kanya. Napapalakpak pa ako at bahagyang napatalon.

"Sana mag gabi na para bukas na kaagad" sabki ko pa. Masyadong naging all out ang excitement ko.

Ganuon ako pag excited. Masyadong inip pag mabagal ang takbo ng oras. Nalulungkot naman pag mabilis lumipas ang pag masaya ako at gusto ko ang mga nangyayari.

"Aalis na talaga ako" paalam ulit niya sa akin kaya naman tumango ako habang nakangiti pa.

Nang maghapon ay nakatulog ako dahil sa pagod. Hindi ko alam kung bakit ako napagod pero pagod ang buong body ko. Baka dahil sa pakikipaglaban ko sa tumitilamsik na mantika kanina.

Alas kwatro ng magising ako. 5 pa ang uwi ni Eroz pero gutom na ako. Naghanap ako ng makakain sa ref pero wala naman akong nagustuhan kaya naman sa huli ay nagkape na lamang ako. Dala ko ang kape ko ng lumabas ako para umupo sa may maliit na lamesa sa ilalim ng puno ng hindi ko alam na puno. It's not familiar to me, basta puno siya.

I'm in the middle of sipping my coffee ng biglang tumunog ang phone ko para sa isang tawag. Number lang iyon, nagalangan pa akong sagutin pero sa huli ay sinagot ko pa din.

"Hello..." marahang bati ko.

Tahimik ang nasa may kabilang linya. Para bang pinapakiramdaman niya din ako.

"If hindi ka sasagot, I'll hang up na this call..." pananakot ko sa unknown caller.

Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang pamilyar na ngisi sa kabilang linya. Alam ko na kaagad kung sino iyon. Hay naku.

"Hi, Babe...it's Hobbes" sabi niya kaya naman napairap ako sa kawalan.

"Babe ulit?"  tanong ko. Parang, the last time ang tawag niya sa akin Miss. Tapos ngayon Babe ulit. He is so magulo.

I heard him chuckle on the other side of the line. Tuwang tuwa nanaman siya na naiinis niya ako. Itong si Hobbes, papansin.

"Edi, Miss. Miss na kita, Miss" magulong sabi niya sa akin, but I get the thoughts naman.

Napanguso ako. I don't know kung anong isasagot ko sa kanya. Miss ko din naman siya, I miss our coffee dates as a friend. Our lunch dates together, as a friend. I don't want to give Hobbes a false hope. As much as possible, I don't wat to hurt other people, lalo na ang feelings. Hurting someone's feelings is deep. Hindi iyan parang sugat na gagaling aftet a period of time.

"You making...bola nanaman!" sabi ko na lang para na din maging light ang paguusap namin.

"Kailan kita binola?"

Sandali akong sumimsim ng coffee bago ko siya sinagot. "Always naman...basketball player ka ba at palagi kang nambobola?" tanong ko.

Narinig ko nanaman ang tawa niya sa kabilang linya. Serious ako tapos siya ay tawa lang ng tawa. Ginagawa niya talaga akong katatawanan palagi. Hmp!

"Whoa, pumipick up line ka na ngayon. Miss? Sabihin mo yan sa akin pag magkaharap tayo"

"It's not pick up line. Duh, I'm not corny like you kaya..." laban ko sa kanya, sa huli ay natawa na lang din ako. Lalo na ng maalala ko yung mga corny jokes na palagi niyang sinasabi sa akin.

He always have a baon na corny jokes for me nuon. Hindi ko din alam kung bakit natatawa ako duon, maybe because it's the way nang pagdedelivery ni Hobbes.

"Hindi na ako nagkakape..." lungkot lungkutan niyang sabi sa kabilang linya.

"Ako nag kakape!" pangiinggit ko.

"Mas lalo kitang namimiss pag nagpupunta ako sa coffee shop...umuwi ka na baby, hindi na ako sanay na wala ka" he said tapos tumawa sa dulo.

"Hobbes, you're so baduy!" hiyaw ko. Tawang tawa ako, I know that song pero ginawa niyang tula. Akala mo naman talaga!

Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa paguusap naming dalawa. Nagalit pa nga ng kamustahin ko si Cairo sa kanya. Ayaw daw niyang pagusapan namin ang ibang tao lalo na pag lalaki. Eh si Cairo naman iyon.

Saktong pagkababa ko ng tawag ay pumasok ang pulang pick up ni Eroz. Dahil bukas ang bintana nuon ay kita ko kaagad na nakatingin na siya sa akin. Napatayo tuloy ako at napatingin sa aking phone para tingnan ang oras. Saktong 5 ng hapon at nandito na siya.

"Sinong kausap mo?" tanong niya. Bumaba pa ang tingin niya sa hawak kong phone. Nakita pa niya yon? Na may kausap ako?

"Uhm. Si Hobbes..." pagamin ko. I don't wanna lie. As much as possible, telling the truth and being honest ay kailangan din namin. Kaya sana ay ganuon din siya.

Umigting ang panga ni Eroz. Bahagya pang kumunot ang noo at nanliit ang mga mata na para bang nasilaw siya eh wala naman ng araw, may araw pero hindi sapat para masilaw siya.

"Miss mo?" diretsahang tanong niya sa akin.

Nagulat pa akp dahil duon. Hindi ko inakala na itatanong niya iyon sa akin. Knowing how serious he is. Ang napansin ko kay Eroz ay malimit siyang magsalita, pero pag nagsalita na. Straight forward naman masyado, walang preno.

"Uhm...a bit, syempre friend ko si Hobbes" mahinang sabi ko, nag alangan pa ako kung tama bang sabihin ko iyon. Pero iyon naman ang totoo eh. Whits lies is still kasinungalingan.

Hindi siya umimik. "Nagseselos ka ba?" tanong ko. Sabihin niya para alam ko kung anong gagawin. Baka mamaya hindi ako aware na may itinatago siyang tampo or galit sa akin.

Masungit siyang tumingin sa akin habang nakataas ang isang kilay. "At bakit ako magseselos?" balik na tanong niya sa akin.

Natameme ako sandali hanggang sa magkibit balikat na lamang ako ng makabawi.

"Ok, mabuti na yung clear" pagsuko ko na lang.

Tumikhim siya at inirapan ulit ako. "Makipagusap ka araw araw, para masaya...diba?" mapanuyang sabi niya sa akin bago niya ako tinalikuran at mas nauna pang naglakad papasok sa bahay.

Ang lalaki ng hakbang niya. The way he walks para siyang may susugurin. Nakakuyom pa ang kamao.

"Depends, busy siya eh..." sabi ko pa ng maabutan ko siya.

Hindi niya ako pinansin. Mas lalo atang nagalit at dumiretso sa may banyo.

Hindi niya ako pinansin. Kahit pa nung nagayos siya para magluto ng dinner namin. Medyo nahiya pa nga ako dahil ako dapat ang gagawa nuon pero siya ang gumagawa kahit pagod siya sa trabaho.

"I'll arrange the table and ako na ang mag wa-wash ng dishes after kumain, promise iingatan ko ang plates kahit may pambili tayo ng bago" mahabang paliwanag ko eh ang gagawin ko lang naman talaga ay magayos ng lamesa at maghugas.

Tumalim ang tingin niya sa niluluto. "Ang dami mong sinasabi" puna niya.

Napanguso na lamang ako at tahimik na ginawa ang dapat kong gawin. Kahit sa pagluluto ay bilib ako kay Eroz. May bagay kaya siyang hindi alam gawin? Parang lahat ay kaya niya. Parang kayang kaya niyang mabuhay ng magisa. I admire him for that, pero nakakatakot din ang ganuon. Sabi nga sa sayings, no man is an island.

Maaga akong gumising kinaumagahan. Sobra akong excited dahil makakapunta na ako sa workplace ni Eroz. Nagulat pa nga siya nung nagising ako habang nagaayos siya ng pinaghigaan niya.

"Good morning, Eroz" nakangiting bati ko sa kanya.

Good morning talaga dahil wala nanaman siyang suot na pangitaas na damit. Just a simple gray cotton pajama. Kaya naman ng tumalikod siya sa akin para ilagay sa lagayan ang mga unan and blankets niya ag nakita ko kung paano humubog sa suot niya ang round, big butt niya. Ang sexy lang, even the way yung curves sa body niya. Para siyang isang living sculpture.

Mariin akong napapikit at napasampal sa aking sarili. I'm so bastos, super bastos ka Gertie!

Matapos naming kumain ng breakfast ay umalis na din kami. I'm just wearing a simple red shirt na nakatuck in sa aking white shorts. Naka doll shoes lang din ako with my small kate spade body bag para sa mga essentials ko like, perfume, lip gloss, and many more na important.

Hinayaan kong nakalugay ang aking mahabang itim na buhok. Hindi na muna ako naglagay ng ribbon pero may baon ako sa bag ko. Non sense dahil magugulo lang din naman iyon dahil malakas ang hangin at open air ang sasakyan ni Eroz.

"Saan ako mag stay? May office ka duon?" tanong ko pa din kahit obvious naman because he is the boss. But knowing kasi how down to earth si Eroz.

"Sa office" tipid na sagot niya sa akin.

Ngumiti ako at tumango. Nakita ko kung paano niya pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan. Ilang minutes lang ang naging byahe namin papunta duon, huminto ang pick up sa harap ng malaking gate.

"Good morning, Boss Eroz!" bati ni Manong Guard.

Dumungaw pa siya sa loob kaya naman nabigla siya ng makita ako. Matamis ko siyang nginitian. "Good morning, Ma'm" bati niya din sa akin.

Uminit ang pisngi ko at mas napangiti ng malaki. Hindi ako sanay na tinatawag na Ma'm ng mga mas nakakatanda sa akin. I don't mind the status naman, I just want to treat everyone fair.

Pagkapasok pa lang namin sa loob ay nakaramdam na ako ng kaba ng makita ko ang ilang kalalakihan duon. Nakatingin na kaagad sila sa sasakyan ni Eroz, naka smile. Para bang excited silang makita ito.

Yung ibang naririnig kong story about sa workplace ayaw ng mga employee sa ibang boss nila. Pero ang mga nandito ay gustong gusto si Eroz. Buti pa talaga ang mga employees.

"I'm kabado" sabi ko kay Eroz bago kami tuluyang lumabas.

"Mababait ang mga iyan" paninigurado niya sa akin.

"Tara na" yaya niya sa akin kaya naman bumaba na din ako kasabay niya.

Narinig ko ang pagsinghap ng iilan sa mga iyon. Nakita ko kung paano kaagad sila umayos ng tayo, ang iba ay pasimple pang nagayos ng buhok. But everyone is smiling naman so nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Ang ganda ng asawa ni Boss Eroz!" pagbasag ng isa sa katamikan. Dahil sa sinabi niyang iyon ay napatango ang lahat. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang paginit ng aking magkabilang pisngi.

Ngumisi si Eroz duon sa nagsalita. Mas lalong uminit ang pisngi ko ng makita ko ang pag ngiti niya. Sobrang rare kasing ngumiti siya, dito pala ay malaya niyang ginagawa iyon. Kung ganuon, dito na lang ako palagi!

"Si Gertrude...fiance ko" si Eroz na ang nagpakilala sa akin sa kanila. Namangha ang mga iyon maging ako, the fact na sa bibig niya mismo iyon lumabas, this js really a sure ball.

Totoo pala talaga ang lahat ng ito. Ang buong akala ko kasi ay ilang araw na akong nananaginip.

Nahiyawan ang mga lalaki para mangasar, napapalakpak pa ang ilan. Tiningala ko si Eroz pero hindi naman siya nagtapon ng tingin sa akin. Para bang iwas na iwas din siyang tingnan ako, hanggang sa makita ko kung paano mamula ang kanyang tenga.

Pinakilala niya ako sa mga employee mas lalo kong napatunayan na close siya sa mga ito. I admire Eroz for that, halata kasing walang barrier sa kanila pero anduon pa din yung respect nila for Eroz.

Matapos niya akong ipakilala sa lahat maging sa mga taga office sa itaas ay dumiretso kami sa office niya. Hindi ako umimik kahit nakita ko duon yung Alice na hindi naman makatingin sa akin.

"Dito ka na lang, mainit sa labas. Magkakarga kami ng sako ng bigas" sabi niya sa akin.

"But, I want to watch" giit ko. Sandali pa siyang nagdalawang isip bago siya tumango at hinayaan akong sumama.

Palapit pa lang ay nakangiti na sa akin ang mga lalaki. Kagaya ni Eroz ay wala na din silang suot na mga pangitaas na damit. Ready na silang magbuhat ng mga sako.

"Sa inyo ang mga puppy?" tanong ko ng makita kong may nakalatag ng tela sa may gilit ang may mga tuta.

"Pinamimigay po namin yan Ma'm. Sobrang dami na kasi sa bahay" si Junie ang sumagot sa akin.

Kaagad akong umupo para mas mapalapit sa mga tuta. Kaagad na naagaw ang atensyon ko ng tuta na kagaya ng kulay ni Princess nuon. Bigla ko tuloy siyang na miss.

"Gusto niyo po ng isa, Ma'm" tanong ni Junie sa akin.

Mabilis akong tumango sa kanya. Pagkatapos ay napatingin ako kay Eroz na ngayon ay naguumpisa ng magbuhat ng sako ng bigas paakayat sa may truck.

Napatingin siya sa akin ng mapansin siguro niyang nakatingin kaming dalawa ni Junie sa kanya.

"Pwede ko bang iuwi sa bahay natin ang tuta? Ngayon lang ako magkakaroon ng half breed na aso" tanong ko kay Eroz.

Inirapan niya lang ako at pinagpatuloy ang pagbubuhat.

"Hindi yan half breed. Purong askal yan" sabi niya sa akin kaya naman maging si Junie ay natawa.

"Pero, pwede nga?" paguulit ko.

"Ikaw ang bahala" tamad na sabk niya sa akin.

Dahil duon ay napapalakpak ako. "Yehey, may baby na ulit tayo..." sabi ko out of nowhere.

"Baby ko...may bago na akong baby" paguulit ko at halos itago ko ang mukha ko sa sobrang kahihiyan.

"May bagong baby na si Boss Eroz...Si Ma'm Gertrude" si Junie na mas lalong ikinalaki ng aking mata.

"Manahimik ka nga diyan, Junie" masungit na suway ni Eroz sa kanya.








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro